Tandang-tanda ko pa nung nagtatago pa ako sa saya ni nanay noon nung sisilip na yung artista doon sa haunted na banga, sa loob ng saya ni nanay nakatakip pa ako ng mga mata pero isang mata lang ang nakatakip at half-awake naman yung isang mata kaya nakikita ko pa rin yung scene ng pelikula. Takot na takot talaga ako noon sa "Halimaw sa Banga" na pinagbibidahan nila Lotlot De Leon, Michael de Mesa at Gina Pareno, it was a 1986 film, I'm only 5 years old that time. Super exciting kahit hindi pa uso ang CGI effects noon ay sobrang natatakot na kami sa Pinoy horror movies lalo na kung may mga jumpscare katulad ng ganitong pelikula. Lagi kaming nakakapanood ng horror movies sa Channel 2 ABS-CBN sa programa nilang Regal Presents na kadalasan ay horror movies ang iniere. Kami kasi yung hindi fan na manood ng sine kaya hinihintay nalang namin sa TV kung ipapalabas, pero Regal Presents never failed us kids kasi always naman silang may nakakatakot na ifefeature tuwing Lunes ng gabi. Hinahanda ko talaga ang tsitsirya ng gabing yun. Pagkatapos ng original cast ng TV Patrol, kapag nagpaalam na si Kabayan Noli ay unti-unti ko nang bubuksan ang aking Oishi or Snacku kapag mag-uumpisa na ang palabas. Alam na naming nakakatakot ang palabas kasi may teaser na kung anong ipapalabas nila. Last week pa lang ay alam na namin kung anong ipalalabas sa darin na Lunes kaya naka-ready na ang aming mga lalantakan pagkatapos kumain ng hapunan.
Kung may isang genre ng pelikula na sobrang relatable sa mga Pinoy, horror movie na ‘yan. Kasi let’s be real — sa kultura nating maraming pamahiin, aswang, at multo sa likod ng pinto, lahat tayo may sariling horror story (lalo na pag walang laman ang wallet).
Pero hindi lang takutan ang hatid ng Pinoy horror movies. Minsan, parang sinadyang gawing pang-MMFF comedy entry ang iba. May mga eksenang dapat creepy pero naging katawa-tawa. Minsan, ang multo pa nga ang kawawa!
So tara, kilig-takot at tawa-takot ang hatid ng blog na ito — isang silip sa kababalaghan ng Pinoy Horror Cinematic Universe.
Old ancestral houses, known as bahay na bato, are also frequent choices for horror movie settings. With their creaky floors, antique furniture, and decaying walls, these colonial-era mansions exude a gothic aura. They are often portrayed as haunted by spirits or cursed due to dark family secrets. Equally unsettling are urban horror films in the densely populated slums or decaying tenement buildings of Metro Manila, where isolation isn’t physical but emotional, showing how fear can thrive even in the middle of a crowd. Abandoned hospitals, dilapidated schools, and cemeteries are also staples of the genre, used not only for their inherent creepiness but also as symbols of forgotten trauma and unresolved guilt. Kadalasan sa Pinoy movies ang set-up ay mga haunted houses na pinamamahayan ng trapped spirits na gustong maghiganti sa kasamaan na ginawa sa kanila. Nariyan ang mga unti-unting pagpaparamdam, pagbukas patay ng ilaw, mga nawawalang bagay at bigla mo na lang makikita kung saan, mga luma pero mukhang mga buhay paintings na animoy nakatingin sayo kung saan ka man magpunta sa loob ng bahay. Wala akong kakayahan katulad ng mga supernatural powers pero madali mo pakiramdam kung may dulot na kabigatan na enerhiya ang isang bahay o may malungkot itong presensiya.
What makes Filipino horror particularly captivating is how it draws from a rich cultural tapestry of aswangs, white ladies, kapres, and demonic possessions—creatures and phenomena deeply embedded in Philippine mythology and religious beliefs. These elements are not only used to scare but also to critique social issues like poverty, corruption, and the abuse of power. For instance, a haunting in a rural town may be revealed as a metaphor for colonial or political oppression, while a possession might reflect the psychological scars left by familial abuse. Some of the most iconic Filipino horror films like Feng Shui (2004), Sukob (2006), Shake, Rattle & Roll series, and The Healing (2012) expertly blend urban legends with modern anxieties, making their stories both terrifying and thought-provoking. In essence, Filipino horror movies succeed not just by tapping into our fears, but by holding up a mirror to the society in which those fears were born. Whether set in the remote countryside or the heart of the city, these films deliver scares that are uniquely local yet universally resonant, making them a distinct and compelling part of global horror cinema. Ang maganda sa pelikulang horror ng Pinoy ay maraming paghuhugutan na katatakutan mula sa mga common na mythological creatures hanggang sa makalumang panahon, mga pinatay noong panahon pa ng Kastila at Hapon ay hindi pa rin matahimik ang kanilang mga kaluluwa, mga trahedya katulad ng mga natabunan ng mga debris sa lindol sa Baguio hanggang sa kontrobersiyal na fatal accident n Manila Film Center noong 1981 kung saan maraming manggagawa ang natabunan ng bumagsak na debris dahil sa pagmamadali ng mga Marcoses na gawin ang gusali. You may have seen a mile off where this story is going, but as labourers worked away in the dead of night in November 1981, scaffolding gave way, leaving the workers to fall from the sixth floor, entombing them in quick-drying cement, which was still wet. It turns out that in an attempt to get things done, Imelda had ordered quick-drying cement to be used, but the workers didn’t have time to let each layer dry before moving on, so when they fell, the victims sank into the wet cement and were left for dead as it dried. Ang balita ay patuloy na itong pinatabunan ng semento ni Imelda kahit naroon pa ang mga bangkay ng mga kawawang manggagawa. Hanggang ngayon, sa mga ginagawang dokyu-serye ng mga vloggers ay marami pa rin ang nagpaparamdam sa haunted Film Center sa Maynila, rinig pa rin ang kanilang panaghoy sa malagim na pangyayari, 44 years na ang nakakalipas.
Common Stories in Pinoy Horror Movies:
Nabili ang Haunted House ng Murang-mura
Ayan na. "Bakit po mababa ang price ng bahay na ‘to?" — kasi may history ng massacre, At syempre, hindi sinabi ng ahente. Typical.
Sample Movie: Haunted Mansion (2015), Hellcome Home (2019), Whit House (2010), Amorosa (2012), Hide and Seek (2007), Bahay ni Lola, Bahay ni Lola 2 (2005), Haunted: A Last Visit to the Red House (2017), Villa Estrella (2009), Guni-Guni (2012)
Isang Barkadahang Nag-outing sa Gubat o Abandoned School
Kung saan may matandang nagsabi na "Huwag na kayong tumuloy dyan..." pero di pinakinggan. Kaya ayun, isa-isa silang nawawala. Tapos may ritual pala sa likod ng waterfalls.
Sample Movie: Takot ka ba sa Dilim (1995), SiquijorL Mystic Island (2007), San Lazaro (2011), Spirit Warriors (2000).
Multong Humihingi ng Hustisya
Hindi masamang espiritu ang multo — minsan biktima lang siya ng injustice. Siya ang tunay na bida. Ang mga tunay na masama: yung mga mayor, dating sundalo, or manloloko sa pag-ibig.
Sample Movie: Patayin sa Sindak si Barbara (1995), Feng Shui (2004), Bulong (2010), Dalaw (2011), Pamahiin (2006), Sukob (2006), Forever My Love (2004), Altar (2007), Lihim ni Madonna (1997), Shake, Rattle and Roll 6 (1997), Tiyanaks (2007), Tabi-tabi po (2001), Sanib (2003).
Mangkukulam, Engkanto, Aswang
These are the creatures na ayaw na ayaw mong banggain dahil kapag sila ang nakabangga mo expect that there will be consequences in return. Kaya kapag nasa probinsiya ka wag ka masyadong showy, maingay at mayabang dahil madali sila mairita. They seek for revenge quickly at siguraduhin mong nakakandado ang lahat ng pintuan at bintana pagsapit ng gabi o di kaya ay alerto ka sa mga bagay na pag-aari mo kung ayaw mong makulam o mabarang.
Sample Movie: Mag-Ingat ka sa...Kulam (2008), Manananggal vs Mangkukulam (1960), T2 (2009), Shake, Rattle and Roll 13 (2011), Manananggal in Manila (1997), Tiktik: The Aswang Chronicles (2012), Magandang Hatinggabi (1998), Regal Shocker (1989)
Traditional Pinoy Horror Actors and Actresses:
🎭 Lilia Cuntapay – THE White Lady of All Time
Wala nang tatalo kay Lilia sa pag-appear sa likod ng pintuan, bintana, o loob ng aparador. Siya ang OG multo or aswang ng Philippine cinema.
🎭 Gina Alajar, Laurice Guillen, Elizabeth Oropesa
Mga ina, lola, o misteryosang kapitbahay na may malalim na lihim. Kahit hindi sila multo, takot na agad ang presence nila pag tumahimik sila sa eksena.
🎭 Roderick Paulate, Joey Marquez, at Vhong Navarro (Horror-Comedy Kings)
Mga bidang matatakutin pero walang ginawa kundi sumigaw at tumakbo in circles. From Shake Rattle & Roll to D’ Anothers, sila ang hari ng horror na naging comedy.
Scariest Filipino Horror Movies
1. Feng Shui (2004) – Kris Aquino
May haunted Bagua mirror. Lahat ng tumingin, mamamatay base sa kanilang zodiac sign. At si Kris, queen of horror scream!
2. Sukob (2006) – Kris Aquino & Claudine Barretto
Kasal na malas, buntis na nababalisa — classic Chito Roño horror. Kaya kahit kasal mo, parang gusto mong postpone muna.
3. Shake, Rattle & Roll series (1984–present)
From Pridyider to Undin to Nanay na Manananggal, this series gave us iconic horror creatures. Minsan sobrang campy, minsan sobrang scary but always memorable.
4. Tiyanak (1988) – Janice de Belen
As in sanggol na nagiging halimaw! Mula cute-cute baby to demonic screamer na lumalapa ng tao. Magingat sa pag-ampon.
5. Patayin sa Sindak si Barbara (1995) – Lorna Tolentino
Classic psychological horror with dolls, spirits, and a creepy staircase scene na hanggang ngayon trauma ng 90s kids.
Ang Pinoy horror movie ay hindi lang basta panakot. Minsan may laman — trauma, family issues, karma, at minsan, pag-ibig na nasaktan. Pero kahit gaano man ka-cheesy ang ibang eksena, mahal pa rin natin ‘to.
Many Filipinos, regardless of religious background, grow up with a belief or respect for the supernatural. Ghosts, curses, and paranormal experiences are treated seriously. Watching horror films becomes both entertainment and a form of cultural catharsis or even validation—"Totoo 'yan, nangyari rin 'yan sa kapitbahay namin!"
Filipino horror films are often seen as a bonding experience. Whether it’s at home during Holy Week reruns or in packed cinemas during MMFF, horror movies encourage group watching. It’s more fun to scream when your cousins are beside you, doing the same! Fear, when experienced in a movie, is thrilling but controlled. Filipinos love the adrenaline rush of watching something scary while knowing they're safe—lalo na kung may kasamang chichirya, kumot, at flashlight.
Kaya hanggang sa mga susunod na tili, kilig at kaba sa mga jumpscares wag ka lang maiihi on the spot.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento