Huwebes, Disyembre 11, 2025

Cebu's Heroic Fur Mom of the Year 🥇

 

May mga eksena tayo na sa pelikula lang natin napapanood pero nagbibigay talaga sa atin ng intense feeling ano pa kaya kung naging makatotohanan ang ganung klaseng eksena kakayanin mo kaya kagaya ng isang babaeng taga Mandaue City, Cebu ang nagpakabayani mailigtas lamang ang kanyang mga alagang hayop sa nasusunog na gusali.

Isang nakakatakot na sunog ang nagbigay ng matinding kaba sa buong komunidad—pero sa gitna ng kaguluhan, isang kwento ng tapang, pagmamahal, at kabayanihan ang umangat. Isang furmom ang naging inspirasyon nang unahin niyang iligtas ang kanyang mga alagang aso bago pa man ang sarili niyang pagtakbo sa kaligtasan.


Ayon sa mga saksi, mabilis kumalat ang apoy at lalo pang kumapal ang usok sa loob ng kanilang bahay. At alam nating lahat: hindi ka agad namamatay sa apoy—kadalasan, sa suffocation. Kapag sobrang kapal ng usok, maaari kang mawalan ng malay bago mo pa makita ang mismong apoy. Pero sa kabila ng panganib na iyon, tumindig ang babae at pinili ang tapang sa halip na takot.

Actual video of  the incident

Habang papalapit nang papalapit ang apoy, nagtungo siya sa balcony. Doon, isa-isang kinuha ang bawat aso—matinding init man ang nararamdaman sa apoy, nanginginig, pero determinado. Marahan niyang inilalapit ang mga ito sa gilid ng balcony, habang sa ibaba naman ay nakahanda ang mga kapitbahay at volunteers na sasalo sa kanyang mga furbabies. Isa-isa, ligtas na naibaba ang kanyang mga aso, salamat sa mabilis na pagtugon ng mga taong nandoon.

At kahit halos hindi na siya makahinga mula sa kapal ng usok, hindi siya bumitaw. Hindi siya natakot na mawalan ng malay o matigilan sa pag-alis sa gusali gamit ang maikling hagdanan ng mga bumbero. Hindi siya nagpadala sa pagod o panic. Tumindig siya, huminga nang malalim, at takasan ang nagliliyab ba gusali—buhay, at kasama ang kanyang pinakamamahal na mga alaga.

Matapos mailigtas ang mga aso, tinulungan na rin siya ng mga bystanders at rescuers upang makababa ng ligtas. Sa kabutihang-palad, walang nasaktan—hindi ang babae, at hindi rin ang alinman sa kanyang mga aso.

Foo Fighters - Hero

Marami ang humanga sa kanya. May nagsabi pa nga, “Iba talaga ang pagmamahal ng isang furmom. Sa iba, aso lang yan. Pero sa kanya, pamilya.” Sa gitna ng panganib, pinatunayan niya na ang pagmamahal ay kayang magpabagsak ng takot at mag-angat ng tapang.

Ang insidenteng ito ay makabagbag-damdaming paalala kung gaano kalalim ang koneksyon ng tao at hayop—at kung paanong sa oras ng panganib, may mga taong inuuna ang kapakanan ng kanilang minamahal bago ang sarili.

At sa huli, nagsilbing inspirasyon ang babaeng ito sa Cebu at sa buong bansa. Nakakatakot ang apoy pero mas matindi ang tibok ng pusong handang magmahal at magligtas.

Kung ikaw ang nasa ganitong sitwasyon, kaya mo bang gayahin ang kabayanihan ng babaeng ito para sa kaligtasan ng iyong mga mahal sa buhay, tao man o hayop?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads