Linggo, Enero 18, 2026

Patalasan ng Memorya: Describing The High School Places and Memories Part 2


Isang mapagpalang hapon sa ating lahat. Matagal-tagal ding nagpahinga ang aking panulat, tila huminga muna bago muling sumuong sa ikalawang yugto ng patalasan ng alaala ng ating mga taon sa high school. Ngayon, muli ko itong hinahawakan— dahan-dahan, may paggalang sa panahong lumipas— at inaanyayahan ko kayong idampi ang inyong mga tainga sa mga kuwentong aking ilalahad, mga masasayang gunita ng ating kahapon na minsan ay iniwang nakabitin sa hangin.

Mula rito sa aking upuan, tahimik akong nakatanaw sa langit, hinahanap ang tamang salita, habang tinatahak ng isip ang kalawakan ng mga alaala na minsang naging tahanan ng ating kabataan. Sa aking kanan, may isang pusang gala— nakahiga sa ibabaw ng lamesa,
may sariling mundo, may sariling espasyo. Si Miming— iniligtas namin noong panahong nagngangalit ang mga paputok bago mag-alas-dose.Mula noon, natagpuan niya ang kanlungan, at natutunan ang oras ng pagkain, kasabay ng aking mga alagang pusa’t aso. Ngayon, palagi na siyang bumibisita—tahimik na saksi sa bawat salitang aking binubuo.

Sa katahimikang ito, pinipili kong magpokus, upang ihatid sa inyo ang mga lugar, tagpo, at sandaling humubog sa atin sa loob ng ating minamahal na paaralan. Muli, samahan ninyo ako— sapagkat ang alaala, kapag pinagsaluhan, ay lalong nabubuhay.

May mga Sabado sa paaralan na tila nakatupi pa rin sa aking puso— mga araw na payak, ngunit punô ng tuwa. May tiket noon para sa film showing, ginanap sa tahimik naming aklatan, na sa isang iglap ay naging munting sinehan ng kabataan. Noon, ang Sabado ay tunay na araw ng mga bata— malaya ang oras, magaang ang hininga, sapagkat wala pang pasok kinabukasan at ang mga takdang-aralin ay nakaabang pa sa Linggo. Kaya’t buong galak akong pinayagan ng aking ina, binili niya ang aking tiket, at ako’y pumasok sa paaralan na may dalang pananabik.

Nasa Grade 6 pa lamang ako, musmos pa ang isip, ngunit malinaw pa rin sa alaala ang tanawin: tinanggal ang mga lamesa’t upuan, ang sahig ay pinunuang upuan ng mga batang nakasalampak, ang iba’y nakatayo, at sa pader, sumayaw ang mga anino ng pelikula mula sa projector ng paaralan. May numerong iniabot sa amin— noo’y hindi ko pa alam na iyon pala’y paanyaya sa suwerte. Ang pelikula ay “Benji”, isang asong gala sa gilid ng bayan, walang tahanan ngunit may pusong marunong magmahal, tahimik na naghahangad ng lugar na matatawag na sarili. Sa bawat eksena, tila may humihila sa damdamin— ang pagkakaibigan, ang pag-asa, ang pagnanais na mahalin.

Mahigit isang oras at kalahati ang lumipas, at paglabas namin ng aklatan, bitbit ng bawat bata ang luha at ngiti. Isang lumang pelikula mula 1974, ngunit ang tama sa puso ay sariwa pa rin. At tila hindi pa roon nagtatapos ang himala— may raffle pala. Binunot ang mga numero, at sa unang pagkakataon sa aking buhay, ako’y tinawag ng suwerte. Ang aking napanalunan: isang malaking kahon ng Koko Krunch

Para sa isang bata, iyon ay higit pa sa premyo— isa iyong tagumpay, alaala, at ligaya. Kaya’t umuwi akong busog sa saya: may pelikula, may pagkain at inumin, at may cereal na nilantakan ko sa aming tahanan. Sulit na sulit ang Sabadong iyon— isang munting kabanata ng kabataan na hanggang ngayon, ay masarap pa ring balik-balikan..

Noon, maraming pumapasok sa silid-aklatan hindi upang makipagtagpo sa mga pahina ng libro, kundi upang sumilong sa malamig na hininga ng aircon. Sa panahong yaon, bihira ang tahanang may ganitong luho— tanging ang mga mas nakaaangat lamang sa buhay ang may pribilehiyong iyon. Sabik kami sa lamig, lalo na sa ilalim ng matinding init ng dekada nobenta, kapag ang pawis ay bakas pa sa aming mga noo matapos ang nakakapagod na oras ng PE. Kaya may mga pasaway na dumidiretso sa library, naghahanap ng pahinga, hindi ng kaalaman. Ngunit hindi rin nagtatagal ang aming pagtatago; agad kaming tinutunton ng matang mapagmatyag ng librarian, at kami’y pinalalabas— sapagkat malinaw sa aming anyo na ang hinahanap namin noon ay hindi libro, kundi lamig.

Ang aming silid-aklatan ay nakadapo sa paanan ng hagdan, sa gawing kaliwa— at sa lilim ng bawat baitang, nakatago ang munting kaharian ng mga locker. Maging sa harapan ng library, nakahilera rin ang mga bakal na tagapag-ingat ng lihim, bag, at pangarap ng mga mag-aaral sa high school. Kapag ikaw ay varsity, may himalang kasama ang iyong pangalan— libre ang locker fee, parang gantimpala ng lakas at sipag. Sa mata ng paaralan, ang varsity player ang sukatan ng astig at pogi: siya ang sinisigawan ng palakpakan, ang sinusundan ng hiyawan ng mga chicks tuwing may interschool competition.

Mehro - Chance With  You

Ikaw ang chinicheer, ikaw ang pamoso, ikaw ang laging napapansin— dahil sa husay sa basketball, sa tikas ng katawan, sa kumpiyansang humahataw sa court. At minsan, sa kakaibang batas ng kabataan, tinatabunan pa ng isang varsity jersey ang talino ng estudyanteng nasa star section.

Sa paanan din ng hagdan, nakatago ang munting tanggapan ng aming guro sa PE— isang silid na parang baul ng galaw at sigla. Doon ka maaaring manghiram ng bilog na pangarap: bola ng basketball at volleyball, raketa ng badminton at mga shuttlecock na tila ibon sa himpapawid, pati darts at iba pang kagamitang humuhubog sa pawis at tawa ng kabataan.

Medyo mataray si Mrs. Latonero, may titig na kayang patahimikin ang magugulong paa, ngunit sa likod ng mahigpit na anyo ay may pusong marunong umunawa. Basta’t tama ang oras ng paghiram, at marunong kang maghintay, ang kanyang “sige” ay parang hudyat ng kalayaan— isang pahintulot upang muling tumakbo, tumalon, at maging bata.

Mukhang hanggang dito na lang ang pag uusapan natin tungkol sa mga alaala sa lugar sa loob ng ating eskuwelahan. Dadako naman tayo kung saan nangyayari ang mga bagay-bagay sa labas ng eskuwelahan. Hindi ka puwedeng umuwi o lumabas ng eskuwelahan lalo na kung school hours pa. Ang mata ni Mang Jess ay parang agila na laging nakabantay sa mga gate ng school kung may mga estudyanteng gustong mag istokwa sa oras ng klase. 

Sa oras ng uwian nagsisimula ang pinakamatitingkad na alaala— sandaling kalayaan bago tuluyang lamunin ng dilim ang mga kalsada. Panahong maaari kang maglihis ng kaunti, maglakad nang walang hinahabol na oras. Ngunit ako’y batang homeboy, ang landas ko’y tuwid pauwi, subalit hindi kailanman tahimik. Sapagkat ang pagsabay sa mga kaklase sa pag-uwi ay isa nang piyestang araw-araw na handog ng kabataan. May kuwentuhang humahaba sa bawat kanto, may asarang walang preno, at food trip na parang ritwal— kanya-kanyang hawak na stick na tinuhugan ng kwek-kwek, fishball, kikiam, o kung anumang abot-kaya ng bulsa at gutom. Wala pang plastik na baso noon, stick lang at saya, sapat na. Habang naglalakad, kumakapit sa palad ang mantika at sa hangin ang tawanan. May bangka sa tropa— tagapagdala ng walang katapusang kuwento, sentro ng katatawanan, pinagmumulan ng mga salitang bago, mga salitang sa amin lang muna nabubuhay. Ganito kasaya ang uwian habang dahan-dahang lumulubog ang araw— kasabay ng ngiti naming ayaw pang umuwi sa alaala.

Tuwing Biyernes, kusa akong lumilihis sa landas ng pag-uwi—sapagkat iyon ang araw ng pangako, ang araw ng bagong labas na mga kuwento na hinihintay ng aking mga mata at puso: ang Funny Komiks. Sa kanto ng Angel Linao Street, may munting komiks stand na tila dambana ng imahinasyon, nakatayo sa harap ng panaderya kung saan ang amoy ng bagong lutong tinapay ay humahalo sa amoy ng bagong pahinang papel. Doon kami bumibili, doon din kami nagbabasa— sabay kagat ng putok o Spanish bread, sabay higop ng Fanta o Sarsi, parang ritwal ng kabataang sabik sa kuwento.

Maraming nagtitipon sa komiks stand— mga panahong adik pa ang mundo sa pagbabasa. Nariyan ang mga diyaryo, malalaki at mabibigat sa balita; ang songhita, mga magasin, mga pocketbook na kayang maglakbay ng isip kahit nakatayo ka lang sa kanto. Wiling-wili kami noon, binubuo ng mga letra ang aming mga pangarap. Ngayon, tahimik na ang mga sulok. Wala na ang pagtitipon, wala na ang sabik na mga mata sa pahina. Halos wala nang nagbabasa. Lahat ng iyon ay naiwan na sa isang dekadang tinawag naming tahanan— ang dekada nobenta, kung saan ang kuwento ay binabasa, hindi ini-skip.

Ngayon naman, masasabi kong masuwerte ka kapag malapit ka lang sa tindahan ng school supplies— sapagkat sigurado, isang daang porsiyento, may nakalimutan kang ipabili kay nanay na kakailanganin mo kinabukasan. Isang bilin ni teacher: Manila paper, art paper, mga gamit na biglang nagiging mahalaga kapag gabi na at bukas na ang pasahan. At dito pumapasok ang himala ng Miannis— isang kanlungan ng mga batang makakalimutin, isang tagapagligtas ng mga estudyanteng nagmamadali. Ang tindero roon, si Mang Filemon, tahimik ngunit maaasahan, ang bantay ng papel, lapis, krayola, at pangarap. Ang tindahan ni Mang Filemon ay parang munting National Bookstore ng San Andres, Maynila noon— lahat ng hanap mo, nariyan. Hindi ka niya bibiguin, kahit anong naiwan sa listahan ni teacher, may sagot siya sa iyong kaba.

At paano ko nga ba makakalimutan na sa harap mismo ng Miannis ay may isa pang piraso ng alaala— ang 3M’s Pizza. Ilang ulit din naming tinikman ang saya roon, panahong wala pang GrabFood, wala pang delivery sa isang pindot. Noon, kapag gusto mo ng pizza, lalakarin mo, pupuntahan mo, o iuuwi mong mainit at amoy keso. At ang 3M’s Pizza? Kahit simpleng pizza stand lamang, panalo sa lasa— malutong ang crust, umaapaw ang keso, at ramdam ang bigat ng karne sa bawat kagat. Isang patunay na noon, hindi kailangang sosyal o mahal para maging masarap, para maging alaala.

Sa gilid ng simbahan ng San Antonio de Padua, nakatabi ng tahimik na dasal ang payak na buhay— mga karinderyang umausok ang ulam,
mga tindahan ng bulaklak, sampaguita, at mga pigura ng santo’t santa na tila nakatingin sa bawat nagdaraan.

Hindi ko malilimutan ang halimuyak ng mga bulaklak na sumasalubong sa umaga, banayad at banal, parang panalanging hindi binibigkas
ngunit ramdam sa dibdib. Nakasabit din doon ang mga eskapularyo at rosaryo, mga hibla ng pananampalataya sa pagitan ng mga daliri,kasama ang mga korales— pula at itim na pulseras ng paniniwala, isinusuot sa mga sanggol bilang panangga sa usog at masamang mata. Nagkaroon ka rin ba noon, noong ikaw ay musmos pa? Isang maliit na alaala ng panahong ang mundo’y simple, at ang proteksiyon ay hinahabi mula sa dasal, tradisyon, at pagmamahal.

Aqua - Turn Back Time

Lahat ng mga uso noong dekada nobenta ay tila nagsisiksikan sa harap ng aming eskuwelahan— isang makulay na palengke ng kabataan at kalokohan. Naroon ang mga tindero’t tindera ng kung anu-anong hilig ng panahong iyon, mga munting bagay na ngayon ay alaala na lamang. May mga kwintas na ang palawit ay nakakulong sa salamin, may tubig sa loob na tila kumukulong dugo— pulang likido o kulay kahel na bumubula, nakakaakit, misteryoso pero walang  may alam kung para saan. Parang lihim na naka archive noong kabataan. Mayroon ding mga makukulay na beads na isinasabit sa ID— kaya biglang naging proud kaming isuot ito sa dibdib, hindi dahil sa pangalan o seksyon, kundi dahil sa palamuting sumasayaw sa bawat hakbang. 

At nang sumikat ang Tamagotchi, tila may kanya-kanya kaming munting mundo sa palad— mga digital na alagang dapat pakainin at alagaan. Ngunit saglit lamang ang ligaya, sapagkat agad itong kinumpiska, bawal daw sa loob ng silid-aralan ang ganoong saya. Ngunit ang pinaka-kakaiba— ang alamat ng mga kaklaseng may tililing: may isang nagdala ng garter snake sa eskuwela, itinago sa bag na parang karaniwang gamit. Hindi man makamandag, ang sigaw ng mga takot sa ahas ay umalingawngaw sa buong hallway— dahil bihira naming makaharap ang ganoong hayop sa pang-araw-araw. At oo, sa panahon namin, hindi uso ang sabong ng manok— kundi sabong ng gagamba! Mga posporo ang nagsilbing bahay, at tuwing breaktime, dito nagsisimula ang laban at pustahan. Ganyan ang harap ng eskuwelahan noon— isang entablado ng uso, kabaliwan, at kasiyahang naiwan na sa dekada nobenta, ngunit patuloy na nabubuhay sa ating mga alaala.

Wala nang hihigit na tamis sa meryendang dala ng kanto, sa tindahan ni Fermin St., tuwing periodical exam ay dumadalaw. Tinig ng nagyeyelong Sarsi, halimuyak ng tikoy roll na homemade, na bawat kagat ay alaala ng araw-araw naming pagbisita.Simula nang matuklasan ang maliit na paraiso, ang aming hakbang ay awtomatikong naglalakad patungo rito— Sarsi at tikoy roll, simpleng kaligayahan sa lalamunan, kasabay ng utak na naglalaban sa sagot ng pagsusulit. Sa bawat higop ng Sarsi, nailalabas ang pagkadismaya, ang init ng pagkabigo, natatabunan ng tamis at lamig. Sarsi, higit sa iba, higit pa sa simpleng inumin, ito’y musika sa panlasa, kaagapay sa gutom at pag-iisip.

Di ko alam, ako lang ba? Noong makagraduate tayo, makatapos ng kolehiyo, nag-asawa, nagkaanak, at ang iyong anak ay nakapasok na rin sa paaralan, nariyan pa rin— ang 7-11 branch sa harap ng ating eskuwelahan. Saksi ito sa bawat araw nating pagpasok at pag-uwi, sa bawat lagok ng unli Slurpee na tila walang katapusan, sa huling minuto ng binili mong snack bago sumakay ng bus sa araw ng field trip.
Para sa akin, espesyal ito, ang 7-11 na ito, na noong 2023, huling pinasyalan ko sa aking bisikleta, at ramdam ko ang nostalgia, ang pinakamatandang 7-11 sa San Andres Bukid, tila nakatayo pa rin, tahimik na saksi ng oras.
Dito ko rin nasaksihan ang pagpunit ng loveletter ko ni... na ipinasa ko sa aking messenger, diretso sa basurahan— hahaha, mga alaala!
Mga sandaling ang simpleng convenient store, ay naging bahagi ng ating kabataan, ng ating mga lihim at komedya, ng ating lumipas na dekada.

Sabi sa wrestling, kapag may hidwaan, “Settle it in the ring.” Ganito rin kami noong high school, may isang lugar para tapusin ang alitan—
Smith St. Lahat ng basaguleros, alam ang daan, kung saan ang maliit na away, o ang agawan ng jowa, nagwawakas sa semento ng kalsada. Bakas pa sa Smith ang panuntukan, ang tadyakan, ang sigaw ng riot. Di ito kalayuan sa eskuwelahan, harap lang, at harap din ng Miannis ni Mang Filemon. At paglipas ng araw, bawat kamao, bawat galit, natutunaw sa bati-bati. Kinabukasan, bestfriend ulit, sa sabong ng gagamba, o sa laro ng pera—1-3 last.

Mukhang marami na akong naibahagi sa Part 2, pero gusto niyo pa ba ng Part 3? Parang ako mismo, sabik sa ikatlong kabanata, kung saan pangalan at alaala ng bawat isa’y lilitaw. Bulagaran ng crushes, mga katawagan sa school, at mga kwento’t tawa ng nakaraan. Kung sinipag muli, handa na ang mga alaala— hanggang sa muli, hanggang sa susunod na kwento!



Miyerkules, Enero 14, 2026

Dear Diary ng Kwarenta - January 5, 2026

 


Just like yesterday, there isn’t much to write today. Same routine, still our rest day. Tomorrow, work resumes again in the afternoon.

One thing I continue to appreciate is the cold weather every morning. It makes waking up easier—or sometimes makes it nicer to stay in bed a little longer. I usually wake up around 9 AM and take advantage of the cool air, something we don’t often get to enjoy here in the Philippines.

Last night, we woke up when Pixie started crying. She needed to poop and didn’t want to do it on the bed sheets. We took her outside so she could finish her business. The 3 AM cold air was surprisingly soothing. It didn’t take long for us to fall back asleep afterward.

This is the hard part of having a puppy—you have to care for them almost like an infant. Tiring at times, but also heart-warming in its own way.

Another quiet day. Still grateful.




Linggo, Enero 11, 2026

Are Filipinos Really Friendly?

 

Marami akong napapanood na video ngayon—karaniwan ay mga street interview—kung saan tinatanong ng isang foreign vlogger ang mga turista at expat ng isang tanong:

“Which country has the friendliest people?”

What caught my attention is that almost 8 out of 10 respondents answered: Filipinos.

Nakakaproud pakinggan di ba? Kilala nga naman tayo bilang hospitable at mababait. Madaling ngumiti, madaling tumulong, at parang hindi nauubusan ng kwento. Pero napaisip din ako:

Talaga bang palakaibigan ang mga Pilipino sa lahat? O mas mabait lang tayo kapag dayuhan ang kaharap?

There’s no denying it—Filipino hospitality is real. When foreigners visit the Philippines, they often experience:

  • Being invited into homes by people they barely know

  • Being offered food, even when the host doesn’t have much

  • Strangers going out of their way to give directions or help

  • Endless smiles, jokes, and conversations

For many Filipinos, making visitors feel welcome is almost instinctive. We want guests to feel comfortable, safe, and happy. It’s part of our culture—and also our pride. Because of these treatments, others chose to come back to the Philippines, and others really fell in love not only with the nature and beautiful landscapes, but also with the people.

Pero paano kapag kapwa Pilipino na? Dito nagiging masakit na katotohanan ang tanong. Kapag sarili nating kababayan ang kaharap, tila minsan nawawala ang parehong init at malasakit. Sa araw-araw na buhay, makikita ang mabilis na pag-init ng ulo sa mga pampublikong lugar, ang panghuhusga batay sa itsura o estado sa buhay, at ang kakulangan sa pasensya at ngiti. Nakakalungkot isipin na ang kabaitang bukal nating naibibigay sa mga dayuhan ay hindi palaging naipapakita sa sarili nating kapwa Pilipino—lalo na sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

Pero bakit nga ba ganun?

Coldplay - Viva La Vida

Maraming posibleng dahilan:

  • Colonial mentality - ang pag-iisip na mas maganda, mas tama, o mas mataas ang halaga ng mga banyaga kaysa sa sariling kultura, produkto, o kapwa Pilipino. Nagmula ito sa mahabang panahon ng pananakop, kung saan unti-unting naitanim ang paniniwalang mas magaling ang galing sa labas kaysa sa atin mismo.

  • Paghahanap ng papuri at validation

  • Pagod at hirap ng araw-araw na buhay

  • Pamilyaridad – bisita ang tingin sa dayuhan, kakumpitensya ang kapwa Pilipino

Hindi ito mga dahilan para maging masama—pero paliwanag lang kung bakit nangyayari.

So… ulitin natin ang tanaong: Are Filipinos Really Friendly?

The honest answer?
Yes—but not consistently.

Filipinos are capable of deep kindness, generosity, and warmth. We prove this during calamities, fiestas, and moments of crisis. But true hospitality shouldn’t depend on nationality, skin color, or accent.

Imagine if the same friendliness we so freely show to foreigners were also extended to jeepney drivers, service crew, garbage collectors, and even random strangers on the street—if we treated one another with the same respect and warmth every single day. That kind of everyday kindness, shown especially to those we often overlook, would be something truly worth being proud of as a people.

Iyon ang klase ng pagiging “friendly” na tunay na kahanga-hanga at hindi lang limitado sa mga banyaga. 




Dear Diary ng Kwarenta - January 4, 2026

 

January 4, 2026

Today was a full rest from the chaotic world of dropshipping and angry customer emails. Sundays really do have a different kind of peace. With that calm, I spent time on a newly rediscovered but old-school hobby—playing Counter-Strike. I still enjoy it because the opponents are real people, connected through a good online server, which makes the experience more engaging and nostalgic.

I also spent more time playing with Pixie, our new puppy. She’s a mix of half-Aspin and half-Labrador. This is actually my first time having a dog with a breed, and I find myself excited to watch how she develops as she grows. I can’t wait to see how her traits unfold over time.

Today was also payday. As usual, the money didn’t stay long—bills, medicines, and daily expenses took their share almost immediately. That’s just how life works sometimes.

That’s it for today. A simple Sunday—peaceful, realistic, and still something to be thankful for.




Huwebes, Enero 8, 2026

"HELL" - A Jazzy Reminder from the Afterlife

 

Squirrel Nut Zippers performing "Hell" in 1996

In the afterlife

You could be headed for the serious strife

Now you make the scene all day

But tomorrow there'll be Hell to pay

In the afterlife

You could be headed for the serious strife

Now you make the scene all day

But tomorrow there'll be Hell to pay

People listen attentively

I mean about future calamity

I used to think the idea was obsolete

Until I heard the old man stamping his feet

This is a place where eternally

Fire is applied to the body

Teeth are extruded and bones are ground

And baked into cakes which are passed around

In the afterlife

You could be headed for the serious strife

Now you make the scene all day

But tomorrow there'll be Hell to pay

Beauty, talent, fame, money

Refinement, job skill and brain

But all the things you try to hide

Will be revealed on the other side

In the afterlife

You could be headed for the serious strife

Now you make the scene all day (meet the furnace)

But tomorrow there'll be Hell to pay (yes it is it is hot)

Now the D and A and the M and the N and the A

And the T and the I-O-N

Lose your face

Lose your name

Then get fitted for a suit of flames

Now the D and A and the M and the N and the A

And the T and the I-O-N

Lose your face

Lose your name

Then get fitted for a suit of flames

Squirrel Nut Zippers - Hell

While creating a Spotify playlist dedicated to NU 107 rock songs from the '80s and '90s, I unexpectedly stumbled upon a song that didn’t sound like the usual alternative or grunge tracks associated with that era. The song was “Hell” by Squirrel Nut Zippers—jazzy, swing-inspired, playful on the surface, yet dark and serious in its message.

If anyone wants to visit and listen to the playlist. Please log in to your Spotify account and search: "NU107 ReRuns" or simply click the link here: https://open.spotify.com/playlist/1xIjSxUWHcRdV74uFDKZP5?si=6b86ca4a33af4379&pt=e6981c454474c70df750ad8133d17fb9

Released in 1996 as part of their album Hot, “Hell” became one of the band’s most recognizable tracks. Squirrel Nut Zippers are known for blending neo-swing, jazz, big band, and ragtime sounds with modern alternative sensibilities. Think vintage 1930s jazz meeting 90s alternative rock—a sound that feels both nostalgic and unsettling.

The vocals even reminded me of Richard Cheese—tongue-in-cheek, theatrical, and almost comedic—yet the lyrics carried a truth that lingered long after the song ended.

Sa unang pakinig, parang biro lang yung kanta yung tipong vibe ng Radioactive Sago Project na jazzy like, nakakatawang lyrics pero may sapak at patama—masigla ang tugtog, masaya ang himig na para kang nasa show na may pa contest. Pero kapag pinakinggan mo ang lyrics, malinaw ang mensahe: may kabayaran ang lahat ng kasalanag ginagawa natin.

Pinapaalala ng kanta ang mga taong walang pakialam sa epekto ng kanilang mga aksyon—nakakasakit ng kapwa, gumagawa ng kasalanan, at iniisip na walang hahabulin na hustisya. Ngayon, puwede kang sikat o masaya, pero darating ang oras ng paniningil.

I know some people don’t believe in hell—but I do. As a Catholic, my belief is rooted in faith and prayer. In the Apostles’ Creed, we profess that Jesus descended into hell. This doesn’t mean He was sinful or evil. Rather, it signifies that Christ conquered death and hell, freeing souls and opening the path to salvation.

Hell, in this sense, isn’t just fire and punishment—it’s the ultimate separation from God, a consequence of freely choosing sin over love, pride over humility.

Ang impiyerno ay hindi lang apoy—ito ay ang bunga ng ating mga maling pagpili, ang paglayo sa Diyos dahil sa sarili nating kagustuhan.

Ang lakas ng kantang ito ay nasa kontradiksyon nito—masayang tugtog, mabigat na katotohanan. Hindi ito sermon, pero tinatamaan ka nito sa konsensya. Isa itong paalala na mag-isip, magsuri ng sarili, at panagutan ang ating mga ginagawa.

Sometimes, the songs we least expect—especially the weird, jazzy ones—are the ones that speak the loudest. “Hell” isn’t just a novelty track from the 90s; it’s a timeless reminder that choices matter, sin has consequences, and redemption is always offered—but never forced.

I’m not writing this because I think I’m better than anyone else. I’m writing this because I am a sinner too. Like everyone else, I’ve made mistakes, hurt people—sometimes knowingly, sometimes without realizing it. This song didn’t just remind me of judgment in the afterlife; it reminded me of my own accountability.

“Hell” felt like a mirror. Not pointing fingers, but quietly asking: Are you living the way you should? This blog is as much a reminder for myself as it is for anyone reading it—to reflect, to repent, and to choose to be better while there is still time.




Dear Diary ng Kwarenta - January 3, 2026

 


Nothing much happened today, just the familiar tiredness from work-from-home tasks. Work started at 4 in the afternoon and ended at midnight, leaving me drained but thankful that I was able to get through it.

The carpentry work for the bedroom wall—handled by the husband of our housemaid—was postponed. We’ve agreed to proceed with the repairs on January 17 instead.

I also realized I haven’t written about something important yet: we have a new dog. Our little puppy has been with us since December 21. He’s adorable, and every day he somehow manages to lessen my anxiety. His presence alone brings comfort, and I’m grateful for that small but powerful blessing.

Everything went well today. Thank You, Lord.

Tonight, I’ll rest instead of praying the rosary—I’m simply too tired. I offer my apology, Lord, and my gratitude all the same. Tomorrow, I will continue again.




Martes, Enero 6, 2026

Dear Diary ng Kwarenta - January 2, 2026

 

January 2, 2026

Woke up to a cold morning—something I really enjoyed, because this kind of weather is rare in the Philippines. It reminded me of how things used to feel back then. Breakfast was simple yet satisfying: warm pandesal with egg and melted cheese as a topping.

Nothing major happened today, but it was a quiet day in a good way. I decided to rerun an early-2000s classic—Counter-Strike—on my PC. What surprised me was that I wasn’t playing with bots. I found a live server with real players from different parts of the world. It felt nostalgic and exciting at the same time.

I told myself I’d only play for one hour—but like the old days in computer shops, one hour turned into another… and another. “Extend pa.” Some habits really never change.

Later on, I watched one episode of The Walking Dead. Since Stranger Things is already done, I decided to run this series back as well.

In the afternoon, my sister and I wrapped up our work-from-home tasks. Feeling a bit tired, I went to bed around 9 PM. The usual aura of the day lingered—people still upset over emails, as always. 🤣

A simple day. Calm, nostalgic, and quietly complete.




Lunes, Enero 5, 2026

Dear Diary ng Kwarenta - January 1, 2026

 


January 1, 2026

To keep myself busy beyond daily routines and online work, I decided to start a diary—one that will last the whole year. A diary for a man in his 40s might sound funny to some, but this time, I truly want to document everything. I don’t know yet how I will keep up, but I’m grateful that, by the grace of the Lord, I’ve managed so far—despite my health not being in the best condition since early 2024.

So many things have happened, and this year I want to see clearly—the balance between blessings and hardships that life in 2026 may bring.

I started the morning of January 1 with hope—hope for healing. Breakfast was simple, just leftovers from Media Noche. I went on with my usual routine, doing what a heart patient can safely do: tending to new plants, cleaning the house, sweeping the floors, and washing the dishes. Our housemaid was on her rest days, spending time with her family, so I handled things myself.

The first day of 2026 went well. I still felt those familiar, strange sensations related to my heart condition—feelings that come and go—but I managed to keep my blood pressure and heart rate stable today, for which I am thankful.

I watched the ending of my favorite series, Stranger Things. Dinner was early, as always, at 6 PM. After that, I found a new kind of peace—praying the rosary before bed. I started praying the rosary daily during the second week of December, and it has slowly become part of my life.

January feels scary. In both 2024 and 2025, January was when I was rushed to the emergency room because of my heart. I pray with all my heart that it will not happen again this year.

Last night, I also thought about starting something creative: posting an Instagram story every day—my top 365 alternative and metal songs. I plan to share each song with its meaning. If I stay consistent, my IG stories will be busy this year too.

That’s it for January 1st.
Done and sealed.
Hoping and praying for healing.




Huwebes, Enero 1, 2026

Stranger Things Ending

I’ve been writing many articles about Stranger Things because I’ve been truly hooked on the series since it first premiered in 2016 with Season 1. What drew me in wasn’t just the story or the characters, but how deeply it touched my nostalgic heart. The old music from the 1980s—and the decade itself—evokes a time that felt colorful, vibrant, and full of life.

It reminds me of simpler days, when people actually talked to each other and communication felt more real and personal. Every episode of Stranger Things feels like a trip back to that era. That’s why, even up to Season 5, I couldn’t let go of the series—it’s not just a show to me, but a reflection of memories, music, and a simpler world we once knew.

One of the scenes I love the most is when they play Dungeons & Dragons. That game felt wittier and more imaginative than most modern video games today. There was a special kind of happiness in being with your circle of friends, hanging out at a friend’s house late into the night, and then riding your bikes home together. It was simple, but it was real.

I’m sure modern kids rarely experience this kind of bonding anymore. Everyone is focused on their own screens, their own games, or is busy with something else entirely. Back then, the bond felt stronger because there was no overwhelming, tech-driven distraction. Communication was genuine, friendships were deeper, and moments like those—captured so perfectly in Stranger Things—are what make the series feel so personal and timeless.

After nine years, countless bike rides, a suspicious number of Christmas lights, and enough synth music to resurrect an entire decade, Stranger Things Season 5 finally closed the gate—for good. And yes, it ended exactly how a show like this should: emotionally satisfying, slightly indulgent, and just self-aware enough to know when to stop.

Ang mensahe ng ending ay malinaw: about ito sa pagkakaibigan at paglaki. Hindi lang sila lumaban sa mga halimaw ng Upside Down, kundi sa pagbabago ng buhay. Dati, mga batang naka-bike lang sila. Ngayon, kailangan na nilang harapin ang realidad ng pagtanda at pag-move on.

Hindi rin umasa ang ending sa malalaking twist. Instead, pinili nito ang emosyon kaysa pasabog. Mas importante kung ano ang naramdaman ng mga karakter kaysa kung gaano kalaki ang final battle. At dahil dito, mas tumama ang ending.

After Mike lays out the future of each of his friends, they turn the tables on him. What becomes of the Storyteller? Mike goes on to become a professional writer, crafting stories inspired by the lives of his friends. With a touch of sadness, he admits there is one story he can never tell—the truth about what really happened to the Mage. Eleven (El) is the designated "Mage" in the group's Dungeons & Dragons campaigns, representing her real-life, powerful psychic abilities.

David Bowie - Heroes

Iminungkahi ni Mike na ginamit ng naghihingalong si Kali ang kanyang kapangyarihan upang itago si Eleven, para makatakbo ito papunta sa mga tunnel habang nahuli ni Kay ang lahat ng pangyayari at yun ang pinaniwalaan niyang totoong nangyari. Ang El na nakita nating namatay ay hindi ang tunay na El, kundi ang huling projection ni Kali.

According to Mike, no one knows where Eleven went. But he likes to imagine that she’s in a beautiful place, far away from everyone. (The end credits confirm that this place is Iceland.) We then see Eleven looking out at a stunning landscape, with twin waterfalls and a small town in the distance. Max, crying, asks how they can be sure this is true. Mike answers that it’s simply what he chooses to believe, and everyone agrees that this is what they believe, too.

Sa huli, the Duffer brother left the fans thinking, wala tama o maling sagot kung buhay nga ba si Eleven or tuluyang nawala sa pagunaw ng upside down world. Kaya nasa iyo na kung maniniwala ka kung nabuhay ba o namatay si Eleven. Natuklasan ba ni Mike ang isang loophole, o lumikha lamang siya ng perpektong kuwento upang tulungan ang kanyang mga kaibigan na “umunawa,” ayon sa huling hiling ni El?

 For me, the ending is satisfying, not because everything is solved, but because it stays true to the heart of Stranger Things: friendship, growing up, and cherishing the past. It’s bittersweet, nostalgic, and quietly powerful—a finale that makes you reflect on your own childhood as much as the story itself.




Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads