Lunes, Nobyembre 24, 2014

Superhero



'Minsan ninais ko  ring maging Superhero.'
Minsan pumapasok sa isipan ko. Ano kaya kung ako ay isang Superhero? Tagapagligtas ng naaapi.

Pero siyempre daydreaming lang. Ito ang kagaguhang ginagawa ko kapag yung tipong naka nganga sa harapan ng aming bintana at walang magawa. Ang pag tripan ang sarili na ako'y isang ekstra ordinaryong nilalang na isinilang na maraming superpowers.

Wala eh. Napaka ordinaryo ng layp ko wala man lang excitement, parang halaman kung saan kapag dumaplos lang ang hangin tsaka gagalaw. Kung hindi ako nakatunganga sa kawalan, malimit binibilang ko ang kalyo sa aking kamay o di kaya'y kinakagat ko ang aking kuko. Kaya naisip ko ang lakas ko siguro kung meron akong kakaibang lakas bukod sa mga Red Bull, Sting at Cobra na wala naman silbi at hahayaan ka lang magising sa isang buong araw. Ang korni pota! Ang nais ko ay lakas na pagnanasaan at kaiingitan ng lahat.

Pero hindi e. Kapal lang ng mukha meron ako.

Pero ikaw tanungin mo sarili mo. Sino ba naman ang hindi nangangarap ng gising ngayon sa hirap ng buhay sa bayan ni Juan. Ang haba kaya ng pila sa mga Lotto stations. Kahit alam kong 4.5 million ang posibilidad na makuha ang winning combination, nakikipila na rin ako. Na kadalasan naman ay isang numero lang ang nakukuha ko. Sayang lang ang pinaghirapang sampung piso o kung minsan beinte. Pang text na din yun para makabilli ng bagong ring tone o di kaya mga picture messages dito sa 3210 Nokia phone ko.

Actually, hindi naman talaga ko nangangarap na mala Superman na powers, hindi bagay sa katawan kong parang care bears, wala kong six pack abs, ang mga hero meron daw mga abs. Ang nais ko lang ay mailigtas ang mga nakidnap ng mga terrorista sa mga bulubundukin ng Mindanao. Alam kong nahihirapan sila umebs sa bundok. Sana nabigyan man lang sila ng toilet paper ng mga halang na mga kaluluwang bandido. At ngayon ang iba ay malaya na. Natuwa naman ako. Natuwa ako para sa mga taga Sulu. Sa laki ng nahuthot na pera mula sa mga kidnapping na ito, siguradong maganda ang ikot ng ekonomiya doon.

Gusto ko maging superhero na may kakayahang pasunurin sila sa mga mabubuting adhikain na gusto ko. 

Bilang superhero, gusto ko lang mapababa ang presyo ng well-milled rice. Yun kasi ang palaging binibili ko kasi buo yung butil ng kanin kapag sakto ang pagkakasaing. At ang totoo niyan, wala akong access card para sa NFA rice.

Gusto ko lang talagang mapababa ang presyo ng gasolina. Kasi marami na ngayon ang nagcocommute para makatipid at hindi na ginagamit ang kanilang sasakyan. Kapag nagtuloy tuloy ang pag-akyat ng presyo ng langis sa world market, na hindi malayong mangyari, aba'y malamang hindi na nila gamitin ang kanilang mga sasakyan at kalawangin na ang mga ito. Sayang! Kung bakit kasi hindi pinapansin ang ating mga Filipino inventor na nakadiskubre na tubig ang gasolina. Ewan ko ba bakit hindi tiwala ang utak ni Juan sa utak ni Juan. Tangina talagang buhay yan, kung minsan nagagawan ng paraan patuloy naman silang nagrereject ng mga ideya at imbensyon. Pak u!

Gusto ko lang din mapababa ang presyo ng mga pagkain, mga pagkain na karaniwang kinakain ng pamilya ni Juan katulad ng itlog, sardinas, noodles at isama mo na rin ang kape at Lucky me pancit canton (kalamansi at chili mansi flavor). Yan lang naman at kuntento na ang tiyan para mapunan ang gutom sa pang-araw araw ng ating mga pamilya. Tila patuloy pa rin ang pagtaas? Nananadya na ba talaga sila? o gusto na talaga natin todasin ang mga mahihirap. Ayon mga sa linya ng isang kanta g Datu's Tribe "Let's fight poverty, Kill the poor." Saklap!

Pero meron pa akong pinaka gusto talaga, na gustong gusto ko talaga, ay ang magkaroon ng kakaibang laser vision. Para makita ko kayong lahat na hubad habang naglalakad. Para mapasok ko maging ang kukote ng mga masasamang tao at maisuplong kaagad ang maitim nilang mga binabalak. Para makita ko agad kung sino ang may dalang armas, patalim, ice pick, droga at higit sa lahat ang pinaka mapanganib.....condom.

Pero wala e. Wala talaga. Kapal lang talaga ng muka ang meron ako. Tsaka mga kalyo. At mga kukong hindi pantay ang pagkakakagat. Pahiram nga ng nail cutter, meron ba kayo?

Ganito lang talaga ko. Pasensiya na. Sorry na. Ipagpaumanhin mo na. Ako'y isang tao lang na nagpipilit magpaka-hero.

O isang hero na pilit nagpapaka gago ordinaryo.....



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento