'Biyahilo' |
Malapot na ang init, tagaktak ng pawis ang aking nararamdaman umaga pa lang. Uusad pa ang ilang araw at malapit na naman mag-summer pero may init din naman na mangyayari sa buwan ng Pebrero ang init na nakakapaso at init na magpapasiklab sa bawat mag-irog. Wag kang berde ang sinasabi kong init ay init ng pagmamahalan. At meron din naman paniguradong Disyembre pa rin ang feels sa lamig na nararamdaman yung mga tipong going solo. Ito yung mga single na tingin nila ang pagiging single ay sakit na mas malala pa sa kumakalat na Ebola virus. Balik tayo sa kainitan ng panahon, Enero pa nga lang ramdam na ang heat wave, at pagka-uhaw. Summer na at kung bibigyang pagkakataon na makapag vacation leave ay susunggaban ko ang pagkakataong iyon. Kailangan mag relax, mag unwind, tumakas sumandali sa riyalidad ng buhay. Pero saan naman? Batangas? Zambales? Boracay? Dakak? Aman Pulo? Wow medyo gagastos ka ng lapad sa mga lugar na iyan kaya't mabuti pang bumisita na lang muna sa aming probinsiya sa San Miguel, Bulacan. Parang ayaw ko munang magtampisaw sa dalampasigan, ayaw ko munang makakita ng mga beach girls na naka two piece, ayaw ko munang gumawa ng kastilyong buhangin, ayaw ko munang mag scuba diving sa Manila bay baka hindi pa nadadala ng alon ang mga tae at basura sa South China Sea, baka marumi pa. Kaya dito muna ako sa Bulacan, mananawa muna ako sa pagkain ng malamang chicharon habang isinasawsaw sa sukang paumbong na pagka anghang, ok na muna ako magpahangin sa bukirin ng aking tiyuhin. Sariwang hangin, masarap samsamin kahit mainit sa dapit-hapon ay hindi mo ramdam dahil sa presko ng hangin yung mga ganuong pakiramdam ang gusto ko ulet maranasan kung may pagkakataon.
Pero dapat kapag babiyahe na gusto ko naka reserve ako sa window seat. Hindi dahil sa ito ang dapat. Kundi dahil ito ang kailangan.
Makailang beses na rin ako bumabalik balik sa probinsiya, uhugin pa lang ako nun nang magsimula ang isang sumpa tungkol sa paglalakbay. Isang sumpa na dala ang pagkahilo, paghilab ng sikmura at pagduduwal. At ayon sa resident albularyo/manghuhula/nanay, mahiluhin lang talaga ako sa biyahe. Kaya simula noon, ang paglalakbay para sa akin ay isang trahedya na dapat pagdaanan ng paulit-ulit, ng paulit-ulit, ng paulit-ulit---(stop!). kaya't bata pa lang required na nasa window seat ako, para diretso sa labas ng bus ang idinuwal!
Akala ko ang pagiging mahihiluhin isang phase lang. Mawawala din kapag ika'y nag mature. Pero hindi. Tuloy pa rin ang paglalabasan ng mga remnants ng aking mga kinain tuwing bumibiyahe. Palagi pa rin ako sa window seat kaso kailangan ko nang magdala ng supot. Minsan kasi, habang mabilis ang takbo ng bus, at ako'y suka nang suka sa bintana, inililipad naman pala ng hangin ang....alam nyo na. Kaya ayun, yung ibang pasahero me basang kanin sa mukha.
Buti na lang nadiskubre ng Pfizer ang gamot sa biyahilo. kaya medyo guminhawa ang aking trips. pero hindi pala ganun kadali ito mawala...
Minsan, galang Batangas, sakay ako ng bangka papuntang kabilang isla ng Nasugbu. Dalawang oras ang biyahe nakapako ang aking puwit sa matigas na kahoy habang idinuduyan ka pataas sa ere at biglang ibaba pabulusok. Walang window seat, kasi malakas ang alon kaya kailangan takpan lahat. Ok lang. Nakainom ata ako ng pangontra hilo.
Pero bakit ganun? Pinagpapawisan ako ng malapot. Ipinahid ko na ang aking props na vicks at white flower pero ala pa rin. Umaakyat ang aking inalmusal sa lalamunan. Buong kagitingan ko pa rin itong pinipigilan habang humahampas ang malakas na alon. Ilang beses din tumigil ang bangka sa gitna ng laot. Sabi ko, magunaw man ang mundo sa oras na yun, hindi ko ilalabas ang sinangag at pritong itlog na kinain ko!
Me isang bata ang bumigay na. I mean naduwal at hindi nabakla. Naduwal na siya sa floor ng bangka. Sinundan ito ng kanyang nanay, tapos nung katabi nila. Tapos nung kaharap ko. Hindi ko kakayanin ang ganoong eksena kaya nilabasan este inilabas ko na! I puke like there's no tomorrow na. Puke fest talaga ang nangyari kasi halos kalahati ng mga pasahero nasuka. Ewan ko kung dala ng maalong biyahe o nadala lang sa diri ng nasaksihan. Ang ikinaiba ko lang, me dala akong supot. yung kanila, sinalo ng bangka lahat!
Kaya nga number one sa listahan ko tuwing bibiyahe ang plastic. Makalimutan na ang pamasahe wag lang yan. Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang sumpa ng paglalakbay. kaya't window seat pa rin as usual. Mga sanlibong biyahe pa at baka masanay na din ako. Hindi pala ako puwede maging Christopher Columbus o Miguel Lopez de Legaspi at baka sabihin lang ng lugar na mapuntahan ko e napakahina kong kongkeror baka bansagan pa akong puke boy. At tsaka na lang siguro matitigil ang pagiging adik ko sa Bonamine...
PS: Eh kung sa eroplano kaya puwede kong buksan ang window seat? Nasusuka ako eh.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento