Sabado, Mayo 7, 2016

101 Ways to say Thank You to your SuperNanay



'Ang love na pang-forever, manggagaling lamang kay Mother'


Hep! hep! bago kayo magbangayan at magpalitan ng maaanghang na salita sa Facebook, Twitter at kung ano pang social media,  baka naman makalimutan na natin ang darating na espesyal na araw. Araw na  hindi ko ipagpapalet sa kung anu mang paksa tungkol sa pulitika. Kahit naman sino pang umupo diyan kung walang pagbabago sa mga sarili e wala pa ring maibubungang kaginhawaan sa bayan ni Juan. Pero kung may Nanay ka at itunuro niya sa'yo ang mga golden rules noong uhugin ka pa lang eh malamang hindi ka siguro isa sa mga salot ng lipunan sa kasalukuyan.

Bago mo awayin si Kathryn at Daniel Padilla at magngangawa ng bias, bias diyan. Magtimpi ka muna tohl. Bigyan mo naman muna ng halaga ang araw na ito para makasama mo si Inay para mag celebrate ng Mother's Day. Oo tol, Mother's Day May 8  bago maghalalan. I-treat mo naman siya kesa sumama ka sa mga rally na wala namang maidudulot na kabutihan sa  buhay mo. Bigyang  tuon pansin mo naman si ermats kesa sa  nakaupo ka diyan maghapon at mag-rant ng mag-rant sa mga kaaway mo sa comment section ng Facebook. Tandaan mo tol hindi ka bibigyang kayamanan ng m ga manok na sinusuportahan mo at isa pa  pagkatapos ng halalan magkakaibigan pa   rin  yang mga yan. Eh ikaw? hindi ka na nga kilala personally ng sinusuportahan mong kandidato, nawalan ka pa ng kaibigan.



Ina. marami tayong katawagan sa kanila depende yan sa kinalakihan mo puwedeng mommy, mama, mamu, nana, inay, nanay, nay depende rin sa antas o kinamulatan ng buhay. Pero kahit pa sa anong katawagan, siya ang handog ng Diyos, upang sa kanyang sinapupunan, tayo'y siyam na buwan na nanahan. Maghahanap ka pa ba ng mirakulo? Hindi ba't sapat na mabuo ka bilang tao ay mirakulo ng Diyos? Aba, hindi biro ang tinitiis niya, mula sa paglilihi, sa pag-iingat sa atin habang tayo'y nasa sinapupunan niya hanggang sa mailuwal bilang sanggol. Hindi joke ang umire, kung tayo minsan nahihirapan sa pag-ire sa pag-jebs eh yung mga Nanay pa natin kaya kung ilalabas na tayo sa mundo. Lalo na kung  malaking bulas ka.

Ina... sa unang pagkarinig niya ng uha ng kanyang bagong silang na sanggol ay malimit na makikita ang pagpata k ng kaniyang luha, luha hindi dahil sa hirap, kundi ang luha ng kagalakan. Oo, kagalakan dahil iyon ang kaganapan ng kanyang pagkababae dahil maluwalhati niya tayong nailuwal. Lagi mo  rin  tatandaan na ang isang paa ng ating mga Nanay ay nasa kamatayan kapag dumating na ang araw ng kanyang panganganak. Kaya wala kang irarason kung bakit magkakaron ka ng galit sa   iyong Ina kapag tumanda ka na. Isipin m o na lamang ang kanyang hirap sa panganganak at dugo at pawis ang kanyang puhunan para  mapalaki tayo bilang mabubuting tao.

Ina...sa init ng pagmamahal, sa kanyang pagsayaw at paghehele habang pinatutulog ka niya, ang pagtuturo ng abakada, pagsusulat ng numero at letra ay ilan lang alaala ng kamusmusan na kasama siya. Minsan masungit, pero ang gusto lang nila na tayo ay mapanuto. Tinitiis nga niya ang lahat, maibigay lang ang ating mga pangangailangan.

Sabihin niyo na na ang nagsusulat ay mama's boy it doesn't matter ang sarap kaya ng may nagmamahal na Nanay. Kaya naman mayroon akong listahan ng pasasalamat sa aking ermats. Isang daang rason kung bakit ka namin minamahal at 100 reasons to thank you.

'Super throwback 34 years ago with my SuperNanay'


1. I wouldn't be here without  her. Of course!

2. Salamat po sa pagtuturo magbasa from the scratch sa mga lessons po sa abakada.

3. She's our boy/girl scout leader.

4. Salamat po sa higpit ng pagtuturo sa pagsulat at dahil dun di ako lumaki na parang kinahig ng manok ang sulat ko. = )

5. When life get's so stressful that I practically forget who I am, she reminds me.

6. Salamat po sa pagturo kung paano magtali  ng sintas ng sapatos.

7. No matter what, she is in my corner.

8. Salamat po sa pagturo na magdasal.

9. She's the glue that holds the family.

10. Thank you sa pagtuturo ng mga kagandahang asal at pagrespeto sa kapwa.

11. Her smile makes everything OK.

12. Salamat po sa  mga pangaral na ang mga hayup ay hindi dapat sinasaktan.

13. She is so good at shopping for bargains, it’s like a superpower.

14. Malaking tulong din ang pagturo ni Ina kung paano maglaba.

15. Because my mom was both mother and father.

16. Salamat po sa pagtuturo kung paano manahi ng nabutas kong pantalon..

17. She always tried to give me honest answers to the hard questions.

18. Hindi po talaga ako marunong magtiklop ng damit, salamat sa pagturo.

19. She still has the trophies I got as a kid.

20. Pinalakas niya ang loob ko sa pagpipirito, dahil takot ako matalamsikan ng mantika.

21. She accepts all my little quirks.

22. Salamat sa mga regalo tuwing aking kaarawan.

23. She makes delicious food. It can’t be found anywhere else quite like hers.

24. Salamat sa unang paggupit ng buhok at tandang hawak hawak niya pa ako habang ngumangawa at ginugupitan ng barbero.

25. She’s the one who makes birthdays and holidays happy.

26. Salamat sa pag-aaruga tuwing may sakit.

27. She loves giving advice, and especially when I take it.

28. Salamat sa paghihigpit lalo na noon kung kailangan talaga mag-aral ng mga lessons sa eskuwelahan.

29. I admire the volunteer work she does.

30. Salamat sa laging pagpapaalala na masama malulon sa bisyo.

31. She works hard.

32. Salamat sa pagtitiyaga sa pagturo ng Math.

33. No matter what you need, she probably has it in her purse.

34. Salamat sa araw-araw na baon noong nag-aaral pa. Bente lang solve na.

35. She connects me to my childhood and my roots.

36. Salamat sa pagtitiwala.

37. She lets me know that I make her proud.

38. Hindi siya nawala sa bawat graduation namin.

39. She took us to church every week so faith would be a part of our lives.

40. Hindi siya nagagalet sa tuwing nakakasunog ako ng sinaing.

 41. Those 8,976 school lunches she packed for me.

42. Salamat sa Magnolia Chocolait sa araw araw na baon noong kinder.

43. She’s always believed in me.

44. Salamat sa hotdog,bacon,spaghetti mga masasaraop na pagkain.

45. She taught me all I needed to know about being a good human being.

46. Salamat sa suporta sa pag-aampon ng stray cats.

47. She taught me to believe in myself.

48. Salamat sa mga binibili noon na mga bagong damit.

49. She instilled in me a deep love of ice cream.

50. Salamat noon sa brick game at unang namulat sa mga electronic device.

51. I got my weird sense of humor from her.

52. Salamat sa pagturo kung paano ikabit muli ang tsinelas kapag napigtal at sinabi na hindi ko kailangang umiyak.

53. She fixed my bangs when I cut my bangs.

54. Salamat sa pag-gabay  sa amin noong unang  pagpasok sa eskuwela at gusto namin na nandiyan ka lang sa aming tabi.

55. She is still a pushover—except when it matters.

56. Salamat sa araw-araw na pagsundo at hatid sa  eskuwela.

57. Through runny noses, fevers and heartbreaks, she was the best nurse ever.

58. Salamat sa lahat ng gamit noong nagaaral pa simula sa bag hanggang sa mga gamit pang eskuwela.

59. She loves bright colors and she makes life more colorful.

60. Salamat sa pencil case  na maraming kabinet o lalagyan na kinaiingitan ng mga kaklase ko.

61. Salamat sa mga laruan na nawala na lang sa panahon.

62. Salamat sa treat sa Jollibee every simba sa Quiapo noong kami ay musmos pa.

63. She taught me good manners, and they really come in handy.

64. Sa  paglalaba, salamt sa instruction na hindi kailangan  paghaluin ang may kulay sa puti.

65. Salamat  sa mga coloring books at duon natutong magkulay.

66. Salamat po sa mga notebooks kong may cover ng Thursday edition ng That's Entertainment.

67. Salamat po sa pagpapalet ng lampin noong kami ay sanggol pa.

68. Thank you for the nights you stayed up putting me to sleep.

69. Thank you for wiping my nose, bottom and tears.

70. Salamat sa mga sapatos, tsinelas at medyas.

71 . Salamat sa pagtulong sa mga assignments lalo na pag Math.

72. Thank you for allowing me to make mistakes.

73. Salamat po sa mga advice.

74. Thank you for providing me with boundaries and rules to follow.

75. Salamat sa unang lobo sa ika unang taon ng aking kaarawan. Tanda ko pa na pink at blue ang kulay ng lobo na yun.

76. Salamat po sa paghihilot sa tuwing may pilay ang aming likod.

77. Thank you for rubbing my head and telling me things will be okay.

78. Salamat sa pagbili ng bola para suportahan ang hilig ko sa basketball. Yung Milo yung green at white ang kulay.

79. Salamat  po sa pagtimpla ng kape sa tuwing masama ang gising sa  umaga.

80. Salamat sa almusal, tanghalian at hapunan sa masasarap na pagkain sa araw araw.

81. Salamat po sa pagtuturo ng pagtitipid.

82. Ang mga walis, tsinelas, sinturon, hanger ang mga naging instrument of destruction niyo po para lamang kame masuheto. Maraming salamat po sa mga palong aming natamo.

83. Thank you for being protective.

84. Salamat po s amga vitamins pamprotekta sa aming kalusugan.

85. Thank you for understanding me without me having to say a word.

86. Salamat sa  regalong relo na Benetton noong high school kaso nadekwat sa LRT dalawang araw ko pa lamang nasusuot. 

87. Salamat po sa pagtanggal ng aming takot tungkol sa mga multo at kung ano ano pang kinatatakutan ng bata noon.

88. Thank you for encouraging me when I've done something right.

89. Salamat sa pagturo sa amin na kailangan namin sa katawan ang gulay at prutas.

90. Salamat sa mga gamot sa tuwing kame ay magkakasakit.

91. Thank you for instilling family values in me.

92. Salamat sa pagpukpok na mag-aral ng mabuti.

93. Thank you for all the sacrifices you have made.

94. Salamat sa pagpapaintindi kung ano ang tama at mali.

95. Thank you for being and doing your best to make us happy.

96 . Salamat sa pag-aalala sa tuwing sasapit ang gabi na wala pa sa bahay.

97. Thank you for your time, effort and unconditional love.

98. Salamat sa mga pangaral at kabutihang-asal.

99.  Thank you for the way you embody grace, love, humility, kindness and selflessness.

100. Thank you for being you and for being the kind of parent.

101. Salamat po sa lahat lahat lahat ng pag-aasikaso.

At sa mga mambabasa na maagang iniwan ng kanilang mga Ina, maging ito ay paglisang panandalian o dahil tinawag na siya ng Maykapal, alalahanin natin at ipagpasalamat ang mga araw na nakapiling natin si Nanay, ang kanyang yakap at haplos ng kanyang pagmamahal, ang kanyang mga ginintuang aral at prinsipyo, ang mga masarap na luto niya, ang paghele niya sa iyong crib o duyan, na bahagi  siya at ialay natin sa kanyan ang anumang tagumpay na ating naabot...Sana nga lang kung maaari na lang tayong musmos na kapiling si Nanay...

Happy Mothers Day po lahat ng mga Nanay mula sa Ubasnamaycyanide.








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento