Huwebes, Setyembre 17, 2015

Rape Scene 18+



'Basta may cupcake, may balak.'

Hindi lahat, basta may alak may balak, kahit walang alak meron akong binabalak. Sakto ang settings ng paligid; madilim, tahimik at walang katao-tao. Madali kong maisasagawa ang maitim kong plano. Napakadaling akyatin ng gate dahil napakababa, walang bantay na aso at walang CCTV. Ayos, tiba-tiba ako neto! Konting istrongka lang sa pintuan ng gate, ayos isang click lang bukas na ang pagkakatrangka. Alam kong mag-isa ka lang at mahimbing na natutulog. Nakalock ang pinto ng bahay, pero konting diskarte lang yan ng dala kong magic alambre. Nabuksan ko na nga, at dahan dahan para hindi lumangitngit ang tunog ng pintuan. Nakapatay ang ilaw sa salas, maya-maya ay narinig ko ang pag-galaw  ng tumba-tumba, shet may tao! napalunok agad ako ng laway sa tuyo kong lalamunan. Kumakabog ang dibdib ko at baka mahuli ako, pero para makasiguro dahan-dahan kong sinilip ang lugar kung saan ko narinig ang ingay. Mula sa ilaw ng poste ng Meralco na tumatama paloob sa bahay may naaaninag akong kulay puti, nanlilisik na mata at matatalas na pangil ang tumambad sa harapan ko! Lansiyak! Pusa lang pala! Whew! Buti na lang. Kaya't tuloy ang plano. Sa sobrang dilim papunta sa aking target ay kinakapa ko na lamang ang aking dadaanan. Hanggang sa wakas narating ko na rin ang kwartong aking pakay. Nagmamadali 'kong inilabas sa aking skinny jeans ang matigas, mahaba at matulis na bagay. Hahahaha! akin ka ngayon! Tamang tama, maipapasok ko na ito, alam kong masikip pero pilit kong ipapasok ito. Wala kang magagawa. Nakapa ko agad ang butas at dahan-dahang ipinasok ang aking kargada. Uhmmppp! Iiihhhhhh! Uhmmmppp! ang hirap ang tigas, ba't ganun? mukang matagal  mo na  itong hindi nagagamit. Pihit pakaliwa, pihit pakanan, labas at pasok, labas at pasok Uhhmmpppp pinagpapawisan na ako ng todo, shet ang hirap, pero paniguradong masisiyahan ako kapag nailabas ko na. Pihit pa, pihit pa konti na lang, labas at pasok, paulit-ulit ko itong ginawa, konti na lang at lumuluwang na, nawawala na ang sikip. Ohhh yeahhhhh!  Success! Nabuksan ko na ang baul gamit lamang ang baon kong 5 in 1 na nail cutter. Kinapa ko agad ang laman ng baul, makapal, parihaba ang hugis, at ang iba parisukat. Sa wakas, ang aking pinakamimithi, akin na ito wala nang balikan. Palabas na sana ako ng kwarto niya nang biglang bumukas ang ilaw. HOOOY!!! ANAK KA NG PITUMPUT PITONG PEKLAT! Bakit mo hawak ang koleksiyon ko ng letrato ni Frankie Arinoli?!? Sigaw ng matronang may ari ng bahay na may anim na curlers sa buhok at sobrang kapal na mud pack sa muka. 

Sabay biglang sigaw ni direk ng CUTTT!! Nice! Good take! Perfect!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento