Martes, Hunyo 10, 2025

Jack's Biking Chronicles: Bike & Bite: Jim's Pares Usok Food Trip from Imus to Malate


'Jim's Pares Usok since 1999'

There was always a time na kapag uuwi na ako galing sa ride kung saan mang lupalop ng Kamaynilaan ay naghahanap ang aking tiyan ng bagong makakainan para mapawi ang aking gutom sa kakapedal at talaga nga naman na masasabi ko sa inyo na sulit ang pagkain lalo na kapag pagudtom ka sa kakakapadyak. Minsan kahit masarap talaga ang Jollibee ay nakakasawa na rin ang paulit-ulit na pagkain dito.  Ito ang naging buhay ko sa limang taon ng aking pagbibisikleta and the highlight of the ride is to find some food stops na pagtsitsibugan at nahanap ko nga ang legedary spot at pinakamasarap na kainan sa Maria Orosa Street, sa Malate, Maynila, ang Jim's Pares Usok. 

Jim’s Pares Usok is one of Malate’s best-kept secrets—though it’s not so secret anymore. It started as a simple pares and mami stall in the early 2000s, owned by Jim de Guzman, a former jeepney driver turned food entrepreneur. Gamit ang family recipe ng beef pares at homemade mami, unti-unti niyang nakuha ang puso (at tiyan) ng mga Manileño. Dumami na ang mga parokyano ni Tatay Jim mula sa mga ka-kosa niyang jeepney drivers, taxi at Grab drivers, mga motorcycle riders ng mga food delivery, construction workers, cyclist, office workers, artista, tambay, estudyante at mga lokal ng Malate at hanggang sa mga kilalang personalildad ay dinadayo ang paresan ni Jim De Guzman. Ang pagkain dito ay abot-kaya, sulit, at punong-puno ng lasa. It’s a melting pot of Manila's working class and foodies in search of comfort food. Unang sumikat ang paresan nang mai-feature ito sa sikat na Youtube Channel ang TIKIM TV, kung saan pinopromote ng nasabing channel ang masasarap na pagkain saan mang sulok ng Pilipinas. 

Now, the eatery is managed by his children, and it continues to serve big flavors for small prices.

Hindi ito fancy restaurant. Jim’s Pares is your classic karinderya-style eatery with a mix of plastic tables, monobloc chairs, electric fans on the wall, and a stainless steel counter where the magic happens. May tarp sign lang sa harap na may faded na logo, pero ang pila ng tao sa labas ang tunay na "panghatak."

Pag dumaan ka sa Maria Orosa Street, bago ka pa makalapit, maaamoy mo na ang umeeenganyong aroma ng beef broth, toasted garlic, at simmering soy sauce—amoy pa lang, ulam na!

TIKIM TV features Jim's Pares Usok

What to Eat at Jim’s Pares Usok?

Here’s a quick rundown ng mga pagkain nila:

Beef Pares with Rice – ₱80











Tender beef cubes in sweet-savory sauce. Served with garlic rice and sabaw sa tabi.

🍜 Special Mami – ₱60










Egg noodles in rich beef broth with beef bits, scallions, and toasted garlic.

🐷 Pares Silog – ₱95














Pares with sinangag and itlog. Pang-breakfast of champions.

Cold drinks like gulaman or soda are also available for ₱20-₱25.

Ang lagi ko na inoorder dito ay yung beef pares na may itlog at kanin. Beef broth pa lang ay napakalasa na at ang karne it really melts in your mouth. Samahan mo pa ng pinakamalamig na Mountain Dew softdrinks ay busolve ka talaga at mapapapadyak ka na naman ng may sapat na enerhiya pauwi. 

Sikat ang Jim's Pares sapagkat malasa at consistent ang timpla. Abot kaya ang presyo ng mga pagkain sa menu lalo na sa mga estudyante sa mga eskuwelahan na nakapaligid sa area. Word of mouth at social media shoutouts ang nagpa-viral dito.

Sabi nga ng iba, “Pag laspag ka sa byahe o sa buhay, isang Jim’s lang ang katapat.”

Ang pagkain sa Jim's Pares ay hindi lang simpleng kainan—ito'y karanasang Pilipino. Nagsimula ito sa pangarap ng isang ordinaryong tao, pero dahil sa sipag, tiyaga, at sarap ng putahe, naging institusyon na ito sa Malate.

At para sa mga nagba-bike food trip tulad ko, Jim’s is a perfect stop—masarap, mura, at busog ka sa kwento.




Lunes, Hunyo 9, 2025

Expressions! Expressions!: The Funniest Filipino Slang Words

 

Here are the 30 hilarious Filipino slang words. Pag-usapan natin!

Every now and then may mga bagong salitang nauuso at naipapasa sa ating mga bibig hanggang sa mag-trending ang mga ito at dahil nag trend puwede nating maisama sa Pinoy Hall of Fame ng mga slang words. Even our nanay and lola were able to say this slang words from out of nowhere at matatawa na lang tayong mga millennial dahil ang nanay at lola mo nasabihan ka ng "ha? hotdog!" Sa blog na ito pag-usapan natin ang lahat ng salitang nauso at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. 

Madalas natin itong naririnig ngunit ang karamihan sa atin ay hindi alam ang ibig sabihin nito. Ang mga millennials daw ay ang mga tanging nabibilang sa generation Y o Net Generation na kung saan kinalakihan na ang paggamit ng kompyuter at Internet sa kanilang pang araw-araw na buhay. Para makasunod sa mga uso, nais din nating malaman ang mga pagbabago sa ating paligid kaya ang tanong ko sayo, Isa ka ba sa mga millennials na napag iwanan na pagdating sa mga nauusong salita ngayon? Ang ilan ay mga listahan sa mga patok at nauusong salita ng mga millennials na maaaring makatulong sayo upang ika'y makasunod at makaunawa sa kanila.

Anyare/Ansabe?

"Anyare is short for "anong nangyari" while "ansabe" is short for "anong sinabi." Ayon kay Dr. Jovy Peregrino ng Kagawaran ng Filipino at Philippine Literature ng UP Diliman, ang mga Pinoy daw ay mahilig sa pagtanggal ng mga tunog o pantig ng mga salita mula sa isang salita upang gumawa ng mga pandiwa na mga shortcuts. Kapag may isang taong gumamit ng "anyare" hindi nila talaga tinatanong kung ano talaga ang nangyari sa halip ang katanungan nila ay kung bakit nangyari ang isang bagay.

Halimbawa:

*May nagpagupit ng bagong hairstyle at nakita ng barkada*
"Oh pre, anyare? sinong gumawa niyan, buhay pa ba? Hahahaha!"

Charot!

Kadalasan ay nai-gugrupo ang salitang ito sa mga gay lingo o ang nag-imbento ay mga baklang parlorista. Kapag ang isang salita ay not meant for what he is saying nilalagyan ng "charot!" sa dulo (with a gay accent) meaning joke lang at hindi totoo ang sinasabi niya.

Halimbawa:

“Sikat ka na ha, di na ma-reach. Charot!” 

Di ba puwedeng.....

Ang pagpapahayag na ito ay tumutukoy sa isang naunang pahayag at nag-aalok ng isang nakakatawang alternatibo.

Halimbawa:

"Kapag single, pangit agad, di ba puwedeng choosy lang?"

Pabebe.

Paano kumain ng mamon ang pabebe?

Nako eto maraming ganito bawat lugar ay may ganito. Ang ibig sabihin nito ay umarteng parang baby o magpa-cute. Maaasar ka minsan sa mga ganitong klase. Tulad din ng salitang Bae, naging popular ang pabebe dahil sa pabebe wave ng nausong tambalan noon ang Aldub. Ang pabebe wave naman ay ang pa-cute o mahinhing pagkaway. May ibang kahulugan din ito para sa iba, kumbaga ay maarte o nagiinarte.

Halimbawa:

"Hindi daw makakasama si Jane sa outing bukas dahil lumalaki ang tigyawat niya sa ilong."

"Jusko nag-inarte? Masyadong pabebe ang ateh niyo."

Peg

Ang salitang ito ay nagmumula sa pag-uusap na walang saysay at tumutukoy sa mood, estilo, o tema na pinapasok ng isang tao. Ang paggamit ng salitang "peg" ay tumutulong sa pagtingin sa kung ano ang iyong kinabibilangan.. Tumutulong din ito sa pagpapaliwanag at paghahatid ng iyong mensahe.

Halimbawa:

*Nagsuot ng cycling shorts at bakat si Manoy* -- 

"Wow, Machete ang peg?"

Edi Wow!

Ekspresyon na parang sinasabi sayo ng kausap mo na "edi ikaw na!" kaya manahimik ka na. Ganern.

Halimbawa:

"Alam mo pare, kaya ko languyin ang karagatan mapuntahan ko lamang siya para malaman niya na totoo ang pag-ibig ko sa kanya."

"Eh di wow pre, ikaw na! bili ka na lang tiket sa eroplano pre gusto mo ba humiram?"

Tara G!

Kapag tinanong ka ng iyong kaklase ng "Ano tara"?" kadalasan ang isasagot mo Tara G! pero aminin ang alam mong sasabihin ay "Tara, lets go!" Pwes, ang tunay na ibig sabihin nun ay "Tara, GAME!" Hahahaha!

Halimbawa:

"Halikayo mga pare tutal babagsak lang rin naman tayo sa ating thesis ay magsayawan na lang tayo."

"Ayos yan, Tara G!"

"Kanina pa ako pikon na pikon sayo ee, magsapakan na lang tayo, anoh?"

"Tara G!"

Chos

Ang "chos" ay pinaikling salita ng "echos", na marahil ay ang katulad na salita rin ng salitang "charot". Kapag ang isang tao ay nagtatapos sa isang pahayag sa terminong ito, siya ay hindi seryoso o nagsasabi lamang ng joke.

Halimbawa:

"Tumae na ako sa aking salawal. Hehe. Chos lang!"

In Fairness

Ang salitang ito ay maaaring magkaroon ng parehong layunin bilang "talaga" at kadalasang ginagamit kapag hindi talaga ito kinakailangan. Ginagamit din ito minsan para purihin ang kapwa.

Halimbawa:

"In fairness, pumapayat ka ng super light lang naman."

"Uy, in fairness ha nasagot mo yung 1+1."

Walwalan

Kadalasan nababanggit ang salitang ito sa mga inuman. Nagmula ito sa mga salitang "walang pakialam", "walang pangarap" at "walang kinabukasan".

Halimbawa:

"Five-thirsty na, walwalan na!"

"Uuy tumama ka daw sa ending? Pa-walwal ka naman."

Push mo 'yan/ Push mo 'yan teh

This simply means "go for it". Kapag nais mong hikayatin ang isang tao o ipakita ang iyong suporta, ang pagpapahayag na ito ay angkop.

Halimbawa:

"Alam mo minsan parang gusto ko na ata magpakatiwakal."

"Push mo yan, teh!"

Pag may Time

Ito ay kadalasang ginagamit upang gumawa ng mapagkumbabang kahilingan. Hindi nais ng mgatao na pasanin ang isang hinihiling nilang pabor, kaya idinadagdag nila ang ekspresyong "pag may time". Ito ay ginagamit din upang itulak ang isang tao upang gumawa ng isang bagay, at maaaring hindi ito tiyak na isang pabor.

Halimbawa:

"Tangina mo ka, puro ka nalang Mobile legends. Aral-aral din pag may time."

Ninja Moves

Nagmula raw ito sa mga "ninja" o mga warrior na mayroong kakaibang galing, bilis kumilos at diskarte na maisakatuparan ang kanilang misyon nang hindi masyadong napapansin. Kaya kung nakakantsayawan ka ng iyong mga barkada na nag nininjamoves, ibig nilang sabihin ay ikaw ay pasimpleng dumidiskarte ng di napapansin.

Halimbawa:

"Ayos ah, panay ninja moves ka sa french fries ng hindi namin napapansin ah."

Eme-eme

Ito raw ay salitang beki na pamalit sa mga terms na hindi masabi o maalala. Noong dekada '80, ang ibig daw sabihin nito ay "any-any" o kung anu-ano lang. At nung dekada '90 naman, naging "anik-anik" at ngayon, "eme-eme" na!

Halimbawa:

"Anu na namang ka-eme-emehan yang ginagawa mo sa pagmumukha mo."

"Alam mo, lahat na lang ng ka-emehan nasasayo na!"

Blank Tape - Jejemon

Alam na.

"Alam na" is short for "alam niyo na" or "now you know".  Ang expression na ito kung minsan ay nagpapahatid ng malisya dahil ito ay puno ng pagpapalagay o panghuhusga sa kapwa. Ang mgataong gumagamit ng pananalitang ito ay may ipinapalagay na negatibong bagay tungkol sa paksa.

Halimbawa:

"Uy mga pre nagpunta sila sa silong na silang dalawa lang."

"Ah, alam na."

Ha Hotdog!

In the Philippines, it's a part of a memeable phrase, "Ha? Hotdog", usually said sarcastically, especially fired at someone who doesn't understand or hear what you've said.

Halimbawa:

"Ha?"

"Ha, hotdog!" 

"Tangina mo naman ehm di kita naintindihan eh."

Olats!

Ginagamit if someone loses a game of sports, a bet or a stake in gambling, sometimes kapag may nakipag eyeball ka tapos tinanong kung maganda ba yung na-meet mo. Ang kadalasang sinasagot, "olats pre"

Halimbawa:

Yung Ginebra, olats na naman sa Magnolia tambakol pa ang score!"

Kipay

Medyo R18 tayo dito. In Tagalog, the predominant Filipino language, kiki refers to female genitals. Other words used to refer to it are “puki” and the slang “pepe”, “kipay”, or “kepyas”.

Halimbawa:

Si, Jennifer, mabaho pa sa patay na daga ng kipay nun eh."

Beast Mode

Ang salitang ito ay ginagamit ng mgamillenials ngayon upang ipahiwatig na sila ay galit o naiinis. Posible raw magmula ang mga katagang ito sa video game na Altered Beast ng Sega, kung saan nagpapalit-anyo ang karakter dito at nagiging halimaw.

Halimbawa:

"Wow, araw-araw mukhang beast mode. Sa tagalog mukhang halimaw. Hahahaha!"

Bembang

Ang alam ko ang salitang ito ay galit pero mukhang naiba na because this word is now the OG tagalog word for smash, which also is now a colloquial term for sex. so yeah OP we're with you on this one. naol ma bembang.

Halimbawa:

"Tigilan niyo yan, ang alam ko bawal makipag-bembangan ang lalaki sa kapwa lalaki."

"Sana all ma-bembang"

Imba

Ang ibig sabihin ay hindi pangkaraniwan sa galing o husay, sobrang lakas o epektibo na higit sa inaasahan at halos walang katapat.

Halimbawa:

"Imba talaga yan si Taguro, isan-daang porsiyento ang lakas!"

Jejemon

 This is the new breed of hipster who has developed not only their own language and written text but also their own subculture and fashion.

Halimbawa:

"Malapit na naman ang simbang-gabi, siguradong maglalabasan na naman ang mga jejemon para tumambay lang sa tabi-tabi."

Drawing

Isang taon laging nag-aaya sa isang activity pero laging hindi natutuloy kaya siya tinawag na drawing. Drawing na hindi nakulayan. 

Halimbawa:

"Mag-aaya ka naman ng swimming, kahit kelan di naman natuloy, drawing ka talaga eh."

Japeyks

The term is used when you see something fake.

Halimbawa:

Hoy, alam niyo ba ang tsika, na yung classmate nating si Regino eh japeyks pala ang relo na suot. Akala niya siguro maloloko niya tayo.

Lodi

Isang hinahangaang personalidad dahil sa kanyang mga nagawa, katangian, o kasikatan, na madalas ay aspirasyon ng iba sa tagumpay.

Halimbawa:

Si Ivanna Alawi talaga ang lodi ko sa kagandahan at kaseksihan. Yummy!

Awit

Ang "Awit" ay isang pagpapaikli ng "Aw, sakit", na ang ibig sabihin ay "Aray" pero hindi dapat literal na gamitin kapag nasaktan ng pisikal. 

Halimbawa: 

"Nay, natanggal ako sa trabaho dahil nakipagsuntukan ako sa team leader ko."

Nanay: "Awit, anak", okay lang yun napuruhan mo ba? 

The Struggle is real

This is a phrase used to describe a small, everyday, frustrating situation or setback, similar to the complaint of first-world problems.

Halimbawa: 

"Kapag lagi ka talagang dumadaan sa EDSA, the struggle is real eh. Usad pagong ang trapik at tutubuan ka talaga ng kamote sa wetpu."

Omsim

Kabaligtaran ng salitang mismo or meaning strong approval of someones comment. 

Halimbawa:

"Napakahirap talaga magpa-exam niyan ni Sir Jack, hindi naman nagtuturo."

All: "Omsim!

XD

Stands for LOL or Laugh Out Loud. It is a term mainly used to represent a specific emoticon, where the letter X is identified as eyes and D as a laughing mouth. Sometimes, it is also stylized as the xD.

Halimbawa:

"Nakita mo yung mamang yun, yung buhok niya nasa ibaba ng mukha niya, yung ulo napaka-kinis at ang kintab."

All: "XD hahahaha!"

Astig

Meaning cool, awesome, badass, macho. Came from the word TIGAS. It can also apply to objects.

Halimbawa: 

Ang astig ng porma ng bago nating kaklase abot hanggang dibdib yung pantalon niya tapos naka-tack in pa. Hahahaha!

Chillax

This means to calm down and relax. Everything will gonna be alright. 

Halimbawa: 

"Chillax ka lang pre akong bahala mag-abot sa crush mo ng love letter mo. Dumidiskarte lang ako ng tamang pagkakataon."



Linggo, Hunyo 8, 2025

The Golden Voice of the Airwaves: A Look Back at Philippine Radio Drama


Reminiscing about the Radio Drama Era in the Philippines. What was your favorite Radio drama?

People in the 90s never failed to entertain themselves during this era, when mobile phones, the Internet, and digital gadgets did not yet exist. I admit that I was also hooked when the reign of the Radio Drama on the AM band airwaves became famous in the 90s. Natatandaan ko pa yung vibes na habang namamalantsa si nanay ng aming uniporme kapag Sabado bago mag-tanghalian ay nakikinig kami ng dramaserye sa radyo sa paborito niyang istasyon ng DZMM habang ako naman ay gumagawa ng aking assignments kaya alam ko rin ang mga istorya dahil dumadaan sa aking mga tainga ang mga nakakatuwang sound effects ng bugbugan, suntukan at hiyawan sa drama sa radyo. Para itong komiks na talaga nga naman na susubaybayan mo kinabukasan o sa mga susunod pang araw kung ano na ang nangyari sa isa sa mga character na kinagigiliwan mo. Kahit hindi ko personal na paborito ang drama sa radyo dahil sa impluwensiya ng aking nanay at nakikinig na rin ako. This is one of our past time in the 90s. Simple at payak. 

Bago pa man dumating ang telebisyon at internet, ang radyo ang hari ng tahanan sa Pilipinas, lalo na noong kalagitnaan ng 20th century. Isa sa mga pinakapinakinggan at minahal ng masa ay ang radio drama, isang uri ng palabas na binubuo ng mga boses, tunog, at imahinasyon. The first-ever radio drama in the Philippines aired on DZRH (then known as KZRH) in 1949, titled Gulong ng Palad. It told the story of poor but kind-hearted Luisa and her trials in life and love — a formula that would shape future radio dramas. During the Japanese Occupation (1942–1945), radio was tightly controlled for propaganda, but after the war, Filipinos turned back to it as a form of escape and emotional healing. Thus, radio drama became an avenue to reconnect with hope and humanity.

Live radio drama
Ariel Rivera - Sana Kahit Minsan (this is one of the most played songs in the Radio drama in the 90s)

Ang mga tagapakinig nito ay karaniwang mga nanay, lola, trabahador sa bahay, at kahit mga estudyanteng pauwi na galing eskwela. Nagsilbing kasama sa pang-araw-araw na buhay ang mga dramang ito habang naglalaba, nagluluto,  namamalantsa o nagpapahinga. Sound effects were an essential part of the magic—mula sa yabag ng paa, pintuang binubuksan, palakpakan, hanggang sa kulog at ulan, lahat ay ginagawang tunog gamit ang mga props sa studio: sapatos sa kahoy, lata, papel, at minsan, sariling boses ng aktor.

Karaniwang kwento sa radio drama sa Pilipinas ay umiikot sa pamilya, pag-ibig, paghihiganti, at kababalaghan. Meron ding mga kuwento ng mahirap na umaangat sa buhay, o anak na nawawala at nagbabalik sa dramatikong paraan. Kwento ng mahirap na biglang yumaman at naghiganti sa mga nangutya ng kanyang pagkatao noong siya's nasa putikan pa at naghihikahos sa buhay. These themes struck a chord with Filipinos who valued resilience, loyalty, and heart-tugging emotion.

Ang mga pamosong radio drama sa AM ay ang Maria Flordeluna, Gulong ng Palad, Radio Romance, Pira-Pirasong Pangarap at Nagmamahal, Manay Gina. Alin dito ang natatandaan mo at nasubaybayan?

Kaya’t napakanostalgic ng radio drama. It reminds many of a simpler time—walang screen, walang visuals, kundi tunog lang at imahinasyon. Nakakatuwang balikan kung paanong kahit boses lang at sound effects ay sapat na para umiyak, tumawa, at kiligin ang buong pamilya. Radio dramas were more than entertainment—they were companions in everyday life, mirrors of society, and echoes of the Filipino soul.




Tsinelas ng mga Batang Kalye ng Dekada Nobenta

 

'Ang may pinakamatibay na tsinelas ang mananalo sa larong tumbang preso'

Kung ikaw ay batang 90s, tiyak na hindi kumpleto ang iyong pagkabata kung wala kang nasirang tsinelas sa gitna ng harutan sa kalye. Sa kuwentuhan nating ito, samahan mo akong balik-balikan ang mga sikat na brand ng tsinelas noong 90s, ang mga diskarteng ginagawa para ma-repair ang mga ito, at kung magkano ang mga presyo ng tsinelas noon. Tara, lakad tayo... gamit ang Time Space Warp pauntang dekada nobenta. 

Iba talaga ang feeling kapag naka tsinelas.  Nung bata ako, Beachwalk na talaga ang gamit ko.  ‘Yung iba naka-Rambbo, pero hindi naman kasing komportable ng Beachwalk kong kulay pula.  Ewan ko kung ano ang meron sa kulay pula at parating ‘yun ang kulay ng mga tsinelas ko.  Naki-join din naman ako nung nauso ‘yung mga tsinelas na pa-ekis ang disenyo.  Ang catch:  ang hirap gamitin.  Kaya kahit uso ‘yon dati eh bumalik ako sa klasik Beachwalk ko.  Pakaskas ko pa ‘yun nilalakad kaya ‘yung likod na bahagi ang unang napupudpod. Ayoko nung ekis kasi parang nasasakal ang pakiramdam ng mga paa ko. 

Dahil asintado ako sa tumbrang preso noon, kayang makipagsabayan ng Beachwalk ko sa mga Rambbo at alpombra.  Konting pektus lang sapul agad ang lata.  Mas gusto kong tumira galing sa malayo para makita ng ibang mga bata kung gano ako kagaling…  gamit ang aking Beachwalk.

Tulad ng ibang tsinelas, hindi maiwasang matanggal sa butas ang harap na bahagi nito. Tinuruan ako ng kapitabahay namin kung paano ibalik ‘yun nang hindi na gagamitan ng patpat.  Duraan mo lang ‘yung butas at madali mo nang maipapasok yung napigtas.  Alambre?  Ayaw kong gumamit nun.  Hindi ako komportable.  Magpapabili nalang ako kay mama sa palengke.  Tapos pag-uwi niya sa bahay, kulay pula nanaman ‘yung Beachwalk ko 

Walang duda, ang Islander ang pinaka-pinagkakatiwalaan pagdating sa tibay at tagal. May mga kwento pa nga na umaabot ng 5 taon ang buhay ng isang pares, basta alaga lang. Puwede pang ipamana sa kapatid! Marami ang nagsasabi na kahit sa basang kalsada, batuhan, o larong habulan sa init ng araw, ay hindi sumusuko ang Islander. Parang may sariling "pangarap" ang tsinelas—hindi bumibitaw! Pero dahil loyal ako sa Beachwalk, kahit pa anong tibay ng Islander ay kasa-kasama ko na ang Beachwalk sa paglaki at lagi nga akong nananalo sa mga laro namin na ginagamitan ng tsinelas katulad ng nasabi kong tumbang-preso. 

Sa kabila ng pagiging simple ng tsinelas noong 90s, hindi ito pipitsugin. May kanya-kanyang “laban” ang bawat brand, lalo na pagdating sa tibay at tagal.

1. Islander

Ang “Hari ng Tibay.” Kahit noong 90s pa, sumikat na ang Islander bilang pangmatagalang tsinelas na kayang makipagsabayan kahit sa pinaka-magugulong laro. Makikilala mo agad ang Islander dahil sa kanyang makapal at matibay na rubber sole at kakaibang malapad na strap na tila hindi basta-basta napuputol.

2. Spartan

Kung gusto mo ng tsinelas na may disiplinado ang apak, Spartan ang sagot. Matibay din ito, bagama’t may mas manipis na strap kaysa Islander. Pero pagdating sa klasikong itsura at tibay, walang tapon ang Spartan.

3. Beverly Hills Polo Club (BHPC) Slippers

Medyo sosyal sa pangalan pero budget-friendly pa rin. Sikat ito sa mga estudyanteng may konting “angas” sa pa-simple na porma—gamit ito pang-pasok sa PE o minsan pang-mall!

4. Bunny Slippers

Hindi ito yung cute na fur slippers ha. Ito 'yung murang brand na mabibili sa palengke—simple, payat, pero swak sa budget.

5. Rambo

Sa pangalan pa lang alam mo na pang lamyerda at kung anu-anong battlefields and sinusuong ng tsinelas na to. Isa rin sa pinakamatibay na tsinelas noong dekada nobenta. 

6. Nikon Slippers

Tunog appliances, lang pero brand din ito ng tsinelas noong 90s. Hindi ako nakagamit nito at sa tingin pa lang ay mukha rin pang-labanan ang tsinelas na ito. Walang ibang disensyo o logo sa tsinelas. Kung gusto ng pula, wala kang ibang kulay na makikita kundi pure na pula lang din. Walang ibang eche-bureche na design. Ewan ko lang kung mayroon pang nagtitinda ng ganitong brand.

Para sa akin ‘yung normal din na tsinelas ang paborito ko.  Dun ako sobrang komportable na nakakapag-perform talaga ko nang maganda sa kahit anung laro kapag normal na tsinelas ang gamit ko.  Hinde ko alam kung maganda talaga siya o dun lang talaga nasanay ‘yung paa ko pero mas maliksi talaga ko sa normal na tsinelas.  Shempre ginusto ko ring mag-Islander at alpumbra pero ‘yun lang talaga ang binibili sakin ng ermat ko.  Ok lang sakin kahit mahina gamitin ‘yun sa tumbang preso kasi nga maliksi ako dun kaya kaya kong gawin ‘yung ako mismo ‘yung hahampas sa lata gamit ‘yung tsinelas ko nang hindi ako natataya.  Sikat ka pa nun kasi ‘yung mga magagaling at pwedeng maging lider lang ang gumagawa nun.  ‘Pag napigtal naman ‘yung tsinelas ko sanay akong ayusin ‘yun sa mga gate ng bahay na may matulis.  Ang dali nun eh kesa sa gagamit ka ng stick, ipapatong mo lang ‘yung tsinelas mo at ididiin pababa, ayun at pasok agad ‘yung bilog na goma sa butas.  ‘Pag sobrang dalas ng napipigtal ‘yung tsinelas ko dahil upod na rin ‘yung bilog na bumabara sa ilalim eh nilalagyan ko na rin ng alambre.  Iniikot ko dun sa parang leeg ng bilog na ‘yun ‘yung alambre at ‘yung alambre ang pinambabara ko sa bilog.  Ewan ko kung ako lang yata gumagawa nun samin pero epektib naman eh.  Minsan nga lang ‘pag sobrang nipis na nung tsinelas ko eh umiinit ‘yung alambre sa ilalim kakakiskis, nararamdaman ko at mainit din talaga sa paa.

Yano - Tsinelas

Presyo ng Tsinelas noong 90s

Balikan natin ang presyo. Noong dekada 90, medyo abot-kaya pa talaga ang mga gamit. Narito ang approximate na presyo noon:

  • Islander – ₱60 to ₱100 (depende sa laki at tindahan)
  • Spartan – ₱40 to ₱70
  • BHPC / Department Store Brands – ₱50 to ₱80
  • Palengke Brands / Bunny Slippers – ₱20 to ₱40

Imagine mo, may tsinelas ka na noon sa halagang mas mura pa sa isang combo meal ngayon!

Hindi lang basta footwear ang tsinelas noong 90s. Ito’y kasama sa alaala ng pagkabata. Tsinelas ang saksi sa:

  • Luksong baka
  • Patintero
  • Tumbang preso (minsan, ginagamit pa ang tsinelas pang-tumba sa lata!)
  • Tagu-taguan
  • Agawan base

Kapag biglang napatid sa kalsada at tumilapon ang tsinelas mo? Normal na eksena na ’yan! Tapos aapakan mo lang muli gamit ang isa mo pang paa para masuot ulit habang tumatakbo—tunay na talentado ang batang 90s!

Isa pa sa iconic na parte ng dekada 90 ay ang malikhaing paraan ng pag-aayos ng sirang tsinelas. Hindi agad tinatapon—kundi inaayos! Narito ang ilan sa mga DIY diskarte:

1. Alambre o Pako

Kapag napigtas ang strap mula sa butas ng tsinelas, ang alambre ang bida. Isusuksok ito sa butas ng strap at ibabalik sa ilalim ng tsinelas, sabay dikit gamit ang lighter o lighter fluid para “tumibay.” Minsan, pako pa ang ginagamit—parang sapatos na ni-Jose Rizal!

2. Pang-ukit ng Goma (Goma ng Lobo)

Ginagamit bilang "stopper" sa ilalim para hindi na mahila palabas ang strap. May batang 90s na gumagamit ng takip ng Coke bilang panapaw!

3. Mainit na kutsilyo o lanseta

Para i-burn ang end ng strap at ipatulis, para hindi agad mahatak palabas. May dagdag lakas ng loob kasi puwedeng mapaso!

4. Yero o Retasong Plastic

Ikinakabit sa ilalim bilang suporta. Madalas itong makikita sa tsinelas na ilang beses nang nasira—pero hindi pa rin sumusuko.

Kung iisipin, simple lang ang tsinelas noon. Pero ito ang naging kasama sa bawat kalaro, bawat sugat sa tuhod, bawat tawa sa kalsada. Hindi ito basta gamit, kundi bahagi ng ating kultura’t kabataan.

Marahil ngayon, sapatos na ang uso. Pero sa puso ng batang 90s, walang tatalo sa tsinelas na nakasama sa tag-init, tag-ulan, at tag-habol.

Kaya kung makakakita ka ngayon ng batang naka-Islander o Spartan, ngumiti ka. Baka isa siya sa bagong henerasyon ng batang may tunay na “tsinelas ng bayan.”




Martes, Hunyo 3, 2025

Magnolia Flavor of the Month: A Sweet 80s Filipino Ice Cream Tradition

 

Do you still remember the Magnolia Flavor of the Month?

Come Summer in the Philippines, there was a time ice cream was a real craze. Dahil na rin sa tindi ng init ng panahon, Filipinos indulged themselves eating ice cream, and there is one brand that exists until now because of their delicious flavors of ice cream that you can choose from. The Magnolia Ice Cream!

Long before imported brands flooded supermarket freezers, one name dominated the world of ice cream in the Philippines—Magnolia. And if you were a kid growing up in the 90s, the words "Flavor of the Month" brought an instant rush of excitement. Started in 1954, Magnolia’s Flavor of the Month campaign was more than just a marketing strategy—it became a monthly ritual for Filipino families. Every month, people eagerly looked forward to the unveiling of a limited-edition ice cream flavor, available only for 30 days. These flavors were often quirky, unique, and experimental—sometimes local, sometimes inspired by global trends—and they created a buzz in both homes and offices. Visiting the Magnolia Ice Cream House or spotting the colorful posters in supermarkets was like unwrapping a present. For many Filipinos, the start of a new month didn’t just mean turning a calendar page—it meant a new reason to eat ice cream.

Commercial advertisement for Magnolia's October 1993 Flavor of  the Month

 Introduced in March 1954, Magnolia’s Flavor of the Month (FOM) had Tru-Fruit Strawberry as its initial offering. Positioned as a superior ice cream with novel, exciting, and various flavors throughout the year, FOM flavors range from fruit-based or confectionery-flavored ice cream with homegrown or imported ingredients. 


“Magnolia, the finest name in ice cream, now presents the Ice Cream Flavor of the Month”—goes the jingle which opens the commercial and which then leads to Miss Magnolia—“For March, it’s Tutti-Frutti!”, and then proceeds to describe the ingredients of the flavor.




Hindi lang basta pagkaing ice cream ang Flavor of the Month—isa itong karanasang inaabangan ng marami. May mga tagahanga pa ngang nagkukolekta ng mga poster at label, habang ang iba ay handang pumila para matikman agad ang bagong lasa bago ito maubos. Ilan sa mga naaalala kong flavors noong 90s ay:
Ube Royale (Enero), Strawberry Shortcake (Pebrero), Pistachio Almond (Marso), Choco Hazelnut Swirl (Abril), Mango Tango (Mayo), Rocky Road Brownie (Hunyo), Lychee Delight (Hulyo), Mocha Marble Crunch (Agosto), Buko Pandan Supreme (Setyembre), Chocolate Caramel Nut (Oktubre), Bibingka at Puto Bumbong (Nobyembre), at ang pang-Paskong paborito—Quezo Real Navidad (Disyembre). Hindi pare-pareho taon-taon, pero marami sa mga flavors na ito ay bumabalik dahil sa demand.

Filipinos loved the surprise element. The moment you entered a Magnolia store and saw the new flavor poster, it felt like an event. There was even a sense of urgency—try it now or miss out forever. It wasn’t just ice cream; it was monthly nostalgia, adventure, and indulgence in one scoop. The fact that these flavors were often seasonal or holiday-themed made it even more special, like having a sweet countdown to Christmas, summer, or fiestas. This monthly reveal gave people a reason to bond, to celebrate payday, or to treat themselves after a long day.

The Magnolia’s Flavor of the Month line was discontinued when SMC transferred its ice cream and dairy businesses to Magnolia-Nestlé Corp. In 1998, SMC withdrew from the joint venture with Nestlé, and a "non-compete" clause barred it from the ice cream and milk businesses for five years. When the clause lapsed in 2004, SMC revived its ice cream through a subsidiary, Magnolia, Inc., but not its FOM line.

Kapag lumabas na sa patalastas ang bagong flavor ice cream ng Magnolia ay kinikilatis muna namin kung sa tunog ng flavo ay magugustuhan namin bago kami tumakbo sa pinakamalapit na ice cream shop sa aming lugar. Pinaka the best talaga ay yung mga chocolate flavors sa akin as a little kid in the 90s. Yung mga tita, tito, nanay at tatay namin ang gusto naman nila ay yung mga flavor ng prutas kagaya ng ube, manga, macapuno at ube. Iba rin kasi ang mga patalastas ng Magnolia talaga nga naman mahihimok kang bumili ng masarap na 1 gallon na ice cream para sa pamilya. Bumibili pa kami ng extra cones noon kasi mas masarap kumain sa apa. Walang problema sa ice cream scoop kasi siguradong mayroon sila tita. Ang sarap balikan ng mga simplier times na kumakain kayo ng ice cream dahil may sumweldo sa pamilya at nag-aya tikman ang bagong flavor ice cream ng Magnolia. Kami naman siyempre mga tsikiting ay excited at kasama pang bumili. Pero alam niyo na tumatak sa isip ko yung kanta ng Atlantic Starr na "Always" dahil narinig ko ito sa isa sa mga commercial ads ng Magnolia Flavor of the Month. Kaya ito ang gagamitin nating themesong sa blog post na ito. Yan lamang po ang aking one of the memorable but classic experience of the life as kid in the 90s. 

Atlantic Starr - Always



City of Pines: My Heart's Cold Flame (Poetry)

Breathe Baguio

 

First Glance, Forever Spell

The first time I saw you, Baguio,

hindi lang basta tanawin ang bumighani sa akin—

It was the whisper of pine trees

as if they knew my name

and welcomed me home

kahit hindi ko pa alam

na doon pala talaga ako babagsak…

sa'yo.


Your fog kissed my cheeks

like a lover's first hello—

mahinahon, malamig,

pero punong-puno ng kapanatagan.


Above you, the sky is a living canvas,

lahat ng kulay ng lungkot at tuwa

pinagsama-sama sa bawat malamig na dapithapon.

There’s something about your sunsets, Baguio—

They bleed softly,

As if the sun itself is reluctant to say goodbye

just like me.


Kahit saan ako tumingin,

may alindog kang hindi ko maipaliwanag.

Burnham Park, in the hush of dawn,

is a chapel where my silence worships your stillness.

At ang Session Road mo, kahit magulo,

may musika ang ingay—

parang jazz na minsang malungkot

pero laging buhay.


Your weather feels like a hug

Saan ka pa makakahanap ng lamig

na parang yakap ng pagmamahal sa kalaliman ng gabi

Your weather is my nostalgia wrapped in mist.

No sweat, no haste,

just the comfort of a hoodie

and a cup of strawberry juice

held like sacred wine in my hands.


Baguio, ang lamig mo ay hindi lang temperatura—

it's an emotion.

It cools the rage inside me,

tames the fire in my chest.

In you, I breathe better,

I sleep more deeply,

I exist softer.



But Baguio, what truly seals your magic

is not just the scent of pine

nor the echoes of Igorot chants in the breeze—

it’s your people.


Ang mga ngiti nilang payapa,

mga matang palaging may pag-unawa.

The way your locals move—hindi nagmamadali,

as if they know that time

should be tasted, not chased.

Your artists, your vendors,

The weavers of La Trinidad,

even the taho peddlers who whistle at sunrise—

They taught me:

Beauty is not in grand things.

It lives in the quiet,

In the ordinary,

In kindness without reason.


Why I Keep Coming Back

ikaw ang lungsod na hindi ko lang gustong puntahan.

Ikaw ang lungsod na gustong-gusto kong balik-balikan

dahil sa tuwing umaalis ako,

may bahagi ng kaluluwa kong naiiwan sa'yo.


Every street I walked,

Every cold morning I braved,

every ukay-ukay I hunt,

every haunting stare from BenCab’s galleries—

They’re all stitched in my memory

like pine needles sewn into my veins.

Even the phantoms of the Diplomat Hotel 

Knows how to settle into your quietness

As if they found peace in the afterlife


Sa totoo lang,

Every time I descend Kenon Road,

It's not just the altitude I leave behind.

I leave pieces of my heart on every curve,

Hoping to find them again

when I return


Until We Meet Again

So I write this now,

not as a tourist,

But as someone heartbroken by distance

and healed by memories.


Baguio, you are my unfinished story.

My unspoken poem.

My dream is with fog around the edges.

You’re not just a city.

You are my sanctuary

draped in pine and poetry.


At habang buhay kong dadalhin ang lamig mo—

Not in my skin

But in my heart




Jack's Biking Chronicles: From Dangwa with Love, a Bike Ride Through Petals and Passion

 

'My ride to Dangwa 2 days before the feast, St. Valentine's Day'

February 12, 2023, 2 days before Valentines day habang malamig pa ang hangin at hindi pa gaanong matindi ang sikat ng araw, sinimulan komuli ang kakaibang journey with my bike ride mula sa Imus, Cavite patungong Dangwa Flower Market sa Sta. Cruz, Manila. Mula sa Imus, dumaan ako sa Aguinaldo Highway, lumusot sa Bacoor, Las Piñas, at Pasay, tapos umikot sa Taft Avenue papasok ng Quiapo hanggang sa marating ko ang makulay na mundo ng Dangwa. Medyo matagal, mahaba-habang padyakan at nakakapagod ang biyahe, pero sulit na sulit dahil pagdating ko sa Dangwa, sinalubong ako ng sari-saring bulaklak na parang paleta ng pintor—rosas, gerberas, tulips, stargazers, orchids, sunflowers at kung anu-ano pa. Ang bango ng paligid, may halong halimuyak ng pag-ibig ang dala ng hangin na tumatama sa mukha mo. Langhap mo ang bango na naaamoy mo lang sa mga nilalabhan mong damit na kahalingtulad sa Downy. I have tracked this ride to Google maps because this is the first that I went to Dangwa ang hindi ko pa masyado alam ang mga dadaanan at kalye. Success and thank God for his guidance na natagpuan ko ang lugar ng walang aberya at nadagdagan ang aking kaalaman sa pagsikot-sikot sa Maynila. Kung manggagaling ka naman ng LRT ang bababaan mong istasyon na pinakamalapit ang Dangwa ay sa Tayuman Station. I believe na pinapayagan ang mga folding bikes sa loob ng tren kaya kung gusto mong hindi ka gaanong pagod sa padyakan kung nasa malayo ka ay take the LRT 1. But since I'm a  mountain bike user and would like to pedal more for adventure, pinapadyak ko lang ang ruta na to galing pa sa Cavite. 

Dangwa, also known as the Dangwa Flower Market, is located near the Dangwa Tranco bus terminal along Dos Castillas Street and surrounding roads in Sampaloc and Sta. Cruz, Manila. The market started becoming popular as a flower hub around the 1970s, when flower deliveries from Baguio via Dangwa buses became common. Originally, it was just a place where flower vendors waited for shipments from the north, but it evolved into a full-blown flower district as demand grew steadily, especially during special occasions. Now, Dangwa is synonymous with affordable and fresh flowers in Manila.




Flower farmers and farm owners are among the luckiest people in the world! How do I say that? Imagine waking up to beauty and colors. Most of the flowers at Dangwa are from Baguio (these pretty flower colors like the cold weather) and usually last for a week. Flowers in Dangwa are extremely affordable. A dozen roses for 80.00 pesos - that's one dozen for less than a hundred pesos! So what are you waiting for mga ka-tsong? Maybe flowers from Dangwa can save your naghihingalong pag-ibig.

There lies a sea of colors and an explosion in your eyes of all imaginable hues - red, green, lime green, dark green, pink, soft pink, fuchsia, light yellow, orange, white, purple, lavender, lilac, and all of these are so overwhelmingly beautiful. This is a place where your boyfriends will rejoice because flowers sold here are stunningly alluring for cheap prices, where brides will swoon and rush over the romantic colors of red and pink and white and lavender, where sons and daughters gushed out and buy special flowers for their parents for May and June where we celebrate our Mom and Dad's day of saying "Thank you" for all the guidance, love and care and those golden lessons they teach us to become a better man/woman like what we are today.

Rivermaya - Panahon Na Naman

Bakit nga ba sikat ang Dangwa tuwing Valentine's Day? Isa lang ang sagot—bulaklak. Valentine’s Day is the busiest time of the year in Dangwa. Lovers, husbands, boyfriends, even secret admirers flock to the market to buy flowers for their special someone. Dito mo makikita ang mga lalaki’t babae na may bitbit na bouquet busy sa pamimili ng bulaklak kahit gaano kasikip ang kalye. Marami pa ring naniniwala na walang tatalo sa bulaklak bilang simbolo ng pagmamahal. Mura, presko, at galing pa sa Benguet ang karamihan sa mga bulaklak dito—kaya kahit madaling araw pa lang, buhay na ang Dangwa. Maaga naman ako nakarating ng Dangwa during my ride kaya feel na feel ko yung cold breeze plus the fragrance of the wind. It was like a fresh fruity smell in the morning and I really like that vibe and kakaunti pa ang tao. 

Is giving flowers still a thing? Absolutely. Sa panahon ngayon, kahit digital na ang lahat, may magic pa ring hatid ang pagbibigay ng totoong bulaklak. Flowers don’t just decorate a room—they speak. They say “I love you,” “I’m sorry,” "I miss you", “Congratulations,” or “I’m thinking of you.” Sa mga birthday, wedding anniversary, graduation, o kahit simpleng date lang, bulaklak pa rin ang isa sa pinakamabisang regalo. Hindi lang ito para sa partner—pwede rin sa nanay, lola, kaibigan, o kahit sa sarili mo. Flowers bring joy, sincerity, and a sense of occasion that no digital gift can match. Pag binigyan ka ng bulaklak, parang sinasabi ng nagbibigay na, “Importante ka.”

Pawis man at pagod, ang saya ng pakiramdam. Sa biyahe kong ito, hindi lang ako nag-bike papuntang Sta. Cruz. Naglakbay din ako sa kahulugan ng pagbibigay, sa kahalagahan ng pag-alala, at sa simpleng kaligayahan ng isang manlalakbay ng bisikleta upang marating ang mga lugar na hindi niya pa napupuntahan. 

Kaya sa susunod na espesyal na araw, whether Valentine's Day, monthsary, or ordinary Tuesday lang—subukan mong dumaan sa Dangwa. Malay mo, hindi lang bulaklak ang madala mo pauwi, kundi alaala ng pag-ibig na hindi nalalaos. 🌸🚲




Linggo, Hunyo 1, 2025

Teks!

Long before mobile phones and gaming consoles became part of every child’s life, Filipino kids in the 90s had their own kind of fun—Teks cards.

Tandang-tanda ko pa yung iyak ni Bokyo nung nakuha ko lahat ng paborito niyang teks cards nung panahon na naglalaro kami nito sa kalye noong dekada nobenta. Basta pagsapit ng alas-kwatro ng hapon at pagkatapos kong magmeryenda ng pande-regla at Fanta strawberry ay diretso na kami sa aming arena, ang aming kalye para maglaro ng teks. Ang iba may mga dala-dala pang kahon at doon lahat nakasilid ang kanilang naiipon at nabibiling teks cards. Yung walang silid ng teks cards ang ginagawa nila ay binabalot nila sa kanilang damit kaya kita tuloy ang kanilang malalalking tiyan at nagdudumihang pusod, may extra teks cards din sila sa kanilang mga bulsa sa shorts. Sabay-sabay kaming maglalabasan sa bahay na akala mo mga action stars at ang aming weapon ay ang aming mga teks!

Bago pa dumating ang mga cellphone, tablets, at mobile games, simple pero masaya ang buhay-bata noong 90s. Isa sa mga paboritong libangan noon ay ang larong Teks. Pero ano nga ba ang Teks at paano ito nilalaro? Pag-usapan natin. 

Ang Teks ay maliliit na karton—karaniwang sukat ay 1.5 x 2.5 inches—na may mga larawan ng cartoons, anime, action stars, o pelikula. May iba pang may “kwento” o dialogue sa likod, parang komiks.

Sinasabing galing ang pangalang “Teks” sa salitang “text” dahil nga may mga linya sa likod. Pero posibleng gawa-gawang term lang din ito na sumikat sa mga bata.

Simple lang laruin ang teks, pero may diskarteng kailangan.

  1. Magdala ng koleksyon ng teks cards (minsan daan-daan ang bitbit).

  2. Pumili ng 3 cards na ipupusta o ipapalo.

  3. Magtaya ng ilang cards (e.g. “Lima ang taya!”).

  4. Ipitin sa pagitan ng daliri, itoss o ihagis sa ere, at hintayin kung alin ang face-up o face-down.

    • Kung 2 o 3 ang face-up, panalo ka.

    • Kung 2 o 3 ang face-down, talo ka.

May iba’t ibang bersyon sa bawat barangay. Minsan may pa-jackpot o dagdag na rule.


Dagdag ko lang na ang mga teks ay mga kwentong hinati-hati sa maliliit na cards. Halos yung sinasabi lang ng karakter ang makikita mo sa teks dahil sa liit nito. Lahat ng batang kalye nagkaron niyan, konti man o marami basta nagkaron. May batang ilang kahon ng sapatos ang napupuno ng teks. Syempre siya ang magaling maglaro kaya nakakolekta siya ng ganyan karami. Siya ang batang magaling pumitik ng teks na may pektus. Matindi ang mga pamato niyang gamit. Hindi ko alam kung bakit ganun kagaling ang pamato niya at palagi itong nananalo. Feeling ko dati e may talento talaga ang pamato niyang gamit at sumusunod talaga sa amo. Hingin mo na lahat ng teks niya huwag lang ang pamato niya. Kahit gaano kaluma at sobrang daming tupi nito e hindi mo ito pwedeng hingin. Sila rin ang malalakas pumusta sa laro. Minsan isang pitik lang e isang dangkal na teks na ang pusta. Minsan nga kapag nagkakayabangan na talaga e lagpas isang dangkal ang taya at ubusan talaga ng teks.

Meron rin namang bata na isang dangkal lang ang teks na meron siya. Sila ang mga bano. Hindi talaga sila nakikipagpustahan sa iba at puro hingi lang ang teks nila. Parang mga balato lang ang teks nila na galing sa magaling maglaro. Kung maglaro man sila, sila-sila rin ang naglalaban at napakakonti pa ng mga taya nilang teks para hindi agad maubos ang kakapiranggot nilang koleksyon. Sila rin ang mga hindi marurunong pumitik ng teks. Parang ibabato lang nila sa ere ng paikot at ok na. Kaya rin sila hindi nanalo kasi walang pektus ang bato e. Walang nangyayari sa pamato nila. Minsan nga e dahil hindi naman talaga sila nakikipaglaban e inaayos na lang nila ang mga teks nila sa pagkakasunud-sunod ng kwento. Hinahanap nila ang magkakasunod na scene at nalilibang na sila dun. Sila din yung minsan na naroon lang, nanonood pero hindi sasali sa laro dahil ayaw na nilang mabawasan ang teks nila. 

🛍️ Saan Nakakabili ng Teks?

Sa murang halaga, makakabili ka na ng teks sa:

  • Sari-sari store
  • Palengke
  • Tiangge o mga kariton vendors
  • May mga batang gumagawa pa ng sarili nilang teks gamit ang lumang karton at print-outs.
APO Hiking Society - Bawat Bata

Walang opisyal na kasaysayan kung saan nagmula ang larong teks, pero pinaniniwalaang ang teks ay nag-evolve mula sa American trading cards noong panahon ng mga Kano. Di kalaunan, gumawa na rin ang mga lokal ng sariling bersyon—mas mura, mas relatable sa kabataang Pinoy. Noong 90s, naging bahagi na ito ng pang-araw-araw na laro ng mga bata—lalo na ng mga batang lalaki.

Kapag sa mismong laro naman may kanya-kanyang style rin yan. Una syempre sa pamatong gamit. Kung anong teks ang feeling nila na palaging panalo o swerte, yan ang magiging pamato. Pangalawa ay ang pagkakasunod ng tatlong teks na gagamitin sa laro. Minsan sa ibabaw ilalagay ang pamato bago pitikin, minsan sa ilalim naman. Iiba’t-ibahin sa laro yang ayos hangga’t madali ang swerteng kombinasyon. At syempre ang pektus, minsan pataas at minsan naman e pagilid na mabilis ang ikot. Minsan e tumutunog pa talaga ang mga teks sa sobrang lakas ng pitik.

Ang saya ng teks ay nasa simpleng pagkatalo at tagumpay. Isang hapon lang, puwede kang mawalan ng 50 cards—o makadagdag pa ng isang daan.

Ngayon, hindi na masyadong kilala ng kabataan ang teks, pero para sa batang 90s, ito ang tunay na level-up.






Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads