Biyernes, Disyembre 12, 2025

Why No One Wants to Read Anymore — And Why Reading Books and Blogs Is Still Fun

 

Sa panahong punô ng notifications, short videos, at walang katapusang pag-scroll, tila unti-unting nawawala ang interes ng marami sa pagbabasa ng libro at blog. Sanay na tayo sa instant entertainment—isang swipe lang, may aliw na agad. Kaya bakit pa magbabasa ng mahabang artikulo kung puwede namang mapanood sa loob ng ilang segundo? 

Another reason kaya siguro wala na gaanong nagbabasa ay dahil sa time pressure. Many people feel tired after work or school, choosing passive entertainment over active reading. Reading requires focus, imagination, and mental energy—things that feel scarce in a fast-paced digital life.Napalitan na ng mabilisang aliw ang mga tao dahil mas nakakatanggal pagod na nga naman ang may mapapanood ka kumpara sa mga impormasyong babasahin mo pa. 

There’s also the illusion of information overload. Because content is everywhere, people assume they already know enough. Headlines replace deep understanding, and summaries replace thoughtful reflection.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling makabuluhan at masaya ang pagbabasa. Ang libro ay nagbibigay ng pagkakataong bumagal, mag-isip, at pumasok sa ibang mundo. Hindi ito minamadali—ikaw ang may kontrol sa oras at takbo ng kwento at nagiiwan din ito ng excitement dahil dito walang spoiler. Kung ano yung iniwan mong nabasa ay magmimistulang yun lang din ang kwento sa isip mo at kung maganda ang kwento ay babalikan mo ito dahil gusto mong malaman ang katapusan. Yung tahimik on your own private space, yung walang alinlangan na mabubunyag ang kwento sayo. 

Ang mga blog naman ay parang personal na kwentuhan. May boses, may damdamin, at may karanasang totoo. Hindi perpekto, pero totoo—at doon nagiging relatable.

Ang pagbabasa ay nagpapalawak ng imahinasyon, empatiya, at kakayahang mag-isip nang malalim. Ikaw ang bumubuo ng eksena sa iyong isip. Hindi ka lang tagapanood—isa kang kalahok.

As a writer, I have also been deeply inspired by the books I’ve read and by other writers. Their words push me to write—not just for myself, but for my readers. Reading fuels writing, and writing keeps reading alive.

Higit sa lahat, ang pagbabasa ay isang tahimik na anyo ng paglaban. Sa mundong maingay at nagmamadali, ang pagpili na magbasa ay pagpili ng lalim, katahimikan, at tunay na kahulugan.

"Reading is not dying—it is waiting for those who still choose to listen." Ang pagbabasa ay hindi nawawala—hinihintay lang nito ang mga handang huminto at makinig.




Huwebes, Disyembre 11, 2025

Nostalgic Objects Seen in Stranger Things: A Trip Back to the 80s

 


Kung may isang bagay na talagang bumihag sa mga manonood ng Stranger Things, bukod sa monsters, synth music, at supernatural na kaguluhan, ito ay ang nostalgia, and I'm one of those. The show captured not just the look and feel of the 80s, but also the little objects that defined childhood, friendships, and everyday life of that era.

Here are some of the most nostalgic items seen in the series, and why they matter—both in the story and in real-life 80s culture.

WALKIE TALKIES










“This is the lifeline of Mike, Dustin, Lucas, and Eleven. In a time without cellphones, the walkie-talkie was the fastest way for kids to communicate. It became a symbol of friendship, adventure, and being ready for anything unusual—especially when a friend goes missing or when a demogorgon is lurking around.” In Stranger Things, they represent teamwork and childlike resourcefulness—perfect for supernatural emergencies.

EGGO WAFFLES


Sino bang makakalimot sa paboritong pagkain ni Eleven? Ang Eggo waffles ay naging iconic dahil kumakatawan sila sa pagiging inosente ni El at ang kanyang unti-unting pag-adapt sa normal na mundo. In the 80s, these were a classic quick-breakfast item in American homes. But in the Philippines, we never heard of the Eggo Waffles and sumikat kasi sa atin na galing din sa Amerika ay yung Kellog's breakfast creal at Koko crunch na masarap din para sa almusal. 

 VINTAGE BICYCLES









The gang’s bikes are pure 80s freedom. They symbolize independence, adventure, and the thrill of exploring your neighborhood—no parental supervision, just wide-open streets and imagination. Those bikes are those with big single headlights in front. Ang mga bike ng kids—lalo na ang BMX-style bikes—ay nagpapakita ng quintessential 80s childhood. I have one of those when I was 7 and also roaming the streets in San Andres, Manila, that was so, so classic. 

ARCADE MACHINES (DIG-DUG, GALAGA, DRAGON'S LAIR, and PACMAN)


Ang arcade ay parang “mall” ng mga kabataan noong 80s. Doon sila tumatambay, nagsasaya, at nagkukumpetensiya. Sa Stranger Things, kinakatawan nila ang youthful fun—at minsan ay clue sa mas malalalim na misteryo sa isang sci-fi series. Stranger Things uses the arcade not just as a setting, but as a symbol of simpler times.

VHS Tapes & VCR











VHS tapes are a major '80s hallmark. They embody the ways of renting movies and rewinding tapes. Stranger Things uses them to highlight the era’s analog charm. Sa show, makikita mo ang mga VHS tapes bilang paalala sa panahong limited ang choices, pero mas may charm at anticipation ang movie-watching.

Tiffany - I Think We're Alone Now

Polaroid and Film Cameras












Film and Polaroid cameras capture the authentic 80s feel—grainy, imperfect, and nostalgic. They represent the tangible nostalgia of physical photographs. Sa Stranger Things, ang mga photo scenes ay nagbibigay ng raw 80s vibe—walang filters, walang instant delete, at bawat shot ay may value.

Dungeons & Dragons Set












Ang D&D ang puso ng pagkakaibigan ng Hawkins boys. Simbolo ito ng imagination, creativity, at pagbuo ng world-building bago pa dumating ang video games. Maraming creatures sa show—Demogorgon, Mind Flayer—ay galing sa kanilang D&D sessions. Stranger Things perfectly uses the game as a metaphor for the real monsters they face.

Retro TVs










Ang malaking kahon na TV na may antena? Classic! Ito ang source ng news, cartoons, at late-night horror movies. Sa show it helps anchor scenes to the timeline—no flat screens, no remotes, just old-school channel switching. They represent the shared family experience of watching television.

Cassette Tapes & Walkman










Most of us nagkaroon ng Walkman like what Max has. That was so classic, noong kausuhan pa nito. I remember mine na dinadala ko pa minsan sa school at sa field trips. Kung meron ka kasing Walkman noon at Sony pa ang tatak, cool kid ka. Naging iconic lalo na dahil kay Max—ang Walkman niya ang literal na nagligtas sa buhay niya. Noong 80s, cassette tapes ang paraan para dalhin mo ang favorite songs kahit saan. Cassette players symbolize personal music freedom.

Christmas Lights










Christmas lights became one of the most iconic visuals in the show, representing hope, communication, and the eerie blending of the supernatural with everyday objects. Hindi lang pang-Pasko—ginamit ni Joyce Byers ang Christmas lights para makipag-usap kay Will na nasa Upside Down.

Michael Jackson - Rockin' Robin

Dustin’s Cap










Ang trucker cap ni Dustin — kulay red, white, at blue — ay isa sa pinakakilalang fashion items ng Stranger Things. It reflects Dustin’s unique charm—optimistic, nerdy, and unforgettable. In the 80s, these retro caps were trendy among kids, teens, and even adults, making them a perfect nostalgic detail. At hanggang ngayon naman may nakikita pa rin akong nagsusuot ng mga trucker caps. 

Trapper Keeper Binder












The Trapper Keeper binder was an iconic school essential in the '80s. With its bold covers, velcro closure, and compartments for papers and pens, it was the ultimate organizational tool—and a fashion statement. Having one meant you were stylish, organized, and keeping up with the trends. I own one, exactly what it looks like from the scene of Steve and Nancy. It really caught my eye, then suddenly I felt nostalgic. Sa mundo ng Stranger Things, perfect itong representasyon ng 80s school culture—organized chaos, bright colors, at teen individuality.

Halley’s Comet Sticker










Noong 1986, sumikat nang husto ang Halley’s Comet, at halos lahat ng bata noon ay may stickers, posters, at kahit notebooks na may comet design. Kapag nakita mo ang Halley’s Comet sticker sa Stranger Things, instant 80s throwback ito—reminder ng panahon na punô ng wonder, science fascination, at school kids na sobrang excited sa astronomical events. It represents childhood curiosity, imagination, and that universal excitement over something you’d only see once in a lifetime.

80’s Colorful Clothing









Nothing screams 1980s nostalgia more than colorful clothing—neon tops, wild geometric patterns, high-waisted pants, oversized jackets, and fashion combos that shouldn’t work but absolutely do. Stranger Things captures this perfectly through the wardrobes of Eleven, Max, and the Hawkins teens. Their outfits represent the boldness and expressive spirit of the decade. Ang 80s fashion ay simbolo ng individuality, confidence, at ang paniniwala na “the brighter, the better.”




Cebu's Heroic Fur Mom of the Year 🥇

 

May mga eksena tayo na sa pelikula lang natin napapanood pero nagbibigay talaga sa atin ng intense feeling ano pa kaya kung naging makatotohanan ang ganung klaseng eksena kakayanin mo kaya kagaya ng isang babaeng taga Mandaue City, Cebu ang nagpakabayani mailigtas lamang ang kanyang mga alagang hayop sa nasusunog na gusali.

Isang nakakatakot na sunog ang nagbigay ng matinding kaba sa buong komunidad—pero sa gitna ng kaguluhan, isang kwento ng tapang, pagmamahal, at kabayanihan ang umangat. Isang furmom ang naging inspirasyon nang unahin niyang iligtas ang kanyang mga alagang aso bago pa man ang sarili niyang pagtakbo sa kaligtasan.


Ayon sa mga saksi, mabilis kumalat ang apoy at lalo pang kumapal ang usok sa loob ng kanilang bahay. At alam nating lahat: hindi ka agad namamatay sa apoy—kadalasan, sa suffocation. Kapag sobrang kapal ng usok, maaari kang mawalan ng malay bago mo pa makita ang mismong apoy. Pero sa kabila ng panganib na iyon, tumindig ang babae at pinili ang tapang sa halip na takot.

Actual video of  the incident

Habang papalapit nang papalapit ang apoy, nagtungo siya sa balcony. Doon, isa-isang kinuha ang bawat aso—matinding init man ang nararamdaman sa apoy, nanginginig, pero determinado. Marahan niyang inilalapit ang mga ito sa gilid ng balcony, habang sa ibaba naman ay nakahanda ang mga kapitbahay at volunteers na sasalo sa kanyang mga furbabies. Isa-isa, ligtas na naibaba ang kanyang mga aso, salamat sa mabilis na pagtugon ng mga taong nandoon.

At kahit halos hindi na siya makahinga mula sa kapal ng usok, hindi siya bumitaw. Hindi siya natakot na mawalan ng malay o matigilan sa pag-alis sa gusali gamit ang maikling hagdanan ng mga bumbero. Hindi siya nagpadala sa pagod o panic. Tumindig siya, huminga nang malalim, at takasan ang nagliliyab ba gusali—buhay, at kasama ang kanyang pinakamamahal na mga alaga.

Matapos mailigtas ang mga aso, tinulungan na rin siya ng mga bystanders at rescuers upang makababa ng ligtas. Sa kabutihang-palad, walang nasaktan—hindi ang babae, at hindi rin ang alinman sa kanyang mga aso.

Foo Fighters - Hero

Marami ang humanga sa kanya. May nagsabi pa nga, “Iba talaga ang pagmamahal ng isang furmom. Sa iba, aso lang yan. Pero sa kanya, pamilya.” Sa gitna ng panganib, pinatunayan niya na ang pagmamahal ay kayang magpabagsak ng takot at mag-angat ng tapang.

Ang insidenteng ito ay makabagbag-damdaming paalala kung gaano kalalim ang koneksyon ng tao at hayop—at kung paanong sa oras ng panganib, may mga taong inuuna ang kapakanan ng kanilang minamahal bago ang sarili.

At sa huli, nagsilbing inspirasyon ang babaeng ito sa Cebu at sa buong bansa. Nakakatakot ang apoy pero mas matindi ang tibok ng pusong handang magmahal at magligtas.

Kung ikaw ang nasa ganitong sitwasyon, kaya mo bang gayahin ang kabayanihan ng babaeng ito para sa kaligtasan ng iyong mga mahal sa buhay, tao man o hayop?




Martes, Disyembre 9, 2025

Nostalgia: A Multivitamins Pill?


Alam mo ba na ang pinaka-interesting na fact tungkol sa nostalgia ay dati itong itinuturing na sakit?  Para daw itong lagnat sa puso. Noong unang panahon, akala ng mga doktor na kapag sobra kang nagbabalik-tanaw, may psychological imbalance ka raw—samantalang sa totoo lang, miss mo lang yung lumang buhay na hindi ka pa nagbabayad ng kuryente. Pero ayon sa modern psychology, nostalgia is actually good for you. Para siyang multivitamins ng emosyon: nagpapalakas ng mood, nagpapababa ng stress, at minsan pa’y nagbibigay ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay. Hindi mo man mapapansing may pakinabang pala yung pagngiti mo habang naaalala mong sinubukan mong maligo noon sa malaking drum na punong-puno ng tubig o yung alaalang inilagay ka ng nanay mo sa batsa dahil pinasok ng baha ang buong buhay mo, kapag naalala mo ang mga bagay na yun ay bigla kang mapapa-instant ngiti. At ang mas nakakatuwa? Hindi natin kailangan ng malaking dahilan para ma-trigger ito. Kahit simpleng amoy ng nag-mumura pang pandesal, tunog ng lumang ringtone, o pagkakita ng tsinelas mong may “bakbak corner”—ayun, balik ka na agad sa panahon na ang problema mo lang ay bakit ang bilis maubos ng teks dahil lagi kang natatalo sa laro. Kaya ayan, ang nostalgia—dati raw sakit, ngayon pampagaan ng loob. Sana lahat ng sakit ganun kadaling maging comfort.

Isa pang nakakatuwang fact tungkol sa nostalgia: hindi lang pala ito tungkol sa pag-alala—pangmalakasang emotional DJ din ito ng utak. Kapag may naaalala kang masayang memorya, nagre-release ang brain mo ng feel-good chemicals tulad ng dopamine. Kaya pala kapag naaalala mo yung unang beses mong binilhan ng mama mo ng Happy Feet, pakiramdam mo biglang gumaan ng pakiramdam kahit overdue na yung bills niyo.

At eto pa—hindi daw tayo nagno-nostalgia kapag bad mood lang. Minsan, nangyayari ito dahil masaya tayo. Parang celebration ng utak na, “Uy, okay buhay mo ngayon… pero naaalala mo ba yung sarap ng childhood mo?” Kaya pala habang masaya ka sa inuman, bigla mong ikukuwento yung crush mong katabi mo sa flag ceremony noon.

May isa pang kaaliw-aliw: ang nostalgia ay universal. Hindi mo kailangan maging millennial, Gen X, o batang 90s para maramdaman ito. Kahit Gen Z ngayon, nagno-nostalgia na sa era ng K-zone, Friendster, at Touch Mobile; samantalang tayo naman, nagno-nostalgia sa panahon ng teks, tirador, at Sunny Orange juice. Ika nga, walang pinipiling edad ang lungkot-saya ng pag-alala.

At ang pinaka-swak na fact: nakakatulong ang nostalgia sa identity mo. Yup, yung simpleng pag-alala mo sa lumang tropa, first school crush, o paboritong laruan mo—yan ang bumubuo sa “ikaw” ngayon. Emotional scrapbook kumbaga. Kaya pala minsan, kahit alam mong cringe yung mga pinaggagawa mo nung elementary, hindi mo pa rin mabitawan—kasi bahagi ‘yon ng naging kwento mo, kung sino ka talaga. 

Itchyworms - Ayokong Tumanda

Sa madaling salita, ang nostalgia ay hindi lang trip down memory lane—life hack din siya para maalala mong minsan, naging bata ka ring masaya, walang iniisip, at naniniwalang pwedeng maging hotdog ang hotdog sandwich mo kapag sinawsaw mo sa ketchup.

At siyempre, hindi kumpleto ang usapang nostalgia kung hindi natin isasama ang Gen Z, ang henerasyong mas bata pero parang may senior citizen card pagdating sa pag-aalala ng nakaraan. Totoo—nostalgic na rin sila, kahit 2010s lang ang childhood nila. Pero huwag maliitin! May sariling flavor ang Gen Z nostalgia.

Para sa Gen Z, ang nostalgia ay amoy bubblegum ng 90s pero puwede na ang mga tattoo, tunog ukulele cover ng mga OPM hits, at visuals na parang washed-out Instagram filter noong 2014. Nagno-nostalgia sila sa Touchscreen-Era Childhood—mga panahon ng Flappy Bird, Vine, Musical.ly, at yung panahong buo pa ang One Direction. At nakakatawa pa dito, mas mabilis ata silang tamaan ng nostalgia kaysa sa ibang henerasyon. Isang kanta lang ni Taylor Swift bigla silang magtatype ng “I miss 2016” kahit kagabi lang naman sila masaya.

Pero ang pinaka-interesting? Gen Z treats nostalgia like an aesthetic. Hindi lang memorya—branding din. May “retro 90s,” “early 2000s,” “2014 Tumblr era,” at “pre-pandemic vibes.” Kung tayo, nagno-nostalgia dahil naaamoy natin ang pandesal na bagong hurno, sila naman nagno-nostalgia dahil nakita nila sa TikTok yung lumang layout ng Friendster at biglang nalungkot. 

At sa huli, pare-pareho lang pala tayo. Boomers, Millennials, Gen Z—lahat tinatamaan ng nostalgia kapag pagod na sa buhay. Ang kaibahan lang? Iba-iba ang trigger, pero iisa ang pakiramdam: yung biglang nagiging kumot ang alaala, at kahit sandali, feeling mo safe ka ulit.




Bakit Natin Nararamdaman Ang Nostalgia, At Ano Ang Mga Sanhi o Nagti-trigger nito?

 

Nostalgia, ano nga ba ito?

Nararamdaman natin ang Nostalgia dahil para tayong may built-in time machine sa utak—yung tipong kahit isang amoy lang ng lumang notebook, pabango o sigaw ng naglalakong “tahooo!” ay kaya tayong inihahagis pabalik sa panahon na mas simple, mas payapa, at mas mura (talaga) ang mga bilihin para sa Noche Buena. Kapag tinamaan ka ng nostalgia, hindi lang alaala ang bumabalik—pati yung pakiramdam. Biglang nagiging mas mabagal ang mundo, parang nanonood ka ng montage ng sarili mong buhay na may background music na tunog early 90s or 80s OPM acoustic, o yung mga sikat na MTV videos na napapanood mo sa MYX Channel sa Studio 23. At ano ba ang mga trigger? Aba’y napakarami! Minsan isang kanta lang na tumugtog sa jeep, isang lumang laruan na nakita mo sa ukay na katulad ng sayo noong musmos ka pa na regalo ng mga magulang mo, isang teacher’s remark na “Pass your papers,” o kahit amoy ng binibiling pandesal sa umaga. Lahat ‘yan may kakayahang magbukas ng memory vault mo. Pero bakit tayo ganito? Dahil ang nostalgia ay parang mental comfort food—hindi mo naman sinasadyang kainin, pero pag natikman mo, bigla kang napapangiti. It reminds us of a time we felt safe, loved, or simply less stressed. Kaya ayun, tuwing may simpleng bagay na kumalabit sa memorya natin, bumabalik tayo sandali sa nakaraan para magpahinga. At sa totoo lang, sa dami ng problema sa adulting, minsan kailangan din nating balikan ang panahon na ang pinakamalaking dilemma lang natin ay kung bibili ba tayo ng teks o ng Choki-Choki.

Nararamdaman natin ang nostalgia dahil para tayong mga taong may sariling “emotional USB”—punô ng matatamis, nakakahiya, at minsan nakakaiyak na files ng ating nakaraan. Kapag may nag-trigger, automatic siyang nag-o-open kahit hindi mo naman double-click na parang function ng mouse to open many files in one folder. At bakit nga ba ganito? Dahil ang utak natin ay likas na storyteller at mainam na rekorder kumpara sa mga totoong recorder devices ang puso at isipan pa rin ang number 1 recorder ng aing mga memorya dahil nabubura lamang ang mga 'to kapag ikaw ay lumisan na sa mundo. Tinatandaan nito hindi lang ang nangyari, kundi kung paano natin narinig, naamoy, nalasahan, at naramdaman ang mga ito. Kaya kapag naamoy mo alimuom sa tabi ng bintana ay parang bumabalik sayo ang mga alaala na gusto mong magpaalam kay nanay para maligo sa ulan, biglang bumabalik yung mga hapon sa probinsya na nanginginain sa sala ang mga tito mong walang ginawa kundi mag-kwento ng “Noong panahon namin…” Ang mga radyong transistor sa tahimik na umaga sa probinsiya, ang mga nilulutong ihaw habang naghihintay ka ng pagkain sa lamesa't minamasdan ang tatay mong nagkukumpuni ng kung anu-anong appliances na sira tuwing Linggo. 

Chris Cornell - Patience

Ano pa ang mga trigger? Sensory memories—amoy ng newly cut na damo, tunog ng lumang ringtone ng Nokia, tambay sa hapon sa tabi ng ilog na parang eksena sa “Tabing Ilog.” Emotional memories—kapag nakita mo yung laruan na hindi mo nabili noon, o yung lumang school ID mong nakaipit sa lumang kahon. Social memories—kapag nakita mo sa Facebook na may batch reunion na naman pero wala ka pa ring natutupad na pangarap. At syempre, food triggers—kasi isang kagat lang ng monay na may Reno liver spread, tapos na ang laban. Isama na natin diyan ang mga pabango na nagbibigay ng libu-libong alaala sa amoy nito. Diyan natin nararamdaman lahat ng nostalgia. 

At bakit ba tayo madaling tamaan ng nostalgia? Simple: dahil palagi nating hinahanap yung mga panahong ang buhay ay hindi pa tungkol sa bills, deadlines, at “seen” na chat. Nostalgia serves as a soft pillow na pinapatong natin sa noo kapag sobrang bigat na ng araw. Ito yung paraan ng utak natin para sabihing, “Uy, may mga masayang nangyari sa’yo. Relax lang.” Kaya kapag bigla kang ngumiti habang nakikinig ng Smokey Mountain o kay Tootsie Guevarra habang nakakita ng old bangketa tiles sa Quiapo, huwag kang magtaka. Hindi ka weird. Tao ka lang. At minsan, kailangan mo talagang bumalik sandali sa nakaraan para kayanin ang present—at para maalala kung gaano karami nang napagdaanan mo.




Linggo, Disyembre 7, 2025

A Perfect Christmas

 

🎵 My idea of a perfect Christmas is to spend it with you ðŸŽµ

May mga kantang hindi mo lang basta naririnig—nararamdaman mo rin. At para sa akin, si Jose Mari Chan ang may hawak ng pinaka-makapangyarihang “time machine” sa OPM Christmas music. At kung may isang kanta niya na itinuturing kong paborito, iyon ay “A Perfect Christmas.”

Bakit?

Kasi hindi ito tungkol sa mamahaling regalo, bonggang handaan, o makukutitap na dekorasyon. Ang laman ng kanta ay simple: ang longing, ang sincerity, at ang taos-pusong hangarin na makasama ang mga taong mahal mo tuwing Pasko. At para sa isang batang lumaki noong 90s, doon umiikot ang mundo — sa pamilya, sa munting handaan, sa lumang TV, sa parol na gawa sa cellophane na nilagyan ng bombilyang pang-ilaw, sa regalong naka-wrap sa recycled Christmas wrapper, at sa inasam-asam na araw na magkakasama ang lahat.

Kaya halina't himayin natin ang bawat linya ng kanta. Bawat lyrics, iugnay natin sa mga Christmas memories na tumatak sa ating pagkabata.

My idea of a perfect Christmas
Is to spend it with you
In a party or dinner for two
Anywhere would do
Celebrating the yuletide season
Always lights up our lives
Simple pleasures are made special, too
When they're shared with you

Looking through some old photographs
Faces and friends, we'll always remember
Watching busy shoppers rushing about
In the cool breeze of December
Sparkling lights all over town
Children's carols in the air
By the Christmas tree
A shower of stardust on your hair

I can't think of a better Christmas
Than my wish coming true
And my wish is you'd let me spend
My whole life with you

Looking through some old photographs
Faces and friends, we'll always remember
Watching busy shoppers rushing about
In the cool breeze of December
Sparkling lights all over town
Children's carols in the air
By the Christmas tree
A shower of stardust on your hair

I can't think of a better Christmas
Than my wish coming true
And my wish is you'd let me spend
My whole life with you

My idea of a perfect Christmas
Is spending it with you

Jose Mari Chan - A Perfect Christmas

“My idea of a perfect Christmas is to spend it with you.”

Simpleng linya, pero tumatama diretso sa puso. Noong 90s, hindi kumpleto ang Pasko kapag hindi kumpleto ang pamilya. Kahit may tatay na OFW, nanay na uuwi pa galing trabaho, o kapatid na galing school party — basta't dumating ang gabi ng December 24, parang magic na bigla kayong magkakasama sa iisang mesa. Yun na ang “perfect Christmas.” In Pinoy culture, family is important specially bonding in the Christmas season. Ito ang gugustuhin mo bilang Pinoy. Dito nagkakasama sama ang pamilya, nagkakalimutan ng mga ginawang kasalanan sa bawat isa kung meron man at nagkakapatawaran sa araw mismo ng Kapaskuhan. 

“In a party or dinner for two, anywhere would do”

Hindi kailangan ng magarbong venue. Sa Pilipinas noong 90s, ang “party” madalas nasa sala lang — may monoblock chairs kapag kinulang ang upuan sa sofa, isang mesa na may mantel na may Christmas theme ang design, at kung swerte, may spaghetti, lumpiang Shanghai, keso de bola at hamon na galing sa gift pack ng kumpanya ni Papa. At kung magkasama kayo kahit saan — kahit maliit lang ang bahay basta sama-sama, Pasko na.

“Celebrating the Yuletide season always lights up my life”

Sa 90s, literal na “light up” ang nangyayari — dahil sa Christmas lights na umiilaw-ilaw pero proud na proud kang naka-display. Iba ang tanglaw ng Pasko sa mga Pilipino specially in the 90s. May kakaibang lamig ang hangin at galak na damdamin ang bawat isa sa tuwing sasapit ang Pasko.

At habang lumalaki ka, naiintindihan mong hindi ilaw ang nagpapasaya kundi yung mismong feeling ng Pasko: bakasyon, aguinaldo, reunion, mga bagong damit at laruan, ang vibe ng Simbang Gabi, at syempre, walang pasok at nakapahinga ang lahat. 

“Simple pleasures are made special too”

Ito ang Paskong Pinoy noong 90s — simple pleasures talaga ang bumubuo sa kabuuang saya.Yung mga bagay na ngayon ay “ordinary” lang, pero noon, parang jackpot na:
  • Yung Fruit Salad na isang beses sa isang taon mo lang natitikman
  • Yung bagong T-shirt na kasama sa pamasko ng ninang
  • Yung jumbo hotdog sa Noche Buena na may kasama pang katusok na marshmallow
  • Yung Disney CD na pinapabalik-balik sa VCD player
  • Yung Christmas party na may bring-me, hep-hep hooray, at munting gift exchange
  • Di mawawala ang agawang barya pagsapit ng alas-dose
Noong 90s, maliit lang ang mundo, pero ang kaligayahan malaki. At kahit simple, nagiging espesyal… dahil Pasko.

“When they’re shared with you”

Ang sikreto ng mga alaala ng Paskong 90s? Kasama mo sila. Pamilya mo. Kaibigan mo. GF or BF mo. Mga pinsan mong kabonding buong Christmas vacation. Kahit simpleng pagkain ng chocnut, pagbukas ng pulang sobre na may 20 pesos, o panonood ng fireworks sa kalye — nagiging hindi malilimutan dahil may kasama kang tumawa, kumain, at maghintay ng Pasko.

Noong 90s, hindi mo pa alam ang salitang “quality time,” pero araw-araw mo itong nararanasan. Ang saya ay hindi dahil bongga ang Pasko —kundi dahil may taong kakapitan, tatawanan, makakasama at makakausap.

“Looking through some old photographs”

Ito ang isa sa pinakanostalgic na linya ng kanta—parang biglang bumubukas ang isang photo album na amoy lumang papel. Noong 90s, wala pang social media. Ang mga alaala, hindi naka-upload. Naka-develop sa film. Napakamahal noon ang magpa-develop ng pictures at mahal din ang film. Kung masinop ka malamang naka-save lahat ng photos sa isang picture album and you'll be happy to take a look back at those photos kung nais mong makaramdam ng nostalgia o di kaya ay bigla na lang papatak ang luha ng hindi mo alam dahil sa mga pictures na yun may isa, dalawa o tatlo dun na hindi niyo na makakasama pa sa Pasko. 

At kapag nagsimula ka nang tumingin sa mga lumang larawan:
  • Yung family picture sa harap ng Christmas tree at kumukuti-kutitap na Christmas lights sa background ng bintana.
  • Yung group photos ng magkakapitbahay na nakapila sa harap ng sari-sari store
  • Yung larawan ninyong magkakaklase noong Christmas party, hawak ang munting regalo mula sa exchange gift
  • Yung shot na medyo blurred dahil galaw ang camera ng tito mong laging photographer

Bigla mong mararamdaman na ibang klaseng saya ang dala ng lumang litrato — hindi dahil perfect ang kuha, kundi dahil tunay ang moment.

“Faces and friends, we’ll always remember”

Sa bawat lumang litrato, may mga mukhang nagsasabing: “Ganito tayo dati. Ganito kasaya ang Pasko, Sana ganito ulit." Yung mga friends mo noong 90s — mga kalaro sa kalye, mga ka-church sa Simbang Gabi, mga kalaro na nagkakaroling at sabay-sabay nagpasalamat dahil nabigyan kayo ng instant barya sa pangangaroling, “Thank You, Thank You, Ang Babait Ninyo, Thank you!"

At kahit nagbago na ang lahat — nag-iba na ang syudad, nagkalayo-layo na kayo — dala ng litratong iyon ang tanong na:

“Grabe, paano tayo naging ganun kasaya nang ganoon kasimple?”

At doon mo marerealize na totoo ang sinasabi ng kanta: may mga taong kahit hindi mo na nakakasama, hindi mo malilimutan.

“Watching busy shoppers rushing about”

Ito ang eksenang quintessentially Pinoy tuwing 90s Christmas—ang mall na punô ng tao pero punong-puno rin ng saya. Kapag December, parang lahat ng tao nagmamadali: si Mama na may listahan ng exchange gifts, si Papa na naghahanap ng sale sa appliance store, mga batang nakapila sa Gift Gate para tumingin ng Sanrio, Hello Kitty stuff toys at kung anu-ano pang 90s things, mga tita sa Divisoria habang lumalaban sa dagsa ng tao para makabili ng murang regalo, at mga shoppers na may bitbit na SM, Rustan’s, o Shoemart plastic bags. Sa 90s, ang pagmasdan ang mga taong abalang-abala sa mall ay parang bahagi na ng Christmas tradition. At habang nakaupo ka sa bench, kumakain ng hotdog on stick o ice scramble, mapapaisip ka: “Ganito pala talaga ang Pasko—masikip, magulo, pero masaya.”

“In the cool breeze of December”

Sa Pilipinas, bihira ang “cool breeze,” pero tuwing December may kakaibang lamig na dumarating—hindi yung lamig ng aircon kundi yung lamig ng tunay na Paskong Pinoy. Noong 90s, naka-jacket ka kahit hindi naman talaga kailangan, naka-bonnet ang mga bata kahit nasa Pilipinas lang, at ramdam mong malamig ang umaga tuwing aattend ka ng misa sa Simbang Gabi. Pagdating ng gabi, may simoy ng hangin na amoy usok ng hamon, puto bumbong, at kapitbahay na nagsa–soundtrip ng Silent Night. Sa simpleng pag-ihip ng hangin, bigla mong nararamdaman ang halo-halong excitement, lungkot, saya, at pag-asa. Parang sinasabi ng December breeze, “Andito na ulit ang Pasko. At may mga alaala na naman tayong mabubuo.”

“Sparkling lights all over town”

Sa Pinas noong 90s, ibang klase ang saya kapag nagsimula nang magliwanag ang buong bayan. Kahit hindi sosyal ang dekorasyon, basta kumukutitap — Pasko na. Makikita mo ang Christmas lights na paulit-ulit lang ang blink mode, minsan naka-short pa, pero ang saya pa ring panoorin. Ang mga poste ng kalsada may parol na gawa sa capiz, ang mga bahay naka-display ang parol na may Christmas bulbs sa loob, at ang mga tindahan may makukulay na dekorasyon kahit stencil lang ng Santa na dinikit ng masking tape. Kahit simpleng ilaw lang, parang buong mundo mo nagliwanag — at bilang batang 90s, doon mo naramdaman ang unang bugso ng excitement ng Pasko.

“Children’s carols in the air”

At siyempre, kasabay ng mga ilaw ang tunog ng pangangaroling. Noong 90s, literal na may “children’s carols in the air” dahil gabi-gabi, may dumaraan na grupo ng bata-batang may dalang tansan na nakapulupot sa alambre, ginawang tambourine. May improvised drums na gawa sa lata ng biscuits o lata ng Nido. Kakanta sila ng “Sa maybahay ang aming bati” o “Ang Pasko ay Sumapit,” sabay katok sa gate ninyo. At kapag binigyan mo sila ng barya, yung saya nila parang nanalo sa raffle. Ang simpleng tunog ng mga batang nangangaroling — minsan sintunado, minsan sabog ang ritmo — ay naging tunog ng Paskong Pilipino na hindi mo makakalimutan.

"By the Christmas tree"

Noong 90s, ang Christmas tree ang sentro ng buong bahay — yung common na green Christmas tree sabay sasabitan ng mga Christmas ornaments at malaking star sa tuktok ng Christmas tree with pinalibutan na Christmas lights yan ang Christmas tree ng mga Pinoy. Minsan nakaipit pa ang mga Christmas balls na natanggal ang hook kaya tinatali ng sinulid. Ang star sa tuktok, minsan luma na, pero mahalaga pa rin kasi iyon ang grand finale ng Christmas setup. Sa tabi ng Christmas tree ginagawa ang halos lahat ng holiday moments: family picture, pagbubukas ng regalo, taguan ng surprises, at minsan, tambayan mo lang habang iniikot mo ang Christmas lights na feeling mo ikaw ang nag-install sa COD department store window display. Sa simpleng pagtayo sa tabi ng puno, ramdam mo na agad: “Pasko na talaga.” Nakapaligid na rin sa ilalim ng Christmas tree ang maraming regalong iba't-ibang kulay at disenyo ang wrapper. 

“A shower of stardust on your hair”

Ito yung poetic na paraan ng pagsabi na ang lahat ay mas maganda, mas magical, kapag Pasko. Noong 90s, literal minsan nagkakaroon ka ng “stardust”—yung mga kumikinang na glitters galing sa lumang Christmas decorations, o yung mga natanggal na kinis-kintab sa parol at napunta sa buhok mo. Pero higit doon, ito yung glow na dala ng ilaw ng Christmas tree, tumatama sa buhok ng isang tao habang nakangiti silang nagbubukas ng regalo, tumatawa kasama ang pamilya, o naglalaro sa sala. Sa sandaling iyon, parang lahat kayo nasa ilalim ng munting Milky Way ng Christmas lights—at ang simpleng glow na iyon ay nagiging alaala na dadalhin mo habang-buhay. Sa 90s, hindi kailangan ng filter, lighting setup, o DSLR. Basta Christmas tree lights lang at masayang Pasko, magical na ang mundo.

“Watching busy shoppers rushing about / In the cool breeze of December”

Noong 90s, isa sa pinakamasarap pagmasdan tuwing Pasko ang mga taong nagmamadali sa mall—lahat may bitbit, may listahan, may hinahanap. Kita mo si Mama na may papel na puno ng pangalan para sa exchange gifts, si Papa na sumisilip sa appliance section baka may sale sa karaoke o electric fan, Habang naglalakad ka sa loob ng mall o nakaupo sa bench, mararamdaman mo ang malamig-lamig na simoy ng December—hindi man snow, pero sapat para maramdaman mong espesyal ang panahon. Sa bawat hagod ng hanging iyon, kasabay ng ingay ng mga taong nag-uunahan sa cashier, bigla mong naiisip na ganito talaga ang Pasko sa Pilipinas: magulo, matao, maingay, pero puno ng buhay, kulay, at hindi mapantayang saya. Tanda ko pa noon tatlong araw bago mag Pasko ay isinama ako ni nanay na mag-grocery sa Uniwide Sales sa Paranaque napakanostalgic nun kasi ngayon wala na yung Uniwide sales mga bandang 1993 or 1994 yun eh then habang naglalakad lakad kami sa mga hallway ng bawat grocery products ang himig ng malakas na tugtog sa loob ng grocery store ay yung "Sleigh ride" ng Boston Pops. Bilang musmos, napakasaya ng puso ko noon. 

Sa bawat linya ng “A Perfect Christmas,” buhay na buhay ang Paskong Pilipino—simple, masaya, at puno ng pagmamahal.

Ito ang dahilan kung bakit ito ang paborito kong OPM Christmas song: hindi lang ito kanta, kundi alaala — alaala ng Paskong puno ng family bonding, keso de bola, hamon, fireworks, tawa, at mga taong nagbibigay ng tunay na kahulugan sa salitang Pasko.

Kung may kanta mang nakakabalik sa pinakamasayang panahon ng ating kabataan, ito yun. At sa bawat December, muling bumabalik ang boses ni Jose Mari Chan para sabihing:

“My idea of a perfect Christmas is to spend it with you.” 🎄✨




Ano Ang Paborito Niyong Subject? - Recess!

 

Ikaw anong paborito mong subject? Recess din ba?

Riiiiing! Recess na—at para bang preskong hangin sa loob ng klasrum ang unang nakahinga nang maluwag.

Sa likod ng silid, naghihintay ang baunan kong matagal ko nang kaibigan, tila isang maliit na lihim na mundo na bubuksan ko muli.

Tinatanong ka noon: “Anong paborito mong subject?”
At lagi mong sagot, sabay tawa: “Recess!”
Walang batang Pinoy na hindi gumamit ng joke na ‘yan—, isang katotohanang hindi kailanman maitatanggi. 

Sa araw-araw na buhay-eskwela, may iilang sandali na tunay na sinasamba: recess, lunch time, at syempre, uwian. Pero noong mga panahong masaya pa ang buhay bilang estudyante , recess lang ang hari— ‘Yung tunog ng bell na parang bugso ng kalayaan. Agad-agad lalabas ang mga bata, pare-parehong nakapila, kamay sa likod, papuntang CR. Pagbalik sa silid, sabay-sabay na pag-unlock ng mga baunan— at biglang nagiging piyesta ang simpleng klasrum.

Red ang baunan ko noon, hawig-attache case. May disenyong Kitkat na padala pa sa akin ni erpats galing Saudi.  Pero ang laman? Hansel. Minsan Rebisco. Hindi ko naman talaga type yung iba, kaya madalas kong ipinamimigay. Masarap sana ang Hansel kaso kapag nginuya mo na ay nakakahirin.  May ngiti namang kapalit—parang maliit na pakikipagkaibigan na hindi na kailangan pang pag-usapan. At aminado ako: naaakit ako sa magagandang baunan ng kaklase. Para bang kapag cute ang design, garantisadong masarap ang laman.

Kaya tuwing recess, para akong food inspector ng grade school—nag-iikot, nakisilip, umaasang may maamoy na kakaibang sarap. At nandoon sila, ang mga alamat ng baon ng dekada nobenta:
  • Knick-Knacks ang korteng isda na biscuit with coated chocolate. Champion para sa aming mga bata yan,
  • Marie biscuit na masarap isawsaw sa baon mo ding gatas.
  • Mr. Chips ng Jack N Jill ang isa sa mga sikat na tsitsirya noon dahil sa first time na nalasahan ng 90s kids ang Nacho cheese. 
  • Orange jelly candy o yung Orange swits na binudburan ng asukal na hanggang ngayon ay inilalako pa rin naman sa mga tindahan at sa mga nagtitinda na sumasampa sa bus. 
  • Roller Coaster na produkto rin ng Jack N Jill na may kakaibang sarap din at swak sa panlasa naming mga batang kalye ng 90s
  • Di mawawala ang Magnolia Chocolait na the best chocolate drink lalo na kung malamig pa kapag inabutan ng recess at kapag ubos na ay hinihipan namin muli ang karton para magkahangin sabay tatapakan namin yun ng malakas na parang may pumutok. 
  • Sa mga juice lovers naman nariyan ang Zest-O, Hi-C at kung may kaya ang budget yung ZAP orange na korteng triangle ang packaging na kailanman ay hindi mawawala sa listahan sa mga baon kapag recess.
At sa gitna ng simpleng baon, simpleng kagat, simpleng tawa, doon natin unang natutunan na ang buhay-eskwela ay hindi lang tungkol sa aralin. May lugar din para sa gutom, sa tawanan, sa pakikipagkaibigan—sa maliliit na bagay at yun naman ang importante. 

Kinse minutos lang ang recess noon—isang kisapmata lang kung tutuusin. Pero sa puso ng batang sabik sa kwentuhan at kulitan, sapat na iyon para maging isang maliit na uniberso. Sa loob ng 15 minutos, ang dami nang puwedeng mangyari:

May makukwentuhan ka tungkol sa Regal Presents kagabi—yung takutan, yung thrill ng kwentuhan at yung acting at expression ng mukha ng nagkukuwento. 

What’s your favorite subject? Recess!”
Sino ba naman ang di nakapagsabi niyan, o kahit minsan ay nahiya pang amining totoo ang biro? May ilan na nagmamatigas, ginagawang lehitimo ang sagot: “P.E.!” — oo nga naman, subject talaga sa skul. Pero kahit gaano pa kaganda ang palusot, wala pa ring tatalo sa tunay na sagot: ang recess. Sapagat ang recess, walang titser na naghihintay, walang blackboard na sinusulatan, walang quiz na biglaan. Ang meron lang ay kalayaan— kalayaang kumain ng baong paborito mo, magdaldalan na parang walang bukas,  o gawin ang kahit anong nagbibigay-saya sa puso mo bilang bata. 

Sa loob ng ilang minutong iyon, ang mundo ay sa’yo—walang grado, walang utos, puro tawa, kwento, at ang simpleng saya ng pagiging bata.

Ang baon ko rin talaga noon eh Hansel at Hi-C. Ang sarap ng hansel eh! Ang lambot ng biskwit niya na pagkasubo mo pa lang parang natutunaw na sa laway mo pero kapag naparami ka katulad ng sabi ko kanina nakakahirin kaya higop agad ako sa Hi-C orange ko. Bad trip ako ‘pag Chokies na orange yung filling ang baon ko. Tsokolate yung biskwit tapos orange flavor yung filling?! Puchang kombinasyon yan! Pero sumikat pa rin talaga eh. Inggit rin talaga ko sa mga kaklase kong may baon na Magnolia Chocolait. Dabest na inumin yun eh! Pero bihirang bihira lang akong makapagbaon nun kasi mahal eh hindi tulad ng Zesto.

Juan Dela Cruz - Kainan Na, Chibugan Na

Nang magsimula akong magbaon ng kanin, simpleng square na Tupperware lang ang gamit ko—walang espesyal na compartment para sa kutsara’t tinidor, walang divider para paghiwalayin ang kanin at ulam. Isang lalagyan lang: kanin sa ilalim, ulam sa ibabaw, tapos na.

Kaya tuwing makakakita ako ng kakaibang baunan ng kaklase, napapa-“wow” talaga ako. Lalo na noong unang beses kong masilayan ang tatlong magkakapatong na stainless steel na bilog na baunan ng kaklase ko. “Ang lupet naman nun!” sabi ko sa sarili ko, halos humanga na parang nanonood ng sci-fi.

Adjustable pa—puwedeng dalawang palapag lang kung kaunti ang baon, tatlo kung parang fiesta ang laman. Matagal kong hinangad magkaroon ng gano’n, pero hindi natupad. Hindi kasi yun ang trip ni nanay bilhin kapag humihiram siya ng brochure ng Tupperware sa kapitbahay, ang gusto niya ay yung mga lalagyan ng salad bowl.

Kaya bilang konsolasyon, tuwing matatapos kumain ang may-ari, ako na ang nagvo-volunteer na mag-assemble. Pinagpapatong ko nang maingat, sabay klak!  klak! Naka-lock na ang stainless na tore—at ako, masaya na para bang ako mismo ang may-ari.

Pagkatapos kumain, alam na—oras na para maglaro!Mataya-taya, bato-bato-piks, taguan, dampa—isang buong arcade ng larong kalye sa loob lang ng paaralan.

At pagbalik sa klasrum? Pawis-pawis, hingal, at amoy-araw. Maliban na lang sa mga “nerd” at mama’s boy na laging preskong-presko, kasi naka-upo lang sila sa canteen, tahimik at hindi nagpapagod.

Ako? Siyempre isa sa mga nagpapa-cool. Binubuksan ko pa ang polo habang naglalaro, para makita ang naka-tuck in kong sando at shorts na akala ko noon ay sobrang astig na para bang mga goons sa pelikula ni FPJ. May goma akong bracelet—pang-depensa sa dampa, pang-porma na rin.

At yung panyo ko?  Basa na sa pawis, pero pinapahid ko pa rin sa braso ko, na lalo lang basang-basa. Masarap paikutin, masarap ipitik—lalo na’t mabigat at mamasa-masa na. Kapag kumalabit ang dulo n’yan sa balat ng kaklase mo, lagitik talaga. Kung gaano kasarap pakinggan, ganoon din karaming napapaiyak at nagsusumbong sa titser dahil sa malupit na “panyo attack” na ‘yon.

Hindi rin naman nagpapahuli ang mga babae—kanya-kanya din silang may dalang Chinese garter, handang makipagpaligsahan sa ten-twenty. At kapag sobrang taas na ng garter, wala nang pakialam kung sumisilip na ang mga panty nilang laging pink o yellow—mukhang iyon talaga ang pambatang kulay noong panahon natin.

Siyempre, hindi kami papahuli sa pang-aasar. Makikisali kami bigla sa gitna, tatalon-talon na parang marunong din, kunwari magti-ten-twenty, pero ang totoo’y manggugulo lang at magpapatawa.

Please fall in line! Find your height!

Ayun na si titser. Tapos na ang kasiyahan. Isasara ko na ang polo ko— hudyat na balik-eskwela na ulit mula sa maikling mundong tinawag nating recess. Bukas ulit!




Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads