Linggo, Abril 27, 2014
Miyerkules, Abril 23, 2014
The Selfie Invasion
Martes, Abril 22, 2014
Pinoy Ang Bahay Mo Kung.......
"Kung meron kayong McGyver poster sa kwarto dahil idolo mo siya noong '80s at '90s" |
Simple lang ang katanungan, hindi ka Pinoy kung hindi ka makakasagot. Nagsurvey tayo sa ilan para sa kasagutan at ang iba ay galing sa inyong abang lingkod. So paano nga ba malalaman kung Pilipino ang may-ari ng isang haybol...
1. May imahe ng Last Supper.
2. May malalaking wooden kutsara at tinidor na nakasabit somewhere else sa kusina.
3. May picture frame sa salas na mga asong nagsusugal o kaya nagbibilyar.
4. May plastic cover yung remote control tapos pag matagalan punit na dahil nag-aagawan ang buong pamilya sa kalilipat mapa basketball, cartoons o kya mga dramaserye.
5. Kapag may mga nakasabit na medal at diploma.
6. May wooden picture frame kayong magkakapatid ng graduation pic simula Kinder hanggang High School.
7. Butas ang bubong nyo.
8. May gulong ng sasakyan sa bubongan.
9. Kung ang basahan nyo ay lumang brief or panty.
10. May mga lumang barya na nakabaon sa sahig ng pintuan.
11. May doormat na gawa sa recycled goma.
12. Kapag may poster kayo ni McGyver na nakadikit sa likod ng pinto ng kwarto.
13. Kapag Pasko at may nangangaroling patay lahat ng ilaw para kunyari tulog na at hindi na puntahan.
14. Kapag may mga trophy na nka display.
15. Kung may tabo at balde sa banyo.
16. Kung meron kayong banig at kulambo sa pagtulog.
17. Kung may lutuan at gamit ay uling.
18. Kapag may kalendaryong give away na nakasabit sa bahay nyo.
19. Kapag may poster ng mga Japanese pornstar (note: wala pa si Maria Ozawa noon)
20. Kapag nakasabit ang sirang wall clock.
21. Kapag may plastic na bulaklak sa salas.
22. Kapag may kalendaryong teka na may apelyido ng pamilya na nakatahi.
23. Kapag sa labas ng bahay may mga bulaklak ng Gumamela.
24. Ginagawang patuyuan ng skul uniform ang repredyereytor.
25. May wooden picture frame ni Jesus na umiilaw sa likod.
26. May kape at asukal sa lamesa.
27. May mga natuyong palaspas na nakasabit sa pinto.
28. Kung meron kayong "Welcome" na basahan.
29. Kung meron kayong Good Morning towel na nakasabit sa pinto ng repridyereytor.
30. Kung minsan ang laman lang ng ref ay tubig.
31. Kung merong ice candy sa ref lalo na kapag Summer.
32. Kung ang kanin mo ay tutong.
33. Kung baso o tasa ang pantakal ng bigas.
34. Kung maraming sapot ng gagamba sa likod bahay.
35. Kapag may upos ng katol na nagkalat sa sahig.
36. Kapag malamok.
37. Kapag ang sapatos ay nakalagay sa mga baitang ng hagdanan o ilalim ng hagdanan.
38. Kung may plantsang de uling.
39. Kung may mini sampayan sa loob ng bahay kapag tag-ulan.
40. Kapag may poster ka ng mga Koreanong chekwa.
41. Kung puno ng tsinelas sa labas ng pinto.
42. Kapag may bahid ng mga kulangot sa pader.
43. Kapag may mga naka stock na canned goods at bubuksan lamang kapag espesyal ang bisita.
44. Kung tuyo at sinangag at umagahan sa lamesa.
45. Kung nasa probinsiya at maraming manok sa palikuran ng bahay.
46. Kung merong crucifix sa pintuan.
47. Kung meron kayong poso.
48. Kung kumakaen ka sa hapagkainan nyo na nakakamay.
49. Pinoy ang bahay kung dun din nakatira ang lolo, lola, tito, tita at kalahati ng buong angkan nyo.
50. May aso.
51. May pusa.
52. May Love birds.
53. May aquarium.
54. May tirang ulam palagi sa mesa.
55. Kung ang graduation picture ng mga anak ay nakawood laminate at nakasabit sa bawat baitang ng hagdan.
56. Sofa na nakabalot pa rin sa plastik.
57. May mga butiki sa pader.
58. Kapag basta na lang may maglalabasang ipis.
59. May malaking gagamba sa banyo.
60. May picture frame sa ibabaw ng TV.
61. Kapag may pitsel at may yelo sa ref.
62. Kapag nakahanda ang pamaypay lalo na kapag brownout.
63. Kapag ginagawang display ang lalagyan ng Pringles, Piknik, at Lays cans.
64. Kapag may bagua sa taas ng pinto, pangontra sa kidlat.
65. May lumang poster ni Marvin at Jolina.
66. Nakatago ang magagandang baso at plato at ilalabas lang kapag may okasyon.
67. Kapag may grad pic, family pic, baby pic.
68. May natutulog sa sala.
69. May halamanan gaano man kaliit ang bahay.
70. May mga stickers sa ref.
71. Kung sa ref nakasabit ang mga bills ng kuryente at tubig.
72. Kapag maraming sampaguita na nakasabit sa mga Poon.
73. May kotseng owner sa garahe lalo na kapag Kabitenyo.
74. May mga bote ng datu puti, suka, toyo at patis.
75. Kapag may ketchup sa hapag kainan.
76. Pinoy ang bahay kapag may lenoleum ang sahig.
77. Kapagisang taon di pinapalitan ang mga kurtina.
78. Kapag ang higaan ay yari sa kawayan.
79. Kapag may folding bed.
80. Kapag may nakapark na bisekleta sa garahe.
81. Inaalayan ng barya ang mga Poon.
82. Kapag may Gel sa banyo.
83. Kapag maraming stock ng dyaryo.
84. Kapag may collection ka ng pocketbooks.
85. Kapag hindi pwede ipasok ang tsinelas at sapatos.
86. Kapag may tumba-tumba na upuan.
87. Kapag may bunot sa salas.
88. Kapag stock na sa AM frequency ang radyo.
89. Kapag may nakaiwan ng pustiso sa banyo.
90. Kapag may mga bagay na yari sa pagkakarsunsilyo.
91. Kapag abot hanggang Pebrero ang Christmas decorations mo.
92. Kapag may doorbell na hindi gumagana.
93. Kapag yari pa sa capiz ang bintana.
94. Kapag may walis at pandakot sa garahe.
95. Kapag nakatambak ang basura sa garahe habang hinihintay ang trak ng basura.
96. Kapag nilalagyan ng alkohol ang mainit na tubig na pampaligo.
97. Kapag magkahiwalay ang lalagyang ng de kolor at puting damit pag naglalaba.
98. Kapag may TV set complete with karaoke, videoke at component.
99. Kapag may gitara sa bahay.
100. Kapag may malamig na extra rice na pwedeng ipang-meryenda.
Day 8. QUESADILLAS (keɪsəˈdiːjə)
'Magpasalamat ka kay Dora at Rey Mysterio' 100 Hungry Days! |
"Por pabor Pepito Muchacho dela Gracia! Andale andale ariba! Oo sa tagalog andaleng aribahin ng ating pang otso días hambrientos food trip! We are filled with Mexican love in our 8th day with Quesadilla mi amor."
"Pasalamat tayo sa mga forefathers ni Dora at Rey sa Central and Southern Mehiko dahil sila ang orihinal na nakatuklas ng food trip na ito. Ang tawag sa tortilla ay cooked corn or 'masa' sa lengguwahe nila. Pinainitan para maging malambot at para mafold ng kalahati and then filled with cooked vegetables, katulad ng patatas na may chorizo, kabute (mushrooms) iba't-ibang type ng cooked meat such as chicken, beef or pork."
"Sa ibang lugar nilalamnan ito ng ibang ingredients, in addition sa mga nasabing fillings kanina pwede rin itong lagyan ng avocado or guacamole, dinurog na sibuyas, kamatis at silantro. Kanya-kanyang trip kung ano ang nasa loob pero hinding hindi mawawala ang queso! Pampa cheesy kasi ang keso kahit sa anong bagay."
"So get ready to turn Mexican in every bite of your Quesadilla."
PS: "Mamborat" by RadioActive Sago Project ang tugutgan habang sinusulat ko 2 malakas maka pang Mehikano. (:
Day 7. FRIED SIOPAO/SIOPAO (sio-pau)
"Kapag binato ka ng bato batuhin mo ng Fried Siopao." |
"Kasalanan na naman ito ng mga tsekwa kung bakit may siopao sa mundong ginagalawan mo, almost half of the foods ata ng kinakaen ng Pinoy ay galing at namana natin sa mga tsekwa pero wag nmn sana pati fetus. Biro lang! Siopao is a Hokkien term for baozi na ang literal na ibig sabihin ay "steamed buns". Kinalangkap din ito sa isang Thai cuisine kung saan ang tawag naman nila doon ay "salapao."
"Rektahan ito kung kainin, you don't need to have utensils or a bread knife pra mag slice slice at tinidorin mo bago mo kainin. Hindi ito bulalo na sinusutsot ito'y nginangasab ninanamnam dahil sa filling nito sa loob.There two main flavors of siopao anjan ang 'asado' at 'bola-bola' (which may use pork,chicken, beef, shrimp or salted duck eggs). Kahit ano pwede mo i-stuff sa loob basta kaaya-aya pa rin sa panlasa."
"So ano naman ung Fried Siopao? kung ang common na siopao may pagka albino ang usual color naman ng fried siopao ay brownish kasi nga fried eh diba? Pag may galet ang nagluluto malamang blackish at yun yung oras na pwede mo ibato ito sa kanya pabalik. Dayo ka lang sa mga kalye ng Binondo, Chinatown o Sta.Cruz makakatikim ka na ng pinaka malinamnam na fried siopao. Ganun lang din naman ang siste mejo pinaka crispy lang ng kaunti. Pero there is a special ingredient known as 'kuchay' it's for you to find out how does it taste. A fried siopao is more like a modern Kariman yung tig bebente singko pesos na mabibili mo sa Mini-stop. Alas-kwatro! Teka Meryenda na pala.............................. #100HungryDays
Day 6. DOUGHNUTS (ˈdōˌnət)
Sweets for my sweet sugar for my honey!♫ ♪ I'll never ever let you go. ♪♫ 100HungryDays
"Raised yeast donut filled with raspberry jelly topped with chocolate frosting and a pretzel stake, with maple frosting and bacon on top, oozing with bavarian cream. Free your hunger with vanilla frosting, captain crunch filled with fruit loops on top! Indulged with chocolate frosting and coco puffs with luscious cream top with a circled candy bar with all the colors of the rainbow."
Whew! that's a long diabetic description!
Kalimutan muna natin ang bitterness ng mundo and take a heavenly bite on the sixth day of our pagod-gutom days. Ang DOUGHNUT BAY! Ito ay ang maliit na fried keyk (monay na sosyal) na pinatamis na galing sa tapay o masa ng harina (dough) na hinugis sa korteng bilog, ball or ring. At pinasarap ng kung anong mga anik-anik na sangkap na pampatamis katulad na lamang ng mga iba't ibang flavor ng frosting, nuts, marshmallows, sweet springkles, bacons, caramels at kung anu-ano pa.
Konting kaalaman: Ang butas sa gitna ng doughnut ay iniuugnay kay Capt. Hanson Gregory, a Dutch sailor whose mother made him some doughnuts for a voyage. On the night of June 22,1847 Captain Gregory’s ship hit a sudden storm. He impaled the doughnut on one of the spokes on the steering wheel to keep his hands free. The spoke drove a hole through the raw center of the doughnut. Captain Gregory liked the doughnuts better that way, minus the raw center. Bongga! and that's the HOLE story! #100HungryDays
Sabado, Abril 19, 2014
Via Crucis at Balik-Tanaw sa Nakaraan sa San Andres Bukid, Singalong, Manila
San Andres Bukid, Singalong, Manila / San Antonio de Padua Catholic School |
Going back to the roots of Childhood.
SULIT at HASSLE yan ang masasabi
ko sa biyahe kanina, hassle kasi nang-iingit ang ilang nakapasok sa trabaho sa araw
na ito, Good Friday doble ang bayad sa mga pumasok. Ang sabi nga ng isang
kasama, pogi sana kaso sabi niya ‘Yes dalawang araw ang holy day.” Oo holy day
nga naman maaring fair lang siya at ginawan niya ng double meaning, holy naman
talaga ang araw na ito, at di rin naman na maikakaila na holiday din ngayon. Two
songs playing under one note diba? Magulo. Oo magulo parang siya. Sakto lang,
talagang natyempuhan lang sa akin na rest day kaya walang magagawa, kahit gusto
mong pumasok. Pero hindi ko rin naman
masasabi na Bad Friday walang ganon kelangan positibo ka pa rin. Sulit naman
ang nagamit kong term dahil nakapag Visita Iglesia ka na nakagala ka pa sa
lugar kung saan dun ka lumaki at hinubog ng tama ng mga magulang mo at panahon.
Gamit ang alarm-clock nag set-up
ng alas-kwatro ng madaling-araw sa saliw ng kantahang Pedicab “Dito tayo sa
dilim” as my alarm tune, nagising at piñatay ang alarm, pumikit ulet at sinabi
sa sarili “extend pa 5 mins.”
Bumaba, nagmuni-muni, nagkape
yung puro, yung walang gatas para gising na gising. Nakinig muna ng radio baka
kasi may mga welga sa daan, prusisyon o di kaya’y may bangaan para makaiwas sa
Trapik Armageddon kung sakaling meron. Ok walang problema everything is clear
and everything is smooth along the way. Namalantsa habang nilipat sa FM
modulation ang radyo, anak ng pitumput pitong pating na tiger shark!! akala ko
na-invade na ng Korea ang Pilipinas sa mga tugtugan sa radyo. Tatlong station
panay Koreanong hilaw ang maririnig mo. Anong nangyari sa sariling himpapawid
patugtugan ng sarili kong bayan? Sa saliw lang ng tono masaya na sila? Kahit pa
hindi naiintindihan ang mga liriko sa kanta at meron pang caller na sumasabay.
Wala, iba na ang tama mas matindi pa sa lakas ng tama ng pulang kabayong
sumisipa. Sabi nga ng dakilang philosopher na si Ramon Bautista, “you are
indeed a lonely ugly teenage girl” kung magpapaka alipin ka sa mga ganitong
klaseng tugtugan o di kaya’y mga teleserye sa telebisyon. Di na bale ibabalik
ko na lang ulet sa AM station.
Kumaen lang ng tatlong pandesal
na palaman ay mantikilya sabay takbo sa banyo at naligo. Fast forward syempre
hindi ko na ikwekwento kung anong ginawa ko sa banyo. Pare-parehas lang naman
ang procedure pag naliligo ang tao depende na lang kung alien ka. Nagbihis suot
ang pulang t-shirt na nakasulat ang “Jesus Christ” (wow holy day talaga) na ang
font ay logo ng coke, pantalon at NBA rubber shoes na CP3 oo yung Clutch
Pandongon 3 na bansag ng tropang bullyador. Pero OK lang maganda naman ang
sapatos. Dala ang knapsack, sunglasses at kamera I’m ready to go. Nagpaalam na
sa aking Super Nanay at sa mga alagang kuting at dalawang asong mataba.
Here we go, unang lapag
Redemptorist. Hindi ko inakalang sobrang linis na, malapad na ang karsada at
maaliwalas sa paningin. Noon kasi halos hindi mo na makita ang semento ng daan
dahil panay nagkukumpulang vendors ng alahas, damit, ukay-ukay, sinturon,
sando, panty, brief, CD, DVD, laruan, kumot, banig pagkain ang naroon. Sabayan
mo pa na mga tao na naglalakad papunta sa Baclaran LRT at jeepneys. Hanggang
matunton ang Rotonda, lakad pakaliwa sa tindi ng init ng araw kahit maaga pa
lang sobra ng nakakapaso ang init. Naglakad hanggang EDSA station kung saan
doon na lang puwedeng makasakay ng mga jeep na papuntang pusod ng Maynila.
Nag-antay ng jeep sa tapat ng Mahal Kita inn, tahimik sa labas mukang diet din
muna sila sa karne. Hanggang sa makasakay, nagulat ng lumiko pakanan ang jeep
yun pala ay hindi na puwedeng dumiretso patawid sa EDSA station kailangang
umikot ang jeep pa U-turn ng pagkahaba-haba sa Magallanes station ng MRT. Doon
pa lang parusa na dahil maraming nakahambalang na bus at jeep sa daraanan.
Akala ko talaga makakarating na ko ng SM North sa pagkahaba ng U-turn. Tagaktak
ang pawis at uhaw pero doon lang medjo trapik dahil may ginagawang daan nabasa
ko “Kasunod ng abala, ay dadaloy din ang ginhawa.” Punyeta! Maynilad na naman
ang may sala.
Nakalampas ang jeep ng Libertad,
Gil Puyat at Vito Cruz isang istasyon na lang Quirino na hometown ko na. But
all of those stations are very special to me syempre sa pag-ikot ng buhay ko
araw-araw pagpasok nung highschool sila ang nadadaanan ko. Ito na nakalampas na
ng St.Benilde, konti nalang kabog na ang dibdib, di maipaliwanag sa
nararamdaman na excitement, dahil sa loob ng labing-limang taon ngayon lang ako
makakabalik pagkatapos makagraduate ng High School wala ng balikan. Hindi ko na
alam ang itsura, kung ano ang mga bakas ng pagbabago, nagtatanong sa sarili
nandito pa rin ba yung ganon? Yung ganyan? Nandun pa rin ba ang tambayan ng
tropa? Naroon pa rin ba ang komiks stand na umuubos ako ng isang oras bago
umuwi ng bahay makapagbasa lang? Ang eskuwelahan may nabago ba? Excited rin
dahil baka makita ang mga dating guro o may maligaw na kaklase nung highschool
at elementary along the streets and school.
Pumara. Simula na ng journey
dahil konting lakad lang ng ilang kilometro malapit na ang dating eskuwelahan
at simbahan. Balewala ang init dahil di ko mapigilan ang tuwa kahit pa may
nakita akong poster ng F4 sa sidecar ni kuya OK lang. Tahimik ang paligid,
walang gaanong byahe maliban na lang sa mga taong nagpapalamig sa labas ng
bahay, sa mga silong. Nandun pa rin ung malaking Condominium na halos katabi na
ng LRT station sa Quirino, lalong tumayog at maganda pa rin. Nagsimula ang
pagbaybay sa dating panaderyahan ang Laquis bakery kung saan masasarap at mura
ang mga tinapay. Dito huminto saglet at bumili ng maiinum dahil sobrang tuyo na
ang lalamunan dahil sa init. Walang nagbago sa pagkakaayos ng eskaparate na
lalagyan ng mga tinapay, ang ref dun pa rin nakapwesto andun pa rin yung mga
mahahabang upuan para sa gustong magalmusal at magmeryenda ng tinapay. Ang
nagbago lang ay wala na yung mga kakilala kong panadero at panadera. OK tuloy
ang lakad!
Tumigil panandali sa isang
kalsada na dating tirahan ng isang kaklase, hindi na ako nagtanong kung naroon
siya dahil ang alam ko lumipat na sila ng dating tirahan.
Konting lakad pa natatanaw ko na
ang simbahan at eskuwelahan na magkatabi lang dahil ang dating eskuwela ay
isang Catholic school kung saan pag-aari ng mga pari ang eskuwelahan. Ngunit
bago tumuloy sa bandang kaliwa napansin kong wala na ang Manels mart ang dating
grocery store ng San Andres Bukid. Napalitan na lang ng kung anu anong Food
stalls. Sa bandang kanan naman at
katapat ng Manels ay yung 7-11 convenient store na napakamemorable sa
pagkakafriendzone ko nung hayskul. Maraming di nakakaalam na kaklase pero hindi
ko na ikwekwento. Eh di sana ngayon Jack and Rose forever. Pero wala raw
forever kaya di bale na lang. At dahil alas-onse na rin at malapit na ang
tanghalian nag SEX muna ko na katapat lang ng 7-11. Oo SEX pare masarap,
malinamnam, masabaw pero tanggalin mo yang namumuong berde sa utak mo bawal ang
karne ngayon. SEX means Sinangag Express kumaen muna ng paboritong DaingSilog
at binigyan ng masabaw na sabaw. Isa sa hotspot ng Tropang Physics at Betchut boiz noong hayskul lalo na
pag uwian. It’s SEX time lugaw ang labanan minsan with egg, ung iba goto with
egg at ung iba tokwa ang tinitira. Pasarapan sa pagtimpla ng tamang anghang at
asim. Sino ba naman ang di maglulugaw noon na sais pesos lang ang plain at
sampung piso pag may itlog at lamang baboy. The best na food trip, araw-araw
ginagawa sa uwian lalo na pag tag-ulan.
Pagtawid lang naroon na ang
eskuwelahan at simbahan, katulad ng sinabi ko di maipaliwanag ang tuwa na
nararamdaman dahil hindi talaga biro ang labinglimang taong mawalay ka sa lugar
na kinalakihan mo. Pagpasok sa gate ng simbahan winelcome agad ako ng dalawang
anghel na istatwa na hawak ang holy water. Nilubog ang daliri at nagsign of the
cross at pumasok na sa loob ng simbahan. Naupo at nagmasid muna bago ko simulan
ang panalangin. Andun pa rin yung malaking crucifix sa harapan ng altar na
nakabalot na ng kulay purple. Ang altar at tabernakulo na walang pinagbago ang
mga naglalakihang santo sa gilid at ang imahe ni San Antonio de Padua.
Pagkatapos magmasid ay nagdasal at nanalangin. Inilabas ko na ang dala kong
English version na way of the cross pamphlet at nagsimula na sa First Station.
Bukas ang mga pinto sa gilid at tanaw ko mula doon ang building ng eskuwelahan
may mga nabago pero mamaya na ko magmamasid. Hanggang sa natapos ko na hanggang
Fourteenth station at muling lumuhod at nanalangin.
Lumabas ako sa pintuan sa gilid
ng simbahan at tuluyan nang magmasid sa dating campus, nadagdagan na ng
building, tinanaw ko yung 4rth floor ang huling room nung highschool, St. Ignatius
ang notorious section makukulet, wild at walang pakealam sa oras, happy go
lucky pero meron din naman matitino katulad ko. Hahaha! Meron na ring entablado
sa harapan ng building, maluwang pa rin ang Quadrangle kung saan ang laruan ng
tropa sa habulan sa larong block 1-2-3 (Touchdown edition) siraan ng uniporme
kapag nahablot at nahuli. Yung canteen nandun pa rin, naaalala ko tuloy yung
corned beef na may sabaw, hotdog, maling na kinse pesos lang as a student meal.
Ang basketball court sa Quadrangle kung saan naka 8 points in a row ako sa
fastbreak (konting ihip lng po ng hangin) nung Intramurals. Naalala ko din si
crush na 3rd year High School na nabangga ko siya dahil sa takbuhan
at nadapa siya pero tinayo ko siya naka extra holding hands ako nun sabay
Sorry, nagkatinginan kame mga 7 seconds, tumigil pansamantala ang mundo naming
habang nakahawak pa rin ako sa palad niya. Namalayan ko na lang na tumahimik
ang buong paligid at panay Uuuuyyyy!! At Ayieehhhh!! na ang narinig ko
kaliwa’t-kanan. Sabay bitaw. Isa sa pinaka matamis na memory. At nandun pa rin
yung clinic, uso nuon sa amin yung laging nahihilo kaya pasisinghutin ka ng
bulak na may ammonia . Pag di pa rin kaya patutulugin ka nlng sa clinic at yun
ang dating tactics ko pag ayaw ko ng subject lalo na kapag may reporting.
Next destination, gala na along
the streets of San Andres hanggang mapaabot sa South Super Highway hanggang dun
lang ako kasi dun lang ang boundary ng memories. Tsaka nakakatakot dun tumawid.
Paglabas ko ng simbahan konting lakad mejo nalungkot dahil wala na yung komiks
stand sa tabi ng isang sari-sari store. Hilig ko talaga ang pagbabasa, wala ang
Komiks akala ko pa naman makakabili ako ng Funny Komiks na kinalakihan ko sa
pagbabasa, ang Bata-Batuta na karibal ng Funny Komiks na kung ikukumpara sa
fast food restaurant ay parang McDonalds at Jollibee. Isa ring mabentang komiks ay yung Extra,
Divino Comedia yung iba di ko na matandaan. Kaya kung gusto nilang maibalik ang
pagbabasa ng kabataan, I suggest na ibalik ang mga Pinoy Komiks sa kasalukuyang
panahon.
Expected ko rin naman na wala na
yung Rental ng Betamax tapes, mas magugulat ako kung naroon pa yun napalitan na
siya ng tindahan. Dun naman sa bigasan store lagi akong may sinisilip na chick
pero siguro wala na siya at malamang nag-asawa na. Isa rin sa crush ko along
San Andres bukid. Wala na rin ang bilihan ng barbecue na pag-aari ng pamilya ng
classmate ko ang Ipapo’s barbecuehan. Ang Anakbayan Streets ang lugar ng
matatapang, a little Tondo town ng San Andres Bukid walang katinag-tinag. Kung aastig astig ka wag ka dadayo ng
Anakbayan baka lumabas kang may tama ka ng pana. =)))
Lakad pa malapit na dating bahay.
Sa kanto wala na ang dating pagupitan, wala na rin siguro si Mang Insiong ang
dakila kong barbero. The best ang hangout tumingin ka sa likod, sa kaliwa,
kanan panay posters ng kalendaryo ng mga nagseseksihang artista noong dekada
nobenta na luwa na ang mga boobsie. Yan ang barbero ko hardcore! Malupet mag
gupit mapa barber’s cut, kalbo, semikal, crew cut, whit side wall kabisado
nyan. Wag ka lang papagupit pag lasing baka nakainum ng Tanduay at baka madali
ng labaha ang tenga mo. Wala na rin ang mag-asawang sastre na katabi ng
barbershop kung saan ditto kame nagpapagawa ng uniporme ng eskuwelahan.
Ito na pagtawid, ang Ciriaco
Tuazon Street, ang kalsada ng dating bahay, nagtataka lang ako dahil parang
umikli ang daanan konting lakad lang tanaw na ang dating bahay. Dati hindi
ganoon. Ang Old Kastila house 2120 C. Tuazon Street, nandoon pa pero sira-sira
na nalipasan na ng panahon. May tumira
raw dati pero di nakakatiis dahil maraming nagpaparamdam na elemento sa loob.
Multo at kung anu-ano pang nakikita nila. Dati rin naman kame ay nakakaramdam
at hindi iyon makakaila. Pero ang alam ko hindi naman sila masasama. Sa harap
ng lumang bahay wala na ang malaking bahay kung saan kapitbahay namen ang mga
Barreto. Yup kung ang nasa isip mo ay ang magkakapated na Gretchen, Marjorie at
Claudine tama ka. Maliliit at musmos pa lang nga sila noon at nakakalaro pa
namen ng mga pinsanin ko. Oh dib a naging star-studded din ang buhay ko sa
maikling sandal. At ito pa ang nagtuli sa akin ay yung tatay ni Sunshine Dizon.
Artista dati ng Channel 7 doon lang din siya nakatira malapit sa amin. At
naging kasabayan ko din sa campus si Katya Santos oo yung sexy star na ngayon
sa Viva hot Babes, dating endorser lang ng Maggi Noodles ngayon siya na ang
masabaw Hahahaha! Biro lang. Lamang lang
ako ng isang taon sa kanya 4rth year ako 3rd year siya. Noong Grade
6 naman ako, 4rth year naman si Ate Jackie Forster yung asawa ni Benjie Paras.
At sabi ng mga pinsanin ko na doon din nag-aral ang mga katulad ni Hector Calma
at Yves Dignadice mga dating basketball player na naglaro sa popular na team ng
San Miguel Beer.
Kumbaga it was mix with faith and
gala ang nagyari today, kaya sinasabi kong sulit. Wala na akong mahihiling pa
dahil ito nangyari na ang kahilingan kong makabalik sa nakaraan. Hindi ako
historyador para balikan ang nakaraan ngunit para magbalik-tanaw sa masarap na
buhay ng kamusmusan kung saan wala tayong pakealam sa oras at malaya ang lahat.
Sabi nga nila make a life for a living but don’t forget to get a life and enjoy
the moment. So here it is, at pangako kong babalik at babalik sa lugar na ito.
A place that carved to my heart and one’s become a part of my life.
Biyernes, Abril 18, 2014
Day 5. FRIED EGGS
Early to rice and early to egg! Batihan at Pritohan sa pang-limang araw! 100 Hungry days.
A typical Filipino morning comes with a coffee, a hot-crunchy pandesal and a deep-fried eggs! There are different ways how we cooked it. The first is 'Sunny side-up fried egg' the process is to fried on one side (unturned), with the yolks golden and runny. And the other one is the 'Scrambled eggs', in this procedure you need to make bati-bati the egg whites and yolk just don't make gigil in BATIzation process just run in smooth and slow para naman hndi magtitilamsik sa bowl."
There are different ways to fry eggs.
'Over hard', also called 'hard' — cooked on both sides until the yolk has solidified.
'Over medium' — cooked on both sides until the yolk is fairly thick but still a liquid.
'Over easy', also called 'runny' — cooked on both sides (not clear) but yolk is still liquid. This is occasionally called 'sunny side down.' So every morning, start a day with a positive note by frying your egg perfectly accompanied by coffee aroma and mga tsismis sa umaga ng tsismosang kapit-bahay. #100HungryDays
Day 4. HOTDOGS
"Kids can tell." |
Day 3. PANGAT/PINANGAT na ISDA (pa-nga-'t)
PANGATlong araw! 100 Hungry Days!
Mainit dahil summer na? Plunge in na sa deep sea with a double purpose and catch a fish. Catch a bangus, a tilapya or sapsap, for this will be a match fish for our third gutom days recipe. Pangat hindi dahil pangatlong init na ulam. Pangat means to stew or ilaga/nilaga. Pwedeng sapsap, tilapya at bangus na ilalaga sa tubig with suka and salt and with a variety of masustansiyang gulay like kamias and kamatis. Ihanda na ang super extra rice bowl and eat like a castaway sa tabing-dagat with our 'pinangat na isda.' #100HungryDays
Sabado, Abril 12, 2014
Mga Kasinungalingang Puwedeng Sabihin sa mga Mang-mang
Pare! kwentuhan muna tayo... |
Abril a-dose Sabado ng tanghali alas-tres, walang
magawa,ang buga ng electric fan ay parang blower sa init, nasa harapan ng computer,
nag-iisip, gustong magpakabaliw dahil sa tindi init ng panahon na nararamdaman. Sabi
ko sa sarili magbo-blog ako under the influence of insanity without alcohol. Pero
mainit di makakapag-isip ng mabuti. Gusto kong umiskapo sa init, magpalamig ng
bukas ang ref? hindi pwede magsasaya ang Meralco, maligo ng paulit-ulit hindi
rin pwede magsasaya ang Maynilad. Tumambay sa bukid? Wala ng fresh na hangin,
ang tangi mo lang malalanghap sa hangin eh yung simoy ng babuyan sa harap ng
subdivision. Lalabas na lang ako mangbuburaot hahanap ng pwedeng makausap kung
saan may aircon ang bahay. Bigla kong naisip ang tropa. Tama! Sa bahay ni Indoy
dun na lang makapaglaboy. Sakto, hanap
ko lng naman pampalipas oras mapawi lang ang init tutal aircon naman bahay
nito. Nagpabili ng tsibog, tsitsiryang Oishi at Snacku at 1.5 na Coke ayos na
kwento ko na lang ang kulang. Eh sabi ko nga sa bahay gusto ko magpakabaliw,
maglalatag ako kay Indoy ng kwento, kwentong hindi niya mapupulutan ng aral,
mga kuwentong kasinungalingang puwedeng sabihin sa mga Mang-mang. Ready ka na
Indoy?
Nakatingin
lang siya sa akin at naka nga-nga, Indoy mayroon akong sasabihin sayong mga
bagay-bagay na hindi mo pa nalalaman sa buong buhay mo. Nguya, ngasab lunok
nakikinig siya at seryoso. Iisa-isahin ko sayo ang lahat ng facts na nalalaman
ko…..
1.
Ang mineral water ay vitamins!
2.
Dumadami ang Lego dahil ang lalaking lego ay
pumapatong sa babaeng lego pagsapit ng alas-dose ng madaling-araw.
3.
Jakult ang tawag sa Yakult sa Japan.
4.
Taong-grasa ang ermitanyo ng siyudad.
5.
Lahat ng buhok na ginugupit sa Barber shop ay
itinatago at yun ay ipinagbebenta sa mga nakakalbo na at napapanot.
6.
Bading lang ang nagiistraw
Indoy: ay ganun?
Ako: Yes indoy, yes!
7.
Ang tawas ay nagiging diamante pagdating ng
panahon.
8.
Noong unang panahon, Bobo lang ang nag-aaral
kaya wag ka na malungkot.
9.
Mabubulag ka kapag natulog kang di mo napatay
ang gripo o shower sa banyo.
10.
Pwedeng gamitin ang toothpick 5 times after
first used kaya ibalik mo ulet sa lalagyan.
11.
Pwede kang kasuhan kapag nag tsinelas ka sa
mall.
12.
Hindi totoo na ang tao ay galing sa unggoy. Tao
muna tapos magiging unggoy.
13.
Ang tae ng pusa ay nagpapakapal ng bigote sa mga
nagbibinata.
Indoy: totoo?
Ako: Ofcourse, may pusa ka ba?
Indoy: Oo
Ako: Oh eh di kolektahin mo
tapos lagay mo sa isang garapon parang gel ba.
Indoy: Ok yan sige!
14.
May sayad ang tawag sa baliw, para hindi mauwi
sa ganito pingutin ang tenga counter-clockwise kapag sobra na pagkabaliw
pingutin ng sobra pero hinay lang baka masobrahan at puwede ring matulog ng
nakapatiwarik.
15.
Nasa dulo ng Rainbow ang palayok na ginto,
kambal lang ang puwede makakuha. Kailangan sabay maghukay bago mawala ang Rainbow.
Hindi kailangan na mabuti ang budhi.
16.
May aswang sa paligid kapag naglalabasan ang
ipis at nagfoform na parang logo ng Olympics.
17.
Iwasan lagi ang pahina 13 sa kahit anong libro
wag basahin kahit gaano kaimportante malas ang pahina 13.
18.
Ang unang ulan ng Mayo ay nakakawala ng
tigyawat, buni, athletes foot at piliges sa mukha.
19.
Pag nadaanan ka ng pusang itim sigurado kang
mamalasin, maghanap ng pusang puti at pagsabungin. Kailangan may miron at may
tumataya. Kapag nanalo ang itim mamamatay ka. Kapag nanalo ang puti hamig mo
lahat ng itinaya.
20.
Pag nasobrahan ka sa Marijuana pwede kang
huminga sa tubig bente kwatro oras.
21.
Ang halo-halo ay pareho lang ng kanin-baboy.
22.
Pwedeng gawing tester ang tinidor kung meron
kuryente sa socket wag na mag gloves.
23.
Pag sinampal ka ng mag-asawang sampal gusto ka
niya maging asawa.
24.
Kaya tinawag na Highway dahil dito ligtas, at
walang huli tsumongki, napatunayan ito ng mga hippie, ginagawang pwestuhan ang
Highway at tsumongki sila non-stop.
25.
Ang Vetsin ay dinurog na mga buto ng matatanda
sa China.
26.
Ang Paminta naman ay dinurog na mga buto ng
isang tribo sa Aprika.
27.
Ang nakakasalubong mong ipis ay pagpapa-alala ng
iyong mga kasalanan.
28.
Nakakapagsalita ang mga pipi sa isip.
29.
Colored din ang panaginip ng mga bulag.
30.
Ang kalabaw ay dating baka, nabilad lang sila ng
husto kaya umitim ng todo.
31.
Ang uling ay ang kidney ng mga naninigarilyo,
pinatigas at pinira-piraso.
32.
Sa bawat kasalanan ng tao, may nabubuhay na
ipis.
33.
Pwede ka magwish pag nakita mo ang buwan na
square.
34.
Hindi nakamamatay tumawid, yung mga sasakyan ang
pumapatay.
35.
Kapag tinibuan ka ng buhok sa loob ng ilong ibig
sabihin nanood ka ng porno.
Pagpapatuloy na lang natin ito…….
Biyernes, Abril 11, 2014
Day 2: ADOBO / CHICKEN PORK ADOBO (əˈdōbō/) #100HungryDays
Hey Joe are you hungry? Mr. Frenchman says 'bon apetite' an Italian man says 'delicioso'. Ito na nga siguro ang isa sa maipagmamalaking dish ng Pinoy ang Adobo comes into different variations, pork or chicken or mix it up both. Although 'adobo' coined in a Spanish word that means marinade sauce or seasoning. Ito yung mag-tropang Chic-boy na inatsarahan sa suka, toyo, bawang na pina-kayumanggi sa mantika ginawang malutong at sinamahan ng paminta at patatas. OK na extra rice na langang kulang! Mga ilan kaya? Onga pala araw ng pahinga araw ng Adobo. Sinong hindi matatakam? weh diet ka? di siguro.
Day 1: KIKIAM (kik-ki-yam') #100HungryDays
Isa sa pinakamasarap na meryendang Pinoy namana natin sa mga Tsinoy. Oo! streetfood na naturingan pero OK lang masarap naman depende na lang kay Manong na naglalapot na parang sauce ng Kikiam sa pawis sa ilalim ng init ng araw. Pero ganun talaga tradisyonal na sa panlasang Pinoy. Tunay na nakakapagpagutom kaya isa ito sa listahan ng aking....#100HungryDays
100 Hungry Days
"Masarap kumaen wag ka na mag-diet." |
Ika nga 'a blog not for the diet ones' dahil ang makakabasa at makakakita ng food item or food entry for that day will leave the Gym dahil magugutom talaga kayo for sure sa mga fefeature nating pagkaing Pinoy. Sabaw, inumin, ulam, dessert, chichiria, pika-pika, gulay, isda at marami pang food trip andito lahat at isa-isa nating paguusapan. This is a No diet policy zone kaya step back na sa mga nag da DIEt. Ang sarap-sarap kaya kumaen. Let's go sago!
Sincero,
Your Hungryman Chef Jack
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)