The ride from Imus, Cavite, to Paco, Manila is not just a physical journey but also an emotional one for me. I pedaled out early in the morning, passing through familiar arteries that connect Cavite to the heart of Manila. My route was straightforward but full of life:
Imus → Bacoor → Las Piñas/Parañaque (depending on road choice) → Pasay → Roxas Boulevard → Quirino Avenue → Paco, Manila.
This was a new kind of ride for me because usually I go to places like Binondo, Divisoria, Tondo, and Intramuros just looking for food trips. Now this is a different kind of vibe. Sinuong kong muli ang Maynila to find a new place at para na rin madagdagan ang aking kaalaman sa history. Meron mang may madilim na nakaraan ay naging maayos ang aking pamamasyal sa loob ng Paco Park. Nagkaroon ako ng interes dito simula noong napanood ko na featured documentary ang Paco Park sa KMJS. Gusto ko makita ang dating libingan ng ating pambansang bayani na si Dr Jose Rizal, ang libingan ng tatlong paring Gomburza, ang dating libingan ng mga mayayamang Pilipino noong panahon ng Kastila, ang libingan ng mga namatay sa cholera at ang misteryong puntod ng isang babaeng tatalakayin natin dito sa blog na to.
This trip meant more to me than just reaching a destination. I was born in San Andres Bukid, not too far from Paco. Back then, our go-to market was Paco Market, where my family would buy fish, vegetables, and everyday needs. We lived as one extended family in Manila—busy, noisy, sometimes cramped, but full of warmth.
Biking back into this neighborhood felt like visiting my childhood. Every street corner reminded me of the days when Manila was both our playground and marketplace.
Ang Paco Park o Cementerio General de Dilao, ay itinayo noong unang bahagi ng 1800s bilang sementeryo para sa mga pamilyang Kastila na naninirahan sa Maynila. Nang lumaon, dito na rin inilibing ang mga biktima ng kolera at iba pang epidemya.Isa sa pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan nito: dito pansamantalang inilibing si Dr. José Rizal matapos siyang barilin noong 1896, bago dinala ang kanyang mga labi sa Luneta. Kaya’t hindi lang ito basta parke—isa itong tahimik na saksi sa pakikibaka ng bansa para sa kalayaan.
Sa gitna ng bilog na parke matatagpuan ang isang maliit ngunit napakagandang kapilya: ang San Pancratius Chapel. Inialay ito kay San Pancratius, isang batang martir mula sa Roma. Dahil sa katahimikan at ganda nito, madalas itong pinipili para sa mga kasalan at personal na panalangin, kahit na napapalibutan ito ng mga nitso at puntod.
Are there ghosts and other entities in Paco Park?
Because it is a cemetery, it’s natural that ghost stories abound. Many claim to hear whispers at night, the sound of footsteps, and even see figures wandering around the walls. Some visitors report a sudden drop in temperature, as if unseen presences are near.
Sa totoo lang, kahit maaliwalas ang panahon noong ako'y bumisita sa Paco Park ay nakaramdam ako ng pananayo ng balahibo at kilabot habang naglalakad at iniikot ko ang oval na libingan ng mga namatay sa kolera. Naroon pa rin ang ilang labi ngunit ang karamihan ay wala nang laman. Marami rin sanggol ang mga namatay at hiniwalay ang kanilang labi at nagkaroon ng sariling section, ang "Osario". Napakabigat talaga ng pakiramdam habang nililibot mo ang park, ramdam ang kalungkutan kahit masigla ang panahon, may mga anino na bigla na lang dadaan sa gilid ng mga mata mo at hindi maiiwasan ang amoy ng kandilang sumasaliw sa samyo ng hangin.
Isa sa mga pinakatanyag na multo ng Paco Park ay si Margarita Miguel de Cobarrubias, isang mestisang Kastila na sinasabing namatay nang bata pa noong 1800s. Inilibing siya sa Paco Park, at hanggang ngayon ay may mga nakakapansin daw sa kanyang multo malapit sa kapilya—nakaputi, umiiyak, o kaya’y nakatitig lamang.
Sabi ng alamat, nagpapakita siya sa mga magkasintahan na bumibisita sa parke—tila ba paalala ng kanyang buhay na hindi niya nagawang mabuo. May nagsasabi rin na siya ay tagapangalaga ng mga kaluluwa sa sementeryo, habangbuhay nang nakatali sa lugar. Nangilabot ako nang husto nung lumapit ako malapit sa kanyang puntod. Kaunti pa naman ang bumibisita dito at hindi masyadong pansinin ang lugar. Ang tanging mga tao lang na naroon nung ako'y namasyal ay yung mga caretaker at mga guards sa bukana.
One of the things that made Paco Park extra special in the 90s was the “Concert at the Park” series. Every Sunday afternoon, the National Parks Development Committee (NPDC) would host free concerts inside Paco Park. I still remember how families, lovers, and students would gather there—some sitting on the grass, others leaning against the old cemetery walls, while local and international performers filled the air with music.
It was a cultural event that made classical music, kundiman, and even contemporary pieces accessible to ordinary Filipinos. For us who grew up nearby, it wasn’t just a concert—it was an escape, a way to enjoy the arts in a historic setting. Imagine violins and a rondalla blending with the eerie yet beautiful ambiance of the cemetery-turned-park. That’s Paco in the 90s—mystical yet alive with music.
Ang pagbibisikleta kong ito ay hindi lang pagbabalik sa mga kalye ng aking kabataan kundi paalala rin ng kung paanong minsang nabuhay ang Paco Park sa kasaysayan at musika. Mula sa mga multo ng nakaraan hanggang sa mga himig ng Concert at the Park, ang Paco ay nanatiling lugar kung saan nagsasama ang buhay at kamatayan, katahimikan at musika, hiwaga at alaala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento