"Uuuuyyy maarsss, tumataba ka ata ah." Mars: "PUTANG INA MO!
Summer. Napakatindi at walang awa ang init ng araw. Tagaktak na pawis, lagkit ng katawan at umaalimpuyong ang init ng buga ng electric fan. Walang takas sa delubyong binibigay ng sikat ng araw. Alas dos to the highest peak ang pag-ngiti ng haring araw sa kataas-taasan. Nakaupo sa computer. Half naked at walang suot pantaas wala naman tayong boobs kaya OK lang. Biglang nahulog ang isang ballpen, gumulong, pumasok sa ilalim ng computer stand. Biglang yumuko para abutin, ngunit nasa kalagitnaan ang ballpen. Maya-maya pa di matagalan ang pagyuko, inaabot pilit pero di kaya. Di ko pwede hayaan na nandun lang yun mamaya baka umakyat si "Koko" ang tutang mahilig ngumatngat ng kahit anong bagay. Mahirap na baka siya pa ang makakuha at maging mitsa pa ng buhay nya ang pagngatngat sa bolpen kong nahulog.Nakakaawa. Kaya't kailangang pilit abutin, pero hindi talaga kaya, hindi talaga kaya dahil habang nakayuko padagdag ng padagdag ang pressure sa ipit na tyan. Bakit? Malaki kasi eh. Naiiipit di kaya makakuha ng hangin. Nakakatawa man pero totoo pero wag mo ko tatawanan habang binabasa mo to at baka maghalo ang taba sa tinalupan. "Hormonal Imbalance" ang tawag sa pinakasosyal na term na mataba ka, pero bakit nga ba maraming nasisira ang pagkakaibigan sa tuwing sinasabihan ng isa ang nauna na "Uy tumataba ka ata?" Evil phrase? Good phrase? Concern ba siya sa katawan mo? Insulto? o gusto lang talaga mang-asar?
Ours, is a society where a polite small talk takes place with the inquisitions of body weight, oftentimes the spirit of levity masking impoliteness. Ito din yung kultura na naghahanap ng kamalian sa pagtaba ng isang indibidwal (check out those short but brutal Lesofat ads) "Tinatago ang taba?, Mag Lesofat!" Granted, that's what you get from two cheeseburgers and the BFF fries thing or rather than extra thRICE or mahigit sa tatlong kanin sa pagkain araw-araw, but your dining habits aren't to blame, are they? Yes it's hormonal imbalance! Bad hormones!
But your here in my blog, so we will not disappoint you here. So, in the spirit of fighting fire with fire, I present this hasty retorts from the evil phrase "UY! TUMATABA KA 'ATA"
1. "Ano to pre, bagong promo ng BELO at CALAYAN Clinic."
2. "Nagsarado kasi yung Fitness First sa amin."
3. "Hindi baby fats lang yan."
4. "A sure consequence of increasing personal wealth kasi yan. Ikaw mukha ka pa ring dukha."
5. "I know you meant no malice, but you don't have an idea how you hurt my feelings."
6. "Ever heard of the East Beach Diet?"
7. "Atleast alam ng lahat na may kinakaen pa ako. Eh ikaw muka ka ng taga Somalia. Malnourished kid!"
8. "Payat ka nga muka ka naman butete."
9. "50% off of Thai Jasmine Rice at the Hi-top Supermarket."
10. "Nagbasa ako ng Preview. Ito daw ang uso next six months."
11. "Gusto mong makatikim ng gulpi at combo ni Bob ng Tekken?"
12. "I mean, that's just your opinion man!" - Jeff Bridges in The Big Lebowski
13. "Malaki nga abs mo, pero bobo ka pa rin."
14. "Idol ko si Ate Shawee."
15. "May sale kasi sa Tubby."
16. "Bakit ikaw muka kang floorwax?"
17. "Gusto ko lang bago magunaw ang mundo busog ako palagi, eh ikaw pag nagkataon gutom kang mamamatay."
18. "Atleast, masarap ako yakapin, eh ikaw para kang tubo isang diretsong vertical line."
19. "Ah sumali kasi ko kelan lang sa Cheeseburger eating contest. Masarap kaya mabusog eh ikaw hanggang dila ka na lang sa mga poster ng pagkain."
20. Pag wala ka na talaga masabi ito na pinaka simple.... "PUTANG INA MO!"
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento