Balik-tanaw uli tayo mula dekada ’60 hanggang dekada ’90—panahong ang pagtahak sa mga kalsada ay isa sa pinaka-malikhaing anyo ng kalakalan sa pre-teknolohikal na Pilipinas: ang mga naglalakong vendor. Bitbit ang kanilang mga baka o kalabaw, naglalakbay sila mula bayan hanggang bayan, dala ang samu’t saring walis tambo, duyan, at iba pang kagamitang hinabi ng sariling kamay. Sa loob ng tatlong dekada, umusbong at umigting ang kanilang hanapbuhay, at naging mataas ang pangangailangan sa kanilang mga produkto.
Ngunit pagsapit ng dekada 2000 hanggang sa kasalukuyan, unti-unting naglaho ang ganitong tanawin. Kasabay ng pag-usbong ng teknolohiya sa paglalakbay at kalakalan, naging anino na lamang sila ng nakaraan. Tinatawag silang mga “viajeros”—mga mangangalakal ng makalumang panahon, sakay ng karitong hinihila ng kanilang alagang hayop. Habang lumilipas ang mga taon, palitaw nang palitaw ang katotohanan: paisa-isa na lamang silang natitira, at ang mga buhay pa ngayon ay nagsisilbing huling bakas ng isang lahing nalulunod sa agos ng modernisasyon.
Noong kabataan ko mid-80s marami pa in akong nakikitang katulad nila na naglalakbay kahit sa delikadong highway sa ka-Maynilaan makapagbenta lamang ng kanilang mga hinabing produkto. Hindi ito yung tipong sisnisigaw ang kanilang dalang produkto. Tahimik lamang silang dumadaan sa kalye niyo ngunit tmay kabagalan. Mga nanay at lola natin ang kadalasang bumibili ng kung ano sa mga Viajeros. Tandang-tanda ko pa noon nang bumili ang aking lola ng kahoy na bangkito para may maupuan siya habang nagpapalamig sa tapat ng aming bahay.
Noong araw sa Pilipinas, ang kaluskos ng kahoy na gulong sa alikabok ng kalsada ang hudyat ng pagdating ng isang Viajero. Mabilis na tatakbo ang mga bata palabas, puno ng pananabik ang mga mata, habang hila-hila ng baka o kalabaw ang karitong puno ng mga gamit para sa bawat tahanan. Ang mga Viajero ay mga naglalakong dala ang payak ngunit mahalagang bagay: walis tambo, tabo, dust pan, bunot na pampakintab ng sahig, salamin na sumasalamin sa buhay-Pilipino, duyan na sumasayaw sa hangin na parang awit ng paghele, at kung anu-ano pang pang-araw-araw na gamit. Kung tutuusin, sila ang unang Lazada at Shopee ng Pilipinas—hindi mo nga lang kailangang mag-checkout online, kundi maghintay ng kalabog ng baka at ingay ng lumang gulong sa kalsada. Nagsimula ang kanilang kasaysayan noong dekada ’60, panahong simple at personal ang kalakalan—hindi makina ang nagpapagalaw kundi hayop at tiyaga ng tao. Tatlong dekada silang umunlad, naging tulay ng kabuhayan sa mga baryong malayo sa pamilihan. Ngunit nang sumapit ang bagong milenyo, unti-unting naglaho ang kanilang presensya. Kasabay ng pag-usbong ng modernong transportasyon at tindahan, ang Viajeros ay naging alaala na lamang. At sa ilalim ng kanilang pagkawala, naroon ang masakit na tanong—ang bigat ng kariton na pasan ng baka o kalabaw, ang mahabang lakad sa ilalim ng matinding araw, isang anyo ng kalupitan sa hayop na hindi na matanggap sa kasalukuyan. Ngayon, ang mga Viajeros ay nananatili na lamang sa ating gunita—isang paalala ng panahong mabagal, payak, at tunay na makatao ang kalakalan.
Nasaan na nga ba napunta ang mga Viajeros? Marahil ang iba’y napasok sa palengke, ang ilan ay naghanap ng bagong kabuhayan, at ang iba nama’y tuluyang naglaho sa paglipas ng panahon. Pero kung iisipin, baka hindi naman talaga sila nawala—nagbago lang ng anyo. Ang mga kariton ay naging delivery truck, ang mga baka ay napalitan ng motorsiklo, at ang sigaw na “walis, tabo, bunot!” ay naging notification na “Add to Cart.” Ang mga Viajeros ay hindi naglaho—nag-transform lang para sumabay sa modernong panahon.
Ang huli akong nakakita ng mga Viajeros ay nung nagbibisekleta pa akong noong 2023, kamakailan lang naman at marami sila sa General, Trias, Cavite, matatapuan sila malapit sa palengke at simbahan ng San Francisco de Malabon sa bayan ng Heneral Trias.
Malayo na sa kanilang kasaganang kalakalan noong ikalawang kalahati ng nakaraang siglo, nilamon na ng mabilis na pagbabago ng panahon ang mga tradisyunal na viajeros. Ang kanilang makalumang paraan ng pagtitinda ay lalo pang pinapabigat ng kakarampot na kita na hindi sapat bilang kabayaran sa kanilang payak at malungkot na pamumuhay. Kaya kung sakaling makasalubong ka pa ng isa, bigyan mo sila ng pagpapahalaga—sapagkat maaaring iyon na ang huli mong pagkakataon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento