Time check: 4:41 PM/September 26, 2025/Heavy Rains and Thunderstorms/ #BagyongOpong
May bagyo na naman matik baha na naman! Mabilis na umaapaw ang ilog. Maglalaro na naman ng fake resiliency ang ating bansa habang ang mga sangkot sa flood control project na nagnenok ng bulto-bultong salapi ay nalulunod sa pera at karangyaan ng buhay.
Sa bawat pagbagsak ng ulan, hindi lamang baha ang bumabalik—pati na rin ang alaala ng mga pangakong napako. Sa bawat patak, may kirot. Sa bawat agos, may poot.
Ilang ulit nang ipinangako ng mga pulitiko: “Ito na ang huli. May pondo na. May plano na. Wala nang babahain.” Ngunit sa bawat bagyo, sa bawat unos, ang baha ang laging nauuna, at ang hustisya ang laging nahuhuli.
Nakikita natin ang mga pamilya—bitbit ang kanilang mga anak, pasan ang bigas na natira, at naglalakad sa tubig na mabaho’t malalim. Habang sila’y naglalakbay sa gitna ng unos, naaalala natin: saan napunta ang pondong para sa flood control? Saan napunta ang mga proyektong dapat sana’y proteksyon, ngunit naging koleksyon?
We remember the Napindan Hydraulic Control Project, a grand promise meant to save Metro Manila from the deluge. It was supposed to regulate the waters flowing from Laguna de Bay into the Pasig River. Yet, despite the millions spent, it became a monument of neglect, a structure half-forgotten, half-finished, choked by silt and bureaucracy.
We recall the Pampanga Delta Development Project, once hailed as a shield against the rampaging floods of Central Luzon. But the shield cracked before it was ever raised. The money was spent, the speeches were made, but the farmers still wade in knee-deep waters, their fields turning into lakes of loss.
And who can forget the Pasig River Rehabilitation programs—announced with banners, ribbon cuttings, and bold visions of renewal? Yet every typhoon exposes the truth: the river still carries the stench of decay, and the floods rise as if mocking the hollow declarations of those in power.
Same scenes repeat themselves like a cruel cycle: families shivering on rooftops under the merciless rain, clutching their children as if holding on to life itself; beloved pets drowning, their cries swallowed by the floodwaters; crops destroyed, farmers watching in despair as months of labor dissolve into mud. And as food supply dwindles, prices surge, turning every household’s dinner table into a battlefield against hunger.
Kaya ang ulan ay hindi lamang ulan. Isa itong awit ng ating pagkadismaya. Ang bawat pagtunog sa bubong ay tila kumpas ng isang damdaming matagal nang naiipon. Maaaring tuyo’t ligtas ang mga pulitiko sa kanilang palasyo, ngunit ang taumbayan—sila ang lumulusong sa putikan at panganib. At sila, sila ang hindi nakakalimot.
Akala natin ang ulan ay isang masarap na paghigop ng sabaw ng ating mga lutuin. Akala natin ang ulan ay kasarapan ng ating pagtulog. Akala natin ang ulan ay isang vibe ng pagrerelax. Ngunit dito sa atin, kahit kaunting ulan lamang ay binabaha na agad tayo, hanggang umabot sa delubyo at kapahamakan.
Ang pagbaha at sakuna ang ating walang pagod na historyador. Ang bawat patak ay tala, ang bawat pagbaha ay pahina, at ang bawat kalye na lumulubog ay isang kabanata ng kawalanghiyaan. Maaaring nasa ligtas na palasyo at subdibisyon ang mga pulitiko, ngunit para sa karaniwang Pilipino, ang baha ay hindi lamang tubig—ito’y kawalan ng hustisya na umaabot hanggang dibdib.
Hindi nakakalimot ang bayan. Hindi kailanman. Sapagkat sa bawat bagyo, muling naaalala: hindi lamang ulan ang pumalya, kundi ang mga pinunong nangakong magtatanggol, ngunit iniwan tayo sa gitna ng lumalakas na agos.
At kaya, hindi lamang dapat galit ang ating itanim—kundi pagkilos. Pananagutin natin ang mga sumira sa ating tiwala at nilunod ang ating kinabukasan. Hihingin natin ang tapat na ulat sa bawat pondong ginagalaw, hihingin natin ang tunay na resulta at hindi palabas. Hihingin natin ang mga lider na hindi tatakbo sa tuwing tataas ang tubig, kundi babangon kasama ng bayan.
Hindi titigil ang mga bagyo. Ngunit hindi rin dapat tumigil ang ating galit, ang ating alaala, at ang ating paninindigan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento