![]() |
The 90s Virtual Pet Craze |
Let's confuse the Gen Zs again with this post. Sa mga kababata ko ng dekada nobenta naaalala niyo pa ba ang Tamagotchi? May mga natuwa, naging responsable at umiyak sa mumunting laro na ito noong dekada nobenta. Alamin natin kung bakit at paano tayo naimpluwensiyahan na maging maasikaso bilang mga batang paslit at hatid na aral sa atin ng laruang Tamagotchi.
Kung bata ka noong dekada ’90, malamang nagkaroon ka ng Tamagotchi o naiinggit ka sa kaklase mong meron. Ang maliit na itlog na laruan na ito ay hindi basta-basta laruan lamang—parang simulasyon ng responsibilidad ito. Kailangan mong pakainin, linisin, at alagaan ang iyong digital pet. Para sa maraming batang Pinoy bago pa man dumating ang internet, naging isang pagkahumaling ang Tamagotchi na hindi lang nakakaaliw kundi nagtuturo rin ng disiplina at malasakit.
Tamagotchi was created in Japan by Akihiro Yokoi of WiZ and Aki Maita of Bandai. It was first released in Japan in November 1996, and by 1997, it had reached global markets, including the Philippines. The name “Tamagotchi” comes from the Japanese words tamago (egg) and watchi (a cute way of saying “watch”).
Dinisenyo ito bilang isang digital pet na nasa maliit na keychain na gadget. Ibinenta ito ng Bandai bilang pagsasama ng kasiyahan at responsibilidad—sakto para sa mga batang hindi puwedeng mag-alaga ng totoong hayop. Sa unang taon pa lang, mahigit 40 milyong Tamagotchi ang naibenta sa buong mundo, dahilan para maging isa ito sa pinakatanyag na laruan noong dekada ’90.
Simple pero nakaka-stress (sa masayang paraan) ang paglalaro ng Tamagotchi. Magsisimula ka sa isang itlog na mapipisa at magiging isang maliit na nilalang. Mula doon, kailangan mong:
- Pakainin kapag nagugutom.
- Laruin para maging masaya.
- Linisin ang dumi nito (oo, dumudumi ito sa screen).
- Disiplinahin kapag nagiging pasaway.
- Patulugin kapag napapagod.
Kapag pinabayaan, maaaring magkasakit o “mamatay” ang Tamagotchi mo—at masakit iyon para sa maraming bata. Kaya’t napipilitan ang mga bata na bantayan ito buong araw, kahit sa klase ay palihim na sinisilip nila. Oh di ba sa simpleng laruan natututong maging disiplinado at responsable ang ating mga batang 90s.
Bago pa man ang smartphones at social media, ang Tamagotchi ang nagbigay sa mga batang Pinoy ng panlasa ng virtual na buhay. Nakakaaliw ito, interactive, at kakaiba sa panahong wala pang internet sa mga bahay. Kung meron ka nito, para kang “in” o sikat sa klase, lalo na kung nakasabit pa sa school bag mo. Minsan binibigyan pa nga natin ng pangalan ang ating mga virtual pet.
Para naman sa matatanda, nakakaaliw din ito dahil portable at kakaiba. May ilang magulang pa nga na palihim na nilalaro ang Tamagotchi ng anak nila. Bilang mga Pilipinong likas na maalaga at mapagmahal, nagkaroon tayo ng paraan para maipakita ang pagiging nurturing kahit sa digital na paraan.
Pagsapit ng unang bahagi ng 2000s, unti-unti nang nawala ang kasikatan ng Tamagotchi. Lumabas na ang mas modernong teknolohiya, mga cellphone, at kalaunan ay internet—kaya napunta ang atensyon ng mga bata sa iba. Kahit naglabas pa rin ng mga bagong bersyon ang Bandai, hindi na naabot ang kasikatan nito noong dekada ’90.
Buhay pa rin ang Tamagotchi ngayon, pero mas itinuturing na itong nostalgic collectible. Naglabas ang Bandai ng mas modernong bersyon tulad ng Tamagotchi On at Tamagotchi Smart na may color screen, Bluetooth, at koneksyon sa apps. Mas gusto na ng mga bata ngayon ang tablets at mobile games, pero ang mga kolektor at mga batang ’90s (na ngayon ay matatanda na) ay bumibili pa rin para sariwain ang kanilang kabataan.
Here are the Top 5 Pinoy Tamagotchi Memories:
1. Sneaking Tamagotchi into Class
Alam ko isa ka sa ganito. Hinding hindi kasi natin mapabayaan ang ating mga cute na virtual pets at napamahal na tayo sa kanila. Madalas dinadala ng mga bata ang Tamagotchi sa klase, nakatago sa pencil case. Naiinis ang mga guro kapag may biglang beep beep habang nagtuturo ng math.
2. The Great “Pa-Borrow” Culture
Karaniwan mong maririnig noon: “Pahiram, ako magpapakain sa Tamagotchi mo!” Parang pakikipag-share sa isang matalik na kaibigan ang pakikilaro nito.
3. Tamagotchi Keychains Everywhere
Nakabitin sa school bag ang Tamagotchi ng karamihan. Mas marami kang Tamagotchi, mas astig ka sa klase.Mas doble responsibilidad nga lang na parang ang dami dami mong anak.
4. The Heartbreak of a Dead Tamagotchi
Walang mas masakit pa sa pagbabalik galing recess tapos patay na pala ang Tamagotchi mo. May mga batang umiiyak pa talaga sa lungkot. Sinisisi ang kanilang sarili dahil napabayaan nila ang kanilang alaga.
5. Trading and Collecting
Tulad ng teks, pogs, o trading cards, minsan nag-e-exchange din ng Tamagotchi ang mga bata. Ang mga bihirang kulay o espesyal na edisyon ay malaking yabang noon.
Tamagotchi wasn’t just about fun and games—it quietly taught kids life lessons. Ang pagkakaroon ng digital pet ay nagturo sa mga bata kung paano mag-alaga ng iba bukod sa sarili nila. Kailangan mong bantayan ito, pakainin, at linisin ang dumi. Para sa maraming batang Pilipino, ito ang unang pagkakataon na natuto silang maging responsable.
Tinuruan din tayo nito ng consistency at malasakit. Kapag pinabayaan mo ang Tamagotchi mo, maaari itong magkasakit o mamatay. Dahil dito, natuto ang mga bata na maging mas mapag-alaga at mapansin na ang mga kilos natin—o ang kawalan ng kilos—ay may epekto. Kahit “laruan” lang ito, totoo ang saya, pride, at lungkot na dala ng pag-aalaga dito.
Sa madaling salita, naging guro rin ang Tamagotchi—ipinaalala nito na ang pag-ibig at pag-aalaga, gaano man kaliit, ay nakakatulong sa paghubog sa atin bilang mas responsable at maaasahang tao. Tinuruan nito ang mga bata tungkol sa responsibilidad, nagbigay ng mga alaala sa eskwela, at nagpakita ng sulyap sa digital na buhay bago pa man ang social media. Para sa mga Pilipino, bahagi ito ng kabataan na puno ng simpleng saya sa panahong wala pang internet.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento