Linggo, Oktubre 5, 2014

Christmas Countdown




'Pinoy Karoling Kit'
Habang papalapit ang Kapaskuhan, unti-unting nagkakaroon ng Christmas rush sa aking isip at jingle bells sa aking dibdib.

Mukhang inlab na naman ang kolokoy na ito. Hayup parang Pasko sa saya. Tila nakadiskarte ng regalo mula sa ninong at ninang ang pakiramdam. Trip kong magsabit ng isang libong iba't-ibang kulay na krismas balls sa bawat kabahayan at sa buong baranggay tagay.

Ayos!  pwede na ako mag celebrate ng Pasko kahit Oktubre pa lang. Uunahan ko na ang mga Krismas rapols sa TV, magbibigay na ko ng mga krismas cards sa mga taong importante sa buhay ko. Hmmmm...sige bibigyan ko na rin pati ang aking mga enemies, tutal isa sa diwa ng Pasko ay kapatawaran sa mga nanggago at nambully sa iyo sa buong taon. Pero Gothic christmas cards ang ibibigay ko sa kanila yung tipong Nightmare before Christmas ang dating. OK na yun atleast napatawad ko na sila.

Masarap sana ipangbackground sa pagbibigayan sa diwa ng Pasko ang snow. Shet napakasarap siguro ng feeling na dahan dahang bumabagsak ang malamig at malambot na yelo sa buhok. Sabi  ko shet ang saya imaginin na magbabatuhan kayo ng snow ng mga kalaro mo sa kalye. Isipin mo yung senaryo na umuulan ng snow sa Pilipinas. Siguro wala ka nang makikitang tambay sa kalye na walang saplot pang-itaas dahil napaka lamig. Medyo mababawasan  din siguro ang dungis ng mga taong-grasa. Yung mga batang rugby  boys malamang ang pag tripan na lang ay gumawa ng abdominal Snowman. Wow ang feeling kung magkaganun man. 

Pero kung i-aapply ko ang snow sa pag-iibigan nating dalawa. Gusto kong maglaro tayo ng Snow kasama ang totoong snowman sa pelikula. Gusto ko lahat ng bagay sa paligid kumikinang, gusto kong ang paligid ay nababalot ng saya at pag-asa. Kung mag snow man ayoko ng masyadong malakas ang paglaglag ng mga yelo, ayoko ng malalaki at solido at baka sabihin na nakikiuso pa tayo sa Ice Bucket Challenge na yan. Maghahabulan tayo at titirahin kita ng aking  ice balls. Buong araw tayong magka-akap habang tig-isa tayo ng earpiece at nakikinig ng pinakaromantic na mga Christmas songs. Kasama na diyan yung putang inang national anthem ng Pilipinas kapag Pasko yung "Christmas in our Hearts" ni Jose Mari Chan. Pagkatapos nun, magkakape tayo, magkuwekuwentuhan, maglalampungan. Magtatalukbong sa lamig ng gabi at magkukulong sa apat na  sulok ng aking kwarto.

Sa mga  susunod na gabi mangangaroling ako para sayo at para may makain tayo sa darating na Noche Buena. Gagalugarin ko ang lahat ng kabahayan sa ating barangay at maging sa kabilang ibayo. Pupuntahan ko ang lahat ng malalaking bahay para mas malaki ang bigay. Tutuntunin ko yan lahat maiparinig lang ang walang kamatayang kantang "Ang Pasko ay Sumapit". Alam ko naman na  sintunado talaga ako eh, di ko na kailangan ang Team Bamboo para patunayan yan, umikot man o hindi ang upuan ngmga hurado alam ko naman na wala ako sa tono dahil panay pure sharps and flats lang ang lumalabas sa boses  ko. Pero lalakasan ko na lang ang mga piniping tansan at mga home-made na tambol na yari sa lata ng gatas ng  Nido at magdadala ko ng maraming back-up singers.

Ha-hijackin ko rin ang  sinasakyang sleigh ni Santa Klaws para ako na mismo ang magbibigay ng regalo at mula doon bubuksan ko ang sako at hahayaang kong ikaw ang pumili ng pinaka magarbong regalong makikita mo. At pagkatapos nun ako na ang mamimigay ng regalo sa mga kabataan. Oo kabataan (pwera yung may mga anak na di ko yun bibigyan kasi bata pa lang naughty na sila). Hagilapin nyo na lang ang  mga ninong at ninang ng mga anak nyo. Hinayjack ko si Santa dahil sayo at para na rin sa pagbibigay hustisya ng pagiging fair. Paano naman yung mga walang chimney? Punyeta alam ko naman na hindi ka pwedeng mamigay ng regalo na manggagaling ka sa kubeta ng mga mahihirap. Kaya bibigyan ko ng patas, na pati ang mga mahihirap sa Payatas ay mabigyan ng kaunting hiyas.

At pagkatapos nun  papasyal ako sa National bookstore at bibilhan kita ng Krismas cards. Alam kong korni at  hindi na  uso pero patawarin mo ako mahal dahil sadyang ako'y makaluma. Pipiliin ko yung kards na maraming puso para sakop na hanggang araw ng Valentayms. Para kung halimbawa man iwan mo ako, magdadalawang isip ka pa at malamang ma-extend ang pag-ibig mo sa akin hanggang Pebrero.

Ito ang Krismas rush sa aking isip. At jingle bells sa aking dibdib.

Kaya gusto ko na ipagdiwang ang Pasko. Now na! At baka hindi umabot ang nararamdaman kong ito sa araw na ipinanganak ang taga-pagligtas ng mundo.

At kapag nagkaganun, malamang magiging wasted muli ang Pasko ng kolokoy na ito.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento