Martes, Nobyembre 19, 2019

Krismas (Kringle) Single?



'Single bells, single bells, single all the way'


Malamig na hangin, mga batang nangangaroling, mga kumukutikutitap na ilaw sa daan. Masasabi mong Pasko na ngang talaga.

Kasabay nang paglamig ng simoy ng hangin ay ito namang panlalamig sa puso mong matagal ng hindi nalilimliman ng pag-ibig. Hala sige mainggit ka sa mga magshota (short time) at mga magkarelasyon na nakikita mo araw-araw sa simbahan. Yung tipong kada lingon mo sa lahat ng angulo ng lugar eh sakto naman na may makikita ka. Hindi ko alam pero mas talamak talaga sila kapag ngayong Kapaskuhan.

Pero tohl, bago ka magpost sa Facebook, Twitter nang mga hugot mo at ng kung anu-ano. Isipin mo muna kung para saan nga ba talaga ang pasko? Kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ito ipinagdiriwang kada taon.

Unang-una hindi naman kasi Valentine's Day ang December 25. Bakit kailangan mongmaging malungkot at magmukmok kasama ang playlist ng December Avenue?  Tsong, ateng, may pamilya naman kayo di ba? May mga kaibigan naman? Bakit kailangan mo ng biglaang jowa para sumaya ngayong pasko? Para saan? Sa init na gusto mong maramdaman? Alam mo bai, may murang heater sa Lazada o kaya sa Shoppee. Hindi mo kailangang magpost sa mga social media na kailangan mo nang kalampungan ngayong pagdating na pasko. Mag omegle ka na lang kung gusto mo.

Lagay mo dun sa interest *Pagmamahal ngayong pasko* o kaya *Christmas jowa* baka may lumabas na resulta na kagaya ng interest mo. 

Rocksteddy - 'Christmas Single'

Pangalawa. Maraming dapat ipagpasalamat. May mga tao nga diyan na magpapasko na walang bahay. Magpapasko taon-taon na walang naihahanda. Magpapasko na walang pamilya na masasandalan. Magpapaskong nasa ibang bansa. Tapos ikaw 'tong single lang ngayong pasko kung makapagmukmok eh akala mo huling selebrasyon mo na ng pasko. Wag ganun mga tsong at tsang. 

Hindi lang dahil ikaw lang ang single sa tropa mo eh kailangan mo nang maging depressed sa mga social media accounts na ginagamit mo. 


Napakaraming dapat ipagpasalamat kaysa sa ipagmukmok. May ihahanda kayo ngayong pasko? Kumpleto pamilya niyo? Buhay kapa? Magpasalamat ka na lang. Hindi lahat ng tao OO ang kayang isagot sa mga katanungan ko.

At lastly, masarap ngang magkaroon ng kalampungan, kaharutan, kakantahan, kakantunan, at matatawag mong mahal ngayong pasko. Pero tandaan, hindi mo kailangang iasa ang kasiyahan mo sa isang tao. Malungkot ngayong pasko? Lumabas kasama ang mga kaibigan. Maglaro, maglaro ng dota, maglaro ng ML, balikan mo yung Farmville mo baka hindi pa lanta ang itinanim mo noon, balikan mo yung mga alaga mo sa Pet Society baka buhay pa sila hanggang ngayon. Yayain mo ang mga kamag-anak mo pumunta kayong Nuvali, Luneta Park o mag out-of-town. Libangin ang sarili. 

Boz Scaggs - 'Heart of Mine'

Huwag na huwag kang magpapatalo sa kalungkutan na ikaw din naman ang gumawa. Hindi required ng lipunan na 'to na magkaroon ka ng ka-relasyon ngayong holiday season. Tandaan na ang Pasko ay para gunitain ang pagsilang ng Tagapagligtas ng Mundo na si Hesukristo. Magpasalamat tayo sa kanya sa mga bagay na ating mga natatanggap sa araw-araw. Siya ang totoong pag-ibig na hindi ka lamang iibigin tuwing Pasko kung di pang habambuhay ka niyang mamahalin. 

Pero kung gusto mo talagang humabol sa deadline, edi sige, go! Pero para sa akin mas magandang minahal mo siya dahil sa kung ano siya at hindi dahil sa pressured ka lang at naghahanap ka ng init ngayong kapaskuhan. Actually, literal na mainit ang panahon ngayon para ngang hindi pasko. 

Merry Christmas!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento