'It's time for OOTD. Na-plantsa na ba? Naka-set na ba ang isusuot?' |
Hindi ko alam kung dapat bumilib ako sa mga bagets na alam kong hindi naman talaga simba ang binabalak kung di ang pumorma at makipagdate sa loob ng simbahan. May magkukurutan, magtsatsansingan, maghaharutan ay pota ano 'toh park? Respeto na lang sa mga taimtim na nagdarasal at alam ang totoong diwa ng pagsisimbang gabi. Wag na wag niyong gagalitin si pader dahil kapag nabuwisit yan, kayo ang patamaan sa sermon. Pero ang tanong, masisisi mo ba talaga sila kasi kahit papano eh gumising sila ng umaga para lang makasama ang mahal nila sa buhay?
Depende yan eh,
May mga simbang tabi, magpapaalam na magsisimba yun pala iba ang tumbok na lugar.
May mga simbang lapat ang mga labi, yung pagkatapos magsimba eh magpapainit na ng mga karburador dahil malamig na at ramdam na ramdam na ang pasko. Hanging amihan pa lang yan ha. Pano pa kaya kung umulan na ng snow sa Pilipinas?
Maraming motibo, hindi mo alam kung balak talaga nilang kumpletuhin ang simba o para lang ito sa mga kasama nilang magsisimba.
At eto pa, mag magsisimba at mangungumpleto ng siyam na gabi, pero wag ka kasi daw kapag naumpleto mo yun puwede ka mag-wish ng kahit ano. Totoo nga ba ito? Mga ilang wish ba? Tatlo? Parang kay Genie? So parang nakahanap ka pala ng instant genie in a bottle. Pambihira kung totoo man ikaw anong iwiwish mo?
Kanya kanyang trip, kanya kanyang motibo. Basta ang mahalaga hindi mawawala ang espiritu ng simba sa atin at lalo na ang Pasko.
So what are you waiting for, ilang oras na lang plastahin na ang pang OOTD tonight. Wag kalimutan ang jacket or hoodies puwede ring mag bonnet. Isuot mo na rin siyempre yung mga bagong damit mong nabili sa mga midnight shopping. Aba unahan mo na ang pagsikat ng araw, magshades ka na rin kung kinakailangan. For sure naman na makakailang shift ka ng simbang gabi mamaya para lang tumambay at magsearch ng boys and bae's.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento