Martes, Disyembre 30, 2014

Facebook Memento



'Facebook pre, FACEBOOK!'


Eh dati wala naman talaga akong pakealam dito sa social networking na ito. Hindi ko talaga binibigyang pansin, parang wala lang, wapakels, malay ko, pakelam ko. Ano bang meron diyan? Simula kasi nung nawala yung gamay ko ng Friendster bigla na lang itong naglaho. Mangiyak ngiyak pa ako nuon dahil once in a blue moon lang ako nagkaroon ng isang malupet na testimonials kay Princess Gonzales, tangna nawala pa. Isa siyang best friend na nakilala sa mundo ng chat. Maganda, mabait, seksi (tangna ganun talaga pagkakadescribe eh noh). Totoo naman, malakas mang-asar at nambubulabog sa chatroom ng Manila Barkadahan noong adik na adik pa ang mga tao sa Yahoo Chatrooms. Parang ngayon kasi hindi na masyado. Masarap din kasi talagang makipag-chat, may mga friendly, matataray, meron mga hanap-away lang ang puta, merong mamemeke ng gender hahaha! eto madalas akong mabiktima. Kapag tinanong mo ng name, age, sex and location o ASL ang sasabihin Chiqui/19/female/Makati. Wow sabi ko shet, pangalan pa lang parang burgis ng Makati at feeling ko maganda si ate. Ayos din kasi magtimpla ng font color sa chatroom girl na girl yung font style and color niya eh. Monotype Corsiva tapos pink ang violet ang kulay ng mga letra. Mga halos tatlong linggo ko rin siyang nakakachat eh. Pagkatapos ng isang linggo humingi ako sa kanya ng cellphone number. Nung gabi din na yun, sinubukan ko siyang tawagan. Halos makailang pa-ring ako at tsaka siya sumagot. "Hello, hi is this Chiqui?" pa-Ingles pa ako nun eh. Medyo choppy kasi yung kabilang linya. Ang tagal niya sumagot, mukhang nag-aalangan. Maya-maya pa sa tono na mejo "ipit" ang boses at medyo garalgal na parang boses ni Inday Garutay, "Hi, yeahhh this is Chiqui..hose dis?". Nung narinig ko yung boses medyo kinabahan na ako eh. Pero hindi ko muna ibinaba pero may kutob na ako. Masamang kutob. Tinanong ko ulet para marinig ko ulet yung boses. "Hi Chiqui, this is Jack, remember your chatmate in Yahoo room. Do you remember?", tapos nagsalita "Oh Yisss, I rimimber you, it's me Chiqui from Makati." Putangna, ayun confirmed. Si Chiqui from Makati ay hindi chiq kungdi isang CHICKBALAANNGGG! Waahhhhh! Sabay baba ng phone, delete ng number. Simula nuon iniwan ko na ang yahoo kasabay ng pagka-laos ng Friendster. 

Natigil ang social life ko ng halos isang buwan. High school ako nuon at simula nang wala ng social media sa buhay ko natuon ako sa pagbabasa ng Komiks na laging binibili ni utol. Hindi ko nga akalain na makakapagbasa ko ng putangnang Sweet Valley High na yan at magbabasa din ng magazine ni utol na Cosmopolitan. Ang boring ng life eh! Hanggang sa computer laboratory, napansin ko yung mga kaklase kong mokong na may ibang mga pinagkaka-abalahan, iisa ang website na tinitignan ng mga ogag. Lumapit ako at nakimasid. Sabi ko kay Noah, "Noah ano yan?" tumugon naman ang bad breath kong classmate lumingon sa akin, pero naka step backward na ako sa kanya ng tatlong hakbang bago ibuka ang bibig. "Facebook pre." "FACEBOOK?!!"

Doon na nagsimula ang interes ko sa Facebook na yan, aba sabi ko "parang wala din namang pagkakaiba sa Friendster. Ma itry nga." At mula nuon gumawa na ako ng account. Nakakatuwa pala ang Facebook. Kasi hindi lang siya para sa mga taong sawa na sa buhay at nagpopost na lang ng status. At hindi lang siya para sa mga nangiinstalk ng kanya-kanyang ex. At hindi rin sa mga nagbubusiness at itatag ka sa kanilang album ng "Summer Dresses and Swimsuits" or "Genuine Perfume from Pakistan".

Mas na-appreciate ko yung fact na pwede kong makita kung ano nang mga itsura ng mga kaklase ko noong elementary, a time when virgin pa lahat (siguro naman 'noh?) at balahibong pusa pa ang mga pubic hair.

One goal: gusto ko lang ma-confirm kung sira na ang mga buhay nila, etc.

Una kong sinearch ang mga "Adding boys" kong kaklase. Sila yung mga gambling lords sa section naming St.Ignatius de Loyola, recess time may mga hawak na pera na tigbebente. Magtatanungan ng mga serial numbers for parang lucky nine ang laro. Halimbawa: MW124068 at yung kanya XF328059, may manghuhula niyan kunyari hulaan ko yung sayo at sabihin ko one-three-last, mag-aadd ngayon ng number, so hinulaan ko yung XF328059 pero hindi mo na isasama ung letra kapag na-add yung one three last ang resulta ay (3+8+9=20) 20 ang sagot so betlog ka! kasi "0" Lucky Nine ang style so dun pa lang talo ka na maka one man siya sa serial number niya kanya na yung bente mo. At kung iaadd yung kanya (1+4+8=13) "3" so panalo siya. Olats ka na ng bente pesos! Hahahaha! Sayang pambili mo na sana ng burger nadale pa. Yan ang sugal namin noong High School ang "adding" na tinatawag. Nung nakita ko ang mga profiles nila, aba talaga nga naman mayayaman na ang mga kups at laging nasa prefect of discipline nuong elementary. Magaling! magaling.

Sa kakasearch ko sa mga pinaglumaan kong friends ay bumalandra sa screen ko ang pagmumukha ng mga dati kong kaklase. Mga memorable sila kasi mga bwisit ang pagmumukha nila. Tinanggap pala ng computer ang pagupload sa mga muka nila hahahaha! Akala ko pag-upload nila ng pics, bubukas agad ang Norton Antivirus.

Type-type ng name, click-click ng Search, TUGSH! Profile nung dati naming kaklase na bakling. Noong Grade 5, napaiyak niya yung kaklase naming lalaki. Ang issue: pinagbintangan ng bading na umutot yung kaklase kong lalaki. Sa sobrang intense na sitwasyon, umabot na sa teacher ang issue. Ngayon, kung pagbabasehan ang Facebook nilang dalawa, yung lalaki nasa UK na, yung bakling naman wala pa ring parlor. Sawi ang baklushi.

Na-search ko rin ang kaklase naming babae na makati ang kamay. Nung una hindi ko mapaniwalaan na magagawa niyang pitikin ang pinagbentahan namin ng kamote que sa Technology and Home Economics noong Grade 5. Ang tigas ng muka eh. Pinag-abono tuloy kami lahat sa grupo. Kaya nung nakita ko ang profile niya, tinignan ko kaagad ang mga pics. Matigas pa rin ang muka., check. Next.

Siyempre nakita ko yung classmate ko na may ginawang misteryo sa likod ng puno ng bayabas noong Grade 3. Gusto ko nga itanong kung naaalala niya pa ba yung nangyaring yun, o nagpretend na lang siya na hindi yun nangyari. Tanging ang mga dahon at bunga lang kasi ng bayabas ang magpapatunay sa ginawa niyang kalagiman sa likod ng puno. Tinignan ko ang mga pics niya eh, pero hindi ko talaga kayang mag-pretend na na hindi nangyari yung misteryong yun. Dahil nakita ko sa album pictures niya yung magazine. Lol! Traumatic! Nagtago pa ng evidence for a long year.

What the fuuuuuck! Nakita ko yung kaklase naming suplado. Yung level niya is tipong naglalaro kame ng Basketball tapos biglang huhubarin namin yung short niya na kulang sa higpit na garter tapos red ang brief tapos pagtatawanan namin ang kolokoy hanggang sa ma-badtrip sa amin. Ayun according to Facebook, sundalo na siya ngayon.

Nakita ko rin yung kaklase naming madalas masilipan ng panty. Hindi dahil nalingat siya or anything, sadya lang talagang maharot siya at ang kalandian niya ay umaabot sa point na nakabukaka siyang umupo para kita ng lahat ang cameltoe. Ayun, yung profile pic niya ngayon, naka-bra lang siya. Galit ako sa kanya kasi noong Grade 4 nauto niya akong kumain ng chalk.

Masarap rin magtingin-tingin ng mga kaklaseng na-virus. You know, yung virus na papasok sa katawan tapos magmumutate sa advance stage yung virus tapos lalabas siya sa......In other words, mga kaklaseng maagang nakulam at lumaki ang tiyan dahil natusok ng malaking karayom. Pero mukhang masasaya naman sila dahil ang cucute ng mga mutation na nagawa nila.

Ang hindi ko makita ay yung kaklase kong "special", siya yung kaklase naming pinagkakalat niyang hindi raw siya mahal ng nanay niya, kaya pinagtitinginan nang masama yung nanay niya noong nag PTA meeting. Parang wala ring Facebook yung kaklase naming masarap panoorin kapag naglalaro siya ng chinese garter (lumilipad, tumatambling, tumutuwad talaga sa ngalan ng chinese garter) so in-assume ko na lang na nasa mabuti siyang kalagayan ngayon (na virus na rin). At syempre sobrang hinanap ko yung kaklase kong nagkunwari noon na na-dengue, tapos natuluyan.

Hindi ko na siya makita sa Facebook, baka nga kinuha na siya ng dengue. 

Ang dami ko pa sanang gustong i-search kaso nakalimutan ko na ang mga pangalan nila sa tagal na rin ng panahon simula nang kami ay makagraduate sa elementary at high school. Nang dahil sa Facebook nagbabalikan ang mga memorya, nariyan ang iba na nagpost ng mga lumang larawan at ang mas natuwa ako ay nung nakita ko sa Facebook ang mga class picture namin. Buti nakapag tago sila nuon dahil yung sa akin hindi ko na mahagilap kung saan at yung iba palagay ko natangay na ng baha. Pasalamat na rin talaga ako dahil may Facebook, dahil ipinapaalala ang mga lumipas na katulad na naman sa darating na Huwebes. Ikaw anong kalokohan na naman ang ipopost mo sa darating na #ThrowbackThursday ?



Linggo, Disyembre 28, 2014

Junkfood Nostalgia: Wonder Boy (Where Art Thou?)



'The Best Tsitsirya in the Philippines EVEEERRR!'
Again, let's ride on with the time capsule and go back to the past. We'll take you down memory lane with your favorite after tanghalian meryenda. Ito yung mga oras na kahit busog ka pa sa tanghalian gusto mo bumili ng chichiria e. Eh nuon naman wala tayong pakealam sa diet-diet na yan. Ang sarap kaya kumaen lalo nuon na ang sasarap ng mga tsitstirya sa leading Sari-sari store niyo. Sabi ko sa 'yo kapag meron talaga ako sa kamay ko nito pasensiyahan na lang sa manghihingi. Bumili ka ng sarili mo, ano ka hilo? Humingi ka na sa akin lahat ng tsitsirya; Snacku, Pompoms, Oishi, Pritos Ring, Lechon Manok, Tiis, Sunshine Peas, Cheezums, wag na wag lang ito at magkakamatayan tayo. Get's mo? Iba kasi itong tsitsirya na ito sa lahat, pang-adikan! Sorry ka na lang kung hindi mo ito naabutan, kawawa ka naman. Iba hatak nito sa panlasa naming mga batang kalye eh, medyo maramot lang din yung manufacturer nito e. Kasi ba naman tatlong piraso lang, kung malas-malas pa dalawang piraso lang. Gusto ko nga nuon magreklamo sa DTI eh lalo na nung isang piraso lang yung nabili ko kay Manang Meding. Tang-ina talaga nuon eh, sayang din yung wan-pipty ko. Ito yung medyo mahal sa mga tsitsirya kahit kaunti, medyo pa-klas na Potato Chips ang hayup eh, konti lang ang laman pero may kamahalan. Yung iba kasing junk food singkwenta lang at bentsingko. Ang akala ko nuon yung sa piktyur sa balat ng paborito kong junk food ganun karami. Kasi tignan mo yung hayup na batang nakaturo na kamukha ni Astro boy, parang andaming tignan. Nakangiti pa nga siya eh, yung pala tatlong piraso lang. Parang tatlong piraso lang din ng saya ko e Ha-Ha-Ha tapos wala na Hu-hu-hu na ulet. 

Balik tayo dun sa wrapper, simpleng puting balot na horizontal ang hugis, doon nakasilid ang tatlong pirasong umbok ng kasarapan ng tsitsiryang ito, may batang naka helmet na ewan ko kung sa anong planeta galing at nakasakay sa spaceship, nakaturo sa animo'y ulap na linamnam ng tsitsirya. Binilang ko yan bale nasa onse yang tsitsirya na yan tapos pagtingin mo sa loob tatlong pirasong kaligayahan. Dalawang kagatan sa isang piraso, mga pitong nguya at ngasab, isang o dalawang lunok na pira-piraso. Bale sa tatlo, anim na kagatan, bente unong nguya at ngasab at anim na lunok sa pira-pirasong chichirya na nasa bibig. Pati pagkain ko talagang kalkulado sa junk food na ito eh. Ninanamnam ko kasi bawat nguya, talaga nga naman gusto ko durog na durog bago ko lunukin. Sarap kasi sa dila at panlasa. Onga, pala minsan namimili pa ko ng design ng plastik, oo puti lang ang kulay ng balot pero yung drawing iba-iba yan eh, yung spaceship ni Wonder Boy may iba-ibang design yan. Talagang pinipili ko pa yan, kaya minsan nababdtrip na si Aling Meding e. Pero sabi ko sa kanya, "the customer is always right po manang Meding", kaya tatawa na lang yung matanda. Yung mga time kasi nuon alam ko nanonood yan ng Valiente eh. Hahahaha tagasubaybay yan ni Val Sotto si manang.

Ano ba lasa ng Wonder Boy?

Ewan ko kung ikaw ay  tipikal na gumugusto sa lasa ng isang chips na mejo maalat na maanghang. Ganun ang lasa niya e, flat, salty potato with a twist of anghang. Minsan trip ko yan isawsaw sa suka, para mas mag-iba ang lasa at magkaron ng konting asim. Mas nakakaadik.

Minsan iniiisip ko sino ba yung bata dun sa plastik na balot, Wonder boy? hindi kaya iyon si Nino Muhlach na kasikatan niya nung dekada nobenta. Pero hindi eh payat yung bata Hahahaha! Sino nga kaya yun? Hindi ako "laking-aircon" para ngumuya ng mamahaling tsitsirya katulad ng Pringles mo or Pik-Nik, tama na sa akin yung ganito. Tangna kung labanan din lang naman sa sarap hindi papahuli itong Wonder boy ko. Ano batang air-con, hindi ko ito pagpapalit sa pag-nguya mo niyang Pik-Nik na yan, tangna ang tutulis kaya niyang structure ng tsistsiryang yan, parang tinik ng isda na pinalaki at ginawang shoestring potatoes eh. Bwahahaha! Sa'yong sayo na yan rich kid ipasak mo sa ngala-ngala mo, ewan ko lang kung hindi sumakit yang bibig mo habang ngumunguya nyan.

Para talaga sa akin ito ang "the best chichirya in the Philippines EVERRRRR!" Kaya nuon kapag namamalengke si Ermat hahanap ako niyan na isang buong pack. Ayos meron na naman akong pinakamasarap na junk food habang pinapanood ko si Alexis ang Pulis Pangkalawakan habang nakikipag tunggali sa Kampon ng kadiliman ni Puma Ley-ar at Ida. Ang sarap ng kaen ko nun, kaliwang nguya, kanan, gitna sabay lunookkkk. Babilooosssss! O di kaya yung transformation ng Bio-Man astig. Gustong gusto talaga nun si Pink 5 at Yellow 4 eh. Wala talagang kapantay ang childhood years nuon eh, walang kapantay ang saya. Tapos timpla na ko ng Sunny Orange sabay kanta "sunny orange i love you." 

Eto ang bagong buzz, may nakita akong Wonder Boy, newly and improved daw. Kulay navy blue na ang balot at pula. Pero tangna nagagalit ako kasi kung ikukumpara mo sa mga CD at DVD na binebenta sa kalye parang piracy. Ayoko neto, buset kung sino man ang nag repack nung paborito kong Wonder Boy wag sanang sirain ang imahe ng pinakapaborito kong tsitsirya. Isang MALAKING FAKE! Hindi ko kayang tanggapin na parang clover bits na lang ang lasa. Pweehhh! Hindi ganun ang lasa ng orihinal. Kaya nananawagan ako sa dating manufacturer ng Wonder Boy...please... please... BRING THIS BACK! The future kids must taste the original! 

Biyernes, Disyembre 26, 2014

Tindahan ni Aling Meding (Tsitsirya Part II, Debris of my Past)



'Sari-sari Store - your friendly neighborhood store with free chismis and kwentuhang lasing.'
Ituloy natin ang kwentuhang junk foods noong dekada nobenta mula sa Tindahan ni Aling Nena, mabuti nating ituloy ang Part 1 ng dakdakan tungkol sa tsitsirya sa blogosperyong ito. Hayaan mo akong iextend pa more at purgahin kayo sa mga chichirya....kaya heto. Saksak niyo sa baga niyo!

Sari-Sari Store - Ano nga ba yun? 
Ito ang Glorietta naming mga batang laki sa kalye. Dito matatagpuan ang lahat, as in, LAHAT ng kailangan natin sa buhay. Puwera pag-ibig. Hindi na kailangang lumabas pa sa kung saan-saan. Kupitin mo lang yung muka ni Manuel Quezon sa bulsa ni Lola at pumunta na sa iyong suking tindahan, isulat ang pangalan, address, lagda at pirmahan (Diba pareho lang yun?). Ilakip ang proof of purchase at ihulog sa pinakamalapit na drop  box at manalo ng limpak limpak na papremyo! Eto yung lagi mong maririnig sa programa sa tanghaling tapat katulad ng Eat Bulaga tuwing may mga pa-raffle. Pero anong kuneksyon? Ewan ko nabanggit ko lang. Pakelam mo ba? Nagbabasa ka lang. 

Mabalik tayo. Eto ang set-up ng sari-sari store sa may amin.

"Aling Meding's Sari-Sari Store" (with Pop Cola logo sa gilid), way back 1992. San Andres Bukid Manila. 

May screen sa harap ng tindahan. Ito ang nagsisilbing protekta sa mga malilikot ang kamay at nagsisilbing salamin sa mga binebenta sa loob at ito rin ang sabitan ng mga biskwet (Marie, Rebisco Choco at Cream, Wafer), shampoo, jelly ace, pop rice at kung anu-ano pa.

Sachet ng Shampoo - Nakasabit ang mga 'to sa may screen sa harapan ng tindahan. Palmolive, Rejoice, Sunsilk, Creamsilk, Vaseline,at  Sunsilk Black na kapag natalsikan ang pader sa CR niyo wala ng burahan at magmimistulang mantsa na ito, ewan ko ba bakit ganun yang hayop na shampoo na yan. Trinay ko burahin kaso lalong kumalat putaaaa! - Mamili ka na kung anong shampoo ang gusto mo. "Manang, isang Creamsilk nga." Sabay punit ni Manang. "Vrrrrtttt! O eto o..Tri-pipty." Ang nakakatawa naman sa mga Pinoy yung sa mga bibili ng sabon o shampoo yung iba nakatapis na at nakatuwalya. Di mo alam kung may mga panty at brief pa ang mga walang-hiya e!

May puting ref sa tindahan. Ano yung White Westinghouse pa ang tatak. Sosyal. Dito naman nakalagay ang Coke, Royal, Fanta, Sprite, 7UP, Pop Cola, Mirinda, Sarsi (bilib sila sa Pinoy ads naaalala mo pa?), Gold Eagle, San Miguel Beer at Red Horse. Nasa freezer naman ang limpak-limpak na ice tubig at tuwing summer ay may choco-ice candy with buko strips...na minsa'y may naiiwan pang brown na balat ng buko na matigas..pero kinakain pa din natin...kahit lasang kahoy.

Jelly Ace na nakasampay - Nasa harap din ito siyempre. Ito yung maliliit na jelly ace na masarap pisilin lang pagbukas. Pero nyemas minsan pahirapan magbukas kasi wala pa akong ngipin nun eh, sumasakit naman ang kamay ko sa paghila nung plastik. Daming problema sa buhay nung bata e. Tapos pagbukas na isang buhusan lang sa bibig. Red and pinakamasarap at yung green naman ay naiiwan ang lasa sa bibig. Ang masarap pa malamig sa bibig habang unti-unti mong nginunguya yung lambot ng jelly-ace.

Sa bandang harap din nakalagay ang garapon ng mga bubble gum. May Judge na napaka minty. Siyempre pagdating sa bubble gum hindi pahuhuli ang Bazooka na nagturo sa akin magbasa ng napakaliit na sulat sa libreng komiks sa loob na pakete. At never din talagang makakalimutan ang magpinsang Double Mint at Juicy Fruit Gum na may tag line na "come share the fun, sweet na sweet kay linamnam." TV commercial yan nuong 1979, pero siyempre di pa ako pinanganak niyan, konting research lang. Para talaga silang magpinsan dahil parehong-pareho ang itsura nila pero magkaiba ang purpose. Di padadaig ang Big Boy sa patamisan, juicy at kung gusto mo magpalobo ito ang ngunguyain mo dahil mabilis magpalobo sa bubble gum na yan. Di pahuhuli ng buhay ang White Rabbit at Tootsie Roll na hindi mo mawari kung kendi ba o babal gam. Pero higit sa lahat, wala nang mas co-common pa sa mga tindahan kundi ang bilog bilog na bubble gum. Alam niyo ba tawag dun? Yung iba't-ibang kulay na bilog na walang pangalan at wrapper? Napangiti kayo no? Minsan nung bumili ako kila Aling Meding nito naglasang sibuyas, yun palang mga time na yun eh nagbabalat ang manang ng sibuyas. Pambihira, nag onion flavor tuloy yung babal gam ko eh, eto hassle sa walang wrapper. Pano kaya kung bagong ebak lang si Manang! Pweeeeh!

Sa may sahig naman ng tindahan ay ang mga magkakapatong na case ng bote ng sopdrinks at beer. Yun lang.

Nasa bandang likod naman ng tindahan ang 555, Ligo, Blue Bay Tuna Timplado, Century, Gusto, Reno, Rica, Alaska, Philips Meat Loaf at Hakone. Minsa'y may Lily's Peanut Butter pero hindi lahat ng tindahan ay meron neto.

At siyempre walang tindahan na klasik kung wala yung dalawang bench sa magkabilang gilid sa harap ng tindahan. Ito ang perfect tambayan ng lahat.  Asahang laging may naka-upo sa bench na yun. Yung matandang tambay nuon sa amin, si Mang Gustin, laging andun sa bench na yun, nakamaong shorts at basketball jersey. Minsa'y itinaas niya at pinatong ang kanyang kanang paa sa bench habang umiinom ng Royal. Wala brip ang matanda. Por dios por santo. May dumungaw.... masaklap na ala-ala..

Kayo, anong itsura ng sari-sari store niyo?

Pabileeeeeeh! Pabileeeeeeeh! (sabay katok ng piso sa kahoy) Pabileeeeeeeeeeeeh!

Yan ang klasik na istayl ng mga batang kalye sa pagbili sa sari-sari store. Iba't-iba ang haba niyan depende sa pagkakabuwelo ng boses mo. Mayroon din naman gumagamit ng "pagbilhaaaaan!" pero mas klasik ang pabile na may kasamang katok ng barya. 

Ikaw paano ka tumawag ng nagtitinda? Anong style ang pagtawag mo? Paano kaya kung Amerikano bibili anong sasabihin niya? Hellooooooo does anyone in here? I need to buy something. Heloooooow! o kaya Fabileeeeyyyyy or Fagbilheeeeen?

Nasa kanto ng street namin ang "Hulinganga Sari-sari Store" na may tatak naman ng Pepsi sa magkabilang gilid ng karatula. Semento ang upuan sa magkabilang gilid ng harapan kaya solido talagang tambayan. Doon naman kame umuupo ng barkada para magmeryenda ng Pompoms at Sarsi na nasa plastik. Pagkaubos ng sopdrinks e puputukin sa tapat ng taenga ng kalaro. Nagulat siya, natalamsikan pa yung pisngi niya ng tirang sopdrinks na malagkit sa balat kapag natuyo. Pinunasan niya na lang ng Good Morning towel niya pero di siya nagalet kasi maglalaro na kame ng turumpo sa harap ng tindahan. Tipong harutan lang talaga. At kapag napagod kaka turumpo tsibog na naman bibili lang kame ng Lumpia na Hotdog. Oo yung tatlong piraso na malalaki tapos cheese flavor. Ang korni na nga kung bakit Lumpia eh di naman lasang ganun, di rin naman lasang hotdog. Di na lang tinawag na Cheese rolls ang hinayupak. Tapos ibang sopdrinks naman, tinira naman namin ay Fanta, tangna ang daming flavor nun e, may strawberry, orange, grapes may mga apple blast, apple blast pa nga eh. Astig yung sopdrinks na yun nawala lang at naiwan sa panahon na yun. Shet sayang naiimagine ko tuloy kung may Family size na yun o di kaya 1.5 litro eh di ang saya ng sopdrinks life ko. Kahinayang talaga, kesa naman yung RC cola ngayon. Ok lang naman pero sa tingin ko may kulang sa lasa. Yung Fanta lang kasi yung tanging sopdrinks na maraming flavors at maraming choices.

Ganito ang kadalasang structure ng paborito niyong Sari-sari Store:

May mga garapon na plastik sa harapan.

Ang mga nakalagay diyan eh yung paborito kong tsoknat, bilog-bilog na babal gam na nasabi ko kanina na obobs sa advertising, ni hindi man kasi sila nakilala. Hahahaha! e marami namgn batang uhugin ang nabili nun e, lollipop na papel ang balot na may iba't-ibang kulay depende sa flavor, tira-tira (napakamurang kendi, sisirain talaga ngipin mo dahil marami kang mabibili), Serg o Goya na tsokolate. Klasik para sa akin ang Serg, eto ang laging pasalubong sa akin ni Lolo nung nabubuhay pa siya e. Naiiyak tuloy ako eh, kahit walang pera si Lolo Jose e binibili niya ko nyan dahil alam niyang paborito ko. Haist, naalala ko tuloy ang aking konsintidor na Lolo na sobrang protector ko kapag may nagagwa akong kasalanan at sisinturunin ako ni Erpats at tsitsinelasin ako ni Ermats. Magagalet agad yun eh at may tag line na "eh bata yan eh." Ayos safe! Napakwento na ko ng dahil sa Serg. Balik tayo sa inyong Sari-sari Store. Makikita mo din diyan sa garapon yung Goya Gold Coins ay putek, napakasarap din niyan e. Pagkatapos mo kainin mapapakinabangan mo ung silver foil dahil may instant braces ka na. Minsan iba iba pa kulay ng foil may red, green,blue, silver. Cooool! At hindi lang yun marami pa jan sa garapon na yan ang sisira sa mga ngipin mo.

May alambre o tali sa likod.

Dito naman sinasabit ang mga shampoo at conditioner, minsan yung Nips (alam kong isang komersiyal lang nito ang naalala niyo at kakantahin niyo na siya),  "When I want fun and get a bag of nips, and make a Rainbow. Nips! Nips!". Meron din iba't-ibang tatak ng mani katulad ng Expo, Corn Bits na kornik, Sugo, Nagaraya at marami pa. Ito pa isa naaalala niyo ba yung produkto ng Japan na sumikat sa Pilipinas yung Nano Candies, maasim yun e. At may themesong din yan at lagi ko sinasabayan kapag naaalala ko:

"Oh Nano, Nano it drives me crazy
I really love what it does to me
Sweet, sour and salty
Nano, Nano, Nano, Nano
Nano, Nano
Nanooooooooooooo!"

Nakasabit na basket.

Syempre alam niyo ang nakalagaya diyan. Iba't-ibang klase ng instant noodles at ang most favorite almusal at meryenda ang Lucky Me Pancit Canton. Palaging may sariling basket na puno yan, at yun lamang ang laman. Pakyu ka sa sarap! Tapos lalagyan mo ng konting sabaw, naglalasa talaga ang flavorings ng hayup na yan e. Wala nang tatalo diyan sa instant noodles na yan. Di ba Lucky? I love you Lucky!

Ref!

Siyempre isa sa pinakamahalagang parte ng tindahan ang ref kung saan nakalagay ang mga pampalamig na inumin, sopdrinks, beer, ice tubig, ice candy (minsan dinudurog ko sa pader para mas madaling kainin) at kung anu-ano pang kailangan ng lamig.

Special mention ang mga gimupit ng cardboard na pahaba. Diyan naka stapler ang tingi-tinging pamintang durog o buo at dahon ng laurel. Pati na rin ang nakasabit na plastik ng mga straw ng sopdrinks sa harapan. At kung klasik lang din naman ang pag-uusapan tungkol sa refrigerator ng Pilipino. Hindi mawawala diyang yung mga prutas na design na may magnet, mamili ka mais, grapes, apple, banana, orange andiyan na lahat pang ipit yan sa mga bills natin sa Meralco, Nawasa at kung anu-ano pang bills na bayarin diyan nakaipit sa magnet na prutas na yan para hindi makalimutang bayaran.

Hindi puwedeng magkatabi ang bench. Magkatapat dapat para puwedeng lagyan ng mesa sa gitna kung sakaling may mag-inuman sa tanghaling tapat. Dapat ay may tolda rin para kapag umulan e may masisilungan ang mga tambay. 

Let's walk the park at duon naman tayo sa kabilang kalye walang pangalan ang tindahan na ito sa amin, ibig kong sabihin na walang pangalan eh dahil ipinangalan mismo ito sa kalye. Ang Taal's Sari-sari Store, katabing kalye namin yan, sa Ciriaco Tuazon street kasi kame. Eto Taal Street, ang tindahan ay Taal Street your South Superhighway Sari-sari Store (SSSSS). May logo naman ng Royal Tru Orange sa magkabilang gilid ng signboard. May tolda pa ng promo ng Royal (Bukas Inom Sarap Panalo Part 2!).

Bago pa man naimbento ang doorbell sa mga tindahan, piso ang tinataktak natin sa bakal na parte ng tindahan. Sasabayan natin ito ng pabatang boses na "Pabileeeeehh!" O 'di naman kaya ay, "Pagbilaaaaannn!" Kapag nagustuhan ni Manang ang pagtawag natin ay gagayahin niya ang tono natin ng, "Anu 'yoooonnnn?!" "Pop Cola pooooh." "Sandaleeeeeh." (anu tina try mo ba 'yung tono? Pucha klasik na klasik yan).

Sa bandang bungad o harapan ng tindahan e nakapatong ang magkakatabing mga garapon na kadalasan kulay pula ang takip. Ang laman ay mga sumusunod: Wafer (yung kendi na tableta ang hugis), Sigarilyo candy, ay pota nangungulekta ako ng kahin niyan eh, ang ganda kasi puwede ipameke kay Nanay at magpapakita ako sa kanya ng kahon na akala niya naman ay nagyoyosi ako. Fake! Hahahaha! Anjan din yung Joy na kendi (ito yung bilog na kendi kulay orange at white kabilaan na sumisipol) Minsan sa yung paborito mong kanta sinasabay mo sa paghimig sa sipol. Ayos din eh tapos pahina na ng pahina na yung sipol kasi natutunaw na sa bibig mo. Ayos din ang tamis niyan. Eto pa Mik-mik (may chocolate at milk flavor, at may maliit na straw-talagang straw e, malupit na pauso talaga nila ito e), at meron ding mga holen, gel na tig 2-piso, at wag kalilimutan ang pomada ni Lolo na lagi niya akong pinabibili sa tuwing aalis siya papunta sa trabaho. "Hayup brush up Lo!" na shining and shimmering pag tumatama sa buhok niyo ang sikat ng araw. Andiyan rin ang pakete ng sigarilyo, Marlboro, Hope, Camel, Philip Morris, L&M, Winston (brand ni Lolo), at yung More na may tag line na "Catch the taste of magic, the magic taste of More, More International Cigarettes, catch the taste of magic, a magic taste of More." Meron pa isa yung Champion Cigarette, "Savor, your winning moment with Champion cigarettes. Taste the flavor of success with Champion kings. The brand for the brand of man you are. Champion Cigaretttessssss." Sabay may lalaking boses na pa cool. "Champion Cigarettes the brand of Champion." Astig!  Huwag nating kalimutan kapag may sigarilyo hindi mawawala ang mga lighter na may litrato ng hubad na babae. Hayup din sa marketing itong lighter na ito e, kaya mabili. 

Nakasabit naman sa screen at bakal ang mga maliliit na tsitsirya tulad ng Oishi, Kirei, Clover Bits, Tortillos, Kornets, Pompoms, Lumpia, Lechon Manok, Wonder Boy, Boogie Man Crunch, Rinbee, Humpty Dumpty, Moby, Richee, Pritos Ring, Golden Sweet Corn, Cedie, Ding Dong, Expo, PeeWee, Cheezums, Starkid, Tomi, Nachos at marami pang iba e. 

Yung tindahan duon sa Taal e merong salamin na lalagyan sa bandang ibaba ng garapons. Dito nakalagay ang magkakatabing school supplies, tinapay, at sitaw, kangkong, at iba pang mga piling gulay. Ewan ko lang kung bakit pinagsama-sama ang mga ito sa iisang puwesto.

"Dalawang kokomban nga po, tsaka isang pambakat (yung pandaya sa pagdrowing na kapag hinawakan mo yung itim eh kakalat sa kamay mo) tsaka po isang tali ng sitaw."

Gawin na nating MTV cribs yung tindahan duon sa Taal, pasok na tayo ng konti sa loob ng tindahan. Medyo hahawiin natin ang shampoo ng nakasampay sa alambre. Ang mga klasik na shampoo nuon eh: Rejoice, Palmolive, Gard at yung klaskik na wala na ngayon na Gugo Aloe Vera. Tangna nawala yun ganda pa naman nun sa buhok partner ko niyan na sabon eh Lifebuoy na nalipasan na rin ng panahon. Kalungkot eh!

Sa magkabilang gilid may mini-cabinet. Sa itaas na bahagi, doon nakalagay ang mga sikat na sawsawan tulad ng Marca Pina, Datu Puti, Silver Swan, Papa Banana Catsup, Jufran, Mother's Best Hot Sauce at UFC Tamis-Anghang Catsup. Isama mo na rin ang ang klasik na sikat na mga pang-rekado tulad ng Ajinomoto at Maggi Chicken Cubes. Yan ang madalas na ipabili sa akin ni ermat eh. "Manang Ajinomoto nga po yung tig-pipiso." Dalawang klase kasi yan may tig-pipifty centavos at merong piso, yung piso marami nang laman yun. Wala pang Magic Sarap nuon e. Minsan naka display din duon ang mga noodles, at Maggi Rich mami Noodles, Payless Instant Mami at ang pinaka gusto kong noodles sa tuwing trip namin magsabaw o di kaya pag umuulan eh yung klasik na Nissins Ramen. Patok na patok sa pamilya ang beef flavor tapos may itlog. Wow sarap! Sa ibabang bahagi ay nakalagay ang sandamakmak na de-lata tulad ng Ligo at 555 Sardines, Master ang pinaka trip ko nun, yung pula kasi ramdam ang anghang at pagka tomato sauce. Minsan pag di pa maanghang dudurugan ko pa ng sili yang sardinas eh. Nakakailang bandehado din ako ng kanin nung araw. Isa pang paborito ko yung Hunt's Pork and Beans, Carnation Evap (para halo-halo'y tiyak na masarap), Century Tuna, at Maling.

'Di kalayuan sa mga nakasampay na sachet ay ang mga nakasabit na basket na may malalaking mga tsitsirya ang ilan ay mahal kaya minsan lang ako makatikim, kapag suweldo lang ni Ermats, katulad ng Piattos, V-Cut, Potato Chips, yan yung mga A+ na chichirya nuon kaso naman pagkabukas mo hangin lang pala ang nagpapalaki. Putangina nga yang Potato Chips na yan masarap nga bitin ka naman ni hindi umabot sa lalamunan eh. Pagkadaya din minsan ng Jack N' Jill na 'to. Kaya kadalasan Kropek na lang yung tinitira ko kapag manonood na ko ng Bioman at Shaider o kaya yung simpleng Chicharon na nasa plastik bubudburan ko na lang ng Datu Puti suka. Ayos! Babiloooosssss!

Sa ref meron ding mga benta na nasa chiller lang na mga fruit juices at chocolait di naman kasi puwede i-freezer at maninigas. Anjan ang Magnolia Chocolait siyempre "the chocolatiest", kung gusto mo mapamura yung fruit juice na tig dodos ang tirahin mo, anjan ang Hi-C Orange, Zip (eto naman ung korteng triangle ang kahon, naalala mo pa?).

"Pautang naman manang."

"Bawal utang!"

Nakakamis 'yung mga panahong umuulan nang malakas tapos takbuhan kayong lahat sa may tindahan (lalo na kapag walang dyip na kaparada na matatambayan) para sumilong. Maya-maya sa kakaantay ng pag-tila eh mapapabili ka ng sopdrinks sa plastik. Tapos pupulot ng matulis na bato o pako yung kalaro mo, at maya-maya ay nagvavandal na pala sa upuang kahoy ni manang.

PUNKS NOT DEAD. 








Martes, Disyembre 23, 2014

Horoscope



'Hindi ka lamang yayaman sa Lotto bukas, mapapasakamay mo pa si Gemini at Scorpio ng sabay.'
LEO (July 23 - August 22) - Makakahiligan mo ang klasikal na musika  at ang lahat ng ito ay makakatulong sa depresyon at problema pero hindi sa alta-presyon. Mananatili kang mataba dahil matakaw kang hayup ka. Mababawasan ang paghanga ng isang lihim na nagmamahal dahil sa sobrang kayabangan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 28, 36, 41 at yellow green.

Yan ang sabi ng tabloid ngayong araw. Kaya kelangan bawas yabang muna habang nakikinig ng classical na tugtog at naka yellow green. Shetness, hindi ata ako yan.

Kapag nakakalito ang buhay-buhay, horoscope ang siyang takbuhan ko sa susunod kong mga hakbang. Pumalpak man, siyempre horoscope lang masisisi.

Noon yun.

Nadala na ko. Kalimitang pumalpak ang aking buhay sa kakasunod niyan. Ngayon binabasa ko na lang ang horoscope ng ibang tao. Gemini: Ang zodiac sign na nagpapatibok ng puso ko. Scorpio: zodiac sign ng taong nagpapapintig ng aking puson. Binabasa ko ang kapalaran nila araw-araw para malaman kung sumasang-ayon ang mga bituin sa aking masasamang balak.

Mas trip kong basahin ang Tagalog sa horoscope. May lucky numbers kasi. Na kapag tinayaan mo sa Lotto e unlucky naman. Kaya sa susunod naisip ko, bago tumaya, basahin muna ang lucky numbers,tapos ibang numero ang tatayaan. Baka mas malaki ang tsansang maka tsamba.

Ang kapalaran kasi minsan tsambahan. Hindi natutumbok ng kutob ang horoscope. Pero ayun basa pa rin ako ng basa. Parang hinihintay ang hulang magpapasaya sa akin. Kung ako ang gagawa ng sariling prediksiyon, malamang ganito ang isusulat ko:

LEO (July 23 - August 22) - Hindi ka lamang yayaman sa Lotto bukas, mapapasakamay mo pa si Gemini at Scorpio ng sabay. Para mapanatili ang lakas, limitahan lamang sa pitong beses ang pakikipagtalik. Paggising mo kinabukasan ikaw na ang may-ari ng Playboy Mansion at araw araw kang nakahiga sa piling ng mga anghel habang sinusubuan ka ng iba't-ibang klaseng prutas at higit sa lahat ubas. Ubas na may cyanide.

PS: at pagkakaen mo nito rekta ka na sa impiyerno. *Sabay pasok ng tugtog ng Radio Active Sago Project's - "Kapalaran"*

RASP - "Kapalaran"

Sabado, Disyembre 20, 2014

New Years Resolution 2015



'Magda-DIET na po ako ngayong pagpasok ng susunod na taon.....' LECHE!
Bago ang lahat Merry Giftmas and Happy Hellidays sa lahat ng mga kaluluwang naligaw at patuloy na umuusyoso sa blog na ito. Buti naman at hindi niyo pa rin tinitigilan ang pagpunta dito pati na rin ang ating mga kasamahan from abroad ang ating mga Porenoys at Pornrenays este Porenays. Maraming salamat kahit sa mapaglarong isipan ko lang na talagang may nagbabasa. 

Siyanga pala, siyam na buwan na ang blog na ito. E ano ngayon? Wala. Nasabi ko lang.

Dati dalawa lang kaming nagbabasa ng blog ko. Ako at ang aking konsensiya. Pero akalain mo yun, madami na ang mga konsensiyang umaali aligid dito! Nagsimula itong blog bilang hamon sa aking sarili na kumpletuhin ang Visita Iglesia sa pitong simbahan sa iba't-ibang sulok ng Maynila nung nakaraang Abril. Na kahit walang nagbabasa, parang ogag akong post ng post araw-araw. Baka sakaling maligaw si Lord at mapagtanto niyang mabait akong nilalang at ambunan ako ng kahit konting grasya. Kahit konting dagdag lang sa kaguwapuhan at height.

Pero ewan ko. Di ata siya dumaan sa blog ko. Wala kasing grasyang dumating. Wala!

Subalit grasya na ring maituturing na kahit papano ay huminhinga pa rin ang walang kwentang blog na ito. Andiyan kayo, andito ako. Solb.

Malapit na malapit na talaga ang Pasko at New Year.

Ilang araw na lang ay magpapaalam na ang 2014 at isang bagong taon muli ang ating sasalubungin. Bagong simula at ibayong pakikisabak sa mga dati at bagong challenges ng buhay.

Hindi lang ito season ng pangungunsumo ng calorie na ipapasak sa katawan. Hindi lang ito pig-out night sa Noche Buena, maglaklakan magdamag sa piling ng alak at mag seselfie to the max. Panahon din ito ng pag rerecharge ng sarili. Oo naman pagkalipas ng isang taon kailangan rin ng "Year-end review" para sa ating mga sarili at hindi lang sa mga tsika, showbiz at pang-araw araw na balita na napapanood mo sa TV. Kaya't huwag kalimutan ang importanteng activity na ito. Mag-laan ng oras at huwag hayaang bumulaga ang bagong taon na hindi ka prepared. 

Ako man ay nakiki-replek-replek na rin. Nais kong i-address yung mga partikular na isyung bumagabag sa aking personal na buhay nitong nakalipas na taon.

At para lalo aong mainspire sa pag blog sa 2015, eto share ko ang aking mga New Year's Resolution:

Lumipat ng tinatayaang Lotto outlet.
Olats lagi mga numero ko sa outlet na yun. Makalipat nga sa mas malapit sa simbahan. Baka sakali lang.

Panahon para palitan ang "Who let the dogs out" na ringtone.
Ewan ko ba kung bakit me emotional attachment ako sa kantang yan. Oras na siguro para palitan at baka sakaling pumasok ang good karma.

Babawasan ko na ang pag reply ng Ha Ha Ha sa comment section.
Lolz with a Z naman haha -oops. 

Resbakan ang mga taong may atraso sa akin ngayong taon.
Humanda kayo sa 2015. Har har!

Sumali sa isang support group ng mga bigo sa pag-ibig.
Kung me alam kayo, buzz me. Kung wala, organize tayo dali!

Tumutok sa balita tungkol sa bayan at hindi sa lablyp ni Marian.
Tigilan na nating lahat si Marian. Magbago na tayo. Hindi na siya bitch. Siya na nga lang artista sa Channel 7 eh atsaka pala si Kuya Germs.

Ititigil ko na ang pambubuska kay Marcelo Santos III.
Pero hmmm..... the decision is not yet final.

Hinding hindi na ako tatapak sa timbangan.
Kasi niloloko lang tayo minsan niyan, nuong nagkasakit ako halos hindi ako kumaen nung sinubukan kong umapak puta walang nagbago sa timbang ko kahit gatiting. O sira lang ang timbangan. Ewan.

Never na ako oorder ng extra rice.
Dahil dalawa agad ang oorderin ko sa aming pantry. So hindi yun considered as "extra".

Hindi na ako manlalait ng K-pop at boy bands.
Maliban kung kinakailangan.

Kapag nakarinig ako ng kantang may tema ng kalandian huhugutin ko agad ang saksakan.
Kahit radyo pa ng kapitbahay.

Hindi na ako manonood ng Rated K ni Korina Sanchez.
Dahil hindi na nagiging maka masa ang programa. Panay pang mayaman ang artikel at mga isyu. Shet!

Ititigil ko na ang pagtalon tuwing bagong taon. Taon-taon kong ginagawa yan e, wala ding nangyayari. Sumasakit lang betlogs ko sa kaka alog.

Ikaw kaibigan? Meron ka na bang listahan ng iyong New Year's Resolution? O tila nakapagregister ka na sa paborito mong gym tuwing January para hindi mo na idadagdag sa New Years Resolution mo ang walang kamatayang "magda-DIET na ako." Leche! 


Biyernes, Disyembre 19, 2014

Huwag Mo Nang Itanong (Spare times and Good times)



'Tanong mo sa pagong'
Minsan talaga dumarating ang pagkakataon na wala kang magawa, hanggang maka pag-isip ka na lang ng kung anu-anong kalokohan at kahangalan sa pagsulat. Ngayong gabi, tila hindi naman kabilugan ng buwan pero parang tinamaan ata ng utak-lamig ang aking medula oblongata. Hindi ko alam pero nag-isip at naglaan ako ng mga katanungang out of this planet na kung masasagutan niyo ng kapilosopohan mas maganda. Eto na try mo nga sagutan:


1. Kapag ba ang buntis, piniktyuran, makukunan? Ipaliwanag.

2. Ang totoo, saan aabot ang bente pesos mo?

3. Where do broken hearts go? Can they find their way home? Give examples based on experience.

4. Paano mangulangot si Wolverine? Explain and Illustrate.

5. Bakit wala pa ring tatalo sa Alaska? Explain briefly, No Erasures. Teka Alaska fan ka ba?

6. Bakit mo pinagpipilitan ang sarili mo sa ayaw naman sa 'yo? Defend your answer.

7. Kung walang kamay ang mga ibon, ang tanong why do birds suddenly Apir?

8. Alin talaga ang tunay, Royal True Orange o Minute Maid with Real Pulp?

9. Ano ang cultural explanation ng pagkembot ng reyna habang pumapasok ito sa bulaklak?

10. Ano ang meron kay Brand X at galit na gait ang ibang brand sa kanya. Defend again your answer.

11. Pwede bang lagyan ng ballpen ang pencil case?

12. Kapag na-ban na talaga ang plastic sa Pilipinas, kelangan mo na ba matakot at magtago?

13. Sa totoo lang, who really let the dogs out? If you know the answer. Please share.

14. Only Belo touches my skin, now the question is who touches yours?

15. Saan direksiyon papunta ang One Direction?

16. Ano ang susundin mo, sigaw ng puso mo o sigaw ng nanay mong may hawak na dos por dos?

17. Nakaligo ka na ba once sa dagat ng basura?

18. Jumbo hotdog kaya mo ba 'to? Explain your answer into 10-30 sentences.

19. Kung si Corazon ang unang aswang, pang-ilan ka naman?

20. Hot pa din ba ang hot sauce kapag inilagay sa loob ng ref?

21. May boses ba ang pipi kapag nagbabasa sa mata?

22. Bakit laban ang hanap ng Batang Bonakid?

23. Sinong kumagat sa Apple logo? I-explain kung bakit hindi niya ito inubos.

24. Kung 20 yrs old na si Mahal. Niregla ba siya? Illustrate her pubity stage according to Darwins theory. 

25. Kapatid ba ni Swiper the Fox si Megan Fox? At pinsan ba ni Megan Fox si Mozilla Firefox? 

26. Bakit square ang box ng pizza samantalang bilog naman ito? Please elaborate your answer.

27. Nasaan ang corn, sa corned beef?

28. Totoo nga bang you will find your true love with San Marino?

29. Gaano kataas ang lipad ng Whisper with wings? Demonstrate.

30. Kailan grumaduate ang Graduated cylinder? Expound. Show history.

31. Should I give up? Or should I just keep chasing pavements? Choose one and explain thoroughly.

32. Kung bibigyan kang pagkakataong gumanda, anong karapatan mo? Please answer honestly.

33. What exactly is your point? Paki locate sa Cartesian plane.

34. Bakit pa tinawag na 2nd home ang school kung bawal rin lang naman matulog?

35. Bakit walang junk foods sa junk shop? Defend your answer.

36. Anong circumference ng mukha ni Charice at ano ang diameter ng panga nya? Show your solution.

37. Gaano kaitim yang kili-kili mo? Explain using the fifty shades of grey. 

38. Ano ang mas tama? AMALAYER or AMABEE. Explain.

39. Pasko o paksiw? Bakit hindi puwede ang pakbet itandem sa pasko? State your answer firmly.

40. Sa huling pagkakataon, tatanungin ulit kita. Showtime or Goodtime? Tandaan mo meron ka ng X. 

Ahhh ewan.. pakisagot na lang!

Lunes, Disyembre 15, 2014

Simbang GaBOYS at Simbang GaBABES



'It's time for OOTD. Na-plantsa na  ba? Naka-set na ba ang isusuot?'
Hindi ko alam kung dapat bumilib ako sa mga bagets na alam kong hindi naman talaga simba ang binabalak kung di ang pumorma at makipagdate sa loob ng simbahan. May magkukurutan, magtsatsansingan, maghaharutan ay pota ano 'toh park? Respeto na lang sa mga taimtim na nagdarasal at alam ang totoong diwa ng pagsisimbang gabi. Wag na wag niyong gagalitin si pader dahil kapag nabuwisit yan, kayo ang patamaan sa sermon. Pero ang tanong, masisisi mo ba talaga sila kasi kahit papano eh gumising sila ng umaga para lang makasama ang mahal nila sa buhay?

Depende yan eh,

May mga simbang tabi, magpapaalam na magsisimba yun pala iba ang tumbok na lugar.

May mga simbang lapat ang mga labi, yung pagkatapos magsimba eh magpapainit na ng mga karburador dahil malamig na at ramdam na ramdam na ang pasko. Hanging amihan pa lang yan ha. Pano pa kaya kung umulan na ng snow sa Pilipinas?

Maraming motibo, hindi mo alam kung balak talaga nilang kumpletuhin ang simba o para lang ito sa mga kasama nilang magsisimba.

At eto pa, mag magsisimba at mangungumpleto ng siyam na gabi, pero wag ka kasi daw kapag naumpleto mo yun puwede ka mag-wish ng kahit ano. Totoo nga ba ito? Mga ilang wish ba? Tatlo? Parang kay Genie? So parang nakahanap ka pala ng instant genie in a bottle.  Pambihira kung totoo man ikaw anong iwiwish mo? 

Kanya kanyang trip, kanya kanyang motibo. Basta ang mahalaga hindi mawawala ang espiritu ng simba sa atin at lalo na ang Pasko.

So what are you waiting for, ilang oras na lang plastahin na ang pang OOTD tonight. Wag kalimutan ang jacket or hoodies puwede ring mag bonnet. Isuot mo na rin siyempre yung mga bagong damit mong nabili sa mga midnight shopping. Aba unahan mo na ang pagsikat ng araw, magshades ka na rin kung kinakailangan. For sure naman na makakailang shift ka ng simbang gabi mamaya para lang tumambay at magsearch ng boys and bae's. 

Miyerkules, Disyembre 10, 2014

Colds



'Pero walang lasa ang sopas. Hindi ito kasing-init at kasing-sarap ng mga panahong ako ay may kasalo.'
Netong mga nakaraang araw dinalaw na naman ang Pilipinas ng isang napakalakas na bagyo at naging Super bagyo pa ang peg ala-Yolanda, pero hindi ganun karami ang nasalanta ng bagyong ito at naging bed weather pa sa ilan. Kapag ganitong umuulan ako'y sinisipon. Lugmok at nakatitig sa kawalan. Iniisip ang tag-init at ikaw ay nandiyan.

Oras na naman para magbitbit ng payong. Itim na payong para masaya yung tipong sa mga palabas apag may ililibing at makikita mo lahat na pati ang payong ay nakikiramay habang umuulan para sobrang lungkot talaga ng scene. Mula dito hindi na ako mahihirapang ipaalam ang kulay ng aking nararamdaman. Pero bakit ganun tila ata pati utak ko sinisipon. Mukha mo ang nakabara sa aking isipan. Ayan tuloy, palagi kong nakakalimutang iuwi ang payong. Di ko maalala kung saan naiwan. O kung merong humiram. O kung ito'y napag-interesan. Kaya kadalasan.....basa pa rin ako sa ulan.

Ganun na nga ang naging resulta, marahil sinisipon ako kapag umuulan. Buong araw akong amoy vicks at palaging may bitbit na inhaler. Mahirap huminga at ewan ko kung ito nga ang dahilan kung bakit naninikip itong aking dibdib. Kailangan ko daw uminum ng maraming tubig at humigo ng mainit na sabaw. Pero walang lasa ang sopas. Hindi ito kasing-init at kasing-sarap ng mga panahong ako ay may kasalo.

Wala munang love songs ngayong tag-ulan. Bawal muna ang mga himig tungkol sa mga walang hanggang pangako. Hindi ko rin naman maririnig ito habang maingay ang ulan sa pagpatak sa bubong at kumukulog. Mas ikakatuwa ko pa ang mga tugtuging pwede ko sabayan sa pag-indak para pagpawisan. Baka sakaling mabawasan ang hirap na dala ng baradong puso-ilong.

Mas marami akong libreng oras kapag ganitong sakitin at walang nag-aalaga. Mas masusundan ko ang lovelife nina Marian at Dingdong, Kim at Gerald,  Sharon at Gabby, Guy at Pip at pati ni Piolo at Sam. Hindi ko na mapapalampas ang panonood ng Takeshi's Castle at Shaider. Mas mahaba na ang aking oras mag Facebook at mag view ng profile ng mga taong hindi  ko kilala. At pati mag-like ng mga pictures at status ng mga taong hayok sa like at comments. 

Umiyak man ang langit, di ako makikiramay. Mas nalulungkot ako sa mga buhay na nawawala sa giyera sa Mindanao, sa  bawat pamilyang nagdidildil ng asin, sa bawat pisong napupunta sa korapsiyon, sa mga aso at pusa na umaasang makakasurvive sa kalye hanggang sa masagasaan at pag tripan na lang ng mga adik at lasenggo. Sana sipunin din ang mga taong may pakana nito. Sana manatili na lang barado ang mga ilong nila habambuhay.

Alam kong magiging malamig ang bawat gabi sa susunod na mga araw. Pero hindi ako giginawin. Marami akong kumot na magsisilbing pananggalan. Meron akong mga jacket na magbibigay ng init laban sa mga alaala. Hindi ko lalabanan ang antok. Mariin kong ipipikit ang aking mga mata at bibilangin ang pagkarami-raming mga tupa na nag cha-Chinese garter. Wala akong mapanaginipang buhangin, sun block, babaeng seksi na malabote ang pigura na  nakasakay sa kabayo (white castle whiskey commercial), o di kaya ay tag-araw.

Kapag ganitong umuulan ako'y sinisipon. Kaya huwag kayong magtataka kung ako'y palaging sumisinga. O sumisinghot-singhot. Hindi ao umiiyak kala nyo. At hindi rin ako humihikbi. Mawawala din ang sipon na ito.

Kung sana meron lamang malambot na kamay na nagpapahid ng vicks sa aking dibdib. Ang init ng haplos ng pagmamahal. <3

Martes, Disyembre 2, 2014

Christmas on the Rocks: Punks Not Dead



'Christmas on the Rocks'  \m/
Uuuyy Disyembre a-dos na, panigurado ko yung bahay niyo ngayon nagnining-ning na sa mga dekorasyong pampasko at mga krismas layts, wag lang sosobra ang patay-sinding ilaw at baka maging kabaret ang kalabasan. Halos ilang araw na nga lang at darating na naman ang Kapaskuhan. Oo, alam ko masaya dahil nariyan na lahat eh, ika nga "greatest time of the year", indeed it was the happiest month sa buong taon. San ka pa? nariyan ang mga regalo, pagkain, bonding ng mga kamag-anak, christmas bonus at iba pa. All in one package yan na kasiyahan tuwing Pasko. Pero ang higit sa lahat ay kapatawaran sa ating kapwa sa mga bagay na hindi naging maayos o sa mga bagay na hindi nakapag intindihan sa lumipas na taon. Isa yan sa tunay na diwa ng Kapaskuhan e. 

Sabi ko nga makarinig lang talaga ko ng awiting pampasko tila gumagaan ang pakiramdam, dahil iba talaga ag feelings sa tuwing napapakinggan mo ang lahat ng ito. Pati yung mga kumukutikutitap na mga christmas lights ang sarap tignan, ang saya pagmasdan. Biruin mo yun naka survive na naman tayo ng isang taon na dapat nating ipagpasalamat sa Panginoon. Kaya't maraming salamat Lord!

Pero bukod diyan, meron lang akong gustong bigyang pansin sa post na ito, balik tayo mga kapatid sa mga Christmas tunes and harmonies ng kasalukuyan, alam ko tradisyon na, hindi na mababago, fix na, kailangan yun at yun na kasi naka ugalian na. Puta ilang dekada na din yung "Christmas in our hearts" ni Jose Mari Chan, Agosto pa lang gusto na maghari ng kanta sa radio station airwaves, yung "Pasko na Sinta ko" na sandamakmak na ang nag cover ng kanta, pero same pa rin naman ang liriko. Wala naman talaga akong problema sa mga naka ugalian na, pero puwede bang bigyan mo ng kaunting tyansa ang iyong tenga na mapakinggan naman ang mga lumang alternatibo na hindi nabigyang pansin sa nakaraan? Puwede ba nating gawing Punks not Dead ang tema na mga kantang pampasko? Panigurado namang marami ang hindi makakasabay sa trip na gusto ko, alam kong silang mga punkista at rakista lang ang titikim ng aking ilalatag na mga awiting tema ay rakrakan na para sa Kapaskuhan.

Christmas on the Rocks Album.

1994.

Mga ilang Linggo na lang noon bago sumapit ang Kapaskuhan ng taong 1994 nang biglang lumabas sa ere ang isang album compilation sa isang Legendary rock station na LA 105.9. Mabilisan ang promotion at umabot pa rin naman at naging mabile sa mga Record bars. Ganyan ka-impluwensiya ang paborito kong istasyon sa pagpopromote ng mga bagong album ng mga underground na banda. Minu-minuto noon laging pinaririnig ang 1994 Christmas PINOY Alternative Rock Spirit, very alive and kicking. Ito talaga yung taon na sobrang sikat ang Pinoy Alternative Rock. Marahil ikaw na nagbabasa ngayon ay hindi mo naabutan ang mga bandang aking mababanggit, hindi dahil sa matanda na ang sumulat nito. Walang ganun. Dahil hindi mo naranasang mapakinggan ang mga mas talentadong banda noon kesa sa mga banda mo ngayon.

Gusto ko sana noon bilhin ang tape kaso naalala ko na sira nga pala ang aming tape deck sa radyo. Napanghinayangan ko yun hanggang sa lumipas na lang ang Pasko at no choice kahit gusto kong bilhin sa ipon ko wala at yung ipon ko pambili lang ng tape at hindi pambili ng bagong radyo na may tape deck. Nung nagkaroon naman ako ng Walkman noong 1999 hinanap ko ang tape na ito sa Odyssey pero wala na rin. Hanggang sa ngayong gabi ko na lang ulet nakita ang compilation sa Youtube. Kaya't lubos ang pasasalamat sa nag upload ng buong album. Ako kasi yung taong simple lang ang kasiyahan, mabalikan lang ang ilang bagay na makapagpapaalala sa sa nakaraan na hindi ko na naaalala sa ngayon ay malaking bagay na sa akin at lubos na ang kasiyahan. SULIT TALAGA at masasabing kong nakahanap ako ng isang treasure. Gusto ko lang i-share sa mga gustong makinig. For once in a while, gawin nating Punks not Dead ang Pasko! ROCK AND ROLL!

Half-Life Half-Death - "Sa Paskong Darating"

Balahibum Pooza - "Ang Aming Bati ay Magandang Pasko

Ang Grupong Pendong - "Ang Pasko Ay Sumapit"

Shanghaied - "Little Drummer Boy"

Shampoo ni Lola - "Namamasko"

Saga - "Pasko Anong Saya"

Sandugo - "Pasko ng Mahirap, Pasko ng Mayaman"

Annointed Cherubs - Noche Buena

Dahong Palay - "Pasko Na Naman"

Leowai - "Magbigayan"


DJ Alvaro - "Silent Night"