Linggo, Mayo 29, 2016

The Last of the Jukes




'From purple to gray-orange, JUKES signing off...'
Eto na naman, parang water cycle lang ika nga, precipitation, condesation hanggang sa mag evaporate na naman. The same old feeling is haunting me again, been here, feel that, done that. Pero mangyari man ng paulet ulet lagi kong sinasabi na "ayoko ng drama", di siguro ko panatiko ng mga drama sa TV para ilahad ko yung mga nararamdaman ko kapag may dumarating at may lilisan. Buti sana kung ang kwento ng buhay natin eh parang sa Daisy Siete baka mapaluha niyo pa ako. Pero hindi ee ang iba sa atin normal lang na mga prends. Pasok-sagot sa customer-uwi tapos bonus mo pa kung may sermon ka sa pagmamalupit ng ating minamahal na si Ate K, pero mas gusto ko siyang tawaging Krissy na mala Senyora Santibanez. 

Pero di ko talaga alam paano ko napunta sa Jukes, iniisip ko nung makita ko sila hmmmm sabi ko baka merong mala-Batibot state of mind ang HR, "pagsama-samahin ang pareho-pareho ang magkakatulad ay ating igrupo". Tapos sa tingin ko nga baka mala "Eat Street" ang tema ng account na ito. Kala ko talaga puro pagkaen, pero sabi ko, ang exam ay tungkol sa concerts  at musical events. Hindi maaaring pagkaen yun. Baka kaya kako ako dun inilagay kasi fit ako sa puzzle. Pero sabi nga ni Molly Ringwald, "In life, there is always that special person who shapes who you are, who helps to determine the person you become." Kaya naman salamat sa pag shape up (big circle, small circle, medium circle man yan ang mahalaga nag fit in pa rin ako sa campaign). Peace! hehehe! Quits!

A  taste of Jukes, this is how we roll! 


Malungkot-masaya (Basta Nutri-Asia), yan ang nararamdaman ko. Masaya na lang sana ang kaso may nahiwalay na dalawa, si Ate Marya Carey mo pa at ang ating Mother Earth na TL. Oo nalulungkot ako dahil may lilisan na hindi naman maiiwasan. Pero yun nga.....hindi nga naman ito eskuwelahan na kailangan poreber magsasama sama kayo. Kaya ako yung taong ayaw ko ng maraming sirkel of friends, okay na sa akin yung tamang pasok-kwentuhan-tsikahan-(hingi ng foods niyo)sabay uwi. Ayoko ng mutual, ayaw ko ng friend with a "ship", cause ships are made to sink. Wag ka nang   umapela na hindi lahat ng barko lumulubog. Isipin mo na lang ang Titanic. Walang pagmamahalan na Jack at Rose na ililigtas ka sa exam ng grammar. Kagaya niyan abandon ship na naman at the end ikaw pa rin ang bahala sa sarili mo. Dahil walang Batman na bahala sayo na tutulong sa exams, walang Superman na tuturuan ka sa lahat ng dapat mong matutunan sa  training. Tama nang friends na lang.

Napakabilis ng isang taon, hindi ko mawari na tapos na. Endo na. Parang kelan lang tinuturuan pa ko ni Dox Gragas kung paano gagawin ang ganito-ganyan. Parang kelan lang nasa 2nd floor ako ng TH coaching room habang tsinitsinterview (chika-interview) ako ni TL Cat sa mga buhay-buhay ko. Parang kelan lang tinatanong ni Jose kung sino yung nakasalamin sa Jukes pagkatapos naming mainterview. Parang kelan lang kayong nagyakag sa  SNR (unang sweldo niyo "ata") pero di ako nakasama. Parang kelan lang na stuck sa bantot ng CR na nangangalingasaw sa ground floor room ng ARC. Tapos, tapos na agad? Pero ganun talaga eh, hindi natin puwedeng iislowmo ang mga bagay bagay, sa kaunting kurap maiiwan ka ng bilis ng panahon. #ChangeIsComing era na daw kasi. Kaya every day, every single second of the day we must learn to accept changes. (insert hugot here, Vicky).

Well I'm proud to say "mission accomplished" at mas well-done pa sa itlog na niluluto mo sa umaga ang performance natin dito. Yun ang maipagmamayabang ko. We did our best at the very end. Absent nga lang ako nung last day, ang sama kasi ng pakiramdam (ng wallet) ko. Ika nga nila "Teamwork makes the dream work" (especially pag may foods). And I hope we will carry the same performance as we jump off to the next mothership. 

*Tonee's Testi para sa lahat:


TL Cat- Thank you for believing in me. I know i'm not capable of doing other tasks but you've been very patient for guiding me all along. Thank you for being a good mentor, ate and a leader!


Ate Fe - Magsalita ka na po please. HAHAHAHA! Sorry kung maingay ako palagi haha hindi minsan. Alam kong naiinis ka pag tanong ng tanong pero salamat po sa pasensya!


Ate Genieve Austine Erishka Telmo - Ate Gae! Thank you po sa pag intindi. I can say na hindi ako nagkamali ng pinagkatiwalaan. Thank you so much sa pagtatanggol sa akin palagi. Love na love kita!


kuya Jack Maico - Since magkasama pa din po tayo, sana this time mas makilala pa kita. Alam ko madami akong matututunan sayo. Thank you for the patience haha! 


Inaaaay Marya Carey - “Spread your wings and prepare to fly!” sabi nga daw ni ate mo Mariah. Madami po akong natutunan sa inyo. Don't be sad Inay ha? We'll see you around! I love you Inay! *insert Hiram ni Zsa Zsa Padilla


Freilla - Beh salamat sa pag intindi sa mga keme ko sa buhay. May forever tayo diba? haha! Nasabi ko na naman sayo lahat at thankful talaga ako na nakilala kita. 





Janelle Iris Dreu - magpakatino ka ha? please lang saka magbaon ka ng madami hindi yung para sayo lang. Wag ganon. haha labyu!


Vviicckkyy - madami pa tayong pagsasamahan. Alam mo yan and isa ka sa mga pinagkakatiwalaan ko ng lahat. Salamat sa pag intindi palagi sa mood at sa ugali ko. 
😂

Yu Hsuan Hsiaoo Shen, congratulations sa achievements! You deserve it beh. Keep in touch okay? Basta kasama ka pa din namin sa lahat.

*Fe's Testi para sa lahat:

I am really feeling emotional now, I cannot believe this just got into me..
At first I was hesitant that I'll be able to get along with them - they're the perfect example of weird crazy peeps!



Marya - wag ka na malungkot te. lagi ka namin maaalala since di naman nawawala sa playlist si Mariah kahit sang building tayo mapunta. keep your spirit high and we're just a text/chat away



Gae - di tayo fb friends but it's fine. Di naman kailangang maging fb friends para maging friends literally. kahit di namin maexplain ang mood swings mo, happy pa rin ako to meet you, lakas mo makagising lalo na pag dinadabog mo yung mouse, haha!


Jack - di rin tayo fb friends pero like Gae, di kailangan nun. exact opposite of Gae, lakas mo nman makaantok sa sobrang tahimik mo, pero ok din pang balance.


Janelle - friend pala kita, haha! saktong sakto ang tawa mo lagi ha, at yung pauso mong prank, benta!



Vviicckkyy - sus! isa pa to! humuhugot na, ang ingay pa. pero masaya kasama yan, kahit ttanong nya muna kung ok yung gawa nya. dahil sayo tumaas standard ng quality kya clap clap!



Tonee - aray ko, isa pa to. sabihin ko na ba ngyon? mgsasalita na ba ko? haha! Daanan lng ang pinagdadaanan. Hugot lng ng hugot pero siguraduhing sa lhat ng nraranasan may mgandng napupulot. akalain mong fliptop-an to?!



Freilla - usapang ina, usapang may-asawa yan favorite topic natin pero ok yan. mrami pa tyo pagchichismisan, puro bagong tao naman simula lunes!



Yu Hsuan - ikaw yung unang ktabi ko, bigla ka kcng na-hire, hehe! Mamimiss ka rn nmin lalo na ung stress level mong 100 at pagka-OC-OC mo, haha



Tl Cat - salamat sa lahat. ikaw lang yung TL na nakanood kmi ng movies yey!



Wherever we may go, we cannot deny that we will all be part of each other's lives kaya wag kayong umarte. Echos lang naman to, magkikita pa kaya tyo bukas!


Mamimiss ko yung prod tracker na dpat sakto, yung templates na pabago bago kc ang bilis mag update ng process, yung self study nating pag intindi sa process, screenshots, yung mini heart attack na message from K, yung di mo mhanap na bio ng artist, free soundtrip at pagstalk ntin thru fb..

I will miss Jukely!!!
I will miss being a Juke -
We are certified Jukes!!!


Testikels ko para sa lahat:

*TL Cat 

Boss thanks sa all of the above. Sayang talaga di natuloy ang journey namin with you. Pero siyempre we understand din naman. Decisions changes as quick as the brown fox jumps over the lazy dog. Thank you for everything, for checking our in and outs, sa approval ng VL's at SL's. We'll see you again! 

*Gerlan

One quote. "You can make it through the rain." It's just a small storm in your teacup manay. Pero til now di ako convinced that you didn't make it. Prove them na mali sila with a smile ala Maricel Soriano. I'm glad na hindi ka na magflofloating, kasi hindi ko maisip sa pisikal na lumulutang ka Inay. We'll see you around. Chat ka lang kung ano schedule mo.

*Tonee

Gusto pala ko ni Tonee makilala ng husto, sa papaanong paraan?  Slambook? joke... Deh ganito lang talaga ko tahimik, lalo na ngayon, mabigat din kasi ang dibdib ko minsan, kasing-bigat din ng dibdib mo kapag humu hugot kayo ni Vicky tungkol sa love. 

*Vicky

Hugot lang din ng hugot tapos kapag marami na kayong collections ni Tonee gawa kayo libro. Mas masarap sinusulat ang pinaghuhugutan para mas intense at napupublicize. Then ang title ng libro "The Art of Hugot". 

*Fe

Nagsalita ang madaldal eh noh? Pero di ko makakalimutan na nagkabalitaktakan din naman kame ni Fe ng kwentuhan nung pang umaga kame. One word per talk nga lang ang conversation. Ang naaalala ko nung pinupug kame ng tickets tapos nawalan pa ng connection ng 30 minutes tapos pagkabalik ng Internet, sandamukal na yung ticket. 

*Genieve Austin Erishka Telmo

Si Gae? nako ano bang masasabi ko diyan. Mataray yan ee. Nagpasurvey pa yan sa lahat kung mataray siya o hindi  eh ang kaso ang official canvassing sa botohan panalo ang mataray siya. Mataray yan si gae pero mabait yan tsaka adik sa  tracker at productivity. Gamit din ng health card minsan kasi lagi din siyang nahihilo. Di na  tayo pabata kaya ingat lang sa ating mga nararamdaman. Mataray yan si gae ee. 

*Yu Hsuan Hsiao

Good luck sa bagong achievement siyempre. K-Pop rocks!!! Isa sa mga supportive teammates nung nagsstart palang ako sa Jukes. Kung usapang buffet kay Shen at Gae kayo makikinig. Minsan kapag wala na talagang mapagusapan sa sobrang kaboringan usap sila tungkol sa pagkain. Hindi nila alam na naglalaway nako sa sulok sa mga pinaguusapan nila. Kaya ako may time na nag search na lang din ako ng "Top ten hottest potato chips in the world." 

*Frei

Napakaraming sense of humor niyan e lalo na pag asaran ang usapan. Puwede sila maghost ni Fe ng "Magandang Buhay" ng channel 2 dahil sa usapang motherhood, livelihood at pagaalaga ng kani-kanilang babies. Sabi ng iba "natawa ko, mga bente" kay Frei at Tonee asahan mong hindi mo mabibilang ang tawa mula gabi hanggang umaga. Okay din naman walang dull moments kapag sila ang kasama mo, hindi ka makakatulog. Ay teka, nakatulog pala kame ni Frei. Ayun na NTE. 

*Janelle

One word. Kengkoy. The more aura you make, the more kengkoy it gets.

PS: We will also miss our friends from FLING, di rin biro ang isang taon na kasama po kayo namin under one room, from TL Kelvin, Jessie, Will, Marvin, Dapsi, Fred, Ish, Mommy & Jean. 

So ayun  na nga....we'll be missing each other day by day. But before the next page flip on our lives sariwain muna natin yung bongacious na buffet sa last team building ng Jukes sa Carl Cedz.

'Carl Cedz Grill, Kawit, Cavite'

Waiting......

Round 1 lapang

Round 2 lapang

Round 3

Round 4 

Big smile and nga-nga for foods!

Foods at Cedz......

Pika-pika muna



Wake up, little sushi's, wake up!


Soups


D for Desserts

Juice ko day!

Churros 

Di ko na-enjoy bawal sa sumulat part 1 

Di ko na-enjoy bawal sa sumulat part 2







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento