Halos kaytagal ko ring pinag-isipan kung peace sign nga ba ang ibig sabihin ng two-fingers na ito. Kasi ang unang pumapasok sa isip ko sa simbolong ito ay "Marcos, marcos pa rin!". Pero hindi rin e, marahil hindi pa kilala ng mga pasit na ito si Marcos. Baka si Governor Vi pwede pa. Subalit puwede rin victory sign 'to di ba? Pero victory sign o ano man talaga, o siya, tatanggapin ko na lang na ito bilang peace sign. Makabuluhang isipin na maging ang mga batang ito ay umaasa ng kapayapaan. Lahat tayo umaasa niyan lalo na ngayong magpapasko, Anong wish mo sa susunod na taon? "World peace po". Common na sagot kapag tinanong ka ng ganun, tila parang "diet" lang din. Pangako ko magda-diet na ko sa susunod na taon. Diba? ang kapayapaan ay parang pagda-diet lang din ng mga tao na hindi natutupad. Tama? Nung kabataan ko hindi ko talaga nakahiligan ang ganitong pagpapacute. Kasi ngayon yung peace sign na yan kapag may kumuha sa iyo ng litrato puwede ka mag peace sign pero hindi talaga yun ang kahulugan ang tawag naman nila dun ay "Japan,Japan" ewan ko tangina sa pagbanat at pag extend mo ng dalawang daliri mo na hintuturo at hinlalato ang dami na palang meaning. Kapag yung hinlalato lang ang natira ay puta ibig sabihin nun naghahamon ka ng isang away! FU ka rin! .l.
Hanggang ngayon hilig ko pa rin ang mang-demonyo. Pero siyempre hindi naman ganun ka-garapal. Subtle lang. Ang kademonyohan lang na ginagawa sa kama, isipan at nararapat lang na huwag ito pakinggan.
Kung peace sign lang rin ang pag-uusapan, aba'y siguro ang mga batang ito ang higit na mangangailangan..
Ang mga batang palaging binubully sa eskuwelahan. Noon nabubully rin ako sa school, pero sa kalaunan natuto rin akong umalma. Kaya kapag may nakita aong kinakawawa, sinusulsulan ko agad yan na rumesbak, kung hindi man sa pisikal na paraan. Daanin na lang sa denggoyan.
Pero ang isang ito ngayon pa lang kinaiingitan ko na....
....mukhang magiging masaya ang kinabukasan e. Bata pa lang maharot na. Marami itong mabibigyan ng kapayapaan at kaginhawaan he he.
Ikaw, saan ka dito? kung wala ka sa piktyur, malamang ikaw ang may hawak ng kamera. Hep! di kaya ikaw yung naka peace sign sa likod ng ulo sa harapan mo. \ /
'Actually may pangatlong genre yung "Karaniwang Tao", mas angkop ata ako dun.'
Nasaksihan mo ba noon ang hidwaan sa pagitan ng mga metal at hip-hoppers?
Noong magtapos ako ng haiskul labing anim na taong gulang, binansagan ako ng aking mga classmate na "Most Rock Fanatic". Sa totoo lang at hindi sa pagmamayabang, para akong si Ernie Baron ng nakaraan at Kuya Kim ng kasalukuyan dahil ituturing akong isang "walking rock music encyclopedia" na nakakaalam ng mga kasagutan sa kung ano ang bago at kung ano ang meron sa rock music scene.
Pero ang hindi talaga nila alam bago ko pa nagustuhan ang mga ganitong rakrakan na musika una kong kinahiligan ang mga mga kantahan at genre ni MC Hammer at Vanilla Ice. Oo, ako ay naging isang hip-hopper na gustong matutunan ang lahat ng liriko ng bagong rap song at umindayog sa mga latest dance groove. 'Yun nga ang, 'di ako natuto kahit isa. Kahit pa bumili ako ng napakaraming songhits nuon hindi ko talaga masabayan ang lyrics sa bilis ng pagrarap masama pa napapa tongue twister pa ko. Kaya sabi ay puta, tama na at niloloko ko lang ang sarili ko sa punyemas na hip-hoppin' na ito.
Noong ako ay nasa Grade 5 hanggang 6, sila Francis M., Andrew E., at Michael V ang mga iniidolo ko sa larangan ng musika. Ang sarap sa tenga ng mga naughty songs ni Andrew Espiritu na laking Dongalo Paranaque kung saan eto na ata ang hip-hop kapital ng Pilipinas. Yung mga kantahang "Andrew Ford Medina", "Alabang Girls", "Manchichiritchit", at yung pinaka nakilala siya sa kantang "Humanap ka ng Panget" na kinontra naman ng kanta ni Michael V na "Maganda ang Piliin". Hindi ko rin makakalimutan yung mga kantahan ni Michael V na may halong mga komedya sa lyrics kagaya ng "Eksena sa Jeepney","Sinaktan mo ang Puso ko" at "Hindi ako Bakla". Pero wala ng da dabest pa kay Francis "Kiko" Magalona nakilala bilang "The Master Rapper", "The Mouth" and "The Man from Manila". Isang malaking kawalan sa industriya nuong siya ay namatay sa leukemia noong Marso 6, 2009. Kung gusto mo makinig ng mga kantahang maka Pilipino o yung tinatawag na "Filipino patriotic songs" na pinaghalong tema ang rap at rock you should listen to Francis M. Hindi mabilang ang mga napasikat niyang kanta. Pero sa mga kantang "Mga Kababayan","The Man From Manila", "Kabataan Para sa Kinabukasan", "Cold Summer Nights", "Girl Be Mine" at Kaleidoscope World dito talaga umusbong ang kanyang kasikatan. Isa sa mga idolo ko ito pagdatig sa genre ng pinagsamang rap at rakrakan.
At nasa listahan ko rin naman ang mga sumikat na undergrouund group rappers katulad ng Masta Plann na pinasikat ang kantang "Bring that Booty Over Here", "Sally (that girl)" at "Fix da World up". Kung hardcore rap naman nariyan ang Death Threat, kung ugali mong magmura sa kanta at liriko, represent Death Threat! Yung mga kantahang "Ilibing ng Buhay ang mga Sosyal", "Gusto kong Bumaet (pero di ko magawa)" at "24 Oras". Di rin mawawala sa playlist ko ang Legit Misfitz na nagpasikat sa kantang "Jabongga" at "Air Tsinelas." At go with the flow ako sa kantahang Urban Flow with their song chikitikita Miss "Miss Pakipot".
Lahat ng mga kanta na 'to inaabangan ko palagi sa 89.1 DMZ (Dance Music Zone) 'yung remix ng mga hit songs para irecord sa blank tape. Ito yung karaniwan ngayon na tawag na "jeepney songs" yung lalagyan lang ng slow beat kahit ang pinakikinggan mo ay kantahang Air Supply. Tuwang-tuwa mga klasmeyts at adiser namin sa klase sa mga panahong yun. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa mga rappers noong mga panahong yun? Ang sagot, MARAMI rin pala. Ang saya lalo na nung Intrams lalo na kapag Basketball na talagang napapaindak at gumagaling maglaro ang makapakinig ng "Air Tsinelas." Ang porma din kasi ng lyrics!
Grade 6. Noong ako ay nagbibinata na, napadaan ako sa tambayan ng isa kong kaklase, pinakilala ako sa grupo. Yung isa bumulaga sa akin, ang sabi ah hulaan ko pangalan mo, ikaw ba si "PAH-PEE-YO". Putek di ko ma-gets yung sinabi at binugahan pa ako ng usok ng sigarilyo sa muka. Pero parang nainsulto ako kaagad. Lalo na nung sinabi na disco lang daw ang alam ko at ang bulok kong radio station na 89 DMZ. Na challenge ako sa punk na yun. Pero salamat na din, dahil sa pagtatagpong iyon ang gumabay sa akin papunta sa mundo ng rakrakan at headbangan!
Pagpasok ko ulet sa klase kinabukasan, sinabihan ko yung kaklase ko na si Noah na pahiramin niya ako ng mga cassette na pinapakinggan nila. Parang ready naman siya at inilabas agad yung "Greatest Hits", di ko inakaang may dala pala siyang cassette sa itim at tatlong taon na tila di nalalabhan na bag. Nabasa ko sa tape na Greatest Hits ng Queen. Sabi pa niya, pakinggan mo yung "Under Pressure", doon kinuha ni Vanilla Ice yung "ice icebaby" mo. Parang naging interesado ako dahil idol ko yung nabanggit. Matapos ang ilang ulit pang pakikinig sa radyo ko na rewind, play at pause na lang ang gumagana, nagustuhan ko na rin ang pagbirit ng boses ni Freddie Mercury at killer guitar riffs ni Brian May. Napagalitan at nabulyawan ako ni Ermats at ang ingay daw ng pinatutugtog ko, Hahaha! at nalaman ko rin na hiphop din pala siya dahil di naman niya ako sinasaway sa tugtugan ko nuon na hiphop kahit sobrang lakas pa ng volume.
Queen - Under Pressure
At mula duon natanggap ako ng grupo nila Noah at napatambay na rin ako sa kanila kung saan madalas kami nakikinig ng mga glam rock idols niya tulad ng Extreme, Aerosmith, Warrant, Poison at Guns N' Roses. Inalam ko rin ang lahat ng detalye sa mga bandang bago kong naririnig.
Ang hindi ko talaga makakalimutan sa lahat ay ang panahong pinarinig sa akin yung "Nevermind" album ng Nirvana. Kahit na "Aling Nena..." ang pagkakarinig ko sa last lines ng "Smells Like Teen Spirit", sila Kurt Cobain, Krist Novoselic at Dave Grohl ay bigla kong inidolo sa parang mga diyos ng rakrakan. Ang lupet ng tugtugan ng trio na ito sa loob-loob ko. Lalo na nung nakita ko yung music video nito. Dun ko nalaman ang depinisyon ng "astig". Biruin mo rakrakan sa loob ng isang madilim at maruming basketball court may mga spotlights at maraming kabataan at cheerleader na mga nakaitim ay may symbol na anarchy sa kasuotan na pang cheering at may pompoms at nagheheadbangan na mga kabataan na tila walang pakialam sa mundo. Habang tumutugtog ang banda at kumakanta si Kurt Cobain. Idol talaga, haayzzz kung di ang talaga nag suicide si idol tangenaaaaa! Tatlo lang sila pero ang ingay. Nakakapagod. Nakakatanggal ng stress at galit sa mundo. Umaalingawngaw sa buong mundo ang tunog ng Seattle noon kaya nakilala ko rin sila pareng Chris Cornell, Eddie Vedder at Layne Staley.
Nirvana - Smells Like Teen Spirit
Pagka-graduate ng Grade 6 at pag-apak ng 1st year haiskul certified METAL na ako noong mga panahong yun kahit grunge naman talaga ang aking hilig. Oo, "metal" ang tawag dati sa mga taong mahilig sa rock. Hindi pa uso ang salitang "rakista" noon; "rockista" baka puwede pa, pero mas sikat ang pantawag na "metal". Isa na ako sa mga galit sa hip-hoppers kahit na dati rin naman akong mahilig sa maluwag na pantalon at lawlaw na short na parang Jimmy Santos ang porma.
Hindi ko matandaan kung kelan nagsimula ang hip-hop bashing noong panahong yun e. Basta ang alam ko bigla na lang kaming nahilig makinig sa LA 105.9 para antayin yung mga beeper messages laban sa mga pakshet. "If you have messages for the hip-hoppers, you may send them through Easycall 246142". Pagkatapos ng ilang kanta ay babasahin na ni "The Doctor" yung mga uncensored messages. Puta astig no holds barred ang pambabasag sa hip-hop e. Ang LA 105.9 ay isa sa mga pinakamaimpluwensiyang istasyon sa radyo noong panahon ng gitara. Mantakin mo ah, napag-away nila ang mga hip-hoppers at metal. Puta sabi sayo kahit noong hayskul kame maya't-maya ang mga nadadala sa opis. Minsan 1st year laban sa 2nd year o 3rd year laban sa 4rth year. Malalaman mo magka-iba ang pormahan eh. Yung isa ang uniporme na polo eh hanggang tuhod na niya ang haba at ubod ng luwang e, yung pantalon naman akala mo nakapampers at low-waist at nakasumbrero na pabaliktad. Tanginang porma yan, samantalang eto namang isa hayup sa gupit Mr. T ang buhok, punk na punk at may hikaw sa tenga at labi at fit naman ang pantalon at naka boots. Hahahaha mga pormahan nung High School eh parang mga tingaw lang e.
Ito yung ilang mensaheng naalala ko para sa mga hiphop na galing sa mga punkista:
"Mga Hip-hop, magtanim na lang kayo ng kamote...Mga hip-hop, mag-ingat kayo kasi aabangan namin kayo sa Megamall....Mga hip-hop magtago na lang kayo sa ilalim ng saya ng Nanay niyo." Suwerte mo kung mabasa pa ang message mo sa dami ng nagpapadala.
Ang malupet sa station na 'yun, may mga pagkakataong may rumeresbak na hip-hoppers sa message sa beeper number at binabasa nila ito sa ere, kaya lalong magagalit ang mga metal at tatawag sa operator para makipagsagutan.
May natatandaan pa kong ginawa ng LA 105.9, pinag guest nila ang bokalista ng The Youth. Kinanta niya yung "Multong Bakla" acoustic version pero iba ang lyrics tapos ginawang "Multong Hip-Hop" ang title. Parang naging mortal sin talaga ang pagiging hip-hop dati. At kasikatan rin ng mga banda.
Sa mga malls dati mahirap makapasok kapag grupo kayong pupunta. Haharangin lang kayo ng guard lalo na kapag nakita kayong lahat na nakaitim na rock shirts. Ang tingin sa inyo basagulero, adik, satanista at kung anu-ano pang wala nang mas sasama pa. Ganun din ang sa mga hip-hoppers na sumasayad ang mga crotches sa sahig, hirap silang makapasok sa malls kapag sama-sama. Away o gulo lang ang tanging nakikita ng mga jaguars sa dalawang grupo.
Marami nang napabalita sa TV noon sa pag-aaway ng hip-hop at metal lalo na sa mga malls ng SM Megamal at Robinson's Galleria. Talagang nagsusuntukan dahil sa simpleng asaran. Walang patatalo. Kaya kadalasan may mga headlines sa tabloids dati tungkol dito.
Tumindi lalo ang tensiyon sa pagitan ng dalawang tropahan nang gumawa ang isang hip hop group ng kantang pinamagatang "Bolanchaw". Hindi ko alam ang tamang pagkakabaybay pero ang ibig daw sabihin nito sa salitang Instsik ay "walang bayag". Nakakaasar naman talaga yung chorus na "Bolanchaw, bolanchaw, ang mga punks ay bolanchaw...".
Chinese Mafia - Bolanchaw
Kapag nagpupunta kame noon sa mga konsiyerto, kawawa ang mga nakakasalubong na hip hoppers ng mga punks. Bugbog sarado. Pero wala naman akong nabalitaang may kinatay talaga, bugbugan lang.
Sa wakas nagtapos din ang hidwaan nang ang mga tulad ng Rage Against the Machine ay sumulpot. Biglang naisip ng mga metal na puwede pa lang mag-rap kasama ang gitara. At sa LA 105.9 at NU 107 lumabas ang mga underground bands na parehas ang tugtugan sa Rage ito ay ang mga bandang Erectus, Skrewheds, Dogbone, SeƱorito, Muskee Pops at iba pang mga banda. 'Yung LA 105.9 biglang naging taga-suporta ng ALTERNA-RAP. At mula nuon nagkaron na ng kapayapaan sa pagitan ng hip hop at metal at parehas na nilang napagtatambayan ang skating rink ng Megamall. Peace na sila sa wakas. At yan ang kasaysayan ng HIP HOP AT METAL. Pero siyempre dun ako sa Metal!
Ewan ko ba kung bakit natuon ang pansin ko dito sa aming Rice cooker, sa loob kasi ng limang taon nakailang palit na si Ermats ng rice cooker. Tatlo ang nasira at ang isa ay hindi ko na matatawag na rice cooker dahil ang paggamit sa kanya ay hindi na kuryente, kinuha na lang yung tila kaserola sa loob at yun ang ginagamit na pang-saing sa kalan. Yung actual kasi na rice cooker ayaw nang uminit. Ilang linggo na rin ang nakaraan nang masira ang pinakahuling species ng aming awtomatik na pang-luto ng kanin. At ilang araw na rin akong balisa, bugnutin, nawalan ng gana sa Internet at hindi makapag-blog. Hindi kasi ako mabubuhay ng wala ang aking all-around na lutuan. Kaya't pangako ko sa sarili ko bibili na talaga ko ng mas mahal at hindi ko na uulitin ang limang taon pabalik-balik na pagbili ng Rice cooker sa CDR-King. Sa darating na Kapaskuhan reregaluhan ko si ermat ng de-USB na rice cooker yung puwede isaksak sa USB port ng aking desktop computer para habang nag-Iinternet malalaman ko agad na inim na ang kanin.
Naging masagana ang buhay ng madiskubre ko ang ginhawang dulot ng rice cooker. Akalain nyo ba naman, na eliminate na ang lighter, posporo, o ang apoy, isasaksak lang sa kuryente! Amazing. Hindi talaga ko yung quality analyst sa kusina ni ermats subalit dahil sa malaking discovery/invention na ito sa syensya, aba'y nagbago ang lahat! Kaya ko nang magsaing ng walang hustle. Maglaga ng itlog, magpakulo ng noodles, ng oatmeal. Nagawa ko na ring mag-adobo, mag-sinigang, ginisang monggo, nilagang baka, maging magprito ng isda ay napakadali! (Ako lang ata ang nakakapagprito sa ganitong paraan.) Para po sa inyong dagdag kaalaman meron po kaming oven, pero ang rice cooker meron akong sarili at ako lang ag puwedeng gumamit, hiram lang ni ermats yung iba kasi nasira niya, kaya ibibili ko na lang siya ng mas mahal. Kung sino man ang nag-imbento nito, para sa akin, nararapat na bigyan siya ng parangal -Nobel Prize, Pulitzer Price, Oscar, Famas, Bayaning Pilipino Award-kahit ano! basta award. Nyemas!
Pero ewan ko ba, kung bakit hindi ito tumatagal sa amin. Minsan kapag wala talagang magawa na try ko na magbutingting ng mga nasira kong rice cooker para alamin kung bakit ito hindi umiinit sa pag-asang baka ito ay maayos ko pa at nang makatipid. Syempre hindi ko naayos, ni hindi ko nga naibalik sa dating porma e. Sinisisi ko na lang ang aking sarili dahil sa palaging paggamit nito. Kahit madaling-araw, isasaksak ko yan makapagluto lang ng dalawang Lucky Me Pancit Canton (chili mansi flavor).
Lucky is Me talaga dahil ilang araw na lang makakabili na ako ng bago. Gusto ko yung mabibili ko maganda ang kulay, may kombinasyon ng silver at pink. Sisiguraduhin ko rin na may warranty ang aking mabibili at for sure di na talaga ko bibili sa CDR King, baka bigas na lang ang bilhin ko sa kanila pag nagkataon. Magkakaroon din kaya sila ng NFA rice duon? Basta bahala na! At kapag nakabili na ko hahahahaha! ang dami ko pang gustong lutuin sa de-kuryenteng saingan na ito --spaghetti, carbonara, pizza etc.. etc..
Ngayon naisip ko, bakit nga ba ko bili ng bili ng rice cooker. Bakit hindi naman microwave? O di kaya eh yung ultra sleek Q-stove, de uling na pwede ihawan. Basta! Ewan ko din. Bahala na!
Minsan pumapasok sa isipan ko. Ano kaya kung ako ay isang Superhero? Tagapagligtas ng naaapi.
Pero siyempre daydreaming lang. Ito ang kagaguhang ginagawa ko kapag yung tipong naka nganga sa harapan ng aming bintana at walang magawa. Ang pag tripan ang sarili na ako'y isang ekstra ordinaryong nilalang na isinilang na maraming superpowers.
Wala eh. Napaka ordinaryo ng layp ko wala man lang excitement, parang halaman kung saan kapag dumaplos lang ang hangin tsaka gagalaw. Kung hindi ako nakatunganga sa kawalan, malimit binibilang ko ang kalyo sa aking kamay o di kaya'y kinakagat ko ang aking kuko. Kaya naisip ko ang lakas ko siguro kung meron akong kakaibang lakas bukod sa mga Red Bull, Sting at Cobra na wala naman silbi at hahayaan ka lang magising sa isang buong araw. Ang korni pota! Ang nais ko ay lakas na pagnanasaan at kaiingitan ng lahat.
Pero hindi e. Kapal lang ng mukha meron ako.
Pero ikaw tanungin mo sarili mo. Sino ba naman ang hindi nangangarap ng gising ngayon sa hirap ng buhay sa bayan ni Juan. Ang haba kaya ng pila sa mga Lotto stations. Kahit alam kong 4.5 million ang posibilidad na makuha ang winning combination, nakikipila na rin ako. Na kadalasan naman ay isang numero lang ang nakukuha ko. Sayang lang ang pinaghirapang sampung piso o kung minsan beinte. Pang text na din yun para makabilli ng bagong ring tone o di kaya mga picture messages dito sa 3210 Nokia phone ko.
Actually, hindi naman talaga ko nangangarap na mala Superman na powers, hindi bagay sa katawan kong parang care bears, wala kong six pack abs, ang mga hero meron daw mga abs. Ang nais ko lang ay mailigtas ang mga nakidnap ng mga terrorista sa mga bulubundukin ng Mindanao. Alam kong nahihirapan sila umebs sa bundok. Sana nabigyan man lang sila ng toilet paper ng mga halang na mga kaluluwang bandido. At ngayon ang iba ay malaya na. Natuwa naman ako. Natuwa ako para sa mga taga Sulu. Sa laki ng nahuthot na pera mula sa mga kidnapping na ito, siguradong maganda ang ikot ng ekonomiya doon.
Gusto ko maging superhero na may kakayahang pasunurin sila sa mga mabubuting adhikain na gusto ko.
Bilang superhero, gusto ko lang mapababa ang presyo ng well-milled rice. Yun kasi ang palaging binibili ko kasi buo yung butil ng kanin kapag sakto ang pagkakasaing. At ang totoo niyan, wala akong access card para sa NFA rice.
Gusto ko lang talagang mapababa ang presyo ng gasolina. Kasi marami na ngayon ang nagcocommute para makatipid at hindi na ginagamit ang kanilang sasakyan. Kapag nagtuloy tuloy ang pag-akyat ng presyo ng langis sa world market, na hindi malayong mangyari, aba'y malamang hindi na nila gamitin ang kanilang mga sasakyan at kalawangin na ang mga ito. Sayang! Kung bakit kasi hindi pinapansin ang ating mga Filipino inventor na nakadiskubre na tubig ang gasolina. Ewan ko ba bakit hindi tiwala ang utak ni Juan sa utak ni Juan. Tangina talagang buhay yan, kung minsan nagagawan ng paraan patuloy naman silang nagrereject ng mga ideya at imbensyon. Pak u!
Gusto ko lang din mapababa ang presyo ng mga pagkain, mga pagkain na karaniwang kinakain ng pamilya ni Juan katulad ng itlog, sardinas, noodles at isama mo na rin ang kape at Lucky me pancit canton (kalamansi at chili mansi flavor). Yan lang naman at kuntento na ang tiyan para mapunan ang gutom sa pang-araw araw ng ating mga pamilya. Tila patuloy pa rin ang pagtaas? Nananadya na ba talaga sila? o gusto na talaga natin todasin ang mga mahihirap. Ayon mga sa linya ng isang kanta g Datu's Tribe "Let's fight poverty, Kill the poor." Saklap!
Pero meron pa akong pinaka gusto talaga, na gustong gusto ko talaga, ay ang magkaroon ng kakaibang laser vision. Para makita ko kayong lahat na hubad habang naglalakad. Para mapasok ko maging ang kukote ng mga masasamang tao at maisuplong kaagad ang maitim nilang mga binabalak. Para makita ko agad kung sino ang may dalang armas, patalim, ice pick, droga at higit sa lahat ang pinaka mapanganib.....condom.
Pero wala e. Wala talaga. Kapal lang talaga ng muka ang meron ako. Tsaka mga kalyo. At mga kukong hindi pantay ang pagkakakagat. Pahiram nga ng nail cutter, meron ba kayo?
Ganito lang talaga ko. Pasensiya na. Sorry na. Ipagpaumanhin mo na. Ako'y isang tao lang na nagpipilit magpaka-hero.
O isang hero na pilit nagpapaka gago ordinaryo.....
Kuya: "Tanginamo inubos mo agad yung sayo para makahingi ka eh!"
Minsan noong sa buhay naming mga batang kalye ay nakakatsamba ka at nabibigyan ka ng barya ng magulang, lola o tiyahin mo. Minsan kapag 3 o'clock habit noon na araw araw na dasal sa TV, ganyang oras ka nabili ng tsitsirya at deretso ka agad sa sari-sari store. Titingin ka agad sa mga tsitsiryang nakasabit sa harap ng tindahan na madalas ay gawa sa screen o kahoy. Ano kaya ang masarap kainin ngayon? Talagang pinagiisipan mo yun eh, kahit pa yung uhog mo malapit ng tumulo at pinaglalaruan pa ng kamay mo ang dala mong barya habang nagiisip ng makakaing tsitsirya. 'Paano ko kaya masusulit itong pera ko?' 'Hmmm ao kaya dito ang may libreng tato sa loob?'
Tsitsirya o chichiria - Ito ang pagkaing sumisira sa rules ng isang tahanan. Bakeeet? Dahil itong pagkain na 'to ang nagpapalito sa mga kabataan pagdating sa kung anong puwedeng kainin o hinde. Ay, minsan talaga nga namang hindi ka papayagan ng magulang mo kumaen nito pero minsan naman pinapayagan ka. Magulo rin talaga ang mga magulang natin eh noh? Mas magulo pa sa bulbol ng Arabong tulisan. Ang rules: bawal kapag school day at puwede kapag weekends. Kaya naman talaga maraming may ayaw sa Lunes eh kahit pa sa panahon ngayon at maraming nagmamahal sa Biyernes ng gabi. Bawal sa bahay, pero puwede kapag may outing o Field trip. Haaay, hindi ko maintindihan talaga ang rule na ito.
Gayunpaman, lumaki tayo na nakasama ang mga chichiryang ito at madami sa kanila ay unforgettable.
PRITOS RING -
Puta! may kakalye pa ba sa junk food na yan? Ihanda na ang mga daliri at isa-isa mo nang lagyan ng Pritos Ring ang mga ito. Kakainin mo mula sa daliri mo, mangugulangot o katatapos mo lang tumae tapos lagay ulit. Banat lang ng banat hanggang sa maubos. Malas mo ang kung bawas ang daliri mo dahil naputukan ka ng Super Lolo nuong nakaraang taon, konti lang makakaen mo. Baka di ka mag enjoy. At wala din palang pupula sa balot nito.
Ri-chie - Hindi ito pinakasikat pero gusto ko 'to. Malagkit ito na lasang gatas. Usually, yung maliit ang binebenta nila kaya bitin ako. may litrato ito ng baka (cow) sa supot.
Chiz Curls - "Cheesy Chiz Curls, you're the waaaan! You make snack time, lots of pan! Cheesy chiz curls you're my favorite cheesy trit!" Ok din ito malambot at crunchy. Kulay powder blue ang supot.
Tortillos - Eto na...pasarap na ng pasarap. Ang sarap ng tsitsiryang ito lalo na kung papartneran mo ng inuming Coke. Yung tipong kakaen ka ng marami nito sabay iinum ka ng malamig at maraming yelo na Coke na masakit sa lalamunan. Haaaay syet. Anlupet mo! Ang gumawa ng tsitsirya ay Granny Goose.
Mr. Chips - Heto pa ang isang bwiset na napakasarap para sa akin eh. Favorite kong kainin 'to kapag nasa harapan na ako ng TV at nanonood ng mga katulad ni Shaider, Mask Rider Black at Bioman. Tangna bawat aksiyon na scene sa palabas na yan ginagaya ko habang ngumunguya ng Mr. Chips habang nahuhulog hulog pa sa bibig ko. Astig kasi si Alexis ang Pulis Pangkalawakan. Jack N' Jill nga pala ang may gawa nito.
Eh may nakaka alala pa ba sa Pom-Pom? Yung parang may maliit na blue na elepante sa balot? Naalala nyo pa ba yun? Basta sa supot nun ay may cute na character tapos parang maliit na chiz curls ang laman. Nasundan mo ba yun? Diba may ganun dati? Pucha naaalala ko 'to singkwenta lang 'toh dati eh. Tengkyu talaga sa gumawa nito. Kahit manlibre ka ng mga kalaro mo kayang-kaya. Cheese na cheese ang lasa o kung gusto mo naman chicken flavor ang tirahin mo meron din.
Iniisip ko dati kung paano sila kumikita na singkwenta tapos malasa pa. Ngayon ko lang nalaman ang kasagutan, hindi sila kumita dahil wala na ngayon yun. Pero bakit naman yung Wonder Boy dati piso na ang halaga sa kasabayan lahat ng tsistsirya na tig sisingkwenta ang halaga, bakit ngayon wala na rin ang Wonder Boy, masarap pa naman yun kahit tatlong piraso lang sa loob ng supot malalaki naman at maanghang ang lasa. Yun yung may batang nakasakay sa parang spaceship at puti ang balot.
Humpy Dumpy - Hahahaha naalala ko tuoy yung ginawa ko sa Field Trip noon eh, kainan na ng tsitsirya eh sabay yan ang baon ko. Ginawa kong air-freshener yan ng aircon ng bus eh. Hahahahaha! Mabantot kasi pero masarap. Amoy ano kasi.....hmmmmm wag na bawal sabihin.
Chickadees - Isa pa sa mga listahan ko ng paborito. Ito ay yung nasa kulay green na balot at bilog bilog. Ang pinakadahilan talaga kung bakit gusto ko 'to kasi may laruan kang makukuha sa loob. Dun talaga ako naeexcite kapag bumibili kami ng kapatid ko ito. Siyempre isa na sa laruang makukuha mo ay ang gomang paa. Puwede mo itong ipaltik sa kalaro mo kasi naiistretch ito. Kadalasan kulay blue ito eh.
Ang isa ko pang peyborit ay yung Lumpia Cheesedog. Pucha singkwenta lang din ito noon pero ngayon piso na. Sagana talaga sa cheese flavor. Tatlong piraso ito kaya solb ka talaga dito.
Noon hindi ako gaano nakain ng mga special na tsitsirya. Kasama dito ang bwiset na Piattos na yan. At ang iba pa ay V-Cut, Potato Chips, Kornets at iba pa pang hasel sa pagkamahal sa presyo. Nakakakain lang ako ng mga ito noon kapag bumibili ang tita ko o kaya kapag bumibili yung mga kalaro kong mayayaman.
Dami ko pang gusto eh Cheezles, Cheezums, Snacku, Moby, Zeb-Zeb, Sunshine Green peas tsaka yung Mimi! Shet namimiss ko yan lahat lalo na kapag ganitong weekends! Happy Food tripping!
'The eye-candies of the Philippine Rock bands. Duster Band and General Luna.'
Ever since I am a fan of all female group band. It was always a turn-on when all female bad group performs on the stage. There's always this "astig" factor in my mind. Lalo na kapag ang may hawak ng drums ay mga kababaihan at makikita mong nakasukbit ang mga electric guitars on their shoulders. With a vocals that will surely satisfies your ears and with a good rhythm.
Here in our country I would like to share some Pinoy taste of music, in terms of all female group. Sila yung mga idols ko pagdating sa rakrakan. Etong isa have comedy and humors on their lyrics while the other one talks about love and relationship songs. Songs from the outbox kasi sila yung mga bandang hindi gaano nakilala ng masa kait sobrang gaganda ng mga songs nila. More sort of an underground bands but once people started to hear there songs there is a potential to hit the top 1 on the countdown charts. Here in this post, I am proudly like to introduce bands like...DUSTER BAND and GENERAL LUNA.
Duster Band.
Three of them - Myrene Academia, Kris Dancel, Ristalle Bautista and Katwo Puertolano. They came from a different band. They decided to form an all female group and they named it "Duster", that came from the "daster ng ating mga Nanay." This quintessential piece of clothing worn by the Filipina in all her incarnations: nymphet in flimsy white cotton, mother replete with falling bra strap and baby in one arm. Kris is lead vocalist and guitarist from Cambio and Katwo is lead singer for indie rock band Narda. Meanwhile, perhaps the most visible of the three, Myrene plays the bass for the Raymond Marasigan-fronted Sandwich and the popular pop rock band Imago. She was also a former DJ at the defunct NU 107 radio station. This band released their 14-track debut album, Sweetheart Snackbar under Sony Music Philippines.
The band was spearheaded by Myrene, who came up with the name of the band and the title of their album (after an eatery she saw in Edsa, near Shaw Boulevard), but the idea started with Raimund and writer Radio Active Sago Project frontman Lourd de Veyra.
They have some music lying around, and Raimund wanted to collaborate with Lourd. But Lourd wanted it to perform by a girl. Half of the songs were written by Raimund and Lourd.
They are songs in the 14 album track that I really loved to here. Just like the songs "Saksakan" this is the most comedy, you can't stop laughing when you hear this song and the lyrics were bloody. It's good to hear also "Sexxing the Cherry" which was written by Lourd de Veyra (which could be take on the title of a novel written by well-known feminist writer Jeanette Winterson). Nonetheless, Duster insists this is not an issue.
Dek-A-Doodle-Dandy, i don't know about this song, but you can hear the word "adik" may times pertaining to a person and a thing. Next is "Houseborken", you might notice it's a wrong spelling but I don't now the catch why is it "borken" instead of broken. In this song, mapapansin mo na lang sa sarili mo na kinakanta mo na at inuulit ulit yung chorus na "Parang hipon, parang hipon, parang hipon." To complete the other songs that was released you can also try to hear "Gucci Gang", "QC Girls", "Miss Me" and "Janice Janice"
One of my favorites "Saksakan" by Duster band.
Another cut from the album "Houseborken"
They are not feminist, they just love the music. This is "Gucci Gang".
And one more thing that I like in this band, is there vocalist. Ganda niya and witty < 3 Move along with...
General Luna.
This were my eye candies. Don't mistake me for the word, they are just lovely girl group with a beautiful bodies. You can't figured out them as band eh, yung parang mga hugot na FHM models tat became a female band group. This band is composed of Nicole Asensio on vocals, Caren Magaran on lead guitar, Audry Dionisio on rhythm guitar, Alex Montemayor on bass and Bea Lao on drums.
As a band they bypassed the indie route which was ruffled some feathers. After all, they are not the only estrogen-powered rock band. It's not their fault that they are all eye-candy, and often.
In actual fact, drummer Bea Lao is acknowledge as a monster on her instrument, as is Nicole. Guitarists Audry Dionisio and Caren Mangaran differ in temperament, style and strengths. "Put us together and we make one hell of a guitarist." Alex said.
Their faces are not yet familiar to the general public. But in the local music scene, rock band aficionados see them as emerging goddesses.
They got the name of the band through a name-the-band contest then it came to one of the Philippines national hero "General Luna."
Just like the Filipino hero, this girls are driven, feisty, and astig in a world (and genre) dominated by males. Aside from their great talent and looks, they're also certified fashionistas.
They released their album "Different Corners" with a hit song "Nandito" and "Tila".
'23 years of Rocking the Airwaves... Thank you NU 107 The Home of NU Rock'
Boring weekend -_- turning my radio on this weekend realizing that I only listening to one radio station and that is Jam 88.3. It's the only decent radio station existing today. I really miss my good 'ol weekend during elementary and high school days. How I miss my Remote Control Weekend.
It's been 4 years from now since my beloved radio station died on the airwaves. November 8, 2010 at 12:05am NU 107 announces that is there last airshow in the FM radio. NU 107 takes off and undergo major changes for some reasons. They are now playing more "pop" and "masa-oriented" shows. They changed their name to another radio station which is very popular today. But unfortunately, I'm not a fan. It's just very different from what it used to. Come on, the old radio station became part of my elementary, high school and a little bit in college days. The time when I used to collect PULP magazines and buy SONGHITS to sing a long with my favorite bands song lyrics. The only radio station that I don't need to text or call my requested songs because they will surely play it. Wherein the DJ's not need to ask to the caller again and again "what is your favorite radio station" before they play your request song. They somehow affect my life. They took away the only radio station thay playing my musical heroes, from Led Zeppelin, Aerosmith, Guns N' Roses, Pearl Jam, Kiss, Pink Floyd, Metallica, The Red Hot Chili Peppers, STP and all the other rock legends especially the God's of grunge Nirvana. May God Bless the soul of Kurt Cobain! \m/
If you're listening to NU you know absolutely what am I talking about. Remote Control Weekend is a part of the radio station's program every week when you can actually request your favorite songs. But me I don't need to request because I know someone will do it for me. And I don't really need to, because the taste of genre of every listeners of NU were just like mine. Every songs and request they play I love it, every single alternative rock songs sounds heaven in my ears. And I always love DJ Zach, he's always the coolest DJ at NU together with DJ Myrene. I'm awake the whole day during weekend just to hear these songs request:
These are the songs that I like from the past, and if this songs were only played today in the other FM radio stations. No doubt this will be at No.1 if there are countdowns.
1979 - SMASHING PUMPKINS
Once, I heard Billy Corgan singing this song I always remember my high school life. I don't know just try to watch the official video of this song. It's really cool!
One of the best female vocalist, The Cranberries band! Sinong hindi makakalimot sa hit single nilang "Zombie" for sure ikaw na nagbabasa nito napa headbang ka rin nung una mo itong narinig sa airwaves. Ang tagal na nasa number 1 nun sa mga countdowns. Pero itong Animal Instinct is the one that I really like on their songs. The song is not about a mother na kailagang protektahan ang kanyang baby or a relationship between a male and female. Basta itong kanta na 'to maraming gustong iparating, maraming meaning. Siguro it's all about the animal instinct na meron tayong lahat.
Alam ko maraming hindi nakakakilala sa banda na ito. Pero kapag napakinggan nyo 'to magugustuhan nyo. The song talks about more of Jesus guidance when people drowns into darkness, there is always the Shining light that our Savior provides us to be saved.
Kung palungkutan naman na kantahan na talagang madadala ka sa kanta at may halong love life ang tema. The best 'tong kanta ng Reef para makapag emo ka. But not totally emo, the song is decent and malaman ang lyrics. Video pa lang na nasa bangka at gitna ng dagat malungkot na eh. I suggest you try to hear this song!
Lagi ko inaantay 'to noon sa MTV Alternative Rock, kyut na kyut kasi ko sa video na yan. Boxed milk na may kaluluwa at pumapag-ibig. Ewan ko gulong-gulo siya sa mundo hanggang sa madedbol nalang siya at umakyat ng langit. Hahahaha! Astig na video at kanta. Blur nga din pala yung nagpasikat ng kantang Wuuhooooooooooooo yng puro ganyang ang kanta. Song 2 ang title at naging official theme song ng pelikulang Starship Troopers.
Ok rin itong kanta na 'to, kahit may lyrics na ko ang hirap sabayan dahil ang bilis ng bibig ng vocalist. Sa chorus yan nakakasabay ako, sarap sabaya ng chorus neto eh! "Now we know where we are going baby, we can lay back and enjooooyyyyy the ride......" Basta childhood memories ko 'tong kanta na 'to.
Sa song na 'to isipin mo lang yung mga bagay na namimiss mo sa isag taong napaka special sa'yo makakarelate ka sa kanta. Memories you've shared with someone special that you've lost from a very long long time ago.
Ay, one of the best songs na nakakaiyak, ang pagkakasulat ng kanta ay parang kwento. It's all about our brave soldiers who died along the way sa giyera. And there is Mrs. Sullivan waiting for her 5 young boys to return home after the war. It's too late because they died for heroism. And this is a true story from the Battle of Waterloo.
High School days and this song makes me feel inlove lalo na pag aakyat na ko sa room namin at madadaanan ko ang room ni crush na lagi ko siyang nakikita na nakatambay sa pinto. <3 May casette tape ako nito at pinakikinggan ko agad 'to pag nakikita ko siya at ang mapupungay nyang mata.
Kabaliktaran naman 'to ng kanta ng Portishead na Glory Box. If you were a girl, nako try to hear this. This is a little bit teaser song, a bit naughty.
When things go wrong, and I want to show my monster side to others I definitely play this track. Kapag yung tipong inaabuso mo na kabaitan ko. Hahahaha I'll show you what you have never seen before.
These are just 10% of the songs that I really like from the past. Kese nemen se mge kente ngeyen de be? Tengene! Oh kaya kakanta ka ng Korean pop songs na kahit di mo alam ang ibig sabihin. Punyeta! Maganda sana sila pero mga kaka-i-babe ang mga kinakanta. Kahit naman rakrakan maganda pa rin naman ang kalalabasan kapag love song na rock ang tema, Sobrang dami ko pang gustong alalahaning kanta kaso di ko na malaman ang title at artist. Ok rin naman sana yung Rakista Radio, ang kaso kadalasan Pinoy music underground ang kantahan, madalang din yung temang NU 107 na magkahalo ang foreign at local bands. Puta yun talaga ang hinahanap hanap ko sa airwaves, masaya na ko nuon sa radyo kahit di nako manood ng crap TV shows ngayon ok na sana sa radyo kaso nawala rin ang NU 107 sa ere. Kaylupit talaga ng tadhana. Sana naman maibalik ang mahal kog istasyon sa radyo. Hanggang ngayon naman e umaasa pa rin ako. Sana bukas paggising ko meron na ulet diskusyunan sa "Zack and Joey's Little Talk On A Breakfast Table" this segment starts my day right. Makabuluhang topic discussed by the DJ's then may mga caller to give their opinions. Tapos meron naman kapag Miyerkules sa umaga din yung "New Music Challenge" ay pota astig yun magpapatugtog ng dalawang bagong kanta ng mga sikat na banda tapos pagbobotahan thru text kung ano nagustuhan nila. After the show poproclaim kung sino nanalo at yung song na yun may entry na agad sa Countdown. Meron din namang mga guestings na mga local band at may acoustic session na kung saan kakanta mismo yung banda dun sa station mismo ng live. Kapag ganun nirerecord ko yun sa casette tape namen Hahaha papatungan ko na lang yung mga tape ni ermats. Maganda rin yung "New Album Review" eh dun ako bumabase sa bibilhing kong bagong casette tape dun sa Odyssey dami ko na rin naipon na mga tapes e. At meron countdowns yung "Z-Rock 50" tuwing Linggo yun, nakakaexcite kaya ung sino ang mag nunumber 1, may drum rolls pa nun bago iannounce kung sino nag top for that week. Astig! Tapos ang pinakamasaya at parang pinaka Wrestlemania kung baga sa wrestling e yung "NU 107's Year End Countdown", your top 107 songs all through the year! Kasabay ng paglipat ng Bagong taon kasabay din ng pag-announce ng kung sinong pinaka topnotcher na songs sa isang taon. Ito yung may pinakamaraming votes na nalakap every Remote Control Weekend. Tangina ang saya talaga maging rakista at ang saya talaga ng mga panahong yun!! Bigyan na lang natin ito ng part 2 para sa iba pang kantang gusto ko i-share sa inyo. Isasama ko na rin yung mga Pinoy-Bato songs (Pinoy alternatib at hardcore underground) naman na kapatid na radio station ng NU 107 ang LA 105.9 Rock.
Araw na naman ng pahinga, oras na naman na magsasama ang kape, bolpen, at ang yellow pad paper na sinungkit ko noon sa supplies ng dati kong pinapasukan na trabaho. It's a perfect day to write when peace and quiet surrounds your room. Parang dolby digital ang katahimikan, suwabeng-suwabe para makapag-isip na naman ng mga bagay-bagay na puwede kong balikan at ikwento sa inyo mula sa nakaraan. Ewan ko ba bigla na lang papasukin ng bulateng madaldal pa kay Kris Aquino ang isipan ko para magsulat ng kung anu-anong kalokohan para lamang mabigyan ng konting ngiti sa mga labi ang aking mga invisible readers. Game!
Noong kabataan nyo, mahilig ba kayong manapak? este mamapak?
"Papak" isang terminolohiyang Pilipino at puwede ring salitang kanto na ang ibig sabihin ay sumimpleng pagkurot at pagtikim ng isang bagong lutong pagkain (on the spot kapag nakatalikod si Nanay). Karaniwan ang papak hanggang tatlo o dalawa lang eh pero kapag nasarapan ka na talaga dumadaming beses na at kapag nahuli ka ng ermats mo ay malamang sapak ang iyong abutin. Puwede rin naman hindi ulam, puwedeng mga simpleng bagay lang pero gusto mo itong balik-balikan para papakin.
Na-miss ko ang pagpapak ng kung ano-ano e. Nakakaubos kasi ito ng boring na oras pero masaya naman ang tiyan ko. Puwede ako matae maya-maya pero hindi ko muna iisipin yun. Kung matae man ako bigla pipigilin ko muna (refer to the blogpost "Jerbaks) dahil ang sarap pa rin namnamin ng Sustagen Powder na nanunuot sa dila at lalamunan ko.
Hindi mawawa sa ating mga bata dati ang gawaing ito. Isa ito sa mga habits ng mga chikiting kung hindi sila naglalaro ng tumbang preso o chinese garter o di kaya'y nanonood ng TV sa hapon. Nakatambay ang mga yan sa kusina at nag-iimbak ng mga pagkaing puwede nilang papakin sa loob ng isang oras, o hanggang sa magsawa ang kanilang mga tiyan sa kaka-digest ng mga pagkain. Tempting kasi ang lasa. Siguro naisip ng mga magulang natin noon na kung bakit hindi na lang yung mga nakahaing pagkain sa mesa ang ating papakin baka natuwa pa sila. Pero ako, ayaw ko pumapak ng inihaw na ampalaya sa hapon o di kaya ay papakin ang tinapang dalawang araw nang pinagnanasaan ni Miyaw at nakatakip pa rin duon sa lamesa.
Anu-ano nga ba ang madalas nating papakin noong araw? Eto baka makarelate ka tropa:
Asukal
Masarap, malasa at madaling hanapin. Sino ba namang bata ang hindi nagpapak niyan? Kadalasan, bago lagyan ng tubig ang tinitimplang juice o Milo e sisimple muna ng dalawa o tatlong kutsaritang asukal para kainin. Tapos maya-maya eh mapaparami na ng kuha, hanggang sa tamarin nang tapusin ang pagtitimpla. At kapag nakita ka ni Nanay, tangina malas mo lang kung hindi ka tamaan ng kutos niya, kaya daw pala nagtataka siya sa tuwing nagtitimpla ng kape at magugulat na lang siya na ubos na ang asukal. "Lekat kang bata ka kaya pala unti-unting nauubos ang asukal!"
Ovaltine at Milo
Eto meron naman akong pahintulot para papakin ito siyempre bata eh, nakkaugalian na rin kasi papakin ito ng mga bata. Pero kung pagpipilian ang dalawa mas una kong hinahagilap ang Ovaltine sa grocery at itatapon ko dun sa basket ni Nanay kasi mas masarap ito at malalaki ang granules at mas maganda ang pagkakulay brown.
Cerelac
Ito ang isa sa mga pinag-aawayan namin ng nakakabata kong kapatid. Tuwing naghahanda si Nanay niyan e kinakalahati ko na bago mapunta sa kapatid ko. Ang sarap e! Nakakamis ang lasa... at bukas suweldo, ma-try ngang makabili bukas ng Cerelac na yan.
Leche Flan
Puta lalo na pag Pasko ang sarap pumapak nito. Habang nakalagay pa lang sa llanera at kapag naihain na sa lamesa siguradong bawas na yan at naka landing na ang kutsara ko sa leche flan. Lalo na yung pinaka ilalim putek talaga yun ang the best part na papakin dun yung sinunog na asukal! Heaven! Wala akong pakealam kung sobrang tamis ka at masisira ang ngipin ko. Ang importante makain kita!
Halo
Ito naman yung time na medyo nagiging mad scientist ako pagdating sa papakan. Masarap mag eksperimento ng kung anong puwedeng pagsamahin para papakin. "Ilang porsiyento ng Milo? ng Ovaltine at ng Sustagen? Ay, sandali baka puwedeng lagyan ng konting Tang. Ayy teka Birch tree na lang! Siguro puwede ko rin lagyan ng konting tubig para mag-iba ang texture!" Success ang eksperimento at rekta sa banyo pagkatapos mapapak ang halo-halong powder.
Wala talagang pinipiling oras ang pagpapak. Puwedeng pagka-gising pa lang, habang nanonood ng TV, bago kumain ng tanghalian, pagatapos kumain ng tanghalian o kahit ano pang oras yan. Kahit midnight snack este midnight papak, sneak sneak lang sa kusina. Ang da best talaga papakin eh ang kombinasyon ng Ovaltine, gatas powdered at asukal. Paghahaluin mo lang yan sa isang maliit na mangkok at solb-solb ka na.
Mayroon rin namang ulam na mahilig naming papakin. At alam kong lahat kayo pinapak nyo rin 'to imposibleng hindi. Ito ang hotdog. Pagkalagay pa lang sa mesa ng Nanay ko e naka-abang na ang mga tinidor naming mag-uutol. Medyo pumapayag naman si ermats kong pumapak kami ng hotdog kasi totong pagkain naman yun pero siyempre hindi pa rin puwedeng ubusin lahat at kailangang magtira para sa kanin mo.
At sana ay nasiyahan kayo sa konting pagbabalik-tanaw ng ating mga gawain nuong ating kamusmusan. E ngayon hindi ko pa rin talaga mapigilan ang pumapak lalo na kung masarap ang tanghalian o di kaya'y hapunan! Magandang gabi at eto na pala nagluluto na si Ermats ng malinamnam na longganisa (alam na).........