Biyernes, Oktubre 3, 2025

When Filipinos Rode the Tamaraw FX: A Ride Through Time

 


Welcome to another ride to nostalgia. Literal na babiyahe tayo ngayon upang alalahanin ang isa sa pinakamabisang commuting type of vehicle dito sa Pilipinas. Bago pa dumami ang Grab cars at mga UV Express vans, isa lang ang hari ng kalsada noon — ang Tamaraw FX. Bigla ko rin tuloy naalala ang pulang Tamaraw FX ng aking tito. Sa tuwing umuuwi kami ng probinsiya sa Bulacan o di kaya ay nagkayayaan ng biglaang outing, ang Tamaraw FX ang aming sinasakyan kasama ang buong pamilya upang mamasyal o bumisita sa aming mga kamag-anak sa San Miguel, Bulacan. 

Ang FX ay hindi lang sasakyan. Isa itong simbolo ng praktikalidad at samahan ng mga Pilipino. Disenyo ng Toyota, mukha itong pinaghalong van at jeep — parisukat, matibay, at maaasahan, kahit sa lubak o trapik.

Kaya nitong magsakay ng sampung pasahero maliban sa driver: dalawa sa harap, tatlo sa gitna, at lima sa likuran. Pero siyempre, kapag rush hour, may mga nagkakabuhol-buhol pa sa loob — basta lahat kasya!

Kung taga-Cavite ka, malamang alam mo ang mga rutang ito:

Dasma–Baclaran, Imus–Pasay, Tagaytay–Lawton, at minsan hanggang Alabang. Ang pamasahe noon ay nasa ₱25 hanggang ₱40, kaya abot-kaya talaga. Mas mura pa kaysa sumakay ng sunod-sunod na jeep.

Inside the FX, you’d find all kinds of people — office workers, students, mothers carrying groceries, and most of the time, regular employees or factory workers heading home. The air conditioning wasn’t always cold, but it was enough to make the trip comfortable — far better than sweating in a jeepney. Pero minsan sa Tamaraw FX merong mga hindi inaasahang amoy like amoy ng natuyong pawis, nakulob na amoy, sari-saring pabango may matapang, may katamtaman para itong fiesta ng kung anong mga pwedeng maamoy sa loob ng FX. Kaya paalala lang na lagi pa rin magdala ng face mask kung ayaw maranasan ang ganitong mga halimuyak na sumasama sa lamig ng aircon. 

And oh, the conversations! Sometimes, strangers became temporary companions:

  • Office gossip about bosses and crushes.
  • Small talk about traffic, politics, or teleseryes.
  • Kwentuhan tungkol sa problemang pamilya na naishashare sa mga kaibigan sa loob ng FX
  • Mga heartbreaks and horror stories na naiipon rin at naririnig sa FX
  • Away, galit at kalungkutan, halos narito na lahat ang kwento kung makakatiyempo
Pedicab - FX
Mga conversation katulad ng:

“Ay naku, si boss kahapon, galit na galit!”

“Napanood mo ba yung teleserye kagabi?”

At yung paborito ng lahat: “Kuya, paabot po!”

“Kuya, paabot po!” echoed as coins and bills passed hand to hand.

Sa loob ng FX, nagiging magkakaibigan ang mga estranghero — kahit sandali lang. Minsan may katahimikan, minsan may tawanan. Para kang bahagi ng maliit na mundo na umiikot sa iisang biyahe.

Today, the Tamaraw FX is rarely seen. Replaced by UV Express vans, Grab, and TNVS cars, it’s almost extinct. But for those who rode it daily, the FX remains unforgettable.

There was something special about its simplicity — no apps, no bookings, just you, your seatmates, and the shared rhythm of the road.

What do I miss most?

The honesty of it. The stories of strangers. The sense that even in traffic, you were never alone. Yung simpleng biyahe na walang app o booking, walang cellphone sa kamay — tao sa tao lang, kwento sa kwento. Ang Tamaraw FX ay paalala ng panahong mas simple, mas magaan, at mas may koneksyon ang bawat pasahero.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...