Biyernes, Pebrero 20, 2026

90's Kontra Usog: The Power of the Red & Black Bracelets


Noong bata ako, base sa mga lumang photo albums na iniingatan ni Nanay (yung makakapal na album na may plastic cover na kumakapit sa picture 😅), medyo manilaw-nilaw na ang plastic at yung mismong picture, pero mapapansin mo agad: naka-sando ako, may baby fats, at may suot na magkahalong kulay na itim at pulang beads na bracelet sa kamay. 

Lumaki kami ng 80s pero meron na rin naman nito. Malamang, nakita mo na ang mga sanggol na may suot na itim o pula na bracelet. Ang tawag doon? Kontra-usog o Pwera-usog bracelet.Yan ang simple jewelry starter pack ng mga sanggol noong araw. 

Sa English, loosely translated, it’s like a “baby anti-evil-eye bracelet.” Pero sa atin, mas malalim pa diyan ang kuwento.

Pero ano nga ba yung usog? Ang “usog” ay isang traditional Filipino belief na kapag ang isang sanggol o bata ay napuri o napansin ng isang tao — lalo na kung stranger — maaari itong magdulot ng biglaang pagkakasakit.

Classic scenario:

“Ay, ang cute naman ng baby!”
After ilang oras… nilalagnat.
Nanay: Ay baka nausog ng kapitbahay!”


 Kaya may ritual pa minsan na ipapahid ang laway ng pumuri sa noo o tiyan ng bata, sabay sabing “Pwera usog.” Yes, laway. 90’s parenting was built differently. Pero ngayon, kung matanda sa matanda ang maglalawayan, eh ibang usapan na po ’yan. Hindi na po tayo tinatablan ng usog, kaya huwag po tayong maglawayan. Nakakadiri. 

Ang paniniwala sa usog ay bahagi ng mas malawak na folk beliefs sa Pilipinas, na naimpluwensiyahan ng pre-colonial animism at pati na rin ng impluwensiya ng mga Kastila noong panahon ng Spain sa Pilipinas.

May pagkakahawig din ito sa “evil eye” belief na makikita sa iba’t ibang kultura sa Mediterranean at Latin America. Ibig sabihin, hindi lang tayo ang may ganitong paniniwala — global pala ang pagiging praning ng mga ninuno natin. 😅

Noong 90s, kahit may access na sa modern medicine, buhay na buhay pa rin ang ganitong belief lalo na sa mga probinsya at kahit sa urban areas. Kaya halos automatic na regalo sa baby shower noon ang kontra-usog bracelet.

May phone-in question tayo: kanino ka nga raw pinoprotektahan noon ng usog? 

Pinoprotektahan ang munting sanggol sa kahit sinong puwedeng makapagbigay ng negative energy — sinasadya man o hindi. Pwedeng kapitbahay, bisita, kamag-anak, o minsan daw… taong pagod, gutom, o may mabigat na aura.

Sa cultural context, hindi naman ibig sabihin na masama ang tao. May belief lang na may mga taong may mas “malakas” na enerhiya na maaaring makaapekto sa mga sanggol na mas sensitibo pa sa ganoong edad. 

As a 90’s kid, looking back at my pictures, feeling ko tuloy protected ako from:

  • Barangay chismosa energy

  • Random titas na mahilig manggigigil

  • At possibly… cosmic forces beyond our understanding. Like, puwedeng engkanto, impakto o kaya'y aswang lalo na sa mga liblib na probinsiya sa Pilipinas

Ngayon, ang tanong ng karamihan, lalo na ng mga Gen Alpha, effective daw ba talaga?

Scientifically speaking, walang medical evidence na ang bracelet mismo ang nagpo-protect laban sa sakit. Most likely, kapag nagkakasakit ang bata matapos purihin, coincidence lang iyon. Babies have developing immune systems — madali talaga silang kapitan ng sakit.

Pero here’s the interesting part:

Kasi daw beliefs can reduce anxiety.

For parents — especially first-time moms — ang pagkakaroon ng kontra-usog bracelet gives psychological comfort. It’s like a symbolic shield. And when parents are calmer, more attentive sila sa baby. In a way, may indirect benefit.

So is it medically effective? Walang proof. Is it culturally powerful? Definitely yes.

Hanggang ngayon, makakakita ka pa rin ng mga babies na may suot na kontra-usog bracelet. Makikita mo sa mga palengke, online shops, at even sa baby boutiques na nag-upgrade na ang aesthetic — may minimalist, may gold-plated, may customized name pa. Pati ang kontra-usog bracelets namin noon, ngayon ay moderno na rin. 

Kahit nasa era na tayo ng parenting blogs, Google, at pediatric YouTube channels, nananatili pa rin ang ganitong practice sa maraming pamilyang Pilipino. I think it’s part of our cultural DNA.

Sa likod ng simpleng itim at pulang bracelet, nandun ang takot ng magulang na baka may mangyaring masama. Nandun ang desire nilang protektahan ka sa mundong hindi nila kontrolado.

Honestly? Ang cute ko talaga doon. Protected and chubby cheeks daw ako haha! 

Hindi ko maicoconsider na ang kontra-usog bracelets ay isang act of fashion, it just represents how Filipinos blend spirituality, tradition, and parenting. You may believe in it or not. You may laugh at it or defend it. But one thing’s for sure — it’s a colorful part of our childhood.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads