|
Atlantic Starr - "Always"
Sa dinadami-dami ng Ped Xing sa Pilipinas kung saan marami kang nakakasalubong na taong tumatawid sa kalsada, nagaabot ng pamasahe mo kapag sumasakay ka ng jeep, mga taong nakakasalamuha kapag nasira ang MRT at sabay sabay kayong naglalakad sa railings, nakakasama sa trabaho at mga naglalabasang nakakaakit na larawan sa newsfeed mo, asahan mo tohl makakakita at makakakita ka ng mas higit sa kanya. (Yung mas spicy, mas appetizing, mas mabait, mas sweet at mas malaki dede, mas bibigyan ka ng oras at panahon, at higit sa lahat mas malapit.)
Aabot ka sa sitwasyon na mararamdaman mo na "parang mahal mo na lang siya", kumbaga from "hayok sa pagmamahal" hanggang sa "medya medya na lang". Alam mo sa sarili mo na mahal mo pa rin pero hindi na katulad ng dati. Yung pakiramdam na unti-unting nauupos na parang yosi pero alam mong nagvavape ka na pala at hindi nawawala. Yan na nga siguro yung "Falling out of love".
Ang pagmamahal ay hindi lang naman sa basta tungkol sa bugso ng damdamin, hindi lang kung sa anong nararamdaman, hindi sa kung ano ang ipinahihiwatig ng pusong palaban. Hindi ka nagmamahal dahil lang sa rasong dito ka masaya. Kung gusto mo lang magmahal dahil gusto mo masaya, eh di mag happy meals ka na lang everyday kapiling si Jollibee. Dahil kung gusto mo lang maging masaya, gusto mo lang makinabang. Nanggagamit ka lang ng ibang tao dahil gusto mong sumaya. (Eh di sana nagpamassage ka na lang. Masaya din yun sa feeling.)
Ang pag-ibig ay isang tuluy-tuloy na pagpili. Ang pagpiling mas tingnan kung anong meron sa kanya dahil kuntento ka na kesa sa mga pagkukulang niya na pwede mong makita sa iba. Isang pagpiling hindi dahil sa yun ang tama at kailangan o dahil sa isa lamang siyang bahagi ng pagpipilian. Habang buhay mo siya pipiliin dahil sa kanya mo pa rin gustong manatili. Dahil siya ang huli at wakas. Ang pagpili na wala ng pagpipilian pang iba kug di siya.
Because staying in love needs commitment!
Pero pinakamahirap pa ring magdesisyon - "kung saan ba talaga kayo kakain?"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento