Huwebes, Oktubre 23, 2014

Anong meron sa High School Life?

"There are times may problema ka♫♬, kung ang homework left undone♫♬. Pray ka lang, wag tawagin ka, upang di pagtawanan♫♬."
Bukod sa sikat na kantang pinasikat ni Ate Shawie, ano nga bang meron sa high school life?

Ito yung stage ng buhay teenager mo na makikilala mo ang mga kakaibang simple at simpleng kakaiba. Mga bagay na bubuo sa pagkatao mo. Di man sila mga perpekto...at least pwede mo sila pagbuhusan ng mga sama ng loob mo.

"High school life." Ano nga ba?

Diyan mo mararanasan ang lupet ng periodical test. Parang basketball ang leveling nyan, from 1st quarter, 2nd quarter (halftime or sembreak) 3rd quarter at 4th quarter. Yan yung hagdan ng examinations from easy to difficult.

Meron ding mga quiz, quiz bee at long quiz. Meron din namang mga short quiz, surprise quiz, at open note quiz. Pero ano nga ba ang kaibahan ng mga quizzes na ya:

Short quiz
Ito yung tipong nag short discussion lang si teacher, tungkol kunyari sa mga definition of terms. Ang short quiz puwede yan umabot ng hanggang 10 to 15 items at laging Part 1 lang ang test. Puwedeng identification at True or False. Ito yung quiz na after niya mag discussed pagrereviewhin kayo ng 15 minutes at karaniwan sa 1/4 sheet of pad paper lang ang gagamitin. Siyempre hindi mawawala yung hingian ng papel. Kapag may one whole sheet ang kaklase mo magkakatupian na yan, pupunitin, o lalawayan muna bago punitin at maghahati kayong apat. Malas mo lang kung napunta sayo ang part na may pinakamaraming laway. 

Surprise quiz
Kadalasan kapag galet lang naman ang teacher nagkakaroon ng ganitong quiz. O di kaya nagpopower tripping si mam at sir dahil wala siyang maituro ng araw na yun. O di kaya kapag naramdaman niyong walang exam sa isang buong linggo asahan mo merong mga surprise quizzes on Monday. Talagang masusurprise ka kasi Lunes pa, medyo bangag ka pa noon kasi galing ka ng pahinga ng weekend. Pero tiyak naman na hindi rin ganoon kahaba ang items ng quiz. Tumatakbo lang din ito sa 10 to 15 items depende sa mood ni Mam na di nakabenta ng tinda niyang longganisa, yema o pulboron nuong weekends.

Long quiz
Patay ka. Ito yung quiz na mahaba-habang kopyahan, depende sa diskarte, depende kung paano ka titiyempo ng sagot sa katabi. Sa exam na ito, yung dating seat plan niyo medyo maiiba. Kapit na sa "source" na tinatawag. Dito bida ang mga nerds ng klase dahil tumatabi na yung mga nasa row 4 sa mga genius. Dito one whole pad ang gagamitin. Kaya wag kang papasok na dala mo ang isang buong intermediate pad paper mo, dahil paniguradong pagtapos ng quiz, manipis na lang ang dating makapal na intermediate pad. Ito yung quiz na nagcocover ng isang buong linggong pinag-aralan. Kaya bago ka kumanta ng "It's Friday Night" ni Rebecca Black, dadaan ka muna sa Friday the 13th experience ng quizzes lalo na kapag hindi ka nag-aral. Tuwing Biyernes ang ganitong mga long quizzes. Karaniwang nasa 25 to 50 items at hanggang part 3 ang quiz with matching essay. Yung tipong para ka nang nag-unit test. Pumasok na sana si Mam buong week wag lang talaga Friday. Dahil talagang nagbubunyi ang klase, kapag may absent na teacher tuwing Biyernes, for sure walang long quiz.

"High school life?"

Diyan mo matututunan ang iba't-ibang command sa CAT, pagsasaludo at pagmamartsa. Dito mo malalaman ang ibig sabihin ng "tigas-pahinga", "pasa-masid", "ateeennn....shuuuuttt", "platoon" at yung mga "phonetic alphabets". Ang usual na get-up sa pagmamartsa ay simple lang, blue jeans at t-shirt lang tsaka cap na kulay lumot na berde na may nakasulat na kulay dilaw na "Citizens Army Training." 

Pero ewan ko lang ah, lagi ko tinatanong sa isip ko anong magandang bagay ba ang maidudulot sa akin ng pagmamartsa? Sabi nila para daw matuto ng disiplina. Sabi ko naman e kahit anong oras naman pwede kang maging tarantado anytime, at anytime and anyplace, anywhere na gustuhin mo. Kumabaga nasa tao pa rin talaga. Nasa pag-uugali pa rin talaga. Hindi mo naman kasi mababago ang ugali ng tao sa pagmamartsa lang at pagsunod sa mga iniuutos ng iyong commandant. Ang tangi ko lang naalala eh nasira yung Vans kong sneakers sa punyetang kakamartsa na yan. Wala naman silang ibang tinuturo kungdi pumila ng diretso, align your hands sa balikat ng nasa harapan mo para pumantay ang linya, at ibilad kayo sa araw na parang mga tinapa. Pagkatapos nun may baril naman na rifle, aba may exhibition pa dun talaga ko sobrang nalito kasi para ka na ring nagsasayaw may bilang bilang pa bawat galaw ng rifle. Eh bakit kapag ba makikipagbarilan ka na e kailangan pa bang mag exhibition ng ganun? Nako malamang deads ka na agad. Tapos meron din yung lekat na espada na yun, hindi ko naman pinangarap na maging si Zorro para matutunan ang pag exhibition nun at diba itak at bolo ang ginamit ng mga Katipunero at ni Bonifacio para supilin ang mga mananakop. Bakit espada? Shet!

Sa high school mo rin matututunan ang walang sawang exercising sa PE class. Halos isang buong taon ata kame nuon nag stretching kaso hindi naman ako humaba, maliit pa rin. Dito mo makikita sa high school ang latay ng comprehension at recitation. Yung putanginang flash cards na nakapag papanginig ng buong katawan ko na tatawagin ang pangalan niyo para sa recitation, bubunot lang si mam ng pangalan sa hawak niyang flash card at yari ka kapag di ka nakasagot. Ang siste remain standing ka, minsan pag nag power trip pa, sa upuan ka pa tatayo. Kaya kapag may nakita akong index cards sinusunog ko agad. Ayaw na ayaw ko nun magkakasalubong ang eyeball namin ng teacher kaya kadalasan kapag recitation na maraming nakayuko.

Dito mo hahalukayin ang buhay ni Simon, ang buhay ni Crisostomo Ibarra, Florante at Laura at ng ibong Adarna. Diyan mo rin aalamin ang walang katapusang teksto. Ang walang ending na Narativ, Informativ, Eksplesitori, Argumtativ at marami pang iba.

Dito ka magiging writer for a while, lalo na kapag mga bakasyon at holidays o merong mahalagang topic in public news kaya ihanda mo na lahat ng alam mong kwento at ilalagay mo ito sa "Original" composition paper, at kapag may mga corrections si mam sa grammars at capitalization, isusulat mo ngayon ito sa "Rewritten" composition letter. Ito talaga yung gusto kong parte ng high school nuon dahil marami akong kwento. Kasama na rin dito ang parts of speech, figures of speech at idiomatic expressions. 

Sa Matematika naman dito ka naman duduguin sa paghahanap ng unknown variables, cartesian planes at polygon x and y. Ang magsukat ng area, height, length at width. Lahat nalang numero, lahat nalang kailangan sukatin at kompyutin. Masuwerte na talaga ko maka 80 na grado sa Math.

Dito ko rin nakilala sila Miguel Lopez de Legaspi, Villalobos at Ferdinand Magellan para pag-aralan ang historya ng Pilipinas, Asya at maging ang kasaysayan ng daigdig. Buti nalang sa universe at galaxies wala pang mga mananakop. Kasama na rin ang pag-aaral ng Ekonomiks, taxation, hanap-buhay at pati kabihasnan. Dito ka rin magsasawa sa mga system system katulad ng body system, solar system at ecosystem. Ewan ko  kinain na ata ako ng sistema. Ang water cycle, food web at parts of the Earth!

Diyan mo makakaeyeball si Biology, Chemistry at Pisiks. Ang pakikialam sa mga buhay ng bacteria, atomic weight ng isang element at kahit pag-aaral ng bilis ng light and sound. Ang pagbukas at pagsarado ng tama sa mga computer at magpipindot sa mga keyboards at mouse. Ang pagbisita sa Internet na siyag tinatawag na bintana ng mundo at unang nakadungaw kay Maria Ozawa at Priscilla Almeda. Dito mo rin maeexperience ang mag make up kahit hindi mo alam at magluto ng kung ano-ano. At gumawa ng parol bilang proyekto sa Arts kapag malapit na ang Kapaskuhan.

Diyan mo iguguhit ang construction lines at pagtutupi ng table napkin at dito ka matututo ng instant na pananahi. Ang mag-pass ng drawing book na walang laman at mag discuss ng topic na hindi mo alam.

Oo tama!

Diyan at diyan mo rin marerealize ang lahat-lahat na sakripisyo ng mga magulang mo makapag-aral ka lang!

Diyan sa "High school life" nabuo ang pagkatao mo....
Bilang ikaw, at ikaw mismo.





Martes, Oktubre 21, 2014

Kaha de Lapis (Pencil Case)

'Ang klasik na speyship na pencil case na maraming kaha.'
Ang Pencil Case na nga siguro ang isa sa mga naging inspirasyon kong bagay para mag-aral akong mabuti. Dahil sa tuwing papatapos kada isang taon ng pag-aaral lagi akong binibilhan ng pencil case, pero ang lahat ng yan ay depende sa makukuha kong grado sa 4th quarter sa aking Report Cards nuong elementarya. Kapag mas mataas ang grado, mas magarang pencil case ang puwede ko maiuwi. Naging die hard fans talaga ako ng mga pencil case nuong kabataan kaya naman lagi kong sinisiguradong matataas ang makukuha kong grado.

Kada bakasyon at malapit na ulit ang pasukan nagpupunta kame ng National Bookstore para bumili ng mga gamit pang-eskuwelahan. Lagi talaga akong natatagalan sa pagpili ng aking reward, ang pencil case. Ang sarap isipin kung anu ano ang pwede mong mailagay duon. Pero bago ka mag-silid ng kung anu-anong bagay diyan eh siyempre pipili ka muna ng klase ng pencil case na gusto mo. Ano ba dito ang sa'yo.

-Pencil case na isa ang palapag, yung mga 3-4 lapis lang ang kasya.

-Pencil case na dalawa ang palapag. Ito naman yung mas malalaking espasyo ang unang palapag kesa sa ikalawang palapag. At merong transparent na bilog na design sa gitna para kita mo ang mga nasa loob.

-Pencil case na idinesign na marami ang compartment. Kumabaga, may lalagyan para sa mga lapis, bolpen at pambura. Organized ang istilo at indi labo-labo ang nasa loob. Hindi simple ang paraan ng pagbukas. May parang drawer din itong hinihila sa gilid.

Ito ang lagi kong gamit, ang pangatlong uri ng pencil case, kung saan marami ang compartment. Bago ako kumuha ng gamit sa loob ay meron muna kong orasyon bago buksan. Minsan gagawin kong robot, tangke o spaceship ang pencil case ko. Mas maganda may sound effect sa pagkuha ng lapis. Likas na sa amin mga kabataan noon na gumawa ng sound effect na parang mga robot, dahil na rin sa metal casing ang pencil ko kaya maikukumpara ko sa spaceship ni Shaider. Ganito lang kasimple ang paglalaro ng imahinasyon nuon, ganito kasimple maglaro ang kabataan nuon. Masasabi mong parang tanga, pero klasik na klasik yan pre at walang katulad, kesa sa mga naglalaro ng mga high tech na puwedeng libangan at yang putanginang dotang lumalason sa utak ng mga kabataan ngayon. Lilipad siya mula sa bag ko na animoy parang headquarters ng spaceship at lilipad sa mga mukha ng kaklase ko sabay landing sa arm chair ko. Sabay bubukas ang drawer with sounds. Ganito lang trip namin nuon pero sapat na ang saya. 

Ito nga pala ang mga laman ng pencil case ko nuon:

*Mongol numbers 1 to 3.

*Lapis na itim yung mataba at makapal ang pambura.

*Pambura na manipis na hati ang kulay sa puti at gray (Yung puti pambura daw ng lapis at yung gray naman pambura ng sulat ng bolpen, pero bago mo tuluyang mabura ang bolpen mapupunit muna ang papel mo bago tuluyang mabura.)

*Maliit na pantasa.

*Panda bolpen (pink and blue na may glitters sa loob at mabango ang tinta).

*Pinagtasahan ng lapis (na hangga't di mapuno, hindi itatapon).

*Maikling ruler.

*Mga goma (para kapag napagtripan magtirahan na gamit ang tinuping papel na parang hugus boomerang as a panira, handa ako sa kanila).

*Maliit na magnifying glass (para sa Science class)

*Colored pencils

Ikaw nakailang pencil case ka nuon? At ano-ano ang design? Ang sarap talaga balikan ang mga bagay na nakakapagpasaya sa atin, gaano man ito kasimple sulit na sulit pa rin naman.




Lunes, Oktubre 20, 2014

Totoy Molars

'Anong magandang screen name kung gusto mo maging Pornstar?'
Meanwhile.....while I'm thinking, 'Ano bang ginagawa ko sa buhay ko moment'.

Bigla akong napaisip, ano kaya ang magandang screen name halimbawang maging porn star ako?

Mainit sa isip ko ang pangalang Totoy Mola. Tunog malaking kargada di ba? Pero dahil si Papa Jay Manalo na yun medyo dyahe na gamitin. Mas bagay siguro sa akin ang Totoy Bigo, dahil mas angkop pa sa akin gamitin. Hindi nga lang gaanong malaswa pero bagay. Kailangan ko pa ba sabihin kung bakit? Ito rin minsan ang dahilan kung bakit bigla na lang ako nawawalan ng gana mag-blog. 

Huwag kang mabahala --yun eh kung nababahala ka man. Hindi ako bitter. Patok lang talaga sa appetite ko ang ulamin ang ampalaya netong mga nakaraang araw pero hindi ako bitter. Una pa lang, alam kong sanay na ako mawalan ng lablyp. Pilit ko mang tumawa, wala. Walang emosyon na lumalabas, kahit pa nag-droga ako nung isang araw na ang hatid ay laughing trip. Wala talaga akong pakiramdam.

Kaya yun talaga ang unang pumasok sa isip ko, ang Totoy Bigo.

Pero ngayon tila nagkaroon ng himala noong ako ay nakapanood ng TV. Nung nakita ko si Aling Dionesia Pacquiao na nagbo ballroom, parang mas lalong umaaliwalas ang pakiramdam ko. Hindi tulad noon na lagi kong iniisip kung paano ko karumal dumal na paslangin ang may pakana ng kabiguan na ito.

Dati tinatakpan ko ang aking tenga sa tuwing makakarinig ng mga love songs, kahit sa mga pampublikong sasakyan; sa dyip, tricycle, FX, bus at kahit sa MRT. Ok lang mangawit ang dalawang kamay ko na nakatakip sa aking tenga, huwag ko lang mapakinggan ang mga love songs na iyon. Tila nababaliw talaga ako kapag nakakarinig ng mga matatamis na liriko sa kanta. Yung para bang sinasapian ako ng kung ano. Gusto kong mawala. Gusto kong magwala. Kahit yung mga kanta ng Black Eyed Peas ayoko rin madinig. Ampangit naman ng pakiramdam na nag-eemo ka pero umiindak. Para kang gago nun. Pero ok na ako ngayon. Naging malaki rin talaga ang tulong ng pagbabasa ng mga children's book. Yung mga kagaya nila Thumbelina, Rapunzel at all time favorite Cinderella. Ang cool! At mas naiwasan ko ang maging bayolente, dahil mas nakakarelate na ako ngayon sa Cartoon Network. Salamat Powerpuff Girls at Johnny Bravo. Isama mo na din yung si Dexter. Si Dexter ng Dexter's Laboratory.

Oo, malaking bahagi ng pag move-on ang panonood ng TV. Lalo na ang panonood ng balita. Balita ng mga kalamidad, holdapan, patayan, ebola at Mindanao. Mapapagtanto mo na mapalad ka pa rin, sapagkat puso lang ang masakit sayo. Samantalang yung iba, nalulunod sa dagat o di kaya nasasagasaan ng bus sa Edsa. Buwenas at bonus na lang kung may bago kang mababalitaan sa buhay ni Kris Aquino. Kahit paano maaaliw ka sa masalimuot niyang buhay na open to public always. Parang 7-11 ang tema.

Sabi ko nga ayos na ako. Ok na ako. Nabigo man, mapusok pa rin. Hindi pa rin sumusuko at sumusugal pa rin sa lablyp. Mabilis pa rin mainlab. Kahit kung minsan tumatagal lang ng five minutes and akala mong relasyon --libog lang pala pota! Pero ok na rin kesa wala. Ilang five minutes ba sa isang oras. Kung minsan masaya din ang mag moved on wag mo lang gagawing hobby.

Pero kung ganito at ganito rin lang ang buhay, walang pinagka iba sa porn star. Parang masayang gamitan. Yung parang ayaw mo masaktan, pero gusto mong ma in love. Ang gulo  noh? Ayaw mo na gusto. Mahirap talagang iiksplika ang pag-ibig. Mahirap pa sa subject mong Calculus noong kolehiyo. Nakakalito!

Kaya nga nag-iisip na lang ako ng screen name para malibang.
Totoy Bigo. Pwede na. Pero. Hmmmm......

Ok di naman ang 'Totoy Sawi'.



Lunes, Oktubre 13, 2014

A Long and Lifetime Diary with HT Family: "Exit with flying colors" (Last part)

'We are  HOTEL TONIGHT! Signing off with flying colors'
InTUROduksiyon! 

Itutuloy ko pa ba ito? Eh parang wala na rin naman eh. Ikaw na nagbabasa ramdam  mo pa ba ang apoy mula sa puso mo? Ang pagmamahal mo sa unang campaign mo na unti-unting pinipira-piraso na ng araw bago ang kanyang paglisan. Ramdam mo pa ba? Ang mga kaibigan mo, namimis  mo ba sila? Yung mga naiwan mong kaibigan na nasa bingit pa rin ng alanganin dahil andito pa rin sila sa patapos na campaign at wala pang nalilipatan, nagbigay ka ba ng kaunting concern sa kanila? Binigyan mo ba  sila ng lakas ng loob? Ikaw na nagbabasa, na inuna ang sarili sa pagsalba sa lumulubog na animo'y barkong ito. Masaya ka ba ngayon sa bago mong tahanan? Naaalala mo pa ba ang masasayang araw na hatid ng iyong mga kaibigang naiwan dito. Minsan ka na ba uling bumisita  sa dati mong tahanan?

Hindi lang naman sa pag-inom ng San Miguel Beer mo mapapatunayan ang salitang "iba ang may pinagsamahan" di ba? Kung tunay ka at totoo, nariyan ka at hindi mo sila basta basta makakalimutan. Hindi lang sa alak ang basehan kaibigan. Kung madali ka makalimot sa mga una mong nakasama, maituturing lang kitang walang kwenta. Siguro ang pakikisama mo sa kanila ng isang buong taon ay nauwi lang lahat sa pagiging plastik-labo. Oo! Ang labo mo. Mas malabo ka pa sa taong may katarata. At huwag na huwag mo kaming aangasan dahil nakatawid ka sa kabila, ni hindi nga namen alam kung gumamit ka ng "tulay". Oh kung nahulog ka sa tubig baka may nagbato sayo ng SALBAbida. Kaya friend easy ka lang at sana lahat tayo ay pinaghihirapan ang makatawid. Malamang ang favorite themesong ng mga ganyan eh "Bridge over troubled water." Walang duda.

Pero kahit ganun sila, marami pa ring pag-ibig sa campaign na ito at mga masasayang alaala:

HOTEL TONIGHT: THE FIRST CAMPAIGN ALLOWED TO USED THE NEW BUILDING

Last day nuon sa aquarium di ko lang matandaan kung buwan ng Nobyembre o Disyembre. Lilisanin na namin ang old building, dahil masyado na kameng marami. Overpopulated na ng aming campaign ang old building. Kaya nung kinaumagahan ng araw na iyon nagsabi na si Mam na lilipat na kame sa bagong building. Shet! for the first time matatakasan na namin ang Aquarium, hindi na mangangalay ang  aming mga  tuhod at paa sa sikip ng aming station duon. Malaya na kaming makakapag stretching at bending dahil maluwang na ang bawat likuran. Isang privilege na mapili ang campaign dahil nga naman sa  dinadami dami ng campaign sa kumpanya, kami ang napili na  lumipat at una, inuulet  ko UNANG gumamit ng new building. Put that in the history, markado na yan! 
Noon ding umagang iyon inanyayahan kameng sumulyap sa aming magiging bagong istasyon. Wow lobby pa lang pwede nang tambayan, duon kasi sa dating building wala gaanong matambayan. Yung iba OK na dun umupo malapit sa malaking generator at magyosi o magkwentuhan o di kaya sa Shell Select tumambay across the street. Lobby pa lang kita mo na, na meron nang air-condition at meron nang mahaba at malambot na sofa. Ok sa alright, diretso na kame sa 2nd floor. Pagbukas ng pinto, bumungad sa amin ang pagkalawak na stations, maraming computer at shet ang lalaking monitor, sandamukal na office chairs at maaliwalas na surroundings. Nandun din ang pagkaraming aircon,   tig-iisa yan bawat rows! Sabi ko sa sarili, paniguradong magiging Winter Wonderland sa gabi dahil kakaunti pa lang kameng gagamit at malamang buksan lahat ang aircon para itesting ang lamig ng buong paligid. Bago kame umuwi ng umagang yun, ay binigyan na kame ng hudyat na maglagay kame ng pangalan kung saan namen gustong pumuwesto. Isang punit ng scratch paper, lagay pangalan at smileys. Idikit sa napusuang station. Ayos. Uwian na! 

Siyempre kame rin ang unang naka rehistro ng mga pinakaka-unang selfie, groupie, foodie sa  bagong building na ito. Lahat ng "una". Lahat!! Unang paggamit ng mga flush ng CR, pag-upo sa mga bagong nakaplastik na office chairs, unang gumamit ng mga  bagong kompyuter, unang tumipa sa mga bagong keyboards, unang nagpipilitik ng mouse, unang gininaw sa lakas ng aircon, unang nakaakyat sa roof top para mag selfie o groupie sa papasikat na araw, unang dumungaw mula sa itaas ng rooftop-pababa, unang kumaen sa mga lamesa sa ngayong pantry, unang nakahakbang sa mga hagdan, unang humawak ng mga doorknobs, unang gumamit ng mga tissue supplies at kame rin yung unang  sinabihan na huwag magkalat at kame yung unang grupong nag-in sa biometrics sa dalawang bayan ng Kabite. Paano? Mag-iin kame sa Bacoor, pero papasok kame sa Imus. Ang kulet ano po? Kaunting lakad lang kasi sa amin ang boundary ng Imus at Bacoor. Lahat yan una. Lahat yan masaya. Pero ewan ko lang kung merong unang umebak?

PS: Pero alam nyo ba na halos lahat ng floor sa building naging station ng HT mula 2nd flr, naging 3rd, umabot din sa 4th sabay biglang hulog pababa sa ground floor tapos yun sa labas na tayo ng building. Hehehehe! 

THE MIDNIGHT "wedding" PROPOSAL <3
Nabanggit ko kanina ang pag-ibig hindi ba. Bakit nga ba tatawagin silang "Jamich" kung hindi tunay ang kanilang pagmamahalan? One and only na istoryang pang Love Notes ni Joe D' Mango ang natunghayan ng lahat ng gabing iyon. Walang kasing-tamis, walang kapares. Another 1st in the history of our diary na nagkaroon ng nakakakilig na proposal. "Pag-ibig nga naman hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Ito ang kuwento ng pag-iibigan ng dalawang magkasintahan na sina Cathleen De Ere at Billy Earl Barzaga. Habang sinusulat ko ang parteng ito ay uminom muna ko ng isang tasang kape. Medyo inaantok na kasi ako. Hindi joke lang senyora. Actually, wala ako sa mga araw na yan. Rest day ko kasi. Nakita ko na lang na merong video ang naganap na proposal, san pa siyempre sa Facebook diba. Pambihira, minsan lang ako makakakita ng isang tagpong  buong lakas loob na luluhod ang isang lalake upang hingin ang kamay ng isang babae upang mag-isang dibdib wala pa ko. Shet! I miss the opportunity para ma-inloved. Eh sa TV ko lang nakikita yun atsaka sa YouTube eh. Wala pa ko ng live! ayaw ata talaga ng pag-ibig sa akin. Meron akong nakitang proposal sa Youtube  kaso binugbog ng babae yung lalake after magpropose ni lalake. Pero eto iba!

Ewan ko, pakiramdam ko bumata ako ng sampung taon nung nakita ko ang video at pictures ng tunay na pag-ibig. Mula sa kawalan nakita ko ang isang lalake na may hawak na isang kumpol na mga rosas, habang walang kaalam-alam si babae na magpopropose ng pag-iisang dibdib ang isang magiting na loverboy. Meron din atang tsokolate? Di  ko alam wala ako sa scene pero syempre ang kapartner naman ng bulaklak eh tsokolate, alangan naman siomai? Meron din atang nakuntsabang DJ at nagpatugtog ng mga romantikong awitin. Pinas-forward ang Nobyembre at naging Pebrero ang surroundings. Nagkulay pula ang buong paligid, kulang nalang umulan ng mga petals mula sa ceiling. Tigil muna ang lahat sa gawain. Biglang tumahimik ang  buong paligid. Tila tik-tak lang ng oras ang kanilang narinig. Hanggang sa......tila slow-motion ang pagkilos may inabot na cake si lalake na may nakasulat sa ibabaw  ng cake na "Will you marry me!" (with exclamation point) parang ibig sabihin now na! Agad-agad? Dapat daw "Will you marry me?" (question mark) Pero katanungan man o hindi alam na  rin naman natin ang kasagutan sa tunay na pagiibigan nila ay  isang matamis na "oo" mula kay babae. Mula sa parteng iyon, marami ang naluha, marami ang nainlab. Nabalot ng pag-ibig ang hangin, humalimuyak magdamag ang mga rosas. Hindi rin talaga papahuli ang HT pagdating sa mga istoryang hitik ng pagmamahalan.  Narito ang ilang mga larawan na nagpatunay sa kanilang pagmamahalan.
Mga bakas ng Midnight Proposal (Cath &  Billy)


Hawak ang cake kung saan nakasulat ang "Will you marry me!" (na exclamation point)

'Matamis na Oo at Midnight kiss.'
 
CHRISTMAS PARTY sa TRADERS  HOTEL 
Hindi ko alam kung Christmas Party ang pupuntahan ko o Field trip. Ngayon na lang kasi ako ulet makakasakay sa  bus na ang mga kasama mo ay iyong mga kaibigan mo sa trabaho. Pabonggahan ang mga kasuotan kasi merong tema. Ang naaalala ko ay pang 70's or 80's ang tema ng party sa gabing iyon. Kaso hindi na ko nakapag prepare, living proof na siguro yung itsura ko na pang 80's ang karakas kaya simpleng semi-formal na lang ang ginawa ko gayundin naman ang mga tropa. Alas-singko simulang ihatid kame ng bus papuntang Traders Hotel. Sa bus naman, talagang may pagka-aura ng Field trip. Nagbukas sila ng chichirya, habang bumibiyahe ngata, ngasab, lunok, ngata, ngasab, lunok habang nakatingin sa bintana ng bus at nagsa-sight-seeing. Sabi ko kulang na lang talagang may tour guide at souvenirs at fieldtrip na fieldtrip na ang surroundings. Eto na, malapit na kameng bumaba ng hotel. Gusto ko sanang manguna sa pintuan ng bus at sambitin ang "kids please fall in line, walang magtatakbuhan." Nakasanayan ko na kasi gawin ang ganyang bagay nuong  ako ay nagtuturo pa. Ewan ko lang kung ano magiging reaction nila. 

Anyway, nakababa na ang lahat at diretso kame sa magarbong lobby ng hotel. Swabe ang ambience, mabango at malinis at meron pang red carpet paakyat ng hagdan. Wala kang makikitang alikabok lahat ng bagay sa paligid kumikinang, pati yung mga braces ng mga taong mayayaman na nakakasalubong namin sa daan. Kailangan finesse kumilos, nakakahiya ang mag-asal kanto ang galaw at pananalita. Hindi required mag-Ingles pero kelangan ng kaunting pasosyal. Pagdating ng tuktok ng spiral na hagdan kailangang magparehistro ng pangalan. Mula sa isang mahabang lamesa may mga nakaupong magagandang dilag at nakacostume, may mga blonde at meron namang brunette, magagara ang damit at mga naka make-up. Sa aming paglapit, ay sila pala yung mga HR namen. Binigyan kame ng food stub para sa tsitsibugin ng gabing iyon. Actually, hindi talaga ako kumaen ng tanghalian nun, para talaganng gutom dahil sigurado namang mabubusog kame sa mga pagkain na handa ng kumpanya. 

Bandang ala-sais pa magsisimula ang programa, kaya ang naging siste, tambay muna. Mayroong tambayan na parang Aquarium. Shet aquarium ulet. Pero ang aquarium na yun ay para sa mga gustong mag sigarilyo. Meron din namang malaking salamin, para mag-ayos ng sarili. Puff in, puff out. Yosi duon, yosi dito. Ganun ang nangyari sa isang oras na paghihintay. Buti nga wala pa ang tropang Vapers nuong panahon na yun, at nasa isip  ko at na-imagine ko kung sabay-sabay nila gagamitin ang smoking devices sa kwartong iyon ay baka hindi na kame makita at panay usok na lang. Pero meron kameng isang tinambayan, ang CR ng hotel. Ayos din naman kase, puwede kang matulog. Malinis, at wala kang maaamoy na mapanghi dahil auto flush ang lahat ng puwede ihian. Duon kame nagpalipas ng oras para mag-ayos ng sarili,  magpabango at magsuklay ng buhok. Actually meron pa ngang tumae eh, pero hindi ko na sasabihin kung sino. Dahil talagang nabighani daw siya sa ganda ng cubicle. Nung umebak siya, eh ayawan na. Naglabasan na kame  lahat sa CR dahil kinaen ng masamang amoy ang mahalimuyak na aroma ng paligid. 

Pagkatapos ng malagim na amoy, nagsimula nang bumukas ang isang malaking pinto. Ito yung malaking room na pagaganapan ng party. Medyo dim light. Teka ano to sinehan? Hindi ganun lang talaga, sa isang okasyon kailangan lang talagang dim light, dapat kakaunti lang ang ilaw at ang entablado lang talaga dapat ang pinupurga ng mga nagkikislapang mga bright lights. Puno ng round table, humanap na kame ng puwesto. Puwesto na gusto namen na malapit sa stage para kita ang mga magpeperform baka kasi may mga sikat na guest na artista at madaling makakapag-papirma at makapag-papicture. At para na rin siyempre makasalamuha ang mga big big bosses na galing sa Amerika at CEO. Espesyal kasi ito para sa akin, first time ko makapag Christmas Party sa isang malaking umuusbong na kumpanya. Eh duon kasi sa amin sa school, tama na yung kame kameng mga teachers lang ang mag-party at magpa raffle lang ng appliances ang Presidente ng school. Lintek lang talaga dahil sa apat na sunod na taon na Christmas Party ko eh panay two-burner gas stove ang nabubunot ko. Hassle pa sa pag-uwi kasi ang laki ng bitbitin. Pero siyempre blessing pa rin yun kaya salamat pa rin Lord! 

At nagsimula ng magsalita si big boss CEO tungkol sa mga progress na naidulot ng kumpanya, kumbaga parang isang report, parang State of the Nation at kung hanggang saan na ang inabot ng progreso natin. Kung saan patuloy na tayong nakikilala sa buong lalawigan ng Cavite at mula sa limang empleyado ngayon ay nasa 500 na at patuloy pang lumalaki ang pamilya. Isang masigabong palakpakan at tili mula sa mga babae at naglilihim na mga lalake. Kasi naman, pagka gwapo naman talaga ng aming big big boss CEO. We were all welcomed by him at isa-isang tinawag ang mga campaign. Natural-mente na  rin na kapag tinawag ang campaign niyo ay kailangan niyong humiyaw. Siyempre sino ba naman ang may pinakamalakas na hiyawan, automatic na yan Hotel Tonight. Wala pa nga yung mga kapatid namin sa UK Team nuon dahil nasa shift pa sila. At pagkatapos nun, hudyat na ng simula ng programa.

Nagkaroon ng mga palaro, sayawan, kantahan at higit sa lahat inuman. The best ang food trip na inihandog ng kumpanya. Solve na solve sa busog, swabe sa masasarap na panlasa. Para sa akin yun ang pinaka highlight ng gabi.H indi ko makayanan ang pagtayo, dahil sa kabusugan ng tiyan. Bondat na bondat at walang diet-diet. Kalokohan lang yun. Ang sarap-sarap kumaen eh. Ang malungkot lang, may shift kame sa gabing iyon kailangan bago mag alas-diyes nasa mga station na namin kame at magtrabaho. Suwerte lang talaga ng mga may rest day dahil puwede sila magpatuloy sa party at puwedeng magpaka bangenge sa magdamag sa pag-inom ng alak. Pagdating namen sa building meron din pa lang pa-catering sa mga may shift at mga di nakapunta. Konting liyad-liyad, stretching at bending, trabaho na ulet. Noong nagutom ulet, siyempre may catering pa sa baba at pwede kumaen. At ganun na nga ang nangyari walang katapusang eat-all-you-can! Ganyan dito sa amin lalo na kapag Kapaskuhan. So, sa susunod na Christmas party uli? --Sana!

'Araw ng KKK - Kapaskuhan, Kasiyahan at Kabusugan'

'HT peeps with the Big Boss!'


HT DARK DAYS

Lumaon pa nga ang mga araw, mas lalo pang naging masaya ang tahanan ng HT dahil nadagdagan pa kame ng nadagdagan. Mas lumobo ang dami dahil yung isang campaign na Krossover ay nadagdag din sa amin. Yung "kross" naging "game" over sapagkat yung account nila na-dissolve. At ang malaking family ng HT ang sumalo sa kanila. Kumbaga sa terminolohiya  ng basketball na "rebound" namin sila sa ere, ere na parang limbo na umiwas sa kanila para hindi maging "limbo" sa kawalan o floating. Ni-rebound at ini-assist at swak sa HT. Yun nga lang medyo hassle kasi puro sila lalake. Yung mga dati na kasi dito na kalalakihan ay inaasam-asam talagang may maligaw na mga anghel na kababaihan para naman daw mayroong mga inspirasyon habang  nagtratrabaho. Pero hindi yun naganap dahil ang dating Hotel Tonight naging Hotdog Tonight, malala na yung term nila na "sausage party."

Pero dahil dun, mas sumaya yung weekly Basketball work-out ng HT. Mas maraming team kaming nabubuo tuwing maglalaro sa Justinville. Pero hindi dahil "dark days" ang nakasulat diyan sa  taas eh baka sabihin niyong isiningit ko ang pangalan ni Xavier Benavidez a.k.a "Moski" or "Rajon Rondo". Wala naman talagang kinalaman si Moski sa "dark days" gusto ko lang talaga siya i-profile ng kaunti. Sa di nakakaalam at walang pakialam pero pinapaalam ko lang naman, para alam nyo rin naging student ko si Moski sa kanyang college days. Simula pa lang talaga, medyo may pagka kenkoy na siya. Pero ayos lang naman dahil nakikinig naman at nakakasagot naman sa mga exams lalo na kapag mag CCR ako. Masayahing bata, actually masaya siya anytime, anywhere and everywhere. 

The start of 2014 is really a big bang for the campaign, everything was good, everything was done pretty well and we also received a good feedback from our client. Tapos nun nadagdagan pa ng nadagdagan ang team. HT people are fun to work with, halos lahat naka Enervon, kumbaga "everyday happy". Eto na lang talagang, Shityembre nagkanda leche-leche.

And the dark days begins, ito na yung mga time na nagkaron ng mga emergency meetings na talaga nga naman ramdam ang kabog ng dibdib. Ito na yung umpisa ng unti-unting katapusan. Unang week ng September, unang meeting. We went down on the lobby and listen to our OM for the announcement. Everybody was shaking, it maybe a heart-pounding announcement. After the words he said, our hearts drown into sadness, confusion and worries kasi ayun na nga, people who are last to be hired sa campaign sila yung first na matatanggal. Then it happen. Our greatest  fear happen. Many of then who was last hired, ay hindi na pinapasok. They will take there exams and transferred to other campaigns. Some of our dear friends are there sa mga natanggal. Sa unang pagkakataon nabawasan na ang pamilya. Bawat  araw, wala na, pabawas na ng pabawas, pakonti ng pakonti ang dating masayang campaign. 


END OF  DAYS  :'<

As we watched our numbers pulled down, the second meeting was the ENDER. This is the final nail in the coffin for HT. This was the hardest to take. Ito yung feeling na para kayong mga cancer patient na meron nang mga taning ang buhay. It is final, our campaign will only last until the 17th of October, 4 days away from now habang sinusulat ko ito. Pagkatapos ng araw ng announcement, talaga nga naman nakapanlulumo ang hirap isipin na ganun pala yun may mga bagay talagang hindi pangmatagalan. Kahit pang anong tatag, meron talagang pang wakasan. So sabi talaga ng  science walang FOREVER. Ayoko naman talaga ng drama, sa part 1 pa lang sinabi  ko na yan, pero taenangyan! yung samahan dahil lang kailangan i-otomatik na ang mga  bagay bagay na ginagawa namin, ganun na lang kadaling natibag at nawasak. Wala akong galet sa mga kompyuter, robot at teknikal na mga program sa kompyuter. Pero may mga pagkakataon lang na di mo matanggap na pinalitan ka ng isang otomatik na mga machine bilang tagagawa na ng trabaho mo. Pero ganun talaga sabi nga sa isang pelikula "Rise of the Machines." Kung puwede lang tawagan si Arnold Schwarzenegger para ide-otomatik niya ang mga otomatik gagawin ko. Alam ko rin naman na trabaho ito at mas matimbang yun kesa sa pagkakaibigan. Trabaho nga naman at hindi eskuwelahan na ishushuffle yung classroom at  iba-iba na ulet ang makakasama mo. Ganun talaga and we understand it all. We will just hang on to the memories of our beloved campaign. 

"HT will always be HT." Keep that in your heart HT people. 

Kung nasaan man tayo ngayon, nasaan man yung iba, hopefully nothing will change. And we will always be family together. Those days will never be the same. Just treasure all the lovely things and put away all  the bad. Always remember HT, for some of us, this is the first campaign that gave you LIFE.
PS: AT SANA YUNG IBA WALANG MAG-AANGAS KUNG LUMAKI MAN ANG SWELDO.
MANLIBRE KAYO!

Thank you Mam Joy! Maraming salamat po!

Thank you sa mga Assistant Team Leaders:
Pher,Leds, Abie, Julie, CJ, Cla, Laiza and Rex 

Salamat sa mga HT teammates from UK and US! 
(Pasensiya na po sa wala di ko po lahat kilala)

Happy Rate shopping! Hanggang sa muli!
HT signing off......See you around.











Biyernes, Oktubre 10, 2014

Tagay!

'Isang malamig na beer mug na mahirap tanggihan'
Bangenge na naman ako. Yung dating adiksyon unti-unti na namang bumabalik. Ayoko. Huwag naman sana. Tapos na ako diyan, graduate na ako diyan at kung meron man parangal para sa manginginom baka nabigyan na ako ng Cumlaude. Ilang taon ko na rin ito iniwasan at puro patak-patak lang ang aking pagtikim dito.

Maraming okasyon din ang aking iniiwasan nariyan ang binyag, kasal, birthday, pati nga mga lamay huwag lang talaga mayakag sa magdamag na inuman. Parang otomatik na rin kasi na hindi ako nakaka-ayaw kapag kaharap mo na ang tagay na punumpuno ng yelo. Tatakamin ka. Tila parang magnet na kahit anong pigil mo sa iyong mga kamay, mararamdaman mo na lang na tumatama na sa labi mo ang malamig na baso at masasarapan ka na lang na guguhit na sa iyong lalamunan ang pamilyar na init na pagkatagal mo ding hinanap. Mula duon magiging preso ka na ng espiritu ng alak. Kahit ano mang gawin mo wala na. Bihag ka na.

Pero sa susunod na tagayan magdadala na ko ng sariling baso. Pakiwari ko naman eh walang naman krisis ngayon na tungkol sa baso. Ewan ko kung bakit laging iisang baso ang nakapatong sa mesa. Hindi naman tayo maarte o maselan, balewala sa akin ang mga laway na nagdikitan sa baso. Pero kung minsan, mapapansin mo rin naman na tila ang bagal ng ikot ng baso. Kagaya  kong matagal na nagdiyeta sa alak eh feeling mo na hayok na hayok ka dito. No holds barred. Lango kung lango. Kulang na lang mang-agaw ako ng tagay. Pero kaya pa naman. Kaya pa naman magtimpi.

Pero eto lang mga pare. Alam ko yung iba diyan, patagong itinatapon ang tagay nila. Ewan ko ba kung bakit ganun. Hindi ba nila alam na mataas ang sin tax ngayon? Puwede naman mag-pass kung hindi mo talaga kaya. Puwede ka magsabi. Wala naman nakatutok na baril o nakaambang  panaksak sa kung sino magpapass eh diba? Basta ba meron ka lang "ambag" lalo na kung malakas ka mamulatan.

At kung di ka tatagay, wag ka mamulutan yan ang numero unong batas sa inuman. Dahil panlilisikan kita ng mata kung sino mang kamay ang dadapo sa chicharong bulaklak ko na hindi naman tumatagay. Ganito lang yan eh, kung sino ang mas maraming inom, siya  ang kailangang mas maraming mapulutan. At malamang, hindi niyo gusto ang susunod na mangyari kapag ako'y nabitin. Ang puwede ko lang bigyan ng pulutan ay yung puwedeng maging singer na may hawak na gitara habang nagiinuman. Pero wag na wag mong kakantahin ang "My Way" at  baka may maglabas ng paltik at tayo ay magpatayan. Wag ganon  tsong, kahit pa sa mga bidyoke wag na wag mong kakantahin yan. Marami nang pinatay ang kantang yan lalo na yung mahilig talagang mamulutan.

Kaya ayaw ko talagang bumalik sa adiksiyong ito eh. Kahit masaya ang kuwentuhan, masaya ang huntahan, kahit nakaka miss din ang mga nabuong samahan dahil sa bote, di  rin naman sulit kung babalik ang bilbil sa aking tiyan. Kaya wag muna bote ng alak. Teka ayoko na talaga, pero akina muna yang last na tagay ko. May naisip ako, baka bukas......

Pwede drugs naman?





Martes, Oktubre 7, 2014

Tang Ina Mo Andaming Nagugutom sa Mundo Fashionista ka pa rin

'OOTD - Olats Outfit Tangina Dis'

"Minsan na akong nanaginip na naging panauhing pandangal sa isang pagtitipon ng isang fashion show at mula sa panaginip na iyon inilabas ko  ang hinanakit  ko sa kanila. Ngunit sa unang sermon hindi ko na napigilan at ang aking nasambit agad ay..... MGA PUTANG INA NYO ANDAMING NAGUGUTOM SA MUNDO PASYONISTA PA RIN KAYO!!"

Alam ko ang iniisip ninyo, mula sa inyong mga mapanuring mata, hinuhusgahan nyo ang aking kasuotan. Ang iba sa inyo sumisimple ng pagmasid sa sapatos ko. Wag kang tanga nakikita kita at ang ilan sa inyo ay nagtataka kung bakit wala akong relo. Ang mga kalalakihan naman ay marahil gustong malaman kung ano anng tatak ng aking sinturon.

Isang bagay lang ang sigurado ko: wala sa inyo ang hindi nag effort sa wardrobe. Lahat kayo! Hindi ko alam kung gaano niyo katagal pinlano 'yang mga suot nyo? Ang dami kong katanungan sa mga damuhong ito. Ilang araw niyong pinagplanuhan ang mga OOTD ninyo? Naka bilog na ba sa kalendaryo niyo yan  kung ano ang isusuooot niyo sa araw ng Lunes hanggang Linggo. Kasi ako ang pinagpaplanuhan ko sa isang linggo ay iyong kakainin namen sa araw-araw. Pino-problema niyo ba kung sino-sino ang makakakita ng mga kasuotan ninyo? O kung magmumukha kayong mataba sa suot ninyo by asking some question: "Does this make me fat?" Punyeta! alam niyo naman ang kasagutan diyan di ba. Simple lang: "It's fat that makes you fat. Nothing else!". Aba'y magtataka ka pa kung bakit ka lumolobo--tignan mo na lang ang mga posts mo sa Instagram at Facebook mo: Puro pagkain. Sa mga mahilig magsuot ng itim, alam ko ang dahilan kung bakit. Kaya ang payo ko lang bawas-bawas din ng hamburger, pasta at cake 'pag may time.

Gayunpaman, naiintindihan ko ang mundong ginagalawan ninyo---at siyempre tanga lang noh,"oo tanga lang" ang magsasabi na ito'y hindi multibillion dollar industry. Alam  ko  rin na meron nang School of Fashion at meron na ring mga nag ooffer ng mga kurso sa kolehiyo. Wow ha at meron pa pala kayong sinusunod na disiplina sa mga ganitong kurso. Heavy! Sinong mag-aakala na ang simpleng make-up artist at hair-stylist ay puwedeng kumita ng mas malaking datung kesa sa mga nagtapos ng mga Bachelor at Masteral degree sa Philosophy at History. Noon, ang tawag ngmga lolo't -lola natin sa kanila ay "beautician", iba na ngayon tsong mas sosyal na. Nag eevolve din pala ang mga ito. Ang tawag na sa kanila ngayon ay "stylist". Shet! 

Ganyan ka-unfair ang mundo mga parekoy, nakita niyo ang dipirensiya ng mundong ito. Ang isang teacher na kumikita lamang ng hindi ganung kalaki ay naghihirap sa pang-araw araw na gastusin para sa kanyang pamilya. Nariyan ang madugong  paggawa ng lesson plans, pagawa ng mabusising grado ng mga estudyante bukod pa diyan ang mga extra-curicullar activities ng mga guro na sadya naman talagang nakakapagod. Nariyan din ang ating magigiting na mga sekyu na alay naman araw-araw, gabi-gabi ang kanilang buhay sa pagbabantay ng mga magagarang establisyemento. Samantalang ikaw, gunting, kikay-kit, lipstick at mga rollers lang ang hawak  mo at minsan kasama ka pa sa mga highlighst ng mga artistang pinagsisilbihan mo, ikaw pa ang may karapatang kumita ng mas malaki. Alam kong marangal din naman. Pero kung ang pagsukat naman ng hirap at dusa, tingin ko na kailangang mas malaki ang kitain ng aking unang dalawang nabanggit.

Wala naman masama. Ang mahirap lang ay tila sa hitsura na natin hinuhusgahan ang isa't-isa, no small thanks to social media: sa kayang nating isuot sa ating katawan at bilhin. 

At nung tumama ang bagyong Yolanda at Glenda, sino talaga ang bossing? Super high-tech ba ang phone mo? Eh anong silbi niyan pag brown out? Wala di ba?

Pero bago ka sana pumorma, samahan mo ng malinaw na salamin. Tinanong mo ba muna ang sarili: "Maganda ba ako?" Minsan kasi may mga bagay na hindi napapaganda ng kahit anong mamahalin na pagporma at damit. Hindi naman sa naglalait ako, hindi ko kasing-katawan si Derek Ramsay,pero baka naman gusto mo munang ituck-in' yang bilbil mo  bago ipagmalaki yang mamahaling floral top, o bago ibalandra sa madla ang vintage Prada backpack ay puwede mo munang kiskisin ng kalamansi at steel brush iyang maitim mong siko at tuhod.

"Fashion is self-expression." Yan ba ang sabi mo? iyan ba ang depinisyon mo ng fashion na sinasabi  mo? Ok. Buti sana  kung mayroon kang isang matinding paninindigan na hindi maaaring durugin o malusaw man ng kahit anong mausong pautot. Hindi ko lang maintindihan dahil ang sabi mo pabago-bago ang fashion. So kung pabago-bago nga ang fashion eh di gayundin ang self-expression mo? nag-iiba iba rin? At ang self-expression mo ay nakadepende sa mga designer na kahit mamatay ka na ay hindi ka rin naman magiging famous. Ayos din ang self-expression ng mga pasyonista ano?

Para sa akin ang pagsusulat, pagpinta, pagkanta at pagtula ay pamamahayag. Isang malaya at kapana-pakinabang na expression. Ang pagsuot ng damit? EWAN KO LANG! Ok karapatan mo pa rin naman yan. Pero karapatan din naming sabihing "joklang-jokla."

Ang fashion ay isang malaking ilusyon, isang kurtinang tumatakip sa katotohanan.

Ang kailangan lang siguro ay may gawin tayong kapakipakinabang sa lipunan bukod sa magdamit ng magarbo. Naniniwala kasi ako na ang buhay na may saysay ay yung nagpabuti o nagpaganda sa buhay ng iba kahit sa maliit mang paraan.

Oras na sigurong lampasan ang mga isyu sa pananamit at pangangatawan. Parang pasko lang yan, at lilipas din. Mas mainam sigurong i-set ang sarili sa mga bagay na hindi nakikita o nahahawakan -- at yun ang mga bagay na panghabambuhay. Ang tunay na diwa ng fashion ay makikita mo sa mga 'ukay-ukay'. Maraming kakaibang item na pwede mong maidagdag sa iyong wardrobe. Lagi mong isasaisip na ang mga damit sa ukay-ukay ay nagsisimbulo lamang ng mga paniniwala at pamumuhay na itinakwil at kinalumutan ng lipunan. Iyan ang tinuturing na priceless at antigo. Mula sa sinuot ng mga matagal ng namatay at ang iba ay donasyon sa mga biktima ng kalamidad. 

O'nga pala, bago  ko wakasan ito. Tungkol sa belt ko. Zilli yan, for  your information. Orig. Shet kayo. Sagad!



Lunes, Oktubre 6, 2014

Huwag kang Maingay may NaglaLOVEba (Dirty Laundry)


'Huwag kang maingay......magagalit si Mr.Clean'
Sabado  o  Linggo markado na yan pre. Ihanda mo na ang palo-palo, ang pinaka mabagsik na laundry soap, clorox at mga balde at timba at tayo nang maglalabada.

Sabi ng ibang kumag, nakakabawas daw sa pagkalalaki ang paglalaba. Sipain ko kaya sa ngala-ngala ang nagsabi nito. Mas nakakabawas sa pagkalalaki ang mangamoy kulob ang damit mo dahil hindi ka marunong maglabang hayup ka. Tigilan mo na ang sabon na pride at masyadong nang bumubula ang utak  mo at kailangan na ito banlawan.

Sa gabi kung kelan lubog na ang araw at wala ng init, iyan ang oras ng aking paglalaba. Sa gabi kung kelan nagbabalikan sa akin ang iyong alaala. Kasing-bigat nitong pagbanlaw  ko sa damit na puno pa ng tubig dahil hindi pa napipiga. Ganito kabigat ang mga alaalang iniwan mo sa akin. Pero sinasabi ng isipan ko paulit-ulit ayaw na kitang isipin. Kaya't sa harap ng amoy panis na pawis kong sando, shorts at towel dito kita lalabanan.

Wala naman talagang kurso sa paglalaba o mataas na propesyon sa paglalaba. Inaamin ko sa inyo hindi ako magaling maglaba. Kaunting babad, kusot at piga yun na. Pero hindi na ngayon. Simula nang magkaroon ako ng amnesia at naging makalilimutin medyo nagkaron ng galit at bagsik ang  aking pagkukusot. Ang feeling ko ay sobrang dumi ng aking mga labahin at todo laba talaga ako. Pagkusot at piga sa mga bula na may kasamang kagat mula sa aking mga ipin. Ang mga ugat ng kamay ay nangangalit habang pumipiga. Ito siguro ang dahilan kung bakit andaling mabanat ng garter ng aking brief na Hanford gayun na rin ang biglaang pagluwang ng aking medyas na Burlington. Dahil to sayo. 

Masarap maglaba sa gabi, tahimik at payapa. Walang istorbo ang tanging maririnig mo lang ay ang huni ng mga kuliglig at palaka. Ang isa pa malakas ang pressure ng tubig at mas malawak ang espasyo sa sampayan. Ramdam ko rin ang pagmasid sa akin ng buwan, ng mga bituin, ng mga kulisap, habang pinipigil ko ang nag-aalab na damdamin. Iniisip siguro ng aking Super Nanay na sobrang sipag ko. Ang hindi nila alam, laging tumatalsik ang mga bula sa aking mga mata. Mula sa batya nagkakaroon ng malalaking alon sa galit ng pagkusot at pagbanlaw. Dahil to sayo.

Sa umaga, gusto nang kunin at labhan ng aking Super Nanay ang aking maruruming damit. Ngunit ang sabi ko ay ayoko. Dahil sabi ko, ako ang nagsuot, ako ang nakapagdumi at minarapat lang na ako ang tumapos sa duming aking nakamit. Ang tugon niya naman ay mas madali daw iwashing machine at idryer. Sa totoo lang elibs ako sa dryer, ambilis ngang makapagpatuyo. Isang pihit lang tsong, isang istrungkang isang pihit lang tuyo agad ang mga nilabhang damit. Minsan, iniisip ko sana dryer na lang ako. Sa isang pihit lang, tuyo agad ang mga hinanakit sa mundong ibabaw. Sa isang pasada, wala lahat ang problema. Sana nga ganoon pero hindi ako dryer. Hindi.

Kaya ayokong magpalaba sa iba. Gusto kong ako mismo ang maglinis sa dumi, putik, libag, libog, galet, tibe, kasinungalingan, anghit at iba pang paninibughong kumapit sa aking damit. Kulang ang isang banlaw upang mahugasan lahat ang animoy samu't-saring nararamdaman. 

Bahala na ang aking haring araw bukas. Matindi man ang aking pagkakakusot, nahamugan man ang aking ulo sa lamig ng gabi, nannguluntoy man ang aking mga palad sa pagkula, nangilid man ang aking luha sa pagtalsik ng mga bula..Alam ko, sa pagsikat ng araw bukas, ang dala nitong init ang siyang papawi sa kung anong lungkot meron ang aking mga sinampay. Bagong bukas, bagong laba, at bagong pag-asa sa pag-ibig  mo sinta. 

Teka 5:17 pm na pala, mag-uumpisa na ang aking orasyon. Mag-gagabi na, kailangan na mag-prepare. Huwag ka lang mag-iingay......at ako'y maglalaba.


  



Linggo, Oktubre 5, 2014

Christmas Countdown


'Pinoy Karoling Kit'
Habang papalapit ang Kapaskuhan, unti-unting nagkakaroon ng Christmas rush sa aking isip at jingle bells sa aking dibdib.

Mukhang inlab na naman ang kolokoy na ito. Hayup parang Pasko sa saya. Tila nakadiskarte ng regalo mula sa ninong at ninang ang pakiramdam. Trip kong magsabit ng isang libong iba't-ibang kulay na krismas balls sa bawat kabahayan at sa buong baranggay tagay.

Ayos!  pwede na ako mag celebrate ng Pasko kahit Oktubre pa lang. Uunahan ko na ang mga Krismas rapols sa TV, magbibigay na ko ng mga krismas cards sa mga taong importante sa buhay ko. Hmmmm...sige bibigyan ko na rin pati ang aking mga enemies, tutal isa sa diwa ng Pasko ay kapatawaran sa mga nanggago at nambully sa iyo sa buong taon. Pero Gothic christmas cards ang ibibigay ko sa kanila yung tipong Nightmare before Christmas ang dating. OK na yun atleast napatawad ko na sila.

Masarap sana ipangbackground sa pagbibigayan sa diwa ng Pasko ang snow. Shet napakasarap siguro ng feeling na dahan dahang bumabagsak ang malamig at malambot na yelo sa buhok. Sabi  ko shet ang saya imaginin na magbabatuhan kayo ng snow ng mga kalaro mo sa kalye. Isipin mo yung senaryo na umuulan ng snow sa Pilipinas. Siguro wala ka nang makikitang tambay sa kalye na walang saplot pang-itaas dahil napaka lamig. Medyo mababawasan  din siguro ang dungis ng mga taong-grasa. Yung mga batang rugby  boys malamang ang pag tripan na lang ay gumawa ng abdominal Snowman. Wow ang feeling kung magkaganun man. 

Pero kung i-aapply ko ang snow sa pag-iibigan nating dalawa. Gusto kong maglaro tayo ng Snow kasama ang totoong snowman sa pelikula. Gusto ko lahat ng bagay sa paligid kumikinang, gusto kong ang paligid ay nababalot ng saya at pag-asa. Kung mag snow man ayoko ng masyadong malakas ang paglaglag ng mga yelo, ayoko ng malalaki at solido at baka sabihin na nakikiuso pa tayo sa Ice Bucket Challenge na yan. Maghahabulan tayo at titirahin kita ng aking  ice balls. Buong araw tayong magka-akap habang tig-isa tayo ng earpiece at nakikinig ng pinakaromantic na mga Christmas songs. Kasama na diyan yung putang inang national anthem ng Pilipinas kapag Pasko yung "Christmas in our Hearts" ni Jose Mari Chan. Pagkatapos nun, magkakape tayo, magkuwekuwentuhan, maglalampungan. Magtatalukbong sa lamig ng gabi at magkukulong sa apat na  sulok ng aking kwarto.

Sa mga  susunod na gabi mangangaroling ako para sayo at para may makain tayo sa darating na Noche Buena. Gagalugarin ko ang lahat ng kabahayan sa ating barangay at maging sa kabilang ibayo. Pupuntahan ko ang lahat ng malalaking bahay para mas malaki ang bigay. Tutuntunin ko yan lahat maiparinig lang ang walang kamatayang kantang "Ang Pasko ay Sumapit". Alam ko naman na  sintunado talaga ako eh, di ko na kailangan ang Team Bamboo para patunayan yan, umikot man o hindi ang upuan ngmga hurado alam ko naman na wala ako sa tono dahil panay pure sharps and flats lang ang lumalabas sa boses  ko. Pero lalakasan ko na lang ang mga piniping tansan at mga home-made na tambol na yari sa lata ng gatas ng  Nido at magdadala ko ng maraming back-up singers.

Ha-hijackin ko rin ang  sinasakyang sleigh ni Santa Klaws para ako na mismo ang magbibigay ng regalo at mula doon bubuksan ko ang sako at hahayaang kong ikaw ang pumili ng pinaka magarbong regalong makikita mo. At pagkatapos nun ako na ang mamimigay ng regalo sa mga kabataan. Oo kabataan (pwera yung may mga anak na di ko yun bibigyan kasi bata pa lang naughty na sila). Hagilapin nyo na lang ang  mga ninong at ninang ng mga anak nyo. Hinayjack ko si Santa dahil sayo at para na rin sa pagbibigay hustisya ng pagiging fair. Paano naman yung mga walang chimney? Punyeta alam ko naman na hindi ka pwedeng mamigay ng regalo na manggagaling ka sa kubeta ng mga mahihirap. Kaya bibigyan ko ng patas, na pati ang mga mahihirap sa Payatas ay mabigyan ng kaunting hiyas.

At pagkatapos nun  papasyal ako sa National bookstore at bibilhan kita ng Krismas cards. Alam kong korni at  hindi na  uso pero patawarin mo ako mahal dahil sadyang ako'y makaluma. Pipiliin ko yung kards na maraming puso para sakop na hanggang araw ng Valentayms. Para kung halimbawa man iwan mo ako, magdadalawang isip ka pa at malamang ma-extend ang pag-ibig mo sa akin hanggang Pebrero.

Ito ang Krismas rush sa aking isip. At jingle bells sa aking dibdib.

Kaya gusto ko na ipagdiwang ang Pasko. Now na! At baka hindi umabot ang nararamdaman kong ito sa araw na ipinanganak ang taga-pagligtas ng mundo.

At kapag nagkaganun, malamang magiging wasted muli ang Pasko ng kolokoy na ito.






Sabado, Oktubre 4, 2014

The Puso Phenomenon (Inter Tropical Convergence F*Zone)

'The Puso Phenomenon'
Makulimlim ang panahon muka na naman Walking dead scene ang buong paligid, mukang magdudulot ng mapanirang araw ang nagbabadyang malakas na ulan. Malamig at malakas ang alon.

Pero kahit na ganito na ang sitwasyon pagmulat ng mata ko. Siguradong magiging maganda pa rin ang araw na ito para sa akin.

Kung sasabihin man ng PAG ASA na sampung bagyo na kasing-lakas ni Yolanda ang tatama sa araw na ito, di pa rin ako maniniwala. Dahil nakilala kita sa panahong pwede ako.

Bakit mo pa kakailanganin ang magandang panahon kung ang gagawin mo lang naman sa araw na iyon ay magbabad sa harap ng kompyuter, mag log-in sa Facebook at mag-like ng mag-like sa mga wall post ng mga pinakamasasayang kumag sa mundo ng social media. Kingina masaya ka na ba sa ganoon? Kung maganda nga ang sikat ng haring araw pero napapaligiran ka naman ng mga magkakapares na nilalang na magka holding hands. Peste lang di ba?

Kaya't bigyan mo na lang ako ng kidlat, kulog, buhawi at delubyo. Ayos lang. Tutal andiyan ka naman. Naks!

Ngunit lagi kong inaasam asam na sana ito na ang huling tagtuyot sa kalamigan ng gabi. Sana ito na ang katapusan sa pakikipag-usap ko sa aking mga imaginary friends. Umaasang ito na ang huling pagtirik ko ng kandila sa yumaong lovelife. Huwag na sana akong gambalain pa ng nakaraan. Iniisip ko sa hinaharap na handa na ba ako uli na itaya ang aking kakisigan? Handa na ba akong makinig muli sa saliw ng tugtugan ng Masculados?

Pero preno muna tayo baka nga naman mali ang "forecast" natin sa ating tunay na nararamdaman. Don't forget the word "climate change" at iyan ay napapanahon sa kasalukuyan. Mahirap sumugal dahil baka hangin lang ang laman ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Lahat tayong mga indibidwal ay nangangailangan ng warmth pero natatakot ako baka sa huli ito ay maging cold-front. Magkaiba ang pag-ikot ng mundo natin at pag nagkataon disaster ang maging dala nito sa sanlibutan. Hindi ko alam kung kelan ulit magdedeclare ang mga Mayans sa paggunaw ng mundo. Gayunpaman, handa na ako. Basta't ikaw ang kasama ko.

Kaya't hayaan mo na lang damhin kita sa malayo. Ituring mo na lang akong isang ulap sa himpapawirin na may dalang kalat-kalat at panaka-nakang malawak na pag-ulan, pag-kulog at pag-kidlat na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa. 

Kung kaya't didistansiya muna ako amiga, didistansiya muna ako bilang parusa sa mga pagkakataong ako ay nagpadarang. Hindi ko rin alam kung bakit ako malupit sa aking sarili sa tuwing may pagkakataong ako ay nakakaramdam ng ligalig. Kaya wag kayong magtataka kung nakita nyo akong nakangisi ngunit agos ang baha ng dugo sa aking pulso. Masaya lang ang panahon.

Ngunit paano ko maitatago ang isang mala-habagat na pakiramdam?

Ang buo kong akala ay magiging ayos ang lahat. Dahil nakilala kita sa panahong pwede ako. Pero akala ko lang pala at maraming namamatay sa akala. Ngayong nasa malayo ka. At andito ako.

Single. Unattached. Virgin. Brokenhearted.

Mabuti pang kalimutan mo na lang ako. Habang hinihintay kong humupa ang init ng bagyong nararamdaman ko para sayo.

Salamat sa bagsik ng iyong bagyo at sobrang sinalanta ang puso ko. Ngayon kailangan ko na ng evacuation at rescue sa lalong madaling panahon.



Huwebes, Oktubre 2, 2014

F.L.A.M.E.S - A Love Test

The actual love test game. <3

Wala nang mas masarap pa sa pakiramdam na ikaw ay umiibig o naiinlab. Kapag nasa ganitong stage ka feeling mo napakagaan at napakasarap mabuhay sa mundo. Ito yung mga panahon na wala pa tayong pakealam sa oras. Ngayon kasi bawat galaw natin, bihag na tayo ng bawat sandali, bawal na ang pumetiks at ang iba ay panay trabaho na lang ang ating nasa isipan. Isang konsepto, isang katotohanan na habang tayo ay lumalaki mas lalong papahirap ng papahirap ang buhay. 

Maaga akong nainlab nasa ikatlong grado palang ako may crushes na ako sa school. Kakauwi ko pa lang ng aming bahay galing eskuwela ay parang gusto ko na ulet pumasok. Gusto ko mabilis ang oras para makita ko siyang muli. Akala ni ermats gustong-gusto ko mag-aral, pero ang hindi niya alam kaya hindi ako umaabsent ay para lang masilayan ang babaeng itinitibok ng aking puso. Nakanang! 

Alam ko rin naman sa sarili ko na ako'y isang torpedo, kapag pag-ibig na ang pag-uusapan. Ang panget ko kasi kaya wala akong lakas ng loob na manligaw. Kaya, ayun hanggang ligaw-tingin at crushes lang ang kaya sambitin ng puso kong mamon. Hanggang panaginip at pangarap na lang.

Noon, hindi pa uso sila Papa Jack, Marcelo Santos at kung sino-sino pang author pagdating sa pag-ibig meron na akong nakilalang ganyang kaklase. May ituturo daw siyang pamamaraan upang malaman ang ko ang aking kapalaran sa aking kras. Yan yung panahon na hindi pa uso ang mga apps sa android tungkol sa mga match-making, match-dating at kung anu-ano pang ka-ek-ekan. Simple lang pero mabisa at malaman. Isa raw itong tested na paraan para malaman ang compatibility ng dalawang tao. Maihahalintulad daw ito sa mga petals ng santan flower "she loves me....she loves me not".  Sa pelikulang Resident Evil, malamang narinig mo na ang Red Queen kung saan sinasangguni ang mga bagay-bagay. Sa mga katulad kong inlababo sa buhay, ang F.L.A.M.E.S ang nagsisilbi naming Red Queen noong mga panahong iyon. Mabisa itong gabay kung itutuloy mo ba ang panliligaw at pambobola sa babaeng iyong sinisinta, sa babaeng hindi nagpapatulog sayo minu-minuto, oras-oras at gabi-gabi. Ito ay acronym na ang ibig sabihin ay:

F = friends
L = love
A = anger
M= marriage
E = engage
S = sweetheart

Paano ba ito ginagamit? Simple lang naman. Kumuha ng scratch paper. Isulat mo ang kumpletong pangalan mo. Sa ibaba ng pangalan mo ay isulat mo naman ang sa kras mo. Next step ay i-cross out ang mga letrang nagkakapareho kayo at bilangin. Kunin mo na rin ang total ng dami ng mga letrang nagkapareho kayo. Ang mga numbers na 'yun ang gagamitin para malaman ang iyong kapalaran. Kung ilan ang na-cross out, 'yun din ang ibilang sa letra ng F.L.A.M.E.S. Sampol, F (1, 7, 13), L (2, 8, 14)....gets mo na ba?

At para mas maliwanagan ka pa, heto ang pinaka ultimate crush ko noong ako ay bata pa. Unahin natin noong high school.

JACKY MAIC
MA. ROSSETTE KARUNUNGAN

*Crossed out letters sa akin =     4 (marriage)
*Crossed out letters sa kanya =   5 (engage)
                                   I-total: 9 --> ANGER

Isa sa mga pinakamasakit na resulta ang "anger" sabi ko pa naman ultimate kras ko siya. Kaya ayun kung sakaling ligawan ko siya, malamang ay mauwi lang sa anger ang lahat. Kung pwede ko lang talaga palitan ang pangalan ko na Jackylou para makuha ko ang mga letrang "U" at "O" baka ibang kapalaran ang taglay. Pero ang baho, ang halay at dadalhin ko sa buong buhay ko ang kahihiyan kung Jackylou ang pangalan ko dahil iyon ay isang ngalan ng babae. 

Minsan na rin akong nangarap kahit alam kong malayo sa katotohanan:

JACKY MAIC
RICA PERALEJO

*Crossed out letters sa akin =     5 (engage)
*Crossed out letters sa kanya =   6 (sweetheart)
                                   I-total: 11 --> ENGAGE

Holy cow! engage daw ako sa pinaka hot sexy icon ng dekada nobenta. Walanjo kung pwede lang maging makatotohanan ang lahat di ba? Shet! pero hindi malabo pa sa katarata alam kong kalokohan lang ang lahat at pampalipas oras lang para sa mga torpedong idinadaan ang sarili sa mga ganitong bagay. 

Pero minsan nagiging makatotohanan ang F.L.A.M.E.S. kung sasamahan mo ng tunay na pagsuyo at pagmamahal sa iyong napupusuan, at si Lord na ang bahala duon kung gagawin niyang makatotohanan ang resulta kahit pa "enemy" o "anger" ang lumabas. Sa pag-ibig walang imposible kung ipapakita mo ang dedikasyon at sakripisyo sa napupusuan at minamahal. Kahit gaano ka pa kapanget noh!

Noong ako ay bata pa, sadyang naniniwala ako sa kapangyarihan ng F.L.A.M.E.S.









Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads