Lunes, Hunyo 29, 2026

Pinoy Phrases: "Pag Binato Ka ng Bato, Batuhin Mo ng Tinapay"

'Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng Tasty bread, yung ganito kalaki'

 May nagpayo na ba sa inyong mga pamilya o kaibigan ng ganito, "Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay"? Among the many colorful Filipino sayings passed down from one generation to another, one of the most memorable is:

"Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay." 

Sa unang dinig, tila kakaiba ang kasabihang ito. Bakit nga ba maghahagis ng tinapay ang isang tao sa taong kababato lamang sa kanya? Kung literal ang pagbibigyang-kahulugan, tila wala itong gaanong katuturan. Ngunit tulad ng maraming kasabihang Pilipino, mas malalim ang tunay nitong kahulugan kaysa sa ipinapahiwatig ng mga salita nito.

Sino ba namang tao na kapag binato ka ng matigas na bato, eh ang igaganti mo ay tasty bread o kaya monay? Aba, eh kakainin niya lang ’yon, baka mag-request pa ng palaman at panulak. Pero ano ba talaga ang buong kahulugan ng mga phrase na ito para sa ating mga Pilipino? Tara at pag-usapan natin habang ako'y ngumangata ng tsitsirya ngayong alas-kuwatro ng hapon.

Ang kasabihang ito ay nangangahulugang kapag may taong nanakit sa iyo, nang-insulto, o hindi maganda ang naging pakikitungo sa iyo, mas mainam na tumbasan mo ito ng kabutihan sa halip na galit.

Sa halip na maghiganti, piliin mong gumawa ng mabuti. Sa halip na suklian ang poot ng panibagong poot, tumutugon ka nang may pag-unawa, pagtitiis, at bukas-palad na puso.

Sa wikang Ingles, maihahalintulad ito sa mga sumusunod na kasabihan:

  • "Kill them with kindness." (Patayin sila sa pamamagitan ng kabutihan.)
  • "Turn the other cheek." (Iharap ang kabilang pisngi.)
  • "Overcome evil with good." (Daigin ang kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan.)

Itinuturo ng kasabihang ito na ang pagtugon sa negatibong pag-uugali ng kapwa sa pamamagitan din ng negatibong reaksyon ay lalo lamang nagpapalala ng alitan. Kung minsan, ang pinakamakapangyarihang tugon ay ang kabutihan, sapagkat ito ang may kakayahang magpalambot ng puso, magbigay ng kapayapaan, at makaputol sa siklo ng galit at paghihiganti.

Kaya kahit pa may kumuha at kumain ng pinakatago-tagong Toblerone mo sa ref, patayin mo sila, hahaha, joke lang, patayin mo sila ng kabutihan. Puwede mo itanong kung kulang pa yung kinain niya para bibilhan mo siya kung nabitin man siya para magka-diabetes na yung kumain ng hindi nagpapaalam. Biro lang, ikaw na ang bahalang magpasensiya o kung may kondisyon mang dapat gawin para mapalitan ang kinain na tsokolate. 

Saan ba nagsimula ang kasabihang ito?

Actually, walang tiyak na tala kung kailan eksaktong nagsimula ang kasabihang ito sa Pilipinas, ngunit malaki ang impluwensya nito mula sa mga Kristiyanong aral na naging bahagi ng kulturang Pilipino sa loob ng maraming siglo.

Malapit ang diwa nito sa mga turo sa Bibliya, partikular sa mga aral tungkol sa pagpapatawad, pagmamahal sa kapwa, at pag-iwas sa paghihiganti.

Sa kulturang Pilipino, ang mga magulang at lolo't lola ay madalas gumamit ng kasabihang ito upang turuan ang mga anak na huwag maging palaaway at huwag gumanti kapag sila ay nasaktan o napahiya.

Dahil dito, naging mahalagang bahagi ang kasabihang ito ng tradisyunal na pagpapahalagang Pilipino. Itinataguyod nito ang mga birtud tulad ng kabutihang-loob, pagpapakumbaba, pasensya, pagpapatawad, at paggalang sa kapwa. Sa pamamagitan ng mga pagpapahalagang ito, natututo ang mga Pilipino na pairalin ang malasakit, unawain ang damdamin ng iba, at panatilihin ang maayos na pakikitungo sa kapwa kahit sa gitna ng hindi pagkakaunawaan o pagsubok.

Paano ina-apply ang kasabihang ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pinoy?

1. Sa Eskuwelahan

Imagine a student being teased by classmates because of their appearance, accent, or economic status. Ang madalas na tukso diyan ay tinatawag na "Bisaya", "Bisakol", "pangit", "mataba". Yan ang mga karaniwang tuksuhan na maririnig mo sa mga bata. 

Ang pinakamadaling gawin ay gantihan sila ng pang-iinsulto. Ngunit kung susundin ang aral ng kasabihang ito, pipiliin dapat ng estudyanteng binubully na huwag makipag-away. Sa halip, mananatili siyang magalang at patuloy na makikitungo sa iba nang may kabutihan at paggalang.

Sa paglipas ng panahon, maaaring mapagtanto ng kanyang mga kaklase ang kanilang pagkakamali at matutunang igalang siya dahil sa kanyang mahinahon at mabuting pag-uugali.

Pero kamakailan lamang ay nabalitaan natin ang isang trahedyang naganap sa isang paaralan sa Tacloban City, kung saan nasawi ang tatlong estudyante. Ayon sa mga ulat, isa sa mga itinuturong dahilan ng pangyayari ay ang matagal umanong naranasang pambu-bully ng mga sangkot. Bagama't walang anumang dahilan ang makapagbibigay-katwiran sa pagkitil ng buhay, ipinapakita ng trahedyang ito kung gaano kalalim ang maaaring idulot ng hindi natutugunang sakit, galit, at pang-aapi sa isang tao.

Ayaw nating mangyari pang muli ang mga ganitong trahedya. Hindi natin nais na ang isang paaralan—na dapat ay ligtas na lugar para sa pagkatuto, pagkakaibigan, at paghubog ng magandang kinabukasan—ay maging lugar ng takot at karahasan. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga na seryosohin ang usapin ng bullying. Hindi ito simpleng biro, pang-aasar, o "normal lang na biruan" gaya ng madalas na sinasabi ng iba. Ang paulit-ulit na panlalait, pangungutya, at pang-aapi ay maaaring mag-iwan ng malalim na sugat sa isip at damdamin ng isang bata.

Dito nagiging makabuluhan ang kasabihang "Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay." Hindi ito nangangahulugang manahimik na lamang o hayaan ang pang-aabuso. Ang tunay nitong diwa ay ang pagpili ng kabutihan kaysa paghihiganti, at ang paghahanap ng mapayapang paraan upang lutasin ang hidwaan. Ang kabutihan ay hindi tanda ng kahinaan; ito ay tanda ng lakas ng loob at pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Kasabay nito, ang mga biktima ng bullying ay dapat magkaroon ng sapat na suporta at proteksyon mula sa kanilang pamilya, paaralan, at pamahalaan upang hindi nila maramdamang nag-iisa sila sa kanilang pinagdaraanan.

Kung bawat isa sa atin ay magsisimula sa simpleng paggalang, pag-unawa, at malasakit sa ating kapwa, mas malaki ang posibilidad na maiwasan ang mga trahedyang tulad nito. Sapagkat sa huli, ang kabutihan, pakikinig, at pagmamalasakit ay maaaring maging susi upang mailigtas ang isang buhay.

2. In the Workplace

Isipin nating may katrabaho kang nagpapakalat ng tsismis tungkol sa iyo o inaangkin ang kredito sa isang proyektong pinaghirapan mo. Natural lamang na makaramdam ka ng galit, pagkadismaya, at pagnanais na gumanti o ipahiya rin siya sa harap ng iba. Ngunit kung isasabuhay mo ang diwa ng kasabihang "Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay," pipiliin mong maging propesyonal sa halip na makisali sa alitan sa opisina.

Sa halip na gumanti sa pamamagitan ng paninira o tsismis, ipagpapatuloy mo ang paggawa ng de-kalidad na trabaho, pananatilihin ang iyong integridad, at pakikitunguhan pa rin ang iyong katrabaho nang may paggalang at propesyonalismo. Hindi ito nangangahulugang hahayaan mo na lamang ang maling ginagawa niya. Maaari mo pa ring iparating ang iyong saloobin sa tamang paraan—halimbawa, sa pamamagitan ng mahinahong pakikipag-usap o paglapit sa tamang kinauukulan kung kinakailangan—nang hindi bumababa sa antas ng paninira o paghihiganti.

Sa paglipas ng panahon, mas makikilala ka ng iyong mga kasamahan at mga nakatataas dahil sa iyong magandang pag-uugali, dedikasyon sa trabaho, at pagiging tapat. Ang mabuting reputasyon ay hindi nabubuo sa isang araw, ngunit kapag ito ay napatunayan na, mas nagiging matimbang ito kaysa sa mga tsismis at maling paratang. Sa huli, ang iyong mga gawa, karakter, at integridad ang magsisilbing pinakamalakas na patunay ng iyong tunay na pagkatao—higit na mas makapangyarihan kaysa sa anumang paninirang maaaring ikalat ng iba.

Jewel - Who Will Save Your Soul

3. Sa Social Media

In today's digital world, many people encounter rude comments online.

Sa panahon ngayon ng social media, napakadaling madala sa mainit na palitan ng opinyon, lalo na kapag usaping politika ang pinag-uusapan. Maraming tao ang agad na tumutugon sa masasakit na komento sa pamamagitan din ng pang-iinsulto o panlalait. Ngunit kung isasabuhay natin ang diwa ng kasabihang "Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay," pipiliin nating huwag magpadala sa galit. Sa halip na gumanti ng masasakit na salita, maaari tayong sumagot nang magalang, maglahad ng mga katotohanan, o kung nakikitang wala nang patutunguhan ang usapan, piliin na lamang na tapusin ang diskusyon at huwag nang makipagbangayan.

Halimbawa, may mga pagkakataon na sa mga talakayang pampulitika sa social media, sa halip na sagutin ang mga argumento o ebidensya na inilalahad, may ilang netizen—maging tagasuporta man ng alinmang panig o grupo—ang gumagamit ng ad hominem, o ang pag-atake sa mismong tao sa halip na sa kanyang argumento. Sa halip na talakayin ang isyu, nauuwi ang usapan sa pang-iinsulto, panlalait, at pagtawag ng iba't ibang bansag. Kapag nangyari ito, mas makabubuting huwag nang gumanti ng kaparehong uri ng pag-atake. Sa halip, maaari mong ipagpatuloy ang mahinahon at magalang na paglalahad ng iyong pananaw batay sa mga katotohanan, o kung malinaw nang wala nang maayos na pag-uusap na magaganap, mas mainam nang umatras sa diskusyon kaysa hayaang lumala pa ang alitan.

Hindi lahat ng argumento ay kailangang mapanalunan. May mga pagkakataong ang pagpapanatili ng respeto, katahimikan, at dignidad ay higit na mahalaga kaysa sa huling salitang mabibitawan sa isang online debate. Ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa dami ng taong natalo mo sa argumento, kundi sa kakayahan mong manatiling magalang, mapanuri, at may paggalang sa kapwa kahit magkaiba kayo ng paniniwala.

4. Within the Family

Kahit sa loob ng bahay at sa mga kasamang relative ay mayroon din na hindi magandang pagkakaintindihan na nagaganap. 

Kapag may kamag-anak na nakapagsabi ng masasakit na salita sa isang family reunion, handaan, o pagtitipon ng pamilya, ang natural na reaksyon ay magalit, sumagot, o makipagtalo. Lalo na kung ang sinabi ay nakasakit ng damdamin o nakapagpahiya sa harap ng ibang mga kamag-anak.

Ngunit ang pagsasabuhay ng kasabihang "Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay" ay nangangahulugang piliing tumugon nang mahinahon at may pag-unawa sa halip na padalos-dalos na magalit. Hindi ito nangangahulugang sang-ayon ka sa kanilang sinabi o hinahayaan mo na lamang ang maling pagtrato. Sa halip, ipinapakita nito ang iyong pagiging mapagpasensya at ang pagpapahalaga sa pagkakaisa ng pamilya. Sa maraming pagkakataon, mas mahalagang mapanatili ang maayos na samahan at respeto sa isa't isa kaysa ipilit na patunayan kung sino ang tama o mali. Kung kinakailangang linawin ang isang isyu, mas mabuting gawin ito sa tamang oras, sa mahinahong paraan, at nang pribado upang maiwasan ang mas malaking hidwaan sa loob ng pamilya.

Pero sa lahat ng nabanggit na pagpapasensiya at killing them with kindness, ang tanong ay gaano ba ang lahat ng ito kadali? Is it always easy?

Of course, HINDI!

The proverb sounds simple, but it can be very difficult to practice. Human nature often pushes us to retaliate when we feel hurt. Lalo na kapag sunod-sunod na ang nangyari at tipong may extra pa na gagawa ng hindi maganda sa'yo sa trabaho. You are very blessed kung ikaw yung taong hindi talaga makakaganti o makapagsalita man lang nang hindi maganda sa gumawa ng masama sa iyo.

Gayunpaman, hindi nangangahulugan ang kasabihang ito na hahayaan mo na lamang na apihin ka, abusuhin ka, o samantalahin ka. Sa halip, itinuturo nito na mas mainam na tumugon nang may karunungan, dignidad, at pagpipigil sa sarili kaysa pairalin ang paghihiganti. Maaari mong ipagtanggol ang iyong sarili at ipaglaban ang tama, ngunit gawin ito sa paraang mahinahon, makatarungan, at hindi nadadala ng galit.

Hindi rin naman nangangahulugan na ang pagiging mabuti ay tanda ng kahinaan. Sa katunayan, sa maraming pagkakataon, mas malaki ang lakas ng loob na kailangan upang magpatawad kaysa gumanti. Madaling magalit at maghiganti kapag tayo ay nasaktan, ngunit ang pagpili ng kabutihan, pag-unawa, at pagpapatawad ay nangangailangan ng tunay na katatagan ng loob at mataas na antas ng pagkatao. Ito ang uri ng lakas na hindi nasusukat sa kakayahang lumaban, kundi sa kakayahang kontrolin ang sariling damdamin at piliing gawin ang tama kahit mahirap.

In a world filled with online arguments, political divisions, workplace stress, and personal conflicts, this old Filipino proverb remains surprisingly relevant.

It reminds us that kindness can break cycles of anger. Compassion can heal wounds. Forgiveness can restore relationships.

Ang kasabihang ito ay paalala na ang kabutihan ay hindi kailanman nawawalan ng halaga. Maaaring hindi agad magbago ang taong nanakit sa atin, ngunit ipinapakita natin ang ating pagkatao sa paraan ng ating pagtugon.

Sa halip na bato ang ibalik, tinapay ang ihagis—isang simbolo ng kabutihan, pag-unawa, at malasakit. Ito ang uri ng karunungang Pilipino na nananatiling mahalaga hanggang sa kasalukuyan.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads