Noong 2012, mga panahong hindi pa naman ganun kalakasan ang ating mga internet at di pa tayo ganun ka-busy sa ating mga buhay. Kasama pa sa listahan natin ang maglamyerda sa Youtube at doon magsubaybay ng kung anu-anong puwedeng panoorin. Ako ay nakahanap ng isang series na may sense of humor na may halong nakakatawang acting, choice of words na pinasikat ng mga mokong, pero idol kong sina Ramon Bautista, RA Rivera, Rodolfo Sabayton at Lourd de Veyra. Itong sinubaybayan ko sa Youtube ay ang Tales From The Friend Zone. Hindi naman ako naghahanap ng kuwentong pag-ibig, pero gusto ko lang matawa dahil sa mga aktingan ni Ramon Bautista na sabihin nating hindi naman kagandang lalaki pero malakas ang loob at sex appeal para mangilala at manligaw ng mga magagandang bebot.
Kung hindi mo kilala si Ramon Bautista, parang hindi ka dumaan sa golden era ng YouTube Philippines. Siya yung OG—bago pa maging “content creator” ang tawag, siya na yung gumagawa ng content. Actor, host, writer, car enthusiast, motivational speaker, ng mga sawi. Si Ramon, yung tropa mong mukhang seryoso, pero pag nagsalita, parang thesis na ginawang stand-up comedy. Comedy, guys, pero matatalino ang mga ito.
While RA Rivera is the mastermind sa likod ng kamera. Siya yung tahimik pero deadly. RA got a band named "Pedicab". Sila lang naman yung nagpasikat ng mga kantang "Ang Pusa Mo", "Dito Tayo Sa Dilim", "Simulan Mo Na" at "Otomatik" na naging hit din sa panlasang Pilipino ang kanilang musika. RA handles the synths, sampler, and percussion instruments.
Ano nga ba yung Tales From The Friend Zone? #TFTFZ
Ang TFTFZ ay parang confession booth ng mga Pilipinong umibig… pero hindi minahal. Simple lang ang format: may magpapadala ng kwento—karaniwan lalaki, pero may babae rin—tungkol sa kung paano siya naging taga-hatid, taga-bantay ng bag, emotional punching bag, libre Uber, thesis consultant, at minsan pa nga wedding coordinator ng sarili niyang crush. At ang ultimate plot twist? Hindi siya ang pinili. Friend zone. Capital F. Capital Z. Kumpleto pa sa background music na pang-MMK para ramdam ang bawat hugot. Habang binabasa ni Ramon ang kuwento, seryoso ang tono niya, pero bawat linya may subtle na banat at deadpan delivery—yung tipong hindi mo alam kung maaawa ka ba o matatawa, kaya ang ending, pareho mong ginagawa. Ako pa naman, gustong-gusto ko yung mga ganitong trip, yung mamimili ka ng emotion kung anong lalabas sa damdamin mo, pero mas nangibabaw talaga yung katatawanan kesa sa drama nung nagpahatid ng sulat, dahil na rin sa mga acting ni Ramon na siya rin ang actor at ang mga ganadang bebot na si Joyce Pring. Samahan pa nila ng mga pinauso nilang words na "aray ko, bhe" after mabulgar ang pagka-friendzoned nung sumulat.
Nakakatawa siya dahil relatable, masakit, at totoo—at minsan, ang katotohanan talaga ang mas nakakatawa kaysa sa scripted jokes. Hindi slapstick ang humor niya; hindi ito yung tipong nadapa sa balat ng saging kaya may tatawa. Ang humor niya ay mas malapit sa realidad: “Pre, tatlong taon mo siyang hinatid pauwi, tapos nung nagka-boyfriend siya, ikaw pa yung ginawang ninong sa anak nila.” Ang sakit pakinggan, pero tawang-tawa ka pa rin. Bakit? Kasi alam mong ikaw ‘yun dati. O mas masakit pa—ikaw pa rin ‘yun hanggang ngayon. Aray ko bhe!
Mga Natatandaan kong Karaniwang Stories sa TFTFZ
1. The Human Alarm Clock
- Gigising siya ng 4AM para tawagan ang crush niya para hindi ma-late. Pero nung siya ang may emergency?
“Sorry, tulog ako eh.”
2. The Thesis Warrior
- Siya ang gumawa ng buong thesis. PowerPoint, research, pati pag-print.
After graduation?
“Thank you, besh!”
3. The Emotional Support Animal
- Every heartbreak ng girl, siya ang kausap.
- Every bagong boyfriend ng girl, siya ang unang nakakalam.
- Every anniversary?
Siya ang photographer.
4. The Wedding Guest from Hell
- Pinaka-matindi. Inimbitahan siya sa kasal ng crush niya.
- Hindi bilang groom.
- Hindi bilang best man.
Kundi bilang “close friend.”
May isang episode na hanggang ngayon masakit pa rin para sa akin, hindi dahil nangyari sa akin, pero kung ikaw ang nasa katayuan ng lalaki talaga nga naman. Aray ko, bhe! Isang kuwento ng lalaking matagal nang may gusto sa isang girl—years ang inabot, parang franchise ng Fast & Furious na umaabot na sa sequel. Nandiyan siya sa lahat: sinamahan sa review, sinamahan sa bawat heartbreak, sinamahan sa mall kahit wala siyang pera. Ultimate support system. Tapos isang araw, biglang umamin ang girl: “May aaminin ako… may gusto akong guy.” At siyempre, yung guy? Hindi siya. Parang plot twist sa teleserye, pero walang commercial break para makabawi ka ng hinga. Habang binabasa ni Ramon ang ending, sobrang kalmado ang boses niya, pero ramdam mo yung kirot sa bawat salita. At saka niya ibabato yung simpleng linya na dudurog sa’yo: “Minsan, hindi sapat ang pagiging mabait. Kailangan ka rin niyang gustuhin.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento