![]() |
Nasaksihan mo ba noon ang hidwaan sa pagitan ng mga metal at hip-hoppers? |
Noong magtapos ako ng hayskul, labing anim na taong gulang, binansagan ako ng aking mga classmate na "Most Rock Fanatic". Sa totoo lang at hindi sa pagmamayabang, para akong si Ernie Baron ng nakaraan at Kuya Kim ng kasalukuyan dahil ituturing akong isang "walking rock music encyclopedia" na nakakaalam ng mga kasagutan sa kung ano ang bago at kung ano ang meron sa rock music scene. Lagi kasi ako nakatutok noon tuwing Linggo limang taon bago matapos ang dekada nobenta. Taong 1995 ang kasikatan ng lahat ng mga banda sa Pilipinas, mapa-underground man o mainstream. Lagi akong nakikinig sa dalawang istasyon lamang ang "The Home of NU Rock" ng NU 107 at ang "Rock of the World" ng LA 105.9. Mula umaga ng Linggo hanggang dapit-hapon ay nakatutok ako sa mga istasyong ito at nakikinig ng Z-Rock 50 countdown ng NU at LA 109.5 Top 50 Countdown. Ang kaibahan ng dalawa ang NU 107 ay kadalasang mga foreign rock bands and ipinatutugtog sa ere habang sa kabilang istasyon ng LA 105 ay panay Pinoy underground bands naman ang iniere, at talaga nga naman na hahanga ka rin sa tugtugan nila kahit hindi sila ganoon pa kakilala. Uso pa noon ang mga bar kung saan ginaganap ang mga rock sessions kagaya ng Mayrics, Club Dredd, Freedom Bar, Kalye at 70's bistro. The 90s was a golden age for live music in Manila. Ito yung mga stepping stone ng mga bandang gustong sumikat. Sa totoo lang, maraming bandang magagaling at magaganda ang tugtugan ang hindi nakilala dahil sa paglipas ng panahon nag-iiba ang trip ng tao. Kagaya ng trip ng bagong kabataan ngayon - Kpop 🤮
Pero ang hindi talaga nila alam bago ko pa nagustuhan ang mga ganitong rakrakan na musika una kong kinahiligan ang mga mga kantahan at genre ni MC Hammer at Vanilla Ice. Oo, ako ay naging isang hip-hopper na gustong matutunan ang lahat ng liriko ng bagong rap song at umindayog sa mga latest dance groove. 'Yun nga ang, 'di ako natuto kahit isa. Kahit pa bumili ako ng napakaraming songhits nuon hindi ko talaga masabayan ang lyrics sa bilis ng pagrarap masama pa napapa tongue twister pa ko. Kaya sabi ko ay puta, tama na at niloloko ko lang ang sarili ko. Mukhang hindi talaga ako bagay sa genre na ito.
Noong ako ay nasa Grade 5 hanggang 6, sila Francis M., Andrew E., at Michael V ang mga iniidolo ko sa larangan ng musika. Ang sarap sa tenga ng mga naughty songs ni Andrew Espiritu na laking Dongalo Paranaque kung saan eto na ata ang hip-hop kapital ng Pilipinas. Yung mga kantahang "Andrew Ford Medina", "Alabang Girls", "Manchichiritchit", at yung pinaka nakilala siya sa kantang "Humanap ka ng Panget" na kinontra naman ng kanta ni Michael V na "Maganda ang Piliin". Hindi ko rin makakalimutan yung mga kantahan ni Michael V na may halong mga komedya sa lyrics kagaya ng "Eksena sa Jeepney", "Sinaktan mo ang Puso ko" at "Hindi ako Bakla". Pero wala ng da dabest pa kay Francis "Kiko" Magalona nakilala bilang "The Master Rapper", "The Mouth" and "The Man from Manila". Isang malaking kawalan sa industriya nuong siya ay namatay sa leukemia noong Marso 6, 2009. Kung gusto mo makinig ng mga kantahang maka Pilipino o yung tinatawag na "Filipino patriotic songs" na pinaghalong tema ang rap at rock you should listen to Francis M. Hindi mabilang ang mga napasikat niyang kanta. Pero sa mga kantang "Mga Kababayan", "The Man From Manila", "Kabataan Para sa Kinabukasan", "Cold Summer Nights", "Girl Be Mine" at Kaleidoscope World" dito talaga umusbong ang kanyang kasikatan. Isa sa mga idolo ko ito pagdatig sa genre ng pinagsamang rap at rakrakan.
At nasa listahan ko rin naman ang mga sumikat na undergrouund group rappers katulad ng Masta Plann na pinasikat ang kantang "Bring that Booty Over Here", "Sally (that girl)" at "Fix da World up". Kung hardcore rap naman nariyan ang Death Threat, kung ugali mong magmura sa kanta at liriko, represent Death Threat! Yung mga kantahang "Ilibing ng Buhay ang mga Sosyal", "Gusto kong Bumaet (pero di ko magawa)" at "24 Oras". Di rin mawawala sa playlist ko ang Legit Misfitz na nagpasikat sa kantang "Jabongga" at "Air Tsinelas." At go with the flow ako sa kantahang Urban Flow with their song chikitikita Miss "Miss Pakipot".
Lahat ng mga kanta na 'to inaabangan ko palagi sa 89.1 DMZ (Dance Music Zone) 'yung remix ng mga hit songs para irecord sa blank tape. Ito yung karaniwan ngayon na tawag na "jeepney songs" yung lalagyan lang ng slow beat kahit ang pinakikinggan mo ay kantahang Air Supply. Tuwang-tuwa mga klasmeyts at adiser namin sa klase sa mga panahong yun. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa mga rappers noong mga panahong yun? Ang sagot, MARAMI rin pala. Ang saya lalo na nung Intrams lalo na kapag Basketball na talagang napapaindak at gumagaling maglaro ang makapakinig ng "Air Tsinelas." Ang porma din kasi ng lyrics!
Noong dekada nobenta, habang ang ibang bata ay abala sa pagtetext gamit ang 3310 o panonood ng Takeshi’s Castle, kami namang mga batang kalye ay nakasiksik sa jeep, hawak ang Walkman or Pocket radio, at nakatutok sa LA 105.9 — ang tambayan ng mga tunog na hindi mo maririnig sa AM o sa radyo ng nanay mo. Dito, unang bumangga ang rap at metal, pero sa halip na magkasapakan, nagka-peace treaty sila — sa pamamagitan ng Alternative Rap.
Dati sa hindi malamang dahilan, nagkakaroon ng hidwaan ang mga taong metal at mga tambay na rapper sa kanto ng Smith st sa Maynila. Ito ay dahil lamang sa hindi nila pagkakagusto sa tema ng kanilang porma at pinakikinggan. Nagkakaroon ng asaran sa porma o di kaya ay aasarin ng hiphop ang metal na may putok dahil sa porma nitong rakista, laging nakaitim mula ulo hanggang paa, naka shades na itim at naka bota, itim ang labi at hindi nagsusuklay na may matigas na mahabang buhok na tila hindi nagshahampoo. Ganun din naman ang banat ng metal sa hiphop na mukha ring mabaho at amoy kupal. Low-waist gang na parang naka-diaper na may tae dahil sa sobrang lawlaw at loose na pantalon, angmukhang tangang porma na naka sports headband pero nakatambay lang, mga nakakwintas na gold pero alam mo namang peke, mga feelingerong mayaman sa mga suot na gold chains, singsing, bracelet pero isang kahig-isang tuka hahahaha. Ganyan ang asaran noon brutal kung brutal kaya minsan umaabot sa sapakan, tadyakan hanggang sa maging rambulan.
Akala natin dati, ang rap at metal ay parang tubig at mantika — hindi puwedeng pagsamahin. Pero nagkamali tayo. Sa LA 105.9, may mga bandang tumawid sa genre border nang walang passport:
Erectus - sila ang tinaguriang Ambassadors of Rap metal. Isa sa pinakamagaling na bandang umusbong noong dekada nobenta. They are 6 years ahead before Slapshock,Cheese (Quezo),Greyhoundz and ChicoScience (ChicoSci) hit it big. Ang tunay na ugat ng Alternarap.
Skrewheads – Sila ang sagot ng masa sa tanong: "Paano kung ang Beastie Boys ay galing sa Blumentritt?"
Dogbone – Galit, magulo, pero may sense. Para silang barkadang puro tattoo pero tatawa ka rin sa lyrics nila katulad nung single nilang "Pantalon"
Marami pang ibang banda ang nagsulputan at may mabibigat ding tugtugan katulad ng Muskee Pops, Gas, Sober, Damo ni San Pedro, at Datu's Tribe.
Sa panahong ng metal at hiphop, may unspoken alliance ang mga long-haired na may Death t-shirt at mga bagets na may bandana at medyas sa braso. Sa LA 105.9, walang judgment — basta malupit ang tugtog, game lahat!
Marami nang napabalita sa TV noon sa pag-aaway ng hip-hop at metal lalo na sa mga malls ng SM Megamal at Robinson's Galleria. Talagang nagsusuntukan dahil sa simpleng asaran. Walang patatalo. Kaya kadalasan may mga headlines sa tabloids dati tungkol dito.
Kapag nagpupunta kame noon sa mga konsiyerto, kawawa ang mga nakakasalubong na hip hoppers ng mga punks. Bugbog sarado. Pero wala naman akong nabalitaang may kinatay talaga, bugbugan lang.
Sa wakas nagtapos din ang hidwaan nang ang mga tulad ng Rage Against the Machine ay sumulpot. Biglang naisip ng mga metal na puwede pa lang mag-rap kasama ang gitara.
Sa totoo lang ang Alternative Rap ng 90s ay hindi lang tunog na pinakikinggan ng magkatunggaling genre — ito ay kultura, rebolusyon, at tambayan ng mga misunderstood youth. Dito natin natutunan na hindi kailangang mamili: pwedeng sabay ang sipa ng gitara at latay ng rhyme. Kaya pasalamat na lang sa Alternarap ang dalawang panig ay nagkasundo sa tema ng kanilang mga paboritong ritmo walang hiphop, walang punkista, walang metal. Sama-sama sa pakikinig ng walang nagkakainitan.
Kung kaya ng rap at metal magkaintindihan, baka pwede rin iapply sa lahat ng tao? Pwede kaya?
PS: Ang tumatak na Alternarap sa isip ko ay yung kanta ng Dog Bone na "Pantalon" tungkol siya sa kailangan ko na ata mag-diet kasi hindi na kasya yung paborito niyang pantalon: 🎵"Nang mamulat ng tanghaing tapat, pantalon ko'y dehins na suka, hindi masuot, hindi makalusot"🎵. Ang ritmo na talagang may galit at gigil dahil sa taba ng kaniyang tiyan at naisip niyang kailangan na niya mag-diyeta. Nakakatawang ang lyrics pero masarap sabayan.
Narito ang ilang mga sikat na Alternarap noong 90s:
Erectus - "Traffic na Naman" Muskee Pops - "Mekaniko"Dogbone - "Pantalon"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento