![]() |
Food trip sa Chinatown, Binondo, Maynila |
At dahil ang madalas ko na lang gawin ngayon ay maupo sa aming balkonahe at hindi nakakapagbisikleta dulot ng aking kondisyon ay hayaan niyo akong magkwento tungkol sa aking mga solo bike journeys. Noon, Sabado pa lang ay hinahanda ko na ang aking bisikleta, check ng gulong, inspection ng gear, check ng preno at tono ng bisikleta para kinabukasan ay maayos ang aking biyahe at walang trobol na hindi inaasahan mula sa aking bike. Inaayos ko rin ang aking mga bag at mga lalagyan ng gadgets at inumin. Ako kasi yung type na sikllista na ang hangad ko sa pagbibisikletang ito ay purong kasiyahan lamang at hindi ako yung tipong mag-eensayo at pagurin ang sarili dahil wala naman akong sasalihan na racing event besides tumatanda na tayo at hindi na tayo nakikipagsabayan sa mga ganitong trip. Food trip, kain at gala sa mga lugar na hindi napupuntahan yan lamang ang aking mga layunin kung bakit ako nagbabike at syempe kaunting shoutout sa sarili kasi nakapunta ako sa malayong lugar na bisiskleta lamang ang aking gamit.
Linggo ng umaga. Alas-kwatro pa lang ng madaling-araw ay gising na ako. Hindi dahil sa sipag—dahil sa excitement at gutom at adventure ko sa pagbibike sa araw na ito. Plano ko? Mag-bike mula Imus papuntang Binondo. Bakit? Eh kasi gusto kong pagsamahin ang cardio at calories. Parang love-hate relationship ng katawan ko: “Mag-ehersisyo tayo para may karapatan tayong magpakabusog.”
Ang ruta? Mula Imus – Aguinaldo Highway – Bacoor – Tambo, Paranaque – Roxas Boulevard – Intramuros – tapos ay turn right to Ongpin Street. Medyo mahaba, around 35 to 40 kilometers one-way. Pero kung kasama ang inspirasyong kumain ng siopao, hopia, at pancit, parang 5K lang ‘yan. Pero sa totoo lang at hindi sa pagmamayabang sanay na ako sa ganitong ruta pa-Maynila. Sapagkat ilang beses na ruta ko na rin itong nagawa at minsan nalalampasan ko pa nga ang rutang ito at kung sinisipag ay umaabot pa akong Monumento hanggang Mc Arthur Hi-way.
Tip sa mga gustong mag-bike papuntang Binondo: Gumamit ng helmet, reflectors, at patience—lalo na pag nasa may Paranaque palengke na kayo dahil kahit naka-bike ka lang ay mata-trapik ka pa. Pray ka rin na hindi masira ang bike sa walang bike shop repair na malapit o mabutasan ng gulong kung saan hindi matao.
Babansagan ko ang Binondo bilang Pambansang Food Court ng Kalakhang Maynila dahil sa napakaraming uri ng pagkain ang maooffer ng Binondo, mula sa local cuisine hanggang sa masasarap na Chinese foods
Binondo, established noong 1594, ay hindi lang basta barangay—it’s the oldest Chinatown in the world. Dito unang nanirahan ang mga Chinese immigrants na naging parte ng Filipino culture (at cuisine).
Ang mga turista, foodies, at Instagrammers ay dumadayo rito dahil sa food trip. Ang bawat kanto, may kwento. At bawat kwento, may katapat na pagkain at pag-dighay.
Kadalasan kong napapasyalan dito para mag-take out ay ang Eeng Bee Tin kung saan ay hindi ka daw mabibitin yan ang tag line na namemorize ko sa store habang pinatutugtog nila ito sa malaking speaker .
Specialty: Hopia Ube, Tikoy, Ube Pastillas
![]() |
Hopia Mongo at Eng Bee Tin |
Kung gusto mo ng hopia na hindi hopia-hopia lang, dito ka na. Eng Bee Tin ang hari ng hopia. Ube flavor pa lang, parang may marching band sa lasa. Perfect pang-uwi at pang-regalo… o pang-binge habang nanonood ng KDrama.
Fun Fact: Ang founder ng Eng Bee Tin ay si Mr. Chua Chiu Hong noong 1912. So matagal na ring may ube supremacy dito!
Ang klasik na Chinese fast food joint kung saan laging puno pero laging worth it.ay ang Wai Ying Fastfood. Ang siomai nila ay hindi siomai sa tabi-tabi. Malaman, juicy, at may tamang anghang kapag may chili oil. ‘Wag mong kalimutan ang milk tea—kahit di sosyal, panalo sa lasa.
Specialty: Siomai, Roast Duck, Asado Rice
![]() |
Wai Ying Roasted Duck |
Tinaguriang alamat na sa Binondo ang kasarapan ng pagkain sa Sincerity Cafe and Restaurant. Ang fried chicken dito ay parang tinimplahan ng pagmamahal at sikreto ng mga lola sa Taiwan. Crispy sa labas, juicy sa loob. Kainin mo ito ng may sinangag at chili sauce at magpapa-“sincere” ka na ng feelings sa kusinero.
Specialty: Sincerity Fried Chicken
Sincerity Cafe's Fried Chicken |
Kung gusto mong magpanggap na nasa Beijing dito ka kumain sa Lan Zhou La Mien, dito ka na. Habang niluluto ang noodles mo, parang live show sa kusina. Tapos ang beef noodles? Malasa ang sabaw, generous ang karne, at parang ramdam mo ang init ng yakap ni crush sa sobrang sarap.
Specialty: Hand-pulled noodles (La Mien), Beef Noodle Soup
![]() |
Lan Zhou La Mien's Beef Noodle Soup |
![]() |
Ying Ying Teahouse specialty: Hakaw |
![]() |
Dumplings at Dong Bei |
- Ongpin Street Sign – Kailangan ng “proof of life” post.
- Binondo Church – Insta-worthy at historical place pa.
- Lucky Chinatown Mall – Kung gusto mo ng deep-dive history ng Binondo may museum ito sa pinakataas. Maganda ang museo at airconditioned.
- Start from Imus proper
- Take Aguinaldo Highway papuntang Bacoor
- Zapote to Tambo Paranaque - ingat lang dito dahil makitid ang daan sa isang bahagi ng Las Pinas at maraming naka-motor ang nakikishare ng bike lane.
- Tambo, Paranaque to SM MOA - pagdating mo ng kanto ng Tambo, kumaliwa ka at diretso lang hanggang sa mapunta ka sa daan papuntang SM MOA mas okay ang daan dito kasi maluwag at maraming siklista. Madadaanan mo ang SM MOA o kung gusto mo rin pumasyal sa MOA Seaside para lumanghap ng basura sa seaside lol joke pero halos nagiging totoo na ito. Sa kanto ng Cultual Center of the Philippines kailangan mo kumaliwa sa Roxas Boulevard hanggang Intramuros.
- Intramuros – pwede kang dumaan sa muralla area papuntang Ongin. Pagbaba ng Jones Bridge diretso lang hanggang sa makarating sa sa Ongpin Street.
- Turn right sa Ongpin Street bago lumampas ng Binondo Church at pwes puwede ka na mag food trip.
- Always wear helmet and safety gear.
- Bring water and electrolytes.
- Lock your bike securely kapag kakain ka.
- Magdala ng wipes. Dahil pawis is real.
- Bike ride: Libre (pero sakit ng legs—premium!)
- Hopia & Tikoy: ₱200
- Siomai & Asado Rice: ₱180
- Sincerity Chicken Meal: ₱150
- Lan Zhou La Mien Beef Noodles: ₱220
- Dumplings & Milk Tea: ₱100
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento