"Ang buhay ng tao sa araw-araw ay maikukumpara sa isang flash ng camera, may kalayaan
sa kahit anong gawin ngunit bihag ang mga bawat sandali. - Jack Maico
Maraming pangyayari sa ngayong panahon ang hindi mo lubos isipin na mauuso. Isa na dito ang tinatawag na Selfie. Ano nga ba ang Selfie? Is SELFIE a purely now phenomenon?
Pero siyempre going down memory lane 30 years backwards, lahat ng ito ay hindi sukat akalain na magaganap. Kung ang gamit mo ngayon sa pagseselfie ay isang Fujicolor or Kodak film malamang napukpok sayo ng nanay mo dahil ito ay maliwanag na pag-aaksaya ng film. Noong mga nakaraang henerasyon hindi magkamayaw ang pag-iyak kapag nakakita sila ng nasira at hindi na magagamit, out-of-focus na malalabong frames sa litrato.
Noon hindi ganoon kahalaga ang bawat flash ng kamera, minsan ka lang makakakita ng mga taong pumoposed sa harap ng kamera, tuwing may mga okasyon lang hindi tulad sa panahon ngayon ang buhay ng tao ay isang Kodak film hindi puwedeng walang kuha ng kamera bago matapos ang isang araw, oo!halos araw-araw!
Pero sabi nga nila lahat ng bagay nagbabago. Pagbabagong mas lumalala sa lipunan. Marami akong tanong sino nga ba ang unang nag selfie? at ng mahampas ng dos por dos sa ulo. Alam mo naman konting bagay lang ngayon na medyo kakaiba sa paningin ng bawat isa maaaring gayahin na at pwedeng kumalat kasingbilis ng zombie virus sa pag tretrending.
Sa kasalukuyang jologs na panahon pwede ka ng magtake ng snapshots na walang kahulugan, walang kwenta. Pati ang mga non-living things pwede mo na piktyuran. Oo kahit ano pati yang ipinahid mong kulangot sa pader o di kaya yung kuto ng aso mo bago mo tirisin. You can take pictures of your lunch, sapatos, your toes, o kahit yung pusa mo na marungis. Back then, if my mom caught me taking pictures of the dog and the ginisang sayote for lunch, malamang nakurot na ko sa singit.
You can say many thing about this Selfie fever a.k.a auto-portraitures or ego-photography. For me, this is the ultimate symbol of Narcissism. Ipinagpapalagay mo na desperado ang mga tao na makita ang pagmumukha mo sa social media. Well, unless kahawig mo ang mga katulad ni Anne Curtis or Solenn Heusaff. With that the history of mankind will forever be marked by the singular image: a face in the centre, and an outstretched arm amputated only by the edges of the frame. That and the awkward gesture of pointing your camera/cellphone at a mirror.
Ah, pero dati pa pala ginagawa ang self portrayal since time immemorial. Artist especially, the likes of Da Vinci to Van Gogh to Warhol-lahat gumiit para magkaron self portrait. Ngayon lahat artist. Everyone is a goddamn photographer. In the same way sa simpleng click ng flash ng kamera ang lahat at nagevolve bilang filmmaker, lahat chef, lahat sundalo, lahat basketball player, lahat boxer, lahat food critic, lahat boxing analyst, lahat food critic. Lahat na may star quality! Punyeta lahat tayo pwede mag-filter pero ung iba maski ata ifilter ehh....hmmmnnnn
The selfie. You, your phone and the mirror. Ikaw at ang gatiting na braso na makikita sa frame, minsan pag di maganda ang kuha dahil sa bad lighting or labo sa paggalaw ng braso. Ano na nga ba ang nangyari sa good old studio shot? Kung saan they offer different packages (one 8x10, five wallet sizes, etc) at pipiktyuran ka with the choose of your favorite background (mostly alapaap background or blue sky). Sila din mismo ang mag-aayos ng make up at buhok mo. Ngayon ang kailangan mo na lang pra magkaroon ka ng soft glowing skin at cherry apple lips is Instagram.
The profile pic - in the social media universe, the profile pic is the visual construct by which we are all judged.
I laid something for you.....this is your profile pic at ginawan natin ng meaning:
- Solid na itim na square sa profile pic - "wala kang buhay, life is meaningless."
- Cropped pic/Revealing only one facial part - "very ugly and even more insecure."
- Picture mo ng 5 years old - "how witty and cute." (Kasi ngayon you're just old and ugly)
- Staring at the sunset/moon/stars - "wow ang lalim."
- Suspiciously gorgeous Korean or Japanese hearthrobs - "You're a sad and ugly teenager."
- Overweight in a bikini - "Inom ka maraming kape" (Para nerbiyosin ka naman iha.)
- Food - "I just hope you're a skinny bitch." (Kung hindi don't be cruel to yourself)
- Duck face - "Damn serious selfie" (Nakamamatay)
- People who change their profile pic every day - "Vain and desperately insecure." One at a time, please
- Posting with boyfriend/girlfriend looking very much inlove - "still not over your ex."
- Desperately squeezing cleavage - "definitely slut"
- Vampires - "no questions ask, undeniably gay."
- Bottom line: Ayaw mo siyempre malagay sa sitwasyon na feeling sayo ng tao na masyado ka ng trying hard. Sabi nga ni Marcus Aurelius: "Cover your tracks." Never let them see you sweat. But there is nothing more ridiculous than a selfie where one pretends to be not looking, with the "I'm-so-busy-and-cool-I-can't-be-bothered" expression.
Oo hindi mo maikakaila lahat gusto makita, lahat gusto marinig. We want to be loved by the people. We want a hundred little thumbs up signs under our big beautiful portraits. "Dependence on images" and it's a phrase of increasing relevance. "Dependence" is took weak a word. So is "addiction". It is something infinitely scarier.
Pare hindi mo pwedeng ikumpara ang selfie noon sa ngayon, yung nagdaang panahon, yun ay may karangalan, disente, may karilagan at kadakilaan at kaaya-ayang isabit o idisplay sa mga pader. Hindi katulad ng mga litrato mong nka V-kawaii, peace sign , naka devil horn sign o di kaya'y nakalabas ang cleavage at dila. Imagine appearing all these in a history book? Mapanira, Mapangwasak.
At lahat ng yan ang naglalabasang talinghaga ng modernong panahon. We are all invaded by this digital revolution and now we can never get out of it.
"Ang buhay ng tao sa araw-araw ay maikukumpara sa flash ng kamera, may kalayaan sa kahit anong gawin ngunit bihag ang mga bawat sandali." - Jack Maico
Eh ikaw? Nakailang click ka ngayon sa kamera?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento