Linggo, Mayo 17, 2026

Kwarentay-Singko (Part 1)

 


Hindi po tungkol sa baril ang susunod kong post. Sa tuwing may naririnig kasi tayong Espanyol na bilang at natapat sa "Kwarenta'y-singko" eh baka iniisip nila na tungkol sa baril ang ating isinusulat. Hindi po, hindi po tayo marunong magpaputok; marunong tayong magpaputok pero sa ibang bagay, oops! dirty mind. Marunong tayong magpaputok ng firecrackers, kayo talaga. At dahil diyan sa edad na ’yan, narito na naman tayo para ilaglag ang sarili sa post na ito. Ayos lang, kaunti lang naman ang talagang nakakakilala at sumusubaybay sa blog na ito, tsaka doon sa mga taong kilala ako sa totoong buhay, alam na nila ang ilan sa mga ikukuwento ko. 

Matalas pa rin naman talaga ang alaala at isa ’yan sa mga maipagmamalaki ko, kaya marami akong naisusulat dito sa Ubas na may cyanide. Naaalala ko yung mga events sa buhay ko na tumatak sa akin. Kaya samahan niyo ako sa post na ito at tayo'y magkukuwento mula noong kabataan ko. 

AGE 1

May picture ako ng 1st bday ko na nasa loob ng isang maliit na space ng aparador na regalo ni Tatay kay Nanay. Yung aparador na yun ay napakatagal na. Mula sa San Andres Bukid, Manila, ay dinala iyon hanggang sa paglipat namin sa Parañaque hanggang dito sa Imus, Cavite. Old style na aparador, siguro that was a gift from the 70s ni erpats kay nanay. Gamit pa ang lumang kamera, ang kuha sa akin at ang malupit doon ay it was printed on wood na hanggang ngayon ay nasa aming mga baul. Yung aparador last two years lang bago namin ipinasira. Hanggang nawala sa amin si Nanay noong 2024 ay talagang hindi niya muna pinadispatcha dahil sobrang sentimental din ang aking nanay, lalo na at regalo iyon ng aking tatay. 

AGE 5

Nakuwento na lang sa akin na napakaiyakin ko raw simula nang pumasok ako sa kindergarten.Gusto ko raw na lagi kong katabi si Nanay o si Tita kahit sa loob ng classroom dahil kapag umalis daw sila sa aking tabi ay aatungal ako sa iyak. I still remember the Magnolia Chocolait ay yung amoy ng kulob ng aking placemat sa loob ng lunch box. During my bike rides, binisita ko yung Kindergarten school ko, and I really felt the nostalgia, and I shed a tear.

AGE 6

Patuloy ang iyakan kahit nasa Preparatory level na ako sa St.Anthony School. My first teacher is Mrs. Wilma Baile. Ito yung mga time na hatid-sundo ako ni Nanay sa school, yung time na tatambay siya sa school with her friends na mga magulang din para sa mahabang kuwentuhan habang inaantay ang dismissal. Dito rin unang nakapag-uwi si Nanay ng mga brochure niya sa Tupperware. Siyempre, may ibang nanay na hindi lang marites ang inaatupag kundi may business din. 

AGE 7

Grade 1 with Mr Ong. Pero ang hindi ko makakalimutan ay si Michael Ramirez, na classmate kong pinahamak ako dahil napagbintangan ako na ang nagtapon ng kinusot na papel sa harap habang nagsusulat sa blackboard ng lesson namin si Mr. Ong. Aba'y ako ang itinuro kahit hindi ko naman ginawa. Ang ending, pinalahad ang palad ko, sabay palo ng kahoy ng ruler sa palad. Eh kakaahon ko lang galing sa iyakan ng Kinder at Prep. Parang bumabalik tuloy yung agony ng pagiging iyakin ko, lalo na't napagbintangan ka lang, napalo ka pa, tawanan pa ng mga classmates mo. Like, kingina niyo, no!

AGE 8

Dito na nauso ang haircut na 3x4 gupit binata. Ang paboritong barbero, si Mang Insiong, sa kanyang pinakamaliit na barberya na parang single restroom lang ng Shell Gas Station. Pero kahit maliit, tadtad ’yon ng kalendaryo at poster na mga bold ng Japanese girl at kung sino-sinong babae. Panghakot ’yon ni Mang Insiong sa mga kalalakihan para magpagupit sa kanya. Ang hairstyle ng gupit ko ay mala-Alvin Patrimonio, may bangs, mukhang bunot sabay 3x4. 

AGE 9

Advise ko si Mrs. Sakay at ang subject na hawak niya ay Science. Dito ko natutunan ang uri ng ulap, cirrus, nimbus, stratus at cumulus. Ang precipitation at kung paano nabubuo ang ulan. How an organism changes, including plant life cycles (seeds to flowers) and animal life cycles (metamorphosis, eggs to adults. Mas siyentiko ang life ko sa edad ko na ito. 

AGE 10

From siyensiya to tuli. Yes, ganap na kong binatilyo. Puwede nang makabuntis, sabi nila. Oh, ’wag ka, ang nagtuli sa akin ay may patnubay at gabay, sponsorship ng doktor na tatay ni Miss Sunshine Dizon. Ito na siguro yung sosyal na nangyari noong kabataan ko. Haist, salamat naman. Hindi ako tinuli; depukpok lang ang gamit. Buti hindi sa albularyo, dahil sa ospital ako dinala, pero sobrang hiya ko kasi di ba lalo na may mga nurse na magaganda na nag-a-assist. Nahiya tuloy ako sa pututoy ko, pero ang ending, bading yung nagtuli sa akin. 

AGE 11

Tumitigas na. Yes, tumitigas na yung yelo na inilagay ko sa freezer dahil first time naming magkaroon ng sariling refrigerator at makakainom na kami ng malamig na tubig para hindi na ako utusan kada tanghali na bumili ng yelo sa tindahan ni Aling Meding. 

AGE 12

Nakagraduate ng elementary sa St. Anthony School. Kung brown ang cocky pants at shorts ko nung elementary magtratransform na ito to black. 

AGE 13

Teenager years. Una kong nakita si ultimate crush na hindi man lang nakausap hanggang sa mag-graduate ng 4th year. Bagay nga daw talaga sa akin yung kanta ng Eraserheads, yung "Torpedo". Sagana sa tsokolate ang erpat na padala niya galing sa Saudi. Minsan, namimigay pa sa mga classmates. 

AGE 14

Rakrakan years. Nahilig ako sa musika ng mga bandang Pinoy at foreigner. Dating 89 DMZ guy na nag-shift sa NU 107 Home of New Rock. Mga panahon ng Nirvana. Smells Like Teen Spirit, Metallica's Sweet Child at Roots Bloody Roots ng Sepultura. Nauso rin ang performance sa school ng mga Battle of the Bands. Frustrated, nakakahiya kasi di naman ako marunong humawak ng mga instrumento, pero hardcore listener ako ng rock. Song hits, dito kanta doon, antay ng countdown sa NU, headbang doon. Pero kahit na ganyan, I'm proud dahil hindi ako natuto magbisyo. 

AGE 15 AND 16

I may say athletic years! First time kong maglaro ng basketball. Sa basketball court nila, si Karlo Teves ang unang nakahawak ng bola at nakapaglaro sa totoong ring ng basketball. Binili ako ng bola ni erpats pero wala naman kaming ring. Isang Sabado, dinala ko yung bola ko sa school grounds. Walang pasok ang mga estudyante at solong-solo ko sana ang basketball sa quadrangle, pero binawalan ako ng security guard dahil bawal daw. Tanda ko pa si Mang Jess, ang aming security guard na sobrang sipag. Hindi ko naman alam na bawal, kaya medyo disappointed ako. 

But I still remember a game, it was a mini-tournament na sinalihan kong Basketball club where I scored 8 fucking straight points via fastbreak. Shit, that was a Milo moment, yung para bang nagpapanting yung tenga mo sa theme song ng Milo, "great thing starts from a small beginning.", eh walang-hiya, I'm on fire, a lay-up, a jumper, and a lay-up again tapos ba naman biglang buhos lang ng ulan out of nowhere na parang RKO ni Randy Orton. Walang araw pero alam kong maliwanag pa, eh superstar moment na sana para talunin yung koponan ni Shojie Dagohoy na Arkansas. 

Masaya rin yung Intrams, kahit hindi exposed yung mga katulad naming hindi varsity, eh nakakapagmalas kami ng angking talento sa Intrams at siyempre hindi mawawala ang magpasikat. 

Sa basketball din ako kinilig nang medyo lite nung nagkaroon ng fast break pagkatanggap ko ng bola, out of my sight, may tinamaan pala akong 3rd-year high school student na babae na tumatawid sa court. Natumba siya eh, ako din, pero nilapitan ko siya and I held her hand na para bang nag-slow mo ang paligid namin simula nung inabot ko ang palad niya. Kulang na lang talaga background song eh, "Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling". Para talagang MTV ang tagpo, eh, dahil naghiyawan yung mga nakatingin sa amin dahil medyo matagal-tagal yung pagkaholding hands ko sa kanya habang tinatanong siya kung okay lang ba siya. Nung nakita ko yung mukha ni girl, shet, friend ni Katrina Santos, a.k.a. Katya, yes, yung artista na nasa likod lang dati ng Funny Komiks pero naging bold star. Ang ganda ni girlie at nakikita ko na rin siya noon sa school. Petite, maputi, angelic looks. Syet, hindi ko makakalimutan yung scene na yun hahahaha! 

At 16, naranasan ko na mag-commute—ang totoong buhay bilang commuter. 4th year high school kami lumipat ng bahay sa Parañaque at ang bawat biyahe ay hassle. Kung dati nilalakad lang ang school mula sa bahay, ngayon, nag-LRT na ako araw-araw; sasakay ng dalawang jeep papunta at pauwi. Gagawa ng assignments pauwi. Gabi na makakatulog, tapos kinabukasan maglalaan ka ng oras sa biyahe, kaya maaga rin ang gising mo. 4AM pa lang, gising na kami ni Ermats at kapatid ko. 

AGE 17

Unang taon sa kolehiyo na medyo may frustrations dahil hindi ako pinayagang mag-aral sa Maynila. Naguguluhan pa rin naman ako noon kung anong kukunin kong kurso. Ang siste, nauwi ako sa isang kolehiyo sa Bacoor na tapat ng isang mall. Kahit hindi sigurado sa kursong pinili, sinubukan kong tanggapin ang kursong Bachelor of Science in Computer Science. Medyo may culture shock dahil first time kong magkaroon ng mga classmate na babae. Buong elementary and high school ko kasi magkahiwalay ang classroom ng lalaki at ng babae. Kung mahiyain na ako, mas lalo pa akong naging mahiyain. Sobrang kabado sa mga reporting lalo na't may mga nakatingin na tsiks,

AGE 18 AND 19

Tuloy ang young athletic years. Kahit nakatira na sa Cavite, pumupunta pa rin ako sa Parañaque para sa liga ng basketball na aking sinalihan. Aalis ako ng hapon at uuwi ako kinaumagahan dahil nakikitulog ako kay tita ko. Mahal ko talaga ang sport na ito at dito kasi ako sa Parañaque mas nahasang maglaro at narito rin ang aking mga kaibigan.

AGE 20

Napalipat ako ng school from Bacoor to National College of Science and Technology sa Dasmarinas, Cavite. Dito nagkandaleche leche ang pasok at schedules ko dahil naging irregular student ako at mas maraming subjects ang hindi na-credit kaya sumobra ng isang taon bago ako naka-graduate ng BS Computer Science Major in Copy Paste and Master in Editing. Iyan ang tawag sa course namin noong araw. Kung mangopya ng sagot sa katabi, para ka na rin nagko-copy-paste sa test paper, at kung mga assignments naman, iibahin lang ng kaunti ang sagot ng nagpahiram ng assignment, kaya major in editing. 

AGE 21

Dito ata sa edad na ito nabahiran ng kauna-unahang alak ang aking sistema. First time kong maimpluwensiyahan ng after-class na inom. Ayaw ko talaga ng lasa ng alak; ang gusto ko lang talaga ay ang kuwentuhan, lalo na at kapag nalalasing na ang mga kasama. Yung tipong mag-e-English na, maglalabas ng dinaramdam sa nililigawan o ka-relasyon, mga tsismis sa ibang classmate, sa professor at kung anu-ano pa. Kaya ayaw kong tinatamaan ng espiritu ng alak para marinig at maunawaan ko mismo ang tsika ng kuwentong lasing. 

Sa edad din na ito, naranasan kong nakauwi na pala ako na hindi ko alam dahil sa kalasingan. Ganun pala ang pakiramdam nun: makakatulog ka muna magdamag, pagkatapos ay suka ka nang suka na parang buntis kinaumagahan at masakit ang ulo dahil sa amats. First time na nabuking sa bahay na umiinom na pala ako ng alak hahaha. May nagkuwento rin sa akin na inihatid ako sa sakayan ng tricycle pauwi at doon sa jeep na sinakyan pauwi, eh muntikan ko na raw masukahan yung jeepney driver. 

AGE 22

Graduate na ng kolehiyo. Ito ang hirap ng pakikipagsapalaran kapag sumobra sa isang taon bago ka nakagraduate sa kolehiyo, kaya medyo nahirapan akong maghanap bago ako nag-work sa isang Korean school na maging computer technician. Later on, nakapag-decide ako na gamitin na lang ang mga natutunan ko noong nag-aaral pa ako, kaya naging isang college instructor ako sa college. Pitong taon din akong nagturo ng computer learning at programming language. Kahit siguro kaunti lang yung achievements ko sa buhay, eh marami naman akong napagraduate na estudyante at yung iba ngayon, maayos ang pamumuhay. 

Oh, hanggang dito na lang muna ang paglalaglag ng sariling kuwento at paghalungkat ng baul ng nostalgia. 😄 Kung interesado ka pa, kaunting hintay lang para sa Part 2—baka kapag sinipag, ginanahan, at hindi tinamad ang may-akda, may kasunod pa ulit.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads