'Hindi ka lamang yayaman sa Lotto bukas, mapapasakamay mo pa si Gemini at Scorpio ng sabay.' |
LEO (July 23 - August 22) - Makakahiligan mo ang klasikal na musika at ang lahat ng ito ay makakatulong sa depresyon at problema pero hindi sa alta-presyon. Mananatili kang mataba dahil matakaw kang hayup ka. Mababawasan ang paghanga ng isang lihim na nagmamahal dahil sa sobrang kayabangan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 28, 36, 41 at yellow green.
Yan ang sabi ng tabloid ngayong araw. Kaya kelangan bawas yabang muna habang nakikinig ng classical na tugtog at naka yellow green. Shetness, hindi ata ako yan.
Kapag nakakalito ang buhay-buhay, horoscope ang siyang takbuhan ko sa susunod kong mga hakbang. Pumalpak man, siyempre horoscope lang masisisi.
Noon yun.
Nadala na ko. Kalimitang pumalpak ang aking buhay sa kakasunod niyan. Ngayon binabasa ko na lang ang horoscope ng ibang tao. Gemini: Ang zodiac sign na nagpapatibok ng puso ko. Scorpio: zodiac sign ng taong nagpapapintig ng aking puson. Binabasa ko ang kapalaran nila araw-araw para malaman kung sumasang-ayon ang mga bituin sa aking masasamang balak.
Mas trip kong basahin ang Tagalog sa horoscope. May lucky numbers kasi. Na kapag tinayaan mo sa Lotto e unlucky naman. Kaya sa susunod naisip ko, bago tumaya, basahin muna ang lucky numbers,tapos ibang numero ang tatayaan. Baka mas malaki ang tsansang maka tsamba.
Ang kapalaran kasi minsan tsambahan. Hindi natutumbok ng kutob ang horoscope. Pero ayun basa pa rin ako ng basa. Parang hinihintay ang hulang magpapasaya sa akin. Kung ako ang gagawa ng sariling prediksiyon, malamang ganito ang isusulat ko:
LEO (July 23 - August 22) - Hindi ka lamang yayaman sa Lotto bukas, mapapasakamay mo pa si Gemini at Scorpio ng sabay. Para mapanatili ang lakas, limitahan lamang sa pitong beses ang pakikipagtalik. Paggising mo kinabukasan ikaw na ang may-ari ng Playboy Mansion at araw araw kang nakahiga sa piling ng mga anghel habang sinusubuan ka ng iba't-ibang klaseng prutas at higit sa lahat ubas. Ubas na may cyanide.
PS: at pagkakaen mo nito rekta ka na sa impiyerno. *Sabay pasok ng tugtog ng Radio Active Sago Project's - "Kapalaran"*
RASP - "Kapalaran"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento