Huwebes, Abril 14, 2016

Tampisaw: Signs na Summer na sa Pilipinas



#Summer2016


Aminin na natin intense na init na talaga itong nararanasan nating   init ng panahon netong mga nakaraang araw di ba? Opisyal na nga sigurong Summer season na sa Pinas. Kaya naman bigla ko lang naisipan na magsulat ng ilang nakakatuwang senyales at magpapakatototoong summer na nga sa bayan ni Juan. Let's go, sago!

*Pampalamig! tama nariyan na sila ang mga tropa ni Iceman, unti unti na sila magsusulputan sa palengke, sa tindahan at maski yung kapitbahay mo na business minded eh magtitinda na nito. Lilitaw na ang mga halo-halo, fruit shakes, ice cramble, ice candy, sago't-gulaman at iba pang pagkain at inumin na pampalamig sa bawat sulok ng barangay.

*Nagiging instant heater ang tubig na dumadaloy sa ating gripo lalo na kung matagal itong  hindi nabuksan.

*Alas siyete o alas otso pa lang tuwing Sabado at Linggo ay maagang magtitipon tipon ang mga tsismosa  mong kapitbahay sa kalsada kaya ingat ka pag dadaan ka. Magsa invisible muna. Nasa labas na yang mga yan dahil sa sobrang init na sa loob ng bahay  kahit masyado pang maaga. Kaya maaga ka  rin nila pagtsitsismisan.

*Pagkatapos ng pagpasok sa eskuwelahan ng mga estudyante, asahan mo sa barangay niyo mga ikalawang linggo ng Marso maglalabasan na sila....oo maglalabasan na amg mga solicitors, mga nanonolicit para sa liga ng basketball para sa kanilang uniporme at kota ng barangay para sa liga.

*Magiging Divisoria at Baclaran na ang mga malls dahil dadagsa na ang mga  tao para lang magpalamig. Wala silang pakealam dun sa mga nagtitinda ng credit card sa bukana ng mall at pipilitin kang kausapin para  sa  inaalok nilang credit card. 

Jason Mraz - Summer Breeze

*Marami ka nang makikitang mga nagtitinda ng pakwan, melon, singkamas at mangga at iba pang summer fruits sa paligid. 

*Kinakarir na ng bawat isa ang pagpapaputi ng kanilang mga kili-kili bilang paghahanda para sa kanilang mga outing. Ang maitim ang kili-kili tanggal sa circle of friends.

*Tuloy ang daloy ng pagluha ng kili-kili mo bawat minuto.

*Maglalabasan na sa Internet ang mga resort's ads offering reasonable prices at discounts. Magpaplano na ang barkada kaso kahit June na  ay panay plano pa rin hanggang abutin na ng tag-ulan.

*Mauuuso ang  brownout sa iba't-ibang lugar at sasabihin ng Meralco na kinakapos na sa supply ng kuryente at para mas intense ang summer heat kahit hangin ng pupugak pugak na electric fan niyo ay mawawala pa. Kaya duon nauso ang salitang  beat the heat kasi may extra challenge dahil walang kuryente.

*Halos karamihan ng nakakasalubong mo sa daan ay naka sun glasses. Puwedeng  pamprotekta sa araw at pwede  rin kapag tinanggal ay kamag-anak pala ni Cyclops ng Xmen  kasi may sore eyes.

*Sa mga kagubatan, lalaganap ang mga forest fires.

*Makakakita ka ng mga kabataang lalaki na naka palda dahil sa panahong ito uso na naman ang "Operation Tuli". Matutuli ang mga beking bata pero sa kahuli-hulihan ay  beki pa ring tunay.

*Yung kapitbahay mo unti-unti nang umiiksi ang tela ng shorts na sinusuot ito yung tinatawag na pekpek shorts.

*Malalaman mong summer na sa Pilipinas lalo na kung nagkakaubusan na ng yelo at ice tubig sa mga tindahan. 

*May mga special promo na ang maliliit na convenient stores, food chains at restaurants  para sa kanilang mga "summer coolers".

*In na in ang mga pigsa, sore eyes, sunburns at bungang-araw.

*Kapag ang mga lalaki ay nagpipiyesta sa Facebook at Instagram ng mga babaeng nagpapapicture at nagpopost  ng 20% face at 80% cleavage *evil grin*

*Summer na sa Pilipinas kung yung mga friends mo sa Facebook ay nagpopost na ng status na sila'y naiinitan at  may kasamang mura pa. "PuT@$%&!! ang init".

*Kapag kabi-kabila na ang tunog ng sirena ng bumbero summer na summer na sa Pilipinas dahil talamak ang sunog. Kaya mag-ingat huwag na maglagay ng kandila sa keyk ng m ay birthday. Kantahan na lang siya minus the candles.

*Kapag may magpapamilyang  pila -pila ang upo sa balkonahe at nagkukutohan. (fine time nila yun kaya walang basagan ng trip).

*Magkakaron ng instant pool sa garahe para kila nene, totoy at brownie.

*Marami na ang nagseselfie ng naka trunks, bikini at two piece sa FB kahit may mga kamot.

Ikaw tohl, ready na ba for summer ang yellow polka dot bikini mo? Tara na't magtampisaw!                 


#Summer2016



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento