Miyerkules, Pebrero 18, 2026

Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?


Valentine’s Day na naman. Puro flowers sa feed, tila ba may pa-soft launch, may pa-hard launch, may mga “my person”, "my man", at "my lover" captions na parang gumuguhit na parang talim ng kutsilyo sa damdamin ng mga single at broken-hearted. Tapos ikaw? Naka-heart react lang. Tahimik. Observing. Umaasang baka may plot twist bago mag-14.

Pero eto ang masakit na tanong: bakit hindi ka crush ng crush mo? Bakit nga ba?

Ang post na ito ay para hindi ka saktan. Hindi rin ito para i-down ka. This is a gentle, honest, medyo masakit pero kailangan na real talk reminder. Kasi minsan, mas okay nang alam mo ang totoo kaysa umaasa ka sa mixed signals na ikaw lang ang nag-i-interpret.

πŸ’” Hindi kayo same ng wavelength

Minsan, hindi talaga tugma ang frequency. FM radio siya; ikaw naman ay AM radio.Gusto niya ang mga tugtugan na masaya; ikaw, ang gusto mo naman ay mga balita. Kahit gaano ka ka-interesting, kung iba ang humor mo, iba ang trip mo sa life, iba ang values mo — puwedeng hindi lang talaga nag-click.

You can be a whole vibe, pero kung hindi siya naka-tune sa channel mo, static lang ang maririnig niya. And that’s okay. Compatibility is not about effort alone.

πŸ’” May iba siyang gusto (at hindi ikaw ‘yun)

Ito yung masakit pero simple. Hindi ka niya crush kasi may crush siyang iba. Period.

Hindi ibig sabihin na kulang ka. Hindi ibig sabihin na mas better yung isa kaysa sa’yo. Attraction is subjective. May mga taong hindi ka pipiliin kahit ibigay mo pa ang best version mo — at may mga taong pipiliin ka kahit nakapambahay ka lang, may hawak na bote ng Red Horse at naglalaway nang di malaman kung bakit. Wala kang magagawa kahit mag-iiyak ka pa na mas maayos ang karakas mo kaysa kay Mr.Nobody kung yun ang tipo niya eh. Wala kang talagang magagawa. 

πŸ’” Masyado kang available

Ouch. Pero pakinggan mo muna.

Kapag lagi kang nandiyan, lagi kang nagre-reply agad, lagi kang ready, minsan nawawala yung excitement. Hindi mo kailangan magpaka-hard to get, pero learn to have your own life. Parang iniisip niya tuloy na wala kang ibang ginagawa sa buhay kundi mag-intay lang ng mga messages niya. Baka isipin niya na tambay, Lord ka lang sa kanto na gusto lang umibig, tapos ano na? kapag napa-ibig na wala na

Attractive ang taong may sariling mundo — may goals, may hobbies, may ginagawa outside of “pag-aabang.” Magpaka man of mystery ka rin. Don't make her feel that you're obsessed because that is a number 1 red flag. 

πŸ’” You like the idea of them, not the real them

Baka hindi ka niya crush kasi hindi naman niya alam na crush mo siya — or worse, kilala ka niya pero ang version na pinapakita mo ay hindi ikaw.

Kapag masyado kang nagpapanggap para lang magustuhan ka, eventually ma-feel din niya ’yon. And people are drawn to authenticity.

Mas okay nang hindi ka niya crush bilang tunay na ikaw kaysa magustuhan ka niya dahil sa version na hindi mo kayang panindigan.

πŸ’” Hindi pa siya ready

Hindi lahat ng hindi nagre-reciprocate ayaw sa’yo. Minsan, hindi lang talaga sila ready. May pinagdaanan. May focus. May priorities. Kapag naglalagay ka ng mga nilalaro mong online games sa PC, nakakapaghintay ka. Bakit sa kanya hindi at gusto mo nang madalian? Walang ganun, hindi parang Kodak ang pag-ibig. It's not only a one-shot love that can quickly develop like a film. Makiramdam ka, pero always remember that a rejection is not always a rejection; there is a proper and considerate reason behind it. Matuto kang maghintay, at kung wala talaga, oks lang move ahead, at matuto ka rin dapat mag-move on.

At hindi mo trabaho ang ayusin o hintayin ang taong hindi pa buo para sa’yo.

No Doubt - "Don't Speak"

 πŸ’” Baka… mabaho ka (real talk lang πŸ˜‚)

Okay, sandali. Wag ka magalit.

Baka mabait ka. Baka funny ka. Baka green flag ka. Pero kung may unforgettable man sa’yo… hindi pala yung personality mo kundi yung amoy mo — ibang usapan na ‘yan.

At idagdag pa natin ito: baka hindi ka nagsisipilyo kaya may bad breath ka, at ayaw ni crush ng ganun. Kahit gaano ka ka-sweet magsalita, kung may kasamang “dragon breath,” medyo mahirap i-romanticize ‘yan. Hygiene matters. 

  • Maligo
  • Mag deodorant
  • Magtoothbrush at mouthwash
  • Magdala ng mint kung di pa rin kaya ng toothbrush
Self-care is attractive at saka basic respect na rin ito para sa sarili at sa ibang tao. 

πŸ’” Baka marami ka ring ibang crush

Ayan ha, baka hindi ka crush ng crush mo kasi ramdam niyang hindi lang siya ang gusto mo. Baka lima yung nilalandi mo sa Messenger, naka may tatlo ka pang "good morning" o "kumain ka na ba?" Energy is real. Kapag hindi ka focused, kapag option lang siya sa listahan mo, mararamdaman niya iyon. Minsan gusto natin na seryosohin tayo, pero tayo mismo ay hindi seryoso. Hindi masama magkaroon ng "crush" to "connection." Hindi ka naman kasi Wi‑Fi para magkaroon ng maraming connections. Kailangan marunong ka rin pumili ng seseryosohin mo—hindi yung lahat gusto mo. Tapos magtataka ka kung bakit walang pumipili sa iyo. 

πŸ’” Minsan wala lang talaga

Walang dahilan. Walang malalim na explanation. Hindi ka niya crush. Hindi ka niya gusto. Simple and plain HINDI LANG.  And that's the hardest pill to swallow. Pero tandaan, hindi ka man gustuhin, hindi ka nababawasan dahil hindi ka pinili ng isang tao. Ang sabi nga, "there are so many fish in the ocean." Makakahanap ka rin ng ka-match mo, yung gugustuhin ka at gugustuhin mo rin. 

Kung hindi ka crush ng crush mo, okay lang. Hindi iyon rejection ng buong pagkatao mo. Isang tao lang 'yon sa bilyong tao sa mundo.

Malay mo, habang umiiyak ka sa maling tao, may isang taong hinihintay ka lang na maging free.

Kasi one day, may darating na hindi mo kailangang hulaan kung gusto ka ba niya. Hindi ka mag-ooverthink. Hindi ka mag-aabang ng reply.

Clear. Consistent. Certain.

At sa araw na ‘yon, mapapangiti ka na lang at sasabihin mo:

“Ah, kaya pala hindi siya.” ❤️



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads