Biyernes, Mayo 2, 2025

Jack's Biking Chronicles: Pedal, Pawis at Pahinga sa Concrete Jungle ng Makati

 

Padyak sa Concrete Jungle ng Makati City

Alas-kuwatro pa lang ng Linggo umaga, gising na ang kaluluwa ko—pero yung katawan ko, ayaw pa rin bumangon. Pero syempre, dahil isa akong certified bike-lakwatsero day, pinilit ko na rin ang sarili ko. Bitbit ang helmet, bote ng tubig, at kaunting dasal, sinimulan ko na naman ang isang makasaysayang ride mula Imus, Cavite patungong Makati City.

Nakailang beses na rin akong nakabiyahe sa Makati City, bago dumating sa aking final destination kung pupunta akosa Pateros ay lagi kong nadaraanan ang bahagi ng Makati. 

Kung iisa lang ang pipiliing lugar na sumasalamin sa modernong mukha ng Pilipinas, walang dudang ang Lungsod ng Makati ang isa sa mga nangunguna. Kilala bilang sentro ng negosyo at pananalapi ng bansa, puno ito ng matatayog na gusali, abalang kalye, at mga multinasyunal na kumpanya. Ngunit higit pa sa pagiging business hub, taglay ng Makati ang makulay na kasaysayan, sining, at isang bagong henerasyon ng urbanong kultura — at isa sa mga simbolo nito ay ang Circuit Makati.

Ang pangalang Makati ay nagmula sa salitang “kati,” na nangangahulugang "pagtaas at pagbaba ng tubig," na inilarawan ni Miguel López de Legazpi noong napadpad siya sa lugar noong panahon ng Kastila. Noon, isa itong bahagi lamang ng Maynila na kilala sa mga palayan at latian.

Noong 1600s, naging bayan ito na may pangalang San Pedro de Makati, at isa sa mga kilalang landmark noon ay ang simbahan ng San Pedro Makati (ngayon ay Saints Peter and Paul Parish). Pagsapit ng ika-20 siglo, unti-unti nang nakilala ang Makati bilang lugar ng pag-unlad, lalo na nang itayo ng Ayala Corporation ang mga unang modernong komunidad at negosyo rito.

Pagsapit ng dekada ’90 at 2000, tuluyang lumutang ang Makati bilang sentro ng komersyo, tahanan ng mga bangko, embahada, opisina, at shopping centers tulad ng Glorietta at Greenbelt. Kasabay nito, nananatiling matatag ang pamahalaan ng lungsod sa pagtataguyod ng mga serbisyong panlipunan, kalinisan, at urban planning.

Mula Imus, dinaanan ko ang paborito kong ruta: Quirino Avenue Station, tapos derecho sa San Andres Bukid- A. Francisco to Circuit Makati. Isang masalimuot pero exciting na daan—kaliwa’t kanan may mga nag-aalmusal ng kwek-kwek, taho, at usok ng jeep. Pero kahit matraffic at mainit, laban pa rin! Ang Circuit Makati ay ang dating Sta Ana Race Track. 

Ang Circuit Makati ay isang mixed-use development project na binuo ng Ayala Land sa dating site ng Santa Ana Racetrack — isang sikat na karerahan ng kabayo noong dekada ’30. Ngayon, isa na itong 21-ektaryang lifestyle and entertainment district na may layuning gawing sentro ng sining, musika, at aliwan sa lungsod.

Ano ang makikita sa Circuit Makati?

1. Concert Grounds at Globe Circuit Events Grounds

Isa ito sa mga pinaka-malalawak na open-air venues sa Metro Manila. Dito ginaganap ang malalaking concerts, festivals, at conventions. Ang kapasidad nito ay umaabot ng 20,000 katao, kaya’t perpekto ito para sa mga music at cultural events.








2. Ayala Malls Circuit

Isang modernong shopping center na may mga boutique stores, restaurants, sinehan, arcade, at open-air dining spots. Sikat din ang Activity Center nito bilang venue ng mga exhibit at bazaar.










                                          


3. Samsung Performing Arts Theater

Ang makabagong teatro na ito ay may 1,500 upuan at idinisenyo para sa mga musical plays, concerts, ballet, at cultural shows. Madalas itong tahanan ng mga produksyon mula sa Repertory Philippines, Ballet Manila, at iba pang theater groups.







4. The Circuit Lane

Isang walking promenade na may mga cafe’t kainan sa tabi ng ilog. Ang disenyo nito ay pedestrian-friendly at may alindog ng urban riverfront lifestyle — isang bagong karanasan sa gitna ng syudad.






5. Outdoor and Recreational Spaces

  • Skate Park – Isa sa mga pinupuntahan ng kabataang skaters sa lungsod.

  • Football Turf – May football field para sa tournaments at community sports.

  • Jogging Paths at Open Park – Perpekto para sa mga nag-e-exercise o naghahanap ng nature break.

At sa wakas, pagdating ko sa Makati, parang may soundtrack na tumugtog sa utak ko—“Welcome to the Jungle” kasi grabe ang gulo ng intersection, pero kasunod non ay ang pagtanaw ko sa aking paboritong oasis sa gitna ng lungsod. 

Imagine mo ‘to: pagkatapos ng ilang kilometrong pagpadyak, may isang lugar na parang sinadya para sa mga katulad kong pagod, pawisan, at gutom—Circuit Makati Park. Hindi ito basta park lang, mga kaibigan. Ito ang lugar kung saan:

May dog park para sa mga asong mas sosyal pa sa atin (may suot pa silang shades, pramis).

May mini soccer field kung saan may mga batang mas malakas pa ang stamina kaysa sa akin.

May skating rink na para sa mga punk rock kids na skater boys. Hindi ako marunong nito kaya tamang viewing lang ako sa mga nagliliparan na kabataan gamit ang kanilang mga skateboards. 

At siyempre, ang napakagandang tanawin ng Guadalupe River—oo, may parte pala ang ilog na photogenic!

                                                              Sandwich - Bisikleta


Dito ako nagrerelax para sa susunod na destinasyon, umiinom ng tubig, at humihinga ng malalim habang pinagmamasdan ang mga nagjojogging, nagti-TikTok, nagsskate boards, nagsosoccer at mga aso na parang mas may direksyon sa buhay kaysa sa akin.

Bukod sa aliw at ganda ng Circuit Makati, nakakatuwang isipin na meron pa rin palang mga urban parks sa gitna ng siyudad na talagang well-maintained at bike-friendly. Safe ang paligid, may sapat na upuan, at marami kang makikitang kapwa biker na nagpapahinga rin. Kaya perfect itong "pahingahan spot" ko tuwing nagbabyahe mula Imus. Kung hindi lang kainian ay masarap humiga dito sa field ng damuhan ng concert grounds ng Circuit Makati. Ito ay pinagdadausan ng iba't-ibang event tulad ng Christmas parties, theatre arts, exhibits, dance fest at kung anu-ano pang masasayang activities. 

Kung ikaw ay kagaya ko—adventurous, pawisin, at may kaunting pagka-sabaw tuwing madaling araw—subukan mo na rin ang ruta ko. At kapag narating mo ang Circuit Makati Park, magpahinga ka muna, uminom ng tubig, at namnamin mo ang hangin (at amoy ng hotdog at sari-saring pagkain mula sa food stalls).




Jack's Biking Chronicles: The Land of the Balut at Penoy at Padyak sa Daloy ng Kasaysayan

 
PATEROS po yan at mukhang nagkamali ng spelling si AI. 
Pagkatapos ng aking Saturday shift sa aking work from home job ay nakaupo ako sa aming salas hawak ang aking cellphone at nagmumuni-muni para magpa-antok at makapagpahinga. Naisip ko na Linggo na naman pala kinabukasan at makakagala na naman ako sa aking pagbibisikleta. Simple lang naman ang buhay ko at kaligayahan, ito lang ang mga bagay na nagpapasaya sa akin ang maging malaya at magtanggal ng pagod sa aking katawan sa pamamagitan ng aking mga bike journeys. 

Habang nagpapaantok, naisip kong pauli-ulit na akong pumupunta sa aking mga pinupuntahan kagaya ng Intramuros, Binondo, Sta Cruz at Quiapo. Gusto kong maiba naman at nakita ko nga itong bayan ng Pateros. Interesante para sa akin ang lugar sapagkat sa tagal na nakatira kami noon sa Maynila ay hindi pa ako nagawi sa lugar kung saan pinakasikat ang balut at penoy sa Pilipinas. Kaya binuksan ko si Google maps at minarkahan ko ang mga rutang dadaanan at sabi ko sa sarili ko na kaya ko naman puntahan ito mag-isa at makakabisita na naman ako ng bagong simbahan sa bagong lugar na aking pupuntahan. Naging ugali ko na rin kasi sa aking mga bike journeys ang bumisita sa bawat simbahan na aking tinatahak. Kinabukasan noong araw na yun ay matagumpay kong nabisita ang Pateros, Manila. 

Isa sa mga bagay na pinahahalagahan ko bilang isang nagbibisikleta ay ang pagkakataong makita ang mga lugar na mayaman sa kasaysayan at kultura—hindi lang basta nadadaanan, kundi tunay na nararamdaman. Nitong nakaraang linggo, pinili kong bumiyahe mula sa Imus, Cavite papuntang Pateros—ang pinakamaliit na bayan sa buong Metro Manila pero hindi kailanman maliit pagdating sa ambag sa ating kultura, pagkain, at kasaysayan.

ANG SAN ROQUE-STA MARTHA PARISH CHURCH AT ANG HISTORICAL MARKER NG SIMBAHAN




      

 
                                               Teddy Corpuz - Takas

Matatagpuan ang Pateros sa silangang bahagi ng Metro Manila, napapagitnaan ng mga lungsod ng Taguig, Makati, at Pasig. Bagama’t ito’y hindi lungsod, ang Pateros ay isang first-class municipality na kilala sa kanilang mga natatanging produkto at makasaysayang pamanang-bayan. Ang sukat nito ay maliit kumpara sa mga karatig lungsod, ngunit ang kwento na dala-dala nito ay napakayaman.
Ang pangalang “Pateros” ay nagmula sa salitang Kastila na “pato” na ang ibig sabihin ay bibe. Dito rin hinango ang salitang “patero” na nangangahulugang taong nagpapalago o nag-aalaga ng mga bibe. Noon, kilala ang bayan bilang sentro ng industriya ng pag-aalaga ng bibe at paggawa ng itlog na maalat, balut, at penoy. Isa ito sa mga pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan noon at hanggang ngayon, dala-dala pa rin ito ng bayan bilang bahagi ng kanilang pagkakakilanlan.

Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod pero masayang pedalan mula Imus, sinalubong ako ng mga tahimik ngunit makasaysayang kalsada ng Pateros. Hindi man ito kasing-ingay ng mga lungsod sa paligid, ramdam ang kalmadong ritmo ng pamumuhay dito. Habang umiikot ako sa baryo, nasilayan ko ang ilan sa mga ancestral houses na nananatiling nakatayo—mga antigong bahay na parang nagsisilbing tanod ng kasaysayan. Ilan sa mga ito ay pagmamay-ari ng mga prominenteng pamilya sa bayan, at bagama’t hindi lahat ay bukas sa publiko, ang arkitektura at pagkakagawa ng mga ito ay sapat nang paalala ng kolonyal na nakaraan ng bayan.

Nasilayan ko ang ilan sa mga ancestral houses na nananatiling nakatayo—mga bahay na itinayo pa noong panahon ng mga Kastila at Amerikano. Ilan sa mga kilalang ancestral houses ay:

Ang Bahay ni Maestrang Tayang at iba pang Ancestral Houses sa Pateros

Banal na Krus Chapel area kung saan may mga lumang bahay na bato

Mga bahay sa kahabaan ng M. Almeda Street—may ilan dito na may detalyeng capiz windows at orihinal na kahoy.

Hindi man ito kasing laki ng mga heritage towns tulad ng Taal o Vigan, ang mga bahay na ito ay nagsisilbing patunay sa kasaysayan ng isang bayang nakatindig sa sariling paa.

ANG MGA ANCESTRAL HOUSES SA PATEROS: ANG BAHAY NI MAESTRA TAYANG, RAYMUNDO HOUSE, SANTOS HOUSE, HOUSE OF INANG SISA AND AN UNKNOWN ANCESTRA HOUSE.


   

Hindi kumpleto ang pagbisita sa Pateros kung hindi mo masisilayan (o mabibili) ang kanilang tanyag na alfombra. Ito ay isang uri ng makapal at malambot na tsinelas na gawa sa tela at goma, kadalasang may makukulay na disenyo. Gawa ito ng kamay at itinuturing na pangunahing produkto ng bayan. Ang industriya ng paggawa ng alfombra ay isang patunay ng malikhaing pagkamalikhain at kasipagan ng mga taga-Pateros. May ilan pang maliliit na pabrika at pamilya na hanggang ngayon ay gumagawa pa rin nito, at karaniwang binebenta sa mga lokal na palengke at bangketa.

SPECIALTY NG PATEROS ANG BALUT AT PENOY, CHICHARON, ANG SPECIAL NA SUKA AT MAKUKULAY NA ALFOMBRA






Siyempre, hindi ko pinalampas ang pagkakataon na tikman muli ang mga pagkaing tunay na Pateros! Sa isang maliit na tindahan sa gilid ng kalsada, bumili ako ng mainit-init na balut at penoy. Ang balut ay itlog ng bibe na may partly developed na sisiw sa loob—isang street food na madalas kinatatakutan ng iba, pero para sa akin, ito ay isang klasikong Pinoy delicacy. Ang penoy naman ay katulad ng balut pero walang sisiw—malambot, parang nilagang itlog pero may kakaibang linamnam. Isa din sa top delicacy ng bayan ng Pateros ay ang kanilang manamis-namis na maanghang na special suka. Saktong-sakto sa sawsawan ng chicharon. Isang recipe sa pampagana ng pagkain At sa katunayan na nagustuhan ko ang suka ng Pateros ay bumili ako ng isang bote at nung naubos ay bumalik pa ako ng Pateros para bumili ulit ng the best na suka nila. Ang suka nila ay gawa sa tradisyunal na paraan, at may timpla ng bawang, siling labuyo, at ilang sekreto ng mga lokal na gumagawa. Dapat mo talaga itong subukan kung mapapadpad ka sa bayan.

Balikan dito sa Imus, Cavite ay naglalaro sa 70-80 km ang papuntang Pateros. Anim na beses din akong bumalik-balik sa bayan ng Pateros.

Kung ikaw ay mahilig mag-bike at gusto mong maranasan ang kakaibang timpla ng kasaysayan at pagkain, Pateros ang isa sa mga perpektong destinasyon. Mula sa Imus, maaaring dumaan sa Bacoor, Las Piñas, at Pasay. Mula sa aking childhood place na San Andres Bukid  papasok ng Makati, Guadalupe, ilang parte ng Taguig hanggang marating ang Pateros. Siguraduhing dala ang hydration pack, tools, at syempre, ang iyong curiosity at respeto sa lugar.

Sa bawat pedal at pag-ikot ng gulong, may bagong kwento kang matutuklasan. Sa Pateros, ang simpleng bayan ay may simpleng ganda—na ang lasa, alaala, at kasaysayan ay tiyak na hindi mo malilimutan.

Hindi lang ito isang destinasyon. Isa itong paalala na kahit sa gitna ng modernong lungsod, may mga bayan pa ring may puso, alaala, at lasa ng nakaraan.



Huwebes, Mayo 1, 2025

Jack's Biking Chronicles: Bike, Busog, at Binondo Chinatown

Food trip sa Chinatown, Binondo, Maynila

At dahil ang madalas ko na lang gawin ngayon ay maupo sa aming balkonahe at hindi nakakapagbisikleta dulot ng aking kondisyon ay hayaan niyo akong magkwento tungkol sa aking mga solo bike journeys. Noon, Sabado pa lang ay hinahanda ko na ang aking bisikleta, check ng gulong, inspection ng gear, check ng preno at tono ng bisikleta para kinabukasan ay maayos ang aking biyahe at walang trobol na hindi inaasahan mula sa aking bike. Inaayos ko rin ang aking mga bag at mga lalagyan ng gadgets at inumin. Ako kasi yung type na sikllista na ang hangad ko sa pagbibisikletang ito ay purong kasiyahan lamang at hindi ako yung tipong mag-eensayo at pagurin ang sarili dahil wala naman akong sasalihan na racing event besides tumatanda na tayo at hindi na tayo nakikipagsabayan sa mga ganitong trip. Food trip, kain at gala sa mga lugar na hindi napupuntahan yan lamang ang aking mga layunin kung bakit ako nagbabike at syempe kaunting shoutout sa sarili kasi nakapunta ako sa malayong lugar na bisiskleta lamang ang aking gamit. 

Linggo ng umaga. Alas-kwatro pa lang ng madaling-araw ay gising na ako. Hindi dahil sa sipag—dahil sa excitement at gutom at adventure ko sa pagbibike sa araw na ito. Plano ko? Mag-bike mula Imus papuntang Binondo. Bakit? Eh kasi gusto kong pagsamahin ang cardio at calories. Parang love-hate relationship ng katawan ko: “Mag-ehersisyo tayo para may karapatan tayong magpakabusog.”

Ang ruta? Mula Imus – Aguinaldo Highway – Bacoor – Tambo, Paranaque – Roxas Boulevard – Intramuros – tapos ay turn right to Ongpin Street. Medyo mahaba, around 35 to 40 kilometers one-way. Pero kung kasama ang inspirasyong kumain ng siopao, hopia, at pancit, parang 5K lang ‘yan. Pero sa totoo lang at hindi sa pagmamayabang sanay na ako sa ganitong ruta pa-Maynila. Sapagkat ilang beses na ruta ko na rin itong nagawa at minsan nalalampasan ko pa nga ang rutang ito at kung sinisipag ay umaabot pa akong Monumento hanggang Mc Arthur Hi-way. 

Tip sa mga gustong mag-bike papuntang Binondo: Gumamit ng helmet, reflectors, at patience—lalo na pag nasa may Paranaque palengke na kayo dahil kahit naka-bike ka lang ay mata-trapik ka pa. Pray ka rin na hindi masira ang bike sa walang bike shop repair na malapit o mabutasan ng gulong kung saan hindi matao. 

Babansagan ko ang Binondo bilang Pambansang Food Court ng Kalakhang Maynila dahil sa napakaraming uri ng pagkain ang maooffer ng Binondo, mula sa local cuisine hanggang sa masasarap na Chinese foods 

Binondo, established noong 1594, ay hindi lang basta barangay—it’s the oldest Chinatown in the world. Dito unang nanirahan ang mga Chinese immigrants na naging parte ng Filipino culture (at cuisine).

Ang mga turista, foodies, at Instagrammers ay dumadayo rito dahil sa food trip. Ang bawat kanto, may kwento. At bawat kwento, may katapat na pagkain at pag-dighay. 

Kadalasan kong napapasyalan dito para mag-take out ay ang Eeng Bee Tin kung saan ay hindi ka daw mabibitin yan ang tag line na namemorize ko sa store habang pinatutugtog nila ito sa malaking speaker . 

Specialty: Hopia Ube, Tikoy, Ube Pastillas

Hopia Mongo at Eng Bee Tin
 

Kung gusto mo ng hopia na hindi hopia-hopia lang, dito ka na. Eng Bee Tin ang hari ng hopia. Ube flavor pa lang, parang may marching band sa lasa. Perfect pang-uwi at pang-regalo… o pang-binge habang nanonood ng KDrama.

Fun Fact: Ang founder ng Eng Bee Tin ay si Mr. Chua Chiu Hong noong 1912. So matagal na ring may ube supremacy dito!

Ang klasik na Chinese fast food joint kung saan laging puno pero laging worth it.ay ang Wai Ying Fastfood. Ang siomai nila ay hindi siomai sa tabi-tabi. Malaman, juicy, at may tamang anghang kapag may chili oil. ‘Wag mong kalimutan ang milk tea—kahit di sosyal, panalo sa lasa.

Specialty: Siomai, Roast Duck, Asado Rice

Wai Ying Roasted Duck










Tinaguriang alamat na sa Binondo ang kasarapan ng pagkain sa Sincerity Cafe and Restaurant. Ang fried chicken dito ay parang tinimplahan ng pagmamahal at sikreto ng mga lola sa Taiwan. Crispy sa labas, juicy sa loob. Kainin mo ito ng may sinangag at chili sauce at magpapa-“sincere” ka na ng feelings sa kusinero.

Specialty: Sincerity Fried Chicken

Sincerity Cafe's Fried Chicken













                                                                                         Jurassic Pards - Rapsabu

Kung gusto mong magpanggap na nasa Beijing dito ka kumain sa Lan Zhou La Mien, dito ka na. Habang niluluto ang noodles mo, parang live show sa kusina. Tapos ang beef noodles? Malasa ang sabaw, generous ang karne, at parang ramdam mo ang init ng yakap ni crush sa sobrang sarap.

Specialty: Hand-pulled noodles (La Mien), Beef Noodle Soup

Lan Zhou La Mien's Beef Noodle Soup











Para sa mga gusto ng chill breakfast o late lunch. Perfect ang Ying Ying Tea House at ang specialty nilang hakaw—shrimp na nakabalot sa soft wrapper. Parang dumplings na may “hugot.” Ang congee? Comfort food kung pagod ka sa kakapedal o sa kakakain. The best!

Specialty: Dumplings, Hakaw, Congee

Ying Ying Teahouse specialty: Hakaw























Kung gusto mo naman ng di fancy pero ang lasa—pang five-star dito ka na sa Dong Bei Dumplings. Gawang-kamay ang dumplings, parang yakap ng Chinese tita. Swak sa suka at chili. Dito mo mararamdaman ang tunay na "gutom satisfaction."

Specialty: Freshly made dumplings with pork and chives

Dumplings at Dong Bei























Saan maganda Mag-Photo Op? 📷
  • Ongpin Street Sign – Kailangan ng “proof of life” post.
  • Binondo Church – Insta-worthy at historical place pa.
  • Lucky Chinatown Mall – Kung gusto mo ng deep-dive history ng Binondo may museum ito sa pinakataas. Maganda ang museo at airconditioned. 
                                                                                             Ian How - Sarap Mag Bike

More bike tips kung gusto mong subukan ang rutang ito sa mga nagsisimulang mag bisikleta pa lamang at gustong mag food trip sa Binondo Chinatown kung taga Imus ka, na katulad ko:

Route Instructions:
  • Start from Imus proper
  • Take Aguinaldo Highway papuntang Bacoor
  • Zapote to Tambo Paranaque - ingat lang dito dahil makitid ang daan sa isang bahagi ng Las Pinas at maraming naka-motor ang nakikishare ng bike lane. 
  • Tambo, Paranaque to SM MOA - pagdating mo ng kanto ng Tambo, kumaliwa ka at diretso lang hanggang sa mapunta ka sa daan papuntang SM MOA mas okay ang daan dito kasi maluwag at maraming siklista. Madadaanan mo ang SM MOA o kung gusto mo rin pumasyal sa MOA Seaside para lumanghap ng basura sa seaside lol joke pero halos nagiging totoo na ito. Sa kanto ng Cultual Center of the Philippines kailangan mo kumaliwa sa Roxas Boulevard hanggang Intramuros.
  • Intramuros – pwede kang dumaan sa muralla area papuntang Ongin. Pagbaba ng Jones Bridge diretso lang hanggang sa makarating sa sa Ongpin Street. 
  • Turn right sa Ongpin Street bago lumampas ng Binondo Church at pwes puwede ka na mag food trip. 

Travel Time: Approx. 2.5 to 3.5 hours depende sa traffic, pacing, at kung ilang beses kang tumigil para uminom ng Gatorade.

Safety Reminders:
  • Always wear helmet and safety gear.
  • Bring water and electrolytes.
  • Lock your bike securely kapag kakain ka.
  • Magdala ng wipes. Dahil pawis is real.
Gastos Breakdown (Estimate):
  • Bike ride: Libre (pero sakit ng legs—premium!)
  • Hopia & Tikoy: ₱200
  • Siomai & Asado Rice: ₱180
  • Sincerity Chicken Meal: ₱150
  • Lan Zhou La Mien Beef Noodles: ₱220
  • Dumplings & Milk Tea: ₱100
         Total Calories: Infinity

         Total Busog Level: Maxed out

Kahit pinawisan ka, na-sunburn, at nasinghot mo ang usok ng Cavite hanggang Roxas Boulevard, sulit ang lahat dahil ang Binondo ay isang festival ng kultura, kasaysayan, at kalderetang Chinese-Filipino fusion. Kung gusto mong mag-bike with a purpose, walang tatalo sa food trip na may kasamang paglalakbay.

Tandaan: Ang tunay na foodie, kahit pawisan at may helmet hair style, ay lalaban para sa fried chicken at dumplings.



Lunes, Abril 28, 2025

The After-School Meryenda 90s Edition

 

Lugawan set-up noong dekada nobenta

Isa sa hindi ko makakalimutang mga set-up noong dekada nobenta nung ako ay nasa high school ay ang aming after-school snacks or meryenda bago magsi-uwian ng bahay. Ang buhay ko noong 90s ay panay food trip pagkatapos ng school, kain dito, kaind doon, tusok dito, tusok doon. Ganito kasimple ang buhay namin at siyempre habang kumakain sa lugawan hindi mawawala ang halakhakan at mga kuwentuhan. Pagkatapos ng klase, alas-singko ng hapon, sabay-sabay kaming lumalabas ng gate ng eskwelahan. Hindi pa uso noon ang cellphone, kaya ang usapan: "Kita-kits sa kanto, sa tabi ng tindahan ni Aling Bebang!"

Alam na namin ang aming bibilhin sa menu ni Aling Bebang sapagkat yun at yun din naman ang kanyang tinitinda pero marami kang pagpipilian. Patawid pa lang amoy na namin ang pinipritong tokwa at kumukulong lugaw, para na kaming mga zombie na kusa nang naglalakad papunta sa puwesto. Pagod at gutom na ang aming utak dahil sa ang huling klase namin ay Mathematics at kung minsan ay nagtatanungan kung saan ba nakuha yung answer na 54 sa ginawang equation ni mam? Si Regino, bitbit ang second-hand niyang backpack na may iconic sticker pa ng Street Fighter. Si Apple naman, nakasanit pa ang Tamagotchi niya sa palda, nanginginig sa gutom. 

"Isang lugaw na may itlog, Aling Bebang!" sigaw namin sabay-sabay, para kaming boyband na sintunado. Kanya-kanya ang timpla ng lugar, yung iba talagang binudburan ng paminta, nilagyan ng suka, hot sauce, celery, maraming garlic, toyo, at calamansi. Iba't-ibang style depende sa weird na panlasa. Ang mayaman na naka-save ng kanyang baon sa recess may extrang order na tofu. Sa lugawan ni Aling Bebang tumutugtog ang "Dying Inside" ni Timmy Thomas, at sinasabayan naman ito ng pumipiyok na boses ni Bek-bek, "coz I'm dying insayd to hold u, I cud not believe what I felt 4u" 🎵 "Gutom na talaga si Bekbek, Aling Bebang" ang tugon ni Anthony, sabay halakhakan ang lahat. 

                                                                               Timmy Thomas - Dying Inside to Hold You

Tapos habang hinihintay maluto ang tokwa, kwentuhan na.

"Ano'ng nangyari kay Ma'am Josie kanina?" tanong ni Nino habang umiinom ng malamig na Sarsi, yung naka-bote pa, binanlian lang sa tubig para matanggal ang alikabok.

"Nalaglag 'yung pustiso niya habang sumisigaw! Hahahaha!" sigaw ni Apple, halos maibuga ang tikoy roll na kinakain.

Minsan naman, pasikatan. Si Regino, ipapakita ang bagong labas na Pogs niya. Si Nino, yayabang na nakapanood siya ng bagong episode ng Bioman sa RPN 9. Kami naman ni Bekbek, proud na proud dahil nakakuha kami ng libreng teks sa tindahan sa kanto — yung may hologram pa ng Shaider!

Habang nagtatawanan, may pahabol pa si Aling Bebang, "Oh, 'eto extra sabaw oh, para sa mga future brokenhearted!"

"Tamang-tama, para kay Anthony na binasted ni Kim-Kim!" sabay-sabay naming asar, habang halos mapatalsik si Anthony sa upuan niya.

Wala pa masyadong gadgets noon. Walang Tiktok, walang Instagram, walang Twitter, Facebook at kung anu-ano pa. Wala pang umaagaw sa atensiyon ng aming masasarap na kuwentuhan, usapan, tanungan sa mga assignment at kung anu-ano pa na pwede pag-usapan. Personal communication ang naghahari back then at wala pang destruction ang mga 90s kids sa isa't-isa. Kung meron man gadgets na nadedestruct kami pansamantala ay yung Tamagotchi, Brick game o di kaya ay Game N' Watch lang. Pero bawat kagat sa tokwa, bawat subo ng goto, bawat higop ng Sarsi o kaya Fanta - kwento na agad. Kwento ng kabataan, kalokohan o di kaya ay katatakutan. Simpleng saya pero sulit kasama ang tropa. 

                                                                                               Whigfield - Close to You

Kahit pawisan, kahit minsan napuputikan dahil umuulan at lubak-lubak ang kalsada, walang makakatalo sa sarap ng meryenda namin noon.Wala na sigurong sasarap sa pagkain ng lugaw o goto ng tropa sa tuwing tag-ulan. Mas nagiging malinamnam ang lugaw at tofu ni Aling Bebang sa mga ganitong pagkakataon. 

At sa bawat huling subo ng lugaw, sabay-sabay kaming sisigaw:

"Hanggang bukas ulit, mga tol!"







Linggo, Abril 27, 2025

Unappreciated Household Item: Walis Tambo at Walis Ting-ting

Naappreciate mo ba ang household item na ito?

Pagbaba ko ngayon sa aking kwarto ay inupog ako ng kaha-hatsing kalahati pa lang ng pagbaba sa hagdanan. Ako kasi yung tipong dahan-dahan sa pagbaba ng hagdan dulot ng aking kondisyon. Kailangan kong huminay sa pagmamanhik-manaog para hindi agad bumilis ang tibok ng aking puso. At dahil na stock sa gitnang parte ng hagdanan ay tila ata pinupog ako ng alikabok na nalalaglag sa butas ng aming kisame. Bakit nga ba kasi lumutang ang alikabok kapagnasa sinag ng araw at parang imbisibol naman kapag nasisinagan? 

Anyway, sabi ko kasi ang unang bagay na pumasok sa isipan ko ay iyon ang bibigyan ko ng halaga para isulat ngayong Linggo ng umaga. Pero hindi ito ang alikabok. Kung may alikabok at para maitaboy sila dapat ay may walis. Pahahabain natin ang kwentuhan ngayong araw tungkol sa walis. Parang ang haba na ng intro pero wala pa rin sense ang aking mga sinasabi. Okay eto na..

Ang walis ay isa sa mga kagamitan sa bahay na hindi natin masyadong binibigyan ng kaukulang pansin.  Lagi itong ginagamit ng katulong namin, tiyahin ko, witch, lola, o ng lolang mukhang witch.  Ngunit bihira ko itong marinig na mabigyan ng papuri ng mga tao.

Ang lagi nating naririnig: "Ang ganda naman ng TV niyo, flat screen!", "Sosyal, may microwave!",  o kaya "wow, may Air Fryer ka na mare!"

Yan ang madalas kong naririnig. Pero bihirang-bihira ako makarinig ng, "Wow! Fantastic walis!" O kaya naman ay, "Ang ganda ng materyales na ginamit sa mga tingting mo! San mo naiskor yan?" Di ba? Wala! Wala kang maririnig na appreciation patungkol sa walis! Eh kung sa tutuusin, eto ang pinaka-nagagamit sa bahay, sa umaga, sa tanghali at sa gabi. Hindi lang natin siya pinapansin dahil hindi ito makintab tulad ng overn toaster o kaya ng kutsarat-tinidor. 

Maraming gamit ang walis. Pagkatapos ng malakas na ulan ay kailangan niyong tanggalin ang naipong tubig sa semento para makapaglaro ng basketbol. Anong gamit niyo pantanggal ng tubig? Ano?! Ano di ko madinig?!! Walis ting-ting. Kapag mahangin naman at gusto mong gumawa ng instant saranggola, anong gamit mo para gawin ang skeleton nito? Ting-ting ulit, friends. Sa mga taga-probinsiya naman, ano ang gamit ni Lola para itabi ang mga tuyong dahon sa lupa pagkatapos pausukan ang puno ng mangga? Tama ka na naman.. walis ting-ting. 

At ano naman ang ginagamit para linisin ang mga nalaglag na buhok pagkatapos kang gupitan ng barbero? Walis tambo, sir. 

Madaming madami pang gamit ang walis. Sigurado din akong madami pa kayong ala-ala with your favorite household item na ito, Sa sobrang ganda neto ay lagi pa itong binibilang sa Batibot!

“Isa!  Isang walis tambo!  Ting!”

(drumroll…)

“Dalawa!  Dalawang walis tambo!  Ting!”

(drumroll…)

“Tatlo…”  and so forth… – lagi kong naririnig sa titser ko ‘to nung bata ako eh, “…and so on and so forth…”

Lahat ba ng walis ay gawa sa Baguio. Mukhang ito lang ata yung oras na naaappreciate ng nanay ko at mga tita ko noon ang walis sa tuwing nabibilhan sila ng aming ibang kamag-anak ng walis na galing sa Baguio. Iba daw kasi ang kalidad ng walis kapag galing sa Baguio city. Tuwang-tuwa sila noong nakatanggap sila ng walis na ito. Pero nung kabataan ko nalaman kong espesyal nga ang walis ng Baguio lalo na ang mango nito, kasi mas masakit ang impact kapag hinampas ka ng walis tambong gawa sa Baguio, mas matigas at solid. Iiyak kang talaga. 

Masakit mapalo ng walis tambo, ang pambansang household item ng Pilipinas, ang pambansang household item ng Pilipinas. Itanong niyo pa sa mga batang kalye noonde dekada 80 at 90. Kapag hindi ka natulog sa hapon kasabay ng programa ng Agila, Valiente at Anna Luna at nahuli ni Manang, maliban sa tangkay ng puno ng malunggay e walis ang babati sa balat mo. Uhm! Saraaappp! Hindi ka pa napapalo sa puwet eh umiilag ka na, 'diba klasik na klasik 'to?

Ang walis ay saksi sa ating paglaki. Lahat ng bahay ng Pilipino ay meron nito. Mawala na ang mga kabinet sa bahay 'wag lang ang walis. Nakatambay 'yan madalas sa mga suluk-sulok ng bahay natin at parating kumakain ng alikabok at agiw araw-araw. Mahilig din kumain yan ng mga tumapong kanin kaya inis na inis si doggie at bitin ang hapunan niya. May dalawang klase ang walis-ang walis tambo at ang walis ting-ting. Mas marami nga lang gamit ang walis ting-ting. Madalas nating makita ang walis tambo sa loob ng bahay at sa labas naman ang tambayan ng walis ting-ting. Ang walis ting-ting ay ginagamit din sa pandakot ng tae ni doggie na may halong buhangin, ginagamit din itong skeleton ng saranggola, pamalo, at arena ng mga naglalabang gagambang bahay at ekis. Alarm clock din ito sa mga probinsiya sa kaumagahan, ang tunog ng pagwawalis ng kapitbahay naming lolang naka duster, kamay sa likod. Ni minsan ay wala akong nakitang nagwawalis ng nakapamewang. Ikaw may nakita ka na bang nagwawalis ng nakapamewang? Ang ibig ko lang sabihin ay wala nang mas sasarap pa sa tunog niyan 'pag umaga. Sssshhhkkk sssshhhkkkk sssshhhkkkk...

                                                                                             Lovecore - Walis Tambo

Madalas kong isabit noon ang walis tambo sa likod ko para kunwari ay espada siya ni Darth Vader. Tapos ay mag eespadahan kami ng kapatid ko hanggang sa magsawa kame hanggat walang sumasaway. Ganun ganun lang, walang kwentang laro.

Ginawa ba ‘to ng mga matatanda sa inyo-‘yung bubunot ng isang pirasong walis ting-ting para gawing toothpick?  “Manang, pakilinis nga ‘tong tae ng aso.  Salamat.” (sabay ngata ng ting-ting)

Ang alikabok ang mortal na kalaban ng walis tambo.  Dito ay nagkakaubusan sila ng lahi.  Paunahang maubos.  Pagkatapos ng ilang linggo e parang sinuklay na one-side ang walis kakawalis sa alikabok, samantalang ang alikabok ay lulutang-lutang lang sa ere at hahalik pabalik sa sahig.

Walis Tambo ang hari ng loob ng bahay. Siya ang laging sumasalba kapag bumagsak ang baby powder ni ate o kapag natapunan ng Tang orange juice si bunso. Tahimik siyang nagtatrabaho — walang reklamo, walang tanong — kahit minsan tinatrato siyang parang isang basahan na itinatago sa likod ng ref.

Walis Ting-Ting naman, ang warrior sa labas ng bahay. Siya ang ultimate kalaban ng mga dahon, putik, at mga papel na tinangay ng hangin galing sa kalapit-bahay na may kasalanang hindi nagwawalis. Hindi siya glamoroso. Wala siyang magandang buhok gaya ng tambo. Pero sa laban ng kalinisan, siya ang tunay na sundalo.

Walang may panahon para mapansin ang mga sakripisyo ni Walis Tambo na sumasayaw sa bawat sulok ng bahay, o ni Walis Ting-Ting na lumalaban sa bawat bagyo na hindi niya alam kung kelan matatapos.

At kapag naluma sila? Simple: itinatapon, parang walang pinagsamahan. Minsan, kinakatay pa si Walis Ting-Ting para gawing pampuksang-ipis. Ang sakit, ‘di ba?

Isa pang gamit ng walis ting-ting ay paglagay ng rugby sa sirang sapatos at iba pang sirang bagay. Sino kaya ang unang taong gumamit nito sa paglagay ng rugby? Pumatok talaga eh at lahat, ito ang ginagamit. Salamat na rin sayo at ilang sapatos na rin ang naidikit ko dahil sa walis ting-ting na yan. 

Panghuli, ginagamit rin itong ehemplo sa kasabihang kapag sama-sama, maraming magagawa at magigin matibay ang pagsasama. Yan ata yung kasabihan na, "Teamwork makes the dream works." Susubukan muna ang isang pirasong walis ting-ting at babaliin. Bali agad siyempre. Pero kapag pinagsama-sama na ang isang buong walis ting-ting na ang babaliin, hindi mo na ito mababali.

Ngayon, bilang mga batang 80s na lumaki na (at nagbabayad na ng sariling kuryente), oras na siguro para magbigay-pugay:

Salamat, Walis Tambo, sa pagtitiis sa alikabok na pinakawalan ng electric fan na #3 ang bilis.

Salamat, Walis Ting-Ting, sa paglilinis ng bakuran kahit kami, nagtatago sa loob para hindi magpulot ng basura.

Kung hindi dahil sa inyo, baka hanggang ngayon, nalulunod pa rin tayo sa libu-libong teks na nagkalat sa sahig.






Biyernes, Abril 25, 2025

Throwback Places: The Old Nayong Pilipino of the 70s


Nasubukan mo bang mamasyal sa lumang Nayong Pilipino bago ito magsara noong 2002?

Ang Nayong Pilipino ay isa sa mga pinakakilalang pambansang parke sa Pilipinas na nagbigay daan upang mas makilala at mapahalagahan ng mga Pilipino at turista ang mayamang kultura, kasaysayan, at sining ng ating bansa. Sa artikulong ito, ating babalikan ang kasaysayan ng Nayong Pilipino—kung paano ito nagsimula, paano ito umusbong, at kung paano ito nagbago sa paglipas ng panahon.

Lagi ko itong nadaraanan noong nasa Paranaque pa kami nakatira at kapag papasok kami sa eskuwela sa San Andres Maynila.. Naabutan pa namin ng isang taon ang operasyon ng pamosong theme park ngunit pansin na hindi na ganoon karami ang buibisita sa Nayong Pilipino hanggang sa nagsara na ito noong 2002. Kadalasan trapik ang lugar na ito sapagkat labasan rin ito papuntang Kamaynilaan

Ang lumang Nayong Pilipino ay isang cultural theme park, na pinamamahalaan ng Nayong Pilipino Foundation, na bukas mula 1970 hanggang sa pagsasara nito noong 2002. Ang mga bakuran nito ay napuno ng malawak na hanay ng mga Filipino na kahanga-hangang arkitektura at mga iconic na landscape ng kapuluan. Hinati ang parke batay sa iba't ibang rehiyon ng bansa, mula sa hilagang mga lalawigan ng Luzon hanggang sa katimugang rehiyon ng Mindanao.

Ang Pambansang Alagad ng Sining na si Ildefonso P. Santos Jr., na kilala rin bilang IP Santos, ay nagdisenyo ng kaakit-akit na tanawin ng Nayong Filipino. Ang 45-ektaryang ari-arian ay ginawang miniaturized realm na muling lumikha ng mga anyong lupa at mga istrukturang sikat sa buong bansa. Dahil mas mahirap ang paglalakbay noong panahong iyon, binigyan nito ang mga naninirahan sa lungsod at mga turista ng pagsilip sa kung ano ang maiaalok ng Pilipinas.


NOSTALGIC PHOTOS OF THE NAYONG PILIPINO IN THE 70s and 2000s



Natatandaan ko pa nung aking elementarya ay kasama ito sa listahan ng aming Field Trip, isa ito sa mga lugar na talaga nga namang nasiyahan kami, malawak, malinis, maraming makikita at masarap mag takbuhan. Pagkatapos ng pagbisita namin sa Bamboo Organ Church ay ito ang sunod na aming pinuntahan, ang Nayong Pilipino, dito kami nagpalipas ng oras para kumain ng aming tanghalian. Naging picnic ang buong senaryo ng pagbisita namin sa Nayong Pilipino at pagkatapos noon ay naglaro kami dito, mayroong umakyat sa Mayon Volcano, nag sight seeing sa Banaue Rice Terraces at bumisita sa Magellan's Cross ng Cebu. Para nga naman talagang napuntahan namin lahat ng tourist destinations ng Pilipinas sa iisang lugar. 

Ang Nayong Pilipino ay idinisenyo upang maging isang buhay na tapiserya ng pisikal at kultural na pamana ng Pilipinas. Nakapalibot sa gitnang lawa ang mga gawang nag-replicate ng mga lugar tulad ng terraced rice fields ng Cordilleras, malalagong burol ng Visayas, at mga kapatagang lupain ng Mindanao. Isang replica ng Bulkang Mayon at ang iconic na bell tower nito na may mga libangan ng tanawin sa kanayunan.

Ang isang malawak na hanay ng katutubo at makasaysayang arkitektura ay muling nilikha ng isang pangkat ng mga kilalang arkitekto. Ang mga Pambansang Alagad ng Sining na sina Leandro Locsin at Francisco Mañosa ay ang mga nag-disenyo ng mga istrukturang ito mula sa buong bansa. Ang mga gusaling ito ay mula sa mga iconic na anyo ng kabahayan at mga relihiyosong istruktura hanggang sa malalaking pavilion para sa mga kaganapan at pagtatanghal. Ang mga ito ay ipinakita sa isang pinaliit na anyo na sinadya upang magsilbing mga replika, tulad ng nakikita sa pagkakagawa ng kanilang mga elemento ng dekorasyon at mga motif ng rehiyon.

Ang orihinal na lokasyon ng Nayong Pilipino ay sa tabi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City. Isa itong 46.4-ektaryang theme park na puno ng mga miniature o replika ng mga tanyag na destinasyon sa bansa tulad ng:

  • Mayon Volcano
  • Banaue Rice Terraces
  • Ifugao Village
  • Vigan House
  • Muslim Village ng Mindanao
  • Rizal Shrine
  • Barasoain Church
  • Magellan's Cross



 



    





                                                                                               The Beatles - In My Life

Bukod sa mga estruktura, tampok din dito ang mga cultural performances tulad ng sayaw, musika, at palabas na nagpapakita ng kasaysayan ng Pilipinas.

Noong 70s hanggang 90s, naging patok na patok ang Nayong Pilipino, lalo na sa mga field trip ng mga estudyante. Itinuturing itong living museum dahil nagbibigay ito ng interaktibong edukasyon sa pamamagitan ng aktwal na eksibisyon, performances, at makasaysayang reenactments.

Pagbagsak at Pagsara

Dahil sa pagpapalawak ng NAIA at Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAX), ang orihinal na Nayong Pilipino sa Pasay ay isinara noong 2002. Dahil dito, nawalan ng pangunahing pambansang theme park ang bansa na sumasalamin sa ating kultura.

Matapos isara, maraming Pilipino ang nalungkot dahil sa pagkawala ng isang mahalagang bahagi ng kanilang kabataan at edukasyon. Ngunit hindi rito nagwakas ang layunin ng Nayong Pilipino Foundation (NPF), ang ahensyang nangangasiwa rito.

Ngayon, ang pumalit na establisyemento sa lumang Nayon Pilipino sa Pasay ay isang napakalaking Petron Gas Station noong huling pagbibisekleta ko sa Pasay papuntang Paranaque para bumisita sa puntod ng aking tatay sa Manila Memorial Park. 

Noong 2007, binuksan ang Nayong Pilipino Clark Expo sa Clark Freeport Zone, Pampanga. Mas maliit ito kumpara sa orihinal, ngunit dinala pa rin nito ang diwa ng orihinal na parke. Tampok dito ang mga tradisyonal na bahay ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo, mga makasaysayang istruktura, at cultural shows.

Sa Clark, naging bahagi rin ito ng tourism strategy ng gobyerno upang mapaunlad ang rehiyon at makilala ang Central Luzon bilang sentro ng turismo at kultura.

Ang kasaysayan ng Nayong Pilipino ay sumasalamin sa mga pagsubok at tagumpay ng ating bansa sa pagpapaunlad ng kultura at identidad. Mula sa makulay nitong nakaraan sa Pasay, hanggang sa panibagong pag-asa sa Clark at mga modernong plano sa hinaharap, nananatili itong simbolo ng ating pagka-Pilipino.

Sa muling pagbuhay ng Nayong Pilipino, nawa’y mas lalong mamulat ang kabataan sa kahalagahan ng ating kasaysayan, sining, at kultura—hindi lang para sa sarili kundi para sa buong bayan.



Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads