Martes, Mayo 13, 2025

Jack's Biking Chronicles: Coastline Sundays, Historical Markers at Cavite City


'Ang Cavite City ang pinakamasarap sa ruta ng pagbabike, pagkain na may kasamang history at kulutura'

Heto na naman ako inaalala ang aking mga fantastic rides sa hapong ito. Hindi pa ako nakakapagbisekletang muli at sobrang namimis ko na talaga ang gumala kasama ang akin bisekleta sa pagpadyak. Pero kahit siguro makabalik ako sa pagbibisikleta (God willing) ay mahihirapan na akong ibalik ang kumpiyansa at baka magkaroon na ako ng takot dulot na rin ng mga nangyari sa akin noon sa pagba-bike. Minsan na kasi ako inabutan ng SVT or Supraventricular Tachychardia habang nagbibisikleta sa kalsada, ang isa ay sa Silang,Cavite at ang isa ay galing ako sa Sta Ana pero narito na ako sa Imus nang abutan ng ganoong condition, Ang SVT ay ang mabilis na pagkabog sa dibdib na puwedeng umabot sa 200+. Ang pakiramdam ay mahihirapan kang huminga, hindi ka makagalaw at kapag pinilit mo kumilos ay parang mawawalan ka ng malay at may dulot din itong pagkahilo. Kung makabalik man ay siguro pipiliin ko na sa malapit na lang akong magbisikletang muli. 

Pero kung mayroon mga ruta na sobrang hinahanap-hanap ko ay ang bike ride ko sa Cavite City, masarap mag bisikleta dito at 35km lang galing sa aming bayan sa Imus, balikan na yun kaya hindi ka masyadong mapapagod. Cavite City was a coastline community. Habang papalapit sa welcome arch ng lungsod, sinalubong ako ng malamig na simoy ng dagat at tanawin ng baybayin na tila ba'y niyayakap ako ng kasaysayan at kalikasan. Ang Cavite City, na kilala rin bilang "Ciudad de los Chabacanos," ay may kakaibang alindog na hindi matutumbasan ng alinmang lugar.

Isa sa mga natatanging katangian ng Cavite City ay ang paggamit ng wikang Chavacano, isang Spanish-based creole na may impluwensiya ng Tagalog at iba pang lokal na wika. Bagamat may humigit-kumulang 4,000 na aktibong tagapagsalita na lamang, ang Chavacano ay patuloy na bahagi ng kultura at pagkakakilanlan ng mga Caviteño. Sana nga ay hindi maglaho ang pagsasalita ng Chavacano sa Cavite City. 

Itinatag ang lungsod noong 1571 bilang isang mahalagang daungan ng mga Kastila. Dito itinayo ang Fort San Felipe, isang makasaysayang kuta na naging bahagi ng depensa ng Maynila laban sa mga mananakop. Ang lungsod ay naging sentro ng kalakalan at konstruksyon ng mga galyon para sa Manila-Acapulco Galleon Trade.

Ang Samonte Park

Pagdating ko sa Samonte Park, agad kong naramdaman ang katahimikan at ginhawa. Ang parke, na itinayo noong panahon ng mga Amerikano, ay napapalibutan ng malalaking puno na nagbibigay lilim at sariwang hangin. Isang perpektong lugar ito para sa mga nais magpahinga, mag-ehersisyo, o makipagkuwentuhan sa mga kaibigan. Napakalinis at maganda rin ang kanilang parke na napalilibutan ng malalaking puno kaya masarap din sigurong magbasketball duon sa covered court, malilim na, mayaman pa sa oxygen dahil sa dami ng punong nakapalibot dito. Sa harap naman ng parke ay ang Cavite City Hall. Maayos at malinis din ang kanilang city hall at sa likod ng city hall ay ang daungan ng mga bangka at mangingisda. Meron din ditong mga lantsa na transportasyon papuntang Maynila. Sa di kalayuan kasi makikita mo na ang mga building sa Maynila at kung meron kang telescope ay maaaninag din ang SM Mall of Asia dito. 

Mang Eric's Bulalo House (P. Burgos Extension/M. Valentin Street)

Ang Tapislog (TaPpa, sinangag at itlog) ang pinakamasarap na paghinto ko dito. Hinding-hindi ako bibisita sa Cavite City nang hindi ako nakakapag-almusal ng malinamnam na tapsilog malapit sa parke. Ang kombinasyon ng malinamnam na tapa, mainit na sinangag, at perpektong lutong itlog na may masarap na sawsang suka, sili at ketchup with chili garlic oil na pampagana sa pagkain ay tunay na nagpapasaya sa aking panlasa. Isang simpleng pagkain na puno ng lasa at alaala.

Parokya ng San Roque: 

Hindi kumpleto ang pagbisita sa Cavite City kung hindi madadaanan ang Parokya ng San Roque, na kilala rin bilang Diocesan Shrine of Our Lady of Solitude of Porta Vaga. Ang simbahan ay tahanan ng imahe ng Birheng Porta Vaga, isang mahalagang simbolo ng pananampalataya ng mga Caviteño. Ang arkitektura ng simbahan ay nagpapakita ng mayamang kasaysayan at debosyon ng komunidad.

Bagamat lungsod, ang Cavite City ay may kakaibang probinsyang alindog. Ang mga makasaysayang lugar tulad ng Fort San Felipe at ang mga lumang bahay ay nagpapaalala ng nakaraan. Ang mga makikitid na kalsada, tahimik na komunidad, at ang presensya ng dagat ay nagbibigay ng isang payapang atmospera na bihira sa mga urbanong lugar.

Wattah, Wattah Festival

Hindi ko alam kung kailan ang piyesta sa Cavite City, pero tinatawag nila itong Wattah Wattah Festival, kung nalaman ko lang noon ay siguradong pumunta ako para maki-join sa adventure at experience ng kanilang pista. Tuwing ika-24 ng Hunyo, isang makulay at basang-basang selebrasyon ang ginaganap sa Cavite City — ang Wattah Wattah Festival! Ito ay bilang paggunita sa kapistahan ni San Juan Bautista, ang patron saint ng lungsod. Si San Juan ay kilala bilang tagapagbinyag, kaya naman ang tema ng basaan ay hango sa pagbibinyag o pagbabasbas gamit ang tubig — simbolo ng paglilinis at bagong buhay.

Bawal ang maarte at ayaw mabasa! Sa Cavite City, ang kalsada ay nagiging isang dambuhalang waterpark — may mga timba, tabo, hose, at kahit firetruck na handang magbuhos ng biyaya (at tubig!) sa lahat ng dumadaan. Hindi lang ito basta katuwaan, kundi isang paraan ng pagbabahagi ng basbas ni San Juan.

Franco - Castaway

Bukod sa basaan, may mga parada, musika, sayawan sa kalsada, at mga misa na ginaganap sa simbahan ng San Roque. Mayroon ding mga paligsahan, street food stalls, at kultural na pagtatanghal sa buong lungsod.

Tunay nga naman na napakahalaga ng Cavite City sa mayayamang kasaysayan. Ito ang ilang mga historical markers at lugar na matatagpuan sa loob ng bayan. 

Fort San Felipe Isang makasaysayang kuta na itinayo noong panahon ng Kastila. Naging mahalaga ito sa panahon ng rebolusyon.









Sangley Point – Dating base militar ng Amerikano at Kastila, ngayon ay bahagi ng pagpapalawak ng port operations.














Shrine of Our Lady of Solitude of Porta Vaga Tahanan ng mahalagang imahen ng Birheng Maria na patrona rin ng buong lalawigan ng Cavite.


Casa Hacienda de Naic (malapit sa Cavite City) – Bagamat nasa karatig bayan, ito ay konektado sa kasaysayan ng Katipunan.










Ladislao Diwa Shrine - Si Don Ladislao Diwa ay natatandaan bilang co-founder ng KKK (Kataastaasang, Kagalanggalangan, Katipunan). Idineklara ng National Historical Institute(NHI) ang kanyang ancestral home bilang isang pambansang dambana. Noong Nobyembre 30, l996, inilipat ang kanyang mga labi sa Ladislao Diwa Mausoleum sa bakuran ng Shrine.

Julian Felipe Monument - Isang monumento ang ipinagmamalaki para sa isang dakilang anak ng isang Caviteño, ang kompositor ng Pambansang Awit ng Pilipinas – Propesor Julian Felipe. Sa kasalukuyan, ang Filipino na liriko ng nakakapukaw na komposisyon ni Don Julian Felipe ay ibinibigay ni Jose Palma. Enero 28, ang anibersaryo ng kapanganakan ni Propesor Felipe ay idineklara na Special Public Holiday sa Lungsod ng Cavite sa bisa ng Republic Act 7805 na inaprubahan noong Hulyo 26, 1993.














Ermita de Portavaga Monument - (Dito noon sa lugar na ito nakatayo ang isang magandang simbahan na Ermita De Porta Vaga kung Saan dati naka luklok ang mapag himalang Larawan ng Nuestra Señora De Porta vaga .Nawasak ang simbahan Matapos Bombahin ng mga Amerikano ang Ciudad De Cavite noong Panahon ng Ikalawang Digmaang Pang Daigdig sa kabutihang palad ay nakaligtas ang imahe ng Nuestra Señora De Porta vaga na ngayon ay nakaluklok sa Parroquia Ng San roque sa bayan din ng Cavite.

The 13 Martyrs Monument and Thirteen Martyrs Park - Noong Setyembre 12, 1906, pinangunahan ng mga Mason ang isang martsa mula sa Magallanes Street hanggang sa Convent Cemetery sa Caridad upang hukayin ang mga labi ng Labintatlong Martir.  Pagkatapos, isang pampublikong prusisyon ang ginanap para sa kanilang huling paglilibing sa Isthmus of Rosario.  Pormal ding pinasinayaan ang kanilang monumento. (Ni-renovate noong 1930.) Ang site na ito ay tinatawag na ngayong "Thirteen Martyrs Centennial Plaza." na matatagpuan sa Cavite City. 















Iglesia de Santa Monica de Recoletos Belfry Ruins Matatagpuan sa Magallanes Street sa Cavite City sa lalawigan ng Cavite, ang Santa Monica Church Belfry ay ang tanging natitirang bahagi ng isa sa maraming mga simbahan sa panahon ng mga Espanyol sa Cavite City. Ang Santa Monica Church na nasa ilalim ng Recollects ay itinayo noong mga unang taon ng ika-17 siglo. Ito ang panahon kung kailan ang daungan ng lungsod ay nasa tuktok ng tagumpay sa ekonomiya at relihiyon.













Ang aking pagbibisikleta mula Imus patungong Cavite City ay hindi lamang isang pisikal na paglalakbay kundi isang paglalakbay din sa kasaysayan, kultura, at puso ng mga Caviteño. Ang malamig na simoy ng dagat, ang masarap na tapislog, ang tahimik na parke, at ang makasaysayang simbahan at mga historical places dito ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit ang Cavite City ay isang lugar na dapat maranasan at mahalin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...