Huwebes, Agosto 21, 2025

90s Classroom Nostalgia

 

90s Classroom was the happiest!

May mga bagay na gusto kong balikan sa loob ng apat na sulok ng aming silid-aralan. Mga pangyayaring nagaganap sa araw-araw mapa-estudyante man o teacher. 

1994...

Sa aking eskuwelahan sa San Andres Bukid Manila, ang St Anthony School o sa tagalog na pangalan ay San Antonio de Padua bago pa man ang araw ng pasukan ay alam na namin kung sino sino ang magiging classmate namin dahil puwede kang bumisita sa araw ng Linggo o di kaya Sabado sa school para makita sa announcement kung anong section ka, anong room number, at pangalan ng teacher na magiging adviser mo. Swerte ka kung classmate mo pa rin ang best friend mo. Mayroong tinatawag na "star-section" sila yung mga "geek", mga "henyo" na nakakuha ng pinakamataas na marka noong nakaraang school year at ika-classify yun kung mataas ang naging average mo last year ay mapapasama ka sa star section pero wag mo asahan na masaya doon. Mas masaya pa rin kasi minsan sa mga lower section kasi gaganahan kang pumasok dahil sa mga abnormal na classmates mo at hindi boring. Ako laging nasa middle lang pero ganun din ang tema, may mga kasama ka ring mga kolokoy na talaga nga naman mapapatawa ka sa araw-araw mo silang kasama. Bagama't iba-iba ang mga nakakasalamuha mo pare-parehas lang din naman ang set up ng mga classroom. Pag-usapan natin kung ano nga ba ang set-up ng silid-aralan ng mga batang lumaki sa dekada nobenta. 

Kung papasok ka sa isang classroom noong dekada ’90 sa Pilipinas, para kang bumabalik sa isang mundong puno ng makulay na alaala. Pagbukas mo pa lang ng pintuan, bubungad agad ang mabibigat na armchair na gawa sa kahoy—may ilan pang may ukit ng pangalan ng mga naunang estudyante, parang lumang diary na naiwan sa upuan. Ang blackboard, laging puno ng chalk dust, ay may bakas pa ng sulat ng teacher kahapon, habang ang eraser ay nagmumukhang isang puting bato sa sobrang kapal ng alikabok. Sa gilid, makikita ang lumang class record ng guro, ang mabigat na bell na pinapalo kapag uwian na, at ang paboritong dekorasyon ng bawat dekada—mga cartolina na may “DO NOT CHEAT” at mga poster ng values education na may mala-encyclopedia na drawings ng batang naka-smile at naka-barong o saya.

Nabanggit ko na rin ang kahoy na upuan, wala nang kaklasik pa diyan yung upuan naming kahoy na parang bench pero may lamesa, ang nakakaupo rito ay tatluhan. Ang pinaka gusto kong puwesto ay ang gilid at ayaw na ayaw ko na mapupunta ako sa gitna dahil feeling ko para akong palaman na hotdog sa magkabilang sandwich. Hindi ka rin makakapag extend ng katawan mo at hindi ka masyadong makakagalaw at laging nasa center of attraction ka rin ng guro dahil ikaw nga ang nasa gitna kaya kapag nagtawag na sa recitation at hawak na ang kinatatakutang index card ay malaki ang posibilidad na ang mga nasa gitna ang kadalasang natatawag. Totoo nga na maraming vandalism na naiwan sa mga arm chair, nariyan ang sulat ng bolpen, pentel pen at parang si Wolverin na inukit ang pangalan ng crush niya na may mensaheng "I love you". 

Makikita rin sa pisara ang “Class Officers” list na nakasulat sa chalk—President, Vice President, Secretary, Treasurer—at kung minsan may “Class Monitor” na nakaduty para isulat sa manila paper ang lahat ng maingay kapag wala ang guro. Nariyan din ang lesson plan na nakadikit sa dingding gamit ang masking tape, ang visual aids na may watercolor at Pentel pen ang gawa, at ang iconic na “1/4 sheet of pad paper” na hinding-hindi nawawala sa bawat quiz. Ang mga libro naman, halos lahat may plastic cover at may pangalan sa unahan na parang ID badge ng estudyante, habang ang notebooks ay madalas may pahina ng doodles, love quotes, at pangalan ng crush.

Parokya ni Edgar- Alumni Homecoming

Kapag may mga naiboto nang class officers noong time namin ay nilalagay ang mga pangalan nito sa Cartolina at nilalagyan ng plastic cover. Ididisplay yan sa dingding ng classroom hanggang sa matapos ang school year. Siyempre ang class President ang kanang kamay ni teacher at ang secretary naman ang laging natatawag para magsulat ng lesson ni teacher sa pisara. Kadalasan ay nagagamit ang buong pisara at kapag kinulang na ng pagsusulatan ay magbubura siya sa isang bahagi at bigla naman mag-aatungal ang mga mababagal kumopya dahil daldal ng dalda sa katabi. Pero ang secretary talaga ang kawawa dahil siya ang hindi nakakakopya ng lesson. Ang sgt at arms naman ang back up ng president at vice president na naglilista ng noisy at standing sa classroom. Sa tuwing aalis si teacher ay inaasign niya ang dalawa para maging bantay sa magulong klase. Bawal kasi kayo maglalabas sa corridor at mag-ingay dahil may mga pagkakataong nagkaklase pa sa kabilang classroom. Kapag nalista ang pangalan mo sa noisy o kaya sa standing at sa pagkakataong dumating na si teacher ay may nakaambang parusa, puwedeng palabasin kayo, remain standing sa buong klase ng guro, paluin ng ruler sa palad, pitsarahan ng patilya at kung anu-ano pa. Kaya minsan most hated persons ang President at Vice President, trabaho naman ng dalawang Sgt at Arms ang protektahan sila. Ang treasurer naman ang taga-kolekta ng funds ng klase.Minsan ginagamit ang funds na ito kung may mga programang dapat salihan ang inyong section. Ito yung mga simpleng pagbili ng materyales na kakailanganin kung may sasallihan kayong competition as the whole section o kung kailangan ba ng abuloy kung may namatayan sa mga kaklase niyo. Ang pinakawalang trabaho talaga diyan ay yung auditor at PRO, ewan ko ba kung anong ganap nila bilang officers ng klase. At ang muse at escort seasonal lang paglabas nila. Nagagamit lang ang kanilang charm pagdating ng Intramurals. 

Bago dumating ang guro, doon talaga nagkakaroon ng palabas ang mga estudyante. May mga naglalaro ng teks o pogs sa ilalim ng mesa, may nagbabato ng papel na may nakasulat na “Crush kita” papunta sa kabilang row, at may ilang seryoso sa pagdodrawing ng anime characters gamit ang Mongol no. 2. Ang iba naman ay nakatambay sa bintana, nakasilip sa quadrangle na para bang may mas malaking kaganapan sa labas kaysa sa loob ng klase. At siyempre, laging may taga-bantay ng pintuan—ang lookout na sisigaw ng “Andiyan na si Ma’am!” sabay biglang transform ng buong klase mula circus patungong choir. May mga nakikita ka rin na nag-aarm wrestling, ah siyempre hindi mawawala ang sugal sa pera sa pamamagitan ng adding ng serial numbers ng mga perang buo. Ang pinakamalakas na trip na naranasan ko noong high school ay yung mga nagdadala ng garter snake, yung maninipis na ahas na ibinibenta noon sa tapat ng eskuwelahan nauso yun eh tapos ibinabaon nila para maging panakot sa mga kaklase mong beki at mga babae. Ang lalakas talaga ng trip noong dekada nobenta. Merong mga simpleng gitara at kantahan lang sa gilid ang kulang na lang ay lamesa para sa alak at pulutan ay drinking session na sa kanto. 

Pero ang tunay na kalat ay naroon sa ingay. May nagbabatuhan ng chalk, may kumakanta ng mga jingle ng patok na commercials, may nag-aaway kung sino ang “bangko” sa Chinese garter, at may mga sumasabay sa kanta gamit ang walkman na may naka-share na earphones. Minsan, may batang biglang aakyat sa mesa para lang magpatawa, habang may iba namang abala sa pag-scribble ng “Slam Book” questions na umiikot buong klase. Ang mga baon na Choc Nut, Viva Caramel, Benson, o White Rabbit ay palihim na kinakain sa likod, minsan pa’y ipinapasa sa kaklase na parang “smuggling operation.” May naninirador gamit ang goma at ang bala ay yung tinuping papel, may bumabangka sa kwentuhan at kung anu-ano pa. Para ka talagang nasa jungle, kung saan sari-saring ingay ang maririnig mo.

Sa bawat sulok ng 90s classroom ay may kwento. Sa bulletin board na puno ng faded na announcements at old test papers, sa dulo ng silid kung saan may lumang electric fan na parang helicopter ang tunog, at sa sahig na puno ng papel mula sa ginupit na notebook cover. May makikita ring tatlong klase ng estudyante: ang seryosong tahimik na nagsusulat na parang walang nakikitang kaguluhan, ang mga pasaway na walang pakialam kung may darating na teacher, at ang mga “neutral” na handa lang makisali kung may magaganap na masayang eksena. Hindi rin mawawala ang “pa-barter” ng lapis at pambura—isang Faber-Castell kapalit ng isang Pilot na ballpen.

Hindi man perfect ang order, iyon ang esensya ng pagiging estudyante noon—isang magulong sining ng kabataan, puno ng tawa, kaba, at maliliit na rebelde na sa huli ay bumabalik din sa katahimikan kapag nagsimulang sumulat ng guro sa pisara. At kung sakaling may magtataas ng kamay para humingi ng bathroom pass, sabay tawa at kantiyawan na agad ang maririnig: "Natae na yan!" 

Ang classroom noong ’90s ay hindi lang lugar ng pag-aaral, kundi teatro ng pagkabata—isang entablado kung saan bawat bata ay may papel, may ingay, at may alaala. Doon nabuo ang mga barkadahan, doon nagsimula ang unang tampuhan at kilig, at doon rin nahulma ang ating tiyaga sa harap ng masikip na bangko at makapal na libro. At kung babalikan mo ngayon, kahit amoy chalk dust, amoy pawis ng electric fan, at amoy plastik ng bagong libro pa lang ang maalala mo, sapat na iyon para mapangiti at mapaisip: “Grabe, gano’n pala tayo kagulo… pero gano’n din kasaya.”

Miyerkules, Agosto 20, 2025

Men's 90s Instant "Retouch": The Polbo Culture


Isa ka ba sa mga naexperience ang Polbo culture o isa kang Eskinol Master Pogi man?

Yung pinakamaliit na polbo ng Johnson's and Johnson's in the 90s was a thing. It was the era when men showered their faces with powder due to the extreme heat and humidity of the weather. Nagkaka-pulbusan talaga noon dekada nobenta. And yes, can't even forget your tito jokes na nagmamatapang-tapangan ka at nanghahamon ka ng away when you're saying a dialogue, "gusto niyong pulbusin ko kayo?" when you really meant was sharing your powder with your classmates. That was an instant classic, right?

Noong dekada nobenta, may kakaibang ritwal na sumibol sa mga high school boys—isang kulturang hindi sinasadyang naging simbolo ng kanilang kagustuhang maging gwapo sa gitna ng maalinsangang panahon: ang polbo culture. Hindi ito basta simpleng pagpapapogi; isa itong sining na may kasamang pawis, pulbo, at panyo. Kapag tumindi ang lagkit ng hangin at halos dumikit na sa mukha ang init ng araw, agad nilang huhugutin ang panyo mula sa bulsa, ibabaon sa garapon ng Johnson & Johnson powder, at saka idadampi sa noo, pisngi, at ilong na parang may misa ng kabanalan. Ang resulta: isang tropa ng mga mukhang espasol na sabay-sabay lalabas ng gate, puti ang gilid ng ilong, may bakas ng pulbos na parang mapa ng hindi pa natutuklasang lupain. Mas nakakatawa pa kapag moreno ang isa sa kanila, at tila nagkaroon ng chalk drawing sa mismong mukha niya—doon nagkakatinginan at pinipigil ang halakhak ng mga kaklase at mga dalagang lihim na natutuwa sa kanilang itsura. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may kakaibang lambing ang alaala: ang pulbos na iyon ang sandata laban sa init, ang panyo’y naging canvas ng kabataan, at ang pagiging mukhang espasol ay simbolo ng walang pakialam na kapreskuhan. 

Minsan may masigasig na sobra ang nilagay, at kapag tumama ang araw sa kanyang pisngi, nagiging instant reflector na halos mablangko ang mukha niya sa sobrang puti. Meron ding mga nagdadala pa ng pulbo sa mismong bag, nakatago sa loob ng medyas o plastik, at tila may emergency kit kapag kailangan na ng “retouch.” At huwag kalimutan—kapag may sayawan o program sa gym, siguradong dagsa ang puting ulap ng pulbos sa CR, parang may nagbuhos ng harina bago magsimula ang programa. Ito ang panahong walang BB cream, walang oil control film, walang filter ng Instagram—kundi pulbos lang at tiwala sa sariling kagwapuhan. Meron naman mga kumpiyansa at hindi nagsasaboy ng pulbo sa kanilang mga mukha, hindi rin papahuli ang kontra-bida sa polbo culture—ang mga tropang Eskinol Boys.  ito yung mga naka Eskinol Master Pogi, hindi sila oily dahil sa epekto ng Eskinol. Para kang naka Rico Yan branding kapag nakapaglinis ka ng mukha gamit ang Eskinol, fresh na fresh ang dating kahit sa kainitan ng panahon.

Sila yung tipong magdadala ng Master Eskinol o kaya Sea Breeze na parang alak na inihahalo sa mukha. Pagkatapos ng klase, bubuhos sila ng kaunting likido sa bulak, tapos ipapahid sa pisngi’t noo na parang may inaapulang apoy. Ang ending? Mamumula ang mukha na parang nilitson, habang kumakapit ang hapdi at amoy alkohol na nakakapaso sa ilong. Pero sa kanila, ito ang tunay na linis—ang tagumpay laban sa tigyawat at langis. Madalas pa nga silang nagyayabang: “Walang pulbo-pulbo, Eskinol lang sapat na!” Kahit na sa totoo lang, parang sinampal ng apoy ang itsura nila. Kaya sa hallway, magkakahalo ang dalawang mundo: ang mga mukhang espasol na nilalamon ng pulbos at ang mga pulang-pula ang pisngi na parang nilagnat. Dalawang estilo, parehong nakakatawa, parehong tanda ng ating kabataan.

Deadnails - Pulbo

Inaayawan ang glass skin noon kasi mukhang kakahango mo lang sa harap ng pinipritong sinanggutsang baboy at nagmamantika ang muka. Ngayon yan na ang sikat ang magkaroon ng Korean glass skin na kapag tinamaan ng sikat ng araw ang mukha ay masisinag ang mga mata mo. 

Sa tuwing maaalala natin ang eksenang iyon—ang amoy ng pulbos, ang halakhak sa corridor, ang kumpiyansang dala ng kaputian kahit malabo ang execution—mapapangiti ka na lang at sasabihing, “Ganito kami noon, walang filter, walang pakialam, basta’t presko at masaya.”

'ang salarin'

Pero alam niyo ba sa paglipas ng panahon ay ang talc-based baby powder ay unti-unting inalis sa merkado dahil sa seryosong isyu sa kalusugan. Ang talc, na karaniwang ginagamit para sumipsip ng pawis at gawing makinis ang balat ng sanggol, ay maaaring makontamina ng asbestos—isang kilalang sanhi ng kanser gaya ng mesothelioma. Mula pa noong 1970s ay may mga pag-aaral nang nag-uugnay sa paggamit ng talc sa ovarian cancer at iba pang sakit, dahilan para dumami ang mga kaso laban sa mga kumpanyang gumagawa nito, partikular sa Johnson & Johnson. Dahil dito, bumaba ang tiwala ng publiko at maraming retailers ang huminto sa pagbebenta ng produktong ito. Noong Mayo 2020, sinimulan nang alisin ng J&J ang kanilang talc-based baby powder sa U.S. at Canada, at noong Agosto 2022 inanunsyo nilang ihihinto na rin ito sa buong mundo at lilipat na sa cornstarch-based na alternatibo. Pagsapit ng 2023, tuluyan nang itinigil ang global production at sales ng talc-based baby powder, isang hakbang na kumakatawan sa pagbabago ng industriya tungo sa mas ligtas na opsyon para sa kalusugan ng mga mamimili.

Martes, Agosto 19, 2025

Testosterone Things: Sibuyas x Libido

 

Does eating onions directly increase sexual desire?

Nananahimik lang ako at kumakain ng binili kong hilaw na mangga noon at bigla na lang akong nasigawan naakusahan ng:

"Ang libog mo siguro kain ka kasi ng kain ng sibuyas."

Napangisi lang ako (pero sa loob loob ko, tangnang to) Ano naman ang kinalaman ng sibuyas sa pagiging malaswa kong nilalang? Parang ang dali namang magturo ng krimen sa isang gulay. Nakitang may mangga ako sa plato, may kasamang bagoong, kamatis, at ginayat na pulang sibuyas—ayun, bigla akong ginawang biktima ng tsismis.Ang lakas pa ng pagkasabi ng walang-hiyang kaibigan sa pagbabasketball. 

Kung tutuusin, hindi naman talaga sibuyas ang ugat ng lahat. Ako ‘yon. Ako ang may sala. Ako ang may sariling nilalaman, sariling pagnanasa, sariling kabaliwan. Pero syempre, mas masarap kapag may scapegoat. At sa pagkakataong ito, napili nilang sisihin ang pulang sibuyas.

Bakit ba ako biglang nahilig sa sibuyas?

Hindi ko rin alam. Siguro trip ko lang na amoy adobo lagi ang hininga ko. Siguro gusto ko ring masaktan ang mga kausap ko—hindi sa salita, kundi sa bawat paghinga kong mabagsik at mabangis. Kasi alam ko, walang mas tataboy pa sa maling tao kaysa sa amoy sibuyas na parang hindi nag-toothbrush ng tatlong linggo.Onion is a weapon of choice. 

At bakit? Dahil ayaw ko muna ng love life. Oo, ayaw ko muna ibahagi ang napakagandang lahi ko. Ayaw ko muna masaktan, mai-stress, o mapasubo sa kasalanan ng mundo ng mga nagpapa-cute sa isa’t isa at nagsusubuan ng Vinegar Pusit. Kung sibuyas lang ang kailangan para hindi ako lapitan, edi sibuyas na!

Kung mapusok ang isang tao, kailangan ba talagang gulay ang sisihin?

Eh kung sabihing malibog ako dahil mahilig ako sa kangkong, o talong, o kalabasa—eh di ang saya! Pero bakit sibuyas? Siguro kasi umiiyak ako habang hinihiwa ko ito, at inisip nila: “Siguro pati hormones niya nagwawala.”

Pero sa totoo lang, wala talagang scientific basis. Ang sibuyas ay pampalasa, hindi pampalibog. Ang problema ko ay hindi sibuyas. Ang problema ko ay ako.

Parte na ang sibuyas sa buhay ko.

  • Almusal – itlog, sinangag, at tinadtad na sibuyas.
  • Tanghalian – adobo na puro sibuyas ang sahog.
  • Hapunan – nilagang baka pero parang nilagang sibuyas kasi mas marami pa rin siya kaysa karne.
  • Pulutan – onion rings.
  • Snack - Onion Rings
Marcy Playground - Sex and Candy

Kung apat na beses sa isang araw akong napapaluha, hindi na siguro dahil sa lungkot kundi dahil sa putok ng sibuyas.

May nagsabi, “Lagyan mo ng electric fan habang hinihiwa, para hindi tumalsik ang gas sa mata.”

May isa pa, “Isawsaw mo sa tubig habang hinihiwa.”

Pero ako? Wala akong pake. Meron akong goggles na hindi nagamit sa snorkeling nung mga nagdaang summer, parang diver sa kusina. Kailangan protektado ang tear glands ko, kasi ayaw ko nang ma-drain ang mga luhang dapat sana’y para sa teleserye ng buhay ko.

Kung ang sibuyas kayang magpaiyak, bakit wala pang gulay na kayang magpatawa? Bakit wala pang lettuce na nagbibigay punchline? O kaya kamatis na kayang magpatawa sa gitna ng problema? Nakakatawa rin, kasi parang lahat ng gulay, puro sakit lang ang dala—lason sa mata, pait sa dila, o sakit sa tiyan kung sobra.

Pero kung sakaling totoo ngang nakakapagpalibog ang sibuyas, patay tayo dyan. Hindi ako pwede. Hindi ako handa. Hindi ako pwedeng lamunin ng sariling init ng katawan. Kasi kapag nagkataon, magiging mahirap mag-move on. At mahirap lumayo sa tukso kung palaging may sibuyas sa ref.

Kaya ayan. Simula bukas, wala muna akong sibuyas.

Oo, magpapaalam muna ako sa paborito kong pampalasa. Hindi muna ako iiyak habang naghihiwa. Hindi na muna ako amoy adobo. Hindi muna ako magpapanggap na wala akong pakialam sa love life, pero deep inside gusto ko rin ng konting kilig.

Pero dahil kailangan kong magpalit ng bisyo…

Balut at tahong naman ang aking babanatan.

At doon, baka may masabi na naman silang bago:

“Malibog ka kasi kain ka nang kain ng tahong.”

Naku po. Ibang usapan na naman ito..

Lunes, Agosto 18, 2025

My 44th Birthday — A Thanksgiving for Life

Life update at 44!

Ngayong araw, Agosto 18, ako ay muling magdiriwang ng kaarawan — ika-44 na taon ko sa mundong ito.At ayon sa komputasyon I'm living 16,702 days on Earth. Isang simpleng petsa para sa iba, ngunit para sa akin, isa itong malalim na paalala na bawat hinga ay biyaya, bawat tibok ng puso ay isang himala.

As I grow older, I have learned that birthdays are no longer just about cake, spaghetti, or the famous lumpia,  balloons, and countless Facebook notifications. Once upon a time, especially around 2012, my wall would overflow with “Happy Birthday!” greetings from people I hadn’t spoken to in years. Ngayon, mas kaunti na ang bumabati — hindi dahil nakalimutan na nila ako, kundi marahil, ganito talaga ang takbo ng buhay. Busy na tayong lahat o ang iba bigla nalang nawala o siguro wala na lang talagang pakialam ang iba ang minding their own business. Sabi ko nga we all get busy, we move on, and our worlds change. And yet, the few who still remember… their greetings mean even more than hundreds in the past.

Ngunit sa likod ng mga ngiti, dala ko pa rin ang bigat ng aking kalusugan. I have a heart condition that has been my constant shadow — a reminder that my life is not ordinary, that each day is a victory. Malapit na rin (siguro, God willing) ang ikalawang operasyon sa puso na kailangan kong pagdaanan. Minsan, natatakot ako. Minsan, napapagod din. Napapagod sa kaiisip. Pero sa kabila ng lahat, mas pinipili ko pa ring ngumiti at yakapin ang bawat araw, dahil alam kong hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong mabuhay nang ganito katagal at ng pangalawang pagkakataon. 

Akala ko noon ay okay na ako, 4 and a half years lang ang itinagal ng ikinabit sa aking mga bypass na ugat sa puso at barado na daw ito muli. Walang kaiguraduhan sa operasyon sapagkat delikado na daw kung bubuksan muli ang aking dibdib for another open heart surgery. A minimal invasive operation like angioplasty is also unsure kasi daw baka mapunit yung ugat at mas delikado ang ganoong sitwasyon. The only remedy is through medications pero hindi ka gagaling ng 100% at mayroon pa rin na mga alinlangan. Sa totoo lang miss ko na nga ang labas, dalawang taon na rin akong nakakulong dito sa bahay, trabaho lang, less stress dapat. Nakakalabas lang ako kung may mga check up ako sa aking hospital. 

I have lost count of how many times I’ve rushed to the emergency room, wondering if that moment might be my last. And yet, here I am — typing these words, breathing, feeling, and still dreaming. That is God’s mercy written in my life story.

At kung tutuusin, hindi na ako natatakot sa kamatayan. That fear already came and crushed me when my mother passed away last year. Sa araw ng kanyang paglisan, pakiramdam ko ay kasama niyang nawala ang takot ko sa sariling wakas. Death no longer scares me — what weighs on my heart now is the thought of leaving behind my sister and my pets. Kung dumating man ang oras na iyon, siya na lang ang maiiwan sa aming tahanan, at iyon ang isa sa mga bagay na mahirap isuko sa Diyos.

To those who have been reading my blogs since 2015 until today — Salamat. Your time, your eyes, and your heart mean so much to me. Hindi man tayo nagkikita araw-araw, pero ramdam ko ang inyong suporta at malasakit. Thank you for remembering my birthday, for sending messages, and for thinking of me even in silence.

May dapat pa bang ikasaya kapag kaarawan, lalo na kung ika-44 na? Sabi nga ng iba, matanda ka na, wala nang “wow” factor, parang lumang kantang paulit-ulit na lang pinapatugtog sa videoke ng barangay. Ew, ika nga ng Gen Z, pero teka lang—hindi ba’t bawat dagdag na taon ay parang dagdag na pahina sa isang nobelang sinusulat ng tadhana? Noong 2012, grabe ang hype—kahit madaling-araw pa lang, may bumabati na sa timeline mo, nagsusulputan ang “Happy Birthday” mula sa mga kaibigang minsan hindi mo nga maalala kung paano naging friend mo sa Facebook. Ngayon, parang biglang tumahimik ang mundo, hindi na uso ang midnight greetings, hindi na sumasabog ang notification mo na parang fireworks. Bakit kaya? Siguro dahil ang social media ay parang disco—may mga panahong puno ng sayaw at ilaw, at may oras ding nauupos ang spotlight at nagbabago ang tugtog. Siguro dahil mas busy na ang mga tao sa sariling laban, o baka dahil natutunan na nating hindi sukatan ng pagmamahal ang dami ng bumati sa’yo sa wall.

At sa totoo lang, ang pagbati na galing sa iilan pero tunay ay mas mabigat pa kaysa sa daang platitudong automated lang galing sa “See All Birthdays” feature. Pero heto ang totoo, at huwag n’yo akong husgahan: kahit 44 na ako, kilig pa rin akong umaasa na yung mga crush ko noon (at hanggang ngayon) ay maalala man lang akong batiin—at kung hindi pa sila bumabati, well, may buong araw pa sila para gawin iyon, at habang umaasa ako, parang bumabalik ang pakiramdam na teenager pa rin ako. Kaya, dapat bang ikasaya ang birthday sa edad na 44? Oo naman, kasi hindi na ito tungkol sa ingay ng mga greetings kundi sa katahimikan ng pasasalamat na umabot ka pa sa puntong ito, na kahit may mga sugat ang puso at bitbit na takot sa kinabukasan, narito ka pa rin, humihinga, lumalaban, nagiging saksi sa pag-ikot ng mundo. Kung noong bata ka, ang saya ng birthday ay cake, handaan, at greetings sa Facebook wall, ngayon ang tunay na saya ay ang simpleng umaga na gumising ka pa, humigop ng kape, at muling sinabing “Salamat, buhay pa ako.” At kung sakali mang umabot ang gabi at biglang may “Happy Birthday” na dumating mula sa matagal mong pinapangarap, aba, jackpot—kilig at 44, walang expiration date!

Don McLean - Birthday Song

Nang lumaon pa ang mga panahon ay dun natin naiintindihan ang lahat ng bagay na hndi natin maitanto sa ating isipan noong tayo'y mga uhugin pa. Di ko pala dapat ikabahala ang ganung araw sa halip ay mas lalo ko ito dapat gustuhin. Sino ba namang hihindi sa dami ng iyong regalong natatanggap, pagkain, pera at kung anu ano pang sayang taglay sa tuwing magbibirthday tayo.

Lahat din naman yan nababago habang tumatanda rin tayo, kung ano yung mga kasiyahan noong bata ka unti unti ring naglalaho habang pawala na ang numero natin sa kalendaryo. Kumukonte ang excitement habang pakulot ng pakulot ang mga pubic hair natin. Kahapon lamang ngumangawa pa ako sa crib at idinuduyan habang kinakantahan, ngayon kumikirot na ang tuhod ko, hinihingal na at ang malala pa ay magkaroon na ng chronic diseases.  Kamakailan lang isa pa lang ang kandila ko sa keyk ngayon wala nang mapaglagyan.

As I turn 44, I no longer count the candles on the cake. I am counting the memories, the battles I’ve won, the mornings I’ve woken up despite the pain, and the laughter I’ve shared in between tears.

Pero eto na nga, meron lamang sapat na handa, wala akong programa para ipagdiwang ang aking kaarawan. Ganon pa man,   kahit siguro sa pinaka-payak na dahilan ay naging makabuluhan ang araw na ito para sa akin. Naging masaya ang aking kaarawan dahil sa mga bumati sa akin sa pamamagitan ng text, tawag, comment sa blog (kungmay magcocomment diyan), twitter at syempre sa Facebook at Instagram friends.. Nakakatuwa lang dahil kahit mga hindi ko personal na kilala ay bumati rin. At nagpapasalamat ako sa mga kontribusyon nila para maipalaganap ko ang blog na ito.

Life has been both a storm and a sunrise for me. I have danced in the rain of hardships, and I have stood in awe at the calm after. At kahit may darating pang mga pagsubok, I will keep walking, keep loving, and keep being thankful.

Happy Birthday to me. Not because everything is perfect, but because my heart — though wounded — still beats. And as long as it beats,

I will live.

I will love.

And I will write. 

At muli kagaya ng mga nakaraang blog post ko sa tuwing sasapit ang aking kaarawan. Ako'y galak at minarapat na ipangalandakan lahat ng pangalan ng mga bumati sa akin:

- Matet Navarro

- Mercy Valtiendas

- Sir Joseph Verdida

- Reggie Bhoy

- Kuya Jay Corral

- Inay Gerlan

- Teacher Gina Garcia

- Gino Paulo Bautista

- Tita Merly, Tita Bek

- Rica and Renzo

- Joy Sarmiento

- Janice Santos

- Marriott Lim

- Richa Chiu

- Criselda

- Leslie from Threads

- Isay Mallari

- Crispino Ebrado

- TL Carlo Calantuan

- Teacher Abegail M. Quino

- Di Villaruz

- Myra Fernandez

- Lucy Dopolis

Kaunti man ang nakaalala sa atin ngayong taon, may mga bumati naman sa akin na mas mabangis pa sa mga crush ko, lol

Ang hirap pumayag niyan ni Catriona eh kaya medyo naka smid siya diyan, lol

Si Ivanna nakasalubong ko lang sa kanto, ayan libreng fansign greeting.

Tapos may Bella Padilla ka pa, haayst!

And then may Blythe ka pa. San ka pa? lol

Pero eto talaga sa idol kong moto vlogger na inikot ang buong Pilipinas. Please follow her vlogs at @lucydopolis in Youtube.

Linggo, Agosto 17, 2025

Life is a Piece of Cake

'A little lovin' and some fruit to bake, life is a piece of cake.

Bago natin umpisahan ang kuwento nais ko lang muli pasalamatan ang mga bumibisita at patuloy na sumusuporta sa aking munting tahanan ng katatawanan at kalokohan dito sa blog na ito. Pero ngayong hapong ito ay medyo sisimulan natin na seryoso ang usapan. 

Ang katotohanan hindi ko alam kung hanggang kailan mawawala ang site na ito. Ngunit kung sakali man na mawala ito, inyo pa din namang matutunghayan ang aking mga kwento sa ubasnamaycyanide.blogspot.com at https://ubasnamaycyanide.wixsite.com/mysite

Tinatamad? Baka. Walang bagong maihaing kwento? Siguro. Pero kung kwento lang din naman, sa palagay ko, ang araw-araw na nangyayari sa aking buhay ay sapat na para maging kwento ko sa inyo pero mas mainam nang pinili kong maging pribado at maging abala sa paggawa ng ilang bagay na sa aking palagay ay hindi naman interesante para sa mga mambabasa.

LIFE. 4 letters in english at limang letra sa Tagalog. Napakasimple. mabilis lang at ika nga pansamantala lamang. Pero kung iisipin mo, totoo naman, sa katunayan, ikaw na nagbabasa nito ngayon ay hindi rin magtatagal sabihin nating pagkalipas ng dalawang daang taon. Lahat tayo pagkatapos ng taon na iyon ay hindi na muling maaalala at tuluyang na tayong makakalimutan. Maliban na lang siguro kung magiging bayani ka o santo o kaya'y nakagawa ng pambihirang kapakipakinabang na bagay para sa tao.

LIFE is temporary. Parang Simeco lang. Mabilis lang. Pero sa saglit na yun bakit natin kailangang dumaan sa di mabilang na pagsubok. Sa buhay kailangan nating paghirapan ang mga bagay-bagay. Bakit kailanganng karanasan? Bakit kailangang maging mahalaga, at pagkatapos nun ay mamamatay ka rin naman. Bakit kailangang gumawa ng masama o kabutihan kung sa dulo kamatayan din ang kahuli-hulihang yugto ng buhay natin. Bakit nga ba?

Mahirap na masarap daw ang mabuhay. Pero kung titignan mo ang sirkulo, simple lang naman yun. Ipapanganak ka. Mabubuhay ka sa pag-aalaga ng mga magulang mo. Gatas ang unang likidong papasok sa katawan. Ngangawa, luluha, maglulupasay kapag hindi mo nakuha ang gustong laruan o gustong junk foods na ipinagbabawal sayo. Maglalaro ka. Kakain. Kakain ng marami. Dodoble ang hilig mo sa kanin hanggang sa matutunan mong mag extra thrice na rice. Magpapalaki. Dadaan ka sa stage na wala ka pang silbi. Mag-aaral ng dalawang taon sa Kinder at Prep. Ngangawa hangga't wala ka pang sundo. Mag-aaral ka ulet ng pitong taon. Lalabas ang mild na kagaguhan. Mag-aaral ng apat na taon sa High School. Lalabas ang pinakatatagong mong katarantaduhan. Magkakacrush. Mananapak ng kaklase. Matitikman ang unang halik. Magaaral ka na naman ng apat na taon depende sa kukunin mong kurso sa Kolehiyo. Mabibigyan ka ng singko ng propesor mo. Iibig muli. Matutunan mong makipagrelasyon. Gagraduate. Magtatrabaho. Magaasawa. Magkakaanak. Tatanda. MAMAMATAY.

So anong point ko? Bakit nga ba natin kailangang mag-struggle? Bakit kailangan o hindi kailangang gawin ang mga bagay-bagay? Bakit lahat na lang kailangang may dahilan? Eh bakit ko nga ba tinatanong ito, eh lahat din naman tayo ay mamatay sa takdang oras.

Kung minsan iniisip ko, baka masyado ko lang pine-personal ang “buhay.” Para bang akala ko lahat ng desisyon ko ay may mabigat na epekto sa buong sangkatauhan. Pero ang totoo, sa grand scheme of things, wala naman talagang pakialam ang mundo kung anong ulam ang kakainin ko bukas o kung ilang beses akong magpapalit ng bedsheet ngayong taon (aminin mo, may mga taon na wala).

Ang masaklap, lagi nating hinahanapan ng “meaning” ang lahat ng nangyayari. Kung nadapa ka sa kalsada—sasabihin mo agad, “Baka may aral ito sa buhay ko.” Pero sa totoo lang, minsan nadapa ka lang kasi hindi mo tinignan ang dinaanan mo. Walang mas malalim na dahilan. Hindi lahat ng bagay ay kailangang gawing inspirational quote sa Facebook.

At eto pa, habang tumatagal napapansin ko na mas nagiging komplikado ang buhay. Noong bata tayo, simple lang: gatas, laruan, at cartoons. Ngayon? Kape, bills, at cholesterol. Noon, ang problema lang ay kung makukuha mo ba yung laruan sa Jollibee kiddie meal, ngayon ang problema ay kung paano mo babayaran ang kuryente na parang laging naka-level na “Super Saiyan” ang metro.

Eraserheads - Fruitcake

Pero kahit ganun, siguro ito rin ang kagandahan ng buhay—yung kahit alam mong may ending, tuloy-tuloy ka pa rin. Para kang nanonood ng pelikula na alam mong malapit na ang credits pero nananatili ka pa ring nakaupo, kasi gusto mong malaman kung paano matatapos ang eksena. May twist ba? May plot hole ba? O baka naman biglang may sequel?

Kung tutuusin, ang buhay parang cake nga talaga. Minsan matamis, minsan mapait. Minsan nauubos agad kasi ang daming nakikihati. Minsan naman masarap i-enjoy ng dahan-dahan, slice by slice. Pero sa huli, ubos pa rin. Kaya siguro habang meron pang natitirang piraso, mas mainam na tikman at namnamin.

Kaya siguro ito rin ang punto ko—na kahit alam nating may katapusan, baka ang tunay na sikreto ng buhay ay hindi yung malaman kung bakit lahat may dahilan, kundi yung matutong tumawa, magpahinga, at kumain ng cake kasama ng mga taong mahalaga sa atin. Dahil sa dulo, hindi naman yung dami ng taon ang mabibilang, kundi kung gaano kasarap at kakulay ang mga naging alaala.

At kung darating man ang araw na wala na ako, gusto kong maalala na hindi ako natakot mabuhay at hindi rin ako natakot mamatay. Gusto ko rin malaman niyo na patas akong nakipaglaban sa buhay. Wala tayong tinarantado, wala tayong tinapakan o inabuso. Ang tanging kinatatakutan ko lang ay yung maiwan ang mga taong mahal ko—ang pamilya, ang kaibigan, at ang mga alagang aso’t pusa na umaasa sa akin. Kasi sa totoo lang, hindi naman ang kamatayan ang pinakamabigat, kundi yung iniwan mong puwang sa puso ng iba.

Buhay tayo para magmahal, para masaktan, para matuto, para bumangon, para bumagsak ulit at bumangon na naman. Parang cycle lang siya, pero sa bawat ikot, may bagong leksyon, may bagong sugat, at may bagong ngiti. At doon, nagiging totoo ang buhay—hindi dahil perfect siya, kundi dahil sa lahat ng imperfection niya.

Kaya kung meron man akong maiiwan na mensahe sa mga mambabasa ng munting espasyo kong ito: huwag kayong matakot mabuhay, kahit alam ninyong lahat tayo’y mamamatay. Dahil ang tunay na halaga ng buhay ay hindi nakikita sa haba ng ating panahon sa mundo, kundi sa lalim ng ating pinili—kung paano tayo nagmahal, kung paano tayo nagpasaya, kung paano natin pinahalagahan ang buhay ng mga hayop, silang mga walang boses, at kung paano natin niyakap ang bawat piraso ng cake na dumating sa ating mesa.

At kung ang buhay ko man ay isang “Piece of Cake,” sana sa huli, masabi ko ring “It was sweet enough.”

Huwebes, Agosto 14, 2025

Noong Wala Pang Internet

 

These are the very best years!

INTERACTION. Yan ang pinakanamimiss ko sa blog na ito. Kilala rin itong blog noon about getting interaction from my viewers, where I can post a blog about a certain topic, and I would ask a question, and they will answer it and interact with me. Mga topic kagaya ng maka Milo ka ba or Ovaltine noong dekada nobenta?, meron din tungkol sa peklat kung saan parte ng katawan nila sila may peklat, where they send photos and they will tell how they got those peklat, and it redeems their memories from their childhood past or a certain accident na nangyari sa kanila. Those kinds of interactions were really fun, and I always share them in our blog posts.

Yesterday, I received more connections with an app called Threads. I asked on a post, "Noong wala pang internet, as a kid or as a teenager ano ang kadalasang ginagawa mo as past time mo bukod sa manood ng TV at makinig sa radyo?" I shared my answer, and everyone came in and communicated with my post. Then I got an idea to create a blog post regarding my Thread topic, so ano nga ba ang kadalasang ginagawa natin or mga activities natin noong wala pang Internet? Tara pag-usapan natin. 

Noong wala pang Internet, sabihin natin na medyo boring pa nga dahil wala ka masyado magawa unless meron kang mga hobbies o di kaya ay ikaw yung type na laging may sinusubaybayang palabas sa TV kagaya ng mga Mexican telenovelas na di-nub sa Tagalog like "Marimar", "Maria Mercedes", "Rosalinda", "Maria del Barrio", at marami pang iba. Ito talaga ang favorite pastime noon ng mga Pilipino ang manood ng TV. Ang mga kabataan naman ay tutok sa cartoons sa hapon kagaya ng Ghost Fighter, Mojacko, Slam Dunk, Flame of Recca at marami pang iba. These are days kung saan lahat ay nag-uusap pa sa kanilang mga pinapanood. Nagtatanungan din kung anong nangyari sa ganitong episode at minsan nga nadadala pa sa eskuwelahan ang kuwentuhan. Before the Internet there were more communications and interactions with people. Nariyan din ang communications through writing kasi wala pang chat noon ang gamit natin para makipag usap kapag malayo ay sa pamamagitan ng sulat na ipinapadala natin sa Koreo or mail in english. Sa mga gusto naman kiligin ay naglalaan sila ng effort makipagsulatan kay crush sa pamamagitan naman ng love letters na kadalasan nating isinusulat sa mababangong stationaries. 

When I was a kid, ang hobby ko noon para mawala ang buryong ay magbasa ng komiks, kumanta gamit ang songhits, magdrowing sa likod ng notebook, at mamatay ng langaw sa likod bahay. 

Every Friday ang published ng Funny Komiks, isa ito sa mga inaabangan kong mababasa dahil sa exciting ng mga kwento at napapatawa ako nito. Komiks rin naman talaga ang naging libangan ng mga Pinoy noong hindi pa nauuuso ang Internet. Nariyan din ang mga tabloid naman para sa ating mga nanay at tatay, lolo at lola. Sa madaling salita hilig ng lahat ang magbasa. Unti-unting nawala yan pagdating ng Internet era kung saan kapag may nakitang balita sa screen ng monitor ang binabasa na lang ay yung pinaka headline at hindi ang buong kwento ng ibinabalita. Ang mga kabataan, nagkatamaran na rin magbasa at hindi na rin binabasa ang laman ng kanilang mga homework at basta maipasa na lang sa teacher ng hindi nila chinicheck kung tama  nga ba ang na-research nila para sa kanilang assignment. Marami talagang kaibahan noong wala pang Internet sa kasalukuyan. 

Marami rin naging gitarero noon at mabenta rin ang gitara. Mga panahong pinagsisikapan at pinag-aaralan ang chords ng More Than Words ng Xtreme sa Jingle Songhits. I became a singer instantly kapag may nabili akong songhits, ngayon hindi na ko bumabase sa huni lang kapag hindi ko alam ang lyrics. Nasasabi ko na ang tamang salita at hindi na bungi ang kanta. Isa rin kami sa manonood ng MTV at isang paraan din ito para mabawasan ang pagkaboring naman sa hapon. Abang-abang lang kung may music video na yung paborito namaing kanta and we are so delighted when we found out na meron palang music video ito. 

Magdrowing sa notebook. Check! Triny niyo rin pag-praktisan na gumawa ng mukha ng lalake mula sa lettering na "boy", at mukha naman ng babae sa lettering na "girl". Klasik na klasik yan. Pero bukod diyan minsan magugulat ka na lang na may drowing ang notebook na tite. Mga damuho talaga ang mga classmate natin noon kapag napagtripan ka kaya huwag na huwag mong iiwan ang notebook mo kung ayaw mong madrowingan ng kanilang greatest masterpiece na "yagbols". Minsan makikita mo din diyan ang FLAMES. Ito yung kung may lihim kang pagtingin sa kaklase mong babae ay isusulat mo ang buong lettering ng pangalan mo at pangalan niya at lahat ng magkakaparehong letra ay lalagyan mo ng ekis. Itototal ang lahat ng ekis at bibilang sa letra ng FLAMES, angbawat letra ay may kahulugan, F for Friends, L for Love, A for Angry, M for Marriages, E for Engage at S for Sweetheart. Kapag sobra sa anim ang kabuuan ng letra ay babalik ka sa F. Lahat ng lumalandi noon ay paniguradong dumaan sa larong yan. 

Ito pinakaweird, alas siyete ako nagigising ng umaga. Pupungas pungas pa at magkakape. Pagkatapos magkape ay pupunta na ako ng likod bahay, dala ko ang fly swatter at nangmamassacre ng langaw doon. Walang ligtas sa akin ang mga langaw at bangaw na naglalanding sa semento siguradong pisat. Yan po ang pinakaweird kong past time bago mag-almusal noong uhugin pa ako. Lol!

The Grays - The Very Best Years

Noong wala pang internet, lalo na noong 80s at 90s, ang mundo ng kabataan ay ibang-iba sa nakasanayan natin ngayon. Walang Facebook, walang YouTube, walang TikTok — at kahit cellphone, bihira pa. Pero kahit wala ang mga ito, hindi ibig sabihin na wala kaming magawa o boring ang buhay namin noon. Sa totoo lang, mas marami pa ngang nangyayari sa labas ng bahay kaysa sa loob, at halos lahat ng alaala ay may kasamang pawis, alikabok, at halakhak.

Karaniwan, pagkatapos ng klase o tuwing Sabado’t Linggo, tumatakbo na kami palabas ng bahay para makipaglaro. Paborito namin ang patintero, tumbang preso, taguan, Chinese garter, luksong tinik, at syempre, teks at holen. Ang kalsada ay nagiging playground, at lahat ng kapitbahay ay parang magkakapatid. Minsan, nagdadala kami ng bisikleta para magkarerahan, o kaya gumagawa ng “improvised” na laruan mula sa lata, goma, at kung anu-ano pang mapulot. Walang joystick, pero may tsinelas na nagsisilbing pamato.At siyempre hindi rin mawawala ang magpalipad ng Saranggola. Klasik yan sa mga batang lumaki ng dekada nobenta. 

Sa loob naman ng bahay, kapag hindi nanonood ng TV o nakikinig sa radyo, abala kami sa pagbabasa ng komiks at pocketbooks, o kaya ay gumuguhit at gumagawa ng scrapbooks mula sa lumang magasin. May iba rin na nahihilig sa pagtulong sa kusina, lalo na kapag may okasyon, dahil masaya ang handaan at may libreng pagkain. May mga kabataang natututo maggitara, magpiano, o magluto, dahil wala pang “instant tutorial” mula sa internet — kailangan mong matuto sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsasanay.

Boring ba noon? Hindi. Sa katunayan, mas marami ang oras para makipag-usap nang harapan, maglaro nang pisikal, at matuto ng praktikal na kasanayan. Walang cellphone na nakadikit sa kamay, kaya mas ramdam mo ang presensya ng mga tao sa paligid. Hindi ka rin nabababad sa screen kaya mas sanay kang gumamit ng imahinasyon at maging malikhain. Walang kaiinggitan sa social media kapag may  mga little wins sila sa buhay, walang galit na nabubuo kapag hindi ka sang-ayon sa opinyon ng iba, at higit sa lahat walang nagpapakalat ng maling balita o fake news kasi ang lahat ay nakasentro lamang sa balita sa radyo at TV. Yan ang kagandahan noong wala pang Internet.

Ang pinakamalaking advantage ng panahong walang internet ay ang tunay na koneksyon sa kapwa. Ang mga kwentuhan ay mas totoo, ang mga laro ay mas nakakapagod sa katawan pero mas nakakapuno sa puso, at ang alaala ay hindi nakaimbak sa Cloud — naka-ukit ito sa isipan at damdamin. Noon, hindi mo kailangan ng Wi-Fi para maging masaya. Ang kailangan mo lang ay simpleng oras, kaibigan, at kaunting imahinasyon para gawing makulay ang bawat araw.

Narito naman ang ating mga nalikom na interaction mula sa Threads kung ano ang kanilang favorite pastime noong hindi pa nila nagagamit ang Internet. Nakakatuwa ang sagot ng karamihan at nakakarelate din ako sa kanilang mga activities noon:


Miyerkules, Agosto 13, 2025

Tinapay Republic

 

The Philippine bakery is not just a store; it’s a part of who we are, serving both our stomachs and our sense of home.

Have you ever heard of a roaming pandesal? Yup, they still exist, and it's not something nostalgic pero ang pag-uusapan natin ngayon ay Filipino bakery at anu-anong klaseng tinapay ang natatandaan mo simula pa noong dekada nobenta na naididisplay pa rin hanggang ngayon sa mga panaderya. 

“‘Napaaaaaay! Pupup-pupup!”

‘Yan ang klasik na tunog ng roaming panadero sa amin noon sa San Andres Bukid, Manila noong dekada nobenta, sa umaga sabay-sabay na magdadatingan yung mga hinihintay mo na gusto mong kainin at inumin. Tanda ko pa noon kapag dumaan na si mamang pandesal ay susunod na yung owner type jeep naman na naglalako ng Magnolia Chocolait in a bottle o di kaya milk flavor and orange flavor. Walang sasarap pa sa mga fresh na almusal ko noon isang malamig na Magnolia chocolait, mainit na pandesal at may palaman na Reno odi kaya ay keso. Yum!!

Doon sa roaming bisekleta na naglalako hindi lang pandesal ang nasa lalagyan niyan na balde meron din sari-saring tinapay sa kabilang sisidlan. Madaming klase ng tinapay na talaga namang salamin ng ating pagkabata.  Siyempre kilala natin lahat ang “tasty bread”.  Lagyan mo ng Chiz Whiz o kaya mantikilya na may asukal eh swak na swak naman talaga!  Kung walang ibang palaman, bumutas ng lata ng Carnation Kondensada!  Ting!

Pangalawa sa listahan ko ay ang Pan de Coco.  Para sa akin, ito ang pinaka-da best sa kapartner ng Coke.  Masarap na tinapay na may buko-lisciousness sa gitna!  San ka pa?!  Nahihirapan ako tigilan ito kapag ito ang meryenda.  Titigil lang ako kapag dumating na si Manong Pisbol o kapag tinawag na’ko ni Bokyo (kalaro ko noon na anak ni Aling Fe) para manguha ng aratelis.

Next na gusto kong tinapay ay ang Bella’s o ang Pan de Regla.  Kung hindi niyo alam ‘to, ito ay ang tinapay na may pula sa gitna.  Hindi ko alam kung saan gawa yung pulang yun.  Basta “pula” ang tawag sa part na yun.  “Ang sarap ng pula”, parang itlog lang no?  Anyway, nang lumaon ay meron na ding tinapay na purple ang gitna.  Pan de ube?  Haay hindi ko alam ang tawag dito pero mas gusto ko pa din ang pulang version.  Kumbaga sa suka ay mas gusto  ko ang Datu Puti kesa sa Silver Swan, ang Bambini Cologne kesa Nenuco Cologne, o ang Beer na Beer kesa sa Gold Eagle.

Meron din naman na kulay orange ang gitna pero ito medyo gelatinous ang texture. Manamis namis at masarap din ito. Nagegets niyo ba yung tinapay na yan? 

Msarap pa din ang Spanish Bread. Mawawala ba naman ito sa bakery ng Pilipinas. Isa ata ito sa pinakamatandang tinapay na nilalako pa rin hanggang ngayon sa mga panaderya.  Masarap din ito sa Coke pero mas swak na swak ito sa Fanta Root Beer ngunit ‘wag sa lemon lime dahil Pritos Ring ang bagay dito.

In almost every kanto sa Pilipinas, makikita mo ang maliit na panaderya na amoy pa lang ay kayang magpabalik ng alaala—ang halimuyak ng bagong lutong tinapay na parang yakap ng umaga. Filipino bakeries are more than just a place to buy bread; they are part of our everyday life, a cultural landmark in every barangay. Noong dekada nobenta meron kami talagang tinatawag na suking bakery. Matagal na panahon di namin silang naging suki sa pandesal at mga tinapay. Noong umalis kami sa San Andres ay naroon pa rin sila at talaga nga naman espesyal din sa akin ang bakery na ito dahil kinalakihan ko rin ang pagbili-bili dito. Bago pumasok sa school dito kami bumibili ng Magnolia Chocolait, Zesto, Fun Chum at kung anu-ano pang inumin kapag recess. Siyempre hindi mawawala ang tinapay na paborito ko kaso hindi ko alam ang tawag dun, ilalarawan ko na lang. Ito yung tinapay na kulay brown sa top coating niya na maraming asukal ang gitna niya ay mantikilya anfg ilalim ng coating ay same lang din ng top coating. Pero kapag naparami ka nito ay mahihirinan ka kaya dapat laging nakahanda ang Big 250 mo na inumin o kaya ang Hi-C Orange. 

Ang tinapay ang paborito nating lahat meryendahin. Maliban siguro sa kanin eh tinapay na ang susunod na hilig  kainin ng mga Noypi. Sabi ng anatin kanina isa sa listahan ng mga Pinoy ay ang tasty. Ang kadalasang ayaw na parte dito eh yung magkabilang dulo o tinatawag rin na balat. Pero may mangilan-ngilan rin na paborito ito kaya solb na solb sila dahil wala silang kaagaw sa parte ng tasty bread na ito.

Alex Corner - Pandesal

Ang ginagawa ng aking Mahal na Ina dati eh pagtapos lagyan ng mantikilya at asukal ang tasty, ilalagay niya pa sa toaster para medyo lumutong at talaga namang mas masarap. Parang lasa na siyang Biscocho. Syempre isama mo na sa pinapalaman ang peanut butter. Ang dabest sa’kin ay ang Lily’s Peanut Butter. Walang sinabi dito ang Skippy kahit chunky version pa. Pagbukas mo ng Lily’s eh may mantika pa sa ibabaw at hahaluin mo yun hanggang maghalo na talaga sila ng peanut butter. Tapos kapag naubos na eh napapakinabangan pa namin ang lalagyan dahil ginagawa namin itong baso. Sulit talaga ang Lily’s! Hindi lang peanut butter extra baso pa. Sa palengke namin nabibili yan. 

Inside these bakeries, narito ang iba’t ibang tinapay na paborito ng mga Pilipino: pandesal, monay, ensaymada, pan de coco, Spanish bread, pan de regla (na tinatawag ding kalihim), kababayan, hopia, pan de lemon, cheese bread, putok, pianono, at mamon. Each bread has its own texture and flavor, and for many Filipinos, these breads are part of their daily routine. Sa hapon, tuwing alas-tres o alas-kuwatro, merienda time na—paboritong oras ng mga Pilipino para magpahinga at mag-kape o tsokolate habang may kasamang tinapay. Pandesal is a classic choice, sometimes paired with palaman tulad ng peanut butter, palaman na keso, Lucky Me Pancit Canton, o kahit sardinas kapag gipit. Kapag may bisita naman sa bahay, kadalasan ay naghahain tayo ng espesyal na tinapay tulad ng ensaymada o mamon bilang tanda ng paggalang at hospitality nating mga Pilipino. 

Bago ko pala makaligtaan eh wala nang mas kaklasik pa sa tinapay na pandesal. Kahit walang palaman ‘to masarap pa rin. Sabayan mo lang ng mainit na kape eh solb na solb talaga. Wala na sigurong mas sasarap pa sa ganyang almusal o meryenda. Nagiging second choice lang ang tasty bread kapag may pandesal. Ito ang boss ng mga tinapay.

Sandamakmak ang panaderya sa Pilipinas.  Iba’t-ibang klase ng tinapay ang makikita rito.  Minsan pa nga e baka naaabutan pa natin ang mga panaderong nagsasaksak ng mga tray ng tinapay sa salaming display.  Pupungas-pungas pa tayong oorder kay manong ng…

Pandesal.  Ang pambansang tinapay ng Pilipinas.  Masarap kahit walang palaman.  At lalong masarap kapag mainit.  Da best kapag isinasawsaw ito sa mainit na kape (Blend 45 o kaya Great Taste na paborito ng lolo ko).  Wala nang mumog-mumog.  ‘Pag gising ko sa umaga e kuha agad ng pandesal at sawsaw-kain.

Putok.  Eto ang isa sa mga masarap na tinapay talaga.  Hindi ako nabubusog agad dito kaya halukay lang ako nang halukay sa supot kapag ito ang binili e.  Parang compact ang mga particles nito kaya ang sarap nguyain e!  Pasok pa talaga ang pangalan.  Putoohhk. Pero i handa rin ang panulak kasi nakakahirin din ang tinapay na ito.

Donut.  Mas masarap ang donut sa panaderya kesa sa mga nabibili sa mall.  Simpleng pabilog lang na nilagyan ng asukal pero hindi ko maintindihan kung bakit ganun siya kasarap.  Naisip ko pa talaga dati, big-time ang mga panaderyang may tindang donut e. May chocolate donut na rin ngayon sa panaderya wag ka tapos may iba't-ibang kulay na sugar springkles kaya mas kaaya-aya sa mga bata tignan. Sa latest update, meron na rin strawberry flavor donut ngayon. 

Sa mga kalsada, makikita rin ang mga naglalako ng tinapay sakay ng bisikleta o motorsiklo—yung may kahon sa likod na puno ng mainit-init pang pandesal at iba pang tinapay, at may maliit na kampana o busina para ipaalam na sila’y dumating na. This bread-on-wheels culture brings fresh bakery products directly to people’s homes, especially in small communities where bakeries may be far away. More than just food, tinapay in the Philippines is a symbol of sharing, hospitality, and comfort—something that connects generations, whether it’s the pandesal for breakfast, monay for merienda, or the Spanish bread na binili pa sa suking panadero sa kanto. The Philippine bakery is not just a store; it’s a part of who we are, serving both our stomachs and our sense of home.

Kayo anong paboritong tinapay niyo?

Martes, Agosto 12, 2025

Nostalgic Hour: The 3 O'Clock Habit Prayer

 

Yung mga oras na dapat tulog ka na kapag 3 O' clock prayer na kundi palo ka sa pwet ng tsinelas or kung anong weapon of choice ni nanay

Heto ang oras nung kabataan ko na hinding hindi ko siguro makakalimutan kahit kailan.  Araw-araw, sa ginawa ng Diyos (tungkol sayo ‘tong blog na ‘to Papa Jesus), pagsapit ng alas tres ay maririnig ko ‘tong palabas na ‘to sa telebisyon namin.  Sino ang nanonood?  Sino pa ba kundi yung mga nagpapatulog sayo kanina pang ala-una pero ikaw pasilip-silip kalang sa TV at kapag natyempuhan kang nakasilip ka pa malamang malutong na hampas sa pwet ng Spartan na tsinelas.Ang mga pinsan mo, ang nanay mo at mga tita ko, sila lang ang may karapatan na gising sa mga ganitong oras. Basta pagpatak ng ala-una ang pinaka huling extension mo na gising ka ay ang Bulagaan segment bago matapos ang Eat Bulaga.  

 Babangon ako kunyari sa banig pagkagaling sa peke kong tulog (kamot mata, kunwari’y pupungas-pungas), tapos ayun, maririnig ko na ang sikat na sikat na “3 OKLAK HABIT”:

(Ma-dramang background music)

“You died, Jesus, but the source of life flowed out for souls,

And the ocean of mercy opened up for the whole world…

O fountain of life…”  Hindi ko na itutuloy ito dahil sa mga nakaranas nito ay sigurado akong kabisado n’yo pa din hanggang ngayon ang dasal na ‘to.

Napakatagal na ang nakalipas at may kanya-kanya na tayong trabaho o di kaya ang iba sa inyo ay nakapag-asawa na at may anak na, syempre hindi ko na alam kung pinapalabas pa ‘to tuwing alas tres sa channel 2.  Pero tuwing alas tres nang hapon, hindi ko pa din matanggal sa isip ko ang itsura ni Papa Jesus na parang nag-iipon ng lakas para mag-haduken.

Pagkatapos ninyong basahin ‘tong blog na ‘to ay sabay sabay nating isigaw ang…

"Jesus, King of Mercy, We Trust in You!"

Magandang senyales ang alas-3 ng hapon dahil isang oras nalang at pwede na akong lumabas.  Papayagan na ko ng mga elders na magtatakbo sa kalsada namin. Bumili ng makakain sa tindahan ni Aling Meding worth of 5 pesos.  Hirap talaga akong makatulog sa hapon e.  Araw-araw ko nalang naririnig ang aking paboritong linya…

"Holy God, Holy Mighty One, Holy Immortal One, have mercy on us and the whole world" (repeat 3 times).

3 O'clock Prayer/3 O' clock Habit 
Gaganahan na ulit akong magpanggap na tulog.

Akala ko talaga noong bata ako, yung picture na yun si Papa Jesus na may hawak na walis.  Masipag pala siya kasi naglilinis siya ng bahay nila.  Hindi ko talaga ma-gets kung ano talaga ‘yung gumagalaw-galaw na hawak niya.

Pero sabi ng mga pinsan ko powers daw yun ni Jesus na nagmumula sa puso niya. Yan yung parang mga rays na pula at puti sa kaliwa at kanan..  Parang gumagalaw-galaw pa ‘yung power niya na ‘yun eh.  Tapos sa huli ipapakita ‘yung address ng headquarters ng samahan nila.

Sa channel 9 na may orasan sa gilid ko unang nakita ang 3 O’clock Prayer (let us pray), pagkatapos na pagkatapos ng Annaluna (played by Margarita Fuentes).  Sa saliw ng nostalgic na background music, nirerecite ng mahiwagang boses (hindi ba si Kuya Cesar ‘yun?) ang bawat linya ng dasal na ito.  Mas recent na nga ‘yung version na may padugtong kay Blessed Sister Faustina eh.

Do an act of mercy.  Save lives.  Save souls.  Help build the Divine Mercy Charity Hospital and Information Center (naitayo nga ba ‘to?)

When I was sick, did you comfort me?

Words of our Lord to Blessed Sister Faustina:

“Souls who spread the honor of My mercy,

I shielded them through their entire lives as a tender mother, her infant.

And at the hour of death,

I will not be a Judge for them

But the Merciful Savior.”

Back in the 90s, the “3 o’clock habit” on Philippine TV was more than just a broadcast—it was a signal that the entire country would collectively pause, bow their heads, and recite the prayer to the Divine Mercy. Some kids obediently clasped their hands and prayed, but many others—especially those who were supposed to be taking their afternoon nap—treated it as a signal to sneak a peek at the TV while their parents were busy. Our parents, however, were firm believers in the sacred post-lunch “siesta,” a tradition rooted in the belief that resting in the afternoon restores energy, aids digestion, promotes growth, and keeps children healthy. If they caught you awake during the time you were supposed to be sleeping, you could expect anything from a gentle reminder to close your eyes to a stern command to lie back down—sometimes even with the TV unplugged for good measure. 

Ang yabang ko pa dati, dinasal ko ‘to nung recess namin para ipagmalaking kabisado ko ang buong dasal, napagalitan tuloy ako ng titser.  Ten o’clock pa lang kasi nun. Iba pala ang dasal kapag recess. Kabisado niyo pa rin ba?

"Bless us, O Lord, and these Thy gifts, which we are about to receive from Thy bounty, through Christ our Lord. Amen."

Klasik din yan men!

 The 3 o’clock habit became an unintentional “curfew” for outdoor play. Beyond its religious purpose, the 3 o’clock habit served as a cultural reset button, momentarily silencing noisy neighborhoods and uniting households in a shared moment of stillness. For many, it now brings a wave of nostalgia—recalling the scent of freshly cooked merienda wafting from the kitchen, the hum of electric fans on hot afternoons, and the soft lull that hung in the air as the entire country collectively slowed down. It was a unique blend of faith, discipline, and Filipino family life that 90s kids will forever remember, whether they truly prayed, pretended to be asleep, or were just waiting for their favorite show to resume.

Ang pinakamasaya sa 3 o’clock habit eh pagkatapos niyan ilang minuto na lang meryenda na!  Bibili na ang nanay ko ng mga tinapay sa bakery at Coke.  Syempre ang mga bibilhin niyang tinapay eh pandekoko (maraming may gusto nito pero ayoko neto eh), spanish bread (palaging binibiro ang pangalan ng ispanis bread, panis na raw), cheese bread (tinapay lang na may kapiranggot na keso sa loob, tinipid talaga eh) at ang panderegla (pinakapasok na tawag sa tinapay sa history ng Pinas, parang napkin daw na may regla sa gitna, kadiri pero maraming may paborito niyan kasama ng mga pinsan ko. 

Pagkatapos magmeryenda, syempre it’s “playtime”!  Ilabas na ang mga laruan, ang mga tau-tauhan at tatching na! Pumili ng pinakamaangas na pato! Laro na sa kalye hanggang alas-sais! 

Lunes, Agosto 11, 2025

Palakanton ka ba ng Dekada Nobenta?

1991, when Lucky Me! Pancit Canton was introduced by Monde in the Philippines.

Kapag beerday natin ay madalas na nating marinig sa ating mga tropa  ang “Happy birthday! Pa-kanton ka naman!”. Parte na kasi ng kulturang Pinoy ang pansit sa tuwing may mga okasyon tulad ng kaarawan. Sinisimbulo raw kasi nito ang “long life” kaya dapat tayong maghanda nito sa ating special day. Kung hindi man pansit ay puwede rin namang spaghetti o kahit na anong putaheng noodles ang pangunahing sangkap.

Bago pa man sumikat ang mga noodles na walang sabaw sa hapagkainan ay namulat kami sa mga instant noodles na may mainit na sabaw. Patok yan sa aming mga kabataan ng 90s lalo na kapag tag-ulan. Masarap kaya humigop ng mainit na sabaw na ipinapartner natin sa ating ulam na hotdog at siyempre, ang kanin. Lalo na may searching game pa kayo ng mga letters ng pangalan niyo. Noon kasi ang Royco noodles soup ay may hugis na mga letra or English alphabet gawa ang noodles nito kaya kaming mga bata ay naaaliw na kinakain namin ang letra at minsan nakakabuo pa nga kami ng aming mga pangalan sa noodles. Pero ang king of noodles noon sa Pilipinas ay ang Nissin's Ramen, dalawa lang ang flavor niyan, ang blue na pack at ang red na pack. Ang blue pack ay beef flavor at ang red ay chicken flavor. Gusto namin ang luto namin sa noodles ay half cook lang, kapag overcooked na kasi masyado nang malata ang noodles at madali na ito madurog. Sabay sasabayan namin yan ng boiled egg sa noodles o di kaya ay ihahalo namin ang egg yolk at egg whites sa kumukulong noodles para humalo ang lasa ng itlog. That was super classic. Meron pang isa, ito:

 ðŸŽµHere’s a Chinese soup for you

Some Chinese soup

But there is nothing like

Knorr Real Chinese Soup

Knorr is one of a kind

Best Chinese soup you can find

Knorr is easy to cook

Just add one egg! (crack, gong!)

Thick and chunky and rich

Knorr Real Chinese Soup

There is nothing like

Knorr Real Chinese Soup!

Goodah!🎵

Tanda niyo pa ba yung tono ng kanta ng patalastas ng Knorr Real Chinese Soup? Lagi ko to nakikita sa patalastas ng RPN 9 eh. Isa din sa pinakamasarap na soup noong dekada nobenta. Just add one egg! (gong)

Lumipas ang mga panahon may bagong noodles ang naglabasan at ito na nga ang year ng Lucky Me ang kanilang produkto at instant pancit canton. Tara at pag-usapan natin ito.

Sa Pilipinas, ang pancit ay hindi lamang basta pagkain kundi isang mahalagang bahagi ng kultura at tradisyon. Sa tuwing may kaarawan, Pasko, Bagong Taon, o kahit simpleng salu-salo, halos palaging may pansit sa hapag-kainan dahil ito ay simbolo ng mahaba at masaganang buhay. Bago pa sumikat ang Lucky Me! Pancit Canton, ang mga Pilipino ay sanay sa mga lutong bahay na pansit tulad ng pancit bihon na manipis na rice noodles na ginisa sa gulay at karne, pancit Malabon na may makapal na noodles at seafood sauce, pancit lomi na may mainit na sabaw, at homemade pancit canton na niluluto mula sa tuyong egg noodles. Noon, ang mga instant noodles sa merkado ay kadalasan ay mga soup gaya ng Lucky Me! Instant Mami, Quick Chow, at Payless Mami, at wala pang mabilis na “dry noodles” na gaya ng nakasanayan natin ngayon.

Noong 1991, ipinakilala ng Monde Nissin ang Lucky Me! Pancit Canton bilang kauna-unahang instant dry stir-fry noodles sa bansa. Sumikat ito noong dekada ’90 hanggang 2000s dahil sa mga patalastas na madaling tandaan at sa bilis nitong lutuin. Naging paborito ito ng mga estudyante bilang murang baon, ng mga manggagawa bilang mabilis na meryenda, at ng mga pamilya bilang “emergency food” na laging nakaimbak sa kusina. Para sa mga Pilipino, ang pansit ay higit pa sa pagkain—ito ay sumisimbolo sa mahabang buhay, kasaganaan, at pagbabahagi, at ang Lucky Me! Pancit Canton ay nagsilbing tulay sa pagitan ng tradisyong ito at ng modernong pamumuhay.

Tandang-tanda ko pa noong una kong napanood sa Lunch Date ang tamang pagluluto nito. Si Toni Rose Gayda pa ang kasama ng kinatawan ng Monde sa cooking demo. Sa loob ng tatlong minuto ay mayroon ka nang pancit canton! Namangha talaga kami ng kapatid ko nang makita namin ang cooking show na iyon. Naintriga kami sa nakita kaya nagpabili kami kay ermats noong sumunod na pagpunta sa Uniwide Sales sa Tambo upang mag-grocery. And we lived happily ever after.

Kalaunan kasama na ito sa budget, hindi puwedeng mawala ito sa estante ng mga groceries namin. Kaya kapag nakakatanggap kami ng padalang pera ni tatay from abroad ay nagogrocery kami at nag iistock kami ng maraming Lucky Me Pancit Canton. Madali lang itong lutuin kaya kapag umaga hindi na kami namomoblema sa gusto namin almusalin tapos ay ipapalaman namin ang pancit canton sa sa mainit at malutong na pandesal sa bakery at siyempre ang kape.

Charice Pempengco in an old Lucky Me commercial

Masarap ang Lucky Me! Pancit Canton sa simpleng pagluluto, ngunit maaari pa itong gawing espesyal sa pamamagitan ng pagdagdag ng protina gaya ng itlog, manok, hipon, o pusit; gulay gaya ng repolyo, carrots, bell pepper, at kabute; at pampalasa tulad ng calamansi, sesame oil, o chili flakes. May mga nag-eeksperimento pa ng kombinasyon ng iba’t ibang flavor packs upang makuha ang tamang timpla ng tamis, alat, at anghang. Bukod pa rito, kakaiba rin ang Filipino food habit na sabayan ang pancit canton ng kanin, na nagiging double-carb meal at minsan ay sinasabayan pa ng tasty o pandesal—isang bagay na bihira sa ibang bansa ngunit karaniwan sa atin dahil sa malalim na kaugalian ng pagkain ng kanin sa bawat meal.

Noong mga huling bahagi ng 90s, sikat na sikat ang TV commercials nito, lalo na ang jingle na madaling tandaan. By the early 2000s, it became a staple in baon, midnight snacks, and merienda. Students loved it dahil mabilis lutuin at mura, workers enjoyed it for quick breaks, and families stocked it up for emergency meals.

Paano Gawing Mas Pasarapin ang Lucky Me! Pancit Canton

Lucky Me! Pancit Canton is good on its own, pero pwede mo itong gawing restaurant level sa bahay. Here are some ideas:

1. Protein Power

  • Sunny-side up egg or scrambled egg
  • Sliced boiled egg
  • Grilled chicken strips or leftover fried chicken
  • Shrimp or squid rings

2. Veggie Boost

  • Sautéed cabbage, carrots, and bell peppers
  • Chopped green onions
  • Mushrooms

3. Flavor Twist

  • Squeeze of calamansi or lemon
  • A dash of sesame oil for an Asian kick
  • Chili flakes or fresh siling labuyo for spice

4. Ultimate Combo

  • Cook 2 packs—one Original and one Chilimaní—then mix for a sweet-spicy balance.
Pero kahit na masarap ang Lucky Me! Pancit Canton ay may hatid pa rin itong disadvantage sa ating kalusugan, but always remember moderation in eating this is the key. Here are some dangers of eating this often.

1. Mataas sa Sodium

Isang pakete ng pancit canton ay may mataas na sodium content, na kapag nasobrahan ay pwedeng magdulot ng high blood pressure at kidney strain.

2. Preservatives and Additives
Instant noodles contain preservatives to prolong shelf life, at kahit approved ito ng food safety authorities, sobra-sobra pa rin kung araw-araw kakainin.

3. Low Nutritional Value
Hindi sapat ang vitamins at minerals nito para maging balanced meal. Kadalasan, kulang ito sa fiber at fresh nutrients.

4. High in Saturated Fat
Dahil fried ang noodles bago i-pack, may mataas itong oil content, which can contribute to cholesterol build-up when eaten excessively.

Tip: Kung gusto mo pa rin kumain pero mas healthy, lagyan ng gulay, lean protein, at bawasan ang paggamit ng buong sauce/oil packet.

Hindi lang Lucky Me! Pancit Canton ang naglabasan sa merkado ang bawat kumpanya na related sa noodles ay naglabas na rin ng kanya-kanyang version ng Pancit Canton. Nariyan ang Yakisoba Stir Fried Noodles na ubod din ng sarap, Quick Chow Pancit Canton, Ho-Mi Pancit Canton, Payless Xtra Big Pancit Canton, Pancit ni Mang Juan ng Jack n Jill products. Ang mga hindi ko na makita sa merkado ay yung Pista Pancit Canton, Saucy Me na naging favorite ko rin dahil sa malapot at masarsa ang kanilang brand, ang Purefoods Pancit Canton. Hindi ko lang alam kung meron pang Pancit Shanghai na gawa rin ng Payless. 

Sa kabuuan, ang Lucky Me! Pancit Canton ay hindi lamang instant noodles kundi bahagi na ng modernong kulturang Pinoy. Isa itong comfort food na nag-uugnay sa tradisyon at kasalukuyan—mula sa mga birthday handaan hanggang sa midnight snack ng mga call center agents. Ngunit tulad ng lahat ng bagay, pinakamainam pa rin itong kainin nang may moderation, dagdagan ng masustansyang sangkap, at samahan ng masayang kwentuhan sa hapag.

Kaya ano pang hihintay niyo? Kantunan na!!

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...