![]() |
Anong unang nickname mo sa Counter Strike? |
Bilang isang introvert at taong-uwi pagka-galing sa eskuwelahan ay hindi pa ako nakapasok noon sa mga computer shops dahil meron din akong sariling computer, hindi nga lang high end at tamang pang chat-chat lang sa Yahoo messenger, puti pa ang monitor, ang CPU na lumang istilo at mabibigat pa ang casing, ang klasik na white speakers na garalgal pa ang tunog at higit sa lahat, de-kaskas na Internet card pa ang gamit para makapag browse sa Internet. Ang madalas kong gamit ay ang ISP Bonanza, nariyan ang maingay na modem at kapag tumigil na ang ingay ay pwede ka nang mag-browse na kasing bagal ni Pong Pagong. Wala pa akong alam sa mga network games noon, kasi hindi naman high end ang gamit kong computer hanggang sa mapadpad ako at dalhin ako ng mga kaklase ko sa kolehiyo sa computer shops sa taong 2000s.
Dito sa panahon na ito uso ang maglaro ng mga network gaming. Ang Unang Putok sa Bagong Milenya ang Counter Strike 1.3. Bago pa ang ML, Fortnite, at Valorant, may isang hari sa mga computer shop ng Pilipinas: ang walang kamatayang Counter-Strike.
Kung hindi mo ito nalaro ay hindi mo naranasan ang makipag-barilan, makipagsaksakan, makipag-garanadahan in a thrilling gun fight online gaming noong early 2000s. Pero para sa karamihan ng kabataan noon, ang CS (Counter-Strike, hindi Computer Science) ang dahilan kung bakit di tayo nag-aaral, nahuli ng magulang, at nagkaroon ng “permanent” na kaibigan sa shop na wala tayong alam sa totoong pangalan kundi "bungo", "beto", "Battousai", "Rambo", o "Boy C4".
Teamwork kuno – Pero lagi kang pinapabayaan. Kaya ang siste, magbablack kaagad ang monitor ng screen mo hanggang sa matapos ang isang match kaya't maghihintay ka na lang muna o kaya ay palingon-lingon ang ulo mo sa ibang monitor habang naghihintay matapos ang isang labanan ng Terrorist at Counter-terrorist.
Kung ikaw ay tunay na OG, alam mo ang ibig sabihin ng COMSAT: "Computer Overnight, Magdamagang Sabaw at Tambay."
Sa mga shop, tuwing Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng umaga, nagaganap ang COMSAT — isang ritwal kung saan ang mga kabataan ay nagsasama-sama para sa:
- 8-hour straight na CS
- 1.5-litro ng Coke at isang pirasong Piattos
- Pukpukan ng keyboard na parang may kagalit
- Tuluyang pagkalimot sa modules at assignments
Ang mga kompyuter shop noon ay paraiso at purgatoryo. Narito ang checklist ng karaniwang tanawin:
-
Amoy Pawis x BBQ x Pancit Canton Gaming— Ang bango ng adrenaline, instant pancit canton, at hindi nalabhang jacket ng tropa. Yung iba wala naman talagang pakialam sa amoy basta ma-action ang game at naka focus sa kung ilan na ang kanyang napapatay at nangunguna siya sa leaderboard ay ayos lang. Pero kapag nadeads ng maaga ay dun niya mamamalayan na: "Tang-ina ang baho ng headset ko"
-
Mouse na Puro Kalmot at Wasak ang Scroll— Parang may nagpakawala ng pusa sa ibabaw nito gabi-gabi. "Pre, 'wag mo na i-scroll, i-drag mo na lang." May mga nadadala naman ng kanilang emosyon sa tuwing maheheadshot siya ng nakaabang na sniper sa bunker kaya minsan napagdidiskitahan ang mouse at nababalibag ng hindi nila sinasadya. Maya-maya magtatype na yan ng sensitivity code sa console niya.
Pwede kumain pero wag asal basura— Dapat matuto ka ng claygo, pagkatapos niyong maglaro ay ipunin lahat ng basura at mga natapong mumo ng kinain na chichirya. Meron ding mga comshops na nag-aalok ng pancit canton kasi ang com shop converted sa sari-sari store. Masarap nga naman humigop ng mainit na sabaw ng noodles o kaya ng Lucky Me Pancit canton habang naglalaro para hindi ka malipasan ng gutom. Yung ibang comshop naman ay magdamagan kaya yung iba doon na natutulog. Ganyan kaadik ang maglaro ng Counter Strike ang mga kabataan noon. Kaya't kung hindi pa nakakauwi si totoy eh asahan mong nasa comshop lang yan nakatambay at puti na ang mata, nakababad sa monitor ng computer
May mga coach - Sa isang computer shops hindi mawawala ang mga tambay na nakatayo sa likod mo, kaya habang wala pang bakanteng computer shops na magagamit ang tambay asahan mong mayroon kang instant coach sa likod at kung maswerte ka tuturuan ka pa niyan ng mga cheat codes na puwede mong ilagay sa console mo. Yung tipos magteteleport ka agad sa kampo ng kalaban habang sila bumibili pa lang ng mga guns and equipment nila, ikaw nang mamasaker ka na buratatatatattt!!! "Hoy, putanginamo wag kang madugas!" Asahan mong isa rin yan sa taga-bulong kung nasa bomb site na si Terrorrist at mag-aattempt nang magtanim ng bomba at ikaw naman gugulatin mo siya sa bombsite at tatadtarin ng Armalite.
Giraffe players - Sila naman yung mga nanghahaba ang leeg sa pangongomsat sa monitor ng katabi, ito yung mga tipong nakakabadtrip katabi kasi sisilipin nila kung nasaan ka, ang matindi niyan kumokomsat na magtatago pa sa likod ng pintuan sabay paglampas mo ng pintuan masasalvage ka, "bratatatatatat!" Patay. Sabay hahalakhak pa na tila nang-aasar, kaya ang siste wala kang magagawa kundi mag join o kumampi ka na lang sa kanya kung Terrorist siya, mag te-terrorist ka na rin para hindi ka na ma-komsatan.
Pure Tambay - Meron din namang mga ganito, hindi talaga sila mahilig sa Counter Strike, nandoon lang minsan para mamburaot sa mga naglalaro o di kaya ay makipag kwentuhan or maki browse sa ginagamit ng server ng may-ari ng computer shop. Sila ang mag-tatakeover ng sounds sa computer shop at magiging instant DJ niyo kung anong trip niya patugtugin. Kadalasang labas-pasok sa comshop, hindi mapakali, hindi matae kung saan pupuwesto, nagyoyosi sa labas at tumatambay din sa labas ng comshop pero kapag nainitan ang buraot eh papasok uli sa comshop para magpa-lamig.
Kuya pa-burn - Sila naman yung mga music geeks at the same time piracy kids, nakkikidownload ng mga bagong labas na kanta at kadalasang may dala-dalang blank CD para magpa-burn. "Kuya, convert mo na sa MP3 ha." Ayos!
Homework boys and girls. Nako, eto mahirap pagsamahin ang gawaing school vs mga naglalaro sa com shops. Hinding-hindi ka talaga makakapag focus sa assignment mo or projects mo sa school dahil sa ingay, lakas ng soundtrip at amoy ng kulob na pawis ng computer shop na sumasabay sa pagbuga ng aircon. Kaya mabuting pumili ng computer shops na walang hassle at gaming.
Ito ang mapa kung saan lahat tayo unang nasampal ng "realism" ng tactical warfare... gamit ang mouse na may ball pa sa loob.
-
Underpass na Parang Lagusan ng ImpyernoMay sumilip lang, patay. Parang may sniper dun ah.. Minsan ang kalaban ay hindi tao, kundi ping.
-
CT Spawn = Tambayan ng mga Ayaw Mag-push"Def lang tayo pre, save tayo next round" kahit wala pa ngang one minute.
-
Terrorist Side = Laging May “Rush B Tanga!”Hindi mo alam kung kalaban mo ay kalaban o kasama mong pasaway. “Pre, flash mo!” sabay flash sa sarili. Bulag ang buong team. GG.
- Double Doors = Lugar ng KabuwisitanLahat ng sniper dito graduate ng Hogwarts. “Pre, peep mo—wala ‘yan.”BLAG! — headshot. “Sabi ko peep mo lang eh, di mo naman ako sinabing 'peek of death' pala to!”
-
Mid to B = Shortcut ng mga Gusto ng Fast DeathIsa itong tunnel of love... kung saan minamahal ka ng mga AK47 mula sa kabilang dulo.
-
A Site = Nasan Ang Team Ko?!Laging may isang naka-A, tapos lima yung nasa T-Base pa, nagpapaligsahan ng jump+knife combo. Seryoso pa siya: "Pre, warm-up pa lang eh."
-
Pit = Lugar ng Sniper na Feeling Rambo"Ako na bahala dito." Tapos wala pang 10 seconds, “Oy pre, na-rush ako, asan backup ko?” — ang classic na biktima ng overconfidence.
- wallhack
- aimbot
- speedhack
- at ang classic na bind mwheelup +jump; bind mwheeldown +jump (para kang kangaroo mag-bunnyhop)
Ang Counter-Strike ay hindi lang basta barilan—isa siyang rite of passage. Isang uniberso kung saan ang galing mo sa pag-flashbang ay may bigat sa pagkatao mo. Kung saan ang mga tropa ay tropa sa kasiyahan at halakhakan kahit lagi kang nasasaksak.
Barya lang ang kailangan mo dati para makapasok sa virtual battlefield, pero ang alaala ay priceless. Ngayong meron nang CS:GO, CS2, at E-sports tournaments na milyon ang premyo, saludo pa rin kami sa mga CS boys and girls na nagsimula sa kompyuterang amoy-pawis at may mouse na may takip ng masking tape.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento