Huwebes, Nobyembre 28, 2019

Heavenly Metal: Demon Hunter band



'Demon Hunter is the best heavy metal bands of all time!'


Due to its extreme sound and aggressive lyrics, heavy metal music is often associated with controversy. Among the genre's most contentious moments, there have been instances of blasphemous merchandise, accusations of promoting suicide and bad things associated with this kind of genre. Why, then, if it's so "bad", do so many people enjoy it?

There are many reasons why people align themselves with genres of music. It may be to feel a sense of belonging, because they enjoy the sound, identify with the lyrical themes, or want to look and act a certain way. For me, my love of heavy metal was probably a way to feel a little bit different from most people who liked popular music and gain some internal confidence. Plus, I loved the sound of it.

I first began to listen to heavy metal when I was 15 or 16 years old when there's still NU 107.5 and LA 105.9 in the airwaves of the radio station in the Philippines. These radio stations and underground bands introduced me to the world of headbanging. I heard singles by The Wuds, Philippine Violators, Death By Stereo, Snakebite Religion, Mga Anak ng Tupa and Razorback. Foreign bands also metal crunching in my ears, the band such as Cannibal Corpse, Metallica, Pantera, Iron Maiden, Slayer, Marilyn Manson and many to mention.

Demon Hunter front man Ryan Clark is also a Graphic Designer. :o

Researchers have studied more specifically why people listen to heavy metal, and whether it influences subsequent behaviour. For people who are not fans of heavy metal, listening to music seems to have a negative impact on well-being.

Everything changes when Christian metal bands came like Demon Hunter.

'Demon Hunter'

For anyone who wants to know the logo is a goathead with bullet hole in it which the goathead is a sign of the demon Baphomet and the bullet hole to the head is the death of this demon. The death of our inner demons that we used to fight everyday. This represents to why they are called Demon Hunter.

Bands like this got me listening to Christian lyrics when I first started out. At that time I couldn't listen to the softer music at church and feel the inspiration to fight my inner demons and come closer to Christ. This band became my source of hope when I'm recovering from my coronary artery disease. The lyrics through Christ becomes my strength in my recovery period. This was my "battle music" then and still continues to be now. That's why I also share their songs in my newsfeed for the people to get attached to every song, every lyric. I can listen to other genres of Christian music now. I'm amazed at how many there were. A new Christian can start out with harder stuff like this so they can hear Christ-centered lyrics. I hope they do well. I love Demon Hunter.
The fact is even atheists like there songs and somehow, somewhere change their beliefs.

These are the screenshots on how people get attached to Demon Hunter's music.






























These are my favorite Demon Hunter tracks with my favorite lyric line:

I am a Stone
"I am a stone, unaffected
Rain hell down onto me
Flesh and bone, unaffected
Your fool I will not be"

The person asserts to not crumble. Even though a lot of things can be affected by horrible things, the person will remain standing. There will not be a succumbing to sin. Even though sin may force the person to bow down, the person asserts to not even be affected in "flesh and bone" 

Dead Flowers
"Dead flowers for the torn apart
Laid at the grave to heal a broken heart
Let it rain until it floods
Let the sun breathe life once more"

To me it talks about how we are dead to the world but alive in Christ. And if you're brokenhearted dead flowers means the opposite. Means you are giving life, not death.

Driving Nails
"I close my eyes
Search for you
Retracing every step"

This song is a realization of our sinful nature. It deals with the feeling that, despite our attempts to attain a truly pure life, there is always a sinful nature that aims to push us back down. The lyrics recognize that something within us is at war with our faith, but in those moments of clarity, we can close our eyes and retrace our steps back to the Lord, where in His grace we are seen as holy and pure.


On My Side
"Where is the enemy?
I can feel no bite
Where is the enemy
When death is on my side?"

The song is trying to remind us not to be scared in death. If you are a believer of Christ and if your time comes, death has been defeated by Christ, be good on Earth and you will not decay.


One Step Behind
"Father
Forevermore
In dark, in light, remember me
Searching
Find in the name
The truth, the right, and take the lead"

In Ryan's notes (the vocalist), he writes that this song is for his daughter (Cadence). To let her know that through her life if she's ever lost, he'll always be there for her.


More Than Bones
"When the fear is your Messiah
Weaponize your mind
Carve these hollow words inside your soul
I will send to you a passage
Far beyond my time
Hear my fury echo through your cold"


This song is basically saying that when I leave this earth, I'll leave you more than bones - I'll leave you all of my thoughts and all of my hopes and dreams and my desire to connect and resonate with people through this music.

Time Only Takes
"The measures we take
Will anchor our soul-defining place
Decisions we make
Tomorrow may come to shape our ways"

Gravity, time & death will all pass away. Results of Lucifer's disobedience. Be obedient to God, and you will remain forever.


Raining Down
"It's raining down
Under the promise of a dark and heartless skyRaining nowWe know the flood is comingDon't close your eyes"

From the vocalist: When the sun is shining in our own lives, it’s important to remember that it’s raining down upon someone else.

It can be difficult to truly see outside yourself – especially when everything seems to be coming up roses. When we suffer, we expect the world to stop and suffer with us… But when we’re basking in the glow of good fortune, we’re often blind to those whose lives are in turmoil. This song is a reminder, to myself as much as anyone else, to be mindful at all times of the difficulties others face.

The Wind
"These city lights illuminate your breath
As you tell of all the ways that you feel dead

December left you cold and alone
I'm sorry but I have enough to fear on my own"

This is my personal favorite. Last year of 2018, Christmas season I was really depressed and hopeless because of my condition, the chronic heart disease that I have. The song inspired me a lot to get through and there's more reason to fight before my successful open heart surgery.

Slight The Odds
"Cut my teeth against the grain
Let me die without the pain (or live to slight the odds)
Same old trouble after all
Will I go before I fall (or live to slight the odds)"

From the vocalist: “I’ve written songs about friends losing their faith before. As it continues to be an unfortunate reality in my life, it remains a relevant subject. In this song I attempt a more sympathetic approach, understanding that many seasons in life can seem unforgiving.

Slight, in a sense, means to reject. As I see it, in terms of keeping my own faith, the odds are stacked against me. But I would rather die with my faith intact than live to see it dwindle away.

Carry Me Down
"Will you carry me down the aisle that final day
With your tears and bones shaking from the weight?
When you lower me down beneath that sky of grey
Let the rain fall down and wash away your pain"

I saw this song as more of a letter to loved ones about the death of this person. "carry me down the aisle that final day" which means on the day of his death obviously, "tears and cold hands shaking from the weight" so he wants the people closest to him to carry his casket. then finally "let the rain fall down and wash away your pain" Demon Hunter's message always has to do with Jesus, so in this line I think its telling the people he loves not to mourn his death, but rejoice his salvation.

My Heartstrings Come Undone
"And when my heartstrings come undone
I will wait for you, pray for you
Before I make my final run
I will stay with you, decay with you"

To me personally, I see it about sin. A specific sin that's really hard for you to give up. And you promised God so many times that you would stop doing it, but no matter what, you keep turning to it. "i hope it doesn't last
It's something i already chased, i already chased"

Leave Me Alone
"That's my only guess
Break the flesh till nothing left to atone
But I wanna know
When the grave will need me or just leave me alone"

This song hits me on a personal level... Ryan wrote it about a serious, albeit temporary, health problem. For people with chronic stuff it means a lot more..

"But I wanna know when the grave will need me or just leave me alone"

Martes, Nobyembre 19, 2019

Krismas (Kringle) Single?



'Single bells, single bells, single all the way'


Malamig na hangin, mga batang nangangaroling, mga kumukutikutitap na ilaw sa daan. Masasabi mong Pasko na ngang talaga.

Kasabay nang paglamig ng simoy ng hangin ay ito namang panlalamig sa puso mong matagal ng hindi nalilimliman ng pag-ibig. Hala sige mainggit ka sa mga magshota (short time) at mga magkarelasyon na nakikita mo araw-araw sa simbahan. Yung tipong kada lingon mo sa lahat ng angulo ng lugar eh sakto naman na may makikita ka. Hindi ko alam pero mas talamak talaga sila kapag ngayong Kapaskuhan.

Pero tohl, bago ka magpost sa Facebook, Twitter nang mga hugot mo at ng kung anu-ano. Isipin mo muna kung para saan nga ba talaga ang pasko? Kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ito ipinagdiriwang kada taon.

Unang-una hindi naman kasi Valentine's Day ang December 25. Bakit kailangan mongmaging malungkot at magmukmok kasama ang playlist ng December Avenue?  Tsong, ateng, may pamilya naman kayo di ba? May mga kaibigan naman? Bakit kailangan mo ng biglaang jowa para sumaya ngayong pasko? Para saan? Sa init na gusto mong maramdaman? Alam mo bai, may murang heater sa Lazada o kaya sa Shoppee. Hindi mo kailangang magpost sa mga social media na kailangan mo nang kalampungan ngayong pagdating na pasko. Mag omegle ka na lang kung gusto mo.

Lagay mo dun sa interest *Pagmamahal ngayong pasko* o kaya *Christmas jowa* baka may lumabas na resulta na kagaya ng interest mo. 

Rocksteddy - 'Christmas Single'

Pangalawa. Maraming dapat ipagpasalamat. May mga tao nga diyan na magpapasko na walang bahay. Magpapasko taon-taon na walang naihahanda. Magpapasko na walang pamilya na masasandalan. Magpapaskong nasa ibang bansa. Tapos ikaw 'tong single lang ngayong pasko kung makapagmukmok eh akala mo huling selebrasyon mo na ng pasko. Wag ganun mga tsong at tsang. 

Hindi lang dahil ikaw lang ang single sa tropa mo eh kailangan mo nang maging depressed sa mga social media accounts na ginagamit mo. 


Napakaraming dapat ipagpasalamat kaysa sa ipagmukmok. May ihahanda kayo ngayong pasko? Kumpleto pamilya niyo? Buhay kapa? Magpasalamat ka na lang. Hindi lahat ng tao OO ang kayang isagot sa mga katanungan ko.

At lastly, masarap ngang magkaroon ng kalampungan, kaharutan, kakantahan, kakantunan, at matatawag mong mahal ngayong pasko. Pero tandaan, hindi mo kailangang iasa ang kasiyahan mo sa isang tao. Malungkot ngayong pasko? Lumabas kasama ang mga kaibigan. Maglaro, maglaro ng dota, maglaro ng ML, balikan mo yung Farmville mo baka hindi pa lanta ang itinanim mo noon, balikan mo yung mga alaga mo sa Pet Society baka buhay pa sila hanggang ngayon. Yayain mo ang mga kamag-anak mo pumunta kayong Nuvali, Luneta Park o mag out-of-town. Libangin ang sarili. 

Boz Scaggs - 'Heart of Mine'

Huwag na huwag kang magpapatalo sa kalungkutan na ikaw din naman ang gumawa. Hindi required ng lipunan na 'to na magkaroon ka ng ka-relasyon ngayong holiday season. Tandaan na ang Pasko ay para gunitain ang pagsilang ng Tagapagligtas ng Mundo na si Hesukristo. Magpasalamat tayo sa kanya sa mga bagay na ating mga natatanggap sa araw-araw. Siya ang totoong pag-ibig na hindi ka lamang iibigin tuwing Pasko kung di pang habambuhay ka niyang mamahalin. 

Pero kung gusto mo talagang humabol sa deadline, edi sige, go! Pero para sa akin mas magandang minahal mo siya dahil sa kung ano siya at hindi dahil sa pressured ka lang at naghahanap ka ng init ngayong kapaskuhan. Actually, literal na mainit ang panahon ngayon para ngang hindi pasko. 

Merry Christmas!

Huwebes, Nobyembre 7, 2019

Where Are The Kids? Where Are The Carolers?



'Pasko!, Pasko! Pasko na namang muli tanging araw nating pinakamimithi


47 days before Christmas. Ramdam mo ba ang Pasko?

As early as November, nagtatayo na ng Christmas tree si ermats. Pero hindi pa magsisink-in sa akin na malapit na ang Pasko hangga't hindi nakakaapak ang araw sa unang araw ng Disyembre. Tapos nun pasaya na ng pasaya bawat araw. Napapadalas na magpa PE noon kahit hindi naman sila ang teacher ko sa PE. Talagang litaw na litaw na ang excitement e noh?

Isa sa pinakamasayang alaala ay ang mga Christmas party. Sa klase ako na rin ang pre-assigned na magdadala ng ice cream para sa Christmas party. Christmas Party! May magsusulat na sa blackboard ng isang malaking "Christmas Party" o di kaya ay "Merry Christmas and a Happy New Year"; tapos yung mga pangalan niyo ilalagay niyo sa gilid at pagandahan pa ng suot. Mga bagong bili lahat yan siyempre. Of course, hindi magpapatalo si ermat sinuotan niya ako ng chaleko at shades noong Christmas party noong Grade 2 ako. Panis!

Pero sa lahat lahat paborito ko ang pangangaroling. Ito ang pinakamasayang gawin kapag Pasko lalo na't mahaba haba ang inyong Christmas vacation. Garapalan dito e. Panahon na para hatiin niyo sa dalawa ang grupo niyo para times 2 ang kita! Lata ng Nido o Birch Tree, mga tansang ginawang tambourine, pangit na boses. Presto! all set na kayo para mambulahaw sa mga malalaking villages. 

Medley ang kantahan noon: 1) Sa May Bahay 2) We Wish You a Merry Christmas 3) Kay Sigla ng Gabi 4) Pasko na Naman - tangina, pansin mo? ganito talaga ang pagkakasunud-sunod eh noh?

Pasko Na Naman (O kay tulin ng araw)

Pero sa panahon ngayon kahit siguro yung mga matatandang nakakabasa nito eh hindi na ramdam yung Pasko. Tuluyan na nga sigurong naiwan ang tradisyong ito kalagitnaan ng taong 2010. Noon kasi alam mong magpapasko na kapag may mga boses na matitining, sintunado pero kyut pa rin na maririnig ka sa gate niyo na kumakanta ng mga awiting pampasko buwan pa lang ng Setyembre. Ngayon umpisa pa lang ng Nobyembre wala ka nang makikitang mga bulilit na may hawak na tambol na nagkakaroling.

Nasaan na nga ba ang tradisyong ito? Nasaan na yung mga kabataan nating ipinanganak noong 2010 onwards? Ah teka bakit ko daw ba hinahanap ang mga nangangaroling? Magbibigay ka ba eh hindi ba't puro patawad lang ang sasabihin mo sa kanila?

Hindi naman tsong, ang iba sa atin noon eh sadyang pinaghahandaan na ang ganitong pamimigay ng barya sa tuwingmay mangangaroling gaano lang ba ang magbigay ng maliit na barya sa mga nangangaroling, hindi ba? Iba pa rin yung nakagisnan na katulad nating mga ipinanganak noong dekada otsenta o nobenta. Kaya tayo nalulungkot sapagkat unti-unting nawawala ang espiritu ng Pasko na natutunan nating madama sa ating paglaki. Ang mga bata kasi ngayon parang ayaw nang lumaki bilang bata ang ibig kong sabihin ay yung kagaya noon na napakasimple lang mabuhay bilang bata. Ang karamihan ay nalubog na sa mga teknikal na bagay, mga gadgets, cellphones, social media at kung anu-ano pang bagay na inilalayo ka sa pagiging bata. Ang mga bata ngayon gusto agad tumanda kung alam niyo lang na kaming mga matatanda naman ay gusto naming maging batang muli baka pagtanda ng mga batang ito ay sumuko agad sa buhay dahil mga bata palang ay maaga nang napagod sa buhay. Gusto namin ulit matulog sa tanghali kahit hindi kami pinapatulog, gusto naming magbabad sa ulanan, maghabulan sa damuhan at magbahay-bahayan muli ooppsss. Payo ko lang sa mga kabataan ngayon ay ienjoy niyo lang yung kamusmusan niyo dahil sa panahon ngayon dahil sa stress ang lahat ay mabilis tumanda. 

APO Hiking Society - Tuloy na Tuloy Pa Rin ang Pasko

Kaya pangako ko talaga na kung halimbawang may makita akong nangangaroling dito sa amin ay hindi kayo makakarinig ng "Patawad" sa akin. Yung iba kaso magsasabi ng patawad eh talagang pinapatapos muna yung kanta ng mga bata bago magsabi ng patawad. Isipin na lang natin na minsan sa isang taon lang naman ang karoling kahit masabihan kang "barat" okay lang ang mahalaga nagbigay ka tsaka kasama na rin sa tradisyon ng karoling yang "Thank you, thank you ang babarat ninyo, thank you!" Isa pa, isipin mo rin na pinaghirapan nila gawin yung kanilang mga tambol, kung saan saan pa yan naghanap ng tansan bubutasan yung gitna at ilalagay lahat ng ito sa pabilog na alambre bilang musical instrument din nila sa pangangaroling, yung tinanggal yung kanilang hiya para kumanta kahit minsan sintunado tapos patitigilin mo lang sila sa isang salitang, "patawad!". Wag naman tohl magkaroon ka naman ng kaunting habag for the Spirit of Christmas sana ay maibalik natin ang tunay na diwa ng Pasko ang pagbibigayan, respeto at pagmamahalan sa isa't isa. Sa ngalan ng Dakilang Lumikha at ng Anak ng Diyos. Pagpalain nawa tayo at matupad sana ang ating mga hiling ngayong darating na Pasko!

Mula sa Ubas na may Cyanide binabati ko kayong lahat in advance ng:

MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON!!!


Miyerkules, Nobyembre 6, 2019

Where Fishes Go?



'Where fishes Go when they die?'


I've been a top fan of loving pet dogs and cats all through my life. Since noong bata ako at hanggang ngayon naman I am still a dog, cat and bird lover. Any creatures in the land and in the air I always show compassion and love to them. Kamakailan nga lang may inuwi ako sa bahay na kuting hindi ko alam kung pang-ilan ko nang ampon yung huli kong napulot. Pero pinangalangan ko siyang "Oreo", lahat kasi ng inaampon ko parang hindi pa ako nabubuhayan ng kuting at naging pusa. Although si ermats noong may napulot siya alas kwatro nang umaga dahil sa sobrang tining ng pag-meow nito eh napansin siya ni ermats sa tapat ng gate namin. Yung nanay ko rin naman kasi kasing lambot din ng mamon ang puso nun sa mga hayop kaya siya mismo nag-ampon and yung pusa na yun ay nandito pa at lumaki na ring barako, ang name naman niya ay "Hansel." I hope this time mapalaki ko itong si Oreo pero I guess he or she is just born mga 2  weeks pa lang and sobrang liit niya and hindi pa kumakain ng cat food at buti na lang mayroon pa akong recovery milk na nabili ko dati sa veterinarian clinic at drops para mapadede siya.

'Oreo, new  adopted kitten'


Through the years man has known for its cruelty to animals. Nakikita naman natin halos every single day there are dogs and cats dying because of man's neglection and irresponsible way of taking care of their pets. 

This is my first time petting a fish. I have an angelfish, a goldfish and a betta fish.  The betta fish is separated from a different tank because it is known as a fighting fish and aggressive. Dati noon nakikinood lang ako sa tita ko sa kanilang aquarium. I was a little boy and I just watch those fish swim with glee. I was happy seeing them gliding their fins to the water until na nalaman ko na yung alaga pala nila tita is a baby shark. Yep, Walang halong biro, I'm not making jokes dahil doon sa sikat na kanta na baby shark. Kaya pala sinasabi nila na huwag kong iluloblob yung kamay ko sa aquarium. But that was long ago, I don't want happen to that shark. I want to share my thoughts to my pet fishes. 

'Oliver the Betta fish'


Fish in an aquarium is a feast in your eyes ang sabi nga nila marerelax ka kapag tinitignan mo lang yung mga isdang nalangoy sa loob ng aquarium mo, which reach my expectations naman. It's true that seeing them swim will captivate your eyes and suddenly make your stressful day go away. Nag-alaga ako ng isda una because I want to experience kung paano sila alagaan and second kailangan ko magbawas ng stress and anxiety dahil na rin sa nagkasakit ako and need ko ulit sumabak sa trabaho but this time it's a work-from-home job. Kaya pag medyo stressful na sa pagsasagot ng emails I pause for a while lingon ng konti ang look at them.

In my 5 months of petting them napansin ko na para rin pala silang aso. I can compare the dog's tail to there caudal fin when the dog is happy kasi bibigyan mo ng pagkain. These fish bodies are wagging alam nila na yung hawak mo yung lalagyan nila ng food especially the betta fish. It wags their fin happily, while the angelfish and the goldfish will emerge the surface of the water kasi alam nila it's snack time, pellet time!

 Live - 'Where Fishes Go'

Pero naisip ko lang ang hirap din pala maging isda anoh? Gusto ka nga alagaan ng tao, kaso minsan merong exception. Hindi lang basta basta na ilalagay mo sila sa tubig, kakain, lalangoy. Alam ko naman na wala pang isdang nalulunod pero these fishes needs maintenance, setting ng aquarium tank, how many gallons of water needed, testing the oxygen levels in the water kung sapat ba at para tumagal sila sa pag-aalaga mo. It takes an effort talaga kapag mag-aalaga ka ng isda, sa pagpapalit pa lang ng tubig ng tank super effort na di ba? 

I have 6 angelfishes and sa kasamaang palad isa na lang ang natira. I really don't know what happen to the others and nakakalungkot lang kasi matagal na rin sila sa akin. Too sad to see this afternoon they're floating lifeless in the water. Now, I'm doing research to prevent my pet fish from dying. If there's someone who got expertise in building the right settings from a fish tank, I need your help kung nababasa mo po ito and please teach me where do I start, what things could've have been done. 

Linggo, Nobyembre 3, 2019

Kababalaghan



'Horror stories'


Noong mga maliliit pa tayo specially sa mga batang kasabay kong lumaki noong dekada nobenta hindi naman natin alam na tumira o nakatira pala tayo sa lumang bahay o yung tinatawag na bahay Kastila. Wala naman tayong pakialam kung ano nga ba ito or ano nga ba ang meron kapag sinabing matandang bahay o bahay na pinaglumaan ng panahon pa ng Kastila. Isa pa wala sa bokabularyo natin yung mismong salitang "Kastila", nye ano bang alam ko diyan, nakakatakot ba yun? eh ang alam ko lang na nakakatakot noon eh yung mga Kwento ni Lola Basyang, Halimaw sa Banga, Regal Shocker at yung Halloween specials ni Kabayang Noli De Castro sa Magandang Gabi Bayan. Hindi naman natin pinagtutuunan ng pansin kung ano bang meron sa mga ganyang bahay pwera na lang may maramdaman tayong mga kakaiba sa loob ng bahay na ito.

Most of my childhood I spent at 2120 Ciriaco Tuazon San Andres Manila. Hindi ganoon kalaki ngunit ang mga bagay na makikita mo sa loob ay nilumaan na ng panahon, mga muwebles at mga kabinet na ipinamana, naiwan ng mga dating natira. Bale ang bahay na ito ay pinarerentahan lamang. Ang bahay ay Duplex style at yari sa kahoy, may ikalawang palapag at tatlo ang kuwarto; dalawa sa taas at isa naman sa baba kung saan nakatira ang aking pamilya kasama ng aking tatlong tita at si ermats. Habang ang buong bahay ay yung panganay nila ermats ang nag ooccupy ng malaking bahagi dahil yung panganay nila ermats ay duon nakatira ang kanyang asawa at mga anak. Yung maliit na bahagi ng bahay ay kami ang nakatira. Masaya din at nakakamiss ang extended family lalo na noong dekada nobenta dahil wala pa noon gaanong problema at mararamdaman mo naman na magaan at masagana pa ang buhay.

1985, unang nawala si Lola. I was 4 and hindi ko pa alam lahat ng mga nangyayari. Ang sinabi lang sa akin ng mga nakakatanda ay hindi ko na raw muli makikita si Lola. 1991 yumao naman si Lolo dito nakaramdam ako ng lungkot dahil may isip na ako. Napakabait sa akin ni lolo, siya ang humaharang sa mga hanger, sinturon, patpat at mango ng walis na ihinahampas sa akin ng nanay at tatay ko sa tuwing nakakagawa ako ng kalokohan. Lagi niya akong pinapasalubungan kapag suweldo niya sa trabaho ng Serg's chocolate, Knick-knacks o di kaya eh yung Colin na tsokolate na may mani. Siya rin ang pundasyon ko kung bakit ako nahilig sa mga hayop, si lolo ang nagbigay sa akin ng una kong alagang aso na pinangalanan kong "Doggie".

Tanya Markova - 'Hoy Bampira Ako'

Noong nawala sila Lolo Jose at Lola Maria makalipas ang ilang taon parang dito na kami nakaramdam ng mga bagay na hindi namin inaasahan. Naaalala ko noong burol ni lolo ay muntik nang bumagsak ang kanyang kabaong dahil sa isang napakalakas na hangin ang pumasok sa loob ng bahay kahit na ang tingkad ng araw sa tanghaling alas-tres. Bumagsak ang krus na bakal na nasa likod ng kabaong at dahil nga dito ay muntik na itong malaglag. Ang lahat ay nangilabot sa nangyari, walang makapag-explain kung bakit may malakas na hangin na parang tornado ang pumasok sa bahay. Ang sabi ng mga matatanda ay may kinuha lang daw ang hangin na ito.

Lumipas pa ang mga sumunod na taon ay maraming kababalaghan pa ang nangyari. Mayroon pagkakataon na umihi ang pinsan ko dis-oras ng gabi at nakakita daw siya ng malaking paniki na naaninag niya ang paglapat ng pakpak sa bintang transparent na capiz ng bahay. Nagkaroon ng aninag dahil ang bintana ay tinatamaan ng poste ng Meralco.

Isang Semana Santa naman at Biyernes Santo, uso na kasi noon ang curfew hours at duty ng mga barangay tanod ang pumuna sa mga taong nasa labas pa ng dis-oras na gabi. Mayroon daw nakitang babaeng nakaputi sa kanto ng aming kalye na nakatayo lang, hindi daw kita ang mukha at ng pupuntahan na nila ito ay bigla daw itong tumakbo papasok sa aming street. Hinabol daw ng mga tanod ang babae at kitang kita daw nila na lumagos ang babaeng ito sa aming nakasaradong pintuan. Tuliro kung paano nangyari iyon at nagkatakutan na lang daw ang mga tanod at nagsiuwian na lang sila sa kanilang mga bahay. Kinaumagahan ay kausap nila ang aming panganay na auntie at ikinwento nga ng head ng barangay tanod ang kanilang nasaksihan. Wala naman masabi ang aking auntie dahil hindi niya rin nga alam ang sasabihin sa mga ito sapagkat imposibleng makapasok ito dahil mahimbing ang tulog ng lahat at nakakandado ng tatlong beses ang aming front door.

Mayroong pangyayari din naman na hindi inaasahan at mga panahong nabalot ng kalungkutan. Ito ay nang pumanaw ang aking isang tita noong 2010. Ang pagkamatay niya ay kinokonekta sa nauna naming namatay na alagang aso dito sa loob ng bahay. 2009 nang namatay ang aso naming si Jokjok sa paanan ng hagdanan na pinaniniwalaan ng matatanda na kapag may namatay daw na hayop o tao sa mga palapag ng ating mga hagdanan ay may kasunod itong dalawang mamamatay pa. Ito yung tinatawag nilang oro-plata-mata. Pagkalipas nga ng isang taon ay nawala sa amin si tita. Siya lamang ang naiwan dito sa bahay sa araw ng July 16, 2010 at ang sabi ay inatake ito sa puso habang nagwawalis sa loob ng bahay. Wala ang aking nanay at kapatid dahil dumalo sila sa birthday ng anak ng isa kong tita sa Paranaque samantalang ako naman ay nasa trabaho. Nagulat na lamang ako nang sinabihan ako sa kanto ng aming mga kapitbahay na itinakbo nga ang tita ko sa hospital. Dumiretso ako sa MCI Hospital at confirm nga at nakasalubong ko sila nanay at ang aking kapatid na umiiyak at sinabi nilang wala na si tita, dead-on-arrival na nung dumating sa hospital. Isang bangungot na hindi ko makakalimutan sa aming pamilya ang nangyaring trahedyang ito. Hindi rin namin alam na may sakit na pala ang tita ko at ang lagi niya lang inirereklamo ay ang sakit ng kanyang likuran.

Pero noong araw na yun bago makapasok ng bahay sila nanay ay may naaninagan sila na nakatayo ng nakatagilid sa kusina. Sumisigaw sila dahil hindi nito naririnig at kumakatok na sila ng malakas. Sinubukan nilang abutin ang tarangkahan  upang mabuksan ang pinto. Pagkabukas sa pangalawang pinto ay tumambad daw ang tita ko na wala nang buhay na nakaupo sa aming sofa. Doon na nagkagulo at pilit na itinakbo nila nanay si tita sa hospital ngunit huli na ang lahat.

Tatlong araw makalipas ang kanyang burol ay maraming pagpaparamdam ang nangyari sa bahay. Ang kuwento ng aking kapatid na umupo siya sa sofa ay naramdaman niya ang katawan ng tita ko na nakakalong siya. Napatalon siya sa sobrang takot at napaiyak. Lumipas ang ilang buwan nagkaron naman ng pagkakataon na magpicture picture and pinsan ko at kapatid ko. Kinuhaan niya ng picture ang pinsan kong babae na katabi ang aming salamin. Makalipas ang dalawang linggo bago nila mapansin ang imahe sa larawan na animong may puting silhouette ang nakita sa salamin hugis babae na nakalutang pero walang mukha. Sa takot nila ay binura nila ang picture. May pangyayari din na tumawag ang number ni tita noon sa cellphone ng aking kapatid ngunit walang boses sa kabilang linya. 2010-2011 nabalot talaga ng katatakutan ang buong kabahayan.