Sabado, Mayo 31, 2025

Santacruzan: A Timeless Filipino Tradition of Faith and Beauty



Naaalala niyo pa ba kapag buwan ng Mayo sa Pilipinas ay uso ang mga prusisyon sa kalsada sa bawat bayan ng mga probinsiya. Ito ay dahil sa Santacruzan (galing sa salitang Kastila na "santa cruz," na nangangahulugang "banal na krus") ay isang tradisyon na maringal na pagtatanghal na idinadaos sa huling araw ng Flores de Mayo.

Ito ay itinuturing na isa sa pinakakilalang pangrelihiyong pagdiriwang sa kultura ng mga Pilipino. Ang iba’t ibang parokya at mga komunidad ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng mundo ay nag-oorganisa upang gunitain ng Santacruzan.

Ang nasabing tradisyon ay isa sa mga nagbibigay kulay tuwing sasapit ang buwan ng Mayo. Mahabang panahon ang iginugugol sa pag-oorganisa ng pagdiriwang na ito. 

Ayon sa Banal na Tradisyon, si Santa Elena ay pumunta sa bundok ng Kalbaryo, 300 taon matapos ang pagkamatay ni Kristo upang hanapin ang Krus kung saan siya ipinako. Tatlong krus ang nakita at nalaman nila na ang isa sa mga krus doon ay kay Kristo dahil sa napagaling nito ang isang kasamahan ni Santa Elena. Matapos ideklara ang dogma ng Immaculada Concepcion noong 1854, nagsimula ang Tradisyon ng Santacruzan bilang debosyon kay Maria na tinawag ring Flores de Maria.  Ito ay ang pag-aalay ng bulaklak kay Maria bilang bahagi ng pagninilay at pagbibigay-pugay.

Tuwing buwan ng Mayo sa Pilipinas, makikita natin ang mga makukulay na arko, naggagandahang bulaklak, at mga dalagang nakabihis ng magagarbong kasuotan na naglalakad sa ilalim ng araw o bago sumapit ang gabi—ito ang Santacruzan, isa sa mga pinakamakulay at makahulugang tradisyon sa ating kultura. Isinasagawa ito bilang pagtatapos ng Flores de Mayo, isang buwang selebrasyon ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Ang iba’t ibang parokya at mga komunidad ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng mundo ay nag-oorganisa ng santacruzan upang gunitain ang paghahanap at pagkakatagpo nina Reyna Elena at ng kanyang anak na si Constantino ng Banal na Krus mula sa Jerusalem.

Naging bahagi ito ng debosyon ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila at lumago bilang isang makasaysayan at panrelihiyong parada na tinatawag nating Santacruzan—hango sa “Santa Cruz” o Banal na Krus. Ngayon, ito ay kombinasyon ng prusisyon at “beauty pageant” na nagpapakita ng pananampalataya at mga birtud ng Kristiyanismo.

Santacruzan is usually held on the last day of May, capping off the month-long Flores de Mayo. However, in some towns, it can be celebrated earlier or span several weekends depending on the community's schedule.

Razorback - Diwata

One of the most anticipated aspects of the Santacruzan is the presentation of different Reynas (queens), each representing a biblical or symbolic figure. Here are the most popular ones:

🌟 1. Reyna Elena
Meaning: Queen Helena, the star of the Santacruzan.





























Role: She carries a cross and often walks with a young boy representing her son, Emperor Constantine.

Significance: Symbolizes the discovery of the True Cross.

💎 2. Reyna Emperatriz
Meaning: Empress.





























Role: She wears a regal gown and crown.

Significance: Represents royalty and power used in the service of God.

🌸 3. Reyna de las Flores
Meaning: Queen of Flowers.




















Role: The most beautiful lady in the procession; usually the final queen.

Significance: Symbol of purity, grace, and the Blessed Virgin Mary.

📜 4. Reyna Fe, Esperanza, at Caridad
Meaning: Queens of Faith, Hope, and Charity.



















Role: Represent the three theological virtues.

Significance: Embody the Christian ideals that lead to salvation.

📖 5. Reyna Judith
Meaning: A biblical heroine.





























Role: Carries a sword and a severed head (of Holofernes).

Significance: Represents courage and defense of faith.

⚔️ 6. Reyna Sheba
Meaning: The Queen of Sheba who visited King Solomon.





























Role: Usually seen with gold or treasure props.

Significance: Symbolizes wisdom and the search for truth.

🕊️ 7. Reyna Abogada
Meaning: Queen Lawyer.





























Role: Wears a lawyer’s robe and carries a book.

Significance: Defender of the poor and the oppressed.

🌊 8. Reyna del Cielo
Meaning: Queen of Heaven.

Role: Represents the Virgin Mary as the Queen of Heaven.






















Role: Represents the Virgin Mary as the Queen of Heaven.

Significance: Honors Mary’s role in the Kingdom of God.

Higit pa sa kagandahan, ang Santacruzan ay sumasalamin sa ating pananampalataya at pagmamahal sa tradisyon. Ito ay pagkakataon upang magtipon ang buong komunidad—bata man o matanda, mayaman man o mahirap—sa isang makulay na pagdiriwang ng ating paniniwala at pinagmulan. Isang patunay ito na ang ating pagka-Pilipino ay nakaugat sa kasaysayan, kabanalan, at sining.

Whether you’re watching from the sidelines or walking as one of the Reynas, Santacruzan is an unforgettable cultural experience that continues to bloom every May, like the flowers it celebrates.

Biyernes, Mayo 30, 2025

Shout of the Century: Mamang Kundoktor ng Bus

 

Klasik na klasik sa pandinig ko yung, "Aaaaaahhhhhlabanglabanglabang!"

Ilang taon kayo pinayagan bumiyahe mag-isa? Natuto ako maging independent sumakay ng transportation around 12 or 13 years old. Sa jeep, tricycle, sidecar, LRT stations at kung anu-ano pa pero first time ko maka-biyahe sa BUS na mag commute ay yung mga panahon na lumipat na kami ng bahay mula San Andres Bukid hanggang Multinational Village, Paranaque at dito ko unang naranasan ang lahat ng hirap sa pagcocommute. Dito ko rin unang naranasan ang sumabit sa jeep noong patapos na ang dekada nobenta around 1997-1998. Ang hirap din pala sumabit sa jeep lalo na kapag pe-preno si mamang tsuper talaga nga namang tatama yung labi ko sa bubungan ng jeep ayun sapul para akong sinapak. 

Balik tayo sa bus, ito na nga ata ang pinaka comfortable na means of commuting para sa akin lalo na kung ang bus ay aircon. Sa bus ko naranasan ang pagcommute sa malalayong lugar lalo na nung pagka-graduate ko ng kolehiyo para maghanap ng trabaho sa kung saan-saang sulok ng Maynila. Sa bus ka makakapag-inat ng maayos kapag wala pang masyadong pasahero, sa bus ka makakapag-isip ng mabuti, makapanood ng palabas kung may TV ang bus at makakapakinig ng musika gamit ang Walkman. 

At dahil na-intro ko na ang bus sa blog post na ito ang gusto kong pag-usapan ay ang mga kundoktor ng bus. Dito sa Cavite naranasan ko rin ang mag-apply sa Epza at ang pinakamagandang sinasakyan ko sa pagcocommute ay yung tinatawag namin dito na "Baby bus", from the word baby, maliit siyang bus, hindi siya airconditioned, yari sa kahoy ang mga upuan at bintana at ang disenyo ng katawan ng bus ay makukulay na parang sa jeepney. May konduktor din ang bus na ito, minsan wala. Kapag bababa ka na puwedeng may pindutin ka na button sa kada bintana ng bus para tumigil kung papara ka. Doon ka lang magbabayad sa driver kapag bababa ka na. Kung may kundoktor naman:

Baby bus in Cavite

Pagkahampas ng piso sa bakal na hawakan...

“Ting!  Ah kilos diyan, kilos diyan o!”

Ang sarap pakinggan niyan sa umaga.  ‘Yan ang boses ng isang kunduktor ng bus.  Bagama’t kunduktor pa din siya ay maituturing siyang “iba” sa ibang kunduktor (parang anlabo nung sinabi ko ah).  

Anyway, hindi biro maging isang kunduktor ng bus.  Tuwing sumasakay ako sa mga baby bus papuntang Rosario, Cavite eh samu’t saring skills ang makikita sa mga kunduktor na ito.  Sa mga kunduktor, sila ang may pinakamagaling na balancing skills.  Kahit gumewang-gewang pa ang mga bus sa kahabaan ng Antero Soriano Highway ay diretsong diretso pa din ang lakad ng mga kunduktor ng bus.

Kapag sa Maynila naman ang biyahe favorite din nilang gawin ang hintayin kang makatulog sabay ‘pag nakatulog ka na ay dun ka sisingilin.  “San kayo?”  Habang pinipintahan na ng kanyang rubber thumb ang mga tiket na babayaran mo.  Pagkapunit ng tiket ay ilalabas na niya ang kanyang mahiwagang pambutas na hanggang ngayon ay pangarap ko pa ding magkaroon.  Napakasarap pakinggan ng pambutas na ito.  Para siyang puncher na iisa lang ang butas at napakalutong ng tunog na ito habang pumipili siya ng mga bubutasing kahon sa tiket.

Unang kita mo pa lang sa konduktor, may matambok na belt bag na yan sa kanyang bewang— ‘yun ang panukli bank. Sa kabilang kamay, may wallet na puno ng tiket na parang inihulog mula sa langit. Sa kabilang balikat, may nakasabit na panyo, panangga sa pawis. 

Habang sumisigaw ng “Oh Cubao! Cubao d’yan!” sa tonong pang-international voice-over artist, bigla siyang lulundag papunta sa likod para maningil, sabay tanong ng:

Sa’n ho kayo?”

Ortigas po.”

Instant ticket. Sukli? Saktong-sakto. Parang may cash register sa utak!

Uniporme ng paborito kong kunduktor sa Cubao:

1. White polo na hindi masyadong malinis; may dungis dungis ng grasa at pawis.

2. Bandana sa Ulo

3. Beltbag – Dito nakatago ang napakadaming coins at isang pakete ng Juicy Fruit (for times like these…ay teka, sa dyip yun eh!  Dalawang kano na nag-alok ng juicy fruit sa drayber na stressed out dahil nahuli siya ng parak).

4. Kapag walang beltbag, gagamitin ang bandana sa ulo, ibubuhol sa bewang at tadaan!  Instant beltbag!  Tumutunog-tunog at kumakalansing pa ang mga barya!

5. Slacks ‘pag M-W-F; Paddocks Jeans ‘pag T-Th-S

6. Siyempre pa, hindi makukumpleto ang uniporme niya kung hindi siya naka-tsinelas.  Kitang kita ang mala-luyang paa na sa tingin ko’y sikreto nila para makabalanse nang ganun kagaling.

Slapshock - Sakay

Kapag tanghali at wala masyadong pasahero ay tiyak na makikita mo ang kunduktor ng bus na nakikipagkwentuhan sa harap – oo, kay manong drayber.  Hawak ng drayber ang mala-palangganang manibela, nakangiti habang nagpapatawa si kunduktor.  Titigil sa harap ng SM Annex ang bus at ayan na.  Balik na sa trabaho.  Bababa na ang kunduktor at siya na din ang magiging barker.  Wala siyang paki kung maling bus ang masakyan niyo.  Basta ang mahalaga ay pasok lang nang pasok ang mga tao sa bus niya. Minsan si mamang kundoktor ay nakikipag-ututang dila din yan sa mga vendor ng yosi, candy at mani. Kapag mayroong pa-ending si yosi vendor sisigaw si mamang kundoktor ng "taya ko 6-8 ha, reserve mo na, maya ko bayaran, pag-ikot!" 

Mamang vendor: "Sige lagay ko na pangalan mo sa  tatayaan mo, Boyong! Mamaya ha."

Kunduktor: “Ah Cubao Cubao! Cubao diyan o!”

Pasaherong pasakay pa lang: “Manong, Novaliches?”

Kunduktor: “Sige sakay na!  Aah Cubao Cubao Cubao!

Hahaha!  Ako lang ba natawa dun?

O maluwag pa.  Maluwag na maluwag pa!  Maluwag pa para sa tayuan!”  Tanginang ‘yan, lokohan e.  Pero ni minsan e hindi ako napikon sa dialog na ‘yan ni manong konduktor.  Ang importante e magsiksikan kayong lahat sa bus at bahala na sa singilan.  “O wala na?!“  Ting ting ting ting ting! (katok ng barya sa bakal)

Masipag talaga si manong konduktor.  Sa bawat lugar na may kumpulan ng tao e magtatawag ‘yan, kita pa ang tiyan dahil sa bitin na unipormeng kulay puti.  Kabisado niya kung magkano ang bayad sa bawat lugar na pupuntahan.  Magaling siyang magtupi ng mga tig-be-beinte pesos at alam niya kung saan nakapwesto ang tiket na pupunitin.  Magagawa niya lahat ‘yun nang hindi nakahawak sa hand rails basta naka-sandal lang ng kaunti sa corner ng upuan ng bus kaya niya ang multi-tasking. Kapag may nahulog na barya sa kamay niya para wala nang na yuyuko yan ng hindi matitinag. Parang ang sarap maging trabaho ‘to a.

Una ko siyang nakilala sa Metrobus, parati kasi kaming sumasakay ni nanay rito. Hindi pa uso noon ‘yung isa-isang tinatanong ang mga pasahero kung may tiket na.  Mas matitindi ang memorya ng mga konduktor noong araw at alam nila kung sino ang mga bayad na at hindi pa.  Kilala niya rin ang mga bagong sakay pa lang. Kahit sa bandang likod na pintuan ng isang masikip na bus ka pumasok ay bigla kang pupuntahan ni manong konduktor na galing sa bandang harapan.  Kung hindi ka naman pamilyar sa lugar na pupuntahan mo e alam na alam ni manong konduktor ‘yan with matching hand signs pa.

Habang binabaybay ang EDSA...

"Kuya, anong sakay papuntang EDSA Shangri-La?”

“Bumaba ka sa Mega, tapos lakad ka ng konti, may footbridge, akyat ka—basta may Jollibee sa kaliwa, ‘wag kang pumasok diyan, may jeep diyan papuntang Crossing, ‘yun ang sakay mo.”**

Literal na street-smart. Kumakain ng mapa sa almusal.

Pucha, alam ang detalye e!

Magagaling talaga sila sa direksyon.  Naisip ko nga dati na karamihan sa mga Taxi drayber e dating mga konduktor ng bus e.

Bus na pa-southbound:

Konduktor:  "Aaaaaahhhhhlabanglabanglabang!"

Ang konduktor, kaya mong sundan sa pelikula pero hindi sa real life. Sa loob ng masikip, mausok, at madalas ay siksikang bus, nakakapag-zigzag siya na parang ninja. May mga pagkakataong nagkukwentuhan pa ang pasahero.

Ang konduktor ng bus ay hindi lang tagasingil. Isa siyang navigator, accountant, stuntman, stand-up comedian, at minsan, marites din ng kalsada. (“‘Yung traffic sa may Buendia, grabe! May nag-panuntukan kasi diyan sa harap ng terminal!”)

Sa susunod na sumakay ka ng bus, ‘wag mong maliitin si kuya konduktor. Siya ang hari ng biyahe, tagapangalaga ng sukli, tagapamahala ng direksyon, at tagapagsiguro na kahit siksikan ang mundo, may sistema pa rin ang gulo.

Kaya kung ikaw ay naligaw, walang panukli, o hindi sigurado sa buhay — may isang taong puwedeng makatulong.

At siya ay laging nagtatanong:

"San ho kayo bababa?

Miyerkules, Mayo 28, 2025

Candy at Bubble Gum ng Dekada NoBenta: Matamis na Alaala ng Kabataan

 

Relive your childhood sweet tooth days! 

Naging kaugalian ko na noong high school ako na bago pumasok sa eskuwelahan ay dadaan muna ako sa tindahan para bumili ng iba't-ibang kendi. Bukod sa marami kang pagpipilian, iba-iba rin ang lasa ang mga kendi noon, may matamis, maasim at maanghang pero ang lagi kong pinipili ay yung matamis. Maraming dahilan kung bakit nais nating magtunaw ng kendi sa ating bibig habang naglalakad tayo, may gimagawa o kahit sa ating pag-biyahe sa ating mga lugar na patutunguhan. 

Nagkekendi tayo sa iba’t ibang dahilan, depende sa sitwasyon at personal na kagustuhan. Una, karaniwan itong ginagawa bilang pampatanggal-umay o pampatanggal ng antok, lalo na kung matamis o may menthol ang kendi. Pangalawa, kendi rin ang madalas na pantawid-gutom kapag walang oras kumain—isang mabilis na solusyon sa gutom o pagkahilo. Bukod dito, marami rin ang nagkekendi bilang anyo ng comfort food; ang matamis na lasa ay nagbibigay ng saya at nostalgia, lalo na kung ito ay kendi na popular noong kabataan. Para naman sa mga bata, kendi ay isang premyo o gantimpala, kadalasang ibinibigay tuwing may okasyon tulad ng birthday o pasko. Sa ilang pagkakataon, ginagamit rin ang kendi para sa pakikisama—isang simpleng bagay na maaaring iabot sa kaibigan o kakilala. Sa kabuuan, ang pag-kekendi ay isang maliit ngunit makabuluhang bahagi ng ating araw-araw na buhay—isang pagsasama ng ginhawa, panlasa, at alaala.

Pero kung may isang bagay na magpapa-ngiti sa lahat ng batang 90s, ito ay ang candy at bubble gum na parang ginto sa bulsa ng mga bata.

Sa panahong ₱1 ay may silbi pa, ang sari-saring kendi at bubble gum ay bahagi ng araw-araw na kaligayahan—kahit isang piraso lang, sapat na para sa instant sugar rush at bonding ng barkada.

Narito ang listahan ng mga paborito nating 90s candy at bubble gum na siguradong magpapabalik ng alaala.



1. Bazooka Bubble Gum

Lasang-Lasa: Matamis na kinagigiliwan namin ang kulay pink texture na bubble gum! 

Highlight: May comic strip sa loob!

Isang piraso lang, solve na. Ang mga kwento ni Bazooka Joe ay parang mini-comic book para sa mga bata. Kahit di mo pa gets yung joke, astig pa rin.




2. Yakee 

Lasang-Lasa: Maasim na matamis!

Highlight: Sino ang matibay sa asim?

Yakee ang hari ng "tough guy challenge" noon. Lahat ng bata sinusubukan huwag pumikit sa unang tikim. Kapag di ka napangiwi, bida ka sa tropa!




3. Sugus

Lasang-Lasa: Fruity at chewy, parang sosyal na kendi.

Highlight: May grape, orange, lemon, at strawberry flavors.

Nakabalot individually at parang imported ang dating. Masarap nguyain, at minsan kinakabit pa sa dulo ng lapis!






4. Haw Flakes

Lasang-Lasa: Lightly sweet, slightly floral.

Highlight: Mukhang communion host, kaya “nag-mi-misa” ang mga bata.

Made in China na kendi na bilog-bilog at manipis. Kapag may haw flakes ka at gusto mong mamigay papilahin mo sila na parang nangongomunyon pero wag, magagalit sa atin ang matatanda hindi dapat jinojoke ang ganung bagay.




5. Flat Tops & Curly Tops (by Ricoa)

Lasang-Lasa: Creamy na tsokolate, hindi sobrang tamis.

Highlight: Classic Filipino chocolate.

Kung medyo sosyal ka, Curly Tops. Kung budgeted, Flat Tops. Pero parehong hit sa school recess!






6. Tootsie Roll / Tootsie Pop

Lasang-Lasa: Chocolate-flavored chewy candy.

Highlight: “How many licks does it take to get to the center?”

Imported vibe, at may “surprise” sa loob—Tootsie Roll! Swak sa mga batang mahilig sa kombinasyon ng matigas at chewy. Ingat lang kami noon kasi baka mabungian ka ng ngipin.










7. Lala (Milk Chocolate)

Lasang-Lasa: Gatas na tsokolate at sobrang tamis. 

Highlight: Murang-mura pero masarap!

Kadalasan sa palengke ito mabibili. Ang pagkain ko dito ay hinahati ko yung squares na design niya bale sa isang pack na Lala meron siya  9 squares na puwede mong kainin.






8. Chocnut / Hany

Lasang-Lasa: Peanuty, crumbly, at nostalgic.

Highlight: Minsan favorite ng matatanda, pero love din ng mga bata!

Paborito ng mga titos at titas pero di rin nagpapahuli ang mga kids. Dahan-dahan dapat sa pagkain para hindi gumuho sa kamay. Pagkatapos kainin wag itapon yung parang foil na balat at pwede gawing brace sa ipin. Sino nakagawa nito noon?



9. Lipps Candy

Lasang-Lasa: Fruity, parang lipstick ang hitsura.

Highlight: Pinipindot sa gitna ang candy!

Naalala mo ba yung “sosyal” na pakiramdam habang kumakain nito? Parang may sarili kang lipstick. Higit sa lahat pampagwapo ito ng mga lalaki kasi parang nagiging kissable lips sila sa pula ng kanilang labi pagkatapos nila kumain ng Lipps. 




Bow Wow Wow - I Want Candy


10. Bubble Tape

Lasang-Lasa: Matamis at sobrang chewy.

Highlight: “Six feet of fun!”

Masarap, exciting, at pangmayaman vibes. Tapos may friendly competition pa kung sino ang makakakain ng pinaka-mahabang piraso.



11. Peter’s Butterball

Lasang-Lasa: Sweet na buttery caramel.

Highlight: Melts in your mouth.

Kahit maliit, grabe ang flavor. Parang mini-caramel experience!






12. Potchi (Strawberry Gummy)

Lasang-Lasa: Soft, chewy, strawberry heaven.

Highlight: Hindi lang masarap, cute pa! and it also melts in your mouth. 

Kahit hanggang ngayon, may Potchi pa rin, at marami pa ring fans. Bata man o adult.







13. Benson

Lasang-Lasa: Chewable kapag tumagal na sa bibig mo

Highlight: Kapag natunaw na may chooey choco sa loob na sobrang sarap na parang state side ang lasa

Nako, kapag bumibili ako nito talagang inililihim ko sa mga abanger na hihingi. Mahal kasi ang Benson candy, dos isa niyan noon.








14. Kendi Mint

Lasang-Lasa: Minty-chocolate inside

Highlight: Sa una parang lasa ng mint at kapag natunaw na sa bibig mo maglalaban na yung mint at chocolate na panlasa

Mas masarap to sa Stork, kapag galing ka sa malansang tanghalian, Kendi mint lang ang katapat pantawid-umay. 




15. Stork

Lasa-Lasa: Super Minty

Highlight: Hindi mo kakayanin ang anghang ng stork. Pang hardcore ang minty flavor nito. 

Ang pansin ko lang sa stork ang laging bumibili nito eh yung mga tito, tita at mga lolo. Basta laging matatanda ang bumibili nito basta pagkatapos magyosi ni lolo noon nagpapabili yun ng Stork. 





16. Big Boy

Lasa-Lasa: Matamis na bubble gum. 

Highlight: Famous sa kanyang red and yellow wrapper. 

Isa sa dahil ung bakit laging masakit ang panga ng mga batang 90s.







17. Frutos

Lasang-Lasa: Maraming fruity flavor. Isa sa mga favourite kong candy. 

Highlight: May orange, grapes, strawberries at pineapple

Frutos classic, enjoy sa bibig… Mangunatngunat… Manamisnamis, Mangasimngasim… Frutas ng Bayan!




18. Juicy Fruit Gum

Lasang-Lasa: Chewing gum na manamis-namis. 

Highlight: Manipis na bubble gum pero matagal maubos ang lasa at pag-nguya dito ka natutong magpalobo ng bubble gum

Super nostalgic sa mga patalastas noon ng Juicy Fruit gum. Yung inalok ng dalawang foreigner ng juicy fruit gum si mamang tsuper dahil exhausted na siya sa traffic sabay hirit ng: "Hey Man, times like this you need a Juicy." Klasik na klasik! 



19. Chiclets Bubble Gum

Lasang-Lasa: May have menthol flavor and regular flavor.

Highlight: Mabibili mo ito na nasa manipis na karton.

Isa sa pinakamatandang bubble gum sa Pilipinas. Masarap siya nguyain kasi maririnig mo yung nagka-crack yung base ng kendi niya bago mo marating yung pinaka bubble gum. 


20. Caramel Candy

Lasang-lasa: It's already on the name. Isa sa matatamis na kendi noon. 

Highlight: Pinakamurang kendi noon. Singko isa sa tindahan kaya ang saya saya ang dahlan kung bakit sumasakit ngipin ng mga batang 90s noon.

Ang problema lang sa kendi na ito ay naninikit siya sa wrapper niya kapag tumagal sa bulsa mo kaya minsan kumakapit yung balat sa kendi.





Special mention: Snowbear, Mentos, Polo, Orange Swits, Nips, Champi, Whistle Polo, Nano Candy, Ring Pops with Kiamoy, White Rabbit, Viva Candy, Nougat, Langka, Haw-haw, Stay Fresh, Tarzan Bubble Gum, Cherry Balls Bubble Gum, Mint Wafer, Sampalok Candy, Cigarette Candy (Smoke Candy), Softee Candy, Nerds, Doublemint, Judge Bubble Gum, Ovalteenies, Rainbow Magic Jelly Ace, Fruitbox, Pintoora, Magic Dust Popping Candy, Push Pop, Almo, Choco-Choco, X.O, Star Fruits, Block Buster Milk Chocolate, Goya Gold Coins, Mik-Mik at Doodoo.

🎵 Most Memorable 90s Candy Jingle

Yung sa Nano Candies, sino ba naman ang makakalimot niyan, lagi kong sinasabayan yan kapag ipinapalatastas sa RPN 9 o kaya IBC 13. Klasik!

Ang Candy Culture Noon

Sa elementary, ang kendi ay parang currency. May trade system pa nga:

1 Flat Tops = 2 Yakee

1 Chocnut = 1 Potchi + 1 Lipps

Marami ring tindera ang may “tingi-tingi” na style—bibili ka ng 1 peso na kendi, at pipili ka sa garapon. Minsan, may libreng papel o sticker pa!

Hindi lang lasa ang bumabalik kapag naaalala natin ang mga kendi noong 90s. Bumabalik din ang panahon ng simpleng kasiyahan—yung isang kendi lang, o mabigyan ka lang ng libreng kendi ng classmate mo ay sapat na pampasaya buong araw.

Kung makakita ka man ng Flat Tops, Chocnut, o Bubble Tape ngayon, subukan mong tikman ulit at namnamin ulit ang nostalgia ng childhood memories mo.

Linggo, Mayo 25, 2025

(Takot Ako, Eh!): Ang Mundo ng Pinoy Horror Movies

 


Tandang-tanda ko pa nung nagtatago pa ako sa saya ni nanay noon nung sisilip na yung artista doon sa haunted na banga, sa loob ng saya ni nanay nakatakip pa ako ng mga mata pero isang mata lang ang nakatakip at half-awake naman yung isang mata kaya nakikita ko pa rin yung scene ng pelikula. Takot na takot talaga ako noon sa "Halimaw sa Banga" na pinagbibidahan nila Lotlot De Leon, Michael de Mesa at Gina Pareno, it was a 1986 film,  I'm only 5 years old that time. Super exciting kahit hindi pa uso ang CGI effects noon ay sobrang natatakot na kami sa Pinoy horror movies lalo na kung may mga jumpscare katulad ng ganitong pelikula. Lagi kaming nakakapanood ng horror movies sa Channel 2 ABS-CBN sa programa nilang Regal Presents na kadalasan ay horror movies ang iniere. Kami kasi yung hindi fan na manood ng sine kaya hinihintay nalang namin sa TV kung ipapalabas, pero Regal Presents never failed us kids kasi always naman silang may nakakatakot na ifefeature tuwing Lunes ng gabi. Hinahanda ko talaga ang tsitsirya ng gabing yun. Pagkatapos ng original cast ng TV Patrol, kapag nagpaalam na si Kabayan Noli ay unti-unti ko nang bubuksan ang aking Oishi or Snacku kapag mag-uumpisa na ang palabas. Alam na naming nakakatakot ang palabas kasi may teaser na kung anong ipapalabas nila. Last week pa lang ay alam na namin kung anong ipalalabas sa darin na Lunes kaya naka-ready na ang aming mga lalantakan pagkatapos kumain ng hapunan. 

Kung may isang genre ng pelikula na sobrang relatable sa mga Pinoy, horror movie na ‘yan. Kasi let’s be real — sa kultura nating maraming pamahiin, aswang, at multo sa likod ng pinto, lahat tayo may sariling horror story (lalo na pag walang laman ang wallet). 

Pero hindi lang takutan ang hatid ng Pinoy horror movies. Minsan, parang sinadyang gawing pang-MMFF comedy entry ang iba. May mga eksenang dapat creepy pero naging katawa-tawa. Minsan, ang multo pa nga ang kawawa!

So tara, kilig-takot at tawa-takot ang hatid ng blog na ito — isang silip sa kababalaghan ng Pinoy Horror Cinematic Universe.

Horror movies in the Philippines hold a special place in the hearts of local audiences, blending deep-rooted folklore, Catholic mysticism, and the everyday struggles of Filipino life. These films often take place in settings that heighten the sense of dread and familiarity, grounding the supernatural in a world that feels all too real to viewers. Commonly, the narrative unfolds in remote provinces, where lush forests and isolated villages provide the perfect backdrop for eerie occurrences. These rural settings are often shrouded in mist and mystery, amplifying the fear of the unknown and playing on local superstitions passed down through generations. Hindi mawawala sa Pinoy horror movies ang misteryo sa mga kagubatan, lamang-lupa, kapre, duwende at tikbalang na siya makikita sa malalaking puno sa probinsiya. Higit sa kinatatakutan nating mga Pinoy ay ang puno ng kawayan at ang makapanindig balahibo na Balete Tree na ang paniniwala nating mga Pinoy ay siyang pinamamahayan ng iba't-ibang elemento. When I was still in Paranaque mayroong makitid na daan sa amin kung saan dadaanan mo ang mga kakawayanan. There was a time na wala gaanong dumadaan at maririnig mo ang ingay na nanggagaling sa kawayan kapag ito'y nagkikiskisan at talaga nga naman na nakakatakot ang tunog. Lagi akong tumatakbo kapag malapit na ako sa kawayan dahil sa naexperience ko na laging may naninitsit sa akin pero wala kang makikitang tao sa paligid. Basta hindi mo ma explain na parang maraming mata ang nakatingin sayo kung dadaan ka sa kawayanan. Sa probinsiya, hindi mawawala ang mga kwentong aswang, tiktik, mangkukulam at mambabarang. Ang mangkukulam ay taong gumagamit ng salamangka para sa masasamang mga layunin. Tinatawag din itong bruho kapag lalaki o bruha kung babae. Sa malawak na katawagan, sorserer ang lalaki at sorseres ang babae. Ang mambabarang naman is the Bisayan version of a sorcerer/sorceress, who uses insects and spirits to enter the body of any person they hate. Mambabarang are ordinary human beings with black magic who torture and later kill their victims by infesting their bodies with insects.

Old ancestral houses, known as bahay na bato, are also frequent choices for horror movie settings. With their creaky floors, antique furniture, and decaying walls, these colonial-era mansions exude a gothic aura. They are often portrayed as haunted by spirits or cursed due to dark family secrets. Equally unsettling are urban horror films in the densely populated slums or decaying tenement buildings of Metro Manila, where isolation isn’t physical but emotional, showing how fear can thrive even in the middle of a crowd. Abandoned hospitals, dilapidated schools, and cemeteries are also staples of the genre, used not only for their inherent creepiness but also as symbols of forgotten trauma and unresolved guilt. Kadalasan sa Pinoy movies ang set-up ay mga haunted houses na pinamamahayan ng trapped spirits na gustong maghiganti sa kasamaan na ginawa sa kanila. Nariyan ang mga unti-unting pagpaparamdam, pagbukas patay ng ilaw, mga nawawalang bagay at bigla mo na lang makikita kung saan, mga luma pero mukhang mga buhay paintings na animoy nakatingin sayo kung saan ka man magpunta sa loob ng bahay. Wala akong kakayahan katulad ng mga supernatural powers pero madali mo pakiramdam kung may dulot na kabigatan na enerhiya ang isang bahay o may malungkot itong presensiya. 

What makes Filipino horror particularly captivating is how it draws from a rich cultural tapestry of aswangs, white ladies, kapres, and demonic possessions—creatures and phenomena deeply embedded in Philippine mythology and religious beliefs. These elements are not only used to scare but also to critique social issues like poverty, corruption, and the abuse of power. For instance, a haunting in a rural town may be revealed as a metaphor for colonial or political oppression, while a possession might reflect the psychological scars left by familial abuse. Some of the most iconic Filipino horror films like Feng Shui (2004), Sukob (2006), Shake, Rattle & Roll series, and The Healing (2012) expertly blend urban legends with modern anxieties, making their stories both terrifying and thought-provoking. In essence, Filipino horror movies succeed not just by tapping into our fears, but by holding up a mirror to the society in which those fears were born. Whether set in the remote countryside or the heart of the city, these films deliver scares that are uniquely local yet universally resonant, making them a distinct and compelling part of global horror cinema. Ang maganda sa pelikulang horror ng Pinoy ay maraming paghuhugutan na katatakutan mula sa mga common na mythological creatures hanggang sa makalumang panahon, mga pinatay noong panahon pa ng Kastila at Hapon ay hindi pa rin matahimik ang kanilang mga kaluluwa, mga trahedya katulad ng mga natabunan ng mga debris sa lindol sa Baguio hanggang sa kontrobersiyal na fatal accident n Manila Film Center noong 1981 kung saan maraming manggagawa ang natabunan ng bumagsak na debris dahil sa pagmamadali ng mga Marcoses na gawin ang gusali. You may have seen a mile off where this story is going, but as labourers worked away in the dead of night in November 1981, scaffolding gave way, leaving the workers to fall from the sixth floor, entombing them in quick-drying cement, which was still wet. It turns out that in an attempt to get things done, Imelda had ordered quick-drying cement to be used, but the workers didn’t have time to let each layer dry before moving on, so when they fell, the victims sank into the wet cement and were left for dead as it dried. Ang balita ay patuloy na itong pinatabunan ng semento ni Imelda kahit naroon pa ang mga bangkay ng mga kawawang manggagawa. Hanggang ngayon, sa mga ginagawang dokyu-serye ng mga vloggers ay marami pa rin ang nagpaparamdam sa haunted Film Center sa Maynila, rinig pa rin ang kanilang panaghoy sa malagim na pangyayari, 44 years na ang nakakalipas. 

Parokya ni Edgar - Okatokat

Common Stories in Pinoy Horror Movies:

Nabili ang Haunted House ng Murang-mura

Ayan na. "Bakit po mababa ang price ng bahay na ‘to?" — kasi may history ng massacre, At syempre, hindi sinabi ng ahente. Typical.

Sample Movie: Haunted Mansion (2015), Hellcome Home (2019), Whit House (2010), Amorosa (2012), Hide and Seek (2007), Bahay ni Lola, Bahay ni Lola 2 (2005), Haunted: A Last Visit to the Red House (2017), Villa Estrella (2009), Guni-Guni (2012)

Isang Barkadahang Nag-outing sa Gubat o Abandoned School

Kung saan may matandang nagsabi na "Huwag na kayong tumuloy dyan..." pero di pinakinggan. Kaya ayun, isa-isa silang nawawala. Tapos may ritual pala sa likod ng waterfalls.

Sample Movie: Takot ka ba sa Dilim (1995), SiquijorL Mystic Island (2007), San Lazaro (2011), Spirit Warriors (2000).

 Multong Humihingi ng Hustisya

Hindi masamang espiritu ang multo — minsan biktima lang siya ng injustice. Siya ang tunay na bida. Ang mga tunay na masama: yung mga mayor, dating sundalo, or manloloko sa pag-ibig.

Sample Movie: Patayin sa Sindak si Barbara (1995), Feng Shui (2004), Bulong (2010), Dalaw (2011), Pamahiin (2006), Sukob (2006), Forever My Love (2004),  Altar (2007), Lihim ni Madonna (1997), Shake, Rattle and Roll 6 (1997), Tiyanaks (2007), Tabi-tabi po (2001), Sanib (2003). 

Mangkukulam, Engkanto, Aswang

These are the creatures na ayaw na ayaw mong banggain dahil kapag sila ang nakabangga mo expect that there will be consequences in return. Kaya kapag nasa probinsiya ka wag ka masyadong showy, maingay at mayabang dahil madali sila mairita. They seek for revenge quickly at siguraduhin mong nakakandado ang lahat ng pintuan at bintana pagsapit ng gabi o di kaya ay alerto ka sa mga bagay na pag-aari mo kung ayaw mong makulam o mabarang. 

Sample Movie: Mag-Ingat ka sa...Kulam (2008), Manananggal vs Mangkukulam (1960), T2 (2009), Shake, Rattle and Roll 13 (2011), Manananggal in Manila (1997), Tiktik: The Aswang Chronicles (2012), Magandang Hatinggabi (1998), Regal Shocker (1989)

The Chongkeys - Gabi ng Lagim

Traditional Pinoy Horror Actors and Actresses:

🎭 Lilia Cuntapay – THE White Lady of All Time

Wala nang tatalo kay Lilia sa pag-appear sa likod ng pintuan, bintana, o loob ng aparador. Siya ang OG multo or aswang ng Philippine cinema.

🎭 Gina Alajar, Laurice Guillen, Elizabeth Oropesa

Mga ina, lola, o misteryosang kapitbahay na may malalim na lihim. Kahit hindi sila multo, takot na agad ang presence nila pag tumahimik sila sa eksena.

🎭 Roderick Paulate, Joey Marquez, at Vhong Navarro (Horror-Comedy Kings)

Mga bidang matatakutin pero walang ginawa kundi sumigaw at tumakbo in circles. From Shake Rattle & Roll to D’ Anothers, sila ang hari ng horror na naging comedy.

Scariest Filipino Horror Movies

1. Feng Shui (2004) – Kris Aquino

May haunted Bagua mirror. Lahat ng tumingin, mamamatay base sa kanilang zodiac sign. At si Kris, queen of horror scream!

2. Sukob (2006) – Kris Aquino & Claudine Barretto

Kasal na malas, buntis na nababalisa — classic Chito Roño horror. Kaya kahit kasal mo, parang gusto mong postpone muna. 

3. Shake, Rattle & Roll series (1984–present)

From Pridyider to Undin to Nanay na Manananggal, this series gave us iconic horror creatures. Minsan sobrang campy, minsan sobrang scary but always memorable.

4. Tiyanak (1988) Janice de Belen

As in sanggol na nagiging halimaw! Mula cute-cute baby to demonic screamer na lumalapa ng tao. Magingat sa pag-ampon. 

5. Patayin sa Sindak si Barbara (1995) – Lorna Tolentino

Classic psychological horror with dolls, spirits, and a creepy staircase scene na hanggang ngayon trauma ng 90s kids.

Ang Pinoy horror movie ay hindi lang basta panakot. Minsan may laman — trauma, family issues, karma, at minsan, pag-ibig na nasaktan. Pero kahit gaano man ka-cheesy ang ibang eksena, mahal pa rin natin ‘to.

Many Filipinos, regardless of religious background, grow up with a belief or respect for the supernatural. Ghosts, curses, and paranormal experiences are treated seriously. Watching horror films becomes both entertainment and a form of cultural catharsis or even validation"Totoo 'yan, nangyari rin 'yan sa kapitbahay namin!"

Filipino horror films are often seen as a bonding experience. Whether it’s at home during Holy Week reruns or in packed cinemas during MMFF, horror movies encourage group watching. It’s more fun to scream when your cousins are beside you, doing the same! Fear, when experienced in a movie, is thrilling but controlled. Filipinos love the adrenaline rush of watching something scary while knowing they're safe—lalo na kung may kasamang chichirya, kumot, at flashlight.

Kaya hanggang sa mga susunod na tili, kilig at kaba sa mga jumpscares wag ka lang maiihi on the spot.

Sabado, Mayo 24, 2025

Jack's Biking Chronicles: Riding History at Jose Rizal Shrine

'In a world where history is often rushed or overlooked, the Jose Rizal Shrine invites us to pause, reflect, and honor a man whose words and actions helped shape a nation.' 

Uumpisahan ko siyempre ang kwento ng Linggo ng umaga. Eto lang kasi yung free time ko noon sa pagbibisekleta. One time free time pero nakakalayo naman ako ng husto. I decided this journey to go to a museum in Manila, the Jose Rizal Shrine inside the Fort Santiago in Intramuros, Manila. Umalis ako ng maaga, it's around 5:30 AM para kung kaya ko pa makalayo bukod sa actual na pupuntahan ko ay makakapamasyal pa ako sa ibang lugar. Sunday was really my bliss kasi ito lang naman talaga ang happiness ko yung freedom in riding a bike, makapag simba, mag food-trip, mamili ng pasalubong para sa mga tao sa bahay at mamasyal. Simple as that nothing else sabay kinabukasan, Monday ay magpapakain naman ng stray dogs and cats. For 5 years after ko ng heart surgery that is my routine and I really, really love my life doing it weekly. 

I arrived at Fort Santiago at around 7:30 am, kasi dumaan pa ako sa Manila Cathedral to attend the mass pero simbang labas kasi puno na sa loob. Nagbayad ako ng entrance fee of P75 and I parked my bike inside. I can say it's safe pero always padlock your bike since meron naman parking talaga ng bike sa loob and one more thing is malapit ang station ng guard doon sa bike parking kaya hindi ka mag-aalala mag sight-seeing sa loob. 

Bago pumasok ng museum kailangan mag register, just simply write your name on the sheet provided and kung saan ka location galing. Every person is reminded na bawal doon mag-vlog, and the use of professional cameras is prohibited. That's fine with me since I will only take pictures of the historical items sa loob. 

I began to explore the museum and I'm wondering if kung si Jose Rizal ay may Facebook noon, siguradong puno ng hugot, essay, at marahil mga litrato ng mga aklat at sulat sa "status update" niya. Pero hindi lang siya basta influencer ng mga salitang malalalim—siya ang pambansang bayani na lumaban gamit ang panulat, utak, at tibay ng loob laban sa mga Kastilang tila ayaw mag-checkout sa Pilipinas.

Bata pa lang si Pepe (tawag natin kay Rizal, dahil close tayo), ay palaban na. Marunong magbasa sa edad na 3, nagsusulat ng tula sa edad na 8, at may master’s degree sa "Being Smarter Than the Spaniards" bago pa maka-30. Sa halip na kumuha ng espada gaya nina Bonifacio, ginamit niya ang pluma at papel para saktan ang mga kolonyalistang mas makapal pa sa tinapay na monay.

Nestled within the walled city of Intramuros, Manila, the Jose Rizal Shrine stands as a solemn and powerful tribute to the life, works, and legacy of the Philippines' national hero, Dr. José Rizal. Located in Fort Santiago, this historical museum is more than just a tourist attraction; it is a walk through the pivotal moments of a man who helped spark a revolution through the power of his pen. 

The shrine is situated in Fort Santiago, a 16th-century Spanish citadel where Rizal was imprisoned in his final days before his execution on December 30, 1896. The fort's walls and dungeons themselves are steeped in history, having witnessed centuries of colonial rule, war, and resistance.





Sa kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, pinakita niya ang kabulukan ng pamahalaan, simbahan, at ang pagkasadsad ng bayan. Kung may “Expose Philippines” noon, siya ang main contributor.

Pero ‘di gaya ng ibang bayani na sumabak sa giyera, si Rizal ay naniniwala sa edukasyon, pagkamulat, at repormang makatao. Parang sabi niya, “Guys, bago tayo magrebolusyon, magbasa muna tayo ng libro, please lang.”

Noong Disyembre 30, 1896, pinatay si Rizal sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta). Pero bago siya barilin, kalmado siyang nagsulat ng tula—ang Mi Último Adiós. Isa itong pamamaalam na puno ng damdamin, parang breakup letter sa bayan na minamahal niya.

Ang mga huling habilin niya na siyempre hindi natin sinunod:

  1. Ayaw niya ng sobrang engrandeng libing. (Simple lang si lodi.)
  2. Gusto niyang mailibing sa isang lugar na may krus, bato, at pangalan niya.
  3. Gusto niyang ang kanyang dugo'y magsilbing pataba sa kalayaang inaasam.
  4. At wag daw kalimutan ang mga api at inaapi. (O, ‘di ba? May puso.)
Hindi siya umiyak. Hindi siya nagwala. Binaril siyang nakatalikod, pero ayon sa alamat, pilit siyang bumaligtad upang sa huli ay harapin ang kanyang kamatayan. 

Ngayon, kung gusto mong mas ma-inspire, at mawindang sa galing ni Rizal, punta ka sa Jose Rizal Shrine sa Fort Santiago, Intramuros

Radio Active Sago Project - Sino Ka Ba, Pepe?

Upon entering the shrine, visitors are met with an atmosphere of reverence and reflection. Here are some of the most notable exhibits and features within the museum:

1. Rizal’s Prison Cell

One of the most moving parts of the shrine is Rizal’s actual prison cell, preserved with haunting authenticity. A life-size bronze statue of Rizal writing by lamplight gives a powerful glimpse into his final moments, where he penned his final poem, Mi Último Adiós.

2. Footsteps to Martyrdom

A unique and symbolic feature is the bronze footprints embedded in the ground, tracing Rizal’s final walk from his cell to the execution site at Bagumbayan (now Luneta Park). Following this path within the fort’s walls is a solemn experience, evoking the weight of history with each step.

3. Mi Último Adiós Manuscript

The museum proudly displays a replica of the original manuscript of Mi Último Adiós, the farewell poem Rizal hid in an alcohol stove and gave to his family. The words, penned with grace and patriotism, continue to stir Filipino hearts to this day.

4. Rizal’s Personal Belongings

A collection of Rizal’s personal items, such as his coat, medical instruments, books, and even shells from his scientific studies, are on display. These artifacts provide insight into his many roles—as a writer, doctor, artist, linguist, and naturalist.

5. Letters and Documents

The museum houses letters written by Rizal, including correspondence with family, friends, and reformists. Many are written in Spanish, with translations available, showing his intellect, deep love for his country, and unwavering resolve.

6. Rizal’s Sculptures and Artwork

Less known to many, Rizal was also an artist. The shrine features some of his wood carvings and sculptures, highlighting another facet of his creative genius.

7. Interactive Displays and Multimedia

Modern installations and interactive panels help contextualize Rizal’s contributions to the Propaganda Movement and the broader struggle for Philippine independence. Visitors can learn about the timeline of Rizal’s life and the socio-political environment of the Spanish colonial period.

Bakit Mahalagang Bisitahin ang Dambana ni Rizal?

Ang pagbisita sa Jose Rizal Shrine sa Intramuros ay hindi lamang isang aral sa kasaysayan—ito ay isang malalim at nakaka-engganyong paalala ng kapangyarihan ng mga ideya, ang halaga ng kalayaan, at ang walang hanggang diwa ng nasyonalismo. Mag-aaral ka man, mahilig sa kasaysayan, o manlalakbay na naghahanap ng kahulugan, nag-aalok ang museong ito ng sulyap sa kaluluwa ng Pilipinas.

Si Rizal ay paalala sa ating lahat na minsan, hindi mo kailangang magdala ng armas para makipaglaban. Minsan, sapat na ang utak, puso, at prinsipyo.

Gloc 9 ft Jac Dioniso - Kung Tama Siya

After mong ma-inspire sa talino at sakripisyo ni Rizal, rewardan mo sarili mo. Heto ang mga masarap at Instagram-worthy na kainan sa paligid:

     Ilustrado Restaurant 
     - Kung gusto mong kumain parang Donya o Ilustrado talaga, eto na 'yon.
     Sikat na pagkain: Callos, Paella, at ang kanilang signature halo-halo.
      Ambiance: Luma pero sosyal, may feels na pang-teleserye sa panahon ng Kastila.






























      Barbara’s Heritage Restaurant
     - May cultural dance show pa kung gabi! Kakanin buffet at iba’t ibang classic Filipino dishes. Parang nag-time travel ka sa panahon ng         Maria Clara habang kumakain ng kare-kare.































      La Cathedral Café (likod ng Manila Cathedral)
     - Pang-date, pang-picture, pang-kape. Rooftop dining na may view ng simbahan. 



     






























      Belfry Café at San Agustin Church
     - Tahimik at makaluma, parang study area ni Rizal. May brewed coffee at banana loaf na legit pang-merienda.


Bonus tip sa mga siklistang gustong mamasyal sa Fort Santiago. Magdala kayo ng maraming tubig at pamaypay. Napakainit sa Intramuros, parang pag-ibig ni Pepe kay Leonor: nakakauhaw. Iwasan ang mag-ingay sa loob ng shrine. Respeto lang, mga tropa. Bawal ang vlogging at professional na camera. Tamang picture taking lang ang pwede. 

Sa isang mundo kung saan ang kasaysayan ay madalas na hindi napapansin, ang Jose Rizal Shrine ay nag-aanyaya sa atin na huminto, magmuni-muni, at parangalan ang isang tao na ang mga salita at aksyon ay nakatulong sa paghubog ng isang bansa. Kaya't sa susunod na makita mo ang iyong sarili sa loob ng mga cobblestone na landas ng Intramuros, maglaan ng oras upang bisitahin ang shrine na ito—ito ay isang paglalakbay hindi lamang sa nakaraan, ngunit sa puso ng pagkakakilanlang Pilipino.

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...