Huling Hirit sa Tag-Init: Pinoy Picnic Style of the 90s
'Narito na tayo sa mga huling-hirit ng summer' ⛱️
Kahit mga batang kalye kami na lumaki sa dekada nobenta ay may panahon din naman kami para sa picnic. For some reason, lalong sumasarap ang pagkain kapag nagpipicnic ang isang pamilya o magbabarkada. Walang tuwid na lamesa, ang lahat ng gawain ay informal, walang matinong upuan at kung anu-anong itsura namin kapag kumakain. Masarap kumain siyempre ng nakakamay habang may halong kwentuhan at katatawanan plus mo pa diyan ang background ng nature kung saan man kayo nagpipicnic. Kaya naman lalong sumasarap ang lahat ng putaheng nakahain sa harapan mo.
Kung may isang aktibidad na tunay na sumasalamin sa kasimplehan at kasiyahan ng pagiging Pilipino noong '90s, ito ay ang Pinoy picnic. Hindi mo kailangang mayaman. Hindi mo kailangang may branded na cooler. Ang importante lang—may baon, may banig, at may mga kaibigang ready makipaghabulan o kahit ano mang group games pagkatapos kumain!
Maraming klasik na lugar ng piknikan:
Special credits from: https://www.facebook.com/PhilippineSTAR
Park -Mapa-Luneta man o Folk Arts ay madaming mga pamilya ang nahuhumaling na maglatag ng banig dito. Pwede ka magjogging, magpalipad ng saranggola, magpapicture kay Rizal o umapak ng tae ng sanggol. Pagkatapos mong apakan ang tae ng sanggol ay walang kamuwang-muwang mong iaapak ang tsinelas mo sa banig bago ito hubarin. Hihiga ang gelpren ng kuya mo sa banig na may tae ng sanggol. Ayun. Instant Andrew E movie. Minsan lang may family outing, kaya todo ang preparasyon. May dalang isang batalyon ng pagkain: adobo, pritong manok, pansit bihon, biko, at ‘di mawawala ang binalot na itlog at kamatis. May banig na may design ng rosas o kaya karton ng appliance na ginawang sapin. Sa Folk Arts Theatre, may mga batang tumatakbo habang hawak ang saranggola, may mga lolang nagpapaypay habang nagsusugal ng teks, at may tatay na natutulog sa ilalim ng puno pagkatapos mananghalian. Kapag hapon na, maglalakad-lakad kayo sa CCP area, tapos may street vendor na nagbebenta ng ice scramble, dirty ice cream, at banana cue. Best part? 'Yung picture-taking sa harap ng fountain na laging blurred kasi analog camera pa.
Special credits from: https://www.farleyfamily.net/wordpress/
Beach - Hindi kumpleto ang picnic sa beach kung walang mag-iihaw ng bangus at liempo. Dagdagan mo pa ng hilaw na mangga, sibuyas at kamatis salad with matching inihaw na talong at swak na swak ka na sa banga! Kahit mainit ang coke ko sa oras na’to ay swak pa din talaga. Ito ang perfect time para magkamay. Sabay langoy sa dagat pagkatapos. Wala din mas tatamis pa sa hangin ng tabing-dagat habang nilalantakan ang inihaw na liempo, ensaladang mangga, at siyempre, ang tupperware ng kanin na parang bigas ng isang barangay. May masarap na pakiramdam kapag kumakain ka habang sinisipan ng buhangin ang pwet mo. At 'wag kalimutan ang batang sigaw nang sigaw ng “TALON NA!” sabay ‘di marunong lumangoy.
Special credits from https://www.flickr.com/photos/25921610@N02/2437512543
Ilog - Halos parang beach din ang mga ulam dito pero ang kanin na nasa malaking kaldero ay buhat ng tomboy mong auntie magmula sa van hanggang sa picnic spot sa tabi ng ilog. Sapul na sapul no? Hindi mabilis ang takbuhan sa tabing ilog dahil madalas ay mabato dito di tulad sa beach na mabuhangin. Masarap din magpicnic sa river pero siguraduhing magdala ng katol dahil mas malamok dito. Babala: Huwag hithitin ang katol. Kadalasan nasa probinsya ito. May piknik sa gilid ng ilog kung saan may batong pinagkakainan, may dalang lutong bahay na nilagay sa ice cream tub, at may libreng foot spa mula sa agos ng tubig. Laging may isang tito na nagbubukas ng beer na galing sa plastik na bag at may dalang portable radio na tumutugtog ng April Boys, ♫ kapag nakita ka, ako'y nahihiya kapag kausap ka, ako'y namumulaSabi ng puso ko ako'y in-lab sa 'yo sana ay mahalin mo rin ako.. ♫
Special credits from https://ptvnews.ph/
School grounds – Family Day! Yahwe…este..Yahoo! Kahit hindi siya kasing wild ng beach at ilog, eh isa ito sa peborits kong klase ng picnic. Saan ka makakakita ng piknikan na may ‘sanlibong pamilyang may dala ng iba’t ibang klaseng ulam?! Saan?! Tangina saraaapppppp!! Iba’t ibang klaseng luto ng fried chicken, embutido, barbecue at pansit Malabon…Haaay…Nagtatakbuhan lang kami ng mga pinsan ko tapos kunwari ay madadapa ako sa banig ng isang pamilyang di ko kilala, sabay dampot na ng pakpak ng manok. Solb na! Kung hindi man school field trip, ito’y simpleng bonding ng barkada o pamilya sa likod ng school. Doon sa madamong parte, may baon kayong spaghetti na matamis, hotdog na may marshmallow, at Zesto na nilagay sa Coleman. Basta may Piknik Chips at Chippy, wala nang kulang.
Special credits from http://www.tagaytayhouse4rent.com/blog/pool-party-at-casa-minerva
Swimming pool - Masaya rin naman magkainan sa swimming pool. Pero hindi ako ganun kagana kasi syempre nasa isip ko eh magswimming na uli agad. Palagi kaming pinagbabawalang magpipinsan na mag-swimming agad pagkakain. Sinasabi sa amin na maghintay muna ng 30 minutes bago lumangoy ulit at parang yun ang pinakamatagal na 30 minutes para sa amin.
Akala niyo siguro wala sa bokabularyo namin ang piknik? Kahit kalye boys ‘to eh alam rin namin yan at na-experience na. Parang may magic yang pikinik at napapasarap niya yung mga pagkain. Kahit anong tabang ng luto ay nagiging malasa kapag inihain sa piknik. Champion mga pagkain sa piknik!
Parokya ni Edgar -Swimming Beach
Dito rin simpleng nagpapagalingan ang mga nanay sa pagluluto. Syempre ang pagluluto ang isa sa mga kompetisyon ng mga ina. Titikman nila ang luto ng bawat isa at tahimik na ikukumpara ang luto nila.
Eto pala ang mga klasik na pagkain sa piknik:
Adobo - numero uno diyan ay siyempre ang adobo, simple lang naman ang dahilan, kasi matagal itong mapanis kaya pwedeng pwede ibaon sa piknikan at madali lang lutuin.
Lumpiang Shanghai - Di kumpleto kapag wala nito, hindi lang pang-birthday, pang-piknik pa! Kaunting karne na may gulay tapos may pambalot na napakamura at crunchy kapag kinagat mo. Proud nga ako kasi ito lang ata ang pagkain na nakakakain ako ng gulay ng hindi agad iinom ng tubig para maitulak na sa lalamunan ko ang gulay.
Pansit o Spaghetti - Again hindi lang pang-birthday, pang-piknik pa! Kailan ba nawala ito sa kahit anong salu-salo?
1.5 o kaya 2 liters na softdrinks - walang buhay ang kainan kapag walang kulay ang inumin. Yung dinig mo pa lang ng pagsalin ng Coke na galing sa Coleman at mayelo-yelo pa swabeng-swabe na yun pakinggan sa tenga naming mga batang kalye, sabay kagat uli sa hotdog on stick. Wowowwweeeee!!
Pritong Manok - homemade, crunchy ala-chicken joy ang balat. Yum!
Kanin sa malaking tupperware - dito napapakinangan ang tupperware ni Nanay na lagi niyang inoorder sa mga brochure ng Tupperware.
Kropek at Chichirya – Pang-snack habang naghihintay ng tanghalian.
Saging, Mangga, at Pakwan – Panghimagas o pang-asim sa sawsawan.
Special mention na rin ang mga kasangkapan na dala namin kapag piknik. Paper plates, plastic spoons and forks, water jug, jumbo kaldero, plastic cups at tissue.
Iba talaga ang saya ng piknik noong '90s. Simple lang pero punô ng tawanan, kwentuhan, at pagmamahalan ng pamilya’t barkada. Walang cellphone, walang IG story, pero may film camera na isang roll lang ang laman kaya bawal ang sablay. At ‘pag umuwi na, sunog ang balat, pero masaya ang puso. Napakasaya ng mga pamilyang may monthly piknik at alam mo talaga na ang dekada ay hindi pa gaanong kabusy-han ang tao, kung busy man ay nag-aalay pa rin ng kaunting panahon para sa pamilya at kaibigan para mag enjoy ng sama-sama.
Huling hirit na ng summer, kaya ano pang hinihintay, tara na at mag-picnic sa beach!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento