Martes, Oktubre 14, 2025

"That’s Entertainment!" - A Stepping Stone for Philippines Showbiz Dream


Bago pa man uso ang talent search shows gaya ng StarStruck, Pinoy Big Brother, o The Voice, meron nang isang programang naging pabrika ng mga bituin sa dekada ‘80 hanggang ‘90 yun ay ang - “That’s Entertainment!”

Hosted by the one and only German “Kuya Germs” Moreno, this daily variety show on GMA Channel 7 gave aspiring young talents a stage to sing, dance, act, and shine in front of the Filipino audience.

Aired Monday to Saturday at 7:00 PM, That’s Entertainment wasn’t just a show — it was a dream factory, a training ground where many of today’s biggest names in showbiz started.

Yung mga artista na nahubog at nilikha sa That Entertainment ay siya ring mga artista na sumikat sa taong 80s at 90s. Dito nakilala sila Jennifer Sevilla, Manilyn Reynes, Tina Paner, Sheryl Cruz at marami pang iba. Simula nating talakayin kung ano pa nga ba ang meron sa programang ito na kinahiligan ng mga teenagers noong early 90s. 

Ang That’s Entertainment ay isang youth-oriented variety show na unang ipinalabas noong 1986 at tumakbo ng mahigit isang dekada.
Simple ngunit napakatalino ng konsepto nito:

Bawat araw, may kanya-kanyang lineup ng mga mang-aawit, mananayaw, komedyante, at artista sa drama.
Sa bawat episode, tampok ang mga production numbers, comedy skits, at acting challenges na layuning hasain ang kanilang talento.

Higit pa roon, ito ay naging isang pamilya. Marami sa mga tinaguriang “That’s kids” — gaya ng tawag sa kanila noon — ang sabay na lumaki sa harap ng kamera, nagbahaginan ng mga pangarap, pagkakagustuhan, kabiguan, at kasikatan.

These are the MONDAY TO FRIDAY GROUPS (from different years), sila ang mga tinaguriang mga bituing hindi namamatay ang alaala sa ating mga nabuhay noong dekada nobenta. Ang kasikatan nila namumutawi sa ating mga kaisipan hanggang ngayon:


MONDAY GROUP:

 Ana Roces, Gladys Reyes, Judy Ann Santos, Rufa Mae Quinto, Donita Rose, Jackie Forster, Billy Crawford, Harlene Bautista, Precious Hipolito, Flordeliza Sanchez (now Glydel Mercado), Melissa Gibbs, Bunny Paras, Isabel Granada, Tootsie Guevara, Victor Reyes, Anthony Wilson, Gary Israel, Mark Yรฑiguez, Aiko Melendez, Monique Wilson, Dawn Zulueta, Bobby Andrews, Carmina Villaroel

TUESDAY GROUP

Apple Galicia, Bunny Paras, Caselyn Francisco, Bing Loyzaga, Ara Mina, Jean Garcia, Jessa Zaragoza, Judy Ann Santos, Ryan Soler, Peewee Polintan, Mikee Espinosa, Jigo Garcia, Michael Locsin, Lieza Sy, Glenda Bayona, Maricel Morales, Marichelle Constantino, Karen Marek-Atendido, Aubrey Cruz, Jeffrey Santos, Karla Estrada

WEDNESDAY GROUP:

 Ricky Rivero, Sheryl Cruz, Jojo Alejar, Lilet, Ronnel Victor, Reyna Arroyo, Rachel Alejandro, Romnick Sarmenta, Chuckie Dreyfuss, Mike Castillo, Marco Polo Garcia, Jovit Moya, Janno Gibbs, Beverley Vergel, Gladys Reyes, John Regala, Kim delos Santos

THURSDAY GROUP:

Jennifer Sevilla, Keempee De Leon, Smokey Manaloto, Mike Moreno, Neil Eugenio, Jonathan Darca, Jaypee de Guzman, Melissa Silvano, Ivy Isidoro, Haydee Rosales, Elizabeth Miller, Ellie Rose Apple, Lester Samonte, Regina Grace, Edgar Tejada, Don Umali, Victor Reyes, Paul John, John Arcilla, Nino Muhlach, Glaiza Herradura, Jeffrey Quizon, Jon Hernandez, Lea Salonga, Rose Ann Gonzales

FRIDAY GROUP:  

Jaypee de Guzman, Robert Ortega, Tina Godinez, Nikki Martel, Kristina Paner, Darwin Cruz, Cris Villanueva, Robert Ortega, Raeyan Basa, King Austria, John Alba, Joy Reyes, Richie Gonzaga, Abel Montenegro, Efren Pineda, Clarissa Ronda, Jerome Ancheta, Aileen Pearl Angeles, Joyce June, Jenny Anne Mendoza,  Mikee Villanueva, Shirley Fuentes, Filio Salazar, Fredmoore delos Santos, Genesis Canlapan, Michael Villanueva, Cliff Cortazar 

SATURDAY GROUP:

The "Saturday group" was a part of the 1980s and 90s Philippine TV show That's Entertainment, which featured different groups of young performers for each day of the week. Unlike the other groups that performed on a specific day, the Saturday group was when all five-day groups (Monday through Friday) came together for a grand, spectacular performance. 

๐๐ž๐š๐ญ ๐‚๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž - ๐๐ฅ๐ฎ๐ž ๐Š๐ข๐ฌ๐ฌ • ๐‰๐š๐ง๐ž ๐–๐ข๐ž๐๐ฅ๐ข๐ง ๐Ÿ–๐ŸŽ'๐ฌ (๐“๐ก๐š๐ญ'๐ฌ ๐„๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ญ๐š๐ข๐ง๐ฆ๐ž๐ง๐ญ • ๐†๐Œ๐€ ๐๐ž๐ญ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค) ๐Ÿ๐Ÿ—๐Ÿ–๐Ÿ” ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐“๐•)

Ang “That’s Entertainment” ay ipinalabas sa GMA 7, karaniwang alas-siyete ng gabi (7:00 PM), bago magsimula ang mga primetime drama.

Para sa maraming pamilyang Pilipino, ito ang hudyat na tapos na ang trabaho sa maghapon at oras na para ngumiti.

Isipin mo ang tagpo: amoy ng bagong lutong hapunan, mga batang nagmamadaling tapusin ang takdang-aralin, mga magulang na nagpapahinga sa sofa — at sa telebisyon, maririnig ang masiglang himig:

๐ŸŽต “That’s Entertainment! That’s Entertainment!” ๐ŸŽต

Naging bahagi ito ng gabi-gabing panonood sa bawat tahanan — isang palabas na nagdadala ng liwanag, halakhak, at musika sa bawat Pilipinong nanonood.

Minahal ng mga Pilipino ang “That’s Entertainment” dahil ito ay puno ng pag-asa, koneksyon, at inspirasyon. Una, ito ay mapagbigay ng pag-asa — binigyan nito ng pagkakataon ang mga karaniwang kabataang Pilipino na abutin ang kanilang mga pangarap sa mundo ng showbiz. Sa pamamagitan ni Kuya Germs, nabuksan ang mga pintuan ng industriya para sa sinumang handang magsumikap at matuto.Si Kuya Germs ang Boy Abunda sa kasalukuyan. 

Minahal din ito dahil nakaka-relate ang mga manonood sa mga tinaguriang “That’s Kids.” Hindi sila perpekto — natututo pa, medyo mahiyain o makulit, ngunit totoo at likas. Nakita ng mga manonood ang sarili nila sa mga batang iyon: may mga pangarap, may kabataan, at may mga kapilyuhan na karaniwan sa kanilang edad.

Isa pa, dito nahubog ang mga tunay na bituin ng industriya. Halos lahat ng malalaking pangalan noong dekada ’90 — mula kina Lea Salonga, Judy Ann Santos, Janno Gibbs, Aiko Melendez, hanggang Carmina Villarroel — ay minsang tumapak sa entablado ng That’s Entertainment.

At higit sa lahat, dahil kay Kuya Germs. Si German Moreno ang puso ng palabas — isang mentor na mapagkalinga, mapagbigay, at may tapat na hangaring paunlarin ang talento ng kabataan. Hindi lamang siya isang host; isa siyang ama sa daan-daang artista na kanyang tinulungan, tinuruan, at minahal.

Even after its final broadcast in the late ‘90s, That’s Entertainment left behind a legacy that still echoes in today’s showbiz.

Modern talent searches and reality shows all owe a nod to Kuya Germs’ creation.

Para sa mga lumaki noong dekada ’90, ang That’s Entertainment ay hindi lang basta palabas — ito ay bahagi ng ating childhood. Dito natin nakilala at hinangaan ang ating mga paboritong artista. 

Itinuro nito sa atin na ang kasikatan ay nagsisimula sa pagsisikap, na ang talento ay maaaring linangin, at na ang mga pangarap, gaano man kalaki, ay nagsisimula sa isang simpleng hakbang sa entablado.

Kaya sa tuwing maririnig mo muli ang makasaysayang theme song nito, ipikit mo ang iyong mga mata at alalahanin ang mga gabing puno ng saya, awitin, sayawan at ning-ning ng mga kabataan sa telebisyon.

Sapagkat gaano man karaming taon ang lumipas —

Ang That’s Entertainment ay mananatiling… That’s Entertainment!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...