Sa Pilipinas, bihira ang “cool breeze,” pero tuwing December may kakaibang lamig na dumarating—hindi yung lamig ng aircon kundi yung lamig ng tunay na Paskong Pinoy. Noong 90s, naka-jacket ka kahit hindi naman talaga kailangan, naka-bonnet ang mga bata kahit nasa Pilipinas lang, at ramdam mong malamig ang umaga tuwing aattend ka ng misa sa Simbang Gabi. Pagdating ng gabi, may simoy ng hangin na amoy usok ng hamon, puto bumbong, at kapitbahay na nagsa–soundtrip ng Silent Night. Sa simpleng pag-ihip ng hangin, bigla mong nararamdaman ang halo-halong excitement, lungkot, saya, at pag-asa. Parang sinasabi ng December breeze, “Andito na ulit ang Pasko. At may mga alaala na naman tayong mabubuo.”
“Sparkling lights all over town”
Sa Pinas noong 90s, ibang klase ang saya kapag nagsimula nang magliwanag ang buong bayan. Kahit hindi sosyal ang dekorasyon, basta kumukutitap — Pasko na. Makikita mo ang Christmas lights na paulit-ulit lang ang blink mode, minsan naka-short pa, pero ang saya pa ring panoorin. Ang mga poste ng kalsada may parol na gawa sa capiz, ang mga bahay naka-display ang parol na may Christmas bulbs sa loob, at ang mga tindahan may makukulay na dekorasyon kahit stencil lang ng Santa na dinikit ng masking tape. Kahit simpleng ilaw lang, parang buong mundo mo nagliwanag — at bilang batang 90s, doon mo naramdaman ang unang bugso ng excitement ng Pasko.
“Children’s carols in the air”
At siyempre, kasabay ng mga ilaw ang tunog ng pangangaroling. Noong 90s, literal na may “children’s carols in the air” dahil gabi-gabi, may dumaraan na grupo ng bata-batang may dalang tansan na nakapulupot sa alambre, ginawang tambourine. May improvised drums na gawa sa lata ng biscuits o lata ng Nido. Kakanta sila ng “Sa maybahay ang aming bati” o “Ang Pasko ay Sumapit,” sabay katok sa gate ninyo. At kapag binigyan mo sila ng barya, yung saya nila parang nanalo sa raffle. Ang simpleng tunog ng mga batang nangangaroling — minsan sintunado, minsan sabog ang ritmo — ay naging tunog ng Paskong Pilipino na hindi mo makakalimutan.
"By the Christmas tree"
Noong 90s, ang Christmas tree ang sentro ng buong bahay — yung common na green Christmas tree sabay sasabitan ng mga Christmas ornaments at malaking star sa tuktok ng Christmas tree with pinalibutan na Christmas lights yan ang Christmas tree ng mga Pinoy. Minsan nakaipit pa ang mga Christmas balls na natanggal ang hook kaya tinatali ng sinulid. Ang star sa tuktok, minsan luma na, pero mahalaga pa rin kasi iyon ang grand finale ng Christmas setup. Sa tabi ng Christmas tree ginagawa ang halos lahat ng holiday moments: family picture, pagbubukas ng regalo, taguan ng surprises, at minsan, tambayan mo lang habang iniikot mo ang Christmas lights na feeling mo ikaw ang nag-install sa COD department store window display. Sa simpleng pagtayo sa tabi ng puno, ramdam mo na agad: “Pasko na talaga.” Nakapaligid na rin sa ilalim ng Christmas tree ang maraming regalong iba't-ibang kulay at disenyo ang wrapper.
“A shower of stardust on your hair”
Ito yung poetic na paraan ng pagsabi na ang lahat ay mas maganda, mas magical, kapag Pasko. Noong 90s, literal minsan nagkakaroon ka ng “stardust”—yung mga kumikinang na glitters galing sa lumang Christmas decorations, o yung mga natanggal na kinis-kintab sa parol at napunta sa buhok mo. Pero higit doon, ito yung glow na dala ng ilaw ng Christmas tree, tumatama sa buhok ng isang tao habang nakangiti silang nagbubukas ng regalo, tumatawa kasama ang pamilya, o naglalaro sa sala. Sa sandaling iyon, parang lahat kayo nasa ilalim ng munting Milky Way ng Christmas lights—at ang simpleng glow na iyon ay nagiging alaala na dadalhin mo habang-buhay. Sa 90s, hindi kailangan ng filter, lighting setup, o DSLR. Basta Christmas tree lights lang at masayang Pasko, magical na ang mundo.
“Watching busy shoppers rushing about / In the cool breeze of December”
Noong 90s, isa sa pinakamasarap pagmasdan tuwing Pasko ang mga taong nagmamadali sa mall—lahat may bitbit, may listahan, may hinahanap. Kita mo si Mama na may papel na puno ng pangalan para sa exchange gifts, si Papa na sumisilip sa appliance section baka may sale sa karaoke o electric fan, Habang naglalakad ka sa loob ng mall o nakaupo sa bench, mararamdaman mo ang malamig-lamig na simoy ng December—hindi man snow, pero sapat para maramdaman mong espesyal ang panahon. Sa bawat hagod ng hanging iyon, kasabay ng ingay ng mga taong nag-uunahan sa cashier, bigla mong naiisip na ganito talaga ang Pasko sa Pilipinas: magulo, matao, maingay, pero puno ng buhay, kulay, at hindi mapantayang saya. Tanda ko pa noon tatlong araw bago mag Pasko ay isinama ako ni nanay na mag-grocery sa Uniwide Sales sa Paranaque napakanostalgic nun kasi ngayon wala na yung Uniwide sales mga bandang 1993 or 1994 yun eh then habang naglalakad lakad kami sa mga hallway ng bawat grocery products ang himig ng malakas na tugtog sa loob ng grocery store ay yung "Sleigh ride" ng Boston Pops. Bilang musmos, napakasaya ng puso ko noon.
Sa bawat linya ng “A Perfect Christmas,” buhay na buhay ang Paskong Pilipino—simple, masaya, at puno ng pagmamahal.
Ito ang dahilan kung bakit ito ang paborito kong OPM Christmas song: hindi lang ito kanta, kundi alaala — alaala ng Paskong puno ng family bonding, keso de bola, hamon, fireworks, tawa, at mga taong nagbibigay ng tunay na kahulugan sa salitang Pasko.
Kung may kanta mang nakakabalik sa pinakamasayang panahon ng ating kabataan, ito yun. At sa bawat December, muling bumabalik ang boses ni Jose Mari Chan para sabihing:
“My idea of a perfect Christmas is to spend it with you.” 🎄✨
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento