Linggo, Mayo 1, 2016

Shower Time [Rated SPG]



'Wiggle, wiggle, wiggle'


Babala: Ang post na ito ay Rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaring may maseselang tema, lengguwahe, karahasan, sekswal, horror o droga na hindi angkop sa mga bata at bakla.



Para na nga rin sigurong akong si Vice Presidentiable Antonio Trillanes IV kung ako'y magtatanong sa inyo, kung paano kayo maligo sa loob ng inyong bawat palikuran. Hindi ako tulad ni Trillanes na gustong silipin ang inyong mga materiales fuertes na inyong pinakakatago-tago. Ang tanging nais ko lang malaman ay kung meron kayong mga ritwal at aktibidades bago kayo tuluyang mag shower. Pero parang ang halay naman ng dating ng post na ito kung yun ang pakay ko sa inyo. Di bale nalang ayoko na lang malaman baka isipin niyo pa na ako'y  matandang hukluban. Yun naman ay joke lamang. Oo  joke lang, ako lang siguro yung may edad na mahilig mag-joke, pero ako yung nagjojoke na walang magtatanggol sa akin di katulad nung isang tao na kahit mag joke siya at maraming na-offend sa joke niya ay marami pa  rin ang magtatanggol sa kanya. Wala akong grupo ng tao na bawat salita ko ay bibigyang kahulugan ng mga alipores ko maialsa lang ako sa kahihiyan. Wala akong espesyal na supporters para sabihan ang karamihan na marami lang naninira sa akin at lahat ng iyan ay black propaganda lamang. Hehe, oopsss easy at baka marami ng iba't-ibang hugis at tulis at sari-saring kilay na nagtataasan habang binabasa ito. Pero ang mahalaga ang post na ito ay hindi tungkol sa rape. Maliligo lang ako sa post na ito. Peace!

Psst, ikaw ilang oras ka ba maligo, gaano katagal ang ginugugol mo para makahanap ng peace of mind sa palikuran niyo? Kung ako ang iyong tatanungin, oo matagal ako sa loob ng banyo. At maraming seremonyas bago ko masabi na nahugasan ko na ang buo kong pagkalalaki sa isang araw.

:)

First thing first na ginagawa ko sa banyo matapos maghubo ay manalamin muna at hangaan ang laki ng aking tehbulats habang kinakamot ang pisngi ng aking puwit. Mga ten seconds yan with the tune of (Wiggle,wiggle,wiggle). Takot ako sa unang buhos, lahat naman tayo takot sa mga unang pagkakataon di ba? (hugot) Sapagkat guguhit ang malamig na tubig sa katawan, pero para maiwasan ko yun ay iisip muna ko ng kakantahin kasabay ng unang pagbuhos ang pasigaw na chorus ng lyics ng "Baby" ni Justin Bieber at kasunod ang Tubig at Langis themesong kapag kinaya ko na ang lamig ng tubig. Pero napapaisip din talaga ako kung bakit ako nagtatagal, iniisip ko kung ano ang dahilan. Di ko naman gawain na magsagot ng palaisipan ng Remate at magbasa ng Xerex Xaviera  ng Abante  habang nakaupo sa kubeta. Hindi rin naman ako nagyoyosi at lalong hindi rin ako nagsasal2x.....
 
Kadalasan kapag nagshashampoo ako, pinapatayo ko ang aking buhok na parang mohawk. Sa ganoong paraan ko lang kasi nagagawa  yun, kapag tuyo na kasi ang buhok ko ay puwede nang gawing sintas ng sapatos sa tigas. Basta iba't ibang trip na design, nagawa ko rin hatiin ang buhok sa gitna na parang si cachupoy at panay kagaguhan na lang na mapapangiti ka sa salamin. Shet... total waste of time pero masaya.

Isa rin siguro sa nakakatagal na oras na ginugugol ko sa paliligo ay ang bath tub na ito. Ang aking pinakamahabang oras ng paliligo ay hindi sa pagkuskos ng sabon sa mabalahibong parte ng aking katawan. Kundi si paglalaro. Oo, hindi matatapos ang isang araw na hindi ko ito pinaglalaruan. Naglalaro kami ng alaga ko habang pinaliliguan ko din ito. Meron akong rubber duckie. Pinapatunog ko si duckie habang nginangatngat niya ang rubber. Iisa shampoo namin. Kung dati pa silk silk lang shampoo namin katulad ng Sunsilk at Cream silk ngayon iba na, lumipat na kame sa Shokobutso Hanna, imported made in Japan at malamang shampoo Maria Ozawa. Mabisa daw itong pampalambot ng buhok, kahit na ano pang parte ng buhok sa katawan mo  kaya nitong palambutin at gawing shiny na parang buhok ni Vice Ganda (buhok ng kabayo talaga gusto kong i-klaro). Balik tayo kay Rubber oo siya ang kasa-kasama kong maligo (kapag may time). Kailangan daw kasi masaya ang atmosphere sa loob ng banyo para hindi matakot ang aso.

Marami rin ang naglalaro sa aking makitid na isip kapag nasa loob ng CR. Nakasanayan ko na  rin kasi dito gawin ang mga matitinding pagninilay-nilay sa mga seryosong bagay. Sa banyo ako nagdedesisyon ng aking mga options sa life. Kagaya ng kung sino ang pipiliin kong presidente, pero nung oras na bigla akong najerbaks ay shet kako, ano ba 'tong jebs ko ngayon ang itim naman, biglang sumagi sa isip ko si Jebsjomar ay puta sabi ko masamang pangitain 'toh. Hindi, hindi siya ang  iboboto ko. Minsan may naiisip din ako tungkol sa pag ibig, ano pa ang mas masakit ang ma-reject o mag-let go? Natatakot din ako minsan sa mga pumapasok sa kukote ko na  baka sa isang pagbuhos ko ng tubig at napapikit ako at baka pagmulat ko nasa gitna na ako ng dagat. Yung mga datingan na time travel sa isang iglap, kaso shet naka hubo ako baka pagkamalan nila akong merman. Buti sana kung sa Playboy Mansion ako mapupunta. Kahit siguro duon na ako laging maligo kasama ng mga chix ni Peter Northpark at ni pareng Hugh Hefner.

Meron pala akong sikreto sa banyo na malamang sekreto din ng iba. Ang banyo namin nagiging North Korea minsan  kapag nagpakawala na ko ng nukliyar. Dito ko pinapakawalan ang pinakamatitindi kong utot. Kung baga sa bangayan, no holds barred. Kawawa ang mga insektong na trap sa banyo sa  araw na iyon. Dahil last day na nila sa Earth dahil sa nukliyar na sumabog. Deads! Matindi ba sa Baygon, malupit pa sa katol na nagsabing "lemok segureydung teypok". Pero pansin mo ba na  mas greater ang bantot ng utot kapag sa banyo pinakawalan kumpara sa ordinaryong utot? Ahh baka siguro na trap sa pantalon kaya hindi gaanong kapinsala sa  ilong ng iba.

Kalimitan isinasabay ko rin sa aking paliligo ang pag wewee. Ang sabi ng iba mali daw yun. Eh  bakit naman mali sinabi ba yan ng mga feng shui experts? Ang sarap kaya umihi na wala kang pinupuntirya. Ang sarap ng freestyle (Wiggle,wiggle,wiggle).

Minsan may nakasama akong maligo. Napakasarap pala. Me maghihilod ng iyong likod. May maglilinis ng iyong pusod..etc. At iyon na nga ata ang pinaka matagal na oras ko sa paliligo. (Hindi ko isinasama ang aso sa paliligo sa mga ganitong pagkaka taon).

At ang kahuli-hulihan kong ginagawa sa banyo bago lumabas ay manalamin at hangaan ang laki ng aking potato chips. Basta...









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento