Martes, Oktubre 7, 2014

Tang Ina Mo Andaming Nagugutom sa Mundo Fashionista ka pa rin



'OOTD - Olats Outfit Tangina Dis'

"Minsan na akong nanaginip na naging panauhing pandangal sa isang pagtitipon ng isang fashion show at mula sa panaginip na iyon inilabas ko  ang hinanakit  ko sa kanila. Ngunit sa unang sermon hindi ko na napigilan at ang aking nasambit agad ay..... MGA PUTANG INA NYO ANDAMING NAGUGUTOM SA MUNDO PASYONISTA PA RIN KAYO!!"

Alam ko ang iniisip ninyo, mula sa inyong mga mapanuring mata, hinuhusgahan nyo ang aking kasuotan. Ang iba sa inyo sumisimple ng pagmasid sa sapatos ko. Wag kang tanga nakikita kita at ang ilan sa inyo ay nagtataka kung bakit wala akong relo. Ang mga kalalakihan naman ay marahil gustong malaman kung ano anng tatak ng aking sinturon.

Isang bagay lang ang sigurado ko: wala sa inyo ang hindi nag effort sa wardrobe. Lahat kayo! Hindi ko alam kung gaano niyo katagal pinlano 'yang mga suot nyo? Ang dami kong katanungan sa mga damuhong ito. Ilang araw niyong pinagplanuhan ang mga OOTD ninyo? Naka bilog na ba sa kalendaryo niyo yan  kung ano ang isusuooot niyo sa araw ng Lunes hanggang Linggo. Kasi ako ang pinagpaplanuhan ko sa isang linggo ay iyong kakainin namen sa araw-araw. Pino-problema niyo ba kung sino-sino ang makakakita ng mga kasuotan ninyo? O kung magmumukha kayong mataba sa suot ninyo by asking some question: "Does this make me fat?" Punyeta! alam niyo naman ang kasagutan diyan di ba. Simple lang: "It's fat that makes you fat. Nothing else!". Aba'y magtataka ka pa kung bakit ka lumolobo--tignan mo na lang ang mga posts mo sa Instagram at Facebook mo: Puro pagkain. Sa mga mahilig magsuot ng itim, alam ko ang dahilan kung bakit. Kaya ang payo ko lang bawas-bawas din ng hamburger, pasta at cake 'pag may time.

Gayunpaman, naiintindihan ko ang mundong ginagalawan ninyo---at siyempre tanga lang noh,"oo tanga lang" ang magsasabi na ito'y hindi multibillion dollar industry. Alam  ko  rin na meron nang School of Fashion at meron na ring mga nag ooffer ng mga kurso sa kolehiyo. Wow ha at meron pa pala kayong sinusunod na disiplina sa mga ganitong kurso. Heavy! Sinong mag-aakala na ang simpleng make-up artist at hair-stylist ay puwedeng kumita ng mas malaking datung kesa sa mga nagtapos ng mga Bachelor at Masteral degree sa Philosophy at History. Noon, ang tawag ngmga lolo't -lola natin sa kanila ay "beautician", iba na ngayon tsong mas sosyal na. Nag eevolve din pala ang mga ito. Ang tawag na sa kanila ngayon ay "stylist". Shet! 

Ganyan ka-unfair ang mundo mga parekoy, nakita niyo ang dipirensiya ng mundong ito. Ang isang teacher na kumikita lamang ng hindi ganung kalaki ay naghihirap sa pang-araw araw na gastusin para sa kanyang pamilya. Nariyan ang madugong  paggawa ng lesson plans, pagawa ng mabusising grado ng mga estudyante bukod pa diyan ang mga extra-curicullar activities ng mga guro na sadya naman talagang nakakapagod. Nariyan din ang ating magigiting na mga sekyu na alay naman araw-araw, gabi-gabi ang kanilang buhay sa pagbabantay ng mga magagarang establisyemento. Samantalang ikaw, gunting, kikay-kit, lipstick at mga rollers lang ang hawak  mo at minsan kasama ka pa sa mga highlighst ng mga artistang pinagsisilbihan mo, ikaw pa ang may karapatang kumita ng mas malaki. Alam kong marangal din naman. Pero kung ang pagsukat naman ng hirap at dusa, tingin ko na kailangang mas malaki ang kitain ng aking unang dalawang nabanggit.

Wala naman masama. Ang mahirap lang ay tila sa hitsura na natin hinuhusgahan ang isa't-isa, no small thanks to social media: sa kayang nating isuot sa ating katawan at bilhin. 

At nung tumama ang bagyong Yolanda at Glenda, sino talaga ang bossing? Super high-tech ba ang phone mo? Eh anong silbi niyan pag brown out? Wala di ba?

Pero bago ka sana pumorma, samahan mo ng malinaw na salamin. Tinanong mo ba muna ang sarili: "Maganda ba ako?" Minsan kasi may mga bagay na hindi napapaganda ng kahit anong mamahalin na pagporma at damit. Hindi naman sa naglalait ako, hindi ko kasing-katawan si Derek Ramsay,pero baka naman gusto mo munang ituck-in' yang bilbil mo  bago ipagmalaki yang mamahaling floral top, o bago ibalandra sa madla ang vintage Prada backpack ay puwede mo munang kiskisin ng kalamansi at steel brush iyang maitim mong siko at tuhod.

"Fashion is self-expression." Yan ba ang sabi mo? iyan ba ang depinisyon mo ng fashion na sinasabi  mo? Ok. Buti sana  kung mayroon kang isang matinding paninindigan na hindi maaaring durugin o malusaw man ng kahit anong mausong pautot. Hindi ko lang maintindihan dahil ang sabi mo pabago-bago ang fashion. So kung pabago-bago nga ang fashion eh di gayundin ang self-expression mo? nag-iiba iba rin? At ang self-expression mo ay nakadepende sa mga designer na kahit mamatay ka na ay hindi ka rin naman magiging famous. Ayos din ang self-expression ng mga pasyonista ano?

Para sa akin ang pagsusulat, pagpinta, pagkanta at pagtula ay pamamahayag. Isang malaya at kapana-pakinabang na expression. Ang pagsuot ng damit? EWAN KO LANG! Ok karapatan mo pa rin naman yan. Pero karapatan din naming sabihing "joklang-jokla."

Ang fashion ay isang malaking ilusyon, isang kurtinang tumatakip sa katotohanan.

Ang kailangan lang siguro ay may gawin tayong kapakipakinabang sa lipunan bukod sa magdamit ng magarbo. Naniniwala kasi ako na ang buhay na may saysay ay yung nagpabuti o nagpaganda sa buhay ng iba kahit sa maliit mang paraan.

Oras na sigurong lampasan ang mga isyu sa pananamit at pangangatawan. Parang pasko lang yan, at lilipas din. Mas mainam sigurong i-set ang sarili sa mga bagay na hindi nakikita o nahahawakan -- at yun ang mga bagay na panghabambuhay. Ang tunay na diwa ng fashion ay makikita mo sa mga 'ukay-ukay'. Maraming kakaibang item na pwede mong maidagdag sa iyong wardrobe. Lagi mong isasaisip na ang mga damit sa ukay-ukay ay nagsisimbulo lamang ng mga paniniwala at pamumuhay na itinakwil at kinalumutan ng lipunan. Iyan ang tinuturing na priceless at antigo. Mula sa sinuot ng mga matagal ng namatay at ang iba ay donasyon sa mga biktima ng kalamidad. 

O'nga pala, bago  ko wakasan ito. Tungkol sa belt ko. Zilli yan, for  your information. Orig. Shet kayo. Sagad!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento