'Anong magandang screen name kung gusto mo maging Pornstar?' |
Meanwhile.....while I'm thinking, 'Ano bang ginagawa ko sa buhay ko moment'.
Bigla akong napaisip, ano kaya ang magandang screen name halimbawang maging porn star ako?
Mainit sa isip ko ang pangalang Totoy Mola. Tunog malaking kargada di ba? Pero dahil si Papa Jay Manalo na yun medyo dyahe na gamitin. Mas bagay siguro sa akin ang Totoy Bigo, dahil mas angkop pa sa akin gamitin. Hindi nga lang gaanong malaswa pero bagay. Kailangan ko pa ba sabihin kung bakit? Ito rin minsan ang dahilan kung bakit bigla na lang ako nawawalan ng gana mag-blog.
Huwag kang mabahala --yun eh kung nababahala ka man. Hindi ako bitter. Patok lang talaga sa appetite ko ang ulamin ang ampalaya netong mga nakaraang araw pero hindi ako bitter. Una pa lang, alam kong sanay na ako mawalan ng lablyp. Pilit ko mang tumawa, wala. Walang emosyon na lumalabas, kahit pa nag-droga ako nung isang araw na ang hatid ay laughing trip. Wala talaga akong pakiramdam.
Kaya yun talaga ang unang pumasok sa isip ko, ang Totoy Bigo.
Pero ngayon tila nagkaroon ng himala noong ako ay nakapanood ng TV. Nung nakita ko si Aling Dionesia Pacquiao na nagbo ballroom, parang mas lalong umaaliwalas ang pakiramdam ko. Hindi tulad noon na lagi kong iniisip kung paano ko karumal dumal na paslangin ang may pakana ng kabiguan na ito.
Dati tinatakpan ko ang aking tenga sa tuwing makakarinig ng mga love songs, kahit sa mga pampublikong sasakyan; sa dyip, tricycle, FX, bus at kahit sa MRT. Ok lang mangawit ang dalawang kamay ko na nakatakip sa aking tenga, huwag ko lang mapakinggan ang mga love songs na iyon. Tila nababaliw talaga ako kapag nakakarinig ng mga matatamis na liriko sa kanta. Yung para bang sinasapian ako ng kung ano. Gusto kong mawala. Gusto kong magwala. Kahit yung mga kanta ng Black Eyed Peas ayoko rin madinig. Ampangit naman ng pakiramdam na nag-eemo ka pero umiindak. Para kang gago nun. Pero ok na ako ngayon. Naging malaki rin talaga ang tulong ng pagbabasa ng mga children's book. Yung mga kagaya nila Thumbelina, Rapunzel at all time favorite Cinderella. Ang cool! At mas naiwasan ko ang maging bayolente, dahil mas nakakarelate na ako ngayon sa Cartoon Network. Salamat Powerpuff Girls at Johnny Bravo. Isama mo na din yung si Dexter. Si Dexter ng Dexter's Laboratory.
Oo, malaking bahagi ng pag move-on ang panonood ng TV. Lalo na ang panonood ng balita. Balita ng mga kalamidad, holdapan, patayan, ebola at Mindanao. Mapapagtanto mo na mapalad ka pa rin, sapagkat puso lang ang masakit sayo. Samantalang yung iba, nalulunod sa dagat o di kaya nasasagasaan ng bus sa Edsa. Buwenas at bonus na lang kung may bago kang mababalitaan sa buhay ni Kris Aquino. Kahit paano maaaliw ka sa masalimuot niyang buhay na open to public always. Parang 7-11 ang tema.
Sabi ko nga ayos na ako. Ok na ako. Nabigo man, mapusok pa rin. Hindi pa rin sumusuko at sumusugal pa rin sa lablyp. Mabilis pa rin mainlab. Kahit kung minsan tumatagal lang ng five minutes and akala mong relasyon --libog lang pala pota! Pero ok na rin kesa wala. Ilang five minutes ba sa isang oras. Kung minsan masaya din ang mag moved on wag mo lang gagawing hobby.
Pero kung ganito at ganito rin lang ang buhay, walang pinagka iba sa porn star. Parang masayang gamitan. Yung parang ayaw mo masaktan, pero gusto mong ma in love. Ang gulo noh? Ayaw mo na gusto. Mahirap talagang iiksplika ang pag-ibig. Mahirap pa sa subject mong Calculus noong kolehiyo. Nakakalito!
Kaya nga nag-iisip na lang ako ng screen name para malibang.
Totoy Bigo. Pwede na. Pero. Hmmmm......
Ok di naman ang 'Totoy Sawi'.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento