Martes, Pebrero 3, 2026

Oh! February: When Symptoms of Heartbreak (Breakup) Exists💔



Sa buhay ng tao may mga sugat na hindi nagdurugo pero nag-iiwan ito ng matinding lamat sa puso sa mahabang panahon bago ito maghilom—at isa na rito ang tinatawag na hiwalayan o "break-up". 

 Sabado ng gabi. Todo-ayos ka, nakatatlong ligo na, bitbit ang 24 na rosas at tsokolateng pinag-ipunan, handang ipagdiwang ang second anniversary n’yo. Pero sa halip na yakap at ngiti, sinalubong ka ng balisang mukha at mga salitang parang kutsilyong bumaon sa dibdib: Ang sambit ng nililigawan mo, "break na tayo". Sa isang iglap, napalitan ng bigat ang saya. Ang mga bulaklak napunta sa basurahan, ang tsokolate ipinamigay sa mga batang kalye, at ikaw—napaupo, napaluha, nanikip ang dibdib sa isang sulok sa kalsada. Doon mo natanong ang sarili: ganito ba talaga kasakit ang breakup?

Parang totoo ngang may pumutok sa dibdib mo—basag na basag ang puso—at kahit anong pilit mong bumangon, wala kang lakas o gana na gumalaw. Kahit pa ikaw ay isang maskuladong varsity player, bigla kang nanghihina, para bang lupaypay ang buong pagkatao mo. Sa sobrang bigat ng nararamdaman, napapaisip ka kung kailangan mo na bang ayusin ang sarili mo sakaling tuluyan nang bumigay ang katawan mo dahil sa sakit ng pagkabigo. Sa huli, mapapatanong ka na lang: ganito ba talaga kasakit kapag iniwan ka ng taong mahal mo? Gaano ba talaga kalalim ang tama ng isang breakup sa isang tao? Damdamin lang ba ang sugatan, o pati na rin ang ating pisikal na kalagayan?  Ano-ano nga ba ang nangyayari sa ating katawan kapag dumaraan tayo sa isang hiwalayan.

Ang totoo, hindi lang emosyon ang nasasaktan kapag may hiwalayan—pati katawan. Kapag nawawala ang taong pinanggagalingan ng kilig at seguridad, bumababa ang dopamine at oxytocin—ang tinatawag na “feel-good hormones.” Dahil dito, nakakaranas ang isang tao ng parang withdrawal symptoms: hirap matulog, iritable, balisa, hirap mag-concentrate, pabago-bagong mood, at matinding lungkot. Parang tinanggalan ka bigla ng isang nakasanayan ng katawan. Hindi lang damdamin mo ang nagdurusa sapagkat nakakaramdam ka rin ng mga ilang pagbabago sa body system mo. 

1975 - "Somebody Else"

This is what usually happens when someone who’s already used to or dependent on something suddenly loses access to it. For example, if you’re addicted to smoking and you abruptly stop, your body will start looking for it. Ganun din kapag araw-araw kang kumakain ng matatamis at bigla mo silang inalis sa diet mo. O kaya naman, kung lagi kang umiinom ng soft drinks bilang panulak sa agahan, tanghalian, at hapunan, tapos bigla kang tumigil. Malamang, makakaranas ka ng matinding cravings. Mahihirapan kang matulog, magiging irritable at balisa, hirap mag-concentrate, posibleng makaramdam ng lungkot o depression, tataas ang anxiety, at maging pabago-bago ang mood mo. At kapag di mo na kinaya ang cravings na yun, dito ka na kakain ng kakain hanggang sa madagdagan ka na ng timbang. Maaaring sumobra ang sugar levels mo at dito mag-uumpisa ang mga hindi magagandang pangyayari sa katawan mo. Love is so powerful, right? 

Sa antas naman ng utak, may mga bahaging nagiging sobrang aktibo kapag brokenhearted. Ang mga sentro na may kinalaman sa cravings at addiction ay parang naghahanap pa rin ng “tamis” ng pag-ibig. Samantala, yung tinatawag na amygdala—ang sentro ng lungkot, galit, at takot—ay nagti-trigger ng fight-or-flight response. Tumataas ang cortisol at adrenaline, kaya ramdam ang paninikip ng dibdib, pananakit ng ulo, at panghihina. Sa MRI scans, ipinapakita pa nga na magkahawig ang brain activity ng emotional pain at physical pain. Kaya hindi lang ito drama—literal na masakit hindi lang sa damdamin kundi pati sa tunay na nararamdaman ng katawan.

 Ang pinakadahilan nito ay ang pagtaas ng stress levels kapag nasa breakup, lalo na dahil dumadami ang cortisol at adrenaline sa katawan. At kapag mataas ang levels ng mga ito ay nagdudulot ng tensyon sa mga muscles, sakit ng ulo at paninikip ng dibdib. Pwede ding tumaas ang blood pressure at heart rate na maaaring magdulot ng stress-induced cardiomyopathy of broken heart syndrome. Ito rin ay may pangalan na takot subo cardiomyopathy at hindi naman ito tumatagal talaga.

Jeff Buckley - "Last Goodbye"

Hindi rin ligtas ang tiyan at immune system. Ang stress ay nakakaistorbo sa digestion—puwedeng mawalan ng gana, makaranas ng diarrhea, constipation, bloating, o cramps. Dahil inuuna ng katawan ang “emergency mode,” humihina ang produksyon ng antibodies. Resulta? Mas madaling kapitan ng sakit, mas mabagal gumaling ang sugat, at posible pang lumabas ang mga problema sa balat. Dagdag pa rito ang insomnia, na lalo pang nagpapahina sa resistensya.

Iba-iba rin ang bilis ng pagre-recover ng bawat tao. Mas masakit at mas matagal ang epekto kapag bigla at hindi mutual ang breakup. May mga pag-aaral ding nagsasabing mas mabilis mag-process ng emosyon ang kababaihan dahil mas malakas ang social support at coping mechanisms, habang ang kalalakihan ay kadalasang delayed—hindi agad umiiyak, pero mas matagal ang paghilom. Malaki rin ang papel ng tagal ng relasyon, lalim ng attachment, at presensya ng pamilya at kaibigan. Ang mga lalaki ay laging nauuwi sa break-up sa mahabang maBOTEng usapan, samantalang ang mga babae ay may comfort of their so-called "girlfriends" to support them during these heartbreak events. 

Sa kabila ng lahat, may mga hakbang para makatulong sa paghilom: maging aktibo sa ehersisyo, subukang kumain nang maayos kahit walang gana, lumapit sa pamilya at kaibigan, at iwasan ang labis na pag-iisa. May oras para malungkot—normal iyon—pero may oras din para bumangon at magpatuloy.

Tandaan na ang breakup ay hindi lang pagtatapos ng isang relasyon; isa rin itong pagsubok sa isip, puso, at katawan. Kung nasasaktan ka ngayon, tandaan mo: may dahilan kung bakit ramdam mo ito—dahil tao ka. Pero gaya ng lahat ng sugat, may proseso ang paggaling. Dahan-dahan, may luha, may pahinga, at may tulong ng mga taong nagmamahal sa’yo. Darating ang araw na hindi na masikip ang dibdib, hindi na mabigat ang alaala, at kaya mo nang huminga nang buo muli. Maghilom ka—hindi nagmamadali, pero hindi rin sumusuko. Ayon nga sa kasabihan, "there are so many fishes in the ocean" malawak ang dagat para makasikwat ng matambakol, tilapya, dalagang-bukid at tampalpuke.

Patawarin niyo ako kung ganito pa rin ang mga posts ko at alam kong hindi na ito uso. Pero nakaka-miss kasi yung mga ganitong panahon sa social media, let's say back in 2012, backwards. 

Yung panahong uso pa ang kilig sa batian tuwing Valentine’s Day sa social media. Yung hindi ka mahihiyang mag-post ng “Happy Hearts Day!” na may kasamang emoji na heart na pula at minsan may pa-lyrics pa ng hugot song. Yung may genuine na excitement sa simpleng pag-tag sa crush o pag-comment ng “stay strong!” sa magjowa mong kakasimula pa lang. Ang gaan. Ang simple. Ang totoo.

Ngayon, parang may kulang. Parang may nawala.

Kapag nag-scroll ka sa social media—Facebook, Twitter, at Threads—madalas ang sasalubong sa’yo ay bangayan sa pulitika, public shaming dahil sa maliit na pagkakamali, at pagdagsa ng mga fake news pages na halos mapapaniwala ka sa galing ng pagkakagawa. May mga balitang akala mong legit, pero pag sinuri mo, puro imbento pala. May mga video content na nananakit, nanlalait, at nagpapahiya—lahat para lang sa views, engagement, at pera.

Parang naging battlefield ang dapat sana’y “social” space.

Nasaan na yung natural na tito jokes? Yung simpleng “Good morning, kape muna tayo diyan” posts? Yung witty na one-liners na hindi kailangang may tinatapakang iba? Yung birthday greetings na hindi lang template o auto-generated? Yung batian tuwing Pasko, Bagong Taon, at oo—Valentine’s—na hindi ironic o sarcastic, kundi sincere?

Kaya siguro ako bumabalik sa pagsusulat. Para ibalik kahit papaano ang simpler days. Hindi para magpanggap na mas mabuti ang noon kaysa ngayon, kundi para ipaalala sa atin: what have we become? Kailan naging mas mahalaga ang pagiging viral kaysa sa pagiging mabait? Kailan naging mas satisfying ang manalo sa argumento kaysa sa makipagkuwentuhan nang maayos?

Writing is my way of resistance. Tahimik pero totoo. Isang paalala na puwede pa rin naman ang pure social interaction. Puwede pa rin ang good vibes na hindi pilit. Puwede pa rin ang kilig na hindi scripted. Puwede pa rin ang pagiging tao at hindi algorithm.

Baka hindi na maibalik ang eksaktong early 2012. Pero baka puwede nating ibalik ang puso.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads