Huwebes, Abril 28, 2016

Pulpolitika at Social Media:Pinoy Double Standards



'Funny isn't it?'
Hindi nga kaya dobleng huwaran tayo sa mga bagay-bagay? Hindi mo napapansin pero dito magaling ang mga Pinoy, lalo na pagdating sa social media. Kung gusto ko mag upgrade ng pizza gusto ko palaging may double cheese, double bacon at pepperoni pero ayokong magkadouble-chin. Hindi ako yung tipong kumakain ng gulay sa burger pero ang gusto ko habang kinakagat ko ang burger ay may  coleslaw. Di ako kumakaen ng patatas sa adobo pero gusto ko ng hashbrown. Double standard di ba?

Alam mo tohl, ayaw ng pinoy ang ugaling may pagkadouble-standard pero di natin namamalayan na mismong ikaw na nagbabasa nito ay may pagkadobleng huwaran. Sa makatuwid, pamatay na pamantayan. Eto makinig ka:

*Mabilis tayong ma-offend sa "rape-joke" pero ang mokong makakita lang ng Hokage post sa Facebook mas mabilis pa sa alas kwatro ishare sa timeline. Wag kame iba na lang! Eh kung iisipin mo hindi ba't pagtatake advantage din yan sa mga kababaihan? Pero ang gunggong magdadahilan pa na magkaiba naman daw yun. Gunggong!

*Galit na galit ka sa mga post ng Rappler at Philippine Daily Inquirer page dahil sabi mo biased, pero kapag Mocha Uson blogpost, napaka credible? Twerk pa more!

*Kamakailan lang may post sa social media na isang lalaking Math teacher, pogi, hayup sa abs at makalaglag So-en. Pero asahan mo yan kapag babaeng nagpakita ng cleavage ang nag post. Ang ikokomento, "Bitch, malandi!, pokpok!" Bakit ba eh siya kaya ang joga ng buhay naming mga lalaki! #jogangbuhaymo

*"Freedom of speech" ko yan at yan ang sinasabi mo kapag nagpahayag ka ng komento mo pero may sumuway sayo. Pero kapag opinyon ng iba, ang sasabihin mo, "mga nagmamarunong, nagmamatalino." Mga feeling political analyst, mga feeling sports analyst lalo na kapag may laban si Pacquiao.

*Pumuputok ang butse mo kapag nababastos ang napipisil mong presidente. Pero kung kapag ang presidente niyo naman ang nambastos, "Nobody's perfect". "Tototoong tao lang siya kaya ganun". So ano kame, puppet?

*Ahhh hindi ka homophobic pero ang depinisyon mo ng duwag at lampa ay, "BAKLA!!" Galing!

*Nagagalet ka kapag may lumalait sa mga matataba at panlabas na kaanyuan. Pero naman tawang-tawa ka kapag nilalait  yung hindi tuwid na legs ni Kathryn. At siyempre tuwang tuwan ka rin dun sa nagsisign language sa gilid ng TV mo tuwing may Presidential debate dahil ginawaan siya ng musicaly ng mapanghusgang kamangmangan ng social media.

*Natatandaan mo ba nang tinuligsa si Manny Pacquiao dahil sa same sex marriage issue? Ang sabi mo, "Ikinahihiya kita Manny!", "Ikaw ang mas masahol pa sa hayup!". Pero siyempre nanalo si Manny kay Bradley eto ka ngayon: "Congrats Manny! Proud kami sa'yo" Ulol wa g kame sabi!

*Nakasanayan na natin magsalita ng "Habang may buhay may pag-asa". Pero ayaw mong iboto yung mas malinaw naman na deserving at mas kwalipikado maging lider ng bansa tungo sa totoong pagbabago. Ang dahilan mo "baka mamatay lang yan ng maaga." Punyeta, bakit yung iba ba imortal?!

Wag sana natin basta iasa na lang ang pagbabago sa susunod na magiging Pangulo ng bansa. Mang-mang ka man ng social media o hindi, nasa Pilipinas ka man o nasa Bangladesh, bawat isa sa atin ay may kanya kanyang responsibilidad sa bansang ito dahil nasa Pilipinas ka at Pilipino na tayo. Pa change change is coming pa  tayo di ba? Bakit di natin simulan sa sarili natin? Dapat matagal nang sinimulan hindi porke't may bagong halalan at may uupong bagong administrasyon eto ka na naman si tagahanap ng pagbabago. Forever kang maghahanap ng pagbabago kung nakanganga ka lang sa ilalim ng puno habang inaantay bumagsak ang bunga ng alatiris sa bibig mo. Nakakatawa lang dahil ang laki ng hinihingi nating resulta pero kahit gatiting na partisipasyon wala ka namang naiaambag. Puro lang tayo post sa social media pero wala  namang gawa. Puro ka unfriend ng kaibigan mo dahil hindi nila trip si #OnlyBinay na sinusuportahan mo. Ok na tayo dun sa "atleast naipahayag ko ang opinyon ko", "Atleast nagbabayad ako ng tax."

Korni nga sabihin yang salitang pagbabago pero ang sabi ko nga simulan natin sa ating mga sarili. Asahan mong makakamtam din natin yang pagbabago na ilang siglo na nating hinahangad, hindi man ngayon bukas o sa makalawa o sa susunod pang anim na taon, pero alam nating meron dahil may ginagawa tayo at responsable tayo. Kaya simula ngayon hanggang  Mayo 9, pag isipan ang iuupo, pagnilay-nilayan sana ng bawat pamilyang Pilipino kung sino talaga ang karapat-dapat na ihalal hindi lang dahil sa matatamis na pangako kung di sa kakayahan talagang gawin ang bawat salitang binibitawan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento