![]() |
Yung mga oras na dapat tulog ka na kapag 3 O' clock prayer na kundi palo ka sa pwet ng tsinelas or kung anong weapon of choice ni nanay |
Heto ang oras nung kabataan ko na hinding hindi ko siguro makakalimutan kahit kailan. Araw-araw, sa ginawa ng Diyos (tungkol sayo ‘tong blog na ‘to Papa Jesus), pagsapit ng alas tres ay maririnig ko ‘tong palabas na ‘to sa telebisyon namin. Sino ang nanonood? Sino pa ba kundi yung mga nagpapatulog sayo kanina pang ala-una pero ikaw pasilip-silip kalang sa TV at kapag natyempuhan kang nakasilip ka pa malamang malutong na hampas sa pwet ng Spartan na tsinelas.Ang mga pinsan mo, ang nanay mo at mga tita ko, sila lang ang may karapatan na gising sa mga ganitong oras. Basta pagpatak ng ala-una ang pinaka huling extension mo na gising ka ay ang Bulagaan segment bago matapos ang Eat Bulaga.
Babangon ako kunyari sa banig pagkagaling sa peke kong tulog (kamot mata, kunwari’y pupungas-pungas), tapos ayun, maririnig ko na ang sikat na sikat na “3 OKLAK HABIT”:
(Ma-dramang background music)
“You died, Jesus, but the source of life flowed out for souls,
And the ocean of mercy opened up for the whole world…
O fountain of life…” Hindi ko na itutuloy ito dahil sa mga nakaranas nito ay sigurado akong kabisado n’yo pa din hanggang ngayon ang dasal na ‘to.
Napakatagal na ang nakalipas at may kanya-kanya na tayong trabaho o di kaya ang iba sa inyo ay nakapag-asawa na at may anak na, syempre hindi ko na alam kung pinapalabas pa ‘to tuwing alas tres sa channel 2. Pero tuwing alas tres nang hapon, hindi ko pa din matanggal sa isip ko ang itsura ni Papa Jesus na parang nag-iipon ng lakas para mag-haduken.
Pagkatapos ninyong basahin ‘tong blog na ‘to ay sabay sabay nating isigaw ang…
"Jesus, King of Mercy, We Trust in You!"
Magandang senyales ang alas-3 ng hapon dahil isang oras nalang at pwede na akong lumabas. Papayagan na ko ng mga elders na magtatakbo sa kalsada namin. Bumili ng makakain sa tindahan ni Aling Meding worth of 5 pesos. Hirap talaga akong makatulog sa hapon e. Araw-araw ko nalang naririnig ang aking paboritong linya…
"Holy God, Holy Mighty One, Holy Immortal One, have mercy on us and the whole world" (repeat 3 times).
Akala ko talaga noong bata ako, yung picture na yun si Papa Jesus na may hawak na walis. Masipag pala siya kasi naglilinis siya ng bahay nila. Hindi ko talaga ma-gets kung ano talaga ‘yung gumagalaw-galaw na hawak niya.
Pero sabi ng mga pinsan ko powers daw yun ni Jesus na nagmumula sa puso niya. Yan yung parang mga rays na pula at puti sa kaliwa at kanan.. Parang gumagalaw-galaw pa ‘yung power niya na ‘yun eh. Tapos sa huli ipapakita ‘yung address ng headquarters ng samahan nila.
Sa channel 9 na may orasan sa gilid ko unang nakita ang 3 O’clock Prayer (let us pray), pagkatapos na pagkatapos ng Annaluna (played by Margarita Fuentes). Sa saliw ng nostalgic na background music, nirerecite ng mahiwagang boses (hindi ba si Kuya Cesar ‘yun?) ang bawat linya ng dasal na ito. Mas recent na nga ‘yung version na may padugtong kay Blessed Sister Faustina eh.
Do an act of mercy. Save lives. Save souls. Help build the Divine Mercy Charity Hospital and Information Center (naitayo nga ba ‘to?)
…
When I was sick, did you comfort me?
…
Words of our Lord to Blessed Sister Faustina:
“Souls who spread the honor of My mercy,
I shielded them through their entire lives as a tender mother, her infant.
And at the hour of death,
I will not be a Judge for them
But the Merciful Savior.”
…
Back in the 90s, the “3 o’clock habit” on Philippine TV was more than just a broadcast—it was a signal that the entire country would collectively pause, bow their heads, and recite the prayer to the Divine Mercy. Some kids obediently clasped their hands and prayed, but many others—especially those who were supposed to be taking their afternoon nap—treated it as a signal to sneak a peek at the TV while their parents were busy. Our parents, however, were firm believers in the sacred post-lunch “siesta,” a tradition rooted in the belief that resting in the afternoon restores energy, aids digestion, promotes growth, and keeps children healthy. If they caught you awake during the time you were supposed to be sleeping, you could expect anything from a gentle reminder to close your eyes to a stern command to lie back down—sometimes even with the TV unplugged for good measure.
Ang yabang ko pa dati, dinasal ko ‘to nung recess namin para ipagmalaking kabisado ko ang buong dasal, napagalitan tuloy ako ng titser. Ten o’clock pa lang kasi nun. Iba pala ang dasal kapag recess. Kabisado niyo pa rin ba?
"Bless us, O Lord, and these Thy gifts, which we are about to receive from Thy bounty, through Christ our Lord. Amen."
Klasik din yan men!
The 3 o’clock habit became an unintentional “curfew” for outdoor play. Beyond its religious purpose, the 3 o’clock habit served as a cultural reset button, momentarily silencing noisy neighborhoods and uniting households in a shared moment of stillness. For many, it now brings a wave of nostalgia—recalling the scent of freshly cooked merienda wafting from the kitchen, the hum of electric fans on hot afternoons, and the soft lull that hung in the air as the entire country collectively slowed down. It was a unique blend of faith, discipline, and Filipino family life that 90s kids will forever remember, whether they truly prayed, pretended to be asleep, or were just waiting for their favorite show to resume.
Ang pinakamasaya sa 3 o’clock habit eh pagkatapos niyan ilang minuto na lang meryenda na! Bibili na ang nanay ko ng mga tinapay sa bakery at Coke. Syempre ang mga bibilhin niyang tinapay eh pandekoko (maraming may gusto nito pero ayoko neto eh), spanish bread (palaging binibiro ang pangalan ng ispanis bread, panis na raw), cheese bread (tinapay lang na may kapiranggot na keso sa loob, tinipid talaga eh) at ang panderegla (pinakapasok na tawag sa tinapay sa history ng Pinas, parang napkin daw na may regla sa gitna, kadiri pero maraming may paborito niyan kasama ng mga pinsan ko.
Pagkatapos magmeryenda, syempre it’s “playtime”! Ilabas na ang mga laruan, ang mga tau-tauhan at tatching na! Pumili ng pinakamaangas na pato! Laro na sa kalye hanggang alas-sais!
relate much!
TumugonBurahin