Sabado, Pebrero 13, 2016

Happy (V)egetable Day: The Ampalaya Monologues

'Happy Valentines Day sa mga single, tara manood na lang  tayo ng Final Destination.' 


Eh di isang araw na lang pala, Valentine's Day na pala ulit. K. Noted. Mag enjoy ang kung sinong gustong mag-enjoy.

Oh isa ka ba sa tingin mo na dadapuan ng negatibong enerhiya sa araw na ito? Ewan ko ha, hindi naman siguro ganoon ka-espesyal ang araw na ito. Hindi naman siguro ang lahat ay forte nila ang makahanap ng love life. Ang panget kaya nun, ipipilit at isisingit lang para makahabol sa itinakdang Araw ng mga Puso? Eh bakit  kapag malapit na ang November 1 walang nagpipilit humabol? Hindi bitter ang nagsusulat. Yan ay biro lamang. Para daw sa malulungkot na single ang tawag daw sa araw na ito ay S.A.D lupet din nila makaisip pati ba naman sa akronim, negatibo pa rin, Binigyan nila ito ng kahulugan bawat letra na Singles' Awareness Day. Pero sa mga walang pakialam, ang tawag dito ay Sunday or puwede rin sabihin na Church day. True enough naman. Ngayon ay Friday at bukas ay Sabado at sa susunod na bukas ay Linggo.

Aminin na natin, sabi nga ni Tony Gonzaga sa Sprite "magpakatotoo ka sister", magpakatotoo na nga tayo mga girlie at boyet, ang Valentines day ay araw ng mga nagmamahalang magkasintahan at magsing-irog. Pero lagyan natin ng tandang pananong yung nagmamahalan kasi di naman  tayo sigurado kung nagmamahalan nga ba talaga. Ito ang araw kung saan magdedate ang mag jowa, magreregaluhan sila siyempre ng bongga, magcheck in sa logo ng babaeng animoy sinasabing huwag kang maingay at may nagsesex, manonood ng sine  tapos mag-MOMOL sa loob, maglalampungan na parang mga pusa sa kalsada, maglalandian sa park (mostly Luneta Park). Huwag na tayong maging magalang  at sensitive at sabihing ang araw na ito ay "para sa lahat". Hindi namin kailangan ng "sugar coatings" at mga "polite" statements.  Kung para sa lahat yan, sige isama niyo  kameng lahat dun sa babaeng may logo na nangungusap na huwag mag-ingay. Simple lang naman, Valentines day is for lovers. Pero kung single ka wala na tayong magagawa diyan, ang tanging puwede mo na lang gawin ay magluto ng may kinalaman sa ampalaya. At kung gusto mo talagang maging villain sa araw na ito at imbis na tirikan mo ng kandila ang pugot na ulo ni San Valentino ay puwede natin yan gawaan ng paraan. Kaya dito sa Ubas na may Cyanide narito ang ilang mga tips on how to be a better  bitter ngayong darating na Valentines day. 

                                            Calla Lily feat Maychelle Baay- "Bitter song"


*Kung meron kang friend na single din, yayain mo siya sa tahimik na lugar. Pinaka the best na siguro ang sementeryo at wala nang mas tatahimik pa dun. Pumikit kayong dalawa hawakan ang kanyang kamay at sabay bigkasin: "Hindi  tayo malulungkot friend, hindi tayo malulungkot, maraming nagmamahal sa atin kahit wala tayong jowa." Ulit ulitin hanggang magsawa. Huwag hayaang tumulo ang luha. 

*Maghanap ng itim na karatula at maghanap ng panulat na pula at ilagay ang mensaheng: "Walang forever". Magsuot ng nakakatakot na maskara at maglibot sa mall hawak ang karatulang itim.

*Ireport, iblock, at iunfriend ang kahit sinong magpopost ng tsokalate, rosas, holding hands, picture o video na galawan ay breezy o kahit na anong may kaugnayan sa Valentines day.

*Sa mga parke at malls, kapag nakakita ng dalawang ng magkasintahang nakasuot ng couple shirt, lumapit at sa harap nila dahan dahang mag slow clap habang sinasambit ang mga katagang: "Balang-araw gagawin niyo rin namang basahan yan. Maghihiwalay din kayo." Kailangan tirik ang mata epeks at habang sinasambit ito ay parang nagdedeklara ng isang propesiya. Pagkatapos masambit bigyan sila ng isang makapanindig balahibo na sinister laughs.

*Idaan na lang sa kain. Kumain ng kumain at irehistro sa isipan na kahit single ka busog ka naman. 

*Iwasan magdownload ng romantic movies. O kaya manood ng sine na may kinalaman sa kalandian   tuwing Valentines. Humanap ng mas may thrill na pelikula, yung tipong tatakbo ang adrenaline rush sa katawan. Puwedeng manood ng Final Destination sa Valentines simulan mo from the beginning hanggang  Final Destination 5. 

*Itatak sa isipan na mahal ang bulaklak at least safe ang bulsa mo at exempted ka sa pagbili. 

*Kumaen ng maraming tsokolate, ipost-sa Facebook at Instagram at lagyan ng caption: "Let's eat chocolates  for no reason at all." Solo mo na, busog ka pa.

Tohl, tandaan ang pagiging single ay hindi kapansanan o kamalasan sa buhay, sumpa o malubhang sakit. Ang pag-ibig ay may sariling oras ng pag-landing parang sweldo lang yan. Pero hindi siya lumanding sa oras na inaasahan mo. Ang wagas na pag ibig ay may sariling time frame na sinusunod at nilililok ng tadhana para sa'yo at sayo lamang. Kaya't wag magmadali at wag maging suicidal, wag magpahulog sa simpleng atraksiyon, huwag ga wing rush hour ang pagkahulog sa kung kanino mo gustong  ilaan ang puso mo na  hindi naman para sayo talaga. Kung darating sa'yo yan antay lang ng timing tohl, uukol at bubukol naman yan kung siya ba talaga ay nakatadhana para sayo. Isipin mo na lang na isa itong masterpiece na pinatatag ng panahon at kung darating na ang panahon na iyon at itinakda na ng tadhana walang kung sino man ang makakapigil nito. At nasa inyo na ang pagkakataon na iyon kung paano niyo pangangalagaan at proprotektahan ang pag-ibig na wagas na itinakda ng Maykapal. 
               



Sabado, Pebrero 6, 2016

Nine Lives Love and the Happy Meowmories

'As your pet gets older,  triple your love to them.'

"Time spent with CATS is never wasted."

Oh where, oh where, can my baby be?
The Lord took her away from me.
She's gone to heaven so I've got to be good,
So I can see my baby when I leave this world.


Eto.. ito na nga siguro yung mga panahon na natatabunan ako ng takot at pangamba. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi makaalis-alis ng bahay kung alam kong merong hindi tama na nangyayari sa loob ng bahay. Ayoko ng may aalalahanin, iisip-isipin at magiiwan ng tanong sa isipan at  puso kapag mawawala ako sa piling ng aking mga kasamahan sa loob ng tahanan. Kasama na dito ang pag-aalala sa itinuring na naming pamilya...ito ay ang aming mga alagang hayop. Dito ako nababakla, dito nababading, dito ako natatakot sa tuwing mayroong matamlay na nilalang sa apat na kanto ng bahay na ito. Natutunan kong hindi lamang pala pagmahahal, pag-aalaga, sapat na pagkain ang kailangan kung gusto mong  mag-alaga ng hayop. Sa loob ng pagmamahal na yun ay kailangan mo rin ng sapat na medikasyon para sa kanila. Sa totoo lang ang una kong piniling kurso sa kolehiyo ay ang pagiging beterinaryo. Pero agad na pinunlaan ng batikos ang gusto ko maging, kesyo wala naman daw  talagang kita duon, walang pangarap na bubuo at hindi ka yayaman. Pero sa isip isip ko, hindi ko naman kailangan magpakayaman at ang tanging hangad ko lang naman sa buhay na ito ay makatulong sa mga nilalang na unang ginawa ng Diyos at pinabayaan at brutal na unti unting pinapatay ng mga tao. Masakit lang isipin na parang puppet na lang managasa ang iba nating kababayan sa kalye. Kahit puwede naman nilang pigilin ang bilis ng pagtakbo ng sasakyan nila ay tuluyan pa rin at walang awang sasagasaan ang kawawang nilalang sa daan. Tanong ko sa inyo? Alam ba nila yun na masakit? Alam ba nila na magkakalasug-lasog ang  mga katawan nila kung hindi kayo naiwasan? Minsan wala na rin tayong puso at wala na talaga. Merong ibang amo na mag-aalaga lang dahil gusto ng anak nila, kyut at maliit na tuta at masaya ang bata at kapag nagsawa na ang anak nila dahil malaki na ang aso at hindi na nakakapagbigay ng kasiyahan ay bigla na lang ididispatcha, ang malupit  niyan kadalasan sa highway pa iiwan, kung saan maraming siraulong driver na nagkalat, thrill seeker at malalakas magtrip. Ganito yung mga amo na dapat ay sinusunog din ang kaluluwa sa impiyerno. Pakiusap wag na lang po tayong mag-alaga kung ganito lamang ang inyong gagawin. Sana tayo mismong mga magulang ang magturo sa at ing mga anak na mali ang ganoong gawin at hindi  tama paglaruan ang hayop na katulad ng kuting na ishushoot mo sa imburnal, dadamputin ang hayop at ibabato bato. Putangina! nasan ang ginintuang aral na tinuturo niyo sa mga anak niyo? Dapat mga bata pa lang ay tinuturuan na natin sila bigyan ng importansiya ang bawat nilalang na gawa ng Diyos buhay man o hindi, hayop man, mga puno man o halaman. Turuan natin sila na bawat buhay ay mahalaga.

Dumating na naman sa akin  yung kalungkutan na nawalan ka ng kapamilya. Siyam na buhay ngunit di sapat para makapiling mo ang mga alaga mo ng pangmatagalan. Labinglimang taon! Labinglimang taon na pagtawag sa pangalan mo, labinglimang taon na paghagod ko sa ulo at pisngi mo, labinglimang taon na paghahasa ng matutulis mo ng kuko sa punong kahoy pagkatapos  mong makapananghalian ng paborito mong bangus. Ngunit sa labinglimang taon na yan, simula sa araw na ito ang lahat ng yan ay unti-unting maglalaho. Alingawngaw ng pag-meow  mo sa umaga para gisingin ang aming mga sarili, minsan ay sa bintana ka pa ng kwarto dadaan at mararamdaman ka na lang ng aking kapatid na katabi na niya sa  kama.

Taong 2001, ikaw ang pinakamataray na kuting. Parang teleserye rin ang naging buhay nila. May kapatid siya na Pikit ang pangalan at siya naman ay si Dilat. Magkagalet ang dalawang pusang ito at minsan di mo talaga mapigilan ang cat fight. Nauwi na lang lahat at umabot sa sitwasyon na hindi na nakapasok ng bahay ang isa. Sabihin nating siya ang naging alpha cat ng bahay at yung isang pusang kapatid niya naging stray cat ng subdivision. Pero buhay pa yung isa at malusog,  bumabalik balik para makikain. 

Nangyari na  rin na itinapon kita sa bukid at natatandaan kong umuulan ulan pa noon dahil nilantakan mo yung isang love bird na alaga ko rin. Sa galet ko sa'yo ay naihagis kita sa likod ng bahay pero naawa pa rin ako sa'yo dahil nangangatog ka sa lamig sa labas at bumalik ka pa rin sa amin. Nagkaroon ka ng maraming barakong pusang boyfriend at lagi kang umuuwing buntis kaya naman may mga naiwan ka ring mga anak na bumabalik balik din sa bahay para kumain. May pagkakataong hindi kami makatulog sa ingay niyo sa bubungan at tila naguusap kayo ng pusang barako sa bubungan at natatandaan ko ang mga tonong "nyaaaawwww" (now) "not nyaaaaawwww" (not now) hanggang sa nagpagulong gulong pa kayo sa bubungan at naglandian. Sweet din ng mga pusang ito.  Under the pale moon light pa kayo  nag-aanuhan. 

Ngunit itong mga nakaraang araw, antagal mong nawala. Baka kako nagtanan na siya. Hindi ka bumabalik sa oras ng kainan, hanggang isang araw lulugo lugo ka na lang at ayaw mo na kumaen. Siya din kasi yung reyna ng chichiria, malakas kumaen ng junk foods ang pusang ito. Hanggang sa mga sandaling ito  hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa  kanya sa labasan. At kanina habang ako'y papaalis sa trabaho ay hindi ko napigilang lumuha dahil alam kong lumalaban ka. Pinilit mong maglakad ngunit hindi mo na talaga kaya. Hiniga na lang niya ang katawan niya malapit sa pinto. Ayun ang huling paghaplos ko sa ulo niya at binulungan kita na kung di mo na kaya ay magpahinga ka na. At yun ang sinasabing kong bigat ng pakiramdam na ayaw ko nang maulit ulit pa sa tuwing aalis ako ng bahay na ito. Gusto ko lahat kayo ay masigla, masaya dahil ang isip ko rin ang nangangamba.  At pag-uwi ko ngayon, pagbukas ng pinto sa akin ay binalot ka na ni ermats sa isang tela. 

Wala ka na pala :(









Biyernes, Pebrero 5, 2016

Workaholicology 101

'Walang tulugan o walang matulugan'


Aba sa hirap maghanap ng trabaho ngayon e, magiinarte ka pa ba? Kung maayos naman ang patakaran at boss sa iyong pinapasukan e  huwag na munang maging choosy. Mahirap mawalan ng pagkakakitaan sa season na ito at marami na namang bagong graduate sa kolehiyo. Ika nga e mahirap makipagsabayan sa mga iyan dahil masakit man tanggapin sila ang mas binibigyang halaga ng mga kumpanya. Iba ang pagsusuri sa pagiging choosy, puwedeng mag research muna sa trabahong gustong applayan. Mahirap na. Sa panahon ngayon marami ang may matatamis na salita, papangakuan ka na kesyo ganito ganyan, mga ilang buwan lang manager ka na daw at hahawak ka na ng tao. Yun pala, kaya ka hahawak ng tao ee dahil hawak mo sila sa field. At doon mamimigay kayo ng flyers ng isang motel sa tabi ng creek na mabantot pa sa paa ng taong may halitosis. Teka nga humihinga ba ang paa niyan? 

Sa trabaho  mahirap din yung oo ka lang ng oo kung anong ibibigay sa iyo na dapat  mong gawin. Baka pag tinanong ka kung okay ka lang sa field ilagay eh hindi ka na magtatanong at sasang-ayon ka na lang na "yes ma'm okay po sa akin". Yun pala ipapadala ka na sa Mindanao para sumanib sa MILF, o di kaya messenger ka, at ipapadala pala sayo at idedeliver mo ay mga droga. Tohl mahirap   yung mga trabahong madaling makapasok, dahil baka pag ayaw mo pa  hirapan din ang paglabas.

Pagkatapos ng pagsusuri sa trabahong gustong pasukan, ang dapat na sunod na gawin ay timbangin ang sarili kung karapat-dapat ka ba sa aaplayan mo, isipin mo rin baka mag-aksaya ka lang ng pamasahe dahil wala naman sa linya mo at skills mo ang pupuntahan mong applayan. Kung call center yan, siyempre kailangan mo magbaon ng Ingles at hindi lang "yes or  no or maybe". Kung titser, ihanda ang mga natutunang strategy sa pagtuturo kung paano magiging lively ang pagdedemo mo sa harapan ng mga estudyanteng matitigas pa sa alloy ang ulo. Magprepare din lalo na kung kapwa guro na nagtitinda ng longganisa, polvoron at yema ang manonood ng demo mo. Bumili ka agad kapag inalok ka nila pagkatapos mo magdemo. Mahirap hindian yang mga ganyan. Base yan sa true to life story ko. Dahil mas malagkit pa sa taeng pururot ang pagtatampururot ng mga ganitong titser. Kung gusto maging office boy/girl, eh syempre dapat multi-tasking ang level mo. Una na diyan ang pagsagot sa telepono. Dapat may manners at hindi "Sino toh" ang tanong kung halimbawang mag-ring ang telepono. Mahusay ka rin dapat sa typing hindi typewriter ha. Kailangan bihasa ka na sa computer especially sa mga katulad ng Microsoft Word, Excel etcetera. Dapat maalam kung paano mag operate ng mga office machine kagaya ng printer, lalong lalo na kung saan isusuksok ang papel. Mahirap kainin ng buong buo ng mga machines na ito. Hindi ka pa naman si Arnold Szchwarzenneger sa "The Rise of the Machines" para malabanan mo sila. Kaya wag aanga-anga hindi ito oras ng pagbabasa ng manual ng printer dahil sa trabaho bawat tik tok ng orasan mahalaga.



At kung may trabaho ka na at  sobrang stress ka sa araw araw dito sa Ubas na may Cyanide ay bibigyan namen kayo ng trip este tips and tricks para matanggal ang inyong pisikal na pagod  habang workaholic (kuno) ka pa rin.  

*Sa opisina at kung may sariling desk at kung ginugugol mo lang naman sa walong oras ay tumambay sa desk mo. Magpanggap na may iniisip na malalim, tumingin sa kisame kung kinakailangan, subo ang ballpen at gawing props ang pagkakunot ng noo at kilay.  Ngayon iisipin nila na your mind is working, thinking of a plan that will boost the company's existence sa Earth. Pagkakagat ng ballpen, hawakan naman ngayon ng daliri, ipitin ng hintuturo at hinalalato ang gitnang parte ng ballpen at patamain ang magkabilang dulo sa desk na parang nagsi-seesaw. Magbuntong hininga kung kinakailangan, kunyari hindi mo maarok ung iniisip mong ideas. Kahit na ang totoong nasa isip mo lang naman e yung cover ng FHM ngayon na si Dawn Chang.

*Kung sekretarya naman, ugaliin ang pagbibitbit ng folder. Dito nila maiintindihan kung gaano ka kabusy sa paglalakad sa mga floor, elevators kahit na ang trip mo lang naman ay magpa-cute sa guard na copycat ang bigote ni Marcelo Del Pilar.

*Kung may planner ka n g Starbucks, ugaliing magsulat ng magsulat kahit wala naman talaga. Magdrawing ng mga facts and figures ng mga cheeseburgers, sausages at ham. Kapag wala na talaga maisip puwede ka  rin mag FLAMES, ipunin lahat ang mga pangalan ng magagandang chiq sa trabaho at simulan kung saang letra ng tadhana mapupunta ang kagaguhan mo. Sa pagkurit ng parehas na letra gumamit ng ruler o kaya protractor para kunyari may pinaplano kang interior design ng isang building. At wag kalimutan na graphing paper ang gagamitin para pasok sa banga ang props.

*Dapat laging nakamagnet ang mouse at  keyboard sa iyong mga palad at daliri. Para kung halimbawang may surprise visit ang pinaka boss ng kumpanya,  dutdutan na ang laban sa mouse at giyerahin na ang lahat ng keys sa keyboard sa pagtatype. Kahit na nagyu-Youtube ka lang naman ng mga teleserye ng Daisy Siyete. Teka nga pala, kung manonood sa Youtube siguraduhing mabilis ang PC na ginagamit, mahirap  na baka biglang maghung sa fullscreen ng pagkakapanood siguradong matetense ka at mahihirapan kang yumuko dahil hindi mo kaya natutupi ang tiyan mo para pindutin ang restart ng CPU. Maging alerto kung paano ang tunog ng engine ng kotse ni boss.

*Gawing World War 3 ang gamit sa desk, dapat full of chaos ang mga gamit para kunyari busy. Kahit ang ginagawa mo lang naman ay nagpepedicure at nagcucutix. 

*Sa tuwing darating sa opisina kailangan tumatakbo paakyat ng hagdan o di kaya elevator. Dapat in a rush ang entry mo sa sliding door para kunware may state of emergency na kelangan magawa agad.

*Kung pinagbabawal ang social media, dumikit na lang sa pader. Ikwento na lang pader kung paano ka-brutal at kalungkot ang  buhay pag-ibig mo. Kausapin ang mga thumbtacks at pushpins at manghingi ng sign kung kailangan pa bang umibig muli.

*Dalhin ang tanghalian sa sariling mong desk, buksan ang lunchbox at sa desk na mismo lumapang. Pumindot pindot ng paunti unti sa keyboard para kunyari hindi makapagfocus sa pagkain ng lunch kahit  na ang  totoong sinisingit sa pagtatanghalian ay ang pag order lamang ng brief sa Lazada. Sa gayon iisipin nilang sobrang busy mo at di ka na makatayo para kumain sa pantry. At isa pang katotohan ay nahihiya ka lang umorder doon kaya nagdala ka ng sarili mong kaldero ng kanin.

*Kung nagagawang umihi sa trabaho, aba bakit hindi mag upgrade? Ireserved ang pagtae ang gawin sa trabaho at least binabayaran ang oras mo at ang mahalaga bayad din ang pagtae mo wala nga lang sa payslip.

*Kapag  malapit na mag alas singko ang last duty mo eh kapa-kapain ang mga kulangot na  ipinahid mo sa ilalim ng desk mo, bilangin kung ilan ang naipahid sa araw na ito at ilista sa planner. Pag-isipan kung ano ang significance ng bawat isa sa buhay. At sa ganung paraan ay baka mahanap mo na ang sarili mo.

At pagkatapos nun....

Dapat in a rush pa rin ang pagkilos at huwag hayaang may mauna sa  iyo sa pila ng Biometrics. Kung kinakailangan hawiin sila ay gawin. Huwag papakitang lowbat ka na pagdating ng alas-singko. Ipakita mong naka Enervon ang galawan mo, sabi nga  ng Enervon "more energy, mas happy". Oo paanong di ka mawawalan ng energy wala ka naman talaga ginawa maghapon. Hahahaha!














Huwebes, Enero 28, 2016

Starbucks: Konyotic Guide for Pasosyal Humans

'Peace tayo Starbucks, model ko lang si Minnie, nyehehehe!'


Hindi ko sisipsipin ha, medyo kakagatin ko lang ng kaunti itong mga salitang ito "Porke ba naka-Starbucks ka, mayaman ka na?"

Hindi naman kasi porket maganda ang pangalan ng brand at bumili ka ng produkto dun eh mayaman ka na. Issue na ito sa karamihan. Sabi nga "if you can't pronounce it, you can't afford it." Eh puta naman bakit naman yung bagong masarap ng produkto sa Mini-Stop eh nababanggit ko hindi naman ako mayaman tohl pero kaya kong banggitin yung tinatawag nilang "Chicken Schnitzel" sa murang halaga na singkwenta pesos. Oh si Pacquiao ba nababanggit niya lahat ng maayos at tama ang mga mamahaling restaurant na pinupuntahan niya? Ang kaibahan lang namin, siya mayaman ako simpleng mamamayan lang. Lahat ba ng brands na may teknikal na pangalan eh nasasabi niya   ng maayos? At una sa lahat hindi naman lahat ng bagong restaurant o pangalan ng brand  ng sapatos o damit kaya ibigkas ng dila natin ng saktong pronuncitaion.

Example nalang yung Dolce and  Gabbana, yung Gabbana mapopronounce mo pa ng tama ee. Kung bago sa pakinig mo anong unang bigkas  mo sa Dolce? Hindi ba't "Dolse" tapos magugulat ka kung sasabihin ko sa iyo na "Dolche" ang basa diyan. Di ka maniniwala sa akin kasi walang letter "H". Silent C kasi  yan tohl. Tapos mumurahin mo ko at sasabihin mong ang dami kong alam. Leche!

Oh ayan tandaan,  hindi lahat ng mayaman, magaling mag English. Oh sige sabihin mo nga  Marithe Francois Girbaud!!

Pero ang tanong porke ba naka Starbucks ka yayamanin ka na? Sino bang nilalang ang nagsabi na lahat ng umiinom ng 100 plus na kape eh magarbo na ang buhay? Issue din sa karamihan na ang mga may picture na may hawak na Starbucks na baso at  may nakasulat na pangalan. Pero kung susumahin mo anong masama? may nilabag ba silang batas sa konstitusyon ng Pilipinas? baka naman sa Treaty of Paris? Naiinis? Natatawang may halong pagka-asar? Eh ano naman? Pera naman nila yung pinangbili nila di ba?

Tandaan: lahat ng earthlings sa mundong ito mayaman man o mahirap may backbones o wala may karapatang hangarin o gustuhin lahat ng nakikita niya sa mundo. May karapatan siyang tikman ang mga pagkain o inumin na hindi niya pa natitikman. Lahat tayo may karapatang mangarap at abutin ang lahat ng gusto niya nasain  o pangarapin habang nabubuhay pa siya.

Yan eh  diyan tayo magaling ang manghusga ng kapwa. Nagkape lang yung tao eh nahusgahan na mayabang na?  Yan ang  hirap sa atin tohl, wala naman tayong alam, mahilig tayong makialam. Malay mo yung isang tao diyan na tinatawanan mo, dalawang linggong nagtipid para lamang makapagkape sa Starbucks na araw-araw mong iniinom. Yung isang padre de familia na sampung buwan sa ibang bansa  na walang binili sa sarili niya pa ra mapakaen ang kanyang pamilya sa isang magarbong restaurant.

Hindi mo alam yun tohl, kasi ang alam lang natin manglait at manghusga ng kapwa.

Kaya wake up. Ang buhay ay parang gulong. Biyahe ng biyahe, paiikot-ikot. Ngayon nakakapag S tarbucks ka, baka sa susuno d na araw naka-ordinaryong kape ka na lang. Buwenas na kung may creamer pa.

Hindi lahat ng umiinom ng Starbucks, sosyal na pagkain at inumin ay Social Climber na. Kaya mas mabuti pang itali na lang ang makakating dila at irespeto na lang natin sila.

Kaya dito sa Ubas na may Cyanide tuturuan namin kayo kung paano ang galawan sa loob ng masarap na kapehang ito. Advise para hindi mag-aanga anga kung first time mo makapagkape sa Starbucks...


Radio Active Sago Project - "Kape"

*Oo, sabihin nating may bago kang Go Pro Camera at excited ka sa  unang pag order. Pero wag mo na naman i-GO PRO tohl  hindi extreme adventure ang pagkakape.

*Maging natural kung paano ka magsalita sa labas, ganun din dapat sa loob. Hindi bagong dimensiyon ang Starbucks pa ra makapag Ingles ka ng wala sa hulog. Hindi ka human-Grammarly app para itama mismo ang Ingles mo. Nakakahiya. Mag-Tagalog at bigkasin ng tama ang Frapuccino at hindi Frapuscino. Wag na isama ang "Puccino ", FRAP na lang para safe.

*Kapag sinabi ng barista na "Venti", wag na wag magrereply ng "Naku sobra naman! Isa lang pu ang oorderin ko hindi bente." Umoo na lang para safe.

*Kung di na kaya tiisin ang gutom, wag na wag tatanungin ang barista kung may tinda silang siopao. Piliin na lang ang croissant, pinakamura na yan. Kung hindi alam banggitin, ituro na lang. Wag nguso ang ipanturo dahil pang-asal kalye yan. Mas light ang daliri panturo pag oorder ng pagkain.

*Kung may mga kasama at makikipag tsikahan sa kaibigan. Siguro tantyahin ang higop, mga dalawang higop lang per 15 minutes. Yan ay para hindi agad maubos. Kung uhaw-uhaw bili ng mineral water para parang may chaser ka o alternative na pang-inom. Siguraduhing ding maraming topic na paguusapan.

*Kung may balak bitbitin palabas ang Java Chip Light frap mo kahit isang higop na lang naman. Balutan ng tissue para hindi halatang wala ng laman. Okay lang alam pa rin nilang Starbucks yan kasi berde ang kulay ng straw mo.

*Kung ikaw yung tipong free FB lang kadalasan at ang tanging dahilan mo lang sa pagpasok ng Starbucks ay para sa free wifi, tohl mahiya ka naman. Order order din kahit donut lang. Tagalan ang pagkain ng donut at gayahin si pabebe girl sa pagbukas at pagkagat ng kanyang mamon. Hanggat matagal maubos mas matagal kang makakapag-wifi.

*Bulungan lang ang moves sa paghingi ng sticker para sa planner. Wag na wag magmamakaawa dahil isang malaking kadukhaan yan. Kung di ka talaga binigyan, iblog mo at sabihing may daga sa kape nila.

*Alam ko namang magseselfie ka sa nabili mong kape. Kapag magseselfie mas maiging wag masyado iharap ang logo para mas sosyal. Understood na yun ng mga likers at FB, Instagram friends mo dahil green ang straw.

*Gawing sosyal ang pangalan para maganda pakinggan kapag tinawag na ng barista, "TEAVANA OPRAH CINNAMON CHAI CREME FRAPUCCINO for PEKTO!" Kunyari di mo narinig para tawagin ka ulet na may sir sa unahan. "Sir, Sir Pekto here's your frap!"








Huwebes, Enero 21, 2016

Long, Long Distance Love Affair v2.0



Para sa mga LDR....

Sa unti-unting pagbuka ng aking mga mata sa kamang aking hinimlayan sa haba ng gabi, eto na naman ang pakiramdam na wala ka sa aking tabi. Malayo sa'yo. May buwan at bituin na diyan habang ako'y nasisilaw sa sinag ng araw sa aking bintana. Almusal ko, hapunan mo.

Ang katotohanan ay nakakapagod na, mas makapangyarihan ang sakit na nararamdaman kaysa sa mala-impiyernong ngalay na bumabalot sa aking likod. Pagod na ako at marapatin na ako'y mamili kung ipagpapatuloy ko pa ba ito o diyan na lang na kasama ka. Ngunit mas malala pa ata sa sakit na kanser na, palaging hindi ikaw ang pinipili ko. Ngunit ikaw ang palaging gamot sa kanser na pinili ko, paulit-ulit mo pa ring tinanggap ang desisyon ko, sapagkat naiintindihan mo na kailangan ko itong gawin para sa pamilya ko at para sa kinabukasan natin. Isangdaan at isang beses kitang tinatanong, "kaya mo pa ba?", "napapagod ka na ba?", pero paulit-ulit mo ring ibinibgay sa akin ang sagot...."kayang-kaya."

Sheena Easton - Telefone (Long Distance Love Affair)

Pero tama ka naman eh. Masaya na tayo sa simpleng Sweet Corn at Vinegar Pusit  na nabibili natin sa  tindahan ni Aling Meding na tigpipiso lang. Olats lang kapag may nahalong tatlong piraso lang ang laman. Minsan Cheepee lang talaga katapat mo at Boogeyman Crunch ang sa akin. Tanggap na natin na tatlong beses sa isang ta on lang tayo manood ng sine. Eh kasi may torrent naman di ba? Masaya na tayo sa pa-torrent-torrent lang. Pero mangiyak ngiyak tayong dalawa nung nawala ang Pirate Bay buti na lang at nasagip tayo ng Kickass. Palihim akong aakyat sa puno ng niyog na diresto sa bintana niyo at duon tayo manonood ng mga dinownload natin. Nakatalukbong tayo ng kumot habang ilaw lang ng monitor ng computer ang makikita. Masaya yun ee. Sa  tuwing meryenda, magluluto tayo ng Instant Lucky Me Pancit Canton pero mas gusto mo yung kay Kim Chui yung Pancit Shanghai na green eh amoy ihi ng kabayo naman ang sauce. Pero ok lang trip mo yan eh. Ang makulit pa dun ayaw mo na kainin natin agad at pipigilan mo ako sa unang subo at sasabihin mo sa akin na piktyuran muna natin tapos ipopost sa  Facebook at Instagram. Iisip pa tayo nun ng cheezy captions at kilig na kilig ka sa tuwing may nagcocomment na mga kaibigan ko na "breezy boy" ako. Naknamputs pero ayos lang basta sa ikakasaya mo.

Naalala ko rin na lagi kang bumibili ng Snacku sa tuwing manonood tayo ng sa kwarto niyo. Kapag napuno ng namuong flavor sa daliri mo isusubo mo sa bibig ko at ganun din naman ako sa yo. Hanggang sa hahalikan mo ko, hahalikan din kita, huhubaran mo ko, huhubaran din kita, magkikilitian at mag...........(long bleeeeeppppppp). Hanggang sa makalimutan natin kung sino talaga yung pumapatay dun sa pelikula. Tapos magtatanong ka sa akin kung sinong pumatay. May panahon ding tumatambay tayo sa Mini-Stop kasi gusto mo mag Chillz. Magkukuwento ka. Magkukuwento ako. Tawa lang tayo ng tawa hanggang di natin namamalayan na tinatawanan na rin tayo ng buwan at  mga bituin. Uuwi na, sasakay tayo ng jeep, at hindi ka papara ng jeep hanggat walang tao sa unahan. Kunyare may sarili tayong kotse at driver natin si koya jeepney driver. Tapos pagkauwi  mo isang minatamisan na halik ang ibibigay ko sa'yo sa ulo, sa ilong at sa labi. Tapos magpapabebe wave ka habang naglalakad paurong di mo napansin na nauntog ka na sa pinto niyo. Pagkatapos nun, bukas na lang  ulet  for new adventure.

Kahit ganito lang ang buhay, irewind ng paulet ulet hindi ko ipagpapalet sa mga unique adventure. Pero kung ikaw ang kasama at papalarin ayos na ayos.

Para tayong may sariling mundo. It's just you and me against the universe.  Wapakels sa sasabihin ng ibang tao. May mga sarili kayong puso kaya gumawa kayo ng sarili niyong love story.

May kumagat na lamok at sinabing tama na ang pagmumuni-muni. Bukas gigisng na naman akong malayo sa'yo. Gabi na diyan, umaga pa lang dito. Breakfast ko, hapunan mo....

Hanggang Skype na lang uli ang pag-ibig na ito.



Lunes, Enero 18, 2016

The February Heartbeat: Chocolates,Golds and Silvers

'Panahon na naman ng pag-ibig, gumising ka'


Oh tapos na ang Disyembre nilalamig ka pa rin ba at hanggang ngayon suot mo pa rin ang varsity jacket mo sa ilalim ng tindi ng sikat ng araw? Ano namang klaseng hugot ang ipapagwawagwagan mo ngayong Pebrero kung saan Pista ng mga pusongnag mamahalan. Ang sakit noh? kaya kung single ka, payo ko lang distansiya muna amigo/amiga sa blog post na ito. Hindi ko sinasadyang saktan ang mga ugat mong frozen na ang dugo dahil hindi man lang nakakaramdam ng pagyanig sa puso mong tila mannequin na walang galawan, walang pag-ibig. Walang pag-ibig na nararamdaman.
Kaya't kung single ka pasyal pasyal muna sa mga Chinese buffet sa Chinatown at makipagdiwang sa Chinese New Year, tutal nagiisa ka lang naman sa a-katorse ng Pebrero. Sumali sa mga dragon dance at magpa feng shui kung kelan dapat umibig at baka suwertehin sa pakikipagrelasyon sa pagpasok ng taon ng Chinese New Year.

Dito sa Ubas na may cyanide tutulungan natin ang mga girlie at boyet kung anu-ano ang puwede nilang ipanregalo sa kanilang mga kapareha sa darating na Valentine's day! Pero ang rules kung susundun ninyo ang mga tips, dapat walang kuriputan. Itago muna ang pagiging ugaling Intsik at maglabas ng sapat na panggastos.

Rivermaya - 'Panahon na naman'

Tandaan hindi namamatay ang kilig sa araw na ito kaya't panatilihin ang landian sa darating na Araw ng mga puso. Ito na yung tamang oras at pagkakataon para magbigay ng isang makabuluhang regalo para sa isa't-isa na hindi niyo makakalimutang dalawa. Hindi yun ha,baka kung anong kulimlim na naman ang nagtatago sa kulay berdeng ulap sa isipan mo. Ilang isla na naman kaya ng Bataan ang isusuko at ilan ang luluhod......ops  hindi yun ungas. Ilang kalalakihan ang luluhod sa harap ng mga kasintahan para hingin ang kamay neto at magpropose na magpakasal. Sa haba haba ng introduksiyon sa kasalan at pag-iibigan din naman ang tuloy natin, kaya isa-isahin na natin ang mga romantic ideal gifts para sa inyong mga iniirog.

MESSAGE IN A BOTTLE  GIFT SET.


What do you think? 

Is this something a unique way  to express your love this Valentine? Tsong, panahon pa ni mahoma yung card. I know it's still exist pero siyempre skip mo na yung card ang think something different. Pero tol, hindi naman sinabing pag bote ee, puwede na yung mga bote ng softdrinks at gin. Hindi romatic yun at baka basagin pa sa ulo mo ni girlie yung bote. Maghanap ng boteng magara yung kasya yung isang buong rosas. Kagay neto, this is a 12 inch glass bottle na puwede mong ipersonalize yung makalaglag panty mong message para sa kanya. Tirahin mo ng mga mala-Leav Leang na quotes o kaya Nicholas Sparks or Charles Schulz. Humanap ka rin ng box na kasya yung bote at duon isilid sa loob. Ilagay ang mga rose petals at durugin na parang gumamela at pwede ka nang gumawa ng bubbles. Deh joke lang! Ilagay ang rose petals at ipasok sa loob ng bote yung message mo sa kanya. Gandahan ang papel, dapat humahalimuyak pa sa  rosas  at hindi lamang stationary at pang highschool lang yun. Ikaw na bahala maghanap ng quotes mo pero sana lagyan mo rin ng personal message. Irolyo ang papel at itali. mamili ng magandang pangtali. Ayan parang may diploma na siya. Haha! Wag lalagyan ng sulat ang bote at baka ilagay mo pa ang pangalan niya. Hindi yan Starbucks. Mas maganda siguro kung sticker, simpleng sticker lang pro wag jologs. Make it plain but meaningful logo. Ops isa pa, wag takip ng tansan ng Red Horse ang ilagay sa bibig ng bote. Maghanap ng cork yung pantakip sa champagne at yun ang mas nababagay. Ayos na yan tol, swabe na yan. Pasado na ang kilig diyan.


ART OF APPRECIATION BASKET.
























Common na sa magsing-irog yung kumaen sa labas di ba? Bakit kaya di subukan ang kumaen sa loob? Romantic dinner? Babaguhin natin yan dito sa Ubas na may cyanide. Kung kakaen kayo sa labas hindi lang kayo ang mag couple dun. Oo! sa  totoo lang, maingay sa  restaurant at wala kayong privacy to shw your lovin' and affection sa isa't-isa. Tsaka baka magkita pa kayo ni X. Aminin na rin natin na malalaki ang tax sa mga mamahaling resto na yan, kow! Baka diyan pa lang ubos na ang breads mo tohl. 

Kaya kung ako sa'yo stay in your comfy living room, chillax  in a cold night and nothing can be most romantic picnic night. Open a bottle of wine an d unpack  your art appreciation basket. Bakit art appreciation? Kapag may "art", dapat may kaartehan. Kumbaga hindi lang basta basket puwede mo lagyan ng kolorete para mas presentable mong ipapakita sa kanya. Ang laman, ikaw na bahala punuin mo ng tsokolate, maraming marami at iba't-ibang tsokoleyts. Gusto mo lagyan mo ng "Hany bars" hahahaha!Dapat sa mga ganitong   basket huwag kakalimutan ang Sunshine spaghetti kung gusto ni labs ng pasta . Kaso magluluto ka pa. Kaya all the sweet foods aboard na lang ang ilagay. Puwede rin naman ang biskwit, kung trip mo Eggnog, lagyan mo. Hahahaha! Huwag kalimutan ang candle lights sa lamesa, pero wag naman  yung candle na Liwanag candle tohl,  hindi naman kasi brownout sa inyo. Naka dim lights lang. Kaya dumiskarte ng scented candles na amoy Lacoste. Gawing masaya at makabuluhan ang kwento all night long.

K's Choice  - 'Almost Happy'

I LOVE YOU JOURNAL

Eto mga beh, kung medyo hilig mo ang magsulat o magsagot ng essays at magpahaba ng isang kwentong makatotohanan sa  inyong dalawa eh puwede kang gumawa ng isang journal. Nakapaloob sa parang notebook na ito yung mga explanations na bakit unque a ng pagmamahalan niyo, bakit kakaiba ang relasyon niyo. Kung ano yung mga differences niyo at similarities. Mga pictures na pinuntahan niyo na magkasama kayo, mga vacation trips, birthdays ang occasions, mga gifts niyo sa isa't-isa at kung anu-ano pang kalandian. Usually babae ang mahilig gumawa ng ganito ee. Kasi trip ng mga babae ang magupit-gupit, magpaste paste, maquotes-quotes at maghugot-hugot. Ganyan yang mga yan ee. Ikaw na lalake siyempre aapreciate mo yan. Ang tanga tanga mo naman kung hindi mo yun maaapreciate.

Low-cost, but yet extremely romantic gift that you will cherish both for a very long time. At kung magka-anak man kayo, someday your kids can flip through these journal pages and learn all about the early days of your relationship. Remembering memories are the sweetest as we grow old kasi nakakalimutan natin yun ee. Di ba ang sweet? <3 font="">

24 K THE WORLD SAYS "I LOVE YOU" NECKLACE


Ibang usapan na yan kapag karat karat na ang regaluhan. Pero tohl, kung kaya lang naman ng bulsa mo. Ito ay suhestiyon lamang. Maraming paraan para magsabi ng "I love you" at itong kwintas na ito ang nagpapatotoo at literal na sinasabi na I love you in 120 languages of the world. Astig diba? Nakaukit ang mga salitang iyon sa pinaka pendant ng kwintas.Minsan mahal ang umibig, pero if she only speaks one language, she will love the idea that you love her in so many languages. 

But there's more, uulitin ko lang.. this is a 24 karat gold and black onyx. Kaya't wag na mag-atubili, bumili na kayo.

MOONSTRUCK CHOCOLATES



Since then isa na nga ang tsokolate na simbolo ng Valentine's Day, kumabaga sa Pasko ay parol at belen sa Araw ng mga puso ay ang mga walang kasing tamis na tsokolate. If you're up for a romace factor, the best gift for girlie is somewhat like gourmet chocolates. Ito yung mga tsokolateng maraming nakakaappreciate sa lasa. Iyo ung mga panlasa na patok sa mga kritiko o mga food blogger and kadalasang nirerecommend. If you're looking for something  unique batch of chocolates, go for Moonstruck Chocolates. Medyo isteytside nga lang. The gift box contains 9 chocolate truffles and critic say's every bite is heavenly.


ME WITHOUT YOU BOOK



Giving a book is the best example of your love too. This cute book by Lisa Swerling and Ralph Salazar illustrate how two people just work better together than they are apart. Ah para nga rin siguro ito sa may mga long distance love affair. Pero tignan mo ung illustration, pamilyar ba sa'yo? Of course kilala mo yan. Siya yung character na may Wish and Happiness. And these two authors ang lumikha sa  kanya, because they are also a cartoonist and a greeting card artists as well.


TWO HEARTS IN A SING-SING ARE BETTER THAN ONE.
















Onga naman,  kasi feeling single ka pag isa lang. Op ba wal din pag tatlo. Ang pag-ibig ay pandalawahan lamang, bawal ang sabit, di puwede ang may humihirit. Some girls finds jewelry as a romantic tangible piece as a proof of your love to her. Lagi ang kanyang pagsilay sa kanyang mga daliri and she finds out every single day how much you care about her. The ring has heart shaped stones, the white one is topaz and red is garnet. Simple lang naman ang gustong ipahiwatig ng disenyo ng singsing kundi ang pagmamahalan na pinagsasaluhan ng dalawang pusong nagmamahalan. Wala na sigurong mas roromanti pa ba diyan?


Eh  kamusta naman yung single na nagbasa. Are youstill alive and breathing? Hindi pa naman huli ang lahat at meron pa kayong 25 araw na nalalabi para maghanap ng inyong Romeo o Juliet, Jack at Rose, Samson at Delilah, John Lloyd at Bea, Jolina at Marvin (sila pa ba?) at Madam Auring at Victor Wood. 

Pag wala talaga, itreat na lang ang sarili sa mga Chinese buffet, manood ng dragon dance, magpausok sa insenso at manood ng fireworks, umuwi, maligo, matulog at kinabukasan February 15 na. Kung saan balik na ulet sa normal ang buhay mong single.













Sabado, Enero 16, 2016

KKK: The Killer Kilay Koalition

'Aahitan kita....♫♩♬'


Una sa lahat magandang umaga sa libu-libong imahinasyon ng nagsusulat na tagasubaybay ng blog na ito. Boring at walang magawa kaya pag usapana natin ang isang parte ng mukha ng tao na naglalahad din naman ng sari saring emosyon sa bawat paggalaw, pagsalubong at pagkunot ng mga ito. 

Ang tinutukoy ko ay ang mga KILAYng ating mga nagagandahang ate.

Pero nais ko lang linisin ng pambura ang pangalan ko. Wala naman akong hinanakit sa mga mapang akit at perpektong kurba ng kilay niyo. Gusto ko lang ilatag ngayon sa breakfast table ang balitaktakan tungkol sa kilay.

Alam niyo tohl na sa lahat ng mga bagay at  nilalang na nilikha sa mundong ibabaw, para sa akin, ang mga babae ang pinaka misteryoso at pinakamahirap ispelengin, mas madali ko pa ngang naiispel ang czechoslovakia at s upercalifragilisticexpialidocious ng nakapikit kaysa sa intindin ang hiwagang nababalot ng mga kababaihan. Tingin ko rin naman na kahit sila sila ay na hihirapan intindihin ang mga equations ng mga sarili nila. Pero wala  naman problema dun eh, wala  naman talaga gusto ko lang talaga magtanong kung bakit nag-aahit ang mga ateng natin ng kilay?

Oo inaamin ko namang mang-mang ako sa mga ganyang kaalaman, wala akong dunong sa pagpapaganda o kung anong maayos o panget sa mukha. Pero siguro nga noh andun na rin yung kasagutan, nag-aahit siguro sila ng kanilang mga kilay para mas gumanda ang hugis ng kanilang mga mukha? Tama ba? kasi sa aming mga kalalakihan, nagkakaron ng malaking pagbabago sa itsura sa mukha kung magpapabigote kame o magpapabalbas. Tama naman di ba? Maaaring parehas lang tayo ng dahilan, pero mas mainam sigurong manggaling sa tunay na babae ang kasagutan ng lalo nating mas maunawaan.

"The Kilay Dance"

Isandaang porsiyento naman akong sang-ayon na kailangang tabasan ang mga buhok buhok natin sa katawan. Nandiyan na magpapagupit tayo ng buhok, para mas magmukha tayong malinis at kaaya-ayang tignan, nariyan ang tinatawag na waxing, eto yung pagtatanggal ng buhok sa legs ng mga babae lalo na kung  balbon sila at gusto lang nila na plain at makinis ang mga binti, inaaplay din ang waxing sa buhok ng kili kili o kung short ka naman sa pera ay  puwede nang mano-mano ang pagbubunot ng buhok sa kilikili using the tyani. Bigyan mo na lang yung anak  mo o kung sinong  puwede mong mautusan s apagbubunot mo ng buhok sa kili kili pero for sure pag bata piso isang buhok. Kaltas piso kapag natyani at nagsugat kasama ang balat, para  fair ang laban. May mga kababaihan din naman na nagbubunot ng buhok sa ilong, kasi hindi nga naman kaaya-aya tignan na lumalawit na yung buhok mo sa ilong at humihimlay na ang buhok na yun sa upper lip mo. Ang tawag nga pala sa buhok sa ilong ay tutsang. May mga babae rin bang nagshashave? deh, kasi d iba kung inyong papansinin merong mga kakababaihan talaga na sobrang balbon at minsan meron silang mabalahibong pusang bigote. Wala naman sigurong ate na tinutubuan ng "goti" eh noh? ito yung maliliit na buhok sa lower lip sa mga lalake. San pa ba  may buhok?  ahhhh medyo sensitive, sa may parteng  baba pero  huwag na natin munang pagusapan sa lamesang  pang almusalan. For sure naman na meron pa rin naman na nagtatabas ng kagubata na iyan.

Sa lahat ng kabuhukan na nabanggit so meron din palang nagbubunot ng buhok sa kilay. Hindi ba napasakit nun kuya Eddie? Ang feeling siguro nun para sa akin ay pinatilyahan ako ng titser ko sa Math dahil hindi ko mahanap ang x at y coordinates. 

Women says they are shaping their eyebrows to make it stunning ang yung moment na pagtingin mo sa kanya eh yung kilay niya agad ang mapapansin mo. Some kilay designs are just like my paintbrush strokes tool sa Adobe Photoshop, ang kyut, ang ganda, ang swabe ng pagkakakorte parang "stroke sa  enye" na binaliktad. Merong mga kilay na sobrang nipis na lang kung titignan at para nang transparent yung kilay niya pero kung lalapit ka at hahawakan mo balat na pala yung kinakapa mo at wala nang buhok dahil nakatattoo na pala yung kilay niya. Kung merong permanent teeth, merong permanent eyebrows. Ang galing noh? Usually sa Pilipinas ang kadalasang may tattoo eyebrows eh yung may edad na, pero yung totoo kasabay din ba ng pagkalugas ng buhok ang pagkalugas din ng kilay kaya nila pinapatatuan na lang? Eh bakit ang buhok hindi puwedeng tattoo na lang din? Ahahaha!

Pero sa bandang dulo medyo naiintindihan ko na e, ganun nga siguro yun....ika nga "the eyes are the window to your soul. But no one will see  through your soul if bushy eyebrows block the view. Ok getz ko na. Panget nga naman na yung buong  talukap ng mata mo eh sakupin na ng kilay mo at kung ang mga mata mo ay nagniningning sa gabing madilim, smiley eyes, china eyes ay hindi mapapansin dahil sa kasing kapal na kilay ni Eric Fructuoso at Jeffrey Santos. Kaya tama i-frame ang mga matang nangungutitap, kortehan at gawing kaakit-akit.

Tapos ang usapan. Tapos na rin ako mag-almusal. Magandang Linggo ng umaga!


Ay teka! Ano naman pala yung sa pilikmata? Bakit iniipit ng isang gamit na animo'y gunting ang hawakan at ang ulo ay parang pang scroop ng ice cream?  Ano nga tawag dun?

Ah sige tsaka na lang.....




Biyernes, Enero 15, 2016

Timeless Machines: San Miguel,Bulacan Trip

'Dito lang may poreber, malayo sa realidad ng mundo, kung saan nakakahilo at nakakasuka nang mamuhay.'

"I'd like to meet you in a timeless placeless place. Somewhere out of context and beyond all consequences."

Sinasabi nila na walang katulad ang saya at excitement sa tuwing meron kang babalikang lugar na matagal ka nang hindi nakakabalik. Hindi magkamaliw ang isipan sa kung anong pagbabago ang makikita sa lugar na iyong pinagbabakasyunan at ang probinsiya naging parte na rin ng buhay mo. Ang mga katanungang kumukulit sa isipan na, nandito pa ba ang tambayanan nuon, nanduon pa ba ang puno ng mangga na aming tinatambayang magpipinsa sa ilalim ng sikat  ng araw habang nagduduyan at   nagbabasa ng pinakatatagong koleksiyon ng mga lumang komiks at magasin. Tawagin mo na akong makaluma, ayos lang at ngingitian lang kita ang mahalaga sa akin ay naipon ko ang mga masasayang alaala ng lumipas na panahon. Tawagin  mo na akong madrama, tatawanan lang kita. Sapagkat wala nang  hihigit pa sa nararamdaman kong emosyon sa tuwing may makikita akong mga inaalikabok na bagay o kasangkapan at magpapaalala kung ano bang naging istorya sa akin ng  isang bagay na yun. Hindi kakornihan o kababawan ng kaligayahan ang pasalamatan ang mga koleksiyon ng mga itinanim mong alaala sa isang lugar lalo na kung napakaespesyal sa iyo nito. Malungkot, masaya, mapait na pangyayari o katatakutan man ang lahat ng iyan ay parte na ng alaala mo. Ngitian ang mapapait na alaala at yakapin at dakilain ang lahat ng pinakamasasayang araw na nakasama mo ang isang mapagmahal na kamag-anak at ang espesyal na lugar kung saan binuo at pinatatag ang mga memorya sa lumipas na taon.

Enigma - Return to Innocence (Timeless place)

Alas tres ng madaling-araw bago sumikat ang araw ay nilusong na ang dilim, kumaway kaway sa ning-ning ng mga bituin. Nagmistulang gabay ang liwanag ng buwan sa kadiliman ng lansangan. Kinamusta ang buwan ngunit hindi siya umiimik. Mabilis ang biyahe, walang trapik, walang MMDA. Sana lagi na lang madaling-araw at lalo sanang sana na wala na lang MMDA sa kalye. Maluwag ang daanan at presko pa ang hangin. Halos trenta minutos lang ang biniyahe papuntang Tambo sa Baclaran kung saan nag almusal muna sa isang fast food chain na kulay dilaw at  pula ang haligi kung saan nakatayo ang isang payaso  na mas makapal pa ang pulang lipsticks sa labi ni Angelina Jolie. Nakangiti ang payaso at animo'y sinasabi niya sa  isipan na "halika  mag almusal ka muna", kung makakausap ko lng din siya sa aking isipan ay tatanungin ko siya kung ililibre niya ba ako. Pero alam kong parang buwan lang din siya at hindi rin siya iimik. "Good morning sir" ang sabi  ng staff sa cashier. Inunahan ko na siya, huwag ho kayong mag-alala oorder po ako take-out at hindi po ako oorder ng may kasamang hugot.  "Isang hashbrown lang miss  at isang sausage sandwich with egg." "Isa lang sir?" "Oo isa lang, wag mo na kong hayaang humugot at sabihing.......table for 1 yan alam ko, pero lahat ng inoorder ko kain for 2. Kakausapin ko na lang  ang hashbrown baka sila sakaling umimik." Paglabas ko sa  tahanan ni Ronald rekta na at sakay na ng biyaheng Nichols para ihatid sa bus terminal.


I'm coming home!!!


Medyo dim lights pa ang kalangitan ng nakarating sa Terminal. Kaunti pa lamang ang mga tao at ang iba ay nakaupo sa gilid at naghihintay ng bus kung saan sila babiyahe. Iba't-ibang biyahe sa  terminal ng 5 star bus lines. May mga biyaheng pa Sorsogon, Pangasinan, Dagupan, Tarlac at Cabanatuan. Tiyempo naman na naroon na ang bus na rutang Nueva Ecija at hindi ko na kailangang maghintay pa. Maluwang pa at komportable ang upuan ng Five Star bus na aking sinakyan. Malinis, mabango at swabeng pahingahan ng aking likod na nananakit at mga matang mapanglaw na sukdulan na ang eyebag. Hindi na kasi ako nakatulog pa pag-uwi galing sa trabaho at nakipag chat na lang at nakipag tsismisan sa aking tukayo. Sekreto kung sino siya. Hehe! Ang alam ko may nakalimutan pa akong bilhin at tama kailangan ko ng pasalubong kaya bumaba muna ako ng bus at bumili ng isang box na Mister donut bilang pasalubong. Itong donut pa nga ata ang naging highlights ng pagpunta ko doon. Pero siguro natutuwa lamang sila dahil hindi sila makapaniwala na itong batang uhugin at hikain noon ay ako na daw mismo ang nagbibigay ng pasalubong ngayon. Ganun nga ba ko kakunat? Haha!

Sa bus hindi mawawala ang mga Blue ray disc  movies kaya nagsalang ang konduktor ng pelikulang mapapanood ng mga pasahero. Kailangan siguro all ages dahil pag-akyat ng 4:45 pm ay napupuno na ang bus, bata, matanda, lalake, babae, teenagers at paslit, pogi at magaganda eh welcome aboard na. Kaya siguro naisipan ni mamang konduktor na isalang yung PAN hindi po isasalang ang pan na literal na magDedelmonte Kitchenomics si koya. Kung di po yung pelikulang PAN na may temang fantasy at comedy. Yun ang kanyang napili bago ko napansin ang bahagyang cover ng barely legal sa drawer ng bus. Ops ops ayan ka na naman ha, hindi yun. Yung pelikula talagang barely legal nung   2011. Akala mo ha. Gentleman kaya si koya kong  konduktor. Tingin ko bihasa na siya sa trabaho niya dahil ang bilis kumilos ng kanyang mga daliri sa pagbutas ng mga tiket. Kasabay ng pagbutas ng tiket ang pag-nguya niya ng  bubble gum at puwedeng pang musica.ly si koya kung lalapatan lang ng musika at kaunting epeks.

Arko ng San Miguel, Bulacan
Tanawin bawat tanawin, bukid by bukid. Yan lamang naman ang mga tanawin na makikita mo dito sa amin sa Bulacan, wala kaming mga bundok o mga kilalang lugar along the highway. Pero siyempre  naman kahit bukid lamang ang makikita mo dito ay walang katulad pa rin naman ang kagandahan at kaluntian ng mga palayan. Yung unti unti paglabas ng sinag ng araw na maghehello sa malawak na bukirin ay kaakit akit. Ang pag-aagaw ng liwanag at dilim sa may di kalayuan ay nakamamanghang pagmasdan. Pinili ko ang kanta ng Beatles na "Dear Prudence" na aking naririnig sa earphones para may background ang pagtanaw ko mga tanawin at mula dito ay mapapasabay ako sa mga linyang "The sun is up, the sky is blue, it's so beautiful and so are you."  Ito rin ang mga kataga kong ipinopost sa social media sa tuwing hindi ko maramdaman ang positive vibes sa umaga.

Beatles - Dear Prudence


Along the way nadaanan ng bus ang 8 Waves water park na minsan na ring nakapagswimming ang buong Faculty and staff ng aking paaralan na pinagtuturuan bilang isa sa lugar na pinuntahan nuong field trip ng mga college students. Ang matandang simbahan ng Barasoain na nasa sampung piso na lumang pera ay nasa loob ng bayan ng  Malolos kaya hindi na nasilayan. Ang Bahay na Pula na kilalang haunted house sa San Ildefonso ay isa na ring  atraksiyon ng lalawigan ng Bulakan. Marami nang naganap na shooting ng mga nakakatakot na pelikula sa bahay na ito at dito rin dati nag shu-shooting ang Okat-tokat ng Channel 2 na dating palabas tuwing gabi sa TV.

Pagkalipas ng tatlong oras na biyahe ay nakarating na sa bayan ng Oriente. Ang San Miguel Bulacan na nga mismo ang pinakahuling bayan ng Bulacan at pinaka dulo. Dahil mula sa aking pagkakatayo sa waiting shed ng mga toda eh tanaw  mo na ang arko ng "Welcome to  Nueva Ecija". Nakangiti na si manong drayber at may puntong tinanong ako kung saan ako bababa. Ang sambit ko naman ay sa Barrio ng Batasang Bata pagkalampas lang ng malaking electric lines at funeraria. Medyo hindi lang maganda ang palatandaan ko pero maganda naman ang pangalan ng funeraria dahil "Dasal" ang kaakibat nitong ngalan. Habang biyahe din, habang daan at maraming parte pa na bako-bako kaya chineck ko ang vital organs ko kung nakakapit pa sa laman. (calling Mayor, konting tapal naman ho) Ito ang pinakagusto kong aroma sa  tuwing nauwi ako sa probinsiya. Yung amoy ng siga sa mga tuyong dahon. Masarap singhutin ang usok ng siga na dala ng malamig na hangin sa umaga habang ang ilan ay nagkakape na habang nakatambay sa harap ng kanilang mga tahanan at tindahan, kuwentuhang walang palya, kuwentuhang walang patutunguhan para lamang patayin ang oras. Timeless, ika nga. May mga kabataang naglalaro pa ng holen at nagkukusot ng mata sa bukirin habang nakaupo sa kawayang upuan, sa may di kalayuan ay may umiigib ng tubig sa may poso, mga nagsisipilyo at may ilang kalalakihan na nagbabasketball sa isang ring na gawa sa isang matibay na kahoy.


Susie and Simon 
Pagkaraan ng bente minutos ng pagkakaalog ko sa lubak na daan ay nakarating na rin sa bahay ng aking tiyahin. Nakasarado pa ang gate pero tanaw na ako ni tito Danny mula sa loob. Isang pagmano, pagkamay at respeto ang aking pagbati sa kanya. Batian, kuwentuhan at tawanan ang aming pinagsaluhan habang inaantay ang aking tita Martha na nasa palengke sa kasalukuyan. Sinalubong din ako ng aking mga bagong kaibigan  na sila Susie at Simon ang kanilang mga alagang aso. Tahol, kahol sa una pero nung nahawakan ko ang mga pisngi nila e parang may magical touch ata ako sa mga aso at tumahimik sila sa pagkahol. Nariyan yung nilulundag ka na at wala ng tigil ang pagkawag ng kanilang buntot.


Mini Farmville 
Tuloy ang kwentuhan namin ng aking tito pero mas nakasanayan kasi namin silang tawaging "Papa" at "Mama" si Tito Danny na asawa ng kpatid ng aking nanay ay nasa 80 anyos na at si  tita naman ay 69. Napakasimple at payak lamang ng buhay nila dito, sila na nga siguro yung masasabi kong "may  poreber". Silang dalawa lang nasa bahay at umuuwi lamang ang mga apo nila at mga pinsan ko tuwing weekend para makasama ang kanilang mga lolo at lola.
Ang sabi nila ay kung sino lamang daw ang mapagod sa kanila sa gawaing bahay ay magpahinga ang may gusto at kung wala kang magawa ay maghahanap ng gagawin katulad na lamang ng pagtatanim ng iba't-ibang gulay at prutas sa likod ng  bahay. Mayroon kaming sapat na hardin sa likod kung saan maraming puno at halaman, mga alagang hayop katulad ng mga manok,itik at baboy ramo. Yep! merong baboy ramo sa mini farmville ng aking tito at tita. Makikita
mo na lang na nagkalat ang mga itlog ng manok, hanapin mo na lang kung san sila naglimlim. Nasa pito hanggang walong itik na mayroon ding itlog. Sari saring tanim katulad ng kangkong, aloe vera, kamias, upo, sili, guyabano, saging, kamote, sitaw at kung anu-ano pang malalalim na salitang hindi ko na maintindihan sa Tagalog kung anong klaseng gulay o prutas yun. Meron din silang tanim na mga herbal plants para sa mga may sakit. Pagkalabas ng mini farmville ay bubungad sa iyo ang isang napakalawak at mahamog na bukirin. Alas otso na, pero malamig pa rin at banayad lamang ang init. Hindi ako mahilig magpa letrato pero para naman may remembrance ay nagpakuha ako at kame ng larawan ni tito. Kagaya nga ng sinabi ko, walang bundok, walang magandang tanawin, simple, payak at kulay bughaw na  kalangitan  at luntiang bukirin lamang ang makikita dito. 

Maya maya pa dumating na si tita, pagmano, pag-akap at respeto ang aking pambungad na pagbati. May asawa ka na ba? Ayun na. Dun na pumasok sa parteng iyon ang katanungang walang hanggan. "Wala pa po" ang aking tugon. Pagbablush na lang at konting landing mukha ang ipinakita ko sa kanya at buti na lang wala ng follow up questions. Ay meron pala, "ilang taon ka na". Siyempre lagi ko lang sinasabing "trenta" kasi pag niround off yung 34 nasa trenta pa rin yun. Kaya ok na ang tugon na trenta. Never ending story ang sumunod nangyari, magluluto sana siya ng nilagang baboy pero sabi ko na wag na siyang mag-abala dahil mapapagod pa siya at ayoko naman na mapagod pa sila na dahil lang sa akin. "Sa Linggo na lang po kayo magluto pagbisita nila nanay." Sapagkat itong darating na Linggo ang mga tao naman dito sa bahay at mga kapatid ni ermats sa Menela ang bibisita sa kanila. 



Pagdating ng alas diyes y media ay nagpaalam na ako sa kanila at pinadalhan niya ako ng pasalubong na chicharon na isa sa patok  na pagkain at pasalubong sa Bulacan. Crunchy, malinamnam at may laman.Nagpaalam na rin kay tito at  ipinangako sa  kanla na muling babalik at dadalasan ang pagbisita sa kanila. Nag-goodbye na rin sa dalawang tapat na alaga ng haligi  ng tahanan, ang mga friendly fur babies na sila Susie  at Simon. 

Sumakay na ulit ng traysikel pabalik sa kanto at isang matamis na wagayway ang aking inalay sa aking tito at tita na may pangakong ako'y babalik kung saan ang lugar ay tahimik, wala kang iisiping panganib dahil hindi nagtatalo talo ang mga tao, yung may simpleng pamumuhay at kung saan puwede patayin ang bilis ng takbo ng oras at pagod. Masarap din pa lang mawalay sa mundo ng teknolohiya, Internet at social media sa maikling oras. Minsan napapahalagan natin ang ating mga mahal sa buhay kung tatakasan natin ang ating nakagisnan na gawain. Yung walang Facebook, Twitter, Instagram at mga app games na niloloko lang naman tayo. Kahit sa kaunting saglet tumigil ang  mundo ko, nakalimutan ang problema at ang pinakamahalaga ay nakabuo na naman ako ng isang magandang alaala sa istorya ng  buhay ko. Timeless place o pook pahingahan ito ang kailangan ng bawat tao kung saan sa realidad na mundo ay nakakahilo na at nakakasuka nang mamuhay.

Ako'y babalik,

Pangako...




Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads